Chapter Text
Summer quickly passed, sobrang dami ring nangyari sa naging summer training nila hindi lang sa kanila ni Jie bagkus ay sa kanilang magkakaibigan. Gaya ng inaasahan nila ay si Paul ang naging corps commander nila at si Shiori ang naging corps ex-o. Kaizer became their corps staff G3 at si Jie naman ang G4. Ang Corps staff ang pinakamataas na battalion sa CAT at halos lahat sa barkada nila ay iyon ang nakuhang designation.
Issues arose, malamang. Pero hindi na lamang nila iyon pinansin dahil alam naman nilang maganda ang naging performance nila sa summer training. Fourth year came, seniors na sila at mga officers na sa wakas ng CAT.
Bukod sa summer training ay napakarami ring nangyari sa kanila ni Jie. They got into another fight with another no-pansin week from his soulmate na kinainsan na naman niya at naging ending na naman ay si Jie ang nanuyo sa kaniya. Pero paano ba naman siya manunuyo kung wala siyang kaalam-alam sa rason nito kapag bigla na lamang siyang hindi pinapansin ng matalik niyang kaibigan? Jie had those moments—bigla siyang iiwasan, sa iba nilang kaibigan sasama. Kaizer was a bit scared na nagiging cycle na iyon ngunit lumipas naman ang mga araw hanggang sa mag-enroll sila ay hindi na iyon naulit pa.
Nasa labas na ng bahay si Kaizer, mag-aalas sais pa lamang ng umaga. Nakasanayan na nilang pumasok ng sobrang aga mula sa summer training na palagi nilang call time ay alas singko.
“Fausto!” napalingon siya sa gawing kanan ng marinig ang boses ni Jie. His soulmate smiled and ran towards him, siya naman ay binulsa ang kaniyang cellphone.
“Morning,” bati ni Kaizer kay Jie bago naghikab. Sabay pa rin silang napasok kahit may tampuhan sila o wala.
“Nabalitaan ko may acquaintance party raw?” turan nito bago umakbay sa kaniya.
Kaizer hummed and slightly leaned his head on top of Jie’s arm on his shoulder. “Saan mo naman nakalap ‘yan? Napakabilis mo.”
“Syempre, ako ang G4 eh.”
“Sa maintenance ka at stocks, Law. Hindi sa chismis.”
Natawa naman ng bahagya si Jie bago pumara ng jeep na dumaan. “I know, pero sinabihan kasi ako at si Paul kahapon ni Sir na may meeting tayo bukas. Ngayon ia-announce ni Shio,” turan nito bago hinawakan ang siko niya para igiya siyang sumakay na sa jeep.
Kaizer didn’t respond and got in the jeepney first. Buti na lang at maaga sila talagang napasok dahil hindi pa punuan ang jeep at nakaupo pa sila ng maayos.
“Nabanggit nga rin pala ni Sir sa akin, nawala lang sa isip ko. Inaasikaso na kasi namin ni Frauline ‘yong forms para sa provisionary third years eh,” turan niya nang umandar na ang sasakyan.
Umayos naman ng upo si Jie at humarap sa kaniya. “Oo nga pala. Next month na recruitment, ano?”
Kaizer just hummed and closed his eyes. Wala pa siyang sinasabi ngunit marahan nang ipinatong ni Jie ang kaniyang ulo sa sarili nitong balikat.
Mag-iisang buwan na rin silang seniors at hindi pa gaanong mabigat ang mga academic activities nila. Their CAT commandant told the science section officers that it would be hard to balance their academics and extracurricular activities relating to CAT, ngunit sinabi rin nila rito na handa naman silang lima.
Lalo kay Kaizer dahil kailangang siya ang mag-train sa mga third year and he would only be available after their classes, alas kuwatro ng hapon. Buti na lamang at may 1st battalion at 2nd battalion S3 rin naman na training officers rin. Ang mga ito ang maa-assign mag-train sa mga pang-umagang third year at si Kaizer na sa mga panghapon.
Hindi mahaba ang byahe nila, but Kaizer still closed his eyes and just played with Jie’s fingers para alam nitong gising siya. Jie, on the other hand, intertwined their fingers and kept on talking.
Dapat sanay na siya eh, Jie was really clingy. Hindi na bago iyon, hindi na rin bagong laging hinahawakan ni Jie ang kamay niya, hindi na bagong lagi itong nakadikit sa kaniya. Hindi na dapat siya kinakabahan tuwing magdadaop ang mga palad nila.
