Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-12-15
Completed:
2023-08-28
Words:
9,920
Chapters:
2/2
Comments:
27
Kudos:
180
Bookmarks:
36
Hits:
8,912

On the Dot

Chapter 2: Exit

Summary:

Because exits are new beginnings. Basta huwag ka lang maligaw. Literally.

Notes:

Hello! This is not a continuation of the main story. Intended as one shot lang talaga 'to, sorry. However, random lang pero nakaisip ako ng idea doon sa scene nila na huling tawag sa daanan na inireklamo ni Sunoo kay Sunghoon and here it is!

Extra chapter only.

This is a work of fiction.

This may contain typographical and grammatical errors.

Chapter Text

Nang marinig ang ring ng telepono ay mabilis na tumingin sa bandang kanan si Sunoo.  Maging ang kilalang tunog kapag binaba ang telepono ay nakilala ng tenga niya.

The corners of his lips twitched slightly, forming a small, almost unnoticeable amused smile.

Na-realize niya na kapag pala ilang beses ng napakinggan ang isang kanta, magiging interesting na rin yung ibang layers nito.  Yung mga adlibs.  Yung mga musical instruments, lalo na kung familiar 'yung taong nakikinig sa mga pangalan nito.  Yung mga sound effects o elements para i-highlight ang concept ng kanta.  Tapos once na marinig ng tao, para bang “they couldn't unhear it”, ika nga.  At kahit nangingibabaw ang lyrics o vocal parts sa tugtog, mapapansin pa rin yung minus 1 track.

He shook his head lightly.  He was getting invested in his musical thoughts a little too much considering his situation now.  May hawak siyang manibela kaya dapat nasa kalsada lang ang pokus niya.  Pinihit niya ang volume knob sa car stereo para hinaan nang konti.

So far, all things are looking good.

Although sa isip niya, tingin ni Sunoo ay literal na so far ang destinasyon nila.  Nakakangawit din talaga kapag naging nakatokang drayber para sa buong biyahe.

Sinabayan niya ang himig ng tumutugtog sa speaker ng sasakyan na kanyang minamaneho.  Nanatili ang bilis ng pagpapatakbo niya sa kotse habang binabagtas ang expressway.  Mabilis niyang tiningnan ang digital clock sa harap bago ibinalik sa harap ang mga mata.  

Mahina siyang tumango-tango.  Mukhang tama lang pala ang naging oras ng alis nila sa meetup place kanina dahil mabilis ang naging daloy ng trapiko hanggang ngayon.  Sakto lang kahit may ilan sa kanila ang nalate dahil may mga kaibigan talagang ayaw bitiwan ang Filipino time kahit na matatanda na sila para maging pasaway at kahit na nagbago na ang panahon at maraming tao na ang nagpapaalala ngayon na hindi dapat nasasanay sa gano’ng habit.

Napailing na lang si Sunoo pero pagkurap ng mga mata ay siya namang pagdaloy ng saya sa dibdib niya.  Atleast, natuloy sila sa lakad nila.  Ilang beses na rin kasi nila plinano kaso palaging may sumasabit.  Yung lugar na pupuntahan nila ngayon?  Wala talaga sa listahan nila in the first place pero do’n nagkatugma-tugma na available silang lahat pati na rin lahat ng kailangan nila lalo na yung accommodation.

Sinilip niya ang mga kaibigan sa rearview mirror.  Tahimik ang biyahe dahil isa-isang nakatulog ang mga ito ilang minuto lang matapos nilang makalagpas sa EDSA kanina.  Hindi niya napigilang mapangiti nang makita ang dalawa sa mga kaibigan niya na parehong nakadantay ang mga ulo sa magkabilang balikat ng kaibigan nilang nakaupo sa gitna na tila sarap na sarap sa pagsandal sa backrest at nakanganga pa nga.  Paglingon niya naman sa tabi ay nakita niya ang ever independent nilang katropa na kahit hanggang pagtulog sa umaandar na sasakyan ay parang kaya pa rin nitong dalhin ang sarili sa paraan ng pag-upo ngayon na diretso pa rin ang likod at hindi gumegewang ang ulo sa kung saan-saan.

