Chapter Text
Day after Valentines 2021
"Someone just wanted to give you this."
Kinuha niya ang yellow envelope. Bahagyang dumaplis ang kamay niya sa kamay ng binata, at nagulat siya sa sarili nang maramdaman ang bahagyang pagbilis ng tibok ng puso niya. Hindi na bago kay Jaemin ang makatanggap ng sulat, regalo, o kahit bulaklak. Pero ang bago? Ang halos mawalan siya ng hininga dahil sa taong nasa harap niya.
Ang cute. Namumula na ang tenga. Parang… familiar.
Saglit niyang pinagmasdan ang mukha nito, pilit inaalala kung saan niya ito nakita. Jaemin is so sure, he has seen this guy somewhere.
"And who may that be?" Tanong niya, hindi lang dahil curious siya kung sino ang nagbigay ng sulat, kundi dahil gusto rin niyang malaman ang pangalan ng binatang ito.
Halata ang pag-aalangan sa mukha nito. Bigla itong napayuko, halatang nahihiya. "Ah, ako. Hehe."
Napataas ng bahagya ang kilay ni Jaemin, tila nagulat pero aliw rin sa naging sagot. Hindi niya napigilang ngumiti ng maliit.
"Thank you for this, ah," sabi niya, hinihintay kung magpapakilala ang nasa harap niya. May ilang segundong katahimikan bago tila napagtanto ng binata ang hinihintay niya.
"Renjun. Ah right, I’m Renjun Huang."
Renjun Huang.
At doon, parang may biglaang click sa isip ni Jaemin—isang undervalued asset na matagal niyang na-overlook.
"Thank you, Renjun." Ngumiti siya, pero ang isip niya ay parang isang negosyanteng biglang napagtanto ang tunay na halaga ng isang investment.
Ikaw pala ‘yun.
December 2020
“Alam mo anak, yung anak ni mareng Ruth diyan sa kabilang bahay, same university pala kayo tas kabatch mo din.” Kwento ng mama ni Jaemin sa kanya habang kumakain sila ng hapunan.
“Anong course niya, ma? Sa COB rin ba? Baka kilala ko.” Tuloy-tuloy na tanong ni Jaemin. Gawain niya ito pag kausap ang ina niya, hindi siya madaldal na tao pero ayaw niyang mafeel ng mama niya na hindi siya interesado sa mga kwento nito lalo na at sa Manila siya nagsstay most of the time dahil sa training at klase niya.
“Magdodoctor ‘to, hindi business course. Hindi nga daw pala-labas ng bahay ‘yan dahil subsob sa pag-aaral.”
“Oh eto siya, gandang lalaki diba?” Dagdag pa ng mama niya, at pinapakita na ang Facebook nung anak ni tita Ruth. Tumango lang si Jaemin, agreeing to what his mama says.
Renjun Huang.
“Ka-year ko lang?”
“Oo, mas matanda sayo ng ilang buwan lang. Alam mo hanga nga ako sa batang yan eh base sa kwento ni Ruth, he’s just like you, anak. Driven to achieve whatever he wants.”
Jaemin hummed in response, quickly losing interest. Isang pangalan sa milyon. Isang mukha sa libo.
“May training pala ako sa Monday, ma. But I’ll come back rin ng gabi.” Paalam ni Jaemin sa mama niya.
Tuluyan na ngang nawala si Renjun sa usapan, sino ang mag-aakalang magiging malaki ang parte nito sa buhay ni Jaemin?
3 Days after Valentines 2022.
Tatlong araw matapos ang Valentine’s Day, at wala namang nagbago sa buhay ni Jaemin. Well, maliban siguro sa biglaan niyang pagsabay pauwi kay Renjun. Binanggit niya sa mama niya na ngayon siya uuwi at medyo sinuggest niya na pwede namang sumabay sakanya ang anak ni Tita Ruth.
Sa katunayan, tapos na siya kahapon pa at libre na siya umuwi pero dahil sabi ng mama ni Renjun, may exam pa ngayon ang anak niya, pwede naman daw na sila nalang ang sumundo at baka nakakaabala pa but Jaemin insisted na it’s okay.
Ang totoo, hindi naman niya talaga alintana because after all Renjun is somehow someone he’s grown to care for over the years kahit na halos wala naman silang koneksyon. Pero may kung anong hindi niya maipaliwanag sa itsura ni Renjun nang makita niya ito sa lobby ng condo.
“Hi,” maikli at walang emosyon halos ang bati nito. Kita sa mukha ang pagod.
Jaemin hummed, kinuha ang maleta ni Renjun nang walang sabi-sabi. “You look kinda sick, are you okay?”
