Chapter Text
Ilang Linggo na ang nakalipas simula nang makita ng dalawa ang dalaga na nagpagulo pareho sa kanilang mga isipan. Kay Jaemin dahil sa taglay nitong kagandahan na sobrang nagpabighani sa kanya, at kay Renjun na naguguluhan sa isang sirit ng damdamin na noon niya lang naramdaman. Hindi niya mawari ang dahilan nito, kung bakit bigla na lamang itong nagparamdam sa kanya. Ngunit sa kabila ng kaguluhan sa isip niya na nais niyang malutas, binaliwala niya ito sa takot na hindi niya magugustuhan ang kalalabasan.
Sa mga araw na sobra ang pangangamba ni Renjun sa kanyang nararamdaman, tinuloy ni Jaemin ang kanyang hangarin na mas makilala pa ang dalagang kanilang nakita. Nakakatandang pinsan pala ito ni Jisung na bagong lipat sa kanilang paaralan. At dahil bida bida si Jaemin, prinisenta niya ang sarili na igala ito sa kanilang paaralan, na may halong intensyon na mas mapalapit sa dalaga. Nalaman niya rin sa wakas na ang totoong pangalan pala nito ay Luna, ngunit tuwing kinikwento niya ito sa kanyang mga kaibigan ay Apple pa rin ang tawag niya rito dahil ayaw niya pang ipaalam sa iba kung sino ang kanyang kasalukuyang ninanais.
Kasalukuyan, dahil alam ng karamihan na mabilis mawalan ng interes si Jaemin.
Tahimik na nag-aaral si Renjun para sa kanyang pagsusulit sa susunod na asignatura nang tawagin siya ng isa sa kanyang mga kaklase.
“Renjun, andito si Jeno,” pagtawag sa kanya ni Karina habang hawak-hawak nito ang pinto upang hindi ito sumara.
Lumabas si Renjun mula sa kanilang silid-aralan at agad naman siyang sinalubong ni Jeno ng yakap. “Pre, missed you, pre! Sorry hindi kita nasasamahan mag-lunch, na-busy lang nitong mga nakaraan.” humiwalay ito sa kanya at nag-kamot ulo, halatang nakokonsensya.
“Not cool, pare. Akala mo hindi ko alam yung mga pinagkakaabalahan mo? Kung bakit ka na-busy? Ulol, tangina mo.” malutong na mura ni Renjun. “Ako pa ba talaga ang bestfriend mo, ha, Jeno Lee?”
“Sorry na nga, eh! Kaya nga ako na ngayon ang mag-aaya sayo, sabay tayo mamayang lunch, ah? Kwento ko sayo lahat-lahat. Walang labis, walang kulang. Puro kilig at katotohanan lamang.” nakataas ang kanang kamay nito, tila nagpapahayag ng panunumpa habang ang kaliwang kamay naman nito ay nasa dibdib.
Tinabig ni Renjun ang kanang kamay nito at nagsabi naman ito ng mahinang ‘aray’. “Tayo lang? ‘Di kasama si Jaemin?”
Ngumisi naman si Jeno dahil sa pangalang nabanggit. “‘Di, pre, tayong dalawa lang. Si Jaemin naman ang busy ngayon sa Apple niya. Dapat siya rin pagalitan mo! Pano na ang tropa time nating tatlo?!”
“Ulol mo tropa time, ikaw unang sumira no'n.” Tumingin muna siya sa magkabilang dulo ng hallway bago magpaalam sa kaibigan. “‘Ge na, mag-aaral pa ako. May quiz kami sa English ngayon.”
“Uy, sabihan mo ko kung madali lang, ah? Baka mamaya sunugin ko kilay ko kakaaral tapos easy easy lang pala.”
Kumaway na lang si Renjun at pumasok na sa loob upang ipagpatuloy ang pag-aaral. Habang nagbabasa ng mga powerpoints ay tila hindi sa mapakali. Walang pumapasok sa utak niya at parang mabigat ang dibdib niya. Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang mga katagang sinabi ni Jeno: Si Jaemin naman ang busy ngayon sa Apple niya.
Oo nga, napansin niya ang madalang na pagsabay nito sa kanya sa pagkain tuwing break nila. Minsan nagpapaalam ito, minsan ay hindi naman na. Pero kahit hindi ito magsabi ay alam naman na ni Renjun kung bakit hindi na ito sumasabay sa kanya.
‘Si Apple, si Luna. Si Apple, si Luna. Si Apple, si Luna. Si Apple-’
“Renjun, peram naman notes- ay?”
Naputol ang linya ng pag-iisip ni Renjun nang marinig niya ang boses ni Shotaro, isa sa mga kaibigan niya sa kanilang klase. Doon niya napansin na lukot na pala ang pahina ng kanyang kuwaderno dahil sa higpit ng pagkakahawak niya rito.
