Actions

Work Header

Number Hypothesis

Chapter 4: nagmahal lang

Summary:

Pag-ibig sa mata ng kanilang Kuya Ninong—ang mapait, ang matamis, ang paparating, at ang huli na.

Chapter Text

Sa gitna ng magulong mundo, ang natatanging pahinga na siguro ni Josh ay ang kanyang mga pinsan. Yun nga lang, hindi naman sila ang kasama niya ngayon.

Umilag nalang siya sa binatong tissue na inihagis sa kanya, pero pinulot niya rin naman ito sa sahig.

“Nagkakalat ka nanaman, JP,” sabi niya.

Tumawa lamang kaibigan niya. “Ang tagal nating di nagkita, tapos hindi ka pa pumayag na sa inuman tayo. Sakit mo na, pre, iiwan mo na nga kami tapos ayaw mo pang uminom. Hindi na ikaw uutusan kong magtimpla, pramis.”

“Ay, huwag ka maniwala sa kanya,” singit ni Wantthew, “ikaw pa rin sasabihan niyang magtimpla for sure.”

“Puro kayo inom,” sabi ni Josh. “Masama sa atay yan ah.”

“Kaya nga kayo kasama ko,” sabi niya. “Pareho kasi kayong taga-Med ni JP, kampante ako kahit mapaano man tayo.”

“Hala siya,” napaisip si JP. “Edi lagot pala kami ni Josh kapag may mangyari mga tapos ikaw lang ang naiwang okay? Paano ba't Engineering kinuha mo. Ano magagawa mo? 'Compute the time it takes for the ambulance to arrive if...' ang atake?”

Nabilaukan si Josh. “Gago!”

“Prayers nalang agad kapag ganun,” sabi ni Wantthew. “Given two bodies at rest... ay, na reference mo ang Physics. Sige, lagyan nalang natin puncture wounds, find the blood flow rate.

Iniabot rin naman ni Wantthew ang tubig kay Josh habang nagdudusa siya, kaya hindi na siya humirit pa.

Si JP naman, napareklamo agad. “Linagyan pa nga puncture wounds para lang malagyan ng correlation! Ayan, diyan ka rin magaling. Kung si Josh tagatimpla ng inumin at umiyak, kung ako parating nagyayaya sa inyong uminom at mahusay sa paghihingi ng reviewer sa mga kaklase ko, talaga namang maiba ka Wan-Wan. Sumusobra ka sa kagaguhan.”

“Kaya nga Wan-Wan,” paalala niya, “natatangi ako eh, malamang I'm the only Wan.”

“Nako po, ayan nanaman siya,” guminhawa ng malalim si JP. “Diyos kaawan niyo na 'tong kaibigan namin.”

“Ayaw ko,” ngiti ni Josh. “Hayaan mo na siya, Nak.”

“Narinig mo? Utos na 'yun ng Josh,” bungisngis ni Wantthew. “Hayaan mo na daw ako, oh.”

Napatawa nanaman silang tatlo. Marami ang napalingon, pero hindi na rin nila pinansin. Kayang-kaya nga nilang maging maingay sa harap mismo ng Disciplinary Office, eh. Kung hindi lang siguro sila graduating ngayon...

“Kapag kinilatan ka mamaya habang pauwi sa unit niyo, talagang kasunod siguro kami,” sabi naman ni JP. “Wala na, kaya hindi pumayag uminom, lalasingin pala ako sa tawa.”

Napasimangot si Josh. Kung hindi lang sila graduating, bakang may ginantihan na siya.

Lingid sa kanyang kaalaman, nagkatinginan nanaman si Wantthew at si JP. Mabilisan rin silang nag-usap sa isa't-isa, kahit na pabulong.

“Ayan ka nanaman, pre,” sabi ni JP. “Nakakailan ka na ha. Kanina, akala ko tuloy ayaw mo kumain ng french fries.”

“Akala ko nga tuloy mali ang ibinalik kong order natin,” dagdag ni Wantthew. “Napakalalim kasi ng iniisip nito. Mabuti nalang sabay nating off today. Lagot ka nanaman, napakamalupit pa naman ng CI sa inyo.”

“May naalala lang kasi,” sabi ni Josh. “Papatol na nga sana ako sa inuman kaso baka hindi ako matutulog at ako ang matutulugan sa sama na kinikimkim ko ngayon. Nakakainis, magbibigay rin motibo at hindi naman maninindigan.”

