Actions

Work Header

Ex With Benefits

Chapter 2

Summary:

partida mag-ex na yan panay pa rin ang away. Paano nalang pag nag-comeback na? Sabi ni Emi, okay lang naman maging possessive lalo na paghinahalikan ka sa umaga.

Notes:

sorry for grammar imperfections and typographical errors :P

Chapter Text

Bonnie’s

A week has passed since that night. No one dared to talk about it. We acted like nothing happened.

Tuloy sa routine, papasok sa school, mag-aaral, gagawa ng plates, at mga gawaing bahay. 

Siya rin naman ay ganon, pero may intern siya. 

Tabi pa rin kami matulog kasi iisa lang naman ang kama namin. Madalas akong magising na nakayakap siya sakin, hindi ko naman siya tinataboy, hinahayaan ko nalang. Dahil kahit ipagtulak tulakan ko siya, hindi ko naman maitatanggit na pagdating ng gabi, nasa iisang kama pa rin kami natutulog.

Hapon na ngayon at nakatambay kami sa sala dahil gumagawa ako ng assignments habang siya naman ay kumakain ng meryenda.

“Baka raw may bisita tayo bukas, thesis partner ko at blockmates,” banggit ko sa kanya dahil nag ce-cellphone siya. “Nag-offer nalang ako na rito satin para ‘di hassle, ayaw ko rin mamasahe at bumyahe.”

“Hmm? Sino-sino kayo?” Emi said lazily.

“Noah, Janhae, tapos si Jingjing.”

“Whole day ba kayo rito? Aalis nalang ako para hindi ko kayo maabala.” she nodded.

“Saturday lang pahinga mo ah, bakit ka pa aalis? Okay lang naman, dyan lang naman kami sa lamesa,” I said. “Isa pa, bakit ka naman makakaabala makiki lamesa kaba?”

“Wala lang,” she said.

“Bahala ka.”

Kinabukasan, maaga akong bumangon. 

Si Emi naman ay tulog pa rin dahil nagpuyat siya kakatawa sa walang kwentang reels na pinapanood niya.

Sinimulan ko na maglinis sa unit dahil nakakahiya naman kung papapuntahin ko silang hindi organized ang mga gamit ko. Baka isipin nilang burara akong ka-roomie.

In my defense, hindi ako burara sa materials ko, sadyang ginamit ko lang talaga sila kagabi at dahil sa sobrang pagod nakatulugan ko na.

Madalas akong nag g-general cleaning kasi kuhang kuha talaga ang pika ko pag makalat ang kapaligiran ko. Parang hindi ako makagalaw nang maayos pag marami akong nakikitang basura dahil nangangati yung utak kong ayusin yon.

Bonnie: Magdala nalang kayo ng kakainin niyo rito, wala kaming supply

Janhae: Bon, si Jingjing nagyayaya mag-inom baliw eh ‘no?

Jingjing: Dali na, chillnom lang habang gumagawa kayo ni ‘partner’ mo HAHSHAHAAHAHA feeling ko talaga crush ka non

Janhae: Halata siya, freshman palang talaga naamoy ko na yon eh, mukha nga lang weirdo

Bonnie: Hindi kami talo tangina HAHHAHAHAHAHA

Bonnie: Andito roommate ko, bugnutin yon kaya bawal mag-inom

Jingjing: Ako bahala

Hindi alam college friends ko ang namamagitan samin ni Emi.

Ang alam lang nila “roomates” lang talaga kami. Yung nakakaalam lang ng relationship namin or “past” namin ay yung close friends ko lang. 

Ayaw kasi namin masyadong i-broadcast kung anong meron kami. Buti nalang. Ngayong break na kasi kami, baka maraming magtanong anong dahilan.

Honestly, ayaw kong mag-explain pa. Atsaka paano ko naman ie-explain sa kanilang magka-live in pa rin kami? Hindi siguro maco-comprehend ng normal na tao yon nang hindi nilalagyan ng malisya.