Muling tumingin sa harap si Sunoo at nang macheck niya ang bawat gilid para sa mga paparating na sasakyan mula sa likod, sumenyas at pumihit siya papunta sa pinaka kaliwang lane.

Talagang gumawa siya ng playlist para sa biyahe ngayon bago natulog kagabi.  He made sure that every song will make him lively and energetic dahil mahirap na at baka makatulog siya.  Usually kasi pasahero lang siya kaya kahit antukin sa biyahe, okay lang.  Kung siya naman ang magdadrive pabalik, gising na ang kaluluwa niya dahil nakatulog na siya.  Mukhang effective naman yung playlist ngayon.  Pansin niya ito sa pagsayaw ng mga daliri niya sa palibot ng manibela, tumutugma sa beat ang bawat galaw.  At dahil gusto niya ang mga kanta, medyo nakakalimutan na rin niya ang pagod sa paa.  Buti na lang din at malalim matulog ang mga kasama niya kaya hindi ito nagigising kahit may tumutunog sa buong sasakyan.

Next cue sa paglingon niya sa poste sa gilid ng expressway ay nahagip ng mga mata niya ang sunod na exit na madadaanan in less than three kilometers.

Kumunot ang noo’t kilay niya.  After a few seconds, sinundan ito ng panlalaki ng mga mata.  Humigpit ang hawak niya sa steering wheel at mabilis na nag-isip.  

Parang mali.  Hindi siya pamilyar sa nabasang lugar.

Naka-full blast naman ang aircon pero nararamdaman ni Sunoo ang pagpapawis ng mga kamay niya.

Maingat siyang lumipat sa ibang linya at binawasan ang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan kahit na kumakalat na ang pag-aalala at pagkalito sa buong katawan niya.  Sigurado si Sunoo sa kung anong nakita ng mga mata niya ilang metro ang nakalipas dahil healthy naman ang pares na mayroon siya.  He mentally poked his head.  Mukhang maliligaw pa nga sila.

Ilang araw rin niya pinag-aralan ang ruta kaya kabisado na niya ang mga lugar na dadaanan.  Ilang beses na niyang hinalughog ang memorya pero wala talaga.  Kung wala sa alaala niya, ibig sabihin ay hindi rin sila dapat nakarating hanggang sa binabagtas nila ngayon.

So much for “all things are looking good”; he pouted in dismay.  Nausog pa yata ng comment niya kanina yung biyahe nila ngayon.

Gusto na niya galawin ang cellphone na nakakabit sa holder malapit sa dashboard para tumawag ng SOS kay Sunghoon kaso biglang parang bumubulong ito sa magkabilang tenga niya.  Naiimagine na ni Sunoo yung paulit-ulit na paalala ni Sunghoon kapag nagdadrive sila na huwag na huwag gagamit ng cellphone hangga’t nakaapak ang paa sa gas.  

Mahina nalang siyang napasinghal noong nalagpasan na nila yung exit na nakita niya kanina sa signboard.  Hindi nakatulong na wala pa siyang nadaanang emergency parking bay.  Hindi na dapat siya nagpakampanteng hindi gumamit ng navigational application kahit na ang katwiran niya kanina ay dire-diretso lang naman ang biyahe sa expressway ‘tsaka alam naman niya kung saang exit siya dapat dumaan.

Another man vs. himself moment para kay Sunoo na gusto na lang niyang iyakan pero hindi ngayon dahil baka madistract na naman siya at kung saan pa sila mapunta ng mga kaibigan niya.

Kailangan niyang kumalma at ayusin ang pagiging driver.  Pinaulit-ulit na halos ibulong niya na parang nagdadasal ang iba pang mga bilin ni Sunghoon dati.  Hindi lang siya ang nasa sasakyan.  Hindi lang siya ang nasa kalsada.  Maghanap muna ng pinakamalapit na ligtas na parking o gilid kung sakaling may problema.

