Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-07-27
Updated:
2025-07-28
Words:
3,619
Chapters:
2/4
Comments:
12
Kudos:
104
Bookmarks:
20
Hits:
1,301

naaalala ko ang mga gabi

Chapter 2: ang kahapon ay naroon pa rin

Notes:

added another chapter, so /4 chapters na to! or 5? Ewan, tingnan ko pa... HAHAHA pero super short lang per chapter and mukhang mabilis ko naman na din to matatapos....sana.....

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Sir Gerald - Buyer

Good evening boss, tuloy ko na yung pagbili sa kotse. Pwede ko na po bang kunin sa Sabado?

 

You

Magandang gabi, boss! Opo pwedeng pwede sa Sabado. Ipadala ko na lang po address tsaka details. Maraming salamat po!

 

Kung minamalas (o sineswerte?) nga naman si Mingyu, ngayon pa talaga sumabay yung pag-confirm ng buyer ng kotse nya. Ngayon , sa gabing ito, kasabay ng pag-gunaw ng mundo nya dahil nakita nya sa bumble yung ex nya na naka-move on na siguro. Nasa dating app na eh. 

 

Anong gagawin ni Mingyu sa pera kung wala naman si Wonwoo sa tabi nya?

 

Nakababa na sya ng jeep, tumambay muna sa isang 7-11 para magpatila ng ulan bago maglakad pauwi. Pwede syang mag-tricycle o mag-sidecar, pero sayang din yung bente pesos. Kaya naman nyang lakarin yun, pero magpapatuyo muna sya dito (at magpapatila ng luha).

 

Yes, umiyak sya. Ikaw ba naman, makita ang ex mo na naghahanap na ng iba sa bumble. Mapapatalon ka na lang talaga sa bangin eh. Pakamatay na lang. Nag-iisa ang conclusion na nakuha nya when he came across Wonwoo’s profile– naka-move on na sya. Putangina. Parang nasaksak sya ng paulit ulit habang nakatitig sa account nito. Ang masaklap pa, yung picture na ginamit ni Wonwoo ay sya mismo ang kumuha, litrato ni Wonwoo na nakangiti noong pumunta silang Baguio. Short stay lang sila doon, 3 days lang dahil kailangan bumalik ni Mingyu sa work. Buti nga nakapag-leave pa sya ng Monday kadugtong ng weekend stay nila, sobrang dami nya kasing hawak na tasks noon na hindi talaga nya kayang bitawan. Dinala pa nga nya yung work laptop nya sa byahe.

 

So ayun, Mingyu was reminded again of their past upon seeing his picture, and he was reminded again of his present upon seeing his bumble account.

 

Pero ang pinakamasakit?

 

Yung bio nya. 

 

I don’t demand much in a relationship, gusto ko lang ng taong kasabay sa jeep pag-uwi galing sa trabaho.

 

Reading it reminded him of the reason why Wonwoo broke up with him. It was his fault, aminado si Mingyu doon.

 

Kaya hindi na nya kinuha pa yung payong nya kahit meron sya sa bag (na bagong bili pa) dahil pinabayaan lang nya ang sarili na mabasa ng ulan para hindi halata na humahagulgol sya. Kasalanan nya yun, na wala na sila, na naghahanap na si Wonwoo ng iba. Hindi sapat yung pag-ibig na binigay nya, kaya ang inialay na lang nya sa huling sandali ay ang kalayaan ni Wonwoo.

 

Napabalik lang sya sa wisyo nang matanggap nya ang text ni Sir Gerald, yung halos isang buwan na nyang kausap na nagbabalak bumili nung kotse nya. Bago pa lang naman yung tsikot nya kaya sigurado syang hindi sya mahihirapan ibenta ito, pero nauna kasi syang mag-inquire at naniniwala sya sa first come first serve kaya ineentertain nya padin kahit na matagal ang transaction nila.

 

At eto sya ulit ngayon, nagpapatuyo sa may 7-11 kasi hindi sya makatype sa screen ng phone nya kanina dahil basang basa sa ulan. Pero dahil nakareply na sya sa text ni Sir Gerald, siguro pwede na syang magdrama at magpabasa ulit sa ulan? 

 

Napabukas ulit sya ng bumble, andun parin yung profile ni Wonwoo. Maingat sya sa pagpindot sa phone nya kasi baka ma-exit nya ito tapos mawala yung account. Siguro, tumagos na sa katawan nya yung lamig ng ulan, nakatapat pa sya sa aircon sa 7-11 kahit basang-basa sya kaya lalong nag-yelo ang utak nya, tapos nawala na ata lahat ng katinuan nya sa buhay sa sobrang sakit ng puso nya sa kakaiyak, dahil ano ang ginawa nya?

