Ano ang isang Suskrisyon at ano ang sinusubaybayan nito?
Isang paraan ang suskrisyon upang subaybayan ang bagong nilalaman na ipinaskil sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Maaari mong gamitin ang mga suskrisyon upang subaybayan ang mga pagbabago para sa mga indibidwal na tagagamit, indibidwal na mga katha, at serye. Kapag naka-subscribe ka sa isang tagagamit, makakatanggap ka ng mga abiso sa email na naglalaman ng mga kawing para sa mga bagong katha o kabanata na kanilang ipinaskil. Kapag nag-subscribe ka sa isang indibidwal na katha o serye, makakatanggap ka ng mga abiso sa email na naglalaman ng mga kawing para sa mga bagong kabanata o iba pang mga bahagi ng katha o seryeng ito. Patuloy naming pinapainam ang katangiang ito.
Paano ko mapapamahalaan ang aking mga suskrisyon?
Kapag nakalagda ka, piliin ang pagbating "Hi, [panlagda]!" at piliin ang "My Subscriptions" (Aking Mga Suskrisyon) mula sa menu ng nabigasyon. Kung nasa iyong Dashboard ka, maaari mo rin itong mabuksan sa pamamagitan ng pagpili sa "Subscriptions" (Mga Suskrisyon) sa menu ng nabigasyon na nasa kaliwa ng kasalukuyang anyo ng site o sa itaas ng mga mobile browser. Sa iyong pahina ng Suskrisyon makakahanap ka ng isang listahan ng mga tagagamit at mga katha kung saan naka-subscribe ka. Ipinapakita ang bawat katha o serye bilang isang kawing na magdadala sa iyo sa pahina ng katha. Ipinapakita ang bawat tagagamit bilang isang kawing na magdadala sa iyo sa kanilang Dashboard. Maaari ka ring mag-unsubscribe mula sa mga tagagamit, mga katha o serye sa pahinang ito sa pamamagitan ng pagpili sa buton ng "Unsubscribe" sa tabi ng bawat tala.
Mayroong isang sistema ng pag-uuri na pahihintulutan kang limitahan ang iyong listahan sa "Series Subscriptions" (Mga Suskrisyon sa Serye), "User Subscriptions" (Mga Suskrisyon sa Tagagamit) o "Work Subscriptions" (Mga Suskrisyon sa Katha), upang mas madali mong mahanap kung ano ang nais mo. Ang mga buton para sa pagsala ng mga suskrisyon ay matatagpuan sa itaas ng pahina ng Aking Mga Suskrisyon sa kasalukuyang anyo ng site.
Paano ako magsu-subscribe sa, o magu-unsubscribe mula sa, isang tagagamit?
Magsu-subscribe ka sa isang tagagamit mula sa kanilang dashboard (http://archiveofourown.org/users/panlagda). Piliin ang buton ng "Subscribe" (Mag-subscribe) upang magsimulang makatanggap ng mga email kapag nagpaskil ng bagong kabanata o katha ang tagagamit na ito. Papayagan ka nitong makatanggap ng mga abiso sa email kahit na alin pang sagisag-panulat ang ginamit ng tagagamit sa pagpaskil ng isang katha. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano gumagana ang mga sagisag-panulat, tingnan ang Ano ang isang sagisag-panulat?
Kapag naka-subscribe ka sa isang tagagamit, magpapakita ang kanilang pahina ng dashboard ng isang buton ng "Unsubscribe" (Mag-unsubscribe) malapit sa itaas ng pahina. Piliin ito upang mag-unsubscribe at tigilan ang pagtanggap ng mga email. Maaari ka ring mag-unsubscribe mula sa mga tagagamit sa pahina ng My Subscriptions (Aking Mga Suskrisyon) sa pamamagitan ng pagpili sa "Unsubscribe from [panlagda]" (Mag-unsubscribe mula kay [panlagda]). Makikita rin ang isang kawing upang mag-unsubscribe sa ibaba ng lahat ng mga email ng suskrisyon.
Para sa karagdagang impormasyon sa pamamahala ng iyong mga suskrisyon, mangyaring tingnan ang Paano ko mapapamahalaan ang aking mga suskrisyon?
Paano ako magsu-subscribe sa, o magu-unsubscribe mula sa, isang katha o serye?
Pumunta sa pahina ng katha o serye na nais mong mag-subscribe at piliin ang buton ng "Subscribe" (Mag-subscribe) malapit sa itaas ng pahina upang simulang makatanggap ng mga email kapag may bagong kabanata o bahaging ipinaskil.