Sunoo thanked all the heavens and saints, pati na rin si Sunghoon na halos gawin niyang kunsensya niya sa loob ng utak niya, nang mamataan niya ang malaking gasolinahan na may ilang food establishments din bago pa man lumagpas sa isa na namang exit.  Agad siyang humanap ng parking.

Hindi niya alam kung blessing in disguise ba o hindi na tulog pa rin ang mga kaibigan niya hanggang ngayon.  Parang binigyan siya ng option na it’s either may kasama siya pero most likely aasarin o pabirong sesermunan siya na mas makadadagdag lang sa tensyon na nararamdaman niya or yung ngayon na tulog ang mga ito at mag-isa lang siyang nababagabag pero atleast internal naman which is under his control.

Kakukuha palang niya sa cellphone mula sa holder pero agad siyang napabalikwas nang may gumalaw sa likod.  Pagtingin niya sa rearview mirror, lumipat lang pala ng pagkakadukdok sa bintana yung kaibigan niyang nakapwesto sa likod niya habang yung nasa gitna naman ay nakadantay na rin ang ulo sa katabi nito sa kanan.

Napabuntong-hininga na lang si Sunoo at mahinang itinapik sa kanyang dibdib ang kamay na may hawak na cellphone.  

Mahina ang kalaban.  

Hindi pa siya ready magpaliwanag na naliligaw na sila dahil kahit siya ay hindi pa alam kung saan na sila nakarating.  He was unfamiliar with the place.  Hanggang Metro Manila lang naman kasi siya madalas o kaya sa hometown niya.  First time niya sa pupuntahan nila para lang mag-unwind sandali.  Kaso dahil siya ang nagdala ng sasakyan, automatic na siya rin ang naatasang magmaneho.

Hindi na niya pinatay ang makina nang lumabas siya sa sasakyan para may aircon pa rin ang mga kaibigan.

“Woo... amen,” bulong niya sa sarili nang makitang may signal sa lugar.  Agad siyang tumawag kay Sunghoon bago lumingon pabalik sa sasakyan.

Habang nag-iinat ng katawan at naririnig ang ring sa kabilang linya ay ipinalibot rin niya ang tingin.  Maliban sa food establishments, may ilang stall din na nag-ooffer ng kung ano-anong travel necessities at souvenirs.  Nag-twitch ang kilay niya nang makita ang isang maiksing linya papunta sa isang alley na may sign ng comfort rooms.  Muli siyang tumingin sa mga kaibigan na hindi naman niya maaninag dahil tinted ang bintana bago ibalik sa direksyon ng banyo.  Comfort room?   Naisip niya kaagad na gawing alibi ‘to kapag tinanong siya mamaya ng mga kaibigan niya kung bakit sila tumigil dito. 

O kaya naman, aayain niyang kumain muna ang mga ito kahit kakamerienda lang nila kanina sa mall bago umalis? Nahihiya kasi siyang aminin yung totoo sa mga ito na nagkamali siya ng tingin kaya hindi sila naka-exit sa tamang tollgate.

It didn’t make sense how he observed a lot and had a handful of thoughts running inside his head yet when he looked at his phone, Sunghoon was still not answering.  Nafufrustrate na siya.  Konti na lang talaga siguro at mangingilid na ang luha niya.  At the back of his head, Sunoo knew he must have checked their location first on a map but he wanted a real-time and fast response to his queries.

Gusto niya marinig ang boses ni Sunghoon.

For some reason, kapag si Sunghoon ang tinatanong, palagi itong may sagot o kaya opinyon tapos hindi basta may masabi lang.  Talagang may sense pero minsan sobrang mixed nung pagka idealistic at realistic kaya ang hirap i-execute o kahit paniwalaang pwede nga.  But most of the times that Sunoo actually listened and did what Sunghoon has suggested, it actually landed him to success and in a decent place.

He wouldn’t admit it in front of Sunghoon but Sunoo is really thankful for Sunghoon’s existence in his life.  