 

Dagdag mo pa na hindi pa ako out sa college friends ko. Maliban sa day zeroes ko a.k.a. yung close friends ko talaga— mga kasama ko sa pag-angat.

Yung mga college friends ko, hindi naman nila alam na may tinatago akong kamandag ng kabaklaan. Marami kaming napag-usapan na bagay-bagay pero hindi namin napag-uusapan ang genders identity ng isa’t isa. Wala namang kaso sa’kin na i-open up sa kanila na bisexual ako.

Sa ganda ko ba naman dalawang identidad ang nahuhulog sakin. Yun lang, best friend ko ang nagwagi.

Hindi naman siguro sila tanga, pero walang mag tropang natutulog sa iisang kama simula 2nd year college hanggang 4th year. Sabihin mo pa na studio type tong unit namin at nag-iisa lang ang kwarto.

Isa pa, bakit mo pipiliin tumira kasama ang tropa mo kung mas convenient mag bedspace lalo na pag-usapang finances ‘di ba? Common sense nalang sana ‘yon. Ignorant is a bliss, ika nga nila.

Bonnie: Chat ka pag otw

Noah: Noted, do you want anything so I can buy it for you before I go there? Pasabuy haha.

Bonnie: ‘Wag na kung ‘di naman libre

Noah: What is it? It’s my treat, instead of using it for my fare dahil sa unit niyo lang naman. I’ll buy you anything with it nalang:)

Bonnie: Coke na lang siguro, may dala rin naman sila Janhae

Noah: Sure thing, see you.

Ala una pa ang usapan namin. Ayoko rin nang masyadong maaga baka ako yung magahol sa oras. At least if it’s after lunch, I still have time to prepare.

12:25PM na nang matapos ako maligo at mag-ayos ng sarili. Nagluto na rin ako ng tanghalian. 

Tulog pa rin si Emi. Mahirap pa naman siyang gisingin dahil tulog mantika siya. At talagang hindi siya babangon hanggat ayaw niya! 

Naaawa na nga lang ako minsan pag pagod siyang umuwi galing intern tapos magpapagising ng madaling araw kasi magsusulat daw siya ng report. 

One time, hindi ko siya ginising kasi antok na antok na raw siya at andami niya pang-rant tungkol sa intern, leader nila, office kung saan siya naka-deploy, at commute. Malamang! naawa ako, kumbaga ito yung sinasabi nilang silent angel. Ang ending ng pagpapaka-anghel ko, pinag-awayan namin kasi deadline na pala nung report niya na yon. 

Nag malasakit na nga lang napasama pa. Kaya gets ko yung mga nang-aapak nalang ng tao. Charot!

Sinigang lang ang niluto ko, bukod sa madali, ito lang yung pinakang alam kong lutuin. Tsaka favorite ko to, wala siyang magagawa kung ito lang available.

Masarap ako magluto, verified din ‘to ni Emi, kaya siguro hindi siya makaalis sa unit na ‘to kasi talaga namang nag uumapaw sa sarap at linamnam yung luto ko. Kapag nag move-out siya, hahanapin niya to kasi hindi mo ‘to matitikman sa karinderya. Tanging sa puder ko lang.

I walked straight to our bedroom para gisingin si Emi. Sleeping past 12 PM means ruining her sleeping schedule. Ayaw ko non, kailangan niyang gumising dahil baka mamaya hapon na siya bumangon at madaling araw nanaman makatulog. Kawawa dahil kinabukasan magiging alipin na naman siya ng pag-aaral. Baka mahilo-hilo siya sa init at byahe. 

“Mi, gising na, mag 12:30 na. I have my friends coming over ‘di ba? Luto na rin yung tanghalian,” I nudged her, “Halika na.”

“5 mins,” she said groggily.

“Alam ko na yan eh, hindi ka babangon eh.”

“Come here first,” she said while her eyes were still closed as she stretched one of her arms, probably trying to find me.

I reached for her arms para sana alugin siya, pero ang ending, hinatak niya lang ako!

