Actions

Work Header

bawat piyesa

Chapter 2: ikalawang piyesa

Summary:

“Kuya, hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, ano ba talagang nangyari sa inyo ni Kuya Haechan?”

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

May 19, 2022

 

Nasa harap ng apartment ni Mark si Jisung ngayon. He want answers. Ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa noon? Chenle said that it was a mutual decision, na dna they fell out of love at napag-desisyunan nilang maghiwalay na lang. 

 

“Don’t worry Jisung, tropa pa rin naman tayong lahat kahit hiwalay na sila.” Naalala niyang sabi ni Chenle noon. Until one day, Chenle said that all the Kuyas will be busy because they’ll be college students soon.

 

Kumatok na si Jisung sa pinto. Bumungad naman si Mark na bagong ligo at nagtutuyo pa lang ng buhok.

 

“Jisung, pasok.”

 

Inobserbahan ni Jisung ang paligid. Studio type lang ang apartment ni Mark, saktong sakto lang para sa isang binatang nagsisimula pa lang ng karera sa industriya ng musika. Makikita ang iba’t ibang instrumento na nakapalibot sa apartment ng binata. May mga imahe rin na naka-display sa lamesa ni Mark. Ngunit napansin niya ang isang litrato na nakasabit pa rin sa dingding. Ito yung litrato kung saan nagtapos ng junior high school silang dalawa ni Chenle. Naaalala niya noon na pumunta ang barkada sa dati nilang eskuwelahan upang batiin silang dalawa.

 

“Oh kape,” Inabot naman ni Jisung ang tasa mula kay Mark. 

 

“Kuya, hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, ano ba talagang nangyari sa inyo ni Kuya Haechan?” Seryosong tanong ni Jisung.

 

 

December 28, 2014

 

“Ano ba! Bitiwan mo nga ako Mark!” Hindi binitiwan ni Mark si Haechan at hinila ito papunta sa lugar na malayo sa maraming tao. 

 

“At least let me explain! Eto na naman tayo sa mga hinala mo Haechan eh.” 

 

“Hinala? Nakita kitang nakikipaghalikan sa ibang babae Mark? Live! Anong hinala ang sinasabi mo?!” Damang dama ni Mark ang galit ni Haechan. Pero mali ng pagkakaintindi ang kanyang kasintahan sa nakita.

 

“Nakikipaghalikan? Really Haech? Sa tingin mo ba kaya kong gawin ‘yon sa’yo? It’s just a peck on the cheeks!” Mark is frustrated. Bakas ang pagtitimpi sa kanyang boses, after all, he’s Mark, the patient one.

 

“Lips or Cheeks kahit ano pa yan Mark! Hinalikan ka! At hinayaan mo lang! That’s cheating Mark!” Haechan is fuming. Binisita lang naman niya si Mark sa university nila tapos ganito lang ang makikita niya?

 

“Gan’to ka rin naman sa iba ha? Kapag ako big deal na agad?” Mark said. Sa totoo lang hindi niya na rin alam kung ano ang lumalabas sa bibig niya. His boyfriend accused him of cheating! Ganoon na lang ba kababa ang tingin ni Haechan sa kanya?

 

“Oh ba’t napunta sa’kin? This isn’t about me Mark! ‘Wag mong sabihing gumaganti ka? This is just my personality Mark!” Kahit na liblib na lugar ang pinuntahan nila, hindi pa rin mawawala ang pailang-ilang taong dumadaan sa lugar na ‘yon. They were staring, really, pero patuloy pa rin ang dalawa sa pagtatalo.

 

“May boyfriend ka! Dapat alam mo yung distansya Haechan!” 

 

“So inaamin mo nga! Na gumaganti ka sa’kin?” 

 

“Wala akong sinasabing ganyan!” Napakamot na nga ng ulo si Mark sa sobrang inis niya. Mina’s the one who kissed him! Hindi niya inexpect na gagawin ‘yon ng kaibigan! He’s caught off guard. Kakausapin niya dapat si Mina pagkatapos, sasabihin niya na may boyfriend siya at hindi niya kayang tanggapin ang confession na ginawa nito, pero dumating si Haechan kaagad and took the wrong idea.

 

“There is no excuses for cheating Mark!”