Sa totoo lang, hindi naman kaso sa kanya yung i-acknowledge lahat ng dapat ipagpasalamat kay Sunghoon.  Natatakot lang siya minsan na baka masyado na siyang nakadepende dito.  Ang tagal na nila at busog naman siya sa assurance.  Malaya rin siya tapos supportive pa si Sunghoon kahit ang daming nakasingit na pang-aasar.  Pero kanonood niya siguro ng kung ano-ano ay natakot siya na baka every time he relies to Sunghoon, he's losing his capacity to decide on his own.  Na baka nawawala na yung kumpyansa niya sa sarili.  

He didn't want to lose himself, but he's also aware that these thoughts were just mere thoughts in reality.  

Si Sunghoon 'yon e.  Always respectful of his boundaries and worries.  Despite Sunghoon’s active and goofy personality, hihintayin muna nitong si Sunoo ang unang mag-approach kasi may tiwala ito sa mga next move ng huli.  Kaya nga kahit ito ang madalas na nagdadrive para sa kanilang dalawa ay agad na ipinapasa ni Sunghoon ang susi kay Sunoo kapag nag-aya itong maging relyebo niya papunta sa susunod nilang destinasyon.

Gayunpaman, mas maganda na yung mag-ingat si Sunoo at subukan munang timbangin o gawin yung naiisip niya kaysa diretso kaagad kay Sunghoon.  Minsan nga napapailing na lang siya mag-isa kakaisip kung tatanungin pa niya si Sunghoon tungkol sa mga bagay o trivial na ba masyado para ituloy.  As much as possible, he wanted to depend less on his partner.  In a positive manner, syempre.  They have to grow individually after all, and of course while being together as well.

Pero bakit talaga ang tagal sumagot ni Sunghoon?  Unti-unti na siyang nilalamon ng pangamba.

Papatayin na sana niya ang tawag para magsimula ng panibago nang may narinig siya sa kabilang linya.  

Sa dinami-rami ng pagkaka-iba nila ni Sunghoon, siguro isa ang kadaldalan kung saan sila nagmatch.  As in yung bilis sa pagbuka ng bibig nila para ilabas yung laman ng utak nila?  May times pa na nag-ooverlap yung pagsasalita nila lalo na kapag high-tension o excited sila.  Minsan nga, kapag nananahimik na sila, walang halong biro o sarcasm pero iniisip ni Sunoo kung paanong nagkakaintindihan pa sila.  Teka—o baka nahawa lang sa kadaldalan niya si Sunghoon in the long process?  Iniisip niya kung ganito na talaga si Sunghoon nung una palang.

Kanina pa ang daming gustong sabihin ni Sunoo simula nung nagsink in sa kanya yung nangyayari.  Paano ba gagawin niya?  Totoo bang lumagpas siya ng exit at hindi niya napansin?  Bakit ang tagal sumagot ni Sunghoon?  Makakaalis pa ba sila sa pagkakaligaw?  Hindi niya alam kung anong uunahin.

Pero noong narinig niya ang tunog ng beep, hindi niya nagawang unahan si Sunghoon na magsalita.

"Hello.  Ano, naliligaw ka na?"

Agad tumalikod si Sunoo sa sasakyan at tumingin sa malayo.  Bumuka ang bibig niya at sinubukang magsalita sa kabila ng panginginig nito pero walang lumabas.  In a short span of seconds, tanging paghinga lang ang nagawa niya.  Baka nga narinig na ito ni Sunghoon mula sa kabilang linya dahil nakatutok ang bibig niya sa mic ng cellphone.

Hindi niya alam kung saan nanggagaling yung pressure samantalang si Sunghoon naman ang kausap niya.  Magaan lang din naman ang tono nito tulad ng paraan ng pakikipag-usap nito kapag magkasama sila at nakatingin diretso sa mga mata ni Sunoo ang maamo nitong pares.

“Na’ko, waze ba gamit mo?  Irerate na ba natin ng 1 star?” Sunghoon jokingly added but also paused for a while when he realized something.  “Nagdadrive ka ba ngayon?”

O baka hindi pressure yung tamang term.  Tension siguro.  Nagpatong-patong sa loob niya at tila nagmamakaawang mailabas dahil sa wakas, konektado na ang linya niya kay Sunghoon.  Hindi lang dahil sa pakiramdam na may makakausap na siya tungkol sa agam-agam na dala niya ngayon.  Naririnig niya ngayon yung tinig na gusto niyang mapakinggan in the first place.