“Nope, I’m just tired. COS things,” sagot ni Renjun, halatang pagod pero mukhang wala nang lakas para magpaliwanag pa.
Mukhang pagod nga ito dahil hindi pa sila nakakalayo sa pinagmulan ay tulog na agad ito. Jaemin took this chance to steal a glance. Napangiti siya. It’s his first time seeing Renjun like this. Peaceful and malayo sa madaldal nitong sarili kapag kasama ang mga kaibigan.
Napansin niyang bahagyang nakayuko ang ulo ni Renjun sa hindi komportableng posisyon. Bago pa siya makapag-isip nang mabuti, maingat niyang inadjust ang pagkaka-sandal nito, hinayaan na lumapat nang maayos ang ulo sa headrest para hindi ito mangalay.
Wala naman sigurong masama doon, ‘di ba?
At saka lang niya napansin kung gaano kalapit ang mukha nila. May bumusina sa likod niya at tila natauhan siya. Hindi niya maalis sa isip ang biglaang kabog sa dibdib niya—isang bagay na hindi niya sigurado kung gusto niyang intindihin o itanggi.
Buong byahe ay nanatiling tahimik si Jaemin dahil ayaw niya maputol ang pahinga ni Renjun, malamang ay sobrang kulang ito sa tulog dahil kakatapos lang ng term at alam niyang sagad na naman ang schedule ng College of Science.
Ayaw niyang guluhin ang pahinga nito katulad na lang na ayaw niyang guluhin ang takbo ng buhay ni Renjun ngayon. Sapat na mula sa kwento ng kanyang ina para malaman na isang kahanga-hangang tao ang katabi niya ngayon.
Marami itong gustong marating sa buhay, gusto niya maging doctor. A good one at that . And Jaemin does not want to be a distraction kaya kahit na alam niya ang nararamdaman ng isa sa kanya. He does not have to ask nor confirm it. I know because he shows it and I feel it . Pero hindi ibig sabihin, may karapatan siyang gawin ang kahit ano tungkol dito.
Pagkarating nila sa destinasyon, Jaemin parked the car smoothly. “We’re here,” aniya at tinignan si Renjun na pupungas-pungas pa, napangiti siya dahil rito. “Kunin ko lang maleta mo sa likod.” Pagpapaalam niya sabay labas ng sasakyan.
Pagbaba ni Renjun, kinuha nito ang bag niya, kasabay ng isang mahinang, “Thank you, Jaeco.”
Napakunot-noo si Jaemin. “Jaeco?”
Nanlaki ang mata ni Renjun. “Ha? Jaemin kako,” mabilis na bawi nito, halatang may panic sa boses.
Pinagmasdan lang siya ni Jaemin, hindi sigurado kung dapat ba siyang matawa o magtaka. Pero sa huli, ngumiti siya, bahagyang bumaling palayo. “Narinig ko ‘yon, Renjun.”
“Wala kang narinig,” sabi ni Renjun sabay talikod, kitang-kita ang pamumula ng tainga nito.
Hindi na napigilan ni Jaemin ang sarili. Pigil ang tawa niya, pero sapat para marinig ni Renjun bago ito tuluyang makapasok sa gate. “So Jaeco na pala ako ngayon? Cute.”
Nagbukas agad si Renjun ng gate at agad na ibinagsak ito nang hindi lumilingon. Napailing nalang si Jaemin, amused sa buong pangyayari.
Ngayon lang niya nakita si Renjun nang ganoon ka-expressive sa harap niya. At hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong init ang gumapang sa dibdib niya.
Sana may next time pa. Just maybe.
Kakalabas lang ni Jaemin ng shower at rinig na rinig na niya si Yeng Constantino. Napakunot ang noo niya dahil sino ba ang nasa tamang pag-iisip para mag-ingay ng dis oras ng gabi? Nakakagambala ng mga nagpapahinga at lalong baka magising pa si Renjun.
Sumilip siya sa bintana at doon niya napagtanto na ang ingay ay nagmumula sa kalapit niyang bintana na galing sa… bahay nila Renjun. Is he a fan?
Siguro'y umiibig kahit 'di mo pinapansin. Magtitiis na lang ako, magbabaka-sakaling ika'y mapatingin. Kahit sa panaginip, ikaw lang ang aking hinihiling. Sa bawat ngiti mo, sa panaginip ko parang ayoko nang magising.
Napailing si Jaemin. Napatawa ng bahagya dahil of all lines, itong lyrics pa na ‘to ang narinig niya. Kinuha ni Jaemin ang cellphone habang nagpupunas ng basang buhok. Sinimulan niya na magtipa gamit ang isang kamay.
Jaemin
Renjun, is that you?