But Kaizer felt so nervous, his stomach was churning. His heart was beating so fast, he felt like his throat was constricted. Bitin ka lang sa almusal, Kai. Kulang ka lang sa kape. Awat niya sa kaniyang sarili.
“Para po,” rinig niyang turan ni Jie. Kaizer sat up straight and tried to pull his hand from Jie’s grip ngunit hinigpitan lang nito ang hawak sa kamay niya bago naunang tumayo nang huminto ang jeep.
Kaizer had no other choice but to let Jie hold his hand at sumunod rito pagbaba. Hanggang sa naglalakad na sila papunta sa mismong school nila ay hindi nito binitawan ang kamay niya.
Kaizer felt like combusting at hindi niya mawari kung bakit. Lalagnatin ba ako? “Jie kamay ko, pawis na eh,” reklamo niya.
Jie looked at him and just pouted. “Ano naman kung pawis na?”
“Kadiri kaya?”
Umismid lang si Jie. He then fished a handkerchief from his pocket at inilagay nito sa gitna ng magkahugpong nilang kamay. “Ayan. Lagyan ko pa ba ng pulbo para hindi mamawis?”
Kaizer rolled his eyes at palihim na bumuntong hininga. Hindi naman siya mananalo rito, wala rin naman siyang ibang puwedeng maidahilan para hindi nito hawakan ang kamay niya.
Hayaan na lang. Hindi naman na kasi dapat bago, wala na dapat epekto.
Nang makarating sila sa kanilang silid-aralan ay saka lang binitawan ni Jie ang kamay niya para umupo sa kaniya-kaniyang upuan. Sila pa lang ang nasa classroom dahil ang aga nila. As usual, sa dulong row nakaupo si Kaizer habang ang upuan ni Jie ay nasa unang row.
Pero syempre, hindi magpapaawat si Jie. Pagkababa nito ng bag sa upuan ay lumakad agad ito papunta sa kaniya. Hindi na uso ang alone time sa kanilang dalawa.
“Doon ka nga sa upuan mo,” kontra niya agad paupo pa lang si Jie sa tabi niya. Dahil rin iilan lang naman sila sa klase ay si Kaizer na ang pinakadulo sa kanilang lahat kaya may ilang upuang bakante sa kaniyang tabi.
Jie just pouted and still sat down beside Kaizer. “Tara na sa office?” tanong nito sa kaniya dahil kada umaga ay kailangan nilang mag-report sa kanilang commandant. Madalas rin ay doon sila tumatambay kapag maaga silang nakakarating sa school.
Kaizer grunted. “Maya-maya ng kaunti. Wala pa naman doon si Sir,” sagot niya bago tumalungko sa kaniyang armchair at pumikit.
“Punta tayo doon ng 6:30?”
Kaizer just hummed as a response, dalangin niya’y manahimik muna si Jie.
But Jie wouldn’t, of course. “Magpe-perform ba kayo sa acquaintance party?” tanong ulit nito.
Kaizer sighed and sat up straight para tingnan ang katabi. “Oo, kaya hindi ako kasama sa mga assigned na officers sa party,” tugon niya. Susubsob sana ulit siya nang may maalala. “Nga pala, Law. May meeting kami mamaya, para sa acquaintance party performers.”
“Same pa rin ba banda mo this year?” mahinang tanong nito sa kaniya.
Kaizer frowned a little and hummed. “Oo naman. Also bibigyan kami ng dalawang ticket kaya huwag ka nang bumili.”
Jie smiled and hugged Kaizer’s arm. “Naks, may perks pala kapag soulmate ng performer.”
“Huwag na lang pala sa’yo.”
“Ih… walang bawian, nasabi mo na eh.”
“Oo na, baka mag-iyak ka pa d’yan.”
“Yay! Libre na lang kita foods at alalay mo ako ulit!”
“Aba dapat lang,” nakangiti nang tugon ni Kaizer dito. “May meeting kami mamaya ha? Baka magtampo ka na naman kasi hindi ako makakasabay ng uwi sa’yo,” paalala niya rito.
But Jie just grinned at him. Kaizer didn’t know why, Jie’s bright smile seemed to light up the place. He couldn’t understand why it made his heart skip a beat.
“Wait kita sa office, lagi naman tayo tambay doon eh. Para sabay pa rin tayo umuwi.”
“Okay… hindi naman yata kami aabutin ng matagal eh.”