The tension may have made its appearance known to Sunoo, but it couldn’t defeat the sense of relief replacing it minute by minute.  Afterall, the relief came with and from Sunghoon.

Umiling si Sunoo kahit hindi siya nakikita ngayon ni Sunghoon.  Tanging ang pangalan ng huling exit na nakita ni Sunoo ang nasambit niya.  Nilingon niya ang sasakyan at seryoso ang mukha na tumingin dito pero sa totoo lang lumilipad ang isip niya.  Sunod niyang binanggit ang pangalan ng stopover spot na nahagip ng paningin niya.

“...nakatigil kami ngayon dito.”

“Ha—Sunoo?” Tanong ni Sunghoon sa kanya, halatang nagtataka sa sinabi ng kausap.

“Masyado bang napalayo sa resort?” Tanong pabalik ni Sunoo habang pinapakiramdaman kung okay lang ba ang boses niya.

“Wait, naliligaw talaga kayo?”

“Oo?  Hindi ko na alam kung saan eexit.  Basta, hindi na ako familiar do’n sa huling nadaanan namin.”

“Mali yung waze?  Expressway palang ‘yan a,” hindi makapaniwalang sabi ni Sunghoon.

“The thing is, hindi ako nag-waze o maps,” mabilis na pag-amin ni Sunoo.

“Ha?  Bakit?” Halatang nabigla si Sunghoon mula sa kabilang linya.

Sandaling natigilan si Sunoo.  “Kinabisado ko naman kasi…,” nahihiya niyang pagdadahilan.  “‘Tsaka balak ko talaga kapag nasa national road na, hahanap muna ako ng gasolinahan tapos do’n ko palang i-o-on yung waze.  Sayang din kasi yung data, you know.”

“Sus.” Halos marinig ni Sunoo ang maliit na ngisi sa boses ni Sunghoon.

Napapikit nang mariin si Sunoo bago hinawi ang buhok na hinihipan ngayon ng hangin.  “Send help.”

“Wait, sinisearch ko na.  Pakisend nga rin location mo right now.”

Sinet muna ni Sunoo na i-loudspeaker ang tawag.  Inulit pa niyang sabihin ang lugar habang nagtitipa sa cellphone para isend ang link kay Sunghoon.

“Okay, copy,” sagot ni Sunghoon.  Kahit may panandaliang katahimikan, kampante pa rin si Sunoo.  Alam niyang tinutulungan siya ni Sunghoon sa request niya, sadyang tahimik lang ito kumilos.  Hindi kasi mabigat ang kamay at mga galaw nito on a normal basis.

Halos nakalimutan niyang may mga kasama siya sa sobrang panatag niyang naghihintay.  Even searching routes on his own, hindi na rin niya ginawa.  He’s getting dependent on Sunghoon again.  Yet, Sunoo was bothered by the fact that he’s not scared of it.  To think na naisip niya na ‘to kanina pero taliwas naman ang kilos niya ngayon.

Siguro, pwede naman umasa kay Sunghoon paminsan-minsan.

Siguro, being in a relationship made Sunoo realize that as much as he wanted to grow individually, he could also ask and share things with Sunghoon.

Siguro, kapag tumatagal na talaga, hindi mamamalayang may mga bagay na parang iisa na lang kayo ng partner mo.  Na parang gano’n na yung setup mula simula kahit na kaya naman gawin mag-isa dati.

“Oh?” Rinig niyang biglang sabi ni Sunghoon.

Nakatingin ulit si Sunoo sa sasakyan at lumapit pa para sumilip.  Wala pa rin gising sa mga ito pero iba na ang pwesto ng ilan mula doon sa huling tanda niya.  Napansin na siguro ng mga katawan nito na hindi na gumagalaw ang paligid.  Surely, sooner or later magigising na ang mga ito.

“Bakit?  Bakit?” Baling ni Sunoo sa kausap.