“Ang bango mo.” she said while she’s caging me in her arms.

“Ikaw hindi, bumangon kana.”

“5 mins nga, payakap muna.” 

“Ang arte mo,” I hit her playfully. 

Hindi rin naman ako makagalaw, she’s basically caging me. Ang braso nakayakap sa upper body ko, while her legs are locking my lower body. 

We’re face-to-face, maliit lang ang pagitan ng mga mukha namin. Her eyes are still closed pero nakatitig lang ako sa kanya—ang ganda pa rin talaga niya.

Ramdam ko ang banayad niyang paghinga kaya hindi ko mapigilan na mapatulala sa mukha niya. Alam kong kabisado ko na yung mukha niya, pero iba pa rin talaga pag malapitan na. Ang sarap niyang halikan— in a respectful way!

Umayos ka nga, Bonnie. Kung makatitig akala mo tatlong taon mawawala.

Charot, what if? Eme! Hindi ko kaya.

“Okay na, five minutes na,” I said.

“Bilis naman,” her eyes opened instantly.

Nagulat ako nang magtama ang mata namin. Hindi ko naman in-expect na tititig siya nang ganyan. And honestly, kuha niya pa rin ang kiliti ko. Hindi ko pa na p-process ang nangyayari nang halikan niya ako. 

 “Good morning,” she smiled teasingly.

 Diba? Good morning kiss lang tumitiklop na ako sa kanya.

 “Afternoon na,”

“Edi eto,”  She then stole a kiss from me again, “Good afternoon.”

 

I kissed her too, smack lang sa lips. Hindi pwedeng siya lang ang nakakarami sa akin. Hindi nga ako nagnanakaw ng halik dahil nire-respect ko ang boundaries niya, pero pag siya ang nag i-initiate hindi na’ko tumatanggi. 

Lahat ng nangyayari samin siya ang may pakana. Hindi naman ako pinalaking talunan ng nanay ko, competitive rin kaya ako. Hindi pwedeng siya lang umaangat.

 Atsaka smack lang yon, okay?! Malayo sa bituka. Nasa lips lang!

Binabalik niya rin naman sa akin ang binibigay ko, but all of a sudden, each exchange became longer. Kumakalas ako kasi alam kong mag ma-make out lang kami. 

Noong kami pa, hindi pwedeng smack smack lang ang nangyayari sa amin. Kung hindi kami titigil, ang nangyayari ay make out session. 

May agenda ako ngayong araw at ayokong gumawa ng kababalaghan sa kahit anong sulok ng unit dahil parang nagkakasala ako sa diyos na maykapal.

Ayokong isipin na habang papunta ang mga kaibigan ko sa unit namin mayroong nangyaring higupan sa kwarto.

Another kiss from me and she started cupping my cheeks as she deepened the kiss. 

Her hands moved underneath my clothes. She’s caressing my back so softly that I’m starting to lose control of myself. I can feel her fingertips slowly caressing my waist while she's hugging me closely, and sucking the hell out of me. I can feel the heat inside my cheeks. Weakness ko ‘yan, okay? Ayokong hinahaplos niya ako sa bewang kasi alam niyang mahina ako r’yan.

Tangina, she’s always winning this game.

“Okay, tama na,” I said as I was panting from the kiss.

Bumangon na rin naman siya at nagkusot ng mata na parang walang nangyari. 

“Anong gusto niyong meryenda mamaya? Bibilhan ko kayo.” she said while smiling widely.

“’Wag na, nagpadala na rin ako sa kanila ng makakain.” I said while she’s hugging me. “Tsaka wala na pala tayong stocks.”

“Really? Mag groceries ba tayo bukas?” tugon niya na parang nagmamakaawa. “I’ll check if I can get out early tomorrow.”

“Hindi ko pa alam, wala pang pinapadalang cash si mama. I’ll ask first or uuwi nalang ako para kumuha ron.”

“Okay, I’ll come home with you or I’ll pay for the groceries this month nalang.” she said. 

