Actions

Work Header

kung ang puso ko ay imamapa, ikaw ang dulo, ang gitna’t simula

Chapter 7: extra

Chapter Text

ino thinks he’s a genius. wait, mali. he is a genius.

 

hindi naman sa pagmamayabang (slight lang), pero he really is. tapos papartneran pa ng consistent na sipag ‘yung utak niya? edi parang ang yabang yabang niya na ata kapag ganon. kaya siguro, at a young age, puro medals at trophies na agad nakukuha niya, tapos dinala niya pa ‘yun hanggang high school na iniwan niya by being a valedictorian tapos he graduated college with latin honors, while being a constant president’s lister all throughout those five years, and passed the board exams nang nakapasok sa top 20. idagdag pa na hindi lang siya by the book matalino, but also sa buhay. he seldom makes decisions na ireregret niya. sobrang madiskarte din siya. he knows paano mag-handle ng pera. kahit saang lugar mo siya dalhin, he could learn how to navigate na para bang taga-roon siya. kahit sinong makasalamuha niya, kayang kaya niya pakisamahan. kahit anong sitwasyon ang iharap mo sa kanya, lalabas at lalabas siyang nakatayo at proud sa sarili niya.

 

kaso, kahit gaano siya katalino, there’s this one thing na hindi niya ma-figure out.

 

‘yung usapang pag-ibig.

 

ino thinks na he has bad taste in men. that’s what his numerous exes and flings proved. lahat na lang ata sila nag-iwan ng trauma kay ino.

 

but it doesn’t take a genius para malaman na something is shifting between him and vern. when did they become from friends to whatever this is?

 

 

 

kaya dineny niya. ‘dun siya magaling e.

 

pati feelings na nas-spark somewhere deep inside his chest, dinedeny niya pa rin.

 

‘nung nag-usap sila sa dagat ‘nung nasa ilocos sila? ‘nung kasal ni yoojung at inaya ni ino sumayaw si vern kasi mag-isa lang si vern sa isang gilid at pinapanood lang ‘yung iba? all the times na sinusundo siya ni vern sa umaga? tapos halos araw araw pa silang magkasama ngayon?

 

ino felt the familiar warmth and mellow deep somewhere within him. he can’t have that. kaya ayun, niloko niya si vern at hinatak pa-dagat (na nahatak din naman siya pa-dagat). pabiro ‘yung pagsayaw niya kay vern kasi when vern’s hand landed on his side, that felt too fucking intimate. inoffer niya ‘yung paggawa ng almusal para paniwalain ‘yung sarili niya na may exchange system, na sinusundo siya ni vern sa umaga for the breakfast, not because for ino. na lahat ng ginagawa nila is joke lang, o may kapalit, na ang motibo ng lahat is pagkakaibigan nilang dalawa.

 

he can deny all he wants pero kasi putangina naman kasi ni vern eh. nakakalito amputa. lahat ng sasabihin pwede mo lagyan ng three different meanings kaya ‘di alam ni ino san lulugar. tangina rin ni vern kasi napaka-expressive niya, kaya kahit walang sinasabi si vern e nahahalata ni ino. si vern na mahuhuli na lang ni ino na nakatingin sa kanya, eyes warm and tender kaya nangliliit si ino. vern na mas matagal ang hawak kay ino kaya ino feels his skin prick with something he doesn’t want to name.

 

bakit kasi ngayon? bakit biglang nagka-feelings si ino? e lahat ng baho ni vern alam niya na.

 

‘yun nga problema. ino knows vern.

 

gets naman siguro ni ino if ‘yung college self niya ang magkakaroon ng crush kay vern e. sobrang pogi na ‘yan? sinong ‘di magkakagusto? e kaso present self ni ino ang nagkakagusto. ‘yung present self na alam kung gaano kagulo ‘yung place ni vern kaya sa place sila ni ino tumatambay, na nabwibwisit kasi minimal lang ang alam na life skills ni vern (paano na ‘to kapag tumanda mag-isa?), na still wonders why vern is this, with all his quirkness and… vern-ness. despite that, despite na alam na ni ino how vern is inside and out, bakit ngayon?

 

dati naman walang epekto kapag umaakbay si vern sa kanya, o kapag magkalapit lang sila, pero ngayon ino wants to scream whenever vern’s around.

 

bakit ba muna kasi nagka-feelings after all these years nilang magkaibigan?

 

problema din na ino knows vern.