Kapag naka-subscribe ka sa isang katha o serye, magiging buton ng "Unsubscribe" (Mag-unsubscribe) ang buton ng "Subscribe" (Mag-subscribe) na malapit sa itaas ng pahina. Piliin ito upang mag-unsubscribe at matigil ang pagtanggap ng mga email. Maaari ka ring mag-unsubscribe sa pahina ng My Subscriptions (Aking Mga Suskrisyon) sa pamamagitan ng pagpili sa "Unsubscribe from [work title]" (Mag-unsubscribe mula sa [pamagat ng katha]). Makikita rin ang isang kawing upang mag-unsubscribe sa ibaba ng lahat ng mga email ng suskrisyon.
Para sa karagdagang impormasyon sa pamamahala ng iyong mga suskrisyon, mangyaring tingnan ang Paano ko mapapamahalaan ang aking mga suskrisyon?
Maaari ba akong mag-subscribe sa mga Koleksyon o mga Hamon?
Hindi sa kasalukuyan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga koleksyon, tingnan ang FAQ ng mga Koleksyon
Maaari ko bang subaybayan ang mga suskrisyon nang hindi nakakakuha ng mga email?
Sa kasalukuyan isang serbisyong email lamang ang mga suskrisyon.
Upang matutuhan ang tungkol sa iba pang mga paraan na maaari kang maglibang at masubaybayan ang mga katha sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) - tingnan ang FAQ ng Paghahanap at Pagtitingin, ang FAQ ng Pagbubukas ng mga Fanwork, ang FAQ ng mga Palatandaan, ang FAQ ng Kasaysayan at Markahan para Mamaya, at angFAQ ng mga Download.
Paano ipinapadala ang mga abiso sa email para sa mga suskrisyon?
Magkakasamang ipadadala ang mga abiso sa email sa bawat takdang panahon. Kung may pagbabago ang isang katha, serye o tagagamit kung saan naka-subscribe ka sa panahong iyon, makatatanggap ka ng isang email na naglalaman ng isang kawing sa mga pagbabago. Kung ang isang katha, serye o tagagamit kung saan ka naka-subscribe ay nagkaroon ng marami at mabilis na pagbabago, makatatanggap ka ng isang email na naglalaman ng mga kawing para sa lahat ng pagbabago.
Mangyaring tandaan na maaaring salain ng ilang mga sistema ng email ang mga email ng suskrisyon sa spam folder. Magmumula ang lahat ng mga email ng suskrisyon sa [email protected] at maaari mong i-whitelist ang address na ito upang maiwasan ang pagkawala ng mga email. Mangyaring sumangguni sa mga help file ng iyong email provider upang maunawaan kung paano mag-whitelist ng isang address.
Para sa karagdagang impormasyon sa kung paano mag-subscribe sa isang tagagamit, mangyaring pumunta sa Paano ako magsu-subscribe sa, o magu-unsubscribe mula sa, isang tagagamit?
Para sa karagdagang impormasyon sa kung paano mag-subscribe sa isang katha o serye, mangyaring pumunta sa Paano ako magsu-subscribe sa, o magu-unsubscribe mula sa, isang katha o serye?
Ano ang isang feed at ano ang sinusubaybayan nito?
Isang paraan ang feed upang makagawa ng iyong sariling "pahina ng balita" na mangongolekta ng mga pagbabago mula sa iba't ibang mga tag tungo sa isang lugar. Maaari kang gumamit ng feed upang mag-subscribe sa mga pinaka-canonical na tag, kabilang na ang mga metatag, mga tag ng relasyon, at mga tag ng karakter, ngunit hindi sa mga karagdagang tag. Makukuha mo ang lahat ng mga kathang konektado sa tag sa iyong feed sapagkat kinokolekta ng canonical tag ang lahat ng mga kasingkahulugan ng tag—halimbawa, ang kasingkahulugan #SPN tag at ang canonical na Supernatural tag—nang magkasama. Gayunpaman, kung may pagbabago at hindi na minarkahan bilang canonical ang tag kung saan ka naka-subscribe, gagana pa rin ang iyong feed, ngunit hindi na mangongolekta ang tag ng mga kasingkahulugang tag nang magkasama. Magbabago lamang ang feed kapag sa unang pagpaskil ng katha; hindi ito magbibigay ng mga abiso para sa mga kathang binago ng manlilikha. Maaaring kolektahin ang isang feed sa alinmang nakatalagang feed reader para sa personal na paggamit, o maaaring ma-ipaskil sa mga site katulad ng Livejournal, Dreamwidth, at Tumblr, na maaaring sundan ng kung sinuman. Hindi ka direktang makatatanggap ng mga abiso sa email mula sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) para sa anumang tag.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa (mga) canonical tag, sumangguni sa Paano gumagana ang mga canonical tag?