I walked out of the room and started preparing our lunch. Habang siya naman ay nag toothbrush at naghilamos ng mukha.

“Wow! Ang bango nyan ah, ayan pala yung naamoy ko kanina sayo—amoy sinigang.” she laughed. “Mabango ka kasi amoy sinigang ka. Achim kilig!”

“Naks may explanation ng joke. Nakakatawa ba yon?” I scoffed. “Kung amoy sinigang, bakit ginawang bulalo?” 

Sobra naman sa pa higop, akala mo naman talaga lalabas yung bonemarrow sakin. Lagyan mong patis para bulalo. Bwelo!

The doorbell rang, I looked at the clock and it’s almost 1PM already. Hindi pa kami nakakakain. I looked at my phone to check if they texted. And they’re already flooding my messages kasi ayaw daw sila papasukin sa lobby. 

Agad ko rin naman silang pinagbuksan ng pinto.

“Queen! Ang tagal ng bukas ah. Sabi ko pa naman magpapaka-early bird ako para hindi nakakahiya sayo.” bungad agad ni Jing. “Ikaw naman tong hindi nag re-reply.”

Tanungin mo ’tong kasama ko bakit.

“Ayaw pa kami papasukin ni kuya sa baba, hindi ata siya tiwala na mag-aaral tayo. Kumalembang kasi yung bote eh.” sabi naman ni Janhae. “Ang mahal ng upa mo pero may liquor ban dito o cork fee?”

“Si Noah?” I asked kasi silang dalawa lang pumasok.

“Andyan,” sabi ni Janhae, lumingon siya sa likod niya pero wala ito. “Hoy! Lumabas kana r’yan ang arte mo. Nahihiya raw umakyat. Sabi ko kung nahihiya siya, ibagsak niya nalang din thesis niyo.”

“Kumain naba kayo? May niluto ako.” I said when I noticed that they were standing awkwardly in front of our unit. “Teka nga, pumasok nga muna kayo.”

Agad naman silang pumasok, nagtanggal ng sapatos at naghihiya-hiyaan pa. Lumingon ako kay Emi pero parang wala naman siyang pakialam.

“Queen, nag abala ka pang magluto.” Jingjing. “Ay, hello po! Ito pala si roomie.” dagdag pa nito nang mapansin ang babaeng nakaupo sa harap ng lamesa.

“Hello po,” sunod naman ng dalawa. At agad namang tinanguan ni Emi.

“Mi, si Jingjing, Janhae, tapos Noah.” pagpapakilala ko sa kanila. “Si Emi.” turo ko naman sa babaeng nasa lamesa.

“Sungit,” bulong sakin ni Janhae.

“Umupo na kayo, bakit kayo nakatayo dyan?” she chuckled. “Hindi naman ako nangangagat.”

Luh. Joke time ba siya? 

Ako ang living proof at credible source na nangangagat siya. Kung hindi ko lang siya pinigilan malamang sa malamang nasugat na labi ko. (Bonnie, 2025.) walang et al., gago! Magkakamatayan siguro kami.

“Charot,” bulong pa ni Janhae. “Kalog naman pala.”

Umupo na sila sa lamesa habang si Noah ay naiwang nakatayo, “Umupo kana,” I smiled at him. Masyado siyang tensed, eh hindi naman namin siya aawayin. Dumiretso na rin ako sa lagayan ng plato para kumuha ng kakainan nila. 

Agad namang sumunod sakin si Noah, “Tulungan na kita,” 

As soon as we placed the utensils and food on the table, nakita kong nakatitig si Emi kay Noah. I just glanced at her and bumaba rin ang tingin niya sakin. Kaya I just shrugged it off.

“Bonnie, dumating na stat treatment niyo?” Janhae asked while we’re eating.

“Oo, interpretation at conclusion nalang kami tsaka konting proof read.”

“Queen, bakit ang sipag niyo? Kami wala pang usad ang tamad kasi nito ni Jan.” sagot naman ni Jing.