Are you blasting off Yeng Constantino at this hour?
Napansin ni Jaemin na umulit na yung kanta. Umupo siya sa dulo ng kama niya at sinuot ang salamin. Natawa na siya ng malakas dahil nasa chorus na muli. Really, what is Renjun thinking?
Mabilis siyang nagtype sa kanyang telepono at muling sinend ito kay Renjun. Nakita rin agad ng binata ang message niya.
Jaemin
Alam mo bang rinig ka sa kabila? So gusto mong malaman ko, ganun?
Ilang minuto na ang lumipas at wala pa ring reply si Renjun, pero tumigil na rin si Yeng Constantino sa pagkanta. Nanatili siyang nakatitig sa phone niya, iniisip kung dapat ba niyang bawiin ang message.
Pero kahit anong gawin niya, alam na niyang huli na ang lahat. Sinimulan na niya ang isang bagay na hindi na niya balak tapusin.
March 2022.
“Ayun pala si Jisung eh, nakadikit na naman sa jowa niya.” Pagturo ni Jeno sa isa pa nilang kaibigan na kasalukuyang kumakain kasama ang boyfriend nito at si Renjun.
Kung tutuusin sila naman talaga dapat ang kasama ni Jisung pero dahil pareho nga silang parte ng swim team ni Jeno ay di maiiwasan na hindi nila makasama ang nakababata dahil iba ang schedule nito.
“Okay lang kaya kung maki-upo tayo sa kanila? Gutom na talaga ako tapos wala pang upuan.” Reklamo ni Jeno, pero halatang may tono ang salita at may iniimply na ibang bagay.
“Buy me food na rin, bili lang ako iced tea.” Paalam ni Jaemin sa kaibigan habang umiikot na ang mata at naghahanap ng food stall na may tindang iced tea.
“Dude, cut down daw on sweets sabi ni coach!” Mahinang saway ni Jeno sa kanya, lumingon pa ito sa paligid dahil baka may makahuli sa kanila na teammate na akala mong may gagawing silang illegal.
“It’s not for me.”
“Ay, okay, captain.” Ngumisi si Jeno ng mapangasar kung kaya’t umiling si Jaemin at iniwan na ang kaibigan.
Sa halip na dumiretso, sinadya ni Jaemin na lumakad sa harap ng mesa nila Renjun—pero hindi siya agad huminto. Lumiko siya sa likuran ng binata, naglaan ng isang segundo, at saka idinikit ang malamig na lata ng Sola sa pisngi nito.
Narinig niya ang bahagyang pagsinghap ni Renjun.
Nagtagal lang ng ilang segundo ang moment, pero sapat na ‘yon para makuha ang atensyon ng buong grupo. Napalunok si Jisung, napataas ng kilay si Chenle, at napanganga si Jeno. Nagpalitan sila ng tingin, tahimik na nagtatanong kung ano ‘to, anong nangyayari?
Renjun, on the other hand, exhaled sharply. “Ano ba ‘yan?” Reklamo nito, pero hindi niya tinabig ang kamay ni Jaemin.
“Hi.” Ngiti ni Jaemin, walang bahid ng guilt sa mukha, saka dahan-dahang umupo sa tabi ni Renjun—na para bang wala siyang ginawang kahit ano.
“Hi.” Bati pabalik ni Renjun kaya’t hindi na nakayanan ni Chenle manahimik at tinapik na ang mesa.
“Hindi ka nagkkwento!” Pag-aakusa ni Chenle, tumayo pa ito at tinuro si Renjun kaya tumaas lang ang dalawang kamay nito at tumawa.
Humarap si Chenle kay Jisung at hinawakan ang jacket nito, “May alam ka? May alam ka ‘no.”
“Wala ah, hindi naman din nagkkwento yan si Jaemin. Promise, Le.”
“Ano ka ba, Ji? Kaya ‘yan sinisipag mag-update ng guitar covers dun sa band acc natin kasi nagpapansin!” Singit ni Jeno sa usapan at tumatawa sa gilid habang kumakagat sa corndog niya.
Habang si Jaemin? Binubuksan na ang binili niyang inumin at inaabot kay Renjun.
Ano na nga ba si Jaemin at Renjun?
A week before.
Sabay ulit si Jaemin at Renjun pabalik ng Manila, pero this time, they’re much more comfortable. Pansin niya na mas maaliwalas ang mood ni Renjun ngayon—mas madaldal, hindi na basta tulog lang dahil sa pagod kagaya noong una.
Sa isang stoplight, Jaemin glanced at him shortly bago magtanong, “Did I ever make you feel bad?”