“Kahit anong oras ka pa abutin, hihintayin naman kita.”
~
“Wala pa si Kai?” Napatingala si Jie nang marinig ang boses ng kaibigan niya na si Jax.
Napatingin siya sa oras sa cellphone niya. 5:43. Sanay naman silang magsiuwi ng late at marami pa rin silang magkaka-officer sa office kaya hindi naman niya gaanong iniinda ang paghihintay. “First meeting at briefing nila eh,” tugon na lang niya.
“Baka kaya tinaon ni Sir ang meeting natin bukas kasi may general meeting rin para sa party ngayon,” Jax commented and sat down beside Jie. Nasa may bench sila sa harap ng pinto ng office nila.
Jie just hummed as a response. Sabay pa silang napatingin sa may pinto nang lumabas doon si Shiori na palinga-linga.
“Sino hanap mo?” tanong ni Jax sa dalaga.
“Si Jie— oh. Buti nand’yan ka pala. Magru-room to room tayo by next week para iinform mga third year kung sinong gusto mag-register para sa mag-officer,” sabi ni Shiori bago naupo rin sa kabilang tabi niya.
Jie frowned and tilted his head. “Hindi ba dapat sa G1 ‘yan? Registration eh.”
“Si G1 nga sa registration kaya siya umaayos ng form at log. Tayo sa resources,” nakairap na sagot ni Shiori sa kaniya. “Kasama rin mga S4 so anim naman tayo kaya hindi naman magtatagal.”
“Ahh… gets. Excused ba sa klase?”
“Oo.”
“Sama na lang ako,” biglang singit ni Jax kaya’t natawa sila rito. First battalion commander kasi ito.
“Hindi puwede, nakarinig lang ng excuse ‘to eh,” nanghahaba ang ngusong turan ni Shiori.
“Anong topic, anong topic? Pasali.”
Jie practically lit up like a light bulb as he looked up and beamed at Kaizer. Boses pa lang nito ay alam na niyang ang soulmate niya ang bagong dating. “Fausto! Done na?” He cheerfully said and stood up. “Uwi na tayo?”
Kaizer sighed bago ito sumandal sa pader at umiling. “Maya nang saktong six. Done na rin kami mag-usap ng banda. Mag-iisip muna kami kung anong magandang kanta i-perform,” turan nito bago lingunin si Jie at nginitian siya. “Limang song ipe-perform namin.”
Jie’s eyes widened and smiled so wide bago hawakan ang balikat ni Kaizer. “Main performer kayo?!”
Kaizer grinned so wide and nodded his head cutely. “Yes… nagulat nga kami eh pero kasi kami raw ‘yong established nang banda sa mga magpe-perform kaya ayon… hindi kami last performers kasi mauuna mga singers at bands bago mga dance teams,” pagkukuwento nito. Kaizer even giggled cutely that made Jie smile even wider. “Nakakatuwa… parang ang galing-galing naman namin kahit hindi naman,” biro nito bago tumawa ng bahagya.
Jie frowned and pinched Kaizer’s nose. “Magaling naman talaga kayo eh. Excited na ako!” Jie giddily said and hugged Kaizer.
Kaizer giggled even more and hugged Jie back. “Hindi naman ikaw ang magpe-perform.”
“Excited akong panoorin ka, ‘no.”
“Na-excite rin naman ako pero hindi naman ako nangyakap,” rinig nilang komento ni Jax sabay tawa naman ni Shiori.
Jie pulled away from Kaizer’s hug, his hands stayed on Kaizer’s waist though and then he snickered. “Bakit hindi mo hanapin na lang si Paul para may mayakap ka?”
Jax grimaced and cringed that made them laugh. “At masapak ako ni Paul na allergic sa skin-to-skin contact? Huwag na lang.”
Lalo silang natawa dahil sa sinabi ni Jax.
Kaizer pulled away from Jie completely. “Wait lang, sasabihan ko si Sir kasi hindi talaga ako makakasali sa pag-duty ngayong party,” he said.
Jie then held Kaizer’s hand as if it’s such a normal thing to do. “Nasa taas ng grandstand si Sir, kausap ibang officers. Tara?”
Hindi na sumagot si Kaizer at hinila na lang siya papuntang grandstand. Malapit lang naman iyon. Nang makalapit sila sa kanilang commandant ay kabado pang nagsabi si Kaizer dahil G3 nga naman siya, mataas ang rank niya kaya nahihiya itong hindi makatulong sa kanila.