“Uhh…” plinansya niya ang pahina at inalok ito kay Shotaro. “Hiram ka ba? Oh, iyo muna. Yung ppt naman yung binabasa ko kasi ‘di naman yan kumpleto.”
“Uhm, sige, salamat! If need mo na siya pabalik, sabihan mo lang ako.” umalis din agad ito at bumalik sa kanyang upuan.
Nagpakawala ng buntong hininga si Renjun at napahilamos ng mukha gamit ang kanyang mga palad. Sinubukan niyang bumalik sa pag-aaral ngunit hindi talaga siya makapokus sa kanyang mga paksa. Inis niyang pinatay ang kanyang iPad kung saan nakabukas ang mga powerpoints ng kanyang mga aralin at tumingin sa kawalan, hinihintay na pumasok na ang kanyang guro sa Ingles na ilang minuto nang nahuhuli sa oras.
'Bahala na, English lang naman yan.’
At oo, Ingles lang naman ito, madali lang ito para sa kanya. Ang kanyang nakuhang puntos ay ang patunay na wala siyang problema pagdating sa pagpasa sa asignaturang iyon. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa klase.
“Ang talino mo lang talaga,” umiling-iling na ani ni Jeno. Kasalukuyan silang magkaharap ni Renjun habang nakaupo. Lunch break na nila pareho kaya magkasama na sila ngayon. Hawak-hawak ni Jeno ang papel ng kaibigan, kinukumpara ito sa sagot niya. Pagkatapos kasi ng guro sa Ingles ni Renjun sa kanilang klase ay lilipat naman ito ng kwarto upang magturo sa klase nina Jeno.
“Ako pa ba? Sa math lang naman ako mabobo.” inis na sambit niya, naalala ang pagsusulit niya rito nuong nakaraang araw lamang na halos bumagsak na sa lupa sa sobrang baba.
Tumawa naman si Jeno sa reaksyon ng kaibigan. “Syempre, fair ang mundo. Kung san ka bobo, dun naman ako matalino. Baka math wizard ‘to?” aniya at tinaas ang kanyang braso upang i-flex ito.
“Kapal amputa, paano ka natitiis ni Yangyang niyan?”
At duon nawala ang yabang sa mukha ni Jeno. Napalitan ito ng tuwa at kilig. Sa katotohanan, medjo nawe-weirdohan si Renjun. Ngayon niya lang nakitang ganto ang kaibigan. Hindi talaga madalas naglalabas ng saloobin si Jeno. Sa kanilang tatlo, siya ang pinakatahimik. Tahimik man ay malakas pa rin ang appeal niya sa mga tao.
“About that, yun nga pala ang dahilan kung bakit kita inayang sabay mag-lunch, hihi.” ‘Hihi?! Did he just fucking said ‘hihi’?!’
“Jeno, did you seriously just giggled right in front of my fucking face? That's so not you, dude!” bahagyang sinapak ni Renjun ang balikat ni Jeno at umakto naman itong nasaktan.
“Calm down, mahal, wala na ba akong karapatang kiligin ngayon?!”
Nagulat naman si Renjun sa tinawag sa kanya ng kaibigan. Matagal niya na itong hindi narinig dahil ang madalas na tumawag sa kanya nito ay abala na sa iba.
Mas lalong nalukot ang mukha nito. “Don't fucking call me that! Kadire!”
“Wow, kapag kay Jaemin ok lang, tinatawag mo pa siyang ‘mahal’ pabalik pero kapag sa akin, kadiri?! Tanginang ugali yan,” binulong nito ang mga huling salita.
Bumuga ng hangin si Renjun sa inis, parang walang seryosong usapan na magaganap kung pareho nilang sisinghalan ang isa't isa. “Fine! Continue, magkwento ka na.”
Umayos naman ng upo si Jeno at muling bumalik ang kilig nito sa mukha. Tila hugis puso na ang mga mata nito, handang-handa nang magkwento tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. “Ok so ‘di ko nakwento sayo before pero matagal na akong may gusto kay Yangyang-”
“Halatang wala kang nakwento. Wala akong alam, eh, ganyan yan kayo, eh.”
“Manahimik ka, pwede? Isasaksak ko yang Stick-O mo sa bibig mo.” pagbabanta niya naman kaya natahimik si Renjun ng tuluyan. “Anyway, I didn't have any intentions of confessing. You know me, takot ako sa mga bagay na yan. Well thank God he did the confessing part first, then I followed after. Grabe, pre, never ata akong kinilig ng ganun sa tanang buhay ko. Mas grabe yung kilig ko nun kesa nung nakita ko si Elle Fanning for the first time sa Maleficent non, ganun kalala!”
“Down bad amputa, oh tapos? Sinong nanligaw?” tumagilid ang ulo nito nang tanungin niya ito, ang mga mata ay punong-puno ng pagtataka.
Tumagilid din pabalik ang ulo ni Jeno. “Uso pa ba ‘yon?”
