Archive FAQ > Profile

Anong impormasyon ang nilalaman sa aking profile?

Bilang default, nililista ng profile mo ang iyong mga pseud, ang petsa kung kailan ka naging kasapi sa Archive of Our Own - AO3 (Aming Sariling Sinupan), at iyong user ID. Kahit na wala nang iba pang impormasyon ang kinakailangan, maaari mong ilagay ang mga sumusunod:

Title (Pamagat)
Ito ay kung anumang nais mong ipangalan sa iyong profile. Maaaring ito ay iyong pangalang panlagda o isang sipi.
Location (Lokasyon)
Maaari mong ilagay kung saan ka naninirahan sa kasalukuyan, o isang pagkilala sa fandom tulad ng "Hogwarts" o "Sa loob ng isang Pokeball," o iba pang nais mo.
Date of Birth (Petsa ng Kapanganakan)
Maaari mong ilagay ang eksaktong petsa ng iyong kapanganakan. Para lumabas nang tama ang impormasyong ito, dapat kang maglagay ng araw, buwan, at taon. Kung nais mong maglagay lamang ng bahagi ng iyong petsa ng kapanganakan, maaari mong ilagay na lang ang impormasyong iyon sa bahaging About Me (Tungkol sa Akin). Kung naglagay ka ng araw, buwan, at taon, at pinili mo ang "Show my date of birth to other people" (Ipakita ang petsa ng aking kapanganakan sa ibang tao) sa iyong Preferences (Mga Kagustuhan), lalabas ang petsa ng iyong kapanganakan sa iyong profile. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa Paano ko papalitan kung aling pampersonal na impormasyon ang nakalista sa aking profile?
Email Address
Bilang default, hindi makikita ang iyong email address sa iyong profile. Sa Preferences maaari mong piliin ang "Show my email address to other people" (Ipakita ang email address ko sa ibang mga tao) at ang email na iyong ginamit sa iyong account ay lalabas sa iyong profile. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa Paano ko papalitan kung aling impormasyon ang nakalista sa aking profile? at Paano ko papalitan ang email na nakakabit sa aking account?
About Me (Tungkol sa Akin)
Maaari kang maglagay ng maikling tala tungkol sa iyong sarili. Maaari kang maglagay ng impormasyon katulad ng iyong pronouns, aling mga fandom ka kasapi, ang patakaran mo tungkol sa mga remix, pagsasalin, at mga podfic ng iyong katha, o kung saan ka matatagpuan online. Ang iyong Tungkol Sa Akin ay kayang maglaman ng hanggang sa 2,000 na letra at simbolo, kabilang ang limitadong HTML formatting. Sumangguni sa HTML sa AO3 upang alamin pa ang tungkol sa mga HTML formatting na maaaring gawin sa AO3.

Mangyaring tandaan lamang na ang iyong profile ay napapasailalim pa rin sa Palatuntunan ng Serbisyo na kapareho ng buong site. Maging maalam kung alin ang pinapayagan at hindi sa AO3. Sumangguni sa Palatuntunan ng Serbisyo and Kadalasang Katanungan tungkol sa Palatuntunan ng Serbisyo para sa karagdagang impormasyon.

Paano ko mabubuksan ang aking profile?

Para mabuksan ang iyong profile:

  1. Lumagda papasok at tumungo sa iyong dashboard sa pamamagitan ng pagpili ng "Hi (Kamusta), [tagagamit]!" at pagpili ng "My Dashboard" mula sa menu, o sa pagpili ng imahe ng iyong profile.
  2. Piliin ang "Profile" mula sa menu na nasa gilid ng pahina o sa itaas ng mobile na aparato.
  3. Sa mga pindutan na nasa itaas ng iyong pahina ng profile, maaari kang:

Sa mga pindutan na nasa ibaba ng iyong profile, maaari ka ring:

Paano ko babaguhin ang aking profile?

To edit your profile:

  1. Lumagda at tumungo sa iyong dashboard sa pamamagitan ng pagpili ng pagbating "Hi(Kamusta!), [tagagamit]!" at piliin ang "My Dashboard" (Aking Dashboard) mula sa menu, o sa pagpindot sa imahe ng iyong profile.
  2. Piliin ang "Profile" mula sa menu na matatagpuan sa gilid ng pahina at sa itaas ng mobile na aparato.
  3. Piliin ang "Edit My Profile" (Baguhin ang Aking Profile) na makikita sa ibaba ng impormasyon tungol sa iyong profile.
  4. Baguhin ang alinmang nais mo gamit ang form na Edit My Profile, at pindutin ang "Update" (Baguhin) na button upang i-save ang mga pagbabagong ginawa.

Maaaring sumangguni sa Anu-anong mga impormasyon ang nilalaman ng aking profile? para sa karagdagang detalye sa mga maaari mong ilagay sa iyong profile.