“Hindi ka naman lumagpas.  Tama…,” papahina ang boses ni Sunghoon na parang hindi sigurado pero nagpatuloy din agad ito sa pagsasalita.  “Tama naman.  Match naman yung nasa search results at yung sa location mo.  Current ‘to ‘di ba?”  Inulit pa nito ang pangalan ng stopover na sinabi ni Sunoo kanina.  This time, mas rinig ang katiyakan sa boses nito. 

Sunoo hummed in agreement.  “Pero wala talaga ‘yon sa nakita kong guide.  Kasi dapat…” Sunod niyang binanggit ang pagkakasunod-sunod ng tollgates na natatandaan niya hanggang doon sa dapat niyang daanang exit.

“Hmm, actually bagong gawa raw yung huli mong nakita ngayon, pati yung bago diyan so baka outdated yung nakita mo?” Hula ni Sunghoon.  Still, it didn’t make Sunoo feel any better.  Hindi niya alam kung makakahinga ba siya nang maluwag dahil hindi naman pala sila naliligaw.  Parang pinaglaruan siya ng kung anong mga elemento sa expressway.

“Ano ba ‘yan,” frustration evident in Sunoo’s voice as he kicked an imaginary rock on the cement.

“Okay, so bale isang exit na lang lalagpasan mo,” Binanggit ni Sunghoon yung pangalan which Sunoo immediately recognized.

“Alam mo?” Tanong ni Sunghoon sa kanya.

“Yup, existing na ‘yan sa guide.”

“Ayon, goods tayo diyan.  So alam mo na rin na siguro na—”

“Kasunod na no’n yung next exit,” sabay nilang sabi kaya napangiti nang konti si Sunoo, unti-unting nakukuha muli ang confidence na baon niya kanina.

“Okay, okay.  Copy, ha?” Paninigurado ni Sunghoon kay Sunoo.

“Yes. Salamat,” Sunoo prolonged the word as he stood properly.

“Sure?” 

“Oo nga,” kumbinsi ni Sunoo kay Sunghoon.

“Natakot ka ba?” May gaan na sa boses ni Sunghoon na parang kahit ito ay nakahinga na ngayon.  “Huwag ka na matakot,” alo ni Sunghoon.  Dati pa napapansin ni Sunoo na kapag kinakausap o sinasabihan siya ni Sunghoon, hindi parang bata ang approach nito sa kanya.  Yes, it was gentle but it never failed to make him feel that he was Sunghoon’s equal.  “Kung lumagpas ka naman, pwede namang umikot ka na lang.  Puntahan mo yung sunod na exit tapos lipat ka sa kabilang tollgate, yung pa-Manila.  Tapos from there hanapin mo na lang yung tamang exit.”

They are still on the right track pero tinandaan pa rin ni Sunoo ang sinabi ni Sunghoon na alternative habang kinokondisyon pa rin ang sarili na wala na siyang dapat ipag-alala.

“Magkano na lang pala yung toll fee?” Sunoo asked further.

“Toll fee?  O yung laman ng rfid?”

“Kasya pa kaya laman nito kung nadagdagan pala ng dalawang exit sa gitna?”

“Hmm,” nag-iisip na tugon ni Sunghoon.  “Bakit ako tinatanong mo, ikaw yung dumaan sa tollgate kanina.  Hindi mo nacheck yung balance?  Na’ko,” pabirong sabi ni Sunghoon.

“Nakita ko,” pagtatanggol ni Sunoo sa sarili.  “Baka lang kasi may changes tapos nakita mo sa site.”

“Joke lang, hindi kita inaaway,” Sunghoon giggled.  “Honestly, hindi rin ako sure sa changes ng fee.  Pero loadan na lang siguro para hindi na rin hassle kapag pauwi na kayo.  Gusto mo ‘yon?  Hindi ka pa nakakarating, pauwi na agad yung usapan natin.”

Sunoo snickered before nodding.  “Sige gawin ko mamaya.  Pwede online payment, right?  Ay wait, may store yata dito na pwede.  Or cash ko na lang siguro yung pauwi para sure ‘no?”

