Actions

Work Header

The Apartment I Don't Want To Share

Chapter 11: Chapter 10.5 — End: Moving Closer

Summary:

Je & Pochi :)

Notes:

and that's a wrap!

thank you so much to those who made it here. special kayo lahat sa akin. from the bottom of my heart and soul, thank you for indulging me in sharing Je & Pochi's story.

enjoy!

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

 

“Kkuma!” 

 

Agad na pinuntahan ni Pocheolo ang alaga nang narinig niya na bumukas ang pinto. Ang hindi niya alam, si Jewel na pala ang bubungad sa kaniya. Dala-dala ang isang bag at maleta. Hindi niya alam ang sasabihin o ang gagawin. Patuloy pa rin si Kkuma sa pagtahol at pag-ikot kay Jewel habang sila ay nakatitig lamang sa isa’t isa. 

 

“Pocheolo,” panimula ni Jewel. 

 

“Uh, pasok, Jewel.” 



“Sorry, hindi ko alam na andito ka pala. Ang sabi sa akin ni Mama ay wala nga raw tao rito, e.” pagkuwento ni Jewel kay Pocheolo na ngayong ay naghanda ng merienda para sa kanila. 

 

“Ayos lang. Hindi ko rin alam bakit ako nandito.” pag-aamin ni Pocheolo. 

 

Bakas sa mukha ni Jewel ang pagkalito. “Huh?”

 

Mahinang napatawa si Pocheolo. “Si Mama rin, biglang tinawagan yung sa tinitirhan ko at pinadala yung gamit ko rito. Wala na, bigla na lang may sumundo sa amin ni Kkuma.”

 

“Ang mag-amiga talaga.” saad ni Jewel kaya’t napatawa si Pocheolo. 



Akala ni Jewel ay magiging mahirap kapag nagkita sila muli ni Pocheolo. Nakalimutan niya yata na si Pocheolo ‘yan. Kailanman hindi naging mahirap basta silang dalawa. Napag-usapan ng dalawa na rito muna sila to please their mothers until both of them have a place na tutuluyan. Naawa naman si Jewel kay Pocheolo na ang tahimik sa sarili niyang bahay ay biglang nabulabog at nasama rito. Pag-uwi niya ay talagang mapapagalitan niya ang kaniyang ina. 

 

Medyo may ilangan at hindi na sila katulad noon pero ayos lang dahil pareho naman sila laging nasa trabaho. Nauuna man umuwi si Jewel ay lagi naman itong nasa kuwarto. Si Pocheolo naman, isang ganap na inhinyero ay laging out of town ng ilang araw dahil nadedestino. Hindi na rin masama ang set-up nila ngayon. 

 

Alas dos na nang matapos si Jewel sa paggawa ng lesson plan at visual aids niya nang nakaramdam ito ng uhaw at lumabas para na rin tignan si Kkuma sa sala. Hindi niya napansin na bumukas ang pinto at kauuwi lamang ni Pocheolo galing Tagaytay. May project kasi siya roon at alam ni Jewel dahil Pocheolo being polite at kasama sa bahay, nagpaalam ito at ihinabilin muna si Kkuma sa kaniya. 

 

Sa loob ng mahigit dalawang linggo nila rito, hindi maiwasan ni Je na isipin lagi si Pocheolo. Ngayong nasa iisang bubong na naman sila, noon nga na may hinanakit siya rito ay nagawa pa rin niyang mahalin si Pocheolo, ngayon pa kayang hindi naman nawala sa kaniya yung pagmamahal na iyon?

 

“Uy, ngayon ka lang?” tanong ni Jewel.

 

“Je, bakit gising ka pa?” takang tanong ni Pocheolo. 

 

Ayan na naman si Pocheolo, hindi maiwasan malungkot ni Jewel sa tuwing tatawagin siyang ganoon ni Pocheolo. Samantalang siya, hindi niya magawang tawaging ‘Pochi’ ulit ang nakatatanda.