Sa mga button na nasa itaas ng form na Edit My Profile, maaari mo ring:

Para sa impormasyon tungkol sa pseuds, maaaring sumangguni lamang sa Kadalasang Katanungan Tungkol sa Pseuds. Para sa impormasyon kung paano mo papalitan ang iyong username, password, or email address, sumangguni sa Kadalasang Katanungan Tungkol sa Account.

Paano ko buburahin ang aking account?

Lahat ng may account sa Archive of Our Own - AO3 (Aming Sariling Sinupan) ay awtomatikong may profile. Maaari mong burahin ang opsyonal na impormasyon sa iyong profile sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong profile. Sumangguni saAnu-anong impormasyong ang nilalaman ng aking profile? para malaman kung anong mga opsyonal na impromasyon ang maaaring mailagay sa iyong profile, at Paano ko babaguhin ang aking profile? kung paano mabago ang opsyonal na impormasyon na iyon.

Kung nais mong tuluyang magtanggal ng pseud, sumangguni saPaano ako magbubura ng isang pseud?

Kung ayaw mo nang magkaroon ng account sa AO3, maaring sumangguni sa Paano ko buburahin ang akng account?

Paano ko mabubuksan ang profile ng iba?

Upang ma-akses ang profile ng isang tagagamit:

  1. Piliin ang kanilang pseud saan man ito makikita, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, tabi ng isang katha buod, sa ilalim ng pamagat ng katha sa pahina ng katha, sa isang komento, sa listahan ng kudos, o sa resulta ng paghahanap habang naghahanap ng mga tagagamit sa site. Dadalhin ka nito sa dashboard ng tagagamit.
  2. Piliin ang "Profile" mula sa menu na matatagpuan sa gilid ng pahina o sa itaas kung gamit ay mobile na aparato.

Sino ang maaaring makapagbukas ng impormasyon sa aking profile?

Ang sinuman ay may kakayahang mag-akses ng impormasyong nais mong ilagay sa iyong profile, mayroon man silang account sa Archive of our Own - AO3 (Aming Sariling Sinupan) o wala. Gayunpaman, ang kabilang lang bilang default ay tanging ang iyong pseuds, ang petsa ng iyong pagsapi sa AO3, at ang iyong user ID. Alin pa mang karagdagang impormasyon ay magpapakita sa iyong profile kung pipiliin mo itong magpakita. Sumangguni sa Anu-anong impormasyon ang nilalaman ng akong profile?para sa karagdagang impormasyon sa iyong mga opsyon.

Ano ang isang icon?

Ang icon ay isang 100 by 100 pixel image na kumakatawan sa iyo sa Archive of Our Own - AO3 (Aming Sariling Sinupan). Lumalabas ito sa mga pahina ng iyong dashboard , Profile, at Pseuds, pahina ng resulta ng paghahanap kung naghahanap ng mga tagagamit sa site, at katabi ng anumang komentong iyong iiwan. Maaaring magkaroon ng kakabit na alt text ang mga icon, na siyang magbibigay ng tekstong alternatibo kung hindi lumabas ang imahe o may isang tagagamit na gumamit ng mga kagamitang pang-aksesibilidad upang buksan ang AO3.

Ilang icon ang maaari akong magkaroon?

Maaari kang mag-upload ng isang icon para sa bawat pseud na mayroon ka. Sumangguni sa Paano ako magdadagdag or magpapalit ng icon? para sa mga panuto paano ito gawin.

Anu-ano ang mga itinakdang limitasyon sa mga icon?

There are a few restrictions you should bear in mind when uploading icons.

Sukat:
Ang mga icon ay dapat may sukat na 100 by 100 pixels. Maaari ring mag-upload ng mas malaki o mas maliit na imahe, ngunit tandaan na ang mga ito ay paliliitin o palalakihin upang maging 100 by 100. Ang mga imaheng hindi parisukat ay magiging baluktot
Laki:
Ang laki ng icon file ay hindi dapat hihigit sa 512 kb.
Format:
Ang mga imahe ay dapat nasa jpeg, png, or gif na pormat.
Nilalaman:
Nakasaad sa aming Palatuntunan ng Serbisyo na "ang mga icon ay nararapat para sa pangkalahatang madla. Hindi dapat ito maglaman ng pagpapakita ng ari, kahubaran o tahasang sekswal na gawain." Sumangguni sa seksyon tungkol sa User Icon sa Palatuntunan ng Aming Serbisyo at Kadalasang Katanungan tungkol sa aming Palatuntunan ng aming Serbisyo.
Bilang:
Maaari kang magdagdag ng isang icon bawat pseud. Sumangguni sa Karagadagang Katanungan tungkol sa Pseuds para sa karagdagang impormasyon sa pseud at kung paano magdagdag nito o baguhin.
Kopirayt:
Ang mga icon ay napapasailalim sa ating patakaran patungkol sa kopirayt. Sumangguni sa seksyon ukol saKopirayt at Tatak-pangkalakal sa ating Palatuntunan ng Ating Serbisyo para sa karagdagang impormasyon.