 

“So yung ginagawa mo sa iba? That’s not considered cheating? Yung pag-cancel mo ng mga dates natin para lang makipagkita sa isang kaibigan na hindi ko naman kilala!” Mark is mad. Matagal na niyang sinasarili ang insecurities na nararamdaman niya dahil masyadong friendly ang boyfriend niya.

 

“‘Wag mo ‘kong sumbatan Mark! Alam mong hindi ganon ‘yon!”

 

“Bakit parang ako lang mag-isa sa relasyon na ‘to Haech?” Kaunti na lang at maiiyak na talaga si Mark dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman niya.

 

“Kaya ka naghanap ng iba?” 

 

“Hindi yun yung point Haechan!” Unti-unti na ngang lumuha si Mark. Have you ever felt that feeling? Yung feeling na sa sobrang frustrated mo, wala ka nang magawa kung ‘di ang umiyak.

 

“Alam mo, lagi na lang ganito! lagi na lang ako yung umiintindi! Pagod na ko Haechan! Pagod na kong intidihin ka! Pagod na ko sa’yo!” 

 

“Anong gusto mo Mark maghiwalay na lang tayo ganon?” 

 

Hindi nakasagot si Mark agad, but he slowly nodded. Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. 

 

“Fine, have it your way.” Naglakad na papalayo si Haechan habang naiwan naman si Mark na umiiyak sa isang tabi.

 

 

May 19, 2022

 

“Kuya,” Sambit ni Jisung. Ramdam niya yung sakit na naramdaman ng kuya niya habang nagkwe-kwento ito. 

 

“Alam namin pareho na hindi si Mina ang dahilan kung bakit kami naghiwalay, that incident just became the catalyst for us to end things.” Napansin ni Jisung na binaling ni Mark ang tingin niya sa litrato nilang nakasabit sa pader.

 

“I was so insecure back then Ji, kilala mo si Haechan. Lahat ata ng estudyante sa school natin kaibigan niya. Ako, I’m just a nobody. Gago ang sad boy pakinggan pero yun ako dati, yun yung tingin ko sa sarili ko dati.” Mark smiled. 

 

“Hindi ka nobody Kuya, you know that.” 

 

“I know Jisung, pero nung time na ‘yon nilalamon na ko ng insecurities ko. Hindi pa nakatulong ang pagiging overfriendly at touchy ni Haechan sa iba. I felt like I’m not that special to him. I never told him that.” Mark said, his eyes still focused on the picture frame hanging on his wall.

 

“Hindi naman yung university yung problema Ji, naglalaan pa rin naman ako ng oras para kanya no’n. I never missed an event he was in. Pero alam mo ‘yon Ji? Yung feeling na parang ako lang yung constant sa buhay niya pero hindi naman siya gano’n sa’kin?” Jisung nodded with sympathy.

 

“Sa lahat ng usapan namin, madalas siyang hindi makapunta. At first, I understand. Yun si Haechan eh, he values friendships. Pero nang tumagal na, unti-unti na kong napapagod. Pa’no naman ako Ji?” Hindi umimik si Jisung. 

 

“I’m sorry Mark,”

 

“It’s okay Ji, matagal na ‘yon. I’ve moved on. Deserve mo ring malaman ang totoo.”

 

“What happened after Kuya?”

 

“Haechan talked to me after the break-up but I was so broken then. Hindi ko na kayang isalba pa yung relasyon namin kaya lumayo ako. Iniwan ko kayo. Iniwan ko si Lele. That’s why he hated me, he wanted to save our friendship so bad pero bumitaw ako agad.” Napayuko si Jisung sa sinabi ni Mark. They really owe Chenle an apology.

 

“Iniwan natin siya.” Mahina niyang sabi. He gets it now. Kung gaano na lang yung pagtutol ni Chenle sa pag-alis niya, because he’ll be all alone. 

 

“Alam natin yung pinagdaanan ni Chenle tapos iniwan lang natin siya ng basta-basta. Ang gago lang natin Ji,”

 

 

May 28, 2022

 

“Anong ginagawa ko dito?” Sambit ni Jisung sa sarili. Kagabi pa niya pinag-iisipan kung kailan niya kakausapin si Chenle. And here he is now, standing in front of the building where Chenle is working. Nakasuot siya ng mask dahil mahirap na, baka may makakilala pa sa kanya.