“Huh?” Tumingin si Renjun sa kanya, kunot ang noo. “Ano sinasabi mo diyan?”
“That’s why you were blasting off Yeng Constantino, diba? Do you feel like I was ignoring you?”
Narinig niya ang mahina pero mabilis na tawa ni Renjun. “ Ah, that one. ”
Jaemin waited. Inayos ni Renjun ang upo at binaling ang katawan sa kanya. Jaemin is so glad na mas komportable na sa kanya ang binata. Worth it ang dalawang absence sa training just to stay a little longer sa probinsya at para sabay na sila ngayon.
And right on cue, Renjun sighed. “Yup, nakakainis kaya because you reciprocate everything, never mo ako sineenzone, lagi mo rin binabalik bati ko—pero you never started something.”
Jaemin hummed, gripping the steering wheel. “I’m sorry for that. I just don’t want to be a distraction.”
Narinig niya ang paglingon ni Renjun. “Huh? Ang feeling mo naman. You were never a distraction—motivation ka pa nga, eh.”
Inayos ni Jaemin ang salamin niya at napangiti habang nanatiling diretso ang tingin sa kalsada, “Motivation, huh?”
Renjun groaned. “Oo na, sige na. Alam mo naman na ‘yon, bakit mo pa tinatanong?”
“Wala lang,” Jaemin said, too casually. “Gusto ko lang marinig sa’yo.”
"Jaeco naman," bulong ni Renjun, mas mahina kaysa kanina.
Jaemin blinked.
Saglit siyang natigilan, as if processing what he just heard. Then, slowly—too slowly—he turned his head to Renjun, lips curling up into a knowing smirk.
Renjun blinked back at him, parang nagri-rewind sa utak niya ang nangyari. Napatikom siya ng bibig, pero huli na. Natawa si Jaemin—mababa at amused.
“I mean, you thought na it means nothing to me kaya gusto mong malaman ko. Ginamit mo pa si Yeng Constantino, napaos tuloy siya that night.” Pang-aasar ni Jaemin muli.
Mula sa gilid ng paningin niya, nakita niyang nagbago ang postura ni Renjun. Parang gusto nitong lumubog sa kinauupuan.
“The fuck, bakit mo pa pinapaalala?! Nakakahiya ‘yon, okay?”
Jaemin laughed more, umiiling pa. “Eh ikaw naman, ang lakas ng volume. Hindi mo na lang tinext yung Spotify link. What if napabarangay ka pa nun? I almost called them, you know, para mag-report kasi baka nagugulo tulog mo—tapos ikaw pala ‘yon.”
Nakaramdam siya ng kaunting satisfaction nang makita ang paglihis ni Renjun ng tingin.
“You’re so annoying,” sabi nito, binalik ang tingin sa labas ng bintana.
Nilingon siya saglit ni Jaemin at napansin na nakanguso ito habang nakatanaw sa binabaybay na daan, “And you’re cute.” sambit nito bago muling itinuon ang pansin sa kalsada.
Narinig niya ang halos hindi marinig na tunog ng paghinga ni Renjun. Hindi man niya ito nakikita, pero alam niyang may nangyayari doon sa kabilang upuan.
Tahimik. Masyadong tahimik.
Jaemin bit his lip. Alam niyang hindi siya dapat matuwa, pero fuck, ang saya pagtripan ni Renjun. Ang cute kasi.
Naramdaman niya ang paglingon ni Renjun, pero hindi niya ito tinapatan ng tingin. Sa peripheral vision niya, nakita niyang bahagyang bumuka ang bibig ni Renjun—pero agad ding nagsara. Jaemin smiled.
Then, without warning, he spoke.
"Nagbabakasakali ka pa rin ba na may pagtingin ako sayo?" Tanong ni Jaemin, quoting yung lyrics ng kantang pinapatugtog ni Renjun noong gabing pagkauwi nila.
Sinabi niya ito nang kalmado lang—parang simpleng tanong lang, pero alam nilang dalawa na hindi. Katahimikan. Renjun didn’t move. Hindi gumalaw. Hindi rin sumagot.
Isang malakas na buntong hininga ang nilabas ni Jaemin, humigpit din ang kapit nito sa manibela at nilabas ang kanyang nararamdaman.
“Worry not, because I long knew that I like you.” Diretsong sabi nito. Walang ano-ano, walang puwang para mamuo ang kalituhan sa utak ni Renjun.
Rinig ni Jaemin ang mahinang pagsinghap ni Renjun. Nilingon niya ito at nginitian bago muling binaling ang atensyon sa pagmamaneho.
“Now, I’m gonna make sure you know it, too.” Dagdag pa ni Jaemin.