Paano ako maglalagay ng isang feed reader?
May karaniwan at magkaugnay na mga feed reader ang ilang mga browser na maaaring mabuksan mula mismo sa menu ng browser. Maaaring gumamit ng mga add-on feed reader ang karamihan sa mga browser bilang isang alternatibo sa mga karaniwang katangian, ngunit kailangan ng ilang mga browser ang mga add-on, o mga extension, upang magamit ang mga feed. Mayroon ding mga online feed reader at mga app feed reader na hindi nauugnay sa anumang browser. Kadalasang naaayon ang pagpili ng isang feed reader sa personal na kagustuhan. Ang pagsuporta ng feed reader sa anyo ng Atom feed ang tanging kinakailangan upang mabuksan ang mga feed ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Mangyaring tandaan na magkakaiba ang paggana ng lahat ng mga feed reader. Maaari kang matulungan ng mga help file ng iyong feed reader sa anumang problemang mayroon ka sa pagsisimula.
Kapag nakapili at naka-download o nagawa mo nang aktibo ang isang feed reader na gusto mong gamitin, kailangan mo lang mag-subscribe sa tag(s) na iyong pinili. Sumangguni sa Paano ako magsu-subscribe sa, o magu-unsubscribe mula sa isang feed?
Mangyaring tandaan na hindi kontrolado ng AO3 kung paano pinipiling lagyan ng mga tagagamit ng tag ang kanilang mga katha, at lalabas sa iyong feed ang anumang kathang konektado sa tag.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa canonical tag(s), sumangguni sa tanong na Paano gumagana ang mga canonical tag? sa FAQ ng mga Tag.
Paano ako magsu-subscribe sa, o magu-unsubscribe mula sa isang feed?
Upang magdagdag ng isang suskrisyon sa iyong feed reader, pumili lamang ng isang tag—halimbawa, ang tag ng Naruto fandom—pagkatapos, piliin ang buton ng "RSS Feed", na matatagpuan sa kanang itaas ng pahina ng tag sa kasalukuyang anyo. Para sa mga feed reader na nauugnay sa browser, piliin mo lang ang buton ng "RSS Feed" sa pahina ng tag at uudyukan kang mag-subscribe. Sa mga online feed reader, maaaring kinakailangang kopyahin ang URL ng feed sa isang "magdagdag ng feed" na search box sa iyong feed reader. Ibibigay ang URL ng feed sa pahina na magbubukas kapag pipiliin mo ang buton ng "RSS Feed".
Kung sa palagay mo'y nais mong gumamit ng isang feed reader ngunit kailangan mo ng karagdagang impormasyon, mangyaring pumunta sa Paano ako maglalagay ng isang feed reader?
Upang mag-subscribe sa isang syndicated feed sa isa pang website, tulad ng LiveJournal, Dreamwidth, or Tumblr, kakailanganin mong maghanap ng feed na interesado ka, tapos sundan o mag-subscribe sa blog o journal. Kapwa may mga help fileang LiveJournal at Dreamwidth tungkol sa mga feed, at pareho silang may madaling mga pagpipilian para sa paghahanap ng mga umiiral na mga feed. Sa Tumblr maghanap lamang ng isang umiiral na feed blog na interesado ka, tapos sundan ang blog at makukuha mo sa iyong Dashboard sa Tumblr ang lahat ng mga katha sa tag na iyon.
Kailangang gawin mula sa iyong feed reader o sa site na ginamit mo ang pag-unsubscribe mula sa isang feed. Sumangguni sa mga help file ng iyong feed reader o ng site na ginamit mo upang malaman kung paano ito gawin.
Mangyaring tandaan na nilikha ng tagagamit ang mga syndication at nakalagay ang mga ito sa ibang mga site. Hindi sila pinamamahalaan o sinasala ng anumang pangkat ng Archive of our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Hindi rin kontrolado ng AO3 kung paano pinipiling lagyan ng mga tagagamit ng tag ang kanilang mga katha at lalabas sa iyong feed ang anumang mga kathang konektado sa tag.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga feed at syndication sa LiveJournal, Dreamwidth, Tumblr o sa anumang site na iyong napili, mangyaring sumangguni sa kanilang mga help file.
Paano ako maglalagay ng isang syndicated feed kung walang isa para sa aking fandom?