 

“Epal naman ‘tong paang ‘to! Hindi pa ko ready eh!!” Pagkausap niya sa sarili. Naalala niya bigla kung anong nangyari the first time he tried to talk to Chenle.

 

“Puta ka Jisung, ini-snob ka niya!” He argues with the air.

 

“—Jisung?” 

 

“Pucha!” Nagulat si Jisung sa lalaking bigla na lang sumulpot sa harapan niya. 

 

“Gago ka anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Jeno na may hawak ng isang puting aso. Kung hindi nagkakamali si Jisung ay shih tzu ang aso, o baka mali talaga siya dahil ‘yon lang ang alam niyang breed ng asong mahaba ang buhok.

 

“Hala ang cute!” Hahawakan na sana ni Jisung yung aso nang maalala niya na allergic nga pala siya dito. 

 

“Ginagawa mo dito?” Tanong ulit ni Jeno. Doon na napansin ni Jisung ang suot na uniform ni Jeno. Nakasuot ito ng scrubs na may nakaburdang Jeno Lee, DVM sa may bandang dibdib nito.

 

“Vet ka na Kuya?” 

 

“Obvious ba? Bakit ka nga nandito Ji?” 

 

“Hehe,” Jisung grinned. To be fair, dinala lang siya ng paa niya dito kaya hindi niya alam ang isasagot sa nakatatanda.

 

“Anong hehe? Andito office ni Chenle, kakausapin mo ba?” Unti-unting tumango si Jisung. Guess he couldn’t hide things from his Kuya Jeno.

 

“I suggest na sumabay ka sa’kin, at ‘wag kang magugulat kung hindi siya willing na makipag-usap sa’yo.” Tumango ulit si Jisung. He’s not expecting anything now but he’s nowhere near giving up. Pumasok na sa building si Jeno at sumunod naman si Jisung sa kanya. Para siyang isang tuta na nakasunod sa isa pang mas malaking tuta.

 

“Karina kay Chenle lang kami, nagkasakit si Daegal eh.” Bati ni Jeno sa babaeng nasa front desk.

 

“Hala pagaling ka Daegal!” 

 

Sumakay si Jeno sa elevator na kaagad ding sinundan ni Jisung. Pasara na ang elevator nang biglang may kamay na humarang sa pinto nito. Bumungad sa kanila si Renjun na may dalang kape.

 

“Kuya? Dito ka nagwo-work?” Tanong ni Jisung. Nakasuot kasi ito ng id and by the looks of it, mukhang regular na siyang nagpupunta dito.

 

“Ba’t kayo nandito?” Pabalik na tanong ni Renjun. 

 

“Kami dapat yung nagtatanong niyan Renjun, hindi ka naman nagtra-trabaho dito at halata na kakaalis mo lang din galing sa office mo.” Gumalaw-galaw naman si Daegal mula sa yakap ni Jeno nang makita si Renjun.

 

“Daegalie!!” Kinuha na nga ni Renjun si Daegal mula sa piling ni Jeno. Nanatili namang nagtataka ang dalawang binata dahil sa naging asta ni Renjun kay Daegal. 

 

“Kuya? Close kayo?” Naguguluhang tanong ni Jisung. Then several conclusions came into his mind. 

 

“Ah, Ji, nandito ka rin pala. Uy, Jeno, hi.” Nang kumalma si Daegal ay tsaka lang naalala ni Renjun na nasa elevator nga pala sila paakyat ng office ni Chenle.

 

“Uso mag-explain Kuya.” 

 

“So—last week pa ko nagpupunta dito.” Deretsong sabi ni Renjun. Napailing na lang si Jeno sa nalaman. Halatang hindi sinabi sa kanya ni Chenle ang pangyayaring iyon kaya ganoon na lang yung naging reaksyon niya.

 

“Buti naman natauhan ka na Ren.” Sambit ni Jeno. Bumukas na nga ang pinto ng elevator at sabay sabay silang lumabas. Nagpahuli si Jisung lumabas. Wala naman talaga sa plano niya ang tumuloy pero tadhana na nga siguro ang gumagawa ng paraan para makita at makausap niya ulit si Chenle.

 

“Akin na nga ‘yang si Daegal, oh eto yung kape mo!” Wika ni Jeno habang naglalakad sila papuntang office ni Chenle. Mabuti na lang at medyo mataas ang posisyon ni Chenle sa kompanya kaya malaya niyang naipapasok si Daegal dito.