“Ako na.  Bawas na rin sa ligalig mo,” alok ni Sunghoon sa kanya.

“Okay na, huwag na.  Ako nalang ‘tsaka may extra naman akong dala,” Sunoo declined as he tried to assure Sunghoon.

“Huwag mo na bawasan pocket money mo.  Hindi mo masabi baka walang ATM nearby, mashort ka.  Ako, pagpunta sa kanto, may bangko na.  One ride lang din yung mall.  Ako na magload.  Process ko kaagad after call.”

Hindi na tumanggi si Sunoo.  “Bait mo naman,” tanging nasabi niya sa kausap.

“Akala ko talaga inapi ka ng waze e,” Sunghoon joked.

They both laughed pero halata pa rin sa mga tawa nila na nagsisimula palang sila huminga nang maluwag.

“Sunoo?  Okay ka na?”  This time, gone were the jokes and attempts to lighten the mood.  Seryoso at talagang parang nangangamusta na lang si Sunghoon.

“Oo, okay na.  Sorry sa abala.”

“Ikaw pa ba, lakas mo sa akin.”

“Ows, tagal mo ngang sumagot e,” balik ni Sunoo, medyo nakakapagbiro na.

Hindi napigilan ni Sunghoon ang gulat sa boses niya. “Hala, sorry na.  Nasa banyo kasi ako,” tumatawang pagdadahilan niya pero tumigil nang may naalala.  “O mag-cr ka muna bago tumuloy ng drive, ha?”

“Wala na nga yata akong ilalabas.  Parang naubos na lahat ng tubig sa katawan ko,” sagot ni Sunoo na tila nagsusumbong.

“Tsk, dapat pala uminom ka muna ng tubig, madedehydrate ka niyan.  Baka hindi ka pa umabot sa swimming, sige ka.  Pero sure bang okay ka na?”

“Oo.  Okay na.  Hindi naman pala kami naliligaw,” Finally, Sunoo’s smile stayed on his lips.

For some reason, mukhang nakumbinsi ng sagot niya si Sunghoon.  

“Ano pala sabi ng mga kaibigan mo?” Sunghoon asked.

“Wala.  Tulog.”

Natawa na lang si Sunghoon.

“Sige na.  Tumuloy na kayo sa biyahe para hindi kayo maabutan ng dilim sa daanan.  Basta, total of two exits na lang, Sunoo.  Yung una, lalagpasan mo.  Then after that gumitna ka na kasi sa susunod, doon ka na eexit.  Pero basahin mo pa rin a.  ‘Tsaka please, i-on mo na yung waze.  Siguro hindi ka nagcharge ng phone kaya ayaw mo gamitin.”

“Hindi a,” Sunoo playfully denied.  Umalis siya sa bahay na fully charged ang phone kaso ginamit niya kanina nung nasa mall sila ng mga kaibigan kaya nabawasan na rin.  Sunghoon may or may not be correct afterall but he won’t admit it.  Masyado ng maraming tama si Sunghoon sa araw na ‘to.

“Nasa compartment nga pala sa harap yung cable, inilipat ko para hindi buhol buhol diyan sa malapit sa kambyo,” Sunghoon informed him from the other line.

“Noted, noted.”

“Woo, noted daw.  Basta Sunoo ha?”

“Oo nga,” tila tinatamad na sagot ni Sunoo pero tahimik na hinintay ang susunod na sasabihin ni Sunghoon.

“Presence of mind.  Tawag ka lang kapag may kailangan,” pahabol na bilin ni Sunghoon sa kanya.

Lumawak ang ngiti ni Sunoo.  “Salamat.  Libre kita pag-uwi.”

Sunghoon acts impressed and shy, something Sunoo could vividly imagine due to the number of times he has been with his partner.  “Grabe talaga magbigay ng rewards si boss Sunoo.  Ingat kayo.  Enjoy!”

“Thank you ulit!  Ingat ka rin.  Uwi ako kaagad,” Sunoo murmured before turning off the call.