Malapit na ang birthday ni Renjun kaya heto si Jaemin, nakasandal sa kitchen counter, pinagmamasdan si Jisung na parang siya ang may utang sa binata. Nakahilata ito sa kanyang sofa, hawak ang phone, at tila wala talagang balak makipag-cooperate.
Napabuntong-hininga si Jaemin. Of all people, why is it Jisung that he needs to talk to? This kid barely opens his mouth.
“Gusto mo ba ng bagong sapatos, bag, o wallet?” tanong niya habang nagbubukas ng fridge para kumuha ng tubig.
“Kuya naman, ang OA. Ano ba kailangan mo?” sagot ni Jisung nang hindi inaalis ang tingin sa phone.
Jaemin closed the fridge with a sigh. “Ano alam mo kay Renjun? Ano gusto niya? Ano ayaw niya?”
Sa wakas, napatingin na rin sa kanya si Jisung— with a weirded-out expression.
“Ayoko nga. Bakit ko sasabihin sayo? Baka magalit sakin ‘yun.”
Jaemin rolled his eyes. Matigas ang batang ‘to. Loyal na loyal kay Renjun, huh?
"Tulungan mo na kasi ako,” aniya, dumiretso sa sofa at tinapik ang binti ni Jisung para umayos ito ng upo. “Kahit isang bagay lang na magugustuhan niya."
Nagkunwaring nag-iisip si Jisung, bago nagkibit-balikat.
“Ewan ko, kuya. Pero ang reklamo niya yung Instagram mo na tuwing UAAP season lang nabubuhay. ‘Di ka nga raw nagpo-post, paano ka niya makikita?”
Napakunot ang noo ni Jaemin. “That’s all?”
“That’s all.”
“Hindi naman regalo ang Instagram update, Jisung!” reklamo niya, pero napaisip rin siya bigla.
Napansin pa ni Renjun ‘yon?
Umupo nang ayos si Jisung at tumingin sa kanya, seryoso for once.
“To be fair, kuya,” Sabi nito, “Sa buong term na sila kasabay ko kumain, ang nakuha ko lang ay down bad siya sayo. Like—ikaw lang talaga gusto niya.”
Saglit na natahimik si Jaemin. Then—
“Isusumbong kita! You’re spilling his tea!”
Napairap si Jisung. “Kuya naman, ikaw nagtanong! Bwiset ka! Sana di ka sagutin ever!”
Napatawa na lang si Jaemin, pero sa loob-loob niya, Renjun wants to see me more, huh? Maybe it's time to do something about that.
Kinabukasan.
Nakatayo si Jaemin sa gilid ng pool, nakakunot-noo habang ina-adjust ang angle ng cellphone niya. Ilang ulit na niyang kinuhanan ng litrato ang tubig—pero hindi siya makuntento.
Napangiti siya nang sa wakas ay makuha ang shot na gusto niya. Walang masyadong arte, pero sakto. Swak. Tamang chill lang.
Hindi na siya nagdalawang-isip. Inopen niya ang Instagram, naglagay ng text sa photo.
Ang shot? Perfect. Ang caption? GM.
Simple. Diretso. Walang paligoy-ligoy. Okay na ‘to.
Habang pinipindot niya ang upload button, isang malakas na tapik ang dumapo sa balikat niya. Muntik na niyang mabitawan ang phone.
“GM?” basa ni Jeno sa screen niya habang nakasilip sa cellphone niya. “As in… good morning?”
Jaemin blinked. “Yeah. Why?”
Napailing si Jeno, tinitigan siya na parang may nasasaksihan itong deadly sin. “Lolo ka ba?”
“What?”
“Pre, grabe. Burgis ka nga talaga,” umiling-iling pa ito, halatang hindi makapaniwala. “Seryoso? GM? Anong next? ‘Have a blessed day’?”
Hindi na napigilan ni Jaemin ang matawa nang mahina, sabay umiling. “Ano bang gusto mong ilagay ko?”
“Kahit ano, ‘wag lang GM. Jusko naman, Jaemin. Nakakabawas ng pagkapogi, kulang nalang ng quotation at hashtag e. ‘Di mo siguro naranasan ‘yun.” Tumawa si Jeno bago lumayo, iniiwan siyang may ‘huh” expression.
Tiningnan ni Jaemin ang phone niya. Anong masama sa GM?
Napailing na lang siya, pero hindi na niya binago ang caption. Nagmadali na siyang makabalik sa condo dahil may meeting pa siya ng 9:30AM with his GE group mates for their final project na tinatapos na nila.