 

Nang makarating sila sa tapat ng opisina ni Chenle ay unti-unti na ngang naduduwag si Jisung. Hindi niya alam ang sasabihin niya! Wala siyang script! Hindi siya nag-practice ng mga linya niya! Mas madali pa nga atang mag-isip ng choreography on the spot kaysa buuin ang mga salitang gusto niyang iparating kay Chenle.

 

“Jisung!” Nagising naman sa katotohanan ang binata nang tawagin ni Jeno ang pangalan niya.

 

“Kanina pa kita kinakausap! Ano papasok ka ba?” 

 

“Tara Kuya,”

 

Binuksan na ni Jeno ang pinto ng opisina ni Chenle at pumasok, nakasunod naman sa kanya si Renjun na wagas kung makangiti. Nang makapasok sila ay wala si Chenle sa lamesa nito. Napahanga naman si Jisung sa narating ng kaibigan niya. The office is huge! Mapaghahalataan mo na mataas ang pwesto ng may ari ng opisina na ‘to. The interior design is minimalist but it gives off an expensive vibe. 

 

“Lele! Andito na si Daegal!” Binaba na ni Jeno si Daegal para puntahan na nito ang amo niya.

 

“Teka Jen, nasa cr ako! Baby doggo ko! Wait mo lang si Dad!” Narinig nilang sigaw ni Chenle mula sa banyo. Inobserbahan muna ni Jisung ang opisina ng kaibigan at nagulat na lang siya ng makita niya ang isang litrato na kagaya ng nakita niya sa time capsule niya. Naka-frame ito kasama ng tatlo pang polaroid pictures na hindi siya masyadong pamilyar. 

 

“Sa’n na yung baby ko? Daegalie!” Binuhat na ni Chenle si Daegal. Hindi pa niya napapansin ang dalawang binata na kasama ni Jeno.

 

“Nag-lunch ka na Jen? Gusto ko ramen, dala mo ba kotse mo?” Tanong niya habang nilalaro pa rin si Daegal.

 

“Malamang pa’no ko madadala Daegal mo?” Nakaupo ngayon si Jeno sa desk ni Chenle na para bang siya ang may-ari nito. Sinenyasan siya ni Renjun na iparating kay Chenle na nandoon siya ngunit nagkibit-balikat lang si Jeno sa kanya.

 

“Tara SM, kaunti na lang naman paper works ko.”

 

“Sama ko Le!” Doon na nga napansin ni Chenle si Renjun. Agad naman na nagtago si Jisung sa likod ni Jeno upang hindi siya makita ng kaibigan. Puta naman kasi Jisung! ‘Di ka naman barakong kape ba’t ang tapang tapang mo! Isip niya.

 

“Pati ba naman dito Renjun? ‘Di ka pa ba quota sa condo ko? Alis!” 

 

“Nagdala kong kape!” Renjun grinned but Chenle just grinned back at him sarcastically. 

 

“Kahit bilhan mo pa ko ng Starbucks branch hindi ko tatanggapin ‘yan,” Natawa ng mahina si Jeno sa inasta ni Chenle.

 

“Weh? Kinain mo nga yung niluto kong maruya kagabi.” 

 

“I was hungry! Kasalanan ko bang sumusulpot ka ng 12 midnight sa condo ng may condo ng umiiyak?”

 

“Sama na kasi ako!”

 

“Alis! Isama mo yang kape mo!” 

 

“Pero mahal ako ni Daegal!”

 

“Alis na nga sabi!”

 

“Lele, Sorry.” Naging seryoso na ang mukha ni Renjun. Kilala ni Jisung si Renjun. He knows that he’s sincere. Ganito kasi si Renjun sa kanya kapag nagkakagalit silang dalawa dati. His first move is to break the ice between them. Tsaka niya isusunod ang gift-giving niya mapa-pagkain man yan o bagay. And at the least expected moment, tsaka siya magso-sorry. That is the formula of Huang Renjun na hanggang ngayon ay nadala pa rin pala niya.

 

“Kuya please ‘wag ngayon.” At dahil do’n naging seryoso na rin si Chenle. Nanatili naman si Jisung na nasa ilalim ng lamesa ni Chenle. Sinenyasan niya si Jeno na ‘wag ipaalam na nando’n siya.