“Si Noah na nag coordinate ng tasks eh, I followed his instruction lang.“

“Tamad ng duo ko.” Pang-asar ni Jingjing kay Janhae.  “Ay oo nga pala, Emi, mag a-alfocoke raw mamaya sila Janhae. Ang weird nila no? Sabi mag t-thesis tapos biglang ganon?” Sabi ni Jingjing. “Sundin naman natin yung core values ng paaralan—integrity.”

“Tanga, walang connect yan.” Janhae backfired at her.

“Gusto mo maki-shot?” Jingjing said.

“Kung iinom si Bonnie, sure, okay lang.” Emi said. “May coke naba kayo? Bababa nalang ako mamaya.”

“Ah wait!” Noah stood up and reached for her backpack. “Bon, yung pinabili mo, my treat.”

“Naks. Libre talaga to ah? Pag hindi papalabasin na kita ngayon.” Sagot ko naman.

“Meron naman kaming dala ni Janhae,” dagdag ni Jingjing. “Kayong dalawa ‘di niyo kami sinasali sa usapa.” She teased.

“You guys literally planned this ahead of time?” Emi laughed. “May gusto ba kayong pulutan para bilhin ko nalang mamaya?”

“Complete na, maemsirs.” sagot naman ni Jingjing.

After eating, everyone volunteered na sila na lang maghuhugas ng plato. Sabi ko naman ako nalang kasi bawal paghugasin sa isang bahay ang isang tao kung hindi naman siya natutulog dito. 

I just said na simulan na nila Jan ang thesis nila para hindi sila magahol sa oras.

“Noah, magsimula ka na rin doon, kami na maglilinis ni Emi.” I said, kasi he kept on persisting na siya na raw ang maghuhugas kasi nakakahiya.

“It’s fine, really, Bon. Please, nakakahiya sa inyo, kayo na nagluto eh.” he answered as he grabbed my hands gently para alisin ang kamay ko sa hugasin.

“Bahala ka, pag na-evil eye mo yang kusina namin hu-huntingin kita.”

Pag nawala ang cooking skills ko dahil naghugas ni Noah dahil sa letcheng pag vo-volunteer niya hu-huntingin ko talaga siya. Kakaladkarin ko siya pabalik sa kusina para paghugasin ulit para mabawi yung evil eye na binigay niya sa kusina ko.

Pumasok na rin si Emi sa kwarto para raw hindi siya makaabala sa amin.

Nagsimula na rin naman na kaming magtrabaho sa mga gagawin namin. Konting tawanan, tapos sulat ulit, magbasa ng articles. Magbubukas ng pagkain, sulat, magbabasa. Paulit ulit lang hanggang mag alas sais ng gabi.

Halos hindi ko na nga maramdaman na gumagana yung utak ko. Parang lumulutang na lang siya sa mga impormasyon na nababasa ko.

I saw my phone lit up dahil sa notification— it was Emi, she’s asking if she can go out daw kung nasaan kami kasi nabo-bored siya sa sulok ng kwarto namin.

Emi Thasorn: Bonbon, lalabas ako ah. Nakakatakot dito sa kwarto parang nauumay nako sa sulok niya. Kabisado ko na nga ata layout nito eh. Tanungin mo ako nasaan paper clips mo.

Bonnie Pattraphus: Bonbon pa nga, papansin yan?

Bonnie Pattraphus: Lumabas ka nalang, sino ba kasi nagsabing ikulong mo sarili mo jan?

Emi Thasorn: Ganyan kana ah, tinago ko nintendo switch mo.

Emi Thasorn: Good luck maghanap.

Bonnie Pattraphus: Matapos ko lang to babasagin ko mukha mo.

“Finally!” sigaw ni Jingjing. “Finally, finally!” 

“Saan na roomie mo, girl? Hindi na lumabas, aswang ba siya?” dagdag ni Janhae.

“Nahihiya daw. Palabas na, pinalabas ko.”