But their commandant assured Kaizer na okay lang iyon dahil parang representative ito ng mga officers at ng 4-Science sa party. “I know you’ll make us proud pero galingan mo pa rin,” nakangiting sabi ng nakakatanda.
Kaizer saluted at their commandant. “Sir, yes, Sir!”
Their commandant chuckled and gave Kaizer a nod. They also took the opportunity to ask for permission to leave para uuwi na lang sila.
Nang makabalik sila sa may office ay nandoon na rin ang kanilang mga kaibigan. Saglit pa silang nagkuwentuhan bago magkayayaang umuwi na.
Sakay na silang dalawa sa jeep pauwi nang may maalala si Jie na itanong sa kaniyang soulmate. “May naisip ka na bang kakantahin?” tanong niya sa binatang pikit na nakaunan sa kaniyang balikat.
Kaizer hummed and nodded. “May dalawa na akong naisip.”
“Ano? Anong kanta?”
“Surprise na lang sa concert. At saka hindi pa naman sure eh kasi baka hindi gusto ng mga kabanda ko.”
Jie pouted and played with Kaizer’s hair. “Bakit naman? Eh ikaw naman ang kakanta?” turan niya. Umalis kasi sa banda ng mga ito ang talagang bokalista dahil sumali ang kaklase nila sa dance troupe kaya napili ng banda na si Kaizer ang maging bokalista.
“Kahit na. Hello? Kaming apat ang tutugtog kaya dapat alam namin at gusto namin lahat kung ano mang kanta ang ipe-perform namin,” Kaizer responded matter-of-factly.
Jie shrugged that made Kaizer frown. “Okay… sabi ko nga. Basta kung ano pa ‘yan malamang magugustuhan ko naman.”
“Likot mo naman eh.”
~
A week quickly passed, ilang linggo na lang bago ang acquaintance party nila. Maraming third year ang sumali para maging officer sa CAT. Kaizer was really busy that whole week arranging the training schedules of the third years and fourth year dahil mandatory ang CAT sa mga fourth year student na hindi nag-officer. Idagdag pang magsisimula na rin silang mag-practice ang banda niya dahil finalized na rin ang kanilang set list.
He’d be meeting the third years that Saturday morning for their first culminating activity and training with him, hapon naman ay practice kasama ang banda niya. Linggo na lang ang pahinga niya pero hindi talaga pahinga sa dami rin nilang gawain sa klase.
Nasa office silang magkakaibigan, Sabado, alas sais ng umaga. Alas siyete magsisimula ang mismong training nila kaya’t nakatambay pa lang sila.
“Kain muna tayong lunch bago kayo mag-practice, ha?” malumanay na turan ni Jie na nakaunan sa hita niya sa mga oras na iyon.
Kaizer absentmindedly pouted while fiddling with Jie’s ear. “Sabay-sabay na sana kaming kakain nina Alex eh…” sagot niya bago tingnan si Jie. Kaizer sighed when he saw disappointment on the younger’s face. “Sige na. Sabihan ko na lang sila na male-late ako ng kaunti.”
Pilit na ngumiti si Jie bago ito umiling. “Hindi, ayos lang. Kasama ko naman sina Paul. Saan kayo magpa-practice pala? Sa studio sa bayan? Sunduin kita?”
“Kina Alex kami magpa-practice kasi may drum set naman doon,” sagot niya kay Jie. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang pakiramdan niya na kailangan niyang bumawi kay Jie at pagaanin ang loob nito. “Mag-stay pa naman kayo rito hanggang mamayang five, ‘di ba? Kita na lang tayo sa bayan para sabay pa rin tayo umuwi. Ha?”
“Mhm… okay. Malayo ba kina Alex?”
“Hindi naman. Huwag ka na ngang sumimangot, pangit mo.”
Jie pouted even more and reached up to pinch Kaizer’s nose. “Pangit ka rin.”
“Aray! Masakit, ha?! Kakaltukan kita makita mo.”
“Guys, labas na. Magfo-form na tayo,” napalingon sila sa pinto nang marinig si Paul. Saktong tumingin naman ito kay Kaizer. “G3, form na.”
Maingat niyang inalalayan si Jie bago siya tumayo’t lumabas. May mangilan-ngilan nang third year ang nasa may grandstand. Nauna na rin si Kaizer papunta sa may stage para doon sila mag-form. The third years eyes were on them too.