 

 

“Alam mo ba,” panimula ni JP.

“Malamang hindi,” sagot agad sa kanya si Josh. “Hindi mo pa naman nasasabi kung ano eh. Paano ko naman malalaman?”

Itinuro siya ni JP gamit ang isang pirasong french fry na nasa kamay niya, tila ay nakaramdam pa talaga ng gigil na walang sa oras, habang tawang-tawa naman si Wantthew sa tabi. “Alalahanin mo na kung wala lang tayo sa Food Court ngayon ay nasakal na kita.”

“Huwag mo sakalin, sa tingin ko may punto naman siya.” Napangiti si Wantthew. “Ikaw pa lang naman nakakaalam samin kung ano yang sasabihin mo, eh.”

“Isa ka pa. Iusunod na rin talaga kita ha, Wan-Wan.”

“Ano ba kasi?” Tanong ni Josh. “Ang tagal mo pang sabihin.”

“Oh, edi pasensya na. Sasabihin ko lang naman sanang halata na iniisip mo nanaman ang mga masasamang mga plano mo, dahil panay kunot ng noo mo. Nagsasabong kilay mo, pre.” Tiningnan siya ng maigi ni JP. “Sa tingin ko nga mula dito, nananalo ang nasa kaliwa.”

“Talaga? Kung ako, sa kanan ako maglalagay ng pusta.” Napatango si Wantthew sa sariling salita niya. “Nauuna yang umalsa tuwing may nakikita si Josh na kinaayawan niya, eh.”

“Akala ko kung ano na, kilay ko lang pala.”

“Mga masamang plano mo talaga dapat,” nilinaw ni JP. “Pero, parang alam ko na rin kasi kung tungkol kanino na yan.”

“Bunot siya ng lahat,” sabi ni Wantthew. “Si AJ pa nakahuli. Ayan tuloy, kahit mga naka-assign sa Grace at Mercury, nakakaalam na may ginawang kagaguhan si Bentong eh. Hulinh rinig ko nga, pati ibang faculty, nakaalam rin.”

“Kung saan-saan nanaman umaabot, grabe naman talaga ng lahat kapag issue na ang pinag-uusapan.” Guminhawa siya. “Tsaka ang lakas mo naman mag namedrop dito, Wan.”

“Impluwensiya niyo,” sagot niya. “Syempre, matapang ako... tsaka gago naman kasi talaga siya, kaya di ako kinonsensya.”

“Wag ka masyadong mag-alala,” sabi ni JP. “Walang tangang bumabanggit ng pangalan ni Tina—maraming kaibigan niyan sa College of Health. Tsaka alam nilang pinsan niyo yan. Walang gagalaw niyan, kung di sayo natatakot, kay Paulo.”

“Mabait naman ang Paulo namin minsan, ah,” sabi ni Josh. “Pero sabagay, naging Presidente ba naman siya ng kabuoang Student Council.”

“Mabait?” Inulit ni Wantthew. “Pareho tayong mahal yang si Pau pero hindi ako kasing delusyonal mo ha. Anong mabait? Noong nagpaulan ng kasungitan ay babad na babad siya. Kahit nga kilala ko na siya, matatakot ako.”

“Kaya nga diba sabi ko minsan?” Paalala ni Josh sa kanya. “Ako nga, pinsan niya, minsan hindi ko siya kayang harapin kapag hindi pa siya nakainom ng kape.”

“Speaking of Pau,” singit ni JP. “Kamusta na ba siya ngayon? Kanina pa natin napag-usapan si Tina, eh. Miss ko na sila.”

“Oo nga, Josh, kamusta yun siya? Arki pa rin ba?”

Gumaan gaano ang kalooban ni Josh nung nabanggit ito. “Mukhang magiging arki niya na, eh.”

Nanlaki mata ni Wantthew. “Talaga?”

“Hoy, huwag mo kami binobola ha,” sabi sa kanya ni JP. “Parang kapatid na rin namin 'yan. Walang binibigay 'yan kung hindi sigurado, at kung sigurado naman bibigay lahat.” Sabik na sabik ang tono niya. “Magiging binata na ba siya? Sigurado na talaga siya sa kay Suson?”

“Isang taon lang agwat natin sa kanya, wag kayong OA ha.”

“Mauuna pa rin naman tayong lalabas sa kalendaryo, Josh,” paalala ni Wantthew. “Tanggapin mo nalang ang edad mo, Kuya Ninong.”