Kung hinanap mo na ang site na gusto mong gamitin at walang syndicated feed para sa tag saan gusto mong mag-subscribe, maaari kang gumawa ng isa. Mangyaring sumangguni sa Paano ako magsu-subscribe sa, o magu-unsubscribe mula sa, isang feed? para sa mga tagubilin kung paano maghanap ng mga feed. Maraming mga site na sumusuporta sa syndication, at magkakaroon ng iba't ibang pangangailangan o hakbang ang bawat site para sa syndication.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga feed at syndication sa LiveJournal, Dreamwidth, Tumblr o sa anumang site na iyong napili, mangyaring sumangguni sa kanilang mga help file.
Mangyaring tandaan na nilikha ng tagagamit ang mga syndication at nakalagay ang mga ito sa ibang mga site. Hindi sila pinamamahalaan o sinasala ng anumang pangkat ng Archive of our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Hindi rin kontrolado ng AO3 kung paano pinipiling lagyan ng mga tagagamit ng tag ang kanilang mga katha at lalabas sa iyong feed ang anumang mga kathang konektado sa tag.
Maaari ba akong mag-subscribe sa o gumawa ng isang feed gamit ang mga metatag?
Oo. Mangyaring tandaan, kapag nag-subscribe sa isang metatag na may kasamang maraming subtag, makakatanggap ka ng mga abiso para sa lahat ng mga tag na kaugnay ng metatag. Halimbawa, kabilang sa pag-subscribe sa tag ng Marvel fandom ang Captain America (Mga Pelikula), X-Men: First Class (2011), Marvel 616, Iron Man (Komiks), at iba pang mga tag na naka-ugnay sa metatag.
Mangyaring sumangguni sa Paano ako magsu-subscribe sa, o magu-unsubscribe mula sa, isang feed? para sa mga tagubilin kung paano mag-subscribe sa mga feed. O sumangguni sa Paano ako maglalagay ng isang syndicated feed kung walang isa para sa aking fandom?para sa mga tagubilin kung paano gumawa ng mga feed.
Mangyaring tandaan na nilikha ng tagagamit ang mga syndication at nakalagay ang mga ito sa ibang mga site. Hindi sila pinamamahalaan o sinasala ng anumang pangkat ng Archive of our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Hindi rin kontrolado ng AO3 kung paano pinipiling lagyan ng mga tagagamit ng tag ang kanilang mga katha at lalabas sa iyong feed ang anumang mga kathang konektado sa tag.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga metatag, sumangguni sa Metatag.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga tag, maaari mong tingnan ang Tsutoryal: Mga Tag sa AO3.
Maaari ba akong mag-subscribe sa o gumawa ng isang feed gamit ang mga tag ng relasyon?
Oo. Gagana ang feed na ito kagaya ng iba at maglalaman ito ng lahat ng mga kathang konektado sa tag ng relasyon at ang lahat ng mga pagkakaibang naka-ugnay sa tag ng relasyon.
Mangyaring sumangguni sa Paano ako magsu-subscribe sa, o magu-unsubscribe mula sa, isang feed? para sa mga tagubilin kung paano mag-subscribe sa mga feed. O sumangguni sa Paano ako maglalagay ng isang syndicated feed kung walang isa para sa aking fandom?para sa mga tagubilin kung paano gumawa ng mga feed.
Mangyaring tandaan na nilikha ng tagagamit ang mga syndication at nakalagay ang mga ito sa ibang mga site. Hindi sila pinamamahalaan o sinasala ng anumang pangkat ng Archive of our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Hindi rin kontrolado ng AO3 kung paano pinipiling lagyan ng mga tagagamit ng tag ang kanilang mga katha at lalabas sa iyong feed ang anumang mga kathang konektado sa tag.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga tag, maaari mong tingnan ang Tsutoryal: Mga Tag sa AO3.
Maaari ba akong mag-subscribe sa o gumawa ng isang feed gamit ang mga tag ng karakter?
Oo. Gagana ang feed na ito kagaya ng iba at maglalaman ito ng lahat ng mga kathang konektado sa tag ng karakter at lahat ng mga pagkakaibang naka-ugnay sa tag ng karakter.
Mangyaring sumangguni sa Paano ako magsu-subscribe sa, o magu-unsubscribe mula sa, isang feed? para sa mga tagubilin kung paano mag-subscribe sa mga feed. O sumangguni sa Paano ako maglalagay ng isang syndicated feed kung walang isa para sa aking fandom?para sa mga tagubilin kung paano gumawa ng mga feed.