 

“Katatapos ko lang gumawa ng lesson plan at visual aids. Sabado naman bukas. Ikaw? Bakit ngayon ka lang?” tanong niya at inabutan si Pocheolo ng tubig. 

 

“Salamat,” uminom ito at tsaka umupo sa harap ni Jewel. “Ngayon lang natapos yung meeting sa project. Uumpisahan na kasi sa susunod na linggo yung sa harap ng resort.”

 

Tumango lamang si Jewel at tahimik na nakatingin sa bintana na tanaw ang kalsada. Sa totoo lang, hindi pa nila napag-uusapan ni Pocheolo ang nangyari sa kanila. It’s gonna be a lie kung sasabihin ni Jewel na hindi niya gustong pag-usapan dahil may katiting pa rin sa kaniya na umaasa na sana may natitira pang pagmamahal si Pocheolo para sa kaniya. 

 

Nababalot sila ng katahimikan habang dinadama ang presensya ng isa’t isa. Walang gustong tumayo at pumunta sa kuwarto upang matulog kahit madaling araw na. Gustong sulitin dahil may posibilidad na hindi na maulit lalo na at nakahanap na si Pocheolo ng tutuluyan. Nakausap na niya yung sa dati niyang apartment at baka sa mga susunod na araw ay tumuloy na siya. Ayaw na naman niyang pilitin pa ang sarili rito at sa bawat minuto na nakikita niya si Jewel ay hindi niya mapigilan masaktan. Andito nga si Jewel—masaya siya at nakikita niya si Jewel, pero iba kasi ang gustong gawin ng puso niya na alam niyang hindi sila pareho ni Jewel. 

 

Dapat na rin siguro niyang sabihin kay Jewel yun. 

 

“Je,” 

 

“Hm?” 

 

“Bago matapos ang linggong ito, baka makalipat na ako. Ako na lang sasagot para sa buwan na ito sa gastusin.” 

 

“Ha?” parang walang naintindihan si Jewel kundi ang unang sinabi lamang ni Pocheolo. Aalis na siya? Hindi maiwasan ni Jewel na masaktan. Ang tanga lang, ganito pala yung pakiramdam ni Pocheolo noon. Masakit pero wala kang magagawa. 

 

“Lilipat na ako…” marahang wika ni Pocheolo. 

 

Ang bilis naman?

 

“Oh,” ayan lamang ang tanging lumabas sa bibig ni Jewel. 

 

“Je,” tawag ni Pocheolo. 

 

“Bakit?” 

 

Tumayo si Pocheolo at tumabi sa kaniya. Hindi makagalaw at tanging sinundan lamang ng tingin ni Jewel ang nakatatanda. 

 

“Umiiyak ka.” sambit nito at hinaplos ang pisngi ni Jewel upang punasan ang kaniyang mga luha. Hindi nga alam ni Jewel na umiiyak na pala siya. Ni hindi man lang niya naramdaman ang mga luhang tumutulo na pala habang kaharap si Pocheolo. 

 

“Pocheolo,”

 

Umiling ito. “Je,”

 

Hindi na kinaya ni Jewel at niyakap si Pocheolo. “Pochi,”

 

Walang ideya si Jewel kung ano ang epekto nito kay Pocheolo. Walang ibang alam gawin si Pocheolo kundi yakapin pabalik ang nakababata habang tumutulo na rin ang luha. “Je…” 

 

“Pochi, sorry…” 

 

“Shh… hindi mo kailangan magsorry dahil pinili mo ang sarili mo, mahal.” marahan nitong hinahaplos ang likod ni Jewel. 

 

“Pochi, sorry,” patuloy lamang ang pag-iyak ni Jewel sa dibdib ni Pocheolo habang marahan nitong inaayos ang buhok palayo sa basang-basa niyang mukha. 

 

“Tahan na, mahal. Masakit sa akin na nakikita kitang ganyan. Naiintindihan ko. Kaya tama na sorry, please? Kaya po?” 