 

“Babalik ulit ako Lele,” nilapag ni Renjun ang kape sa may lamesa ni Chenle at umalis din kusa.

 

“Kailan pa siya nagpupunta rito at ba’t ‘di ko alam yan?” Tanong ni Jeno nang makaalis si Renjun. 

 

“He’s stubborn.”

 

“Parang ikaw.” 

 

“Edi wow, bakit ba ganyan ka umupo mukha kang tanga Jen,” Agad namang inayos ni Jeno ang sarili niya at tumayo. Niyakap na lang ni Jisung ang binti niya para lalo siyang magkasya sa ilalim ng lamesa ni Chenle. Sinong nagsabing walang perks ang pagiging maliit? All this time thankful siya na matangkad siya dahil na rin sa tinungo niyang propesyon pero ngayon, parang gusto na lang niyang maging kasing height si Coco Martin.

 

“Ah tara na? SM ba? Pa’no si Daegal?” Tiningnan nila pareho si Daegal na kasalukuyang minu-mukbang ang aparador ni Chenle.

 

“Shoot.”

 

“Ano na?”

 

“Tawagan ko Sungchan,” Wika ni Chenle habang nag-iisip.

 

“‘Diba busy yon?”

 

“Aba maglaan siya ng time sa anak niya!” Anak? He’s married? Napakamot ng ulo si Jisung. Tanga ka, aso si Daegal.

 

“Nahiya naman akong single.” Tumawa si Chenle sa sinabi ni Jeno. Nangangawit na si Jisung sa pwesto niya ngunit nagtitiis siya para na rin sa ikabubuti ng peace of mind niya. Kuya naman ang tagal niyo umalis huhu.

 

“Kawawa ka naman Jen, ikaw na lang jowa ni Daegal yieeee!” Hinampas naman ni Jeno ang mapang-asar na kaibigan. 

 

“Palibhasa going strong tara na nga!” 

 

Nang marinig ni Jisung ang pagsara ng pinto ay umalis na rin siya sa kinalalagyan niya. Naupo muna siya sandali sa upuan ni Chenle para mawala ang pinupulikat niyang paa. 

 

Maya-maya pa ay napansin niya ang isang folder sa lamesa ni Chenle. It looks like a business plan. Dahil nga nosy si Jisung ay binuksan niya ito. Nagulat na lang siya sa laman nito. Ito yung business plan na ginawa nila dati ni Chenle. At hindi lang ‘yon, nang binuklat niya pa ang nilalaman ng folder ay nakita rin niya ang isa pang mas detailed na business plan na halatang propesyonal na ang gumawa. 

 

All this time, nakaplano pa rin ‘to kay Chenle?

 

“Jisung?” 

 

“Pucha!” And for the second time, Jeno Lee popped up infront of him.

 

“Gagi eto yung susi, iwan mo na lang kay Karina. Gumawa lang ako ng excuse para maiwan si Chenle sa kotse. Bye-bye!” 

 

“Kuya!” 

 

“Bakit?”

 

“Tingnan mo ‘to. Eto yung business plan na ginawa namin nung grade 9.” Pinakita ni Jisung ang nilalaman ng folder ngunit ngumiti lang si Jeno sa kanya. Pumasok ito sa loob at kumuha ng jacket sa aparador ni Chenle.

 

“Anong ibig sabihin nito Kuya?” Naguguluhang tanong ni Jisung. Galit si Chenle sa kanya pero bakit—Bakit naalala mo pa ‘to?

 

“That’s for me to know and for you to find out.” Kumindat si Jeno sa kanya at tuluyan na ngang umalis. Naiwan si Jisung kasama ng folder na nagbigay ng halo-halong emosyon sa kanya. Una sa lahat, lungkot, dahil mag-isang tinutupad ni Chenle ang pangarap nila habang wala siya para suportahan ito. At pag-asa, pag-asang kakausapin pa siya ni Chenle.

 

Tiniklop na ni Jisung ang folder at nilapag sa dati nitong kinalalagyan.

 

Tangina naman Chenle, lalo mo ‘kong pinagmumukhang miserable.

Notes:

hanggang dito muna for today's vidyow tho may draft na ako ng third chapter, thank you for reading!

Notes:

so i had this au in my notes for a while now, at dahil anniversary ng dreamies ngayon, might as well publish it here. sana mag-enjoy kayo :D kudos and comments are much appreciated!