“Si Noah napakatahimik, mapapanis laway mo nyan, mabaho yan.” pang-asar naman ni Jingjing na ikinatawa naman naming lahat.

“Ayan na pala yung isang queen,” Jingjing greeted Emi. “Halika at maupo sa impyerno.”

Lumapit sakin si Emi at umupo sa kaliwa ko habang si Noah naman ay nasa kanan. 

Kanina ko pa napapansin na ang sama ng hangin niya kay Emi, hindi ko naman masabi sa kanya na hindi kampon ng kadiliman si Noah. 

They started cleaning the floor, set up na raw kasi pigang piga na yung utak nila. Kumbaga wala nang creative juices na mapipiga pag hindi pa uminom.

Hindi ako masyadong umiinom ng alak, lalo na pag alfonso o empi. Ayoko talaga ng lasa niya… lasang kalawang? Ewan ko napaka pait, hindi nagtatagal sa lalamunan ko naduduwal agad ako.

“Charan! Sana mapasaya mo kami.” sabi ni Jingjing habang niyayakap ang bote ng alak.

“Hindi ako iinom masyado ah, kalahating baso lang okay na ako.” basag ko agad sa kasiyahan niya. 

“Wala namang pasok bukas!” sigaw ni Janhae. “Isang baso nalang ba o kanya kanya? LC [Laway-conscious] kaba roomie?”

“Anything’s fine.” sagot naman ni Emi.

Ang ending, hiniwalayan nila ako ng baso at sa kanila ang umiikot. Medyo mabilis nga ang ikot ni Jingjing, sabi niya chillnom parang hindi naman. 

Halos isang guhit lang iniinom ko sa akin kasi kalahating baso binigay nila. Sa bawat inom ko parang tinatawag ako ng lababo para idura lahat yon.

“Boring pag walang amats.” sabi ni Jingjing.

Tuloy pa rin ang pag ikot ng alak sa kanila. Binubulungan ko rin si Emi na dahan dahan lang sa pag inom kasi ayaw kong mag alaga dahil pagod ako. Tumatango naman siya kaya alam kong susundin niya ako.

Magkakalahati na at medyo bumabagal na ang pag ikot ng baso nila. Kaya nagsisimula na silang dumaldal. 

Nakalahati ko rin naman yung sakin, at kahit konti lang ang nainom ko kumpara sa kanila medyo nakakaramdam na rin ako ng hilo dahil mababa lang ang alcohol tolerance ko.

Hindi lasinggera ang baby girl na katulad ko.

“Noah, bakit ang tahimik mo?” tanong ni Janhae sakanya.

“I’m actually loud when I’m comfortable with the person.”

“Ay so uncomfortable ka samin ngayon?” tawa ni Janhae. “Ang tagal na nating blockmates pero hindi ka namin nakaka-interact, ‘di ba Bonnie?”

“Nag-uusap sila ni Bonnie, satin lang hindi. Takot kaba samin or bina-backstab mo kami?” pag hotseat naman ni Jingjing.

“Hindi, I’m just intimidated by you two. This is noted, I thought you’re uncomfortable with me approaching you.” he answered.

“Ikaw roomie? Ilang taon kana ulit?” sabi naman ni Janhae. Alam kong may tama na sila kasi dumadaldal na sila. “May boyfriend? Single? Sinong gusto mo irereto kita.”

“24” tipid na sagot niya. “Wala akong bf, wala rin akong gusto.”

Ano pala ako? Hangin? Wala talaga, sure na? 100%?

“Ha! Ate ka pala namin, sorry po! Akala ko kasi magkaka edad lang tayo. Ate ba itatawag namin sayo? 22 palang ako eh.” Sabi sakanya ni Jingjing.

“Kahit hindi na, ‘di naman ako ina-ate ni Bonnie.” She smirked at me.

Gusto mo ibunyag kong nag e-enjoy kang matawag na baby?