 

Bumili sya ng SuperSwipe. 

 

 

gyu

nudge

👆

ji

may na-swipe right na ako

 

jihoon 🔥29

woah

totoo?

 

gyu

oo hahaha

 

jihoon 🔥29

tangina legit ba

tingin nga

send mo screenshot

matino ba yan?

dapat pasado muna saken bago mo idate

 

gyu

oo pasado hahaha

kilala mo

 

jihoon 🔥29

haaaaaa

sino yan

 

gyu

si wonwoo

 

jihoon 🔥29

ginagago mo ba ako?

 

 

At this point, Mingyu has nothing to lose. Mag-swipe right sa ex, wala na syang pake. Ang mag- super swipe sa ex? Amazing! Great job! He already lost his everything anyway after their breakup a year ago, so who honestly cares? Wala naman nang mawawala pa, they’ve been in no contact for about 11 months now so this is his first connection with him in a long long while. Never namang naging active si Wonwoo sa social media kahit noon pa man, kaya hindi talaga updated si Mingyu tungkol sa kanya ever since. The stuff he knew about him was through their common friends, and even then, sobrang general lang nun kasi iilan lang naman ang tunay na nasa close circle ni Wonwoo and syempre, ““kampi”” sila sa kanya after they broke up.

 

Siguro nga, sobra lang talaga nyang namiss. Mahal na mahal nya eh.

 

Mingyu fears the day when the time they were apart after ending things will be longer than the time they were together. Sakto kasi, nakipag-break sa kanya si Wonwoo during their first anniversary. Kaya the day after what would have been their second year together, it will mark their 366 days of being broken up, compared to the 365 days that they have been in a relationship.

 

Next month na yun.

 

Iniisip na lang ni Mingyu na sana, may bagong iassign sa kanyang project sa trabaho para madistract sya sa araw na yun. 

 

You matched!

 

HA!?

 

Hindi naman lumamig yung aircon sa 7-11 pero biglang nanginig si Mingyu, nakatitig sa phone na kulang na lang ay idikit nya sa eyeballs nya sa sobrang paglapit nya nito sa mukha para mabasa yung notification. Totoo ba? Totoo ba na nag-swipe right din si Wonwoo? Parang hindi naman guni-guni yung mga pixels sa screen nya so totoo nga talaga!!! Or baka accidentally lang pala nyang na-swipe? Nadulas lang siguro yung kamay nya? Bakit ka naman kasi mag-sswipe right sa ex mo na hiniwalayan mo less than a year into your relationship. Pero baka mahal parin sya ni Wonwoo? Tulad ng pagmamahal pa rin ni Mingyu sa kanya ngayon?

 

Baka naman?

 

After confirming na totoo nga na nag-match sila (inexit nya yung app, nirestart yung phone, pinabasa sa bata na bumibili ng slurpee yung text sa screen baka namamalikmata lang kasi sya), his fingers hover over the keyboard trying to think of a message to send….pero hindi nya magawa. Hanggang ngayon ata, dala-dala nya parin yung guilt over their breakup.

 

So he didn’t message. That’s the last sliver of mutual-respect he has, at least that’s what he thinks. He respects Wonwoo’s decision to end their relationship, and as much as he wants to get him back, he won’t force himself unto him. Nasa kanya na kung papansinin ba nya yung match, he made his presence known and now the ball is completely in Wonwoo’s court. 

 

And besides, ano naman ang una nyang sasabihin?

 

> Hello

> mahal parin kita hahaha

 

Lakas ng tama.

 

> Wonwoo, I’m sorry nagkulang ako

 

Aba, too late na ata yan.

 

> Delete mo tong bumble fuckkkk wag ka mag-move on sakin

 

Hanep na message opener yan.

 

> Mamamatay na ako sa pagka-miss sayo

 

Uy parang pwede to ah?

 

Habang nag-iisip pa ng hypothetical messages na isesend nya, nagulat na lang si Mingyu dahil biglang—

 

You received a message!

 

| Wonwoo

    Mingyu?

    Mingyu ikaw ba to?

 

FUCK!

 

He immediately types a reply dahil kakatanggap lang nya ng message, which means online si Wonwoo so he has to take this chance immediately.

 

You

wonwoo

hello

yes, ako ‘to

 

Wonwoo

huh…

ikaw nga...

so may bumble ka…

 

You

huh?

oo, ikaw din

 

Wonwoo

Pwede ba tayong lumipat?