 

Tumango si Jewel. “Bakit ka ganyan? Mahal mo pa rin ako pagkatapos kitang iwan?” 

“Hindi mo na ba ako mahal? Pinagsisihan mo ba na nakasama mo ako noon at ngayon rito? Pinagsisihan mo bang minahal mo ako?” marahang tanong ni Pocheolo. 

 

Umiling si Jewel. “Hindi ko pinagsisihan mula noon hanggang ngayon. Mahal kita. Hanggang ngayon. Hindi naman nawala.” 

 

Ngumiti si Pocheolo at hinagkan ang kaniyang pisngi. “Hindi mo naman ako iniwan, Je. Syempre, mahal kita. Pinili mo ang sarili mo dahil yun ang alam mong kailangan mo, susuportahan kita. Mag-aantay ako. Nag-antay ako, Je. Kaya tama na po ang kakaisip ha? Mahal kita noon hanggang ngayon. Hindi rin nawala, Jewel.” 

 

Ang kaninang halik na pumatak sa pisngi ni Jewel ay ngayo’y nasa labi na niya. Alas dos na ng madaling araw. Masyado pang maaga para sa kanilang ngayon lamang ulit pinili ang mga damdaming itinabi muna para sa pagkakataong ito ay malaya na nilang mahalin ang isa’t isa.

 

 

Naramdaman ni Jewel ang bigas ng braso na nakayakap sa kaniya na biglang humigpit ang yakap kaya’t nagising siya sabay na rin ang pagtunog ng doorbell sa kanilang pinto kaya naman rinig na rinig ang kahol ni Kkuma mula sa labas. Agad siyang napatingin sa oras, hapon na pala. Mula nung pag-amin at pagkakaayos nila ni Pocheolo kaninang madaling araw, hindi naman sila natulog kaagad. Alam niyo na ‘yon. 

 

“Pochi, may kumakatok. Tatayo muna ako.”

 

Hindi naman siya sinagot ni Pocheolo at umayos lamang upang makatayo si Jewel at siyang natulog muli. Dumiretso na si Jewel sa pinto para na rin matahimik na si Kkuma at tignan kung sino ba ito. Inayos niya muna ang sarili dahil suot-suot niya pa ang malaki sa kaniyang t-shirt ni Pocheolo. 

 

Pagkabukas ni Jewel ay tumambad sa kaniya ang pamilyang Jeon-Kim na karga-karga pa si Chanchan. 

 

“Teacher Je!” masiglang bati ni Chanchan. 

 

“Kuya Je?!” “Jewel?” sabay na sambit ng mag-asawa. 

 

“Sino ‘yan, mahal?” tanong ni Pocheolo at tsaka sinamahan ang nobyo kaya naman gulat na gulat ang itsura ng bumisitang pamilya.

 

Notes:

- yes, doon ulit sila tumira. pina-cancel na ni Pochi yung tinawagan niya sa dati niyang apartment.
- kasal na jisoo and seokmin.
- akala niyo ang surprise lang ay naabutan ng miko & won si pochi sa apartment no!!! matagal na may boyfriend si kwan at walang iba kundi si nonie na kapatid ni cheolo!! instant kapatid sila ni je. tawang-tawa si soo at won xmpre!!!
- chanchan ay finally naging official student na ni je.
- alam niyo bakit pwede aso sa apt nila? si mama choi ang may-ari ng buong apartment at mga katabi.
- si jihoon na pinagselosan ni je noon ay co-teacher na niya ngayon and yes besties sila. si je ang teacher ng mga anak nila ni soonyoung.
- kinasal si je and pochi 3 years after.
- after a year of being married, bumili na ng bahay sina je & pochi sa tapat ng playground na nilalaruan nila dati sa laguna. yung apartment ay kanila pa rin dahil mainly sa manila pa rin sila nagstay.

Notes:

Thanks for reading! As always, kudos, comments, and bookmarks are very much appreciated! :)

see you next chap!

more works at @hancheolchwe on twt :)