Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2024-08-16
Completed:
2025-01-30
Words:
2,126
Chapters:
2/2
Comments:
3
Kudos:
55
Bookmarks:
9
Hits:
2,022

huwag muna tayong umuwi.

Chapter 2: wakas.

Summary:

Hindi ko maisakatwiran ang hiwaga na inilalahad ng puso, ang damdamin ko’y may sariling wika kung saan lahat ng salita ay binubuo ng pangalan mo.

Notes:

PURE BRAINROT... i am so sorry. anw, if the first installment was inspired by jerry gracio's hindi bagay, then this is (less heavily) inspired by rolando s. tinio's lumbay! basta, bookworm jho x conyo mikha is so special to me. probably last of this series though. not entirely proofread, also still not super proficient in writing in filipino. plz bear with me.

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Naaagnas na ang mga bituin, unti-unting nalalagas ang alay na liwanag nito sa gabi.

 

Darating na ang umaga, Mikha. Wala ka pa rin.

 

Tahimik ang buwan, walang awit o bulong o uyayi. Nakakubli lamang ito sa likod ng nagtatagping mga ulap. Si bulan ay tila bang may suot na talukbong at ayaw magpakita. Kahit ang init nito’y ‘di nadarama, iniwan akong mag-isa sa gitna ng walang direksyong simoy at nagbabalot na lamig. Walang bakas ng kahinahunan sa nagbabagang lupa, ang singaw ng putikang ayaw akong tanggapin. Pilit akong tinutulak ng gabi paalis sa aking kinatatayuan, kahit ang mga ulap na nagsisilbing belo ay biglang bumibigat. Ang puno na kanina’y sarado at walang tirang awang, ngayo’y bumubukas upang ipakita sa’kin ang kinabukasan. Mukhang uulan sa buong mundo. 

 

Nasaan ka na, Mikha? Nandito pa rin ako.

 

Nakadungaw si bulan, subalit ang puso nito’y nananatiling nakatago. May sikreto rin ang gabi, lihim na dati tayong dalawa lang ang nakakarinig kasabay sa malambing na awit ng hangin. Umaawit noon si bulan ng korido, kung saan ang liriko ay tanging maiintindihan lamang ng isang ikaw at isang ako. Umiindak sa tonong katunog ng boses mo, isang hele na mayroong bitbit na hiwaga at yakap. Malamig ang dahan-dahan mong bulong ng mga sikretong pinakakawalan sa kalawakan, pero mainit sa iyong bisig. Isang sikreto ang inamin mo noon sa’kin, walang ibang saksi sa pagtatapat kung hindi ako at si bulan. 

 

“Jho,” Malamig ang gabi, at nakakatunaw naman ang iyong ngiti, “May aaminin ako.”

 

“Ano ‘yun?”

 

“Sometimes, when you talk about a movie or a book or a poem, hindi ko completely naiintindihan pero I let you talk continuously anyway.” Dagdag mo pa, “I may not understand them like you do, but I like to think that I understand the way you talk about the stuff that you’re passionate about. As cliché as it sounds, you’ve got stars in your eyes and everything.”

 

Bigla kang tumawa ng mahina, walang kaalam-alam sa gulo na sinimulan mo sa loob ng aking dibdib; sa pagitan ng tadyang ay isang pusong kumakalampag.

 

“Look, Jho,” Huminga ka ng malalim, “I’m not as good with words as you are. Pero nasabi ko na ba na ang ganda mo? Ang ganda mo, Jhoanna. Sobrang ganda mo when you talk about the things that make you happy.”

 

“Ikaw.”

 

“Hm?”

 

“You make me happy, Mikha.”

 

Hawak ko sa kamay ko noong gabing iyon ang mga tula ni Maningning Miclat. Noong mga nakaraang gabi ay ipinakilala ko sa iyo si Villa, si Almario, at ang mag-asawang Tiempo. Pagdating ni Miclat, sabi mo ay tumatak sa’yo ang tula niyang Ang Naliligaw

 

“Pinili kong isipin ka,” Basa mo sa linya. “It reminds me of a line from that book na you made me read last week, Kalahating Bahaghari. Ang umibig ay isang desisyon upang manatiling umiibig.”

 

Natuwa ka rin kasi ayon sa iyo ay kilala mo sila Titian, Bronzino, at Michaelangelo na binanggit sa isang saknong. Higit sa lahat, kilala mo ako. 

 

“Pinipili kong isipin ka, Jhoanna. Pinipili kong ibigin ka. Loving you is a conscious decision.”

 

Gusto kong itanong noon, hanggang kailan mo ako kayang piliin? 

 

Kahit hindi ko pala naitanong, nakasulat na sa palad natin ang sagot,

 

Ngayong gabi, dala ko ang mga tula ni Tinio. Ang Lumbay ay binabasa, hindi isinasabuhay. Ngunit nalulumbay din ang mundo mula sa kinakatayuan ko. Pumatak na ang unang luha ni bulan. Kaya pala siya’y nagtatago sa likod ng mga umaagos na ulap, siya’y nagluluksa. Sa gitna ng bumubuhos na ulan, humahapdi ang sugat sa puso ko.

