Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-04-28
Updated:
2025-08-10
Words:
8,574
Chapters:
6/?
Kudos:
21
Bookmarks:
4
Hits:
710

the unsent letter

Chapter 6: mahal mo pa nga, jay

Chapter Text

“Buntis ako.”

Tumayo kaagad ako para yakapin si ate. Alam ko kung gaano niya kagustong magkaroon ng anak. Ilang beses na niyang sinabi sa akin yun eh. Hindi naman ako tutol. Nasa tamang edad naman na si ate, at alam kong hindi naman siya papabayaan ni Kuya Dong.

“Congrats ate!” napatingin ako kay Alexis na naluluha na sa tabi ko. “Sabi ko na nga ba, buntis ka na! Hala excited na ko! Jay buntis si ate!”

Sa sobrang excitement niya, nagulat na lang ako na yakap yakap na ko ni Alexis… nung narealize niyang yakap niya ako ay binitawan niya ako agad at saka tumakbo palabas.

“Wag mo na masyadong asarin. Baka mag-away na naman kayo,” sabi na lang ni Ate Marian sa akin.

“Hindi ko naman aasarin. Nagulat lang ako,” pag-amin ko sa kanya. “Naguguluhan na rin ako, ate. Ilang araw na niya akong hindi pinapansin. Gusto ko na ngang tanungin kung may nagawa ba ako o ano.”

“Bakit hindi mo tanungin?”

“Natatakot ako sa magiging sagot niya… na baka masaktan lang ako kapag narinig ko na.”

Nakita kong lumamlam ang mga mata ng ate ko. Higit kanino man, siya ang may pinakanakakaalam ng lahat ng sikreto ko. Kahit nga hindi ko sabihin, nalalaman na lang niya basta.

“Naguguluhan ka ba kasi bumabalik na yung pagkagusto mo sa kanya?”

Umiling ako. “Hindi naman yun nawala, ate. Siguro binaon ko lang sa limot, sa pinakadulong parte ng utak ko. Pero andun pa rin. Akala ko nga mawawala kasi pilit kong kinakalimutan. Kaso wala eh… ang lakas ng epekto niya sakin.”

“O, e anong problema? Bakit hindi ka gumawa ng paraan?”

“Mukhang ayaw naman niya eh.”

Natawa na lang ako. Parang tanga lang. Ilang taon na rin naman, akala ko talaga mawawala na. Pinilit kong kalimutan kasi napapansin kong hindi talaga siya ganun ka-komportable na kaharap ako. Di ko lang gets kung saan nagsimula yung akala mo galit siya sakin? Kasi okay naman kami noon.

Tandang tanda ko pa noon, hinihintay ko siyang matapos sa klase niya para sabay sana kaming uuwi. Pagkalabas niya sa room nila, alam kong nakita niya ako pero iniwasan lang ako.

“Huy, Alexis. Bakit mo ko iniiwasan? Hinintay pa naman kita matapos para sabay tayong uuwi tapos iiwan mo lang ako dito?!”

“Wala namang nagsabi sayo na hintayin mo ko ah?!”

“Obligasyon kong antayin ka kasi mas napapanatag ako pag sabay tayong uuwi!”

“Pwes itigil mo na! Di mo ko obligasyon kaya itigil mo na yan!”

Simula noon, kung hindi nakaangil, nakasimangot naman siya pag nagkikita kami.

Minsan nasasaktan ako kasi kahit wala naman akong ginagawa, ganun ang trato niya sakin. Akala niya ba ayos lang sakin na ganito kami? Syempre hindi. Gusto ko rin namang magkaayos kami. Na bumalik kami sa dati. Kaso… parang hindi pa ata mangyayari.

Ilang araw rin akong nag-isip. Kapag nagkakasalubong kami sa labas, kung hindi siya ang mauunang umiwas, ako naman. Hindi pa rin siya nagpupunta sa gym, isang buwan na. Hinayaan ko na lang din kasi baka kailangan niya ng oras.

Pero hanggang kailan?

“Pre, nakikinig ka ba?”

Napalingon ako kay Je na nakakunot na naman ang noo sa akin. Pinag-uusapan kasi namin yung tungkol sa susunod na branch na bubuksan namin 2 months from now.

“Ano yun?”

“Sabi ko tukmol ka.”

“Gago. Ano nga?”

Tiningnan lang ako ng masama ni Je. “Kung si Alexis pa rin yang iniisip mo, kung ako sayo, umamin ka na.”

“Hindi naman yun yung iniisip ko,” sagot ko na lang sa kanya. “Ano lang…”

“Ano? Kung paano ka maguluhan sa nararamdaman mo?”

Nagtataka akong tumigin sa kanya. “Sinasabi mo?”

“Halata ka kasi pre,” panimula ni Je. “Kahit naman hindi mo sabihin sa’kin, alam kong gusto mo pa rin si Alexis. Hindi nga lang gusto e. Mahal mo na. Noon pa yan no?”

“Huh?”

“Inamo, wag ka nang magdeny. Halatang halata ka, boy. Highschool pa lang tayo, mahal mo na yan.”

Napahinga ako ng malalim. Wala na rin namang sense kung magsisinungaling ako. Huli na eh, obvious pala kasi.

“Oo, mahal ko nga. Di mo naman kailangang ipaalala ng ipaalala,” sagot ko sa kanya. Binitawan ko ang mga papeles na hawak ko at sumandal sa swivel chair. “Kaso anong magagawa ko? E hindi naman ako mahal. Ni hindi nga ako gusto. Ayoko naman siyang pilitin sa mga bagay na hindi naman dapat pinipilit.”

“Tanga ka no?”

“Gago ka ba?”

“Pano mo nasasabing hindi ka gusto? Nagtanong ka na ba?”

Umiling ako. “Syempre hindi. Obvious naman? Makita nga lang ako nun parang uusok na palagi ilong nun eh. Hibla pa lang ata ng buhok ko makita niya, gigil na gigil na siya. Tanungin ko pa kaya?”

“E pano mo malalaman kung hindi mo tatanungin?”

“Edi wala. Ibabaon ko na lang sa hukay tong nararamdaman ko. Basta ayokong mamilit. Ang pagmamahal, hindi yan pinipilit dahil lang gusto mo. Kusang ibinibigay yan nang walang kapalit.”

Ang sama ng tingin sa’kin ni Je. Alam ko namang maraming posibilidad na pwedeng gusto niya ako o hindi. Kaso… natatakot akong magtanong. Natatakot akong magsabi.

Sabi ko nga kay ate nung nakaraan, pinilit kong kalimutan. Pinilit kong iwaglit sa isip ko na gusto ko si Alexis, na mahal ko siya. Pinilit ko naman. Kaso wala eh, mahal ko pa rin.

Inabot na ng ilang taon tong nararamdaman ko pero olats pa rin.

Hanggang dito na lang ata talaga.

Notes:

let me know your thoughts :)