“Bago kayo magbangayan, kay Pau muna.”

Umupo ulit si Josh at ibinaba ni Wantthew ang kamay niya. Talagang muntikan pang makakita ng sakalan sa Food Court ang ibang nasa palibot nila, eh.

“Paano mo ba nasabi na talagang gusto niya na rin si Suson?” Tanong ni JP. “Ang complicated kasi ni Pau.”

“May ka-text siya kasi kagabi. Andami pang messages. Talagang sunod-sunod.” Tila kuminang bigla ang mga mata ng mga kaibigan niya. “Kagabi siguro ayaw nila lang banggitin kasi nga ang gago ni Bentong. Si Tining muna, ganun. Pero sa tingin ko, seryoso na 'to.”

“Ay, ang haba ng buhok ni Pau!” Tango ni JP. “Late night talks.”

“Marami nang kausap si Pau, ah.”

Napataas ng kilay si Josh. “Pinagsasabi mo, Wan-Wan?”

“Sa dami ng mga kasama niya sa Council na laging puyat, hindi ba nagseselos mga 'yun?” Napasalita agad si Wantthew. “Nakakarami sila dati sa oras ni Pau, eh.”

“Supportado nila,” sabi naman ni Josh. “Nung huli nga, parang mas kinikilig pa sila. Naaalala niya ba si Jah? Justin? Secretary nila. Lakas kiligin, nanghahampas pala ng katabi. Namaga ata braso ko nung sinundo ni Ken si Pau sa gate.”

“Sinundo sa gate! Ang tapang. Grabe, grabe na talaga ha,” pinaypayan ni JP sarili niya. “Sana all talaga. Talo nanaman, sana uso pa 'yan pag umibig na ako.”

 

 

“...Paano na kapag nag-Bentong rin si Suson?”

“Aba, puta,” napamura si Josh. Si JP naman, automatic atang napahampas na kay Bentong. “Wan-Wan, simasabi ko sayo, si Siopau nalang ang hindi pa napapaiyak ng pag-ibig samin. Huwag mo namang isipin ang ganyan.”

Hinawakan ni Wantthew ang kanyang braso. “Sorry na nga, pero overthinker lang kasi ako. Nag-usap kami dati ni Pau, eh, at takot nga daw siyang magmahal.”

“Nabanggit niya rin pala sayo?”

“Sa amin,” sagot niya. “Nung sinundo ka niya sa inuman? Yun rin ang unang beses na nakita ko siyang ganun ka takot, pre. Humaharap ng admins, pero nung gabing iyon? Takot.”

 

 

Napakagat si Josh ng kanyang labi. Hindi niya na masyado naaalala ang mga buwan na iyon—talagang durog ang puso, pati isipan niya, parang naisama.

Pero naaalala niya naman ang ginawa ng mga pinsan niya. Siguro kung wala sila, at kung wala rin si JP at Wan-Wan, talagang hindi alam ni Josh kung saan pa siya patungo. Marami kasing nagsasabing better to love and to lose, kinulang naman sila sa pagbigay babala. Kaya talo si Josh, literal na natalo na at nawala rin sa sarili niya.

Akala niya 'yun na, eh. Date to marry ba naman prinsipyo? Siya kasi, dinate lang to merry. Kung masaya lang ang lahat, diyan lang siya ginugusto. Kung may gulo, na-enjoy rin. Kapag naman mapayapa?

Doon pa siya iniwan. Dahil boring daw.

 

 

“Shit. Pasensya na, pre,” isang tapik sa kanyang abaga. “Pinaalala ko pa.”

“Wala,” sabi niya. “Mabuti nga eh, ayaw ko nang makalimot. Baka maulit ko pa ang kamaliang 'yun. Kung hindi sa inyo... ewan. Pwede na nating tawanan ang mga beses na ipinalitan niyo ng flavored soda ang inumin ko para lang mabawasan.”

“Ikaw na 'yun, eh,” sabi ni JP. “Sasamahan ka namin parati, minsan para sumali at minsan para pumigil sayo. Tsaka, proud kami sayo. Ikaw naman ang pumiling bumangon.”

“Kaya nga bumangon, eh, talagang natumba.” Napapikit siya. “Pasensya talaga, ewan ko ba ano tumatakbo sa isipan ko.”

“Kaibigan nga kasi, huwag ka na puro pasalamat diyan.”