Habang nagmamadali siya paakyat ng escalator ay napansin niya ang isang pamilyar na pigura na lumalabas ng elevator, napangiti siya at nagmadali pumasok sa library. Sinadyang sabayan ni Jaemin ang bawat hakbang na ginagawa ni Renjun. Hindi pa siya napapansin nito kahit na literal na magkatabi na sila.
Renjun’s steps were quick, purposeful—nagmamadali, kahit hindi naman kailangan. Jaemin just followed, amused. The guy never knew how to walk slow.
Luminya siya sa gilid nito, at pagyuko nito para itap ang ID ay gumilid pa ang katawan ng binata sa tabi nito dahil sa dami ng dala nito. Ngumiti si Jaemin sa kanya nang mapunta na sa kanya ang mata ni Renjun.
Kumunot ang noo ng binata, at tumalikod kay Jaemin at nagpatuloy na sa paglakad. Pagkatap ni Jaemin ng ID ay sumunod siya dito at swabeng kinuha ang dala-dala nitong laptop at papel– which Jaemin assumed na thesis related.
“Do you have somewhere to be?” Jaemin asked habang inaayos ang mga kinuha niyang gamit kay Renjun.
“Wala naman, I just went here kasi my class got cancelled.” Sagot ni Renjun as his eyes wander around the floor looking for an empty spot.
“Okay, will you be here kahit mga after two hours? Ay no– even mga after 1 hour?” He’s gonna finish that meeting as fast as possible. Jaemin is not letting Renjun wait. Umiikot na rin ang mata niya para tulungan maghanap ng pwesto si Renjun.
“Oo, wala naman ako ibang plano.”
“Nice. I’ll go to you after meeting my groupmates lang. Do you want to check the 7th floor or 8th for empty seats? I don’t think meron pa dito.”
“Why are you randomly smiling, dude?” Tanong ni Mark, isa sa mga kagrupo ni Jaemin. Sinundan nito kung nasaan ang tingin ni Jaemin.
“Renjun?” Tanong muli nito nang makita niya ang binata na nakapwesto sa table di kalayuan sa discussion room na kung nasaan sila ngayon.
“You know Renjun?” Kumunot na ang noo ni Jaemin, malayo sa ngiti nito kanina.
“Classmate ko rin sa GE noong second year, we were groupmates too. Had a crush on him, man. Pretty no?”
“Oh?” Jaemin reacts, kahit na ayaw na niya. Asan na ba yung iba naming kagrupo?
“He seems taken though. Kaya I did not make a move back then.”
Taken? As far as Jaemin knows, Renjun is as single as him at NBSB din.
“Hi! Sorry, nalate. Ang bagal kasi ng elev sa kabilang building. Should we start now?” Sabi ng kagrupo nila na kakapasok lang sa discussion room, kasunod ang dalawa pang kagrupo.
HRJ replied to your story.
“GM? jaemin, ang lolo behavior 😆”
Napaayos ng upo si Jaemin at nawala ang focus sa pagttype ng makita niya ang notification, sumilip tuloy siya at nakitang humahagikgik si Renjun mag-isa habang nakatingin sa phone.
Sa wakas natapos na ang meeting, lagpas ng konti sa isang oras kaya nagmamadali si Jaemin na tumayo sa upuan niya para puntahan na si Renjun. Naunang lumabas si Mark sa kanya, at nakita niyang papalapit ito kay Renjun, nagsalubong agad ang kilay ni Jaemin.
Hindi na siya nag-abala na ipasok ang charger sa bag niya at naglakad nalang palabas ng discussion room para pumunta kay Renjun at Mark.
“It’s been so long since I last saw you.”
“Kaya nga eh, iba kasi sched ng department namin.”
“Jaeco.”Nagliwanag ang mukha ni Renjun nang mapansin na nakatayo na siya sa likod ni Mark.
Napangiti rin si Jaemin dahil sa kung gaano casual 'yon binitiwan—parang normal lang, parang laging tinatawag na siya ng ganun. Pero deep down? Kinikilig pa rin talaga siya sa nickname na ‘yon.
Nilingon siya ni Mark, biglang napatigil sa pagsasalita at inakbayan si Jaemin na parang tropang tropa lang.
“Ah, magkakilala rin kayo?” tanong ni Renjun, lumi-lipat-lipat ang tingin sa dalawa, curious pero nakangiti pa rin.
“Yep, he’s my groupmate. He was with me sa meeting.” Sagot ni Jaemin, sabay patong ng bag sa mesa habang pinapasok ang mga gamit na hawak pa niya. Walang kaarte-arte, tuloy-tuloy lang—pero mabilis.
Tumango si Renjun, mukhang may isasagot pa sana, pero naunahan na siya ni Jaemin na agad ibinalik ang strap ng bag sa balikat.
“Are you hungry na?” Casual ang tono ng boses ni Jaemin.