 

si vern isa sa mga pinaka-constant sa buhay ni ino, and he doesn’t want to risk whatever they have para lang sa isang fleeting moment ino wasn’t sure na will work out. sino bang niloloko niya? ‘di nga rin siya sure kung totoo ba ‘yung nararamdaman niya o dala lang ng pagiging single niya for ilang years na at naghahanap lang siya nang someone, tapos si vern lang ‘yung nandyan.

 

oh, baka mamaya masyado lang binabasa ni ino mga kilos ni vern. baka naman vern is being his friend lang. na lahat ng biro nilang dalawa is wala lang. kibit balikat lang. si ino lang talaga nagbabasa at nag-iisip masyado.

 

e kaso umamin (sort of) si vern. ayun, dineny niya pa rin. ugaling pang-tanga lang ano, ino?

 

it’s not that ayaw niya lang harapin feelings niya. he’s also scared of what will happen after.

 

eleven years. eleven years ang nakataya.

 

hindi lang basta ‘yun. ino would also risk losing vern along the process, at pati ang friend group nila for sure madadamay.

 

hindi naman hahayaan ni ino mangyari ‘yun.

 

call him a coward for fearing something na hindi pa nangyayari but he can’t help it. he treasures vern that much.

 

pero -

 

vern gives him a small smile, a quiet “ingat” bago bumaba si ino ng sasakyan, and ino wants to melt. vern’s face will light up once nakita niya na si ino and ino feels so fond. vern will look at him across the table and ino will pretend he doesn’t notice but he feels so so loved.

 

pero ino also treasures vern that much that he’s willing to take a step and try to meet vern where he is.

 

sabi nga ni mareng taylor swift, you can hear it in the silence, you can feel it on the way home, you can see it with the lights out, you are in love.

 

 

 

(the next time na nag-stay si ino sa bahay ni vern is a friday night, just the night after that. may dala silang takeout, may movie na naghihintay sa laptop ni vern.

 

nakaupo lang si vern sa couch niya at…

 

at hindi alam ni ino. oo, nag-aminan na sila. oo, alam na nilang gusto nila isa’t isa. oo, hindi na sila basta magkaibigan lang.

 

pero paano ba aaksyon si ino bilang isang hindi basta kaibigan lang ni vern?

 

parang normal lang ba?

 

umupo si ino sa tabi ni vern. hindi masyadong malayo. hindi masyadong malapit. sapat na distansya lang. bilang kaibigan.

 

pero, ‘yun na nga, hindi na sila basta magkaibigan lang.

 

pero, wala rin namang ginagawa si vern so…? okay lang ba na ganito lang siya? nakaupo lang?

 

laging si vern ang naghihintay sa kanya, so what if, siya naman mag-first move ngayon?

 

biglang nawala lahat ng alam ni ino pagdating sa ganito, sa mga gawain ng mga… magjowa. ano ba dapat niyang gawin? hawakan kamay ni vern? ‘di ba masyadong… advanced? akbayan? parang… tropa tropa lang ‘yun eh.

 

tangina, kala mo ‘di naghalikan kahapon eh. sabi ni ino sa sarili niya.

 

biglaan siyang kinilig habang naisip ‘yung nangyari kahapon. fuck. para akong tangang nagpipigil ng ngiti.

 

huminga nang malalim si ino, at halos i-cheer niya na sarili niya sa utak niya para lang gawin ang nasa isip niya.

 

this is vern. friend niya for years. taong laging nandyan para sa kanya. taong tinuruan siya na maging mas matapang, maging mas accepting sa sarili niya. if not for vern, dadating kaya siya sa kung nasaan siya ngayon?

 

kahit anong mangyari, vern will accept him, right? even the version of him that wants to be closer?

 

dahan-dahan, sinandal niya ang ulo niya sa balikan ni vern—

 

nabigla si vern. nagulat. and ino felt it. how vern jolted sa segundong nagtama sila.

 

dali-daling tumayo si ino. fake laughing, he said, “ah, kunin ko na ‘yung binili natin. baka gutom ka na.”

 

“ino, wait.” naramdaman ni ino ang kamay ni vern sa braso niya. “wait.”

 

natatakot si ino na humarap. what if gustong bumalik ni vern sa pagiging magkaibigan? what if tingin ni vern, nagkamali siya? what if—

 

hinawakan ni vern ang kamay ni ino. “ino. sorry. it’s not that ayoko ‘yung ginawa mo. it’s just that… kabado. kabado lang ako.”