“Gagawin mo rin naman para samin,” dagdag ni Wantthew. “Diba nung naging irregular ako, sa inyo ako umiyak? Pinahiran niyo pa nga luha ko. Dapat lang andun rin kami, pre, para pahiran ang sayo.”

“Tuwing hindi dumadating ang allowance ko on time tsaka exams na, magkasama rin nga tayo mamroblema,” sabi ni JP. “Noong walang-wala ako at kahit gipit na rin kayong dalawa, nagawa niyo nga akong tulungan eh.”

“Oh, diba,” inakbayan siya ni Wantthew. “Kinaya natin. Tsaka, mahal na mahal ka namin nina Paulo at Tina, eh.”

“Kapag naging Nurse na ako, magiinuman tayong tatlo. Bitbitin mo na rin jowa mo, Wan-Wan. Tas mga pinsan mo,” saad ni JP. “Ako na magtitimpla ng gin bilog.”

Napakisap si Josh, nagpipigil ng luha. “Mga bano talaga! Pinapaiyak niyo ako sa gitna ng Food Court. Alam niyo na ngang andami kong iniisip dahil graduating na tayo, eh.”

“Aba, kasalanan ko bang iyakin ka?” Tanong ni JP. “Grabe, andaming nangyayari, nadagdagan pa mga sala ko.”

“Mga sala mo sa Josh.”

“At nadagdagan nanaman ang posibleng dahilan kung bakit mamalasin tayong tatlo,” pumalakpak si JP ng isang beses. “Wan-Wan, sinasabi ko talaga sayo, ayaw ko malasin ha. Ikaw, may jowa. Si Pau parang magkakaroon na ng jowa. Dapat mamatay lang naman ako sa inggit, hindi sa kidlat. Pangit namang maging alaala kaagad dahil sa parusa ng langit.”

“Sus,” napatawa si Wantthew. “Mamatay kamo sa inggit? Pre, baka kasing hindi ka daw tumitingin sa palibot mo. Marami kayang nagkakagusto sayo.” Ngumiti siya. “Diba, Josh?”

“Aba, malay ko,” sagot niya, na para bang sinungaling. “Tutok na tutok pa ako sa love life ng mga pinsan ko ngayon, tsaka ko na usisain ang kay JP.”

“Hay nako, talo nanaman ng lower years,” reklamo ni JP. “Kapag ako sineryoso at nagkaroon rin ng taong iniibig, talagang sana meron pang selpon para naman may i-save akong numero under 'love.' Nakakainggit. Abanse na si Pau.”

“Nga pala, Josh, balitaan mo kami ha?” Sabi ni Wantthew. “Kung si Pau hindi kasing torpe—este, takot mo.”

“Wan-Wan, isa.”

“Ba't binanggit mo pangalan ko ng tatlong beses? I miss you na ba agad iyan? Hindi ka pa nga nakauwi sa Cavite, pre, pero sige ba. I miss you too,” biro niya. “Ang clingy masyado, parang OA ka naman diyan.”

“Minsan talaga,” pagtataka ni Josh, “tinatanong ko sarili ko kung bakit magkaibigan pa rin tayo.”

“Muntikan ka na nga umiyak kani-kanina lang dahil sa pagkakaibigan natin, eh,” paalala naman ni JP. Nakangisi. “Kunware ka pa, nahuli ka na nga naming dalawa.”

“Pero sana nga talaga, no?” Amin ni Josh. “Sana nga talaga, hindi namin katulad si Pau.”

Sana, kung kailangan man, hindi siya maging kasing torpe ni Josh. Sana masabi niya na kaagad bago pa maging huli na, bagong maging huling semester niya na kasama sa taong gusto niya at lumipas na ang tamang oras para umamin pa.

Sana, kung kailangan man, hindi siya maging kasing takot ni Josh. Sana makaalis siya agad kung nararamdaman niya na hindi tama ang ginagawa sa kanya ng tao kahit mahal niya, habang maaga na. Sana hindi siya mawala, o matalo. Sana, sana nalang talaga, may mananatiling numero.

 

 

“Mali ka, pre,” sabi ni Wantthew.

“Sana hindi maitulad sa inyo si Pau,” sunod ni JP. “Alam mo, wala kayong ginawang masama ni Tina. Nagmahal lang. Hindi naman kayo ang kailangang sisihin sa mga nangyari.”

Notes:

andito rin to sa x. ofc mauuna updates dun, pero naisipan ko nalang ilagay rin dito kasi ang haba pala.