“Buti nagtitiis ka kasama ‘tong tropa namin, wag ka mag-alala mabait siyang tropa. Pinapakopya nga ako niyan pag quiz, ina-attendance rin ako sa attendance representative ‘pag wala pa ako sa room.” derederetsong sabi ni Janhae, “Kaya may pa-flowers last time si ano eh, sobrang ideal.” she smiled at me knowingly.

“Pinagsasabi mo? Friendly gift lang daw yon from Lester kasi tinulungan ko siya sa written task.” I defended myself.

“Ang galante naman at bouquet pa!” Jingjing. “Friends to lovers!”

They continued to tease me about it. Si Emi naman tumayo para pumasok ng kwarto, nagpaalam naman siya na saglit lang.

Pagbalik niya, may bitbit na siyang gray sweater. Nagtataka ako kasi ang init init, dalawang electricfan na umiikot na nga lang ang hangin namin nagdala pa siya niyan. 

Giniginaw ba siya o sinisinat? 

Laking gulat ko nalang nang inabot niya sakin yon. 

Lumapit siya sa tenga ko para bumulong, “Suotin mo nga. Ba’t kasi nag sleeveless ka pa?”

“Hello? Mainit sa Pilipinas.” bulong ko rin sa kanya.

“Yeah, I know. Pero ipatong mo lang yan.” 

Wala rin namang nakapansin sa palitan namin ng usapan dahil tuloy pa rin sa asaran si Jingjing at Janhae, habang si Noah naman ay nagbukas na ngayon ng laptop. 

“Oh nasan na yung kinekwento mo nung nakaraan? Ba’t ang bilis nawala? Isang linggong pag ibig.” Janhae asked.

“Sino? Si Piploy? Wala nga, ex mu nga lang. Hindi pa nga matawag na mu kasi hindi naman kami nagka aminan.” Jingjing laughed. 

Piploy? Ka-call ni Emi yon ah? Kaya pala familiar, nabanggit pala ni Jingjing samin.

I looked at Emi to see if she’s listening sa nangyayari, pero wala naman akong nakuhang reaction sa kanya. 

Baka coincidence lang.

“Ganyan talaga pag sa club nagka-developan, isang linggo lang.” I teased her. “Mas matagal pa yung wifi access ko sa Dito sim eh.”

“Hoy kayong dalawa, ano walang ambag?”  dinuro duro ni Janhae si Emi at Noah. “Mapapanis laway niyo nyan, mabaho yan.”

“Maglaro na lang kasi puro ka kasi tanong eh,” sagot naman ni Jingjing sa kanya. “Na o-op sila oh, tayong tatlo lang nagkakaintindihan. Truth or drink oh. Queen kasali ka ah, promise konti lang tagay sayo.”

Hindi na ako pumalag dahil kokonti nalang naman na yung alak at sure ako mabilis lang matapos kasi anong oras na rin.

Nung simula mga walang kwenta pa ang mga tanong, kung nakaihi kaba sa pants mo nung elementary, nagcheat ka naba sa exam, share your weird memories mga ganon. 

May mga part na hindi ako nasagot kasi ayaw ko. Tinatanong nila kung may first kiss na ba raw ako, sinagot ko naman na oo. Pero biglang tinanong kung sino.

Andito sa tabi ko naka pink! For legal purposes, hindi naka pink si Emi. Naka black siya ngayon. 

Pero ngayon nag s-shift na yung mga tanong, nagiging love interest na, exes, mu’s, ilang momol, body count, at iba pa. 

Onti nalang din ang alak at patapos na kami, ramdam na ramdam ko na ang hilo at alam kong sila rin kasi ang lalakas na ng boses nila.

“Okay, Noah, ikaw na. In this room, in this room lang ha. Do you find anyone attractive? If meron, sino? Truth or drink.”

Nakatingin kaming lahat sa kanya dahil nag aantay ng sagot pero agad lang niyang kinuha ang baso. Habang iniinom niya ang alak, bahagya kong napansin na tinititigan niya ako.

“Guilty siya!” Janhae said giddly. “Ikaw roomie? Ilan ang nakamomol mo sa bar.”