Message kita

 

You

Yes, sure

 

Madaling inexit ni Mingyu yung app at lumipat sa imessage kung saan palagi silang naguusap noon. 

 

my wonwoo ♡

bakit ka nagbubumble?

 

Parang sabay na sinuntok ni The Hulk at Wreck-It-Ralph si Mingyu sa dibdib nang mabasa nya ulit yung contact name ni Wonwoo. Hindi parin nya kasi ito binabago, at yung cute na contact photo ni Wonwoo parin kung saan para syang kuting yung naka-set. Bakit nya babaguhin, eh umaasa parin sya na babalik sya? Maghahanap na lang siguro sya ng zonrox na pwedeng inumin dito sa bandang gitnang aisle sa 7-11.

 

you

huh?

wala lang. 

sinabihan ako ni ji mag-bumble

 

my wonwoo ♡

sumunod ka naman

 

you

i was just swiping left anyway

 

my wonwoo ♡

but you swiped right saakin

 

you

of course.  

 

my wonwoo ♡

of course?

 

you

of course. 

it’s you. 

 

my wonwoo ♡

< … typing >

 

Kinakabahan si Mingyu while waiting for his reply. Did he say the wrong thing? He doesn’t know where the line is, ano ba kasi ang boundary kapag naka-match mo yung ex mo sa bumble? Can he get away with saying stuff like that? Their situation is a bit peculiar anyway, so he only hopes for the best.

 

my wonwoo ♡

nakauwi ka na ba galing work?

baka nag-overtime ka nanaman

sobrang lakas ng ulan

 

you

malapit na sa bahay, nagpapatila lang

how about you? did you get home safely?

 

my wonwoo ♡

wfh lang today

 

you

you still work sa Pages?

 

my wonwoo ♡

yes, sobrang okay yung flexibility ng wfh set-up.

and i prefer not to be consumed with work

alam mo naman yan

 

  you

right…i do know that

 

Napapikit si Mingyu pagka-send nya nung message. Dahil sa topic, yung mga fragments of their small disagreements that eventually led to their breakup, bigla nyang naalala. But he tries to bury them to the back of his mind. Hindi ngayon ang tamang oras para pagsisihan ang mga pagkukulang nya noon.

 

Nag-isip na lang sya ng pwedeng topic para hindi ma-drop yung conversation nila, kahit ano na lang basta patuloy parin nyang makausap si Wonwoo. If this is the most that he can get from him, he will take it, he will take it no matter how small.

 

you

sobrang lakas ng ulan

mukhang may bagyo din

wag ka na muna pumasok this week. hindi naman required diba?

 

my wonwoo ♡

oo

eh ikaw? rto na kayo everyday right?

paano ka umuwi?

 

you

jeep lang

 

my wonwoo ♡

di mo dala kotse mo?

coding ka ba?

 

you

hindi

di ko lang ginamit 

 

my wonwoo ♡

huh bakit naman

 

you

mahal gas eh

mas mura pamasahe

tsaka nakakapagod din mag-drive

 

my wonwoo ♡

labo hahahaha

bat ka pa bumili ng kotse? 

 

you

kaya nga

bakit pa ako bumili

 

Tumitila na ang ulan, at pagsilip ni Mingyu sa labas ng 7-11, mukhang pwede na syang mag-lakad pauwi.

 

Hindi na nag-reply pa si Wonwoo, at hindi na rin nya minessage pa ulit.

 

Sinend nya yung address nya kay Sir Gerald para mapick-up na nya sa Sabado yung kotse. Naalala nya yung code na hindi nya natapos kanina sa trabaho, at naisip nya kung itutuloy na lang ba nya ito pag-uwi para hindi na nya proproblemahin bukas.

 

Naglakad sya pauwi.

 

Mahal kasi ang tricycle, kaya naglakad na lang sya.

 

Mahal kasi ang gas, kaya nag-jeep na lang sya.

 

And so Mingyu arrives home, sa bahay nya na sya lang mag-isa ang naninirahan. Andun ang kotse nya, yung kotse na hindi naman nya ginagamit dahil binili lang naman nya ito para ihatid at isundo si Wonwoo sa trabaho.

 

Pero wala na syang maihahatid at maisusundo.

 

Kaya naka-park lang ito sa labas.

 

Notes:

o walang iiyak a

Notes:

samahan nyo akong mag-pray na hindi busy sa work para matuloy ko to aaaaaack