Buti na lang nakaharap siya sa sasakyan kaya naalala niya kung ano ang dapat niyang gawin.  Gusto na lang niyang tumulala pagkatapos ng tawag for no particular reason.  Pero syempre, hindi naman pwedeng gawin niya nga ‘yon.  He took a deep breath instead.  Humigpit ang hawak niya sa cellphone bago naglakad papunta sa driver’s seat.

Maingat niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at umupo sa pwesto.  Nakita niyang mahimbing pa rin ang tulog ng katabi niya at mukhang pati ang mga nakaupo sa likod.  After closing the door as silent as possible, he fixed his phone onto the holder and quickly searched for the route in the navigation app.

“Nandito na ba tayo?”

Mabilis na lumingon si Sunoo sa kaibigan niyang nakapwesto sa gitna na halatang kagigising lang.  He was quick to mask the surprise on his face and decided to use his not so well thought alibi.

Pagbigyan na sa white lies, siya naman ang nagmamaneho.   Pagdedefend ni Sunoo sa sarili sa utak niya.

“Wala pa.  Stopover muna saglit.  Kanina pa ako na-cCR.  Kaso hindi ako makatakbo, alangan iwan kong bukas ‘tong sasakyan.  Nakakahiya naman kayo gisingin,” malokong palusot ni Sunoo.

“Ay may CR dito?  Sama ako.” Medyo mabagal ang naging kilos nito dahil kagigising lang pero muntikan nang magsabi ng ‘yes!’ si Sunoo dahil mukhang benta naman ang excuse niya.  Narinig niya pang nanggising at nag-aya pa ito ng iba dahil baka malayo pa sila at dire-diretso na ang biyahe.  Bumaba na lang silang lahat dahil sayang ang gas ‘tsaka may dalawa silang kasama na natakam sa mga food stalls.

As Sunoo settled on the driver’s seat after their quick break, chineck niya ang cellphone na naiwan niya sa holder noong umalis sila sandali.  Nakita niya sa notification panel ang message ni Sunghoon na okay na at na-loadan na ang balance ng rfid sa tollway.  He didn’t bother to suppress his smile.  Parang siya rin, na-recharge pagkatapos makita ang pangalan ni Sunghoon.

He didn’t even try to hide how he used the phone in the presence of his friends.  Unlike how he dodged the idea of using it when he thought they were past the correct exit.

Because maybe, at the back of his mind earlier, naisip na niyang pindutin ang speed dial 1 tutal abot naman niya sa holder ang cellphone.  Pero natatakot siyang magising ang mga kaibigan at marinig yung kausap niya.  For sure, magtatanong ang mga ito kung sino iyon at hindi niya pwedeng sabihing customer service lang ito ng waze.

Sunoo thought he was a fool.  Wala namang dapat itago tungkol sa kanila ni Sunghoon.  A little late considering the length of their relationship pero napagtanto ni Sunoo na kung may magtatanong man, he’d proudly introduce and say that Sunghoon is his partner.

Sunoo looked at the rearview mirror and saw that this circle of friends he is with was kind of innocent and less-observant.  Mukhang walang nakapansin na may nakakapagpangiti na kay Sunoo aside sa mga alam nitong hilig ng kaibigan nila.  Sunoo’s friends are still precious to his eyes, though.  Mukhang marami silang kailangan i-catch up kahit na tuloy lang sa kwentuhan ang mga ito ngayon habang inaayos ang kanya-kanyang seatbelt.

I-inform na lang din niya siguro si Sunghoon para hindi ito kasama sa mga posibleng magulat kapag in-open na ni Sunoo ang tungkol sa kanila.  Afterall, dalawa sila sa relasyong ito.  

Sunoo slotted the key back to the ignition switch before adjusting the hand clutch right after.  Pinwesto niya ang isang paa sa clutch pedal habang ang isa nama’y sa gas.  Tiningnan niya rin ang bawat side mirror kung may papalapit na ibang sasakyan at nang masigurong wala na ay humawak na siya sa manibela at nilingon ang mga kaibigan.

“Ready na?”

Tumango rin si Sunoo sa sarili niyang tanong matapos makakuha ng go signal mula sa mga kaibigan.

 

 

Notes:

Thank you for giving this a try!