Napatingin si Renjun, medyo nagulat, at halatang nag-process muna ng dalawang segundo bago maka-react, “Ha? Bakit?”
Nagkibit ng balikat si Jaemin. Parang wala lang din. Pero sa isip niya? Ayaw niya nang may ibang maunang magyaya sa binata.
“It’s lunch time. Let’s eat?”
Mark blinked, sumulyap kay Jaemin na parang nagulat din sa biglang yaya nito. “Guys, mauna na ko. See you, Renjun. Take care.”
Tahimik silang dalawa habang kumakain. This is their first time eating together on campus after all. Too many familiar faces surrounding them unlike sa probinsya, it’s just them. Regardless, comfortable silence naman. Minsan nagtatawanan, minsan nagsasagutan sa random topic, pero basta may something kasi kabado si Jaemin.
Nasa gitna si Jaemin ng pagnguya nang bigla siyang magsalita, diretso lang. Hindi niya pinapahalata ang kaba.
“May gagawin ka ba sa birthday mo?”
Renjun blinked, muntik mabulunan. “Ha? Bakit mo alam birthday ko?”
“I have my sources.” Ngumisi si Jaemin. Jisung, obviously.
Renjun narrowed his eyes. “Teka lang, may balak ka ba?”
Jaemin shrugged again, nagkukunwaring chill. “Maybe. Museum date? Or gusto mo roadtrip?”
“Date agad?” Napalakas ang boses ni Renjun, kaya lumingon-lingon siya sa paligid. Chinecheck kung may nakarinig sa boses niya.
Napangiti naman si Jaemin, bago muling sumubo at sinagot ang isa, “Hmm. What am I supposed to call it then?”
March 23, 2022, 11:00 PM.
Nakangiti si Jaemin habang tinitignan ang mga litratong kinuha niya ngayong araw. It’s mostly Renjun. No, it’s actually all about Renjun.
Renjun, laughing in front of a painting. Renjun, petting a cat. Renjun, mid-bite into his burger habang nagsusungit, “Jaeco, tigilan mo na ‘ko picturan.”
Napailing si Jaemin nang may ngiti sa labi. Hindi niya mapigilan. Kasi ang cute eh.
Pinindot niya ang isa pang photo—Renjun looking away, side-profile shot, tulala sa isang abstract piece na hindi niya nagustuhan pero tinitigan pa rin ng matagal.
“Para hindi sayang ang bayad.” Renjun told him.
Jaemin didn’t care about the museum. He could’ve brought him anywhere. Today was about Renjun.
And right now, at this moment, at 11:00 PM—still was. Still is. Isang pangalan sa milyon. Isang mukha sa libo. Ako’y sigurado.
Pagkalipat ng mga litrato sa kanyang cell phone ay humiga na siya sa kama at pinili ang photo sequence kung saan tumatawa si Renjun. Inayos niya ang kulay at komposisyon ng litrato. Nang matapos siya ay napangiti siya, the photos turned out the way he wanted. It depicts whatever he is feeling right now.
📲 @jaemin_na: I see you.
💬 Happiest birthday, @rjhuang.
💬 @p_jisung: wow, grabe yung picture… parang first love vibes?? hbd kuya renjun! 😭
💬@423jeno: GRABE NAGPOST SIYA NG HINDI UAAP RELATED? #growth #happyrenjunday 👑
💬 @onyourmark: ah gets! sorry bro 😭 and happy birthday @rjhuang!
💬 @curryzhong: @haechiebear thoughts!!!! this your man? 👀
💬 @haechiebear: wtf ka, yung buhok mo teh @rjhuang!
💬 @423jeno: @haechiebear kaya ko rin ‘yan, promise! reply ka lang sakin hehe
💬 @haechiebear: @423jeno ???? weirdo ka ba?
Napailing si Jaemin, pero may ngiti sa labi habang binabasa ang sunod-sunod na reaksyon ng kaibigan. Ang ingay nila.
Biglang sumulpot ang caller ID ni Renjun. Napangiti siya—natural, automatic. Sinagot niya agad.
“Hi?” bati ni Jaemin, malambing ang tono.
“Nakakainis ka!” bungad ni Renjun, halatang pigil ang kilig.
“Why naman? Did you not like it? Should I take it down?”
“Wag! Tama ‘yan. Nandyan ako para hindi na sila titingin sayo! Ako watermark sa account mo.”
Tumawa si Jaemin bago humirit ng, “It’s only you I see though.”
“Ay basta,” sagot ni Renjun, “hindi pa tayo ha. After grad pa, nag-promise ako kay mama, eh.”