 

huh? napalingon si ino kay vern and—

 

oh.

 

this is definitely a sight.

 

si vern, namumula ang pisngi na abot hanggang tenga.

 

vern, parang tanga. pati tuloy si ino nagb-blush na. para silang tanga. ganito ba talaga nagagawa ng pag-ibig. ang tanda na nila para umakto nang ganito!

 

“ino,” tawag ni vern sa kanya. “come closer?”

 

sino ba naman si ino para tumanggi, di ba?

 

pag-upo niya ay bigla siyang niyakap ni vern mula sa kanyang likod. at ramdam na ramdam niya kung gaano kabilis at kalakas ang bawat pagtibok ng puso ni vern sa likod niya. sana ramdam rin ni vern na kasinglakas at kasingbilis lang din ang tibok ng kanya.

 

napangiti si ino habang hinaharap si vern.

 

sa muling paglapat ng mga labi nila, isa lang ang nasa isip ni ino: gusto niya maging boyfriend na deserve ni vern.)

 

 

 

“ino,” sambit ni vern. “pwede ba tayo mag-usap?”

 

biglaan na lang nanlamig si ino, na para bang binuhusan siya ng tubig na may yelo, na halos manginig na ang paa niya sa takot, na para bang nakahubad siya ngayon sa harapan ni vern at nakikita ni vern ang lahat lahat ni ino.

 

pero, tumango lang si ino. ngumiti. nilunok ang kaba. at pinapasok si vern sa bahay niya.

 

halo-halo na ang tumatakbo sa utak ni ino, paulit inuulit ang mga pagsasama nila ni vern sa mga nakalipas na buwan, umiikot ang mga tanong kung may mali ba siyang nagawa para pumunta si vern ng dis-oras ng gabi sa kanya.

 

umupo lang si vern sa couch ni ino, at tumabi si ino sa kanya, hindi masyadong malapit, hindi masyadong malayo. sapat lang para hindi malaman ni vern kung gaano kadami ang tumatakbo sa utak ni ino, sapat lang para hindi masira si ino sa isang maliit ng hawak ni vern.

 

“anong meron? gabi na. kumain ka na ba?” tanong ni ino kay vern.

 

“okay ka lang ba?” tanong ni vern pabalik, habang kinukuha ang kamay ni ino. “may problema ba?”

 

eto na nga ba. isang tanong lang ni vern. isang hawak lang. gusto na ni ino umiyak at tanungin kung masaya ba si vern sa kanya. kung eto ba yung ino na gusto niya. kung sapat ba siya as a boyfriend. kung totoo ba na mahal pa siya ni ino.

 

“ha? ah— oo! oo naman. bakit?” pinipilit ni ino na hindi alisin ang mata niya sa mata ni vern. “i mean. oo, okay lang ako. walang problema. bakit mo natanong?”

 

“ino. alam mo namang mahal kita, ‘di ba?”

 

napa-tango lang si ino. takot sumagot. takot magsalita. na baka ibuhos niya lahat lahat ng nasa utak niya.

 

“ino. please talk to me.”

 

napatawa lang si ino. ‘yung peke, ‘yung parang kailangan niyang maging ibang version niya para hindi makita ng ibang tao ang totoong siya. “ayos lang ako, vern! ano bang meron?”

 

nakatingin lang si vern sa kanya, na parang nakikita niya ang ino na totoo, ‘yung pilit niyang tinatago.

 

“ino,” seryosong sambit ni vern. “nandito ka pa ba?”

 

“ha?”

 

“nandito ka pa ba sa’tin?”

 

isang tanong lang.

 

“sa’kin?”

 

isang tanong lang.

 

pumatak na agad ang luha ni ino. isa. hanggang sa hindi niya na mapigilan. hanggang sa niyakap na lang siya ni vern. hanggang sa umiiyak na siya sa balikat ni vern.

 

hanggang sa lumabas ang totoo sa labi niya.

 

hanggang sa nalaman ni vern na:

 

“pakiramdam ko hindi kita deserve,” banggit ni ino habang nakahiga sila sa kama at nakatingin lang sila sa kisame ng kwarto niya, habang hawak nila ang kamay ng isa’t isa. “you deserve someone better than me, you know? kaya i’m trying to be that someone.”

 

“kaya ba lagi ka lang naka-oo sa’kin?”

 

“mm hmm.”