“Officers! Form!”
Mabilis na humanay ang mga ka-officer niya sa kaniyang harap. They did sounds off first where they had to say their last names and then count off before they started with their drill. Kaizer became different when he’s commanding any platoon. He exuded authority at sobrang seryoso nito kaya’t tingin ng lahat na deserve nitong maging G3 nila.
“De Dios, tingin ng diretso,” at hindi niya napigilang sitahin si Jie na nasa pinakadulo ng pila nila dahil imbes na diretso ang tingin ay nasa kaniya ang mga mata nito. Their co-officers tried their best not to laugh kaya’t sinamaan niya ng tingin ang mga ito.
Jie flinched a little and pursed his lips to suppress a smile as he looked in front of him. They continued with their morning drill while the third years were watching.
At pagpatak ng alas siyete ay simula na rin ang training nila. Si Paul muna ang nagpa-form sa mga third year sa tabi ng hanay ng mga officer dahil ito ang kanilang corps commander.
But as soon as the officers got dispersed, pinalitan ni Kaizer si Paul sa harap ng mga third year. Paul’s presence as the corps commander was scary to the younger ones, of course. Pero iba rin ang kabang nararamdaman ng mga nakababata nang si Kaizer na ang nasa harap ng mga ito. Matapos maturuan ni Kaizer ng basics ang mga third year ay hinati nila sa ilang grupo ang mga ito para mas ma-train nila ng maayos at tutok. Some of the officers were also assigned to train them.
Buong umaga silang abala. They’re under the scorching sun too kaya’t pagsapit ng tanghali ay para siyang upos na pagod at uhaw na uhaw.
Kahit sinabi ni Jie na okay lang na hindi siya makasabay sa tanghalian ay pinili niyang sumabay kumain sa mga ito. Matapos nilang mananghalian ay nagpaalam na rin siya sa kanilang commandant dahil didiretso naman siya sa practice. Jie was pouting so hard at hinatid pa siya sa may gate kaya’t hindi alam ni Kaizer kung matatawa ba siya sa kaibigan o mayayamot.
That afternoon was busy for Kaizer too but definitely fun. Unang dalawang kanta ang inaral nilang tugtugin. May mga pagkakataon pang nakakalokong mag-aadlib ang mga kasama niya lalo na ang kanilang drummer. It took them hours of practicing and fooling around before they were even able to play two songs harmoniously.
Kaya’t ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang pasado alas singko na pala hapon.
At ang gulat niya ay napalitan ng taranta at kaba nang makita ang sandamakmak na text messages ni Jie.
aaa.Lauren :P
Tapos na with the activitiesss
Natatawa ako narinig ko ibang third year scary ka raw HAHAHA!
Excited na ako para sa hell week nila
MWAHAHAHA
Pabayan na kami, Faustoooo
Ikaw? Nasaan ka na?
Wala ka ba load? Paloadan kita?
Huy reply :<
Nasa bayan na ako. Dito muna ako sa mall
Fausto nasaan ka na?
Uuwi ka pa ba hahaha
Mag-aalas sais na.
Fausto.
“Shit. Shit, shit, shit, shit,” Kaizer frantically muttered bago niya mabilis na sinukbit ang kaniyang bag sa balikat at tumayo. “Una na ako, guys. Takte, naghihintay nga pala si Law sa bayan,” tarantang paalam niya sa mga ito.
“Pahatid ka na kaya kay Kuya?” turan ni Alex na sinang-ayunan ng iba pa nilang kasama.
Mabilis siyang umiling. “Hindi na. Nakakahiya. Dito na muna gitara ko, ha? Next week na lang,” pandalas niyang paalam. Hindi na niya hinintay na makatugon ang mga ito at nagmamadali na siyang lumabas ng bahay.
Pagkasakay niya ng tricycle ay agad niyang tinawagan si Jie. Kaizer was anxiously chewing his lower lip while the phone was ringing.
Napahugot siya ng malalim na buntong hininga nang sa wakas ay sagutin ni Jie ang tawag. “Law! Law, sor—”
“Sa paradahan na lang,” maikli at malamig na turan ni Jie.
And then the call ended.
Kaizer sighed and hit his forehead. “Tampo na ‘to…”
Away na naman.
At least this time, alam niya ang kasalanan niya at alam niyang kailangan niyang suyuin ito.