Maeskandaloso namang tinignan ni Renjun ang kaibigan. “Hoy, Jeno, don't tell me walang ligawan na nangyari sa inyo? Ano? Kayo na pala ngayon?! Wala akong kaalam-alam!”
“T-Teka, teka nga! Sino bang nagsabi na kami na? Kalma ka lang, pre, ‘di pa kami! Walang kami! Nilalandi pa lang namin ang isa't isa.”
“Bruh, that's worse! Aww, gagi ang sakit ng batok ko, pumutok na ata ugat ko…” hinawakan niya ang kanyang leeg ang nag-astang namimilipit sa sakit.
Napatayo naman si Jeno sa kaba at agarang pumunta sa tabi ng kaibigan, hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang batok. “S-Seryoso ba? Ang OA mo naman! T-Tara sa clinic, pre. Tangina simula ngayon ike-kwento ko na lahat ng nangyayari sa buhay ko sayo.”
Tumigil naman sa pag-aaktong nasasaktan si Renjun at tinignan niya ng seryoso sa mata ang nakakabata. “Promise yan?”
Binitawan naman ni Jeno si Renjun at inis na bumalik sa kanyang upuan. “Weh, kupal, kupal. Bwiset,” rumolyo pa pataas ang mga mata nito, halos puti na lang ang natira sa kanyang mga mata. Tumingin ito sa kawalan habang paulit-ulit na bumubulong ng ‘kupal, kupal’.
“Ang taray mo naman,” umirap ito pabalik. “Pero seryoso ka ba? Hindi pa kayo at hindi rin kayo nagliligawan ngayon?”
Inis na bumaling ito sa kanya. “Oo nga. If may label man kami, either MU or situationship. Yun naman uso ngayon so…” nagkibit-balikat ito.
Napasapo naman ng noo si Renjun. “Ano namang magagawa ko eh relasyon mo yan…”
“Op, op, ‘di siya relasyon. Walang kami.”
“Oo na, oo na! Nagulat lang ako, ok?! As someone na walang experience diyan, gusto ko rin naman maranasan yung ligawan stage.”
Tumaas ang kilay ni Jeno sa narinig. “Gusto mong maranasang maligawan?”
“What? No! Ako ang manliligaw. ‘Di ko hahayaang ligawan ako ng babae. Nakakahiya naman sa parents niya kung ganun ang mangyayari sa amin. Baka isipin nila eh pinanghahabol ko ang anak nila sa akin. Ang kapal ko naman,” pagdidipensa niya sa sarili.
“Ahh eh paano kung lalaki yung manliligaw sayo, ok lang?”
Doon natigilan si Renjun. Bumalik lahat-lahat ng mga bagay na bumabagabag sa kanya nitong mga nakaraan na Linggo.
Napansin ni Jeno ang pagkatahimik ng kaibigan kaya muli siyang nagsalita. “Ano, Renjun? May sumubok bang manligaw sayo?”
“W-Wala naman. Wala…”
“Weird mo tol, so weird. Bakit tunog dismayado ka?” bahagyang yumuko papalapit si Jeno sa mukha ni Renjun, nanliit naman ang isa dahil sa mapagmatyag nitong tingin. “Tol, ano bang meron? Nababading ka na rin ba?”
Tumingin na kung saan-saan si Renjun maliban sa mata ng kaibigan. Hindi siya mapakali dahil hindi niya alam ang sagot sa tanong ng kaibigan. Sariling tanong niya nga ay hindi niya mahanap ang sagot, ang mga katanungan pa kaya nito?
“Hindi, pre, ano ba! Wala lang. At ano bang alam ko diyan?”
“Hmm, you seem clueless nga naman. Basta pre, ang masasabi ko lang sa ngayon ay let it go, let it go, let your feelings grow~” pagkanta nitong ani na sumusunod sa tono ng kantang Let It Grow.
“Kupal talaga kahit kelan,” bulong naman ni Renjun.
Winagayway naman ni Jeno ang kanyang mga kamay. “Ito naman, joke lang, eh. Pero seryoso, ‘di ko alam kung anong nasa isip mo ngayon kaya kung kelan ka ready na maglabas ng saloobin, nandito lang ako, tol. I'm just one chat away. Busy ako lumandi pero I'll find time for you. Ikaw pa ba eh malakas ka sa akin.” saglit itong napatigil sa pagsasalita. “Don't pressure yourself na hanapin ang mga sagot sa utak mo, it will come naturally. ‘Wag mong madaliin.”
'Bakit ba ganto? Bakit ba ang hirap naman?’ Napaisip si Renjun sa mga nangyayari. Wala siyang karanasan kaya wala siyang pagbabasehan ng kanyang nararamdaman.
“Just observe yourself, Renjun. If bukas paggising mo tapos may rainbow kang nakikita, alam mo na ang sagot.” kinindatan siya ni Jeno.