Mangyaring tandaan na nilikha ng tagagamit ang mga syndication at nakalagay ang mga ito sa iban mga site. Hindi sila pinamamahalaan o sinasala ng anumang pangkat ng Archive of our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Hindi rin kontrolado ng AO3 kung paano pipinipiling lagyan ng mga tagagamit ng tag ang kanilang mga katha at lalabas sa iyong feed ang anumang mga kathang konektado sa tag.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga tag, maaari mong tingnan ang Tsutoryal: Mga Tag sa AO3.
Maaari ba akong mag-subscribe sa o gumawa ng isang feed gamit ang mga karagdagang tag?
Hindi, hindi posibleng mag-subscribe sa o gumawa ng isang feed para sa mga karagdagang tag, na kilala rin bilang mga freeform tag, na mahahanap mo sa Archive of our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan).
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga tag, maaari mong tingnan ang Tsutoryal: Mga Tag sa AO3.
Maaari ba akong mag-subscribe sa o gumawa ng sinalang feed?
Hindi. Halimbawa, hindi posibleng gumawa ng isang feed na mangongolekta lamang ng mga kathang naka-tag na Spock/Nyota Uhura na nakatakda sa fandom tag ng Star Trek: Alternate Original Series (Mga Pelikula). Makukuha mo sa iyong feed ang lahat ng mga kathang naka-tag gamit ang tag ng relasyon na "Spock/Nyota Uhura," at anumang mga pagkakaibang naka-ugnay sa tag ng relasyon na ito. Kahit na piliin mo ang "RSS Feed" sa isang pahinang may mga sinalang na resulta para sa iyong napiling tag, makukuha mo pa rin ang lahat ng mga kathang kabilang sa, at konektado sa, tag.
Mangyaring sumangguni sa Paano ako magsu-subscribe sa, o magu-unsubscribe mula sa, isang feed? para sa mga tagubilin kung paano mag-subscribe sa mga feed. O sumangguni sa Paano ako maglalagay ng isang syndicated feed kung walang isa para sa aking fandom?para sa mga tagubilin kung paano gumawa ng mga feed.
Makakakuha ba ako ng mga email o abiso sa feed para sa mga kathang hindi inilahad o anonimo?
Mga kathang ipinaskil ngunit nakatago ang mga kathang hindi inilahad. Kung naka-subscribe ka sa isang tagagamit na nagpaskil ng kathang hindi inilahad, hindi ka makakatanggap ng abiso sa suskrisyon hanggang mailahad ito. Maaaring hindi makita sa mga feed ang mga dating hindi inilahad na katha kahit pa inilahad na sila, dahil lumipas na ang petsa ng pagpaskil.
Mga kathang ipinaskil na may byline na 'by Anonymous', at nakatago ang panlagda ng manlilikha, ang mga anonimong katha. Kung naka-subscribe ka sa isang tagagamit na nagpaskil ng anonimong katha, hindi ka makakatanggap ng abiso sa suskrisyon, maliban na lang kung hindi na nila ito gagawing anonimo. Gayunpaman, lalabas sa isang feed ang mga anonimong katha, na may manlilikhang "Anonymous".
Mangyaring sumangguni sa Paano ako magsu-subscribe sa, o magu-unsubscribe mula sa, isang tagagamit? para sa mga tagubilin kung paano mag-subscribe sa mga tagagamit.
Makakakuha ba ako ng mga email o abiso sa feed para sa mga pinaghihigpitang katha?
Mga kathang nababasa lamang ng mga tagagamit na nakalagda sa Archive of our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ang mga pinaghihigpitang katha. Ipapadala pa rin ang mga abiso sa email para sa mga pinaghihigpitang katha kung naka-subscribe ka sa katha, serye, o manlilikha, ngunit hindi sila kasali sa mga feed.
Mangyaring sumangguni sa Paano ako magsu-subscribe sa, o magu-unsubscribe mula sa, isang tagagamit? para sa mga tagubilin kung paano mag-subscribe sa mga tagagamit. Sumangguni sa Paano ako magsu-subscribe sa, o magu-unsubscribe mula sa, isang katha o serye? para sa mga tagubilin kung paano mag-subscribe sa isang katha o serye.
Saan ako makakakuha ng karagdagang impormasyon kung may mga tanong akong hindi nasagot dito?
Sinasagot ang mga madalas na tinatanong ukol sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan) sa ibang mga bahagi ng FAQ ng AO3 at makikita ang iba pang karaniwang terminolohiya sa Talahulugan. Mahahanap ang mga katanungan at kasagutan ukol sa Palatuntunan ng Aming Serbisyo sa FAQ ng Palatuntunan ng Aming Serbisyo. Maaari mo ring basahin ang aming Mga Nalalamang Isyu. Kung kailangan mo ng karagdagang tulong, mangyaring magsumite ng kahilingan ng Tulong.