Buti na lang at paglabas niya ng bahay nina Alex ay may nasakyan agad siyang tricycle, saglit lang ay nasa bayan na siya. Kaso lang ay naipit pa sila sa traffic kaya’t nagbayad na siya agad, bumaba, at tinatakbo ang daan papunta sa terminal ng jeep.
Kaizer’s chest tightened when he saw Jie, palinga-linga ito at tingin nang tingin sa cellphone nito bago bubuntong hininga. Mabilis niyang nilapitan si Jie at kahit hinahapo dahil sa pagtakbo ay agad niyang hinawakan ang balikat nito. “Shit, sorry… nag-polish na kami ng dalawang kanta. Dire-diretso practice namin… kaya hindi ako naka-reply. I’m really sorry…” Kaizer tried to explain in between breathes.
Napayuko na lang siya at napapikit bago humugot ng malalim na hininga.
Kaya hindi niya nakita ang pag-aalalang nakaguhit sa mukha ni Jie. Kaizer wasn’t also able to see the small smile on Jie’s lips and the soft look his eyes had.
“It’s okay, kalma. Huminga ka nga ng ayos. Wait, may tubig pa ako sa bag,” tuloy-tuloy na sabi ni Jie bago nagmamadaling kuhanin ang tumbler nito sa gilid ng bag at buksan iyon. “Here. Inom muna. Sorry rin if gano’n sagot ko, medyo tampo lang kanina pero okay lang. Nag-alala lang rin ako.”
Kaizer took the tumbler from Jie at uminom. Nang kunin ni Jie ang tubigan nito at ibalik sa gilid ng bag ay giniya na siya nito pasakay sa jeep, saktong huling byahe na rin at buti na lang ay inabutan nila.
Buong byahe ay tahimik lang sila ngunit hindi mapigilan ni Kaizer na kumapit sa braso ni Jie nang mahigpit. He didn’t know why but the grip he had on the younger’s arm felt like an assurance for him that they’re okay.
Sabay na silang bumaba sa tapat ng bahay ni Kaizer. “Pasok ka na, uwi na ak—”
But Kaizer didn’t let Jie finish. He held Jie’s hand and pulled the younger towards his house. Wala maski isang salitang lumabas sa kanilang bibig hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay.
“Gusto mo bang dito ako matulog? Kukuha muna akong damit at pagkain natin…” nagtatakang tanong ni Jie sa kaniya.
Kaizer stared at his soulmate. Hindi na niya maintindihan ang mga bagay-bagay pero isa lang ang malinaw sa kaniya – hindi niya gustong nagtatampo sa kaniya si Jie. Hindi niya gusto kapag malamig ang trato nito sa kaniya, naninikip ang dibdib niya, naiiyak siya kahit ayaw niya. Hindi maganda sa pakiramdam.
Jie being mad or cold towards him stung so badly, aches in every place, and something that wouldn’t let him sleep peacefully at night. It’s a very unfamiliar sight for Kaizer kaya’t hindi niya maintidihan kung bakit parang ang sakit-sakit.
Is it because we’re platonic soulmates and dapat lagi kaming magkasundo kaya ang hirap? Siguro… Sa isip-isip ni Kaizer bago humugot ng malalim na hininga.
“Law… sabihin mo lang mga ayaw mo, iiwasan ko,” malumanay niyang sabi bago tila nanghihinang idinantay ang ulo sa kaliwang balikat ni Jie. “Please… ayoko ng gano’ng pakiramdam kapag galit ka, o kapag tampo ka, o kapag hindi mo ako pinapansin. Ang hirap kasi. So just… if you could just tell me? Please?”
And to say that Jie was shocked was an understatement. The past months has never been easy for the two of them and Jie didn’t notice how it affected Kaizer.
Jie closed his eyes and hugged Kaizer, and the latter immediately melted in between Jie’s arms. “No… wala namang problema. Ako lang ‘tong minsan hindi maayos. I’m sorry, aayusin ko na. Wala ka dapat iwasang mga bagay kasi wala akong ayaw.”
“Eh ‘yong kanina—”
“Pagod lang rin ako sa maghapon na training kaya mabilis akong nainis kanina.”
“Pero Law, okay lang naman eh. Kung may need akong gawin—”
“Wala, Fausto,” mabilis na sansala ni Jie bago mas hinigpitan ang yakap kay Kaizer. “Wala kang ibang kailangang gawin. You just need to be you, your usual self. We’re okay, soulmate.”
“Okay… we’re okay.”