 

Hinihintay kita, Mikha. Kasi iyon lang ang magagawa ko.

 

Kilala mo na si Tinio, dinala mo ako noon sa isang dula hango sa salin nitong Ang Trahedya Nina Romeo at Julieta. Itinanggal ito sa isang maaraw na dulot ng Hunyo sa Ateneo, sa isang teatrong puno ng tao. Patawarin mo ako, Mikha. Kung noong araw na iyon ay hindi ko mahawakan ang kamay mo, at hindi ko rin nakuha ang lakas na maupo sa tabi mo. Pinipili rin kitang ibigin, Mikha. Hindi lang sa paraan na ganito.

 

Noong dumilim na ang ilaw at bumukas ang kurtina, ang mga mata ko’y nasa entablado habang ramdam ko mula sa likod ang titig mo. Tulad ng tula ni Tinio, malumbay ang mga nakaw na tingin mo. Wala sa akin ang lakas ng loob ni Romeo o ang tapang ni Julieta. Matamis ang halik ng kanilang pag-ibig, ngunit mapait ang tadhanang sa kanila’y hatid. Kung si Julieta may kakampi, ako ay mayroon lamang ikaw. Maintindihan mo sana, Mikha, wala akong ibang pinanghahawakan kung hindi ikaw.

 

Ang lakas na ng ulan, Mikha. Binitawan mo na ba ako?

 

Patuloy ang malakas na iyak ni bulan. At doon ko napagtanto, ito ang sikreto ng gabi na hindi ko maintindihan dahil walang ikaw, at walang ako: Mukhang uulan sa buong mundo. Wala na ang mahal ko, iniwanan ako. Hindi kita masisi, kasi ang pagmamahal ay mapagparaya. At tulad ng lagi kong iniisip, hindi dulot ng pagkakataon na pareho ang bilang ng letra sa pangalan mo at sa salitang mahal. Mahal. Mikha. Mahal. Mikha. Mahal. Mikha. Ikaw ang pagmamahal, Mikha. Ikaw ang hugis, mata, at boses ng pag-ibig. Hindi ko maisakatwiran ang hiwaga na inilalahad ng puso, ang damdamin ko’y may sariling wika kung saan lahat ng salita ay binubuo ng pangalan mo. 

 

Hindi lang mahal ang may limang letra, bilang din sa mga daliri ang katotohanan na mananatiling madamot ang mundo. Bawal. Mikha. Bawal. Mikha. Bawal. Mikha. Bawal kitang mahalin, Mikha. Pero bakit ito lang ang pagmamahal na alam ko?

 

At sa tugon na dinadala ng wikang may limang letra, ito ang ebanghelyo: Takot ako, Mikha. Hanggang sa walang-silong na parusa ng sansinukob, wala ka na, at natatakot ako.

 

Mahal kita, Mikha. Bawal ito, Mikha. Takot ako, Mikha.

 

Gusto ko lang marinig mula sa labi mo ang pangalan ko.

 

Hindi ako matapang. Ngunit nagtatapang-tapangan ako ngayon sa ilalim ng talim ng mga luha. Ito lang ang wikang kabisado ko, binubuo ng limang letra at isang salita lamang ang kailangan maunawaan: takot. Saan ka natakot, Mikha? Sa tadhana na pinagkakait ang ligaya o ang posibilidad na hindi pala kapalaran ang kalaban—paano kung ako? Ako at ang talas ng pangangamba at takot na hindi kayang hugasan ng sugod ng ulan. Ang dungis, dumi, at sala ng pag-ibig ay kaya raw linisin ng nagsasalbang pananampalataya. Ano naman ang nagsasalba sa takot na walang mahawakan?

 

Kung sadya ng mundo na ikaw ang puno’t dulo ng aking pag-ibig, pagmamahal, at takot, nakalathala na rin siguro sa ukit ng mga bituin at sa palad ng buwan na walo talaga ang letra sa iyong tunay na pangalan. Ang tunay na kahulugan ng Mikhaela ay paglisan. Ito ang isang wikang hindi ko natutunan.

 

At sa pagsibol ng umaga at pagtigil ng ulan, patuloy ang ikot ng mundo at ito na ang bagong balita ng katotohanan: 

 

Parang ulap na bumitin nang ilang saglit,

Saka nagpatuloy sa maraming lakad sa himpapawid

At, sa tingin ko, hindi na, hindi babalik.

Notes:

last na talaga 'to... next thing i write is gonna be the watca update or that colaiah fic i've been meaning to post. pero still, thank you so so so much for reading! :3 live laugh love jhomikha!

Notes:

thank u for reading and for always being nice. also i'm not super good at writing in filipino so i apologize for putting you through all of this. if you have any questions or something, you can also direct them here!