Napapikit si Jaemin at ngumiti lang. “What are you saying? I’m not asking you yet. Only answer kapag I asked you na. So no pressure, okay?”
March 23, 2025, 11:00 PM.
Napangiti si Jaemin nang mabasa niya muli ang unang sulat na binigay sakanya ni Renjun, tandang tanda niya pa ang bawat detalye. Kung paano namula ang tenga ng isa at kung paano rin nagbago ang buhay niya nang iabot sa kanya ang sulat na ‘to.
3 years had passed and everything he felt before stayed the same. Ang nararamdaman niya para sa lalaking knock-out sa pagod dahil galing pa ito sa hospital. Third year medical student na ito ngayon, kung kaya’t sagad rin ang pagod nito.
Tumayo si Jaemin mula sa kanyang desk at lumapit sa boyfriend niya. Inalis nito ang salamin at kinuha ang hawak na libro, nilagyan niya ng bookmark kung saan ito nakabukas bago niya ilapag sa bedside table. Inayos din niya ang ulo nito, inilalim niya nang braso niya para ito ang magsilbing unan ni Renjun, at tumabi na siya rito.
Umungot si Renjun at bahagyang dumilat.
“Sorry, love. Didn’t mean to wake you up, gusto ko lang tumabi sayo.” Sambit ni Jaemin at humalik sa noo nito.
“What time is it?” Tanong ni Renjun habang sumisiksik kay Jaemin.
“A little past 11. It’s still your birthday, wanna eat?” Jaemin answered as he puts an arm over sa nobyo niya.
Tumango si Renjun, pero hindi na rin gumalaw para bumangon. Sa halip, lalo lang siyang sumiksik kay Jaemin, hinila ang kumot pataas, at pumikit muli.
“Later na lang pala,” mahina nitong bulong. “Okay na ‘to.”
Napangiti si Jaemin, hinagod ang likod nito. “Sige. Tulog ka muna ulit.”
Tahimik. Magaan.
Ngumiti si Jaemin—nakatitig sa taong matagal na niyang minahal. Isang pangalan sa milyon. Isang mukha sa libo.
Pakiramdam, oh, kay gaan 'pag nariyan ka. Tila lahat ng pagod ay naglaho na. Kahit sa anong bagyo, sa yakap mo ay sisilong. Mahinang tunog mula sa laptop na naiwan niyang nakabukas. Such a great timing.
Naalala niya ang kantang minsang pinatugtog ni Renjun—'yung paulit-ulit sa gabi, 'yung sinabayan ng kaba at pag-asa. Noon, siguro. Ngayon?
Sa piling mo, ako’y sigurado.
Wala na ang siguro ni Renjun, dahil ngayon si Jaemin ay sigurado . Siguradong-sigurado.
bonus scene!!!
November 2021. UAAP Swimming Competition.
renjun replied to your story
good luck this season! ☝
Napangiti si Jaemin sa notification na lumitaw sa screen ng phone niya. Bubuksan na sana niya ito—pero bago pa man niya ma-swipe up, may tumawag sa pangalan niya.
“Jaemin!”
Sinalubong niya ang mama niya sa entrance ng aquatics center. Nakangiti ito habang papalapit, agad siyang niyapos ng mahigpit—parang laging kinakabahan tuwing may laban siya.
“Good luck, anak! No injuries, okay? Just do your best!”
“No injuries. Promise.” Tumatango si Jaemin habang nakayakap pa rin sa ina. “Nireserve ka daw po ng pwesto sa harap, sabi ni coach.”
“Okay lang ba? May +1 kasi ako.”
Tumaas ang kilay ni Jaemin, umatras mula sa ina, bahagyang nakakunot ang noo at mapangasar na tinignan ang nanay niya.
“Mama? Hala. May ka-date ka?”
Napailing ang mama niya, pero may ngiting pilya. “Grabe ka, anak. Swim ka na nga lang.”
“Sino ba kasi?” Napahagikhik si Jaemin, pero curious pa rin.
“It’s not what you're thinking, anak. Malisyoso ka.” Tumatawa pa ito habang umiiling.
“Good luck, hijo!” singit ng isang pamilyar na tinig.
Lumingon si Jaemin at agad niyang nakita si Tita Ruth, hila-hila ang asawa nito—parehong may dalang clappers ng unibersidad niya.
“Oh, Tita Tito, kasama po pala kayo.” Ngumiti si Jaemin at agad lumapit para magmano.
“Syempre naman. Isasama ko sana yung anak namin na ka-schoolmate kaso hindi naman maistorbo yun sa pag-aaral.”
Napatingin siya sa cellphone niya at ngumiti nang makita niya muli ang notification. Oh, what would he do about this?