 

“‘yung normal na bagay na magpapagalit sa’yo, pinapalagpas mo lang?”

 

“mm hmm.”

 

“kaya hindi ka rin nagseselos? hindi ka rin nagagalit? nagtatampo?”

 

“mm hmm.”

 

“it was very lonely, ino.”

 

kumirot ang dibdib ni ino. ang gusto niya lang ay sumaya si vern kaya pilit niyang tinatago ang lahat ng emosyon na pwedeng maging problema nila.

 

kaya kapag hindi sila nagkaintindihan, siya ang unang lalapit. kapag gusto niyang magalit, kakainin niya lang ‘yung mga salita. kapag magdadate sila, magarbo. kung anong gusto ni vern, masusunod. kung saan komportable si vern, doon sila. kung hindi magwowork for vern, hindi na ipipilit ni ino.

 

as long as okay kay vern, okay lang kay ino. kahit hindi naman talaga. kasi gusto niya lang naman sumaya si vern eh. kaso.

 

“parang ako lang ‘yung nasa relasyon natin. you felt so distant, na parang… wala ka sakin.”

 

kaso hindi niya alam, sa sobrang pagpipilit niya sa sarili niya, nakakalimutan niya kung anong pagkakaibigan meron sila.

 

“i’m sorry.”

 

“i know. i forgive you. hindi naman ako galit. hinahanap lang kita.”

 

“i’m sorry.”

 

“i know. you don’t need to be.”

 

when ino turns his head to face vern, what welcomes him is vern looking at him with the most tender eyes and smile.

 

“mahal kita, ino,” bulong ni vern habang yakap si ino. “i love you.”

 

“i love you,” pagbalik ni ino.

 

“no.” pinanood ni ino na umupo ang boyfriend niya. “hindi mo gets,” sambit ni vern sa tonong nagpapalambing. natawa na lang si ino sa sinabi ni vern. “‘wag mo ko tawanan,” dagdag ni vern habang nagtatampo-tampohan. mas lalong natawa si ino sa kung gaano ka-cute ang boyfriend niya.

 

ganito ba kapag nasabi mo na ‘yung mabigat na dinadala mo? ‘yung bagay na feeling mong malaking obstacle is a small pebble on the road all along?

 

ganito ba kapag pakiramdam mong pwede kang magmahal nang hindi tinatago kung sino ka? na may magmamahal sa kanya nang tunay?

 

habang hawak pa rin ang kamay ni vern, sumunod nang upo si ino.

 

“i love you. ikaw ang mahal ko. you don’t need to be perfect, okay? mahal kita.”

 

“i know. mahal din kita.”

 

“nandito ka na ba? sa relasyon natin? sa’kin?”

 

“siguro may mga time na… magiging ganito ulit ako. na magdodoubt na naman ako—”

 

“inoooooo,” vern whines. pinipigilan ni ino na paulanan nang halik si vern.

 

“wait lang. patapusin mo muna kasi ako.”

 

nagbehave naman si vern. haha. cute.

 

“if ever na magdodoubt man ako, tatandaan ko lang na mahal mo ko.”

 

“good. tama yan.” sabay kagat ni vern sa balikat ni ino.

 

“pucha! ang sakit!” reklamo ni ino habang hinahaplos kung saan siya kinagat ni vern.

 

“ayan. buti nga sayo.” parang batang pang-iinis ni vern sabay kagat sa braso ni ino.

 

“putangina! vern! masakit!”

 

natatawa na lang si vern.

 

habang nakahiga sila sa kama niya, habang mahapdi ang parte ng balikat at braso niya kung saan siya kinagat ng boyfriend niya, habang tumatawa si vern katabi siya, isa lang ang nasa isip ni ino: he’ll be the boyfriend that vern deserves.

 

not in the way that he did. na may 11 years na nakataya. na may kailangang ibalik na pagbabalik kay vern. na may kailangan patunayan.

 

but in the way na he’ll be ino.

 

he’ll love vern as ino.

 

as simple as that.

 

“i missed you.”

 

“i’m here.”

 

yeah.

 

they’ll be okay.

 

Notes:

ang sabi ni donjihoon 11 years walang malisya pero di niya naman sinabing walang feelings na binabaon at hindi narerealize HASDJASD cHAROT

DONJIHOON PARA SAYO TOH SALAMAT MALAKI SA JELJAI ASAWAVERSE MO

MARAMING SALAMAT FOR READING!!!