Paano ako magpapalit o magdadagdag ng icon?

Para magdagdag o magpalit ng icon para sa alinmang pseud, maaari kang mag-upload ng panibagong imahe mula sa iyong aparato:

  1. Lumagda at tumungo sa iyong dashboard sa pamamagitan ng pagpili ng pagbating "Hi (Kamusta), [tagagamit]!" at pagpili ng "My Dashboard" (Aking Dashboard) mula sa menu, o sa pamamagitang ng pagpindot ng imahe ng iyong profile.
  2. Piliin ang "Profile" mula sa menu na nasa gilid ng pahina o sa itaas kung nasa mobile na aparato.
  3. Piliin ang "Manage My Pseuds" (Pamahalaan ang Aking Mga Pseud) na nasa ibaba ng impormasyon tungkol sa iyon profile.
  4. Hanapin ang pseud na gusto mong mag-upload ng icon at piliin ang "Edit" (Baguhin) na pindutan. Tumungo sa Paano ako magdaragdag ng panibagong pseud? kung nais mo ng tulong gumawa ng pseud.
  5. Piliin ang pindutang na katabi ng pamagat na "Upload a new icon" (Mag-upload ng panibagong icon). Maaaring ito ay "Browse" , "Choose File" (Mamili ng File), o iba pa, depende sa gamit mong browser.
  6. Hanapin ang gustong icon at piliin ito. Tandaan na ang imahe ay dapat na nasa iyong aparato; hindi mo ito maaaring i-upload o maglagay ng kawing patungo sa icon na nakalagay sa ibang lugar.
  7. Maaari ring magdagdag ng paglalarawan sa puwang na "Icon alt text:" (Tekstong alternatibo sa imahe). Ang alt text ay upang makapaglagay ng tekstong alternatibo kung hindi lumabas ang imahe o kung may tatanaw na gumagamit ng accessibility tools para tignan ang iyong profile. Ang icon alt text ay limitado lamang sa 250 na letra. Maaari lamang na huwag gamitin ang alt text para bigyan ng pagpupugay ang gumawa ng imahe dahil ang mga tagagamit ay makakakita lamang ng alt text o ang icon, ngunit hindi ang pareho nang sabay.
  8. Maaari ring magdagdag ng pagkilala o iba pang komento sa puwang na "Icon comment text" (Tekstong komento tungkol sa imahe), hanggang sa 50 na letra. Sa kasalukuyan, alinmang ilagay sa puwang ay hindi lumalabas sa site
  9. Piliin ang "Update" sa ibaba ng form.
  10. Dapat ay lumabas na ang bagong umahe katabi ng iyong pseud, at lalabas ang mensahe ng kumpirmasyon na "Pseud was successfully updated" (Tagumpay na nabago ang Pseud).

Sumangguni sa Ano-ano ang mga limitasyong itinakda para sa mga icon ? para sa impormasyon tungkol sa kung ano ang mga maaari o di maaaring i-upload.

Paano ko buburahin ang icon ko?

Para burahin ang mga icon para sa iyong pseud:

  1. Lumagda at pumunta sa iyong dashboard sa pamamagitan ng pagpili ng "Hi (Kamusta), [tagagamit]!" at pagpili ng "My Dashboard" (Aking Dashboard) mula sa menu, or sa pagpindot ng iyong imahe sa profile.
  2. Piliin ang "Profile" mula sa menu sa gilid ng pahina o sa itaas kung gamit ay mobile na aparato.
  3. Piliin ang "Manage My Pseuds" (Pamahalaan ang Aking mga Pseud) sa ibaba ng pahina.
  4. Hanapin ang pseud ng icon na nais mong burahin at piliin ang "Edit" (Baguhin).
  5. Pumunta sa puwang para sa "Icon" at piliin ang "Delete your icon and revert to our default" (Burahin ang icon mo at bumalik sa aming default).
  6. Kung hindi ka sigurado, piliin ang "Update" (Baguhin) sa ibabang bahagi ng form.

Babalik ang icon mo sa aming default: isang kulay abong bersyon ng logo ng Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sinupan).

Kung di nasagot ang tanong ko rito, saan pa ako makakakuha ng karagdagang impormasyon?

Ang ilang mga kadalasang katanungan tungkol sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sinupan) ay nasagot sa ibang bahagi ng Kadalasang Katanungan tungkol sa AO3 at iba pang terminolohiyang tinukoy sa aming Talahuluganan. Ang mga Katanungan at kasagutan tungkol sa aming Palatuntunan ng Aming Serbisyo ay makikita saKadalasang Katanungan tungkol sa Palatuntunan ng Aming Serbisyo. Maaari mo ring tingnan ang aming mga Kilalang mga Isyu. Kung kailangan mo ng tulong, maaaring magsumite ng hiling para sa Tulong.