Wow, fast talk, gisain niyo nga nang mapalayas ko na rito pag meron.

I looked at her waiting for answer pero kinuha lang din niya ang baso at uminom.

Huh?! Gago! Saying ‘none’ could’ve been easier. 

Nagsimula akong mainis sa kanya. So back then while I was overthinking kung anong problema ng relasyon namin she’s making out with somebody else?

Ang lakas ng mukhang umuwi pa sakin. Well, kung before break up ito magseselos talaga ako. Pero kung after, I don’t fucking care. 

Pero malaman ko ngayon? Nakakainit ng dugo.

“Ikaw Queen, sa blockmates natin, kiss marry kill: Matt, Tristan, Noah” 

“Kiss: Noah, Marry… Pwede bang si Isaiah? Kill, Tristan. Ew walang malisya ‘to ha.” I answered, hindi ko na rin kasi kayang uminom.

“Walang malisya pala. Noah, 5 seconds nga walang malisya.” Janhae teased us.

 Ayon lang. Ayaw

They’ve been shipping simula ng maging ka-partner ko siya sa thesis. Paano laging nakabuntot sa akin pag nag co-computer kami sa library. Sinasabi ko naman palagi na hindi kami talo.

“Tangina niyo, at this point you’re just setting us up.” sagot ko. 

“Alat, basted ka kaagad, pre.” sabi ni Jingjing kay Noah sabay tapik sa balikat. “Dibale, there’s more fishes in the sea, hindi nga lang itong dalagang tilapia ko.”

“Baliw ka talaga,” I responded.

“Pero queen may chance ba?” sabi ni Jahae. “Yiee, ano?”

“Ewan ko sayo, mag c-cr lang ako,” I said, nararamdaman ko na kasing umiikot yung mundo ko at konting konti nalang susuka na ako.

“Hey, I’ll go with you,” inunahan naman ni Noah.

“Ako na,” agad namang tumayo si Emi.

“Rommie, halika marami akong tanong sayo kasi diba best friends kayo?” 

“She’s safe with me, don’t worry.” Sagot ni Noah kay Emi.

Ang tagal kong naka tungkod sa bowl. Hindi ko namalayan ilang minuto na akong andoon hanggang sa maramdaman kong hinahawi nalang ni Noah ang buhok ko.

“Why did you drink so much if you can’t handle it?” he said.

We’re inside the bathroom at inalalayan niya ako patayo at nilagay ang isang kamay ko sa bewang niya para mabalanse ko ang sarili ko. 

I felt him slightly moving the strands of my hair to my ears and her other hand on my waist.

“You look beautiful with your drunk blus—,” he added.

Without knocking, Emi opened the door “Uuwi na raw kayo, ako na bahala sa kanya.” 

“It’s okay, I can take her to the bed. Saan kwarto niya?”

“Ako na.” sagot niya nang madiin. “Umuwi na kayo, baka wala na kayong masakyan.”

I don’t know what happened after that. Ang alam ko pagkahigang pagkahiga sa akin, nakatulog na ako. 

Naalimpungatan ako nang makaramdam ng basang bimpo sa mukha ko. It was Emi, she’s wiping me with a warm towel. 

Hindi ko alam pero parang umiikot lalo ang mundo ko kapag nakahiga. Gusto kong bumangon kasi parang nanunuyo ang pisngi ko at nauuhaw ako.

“Matulog ka muna ulit, alas dos palang.” 

“Nauuhaw ako.” 

She’s got it all prepared. Merong tubig at baso sa bedside table namin. Umupo na rin ako para uminom at tanggalin muna ang hilo sa ulo ko.

“He likes you, huh?” she blurted out.

“Hmm?” I answered lazily.

“Si Noah, gusto ka niya.”

Nakaramdam akong binabasa niya lahat ng tingin sa akin ni Noah, napansin ko ‘yon nang dalahan niya ako ng sweater.

“And you’re saying this because?” I said, still maintaining my steady tone.

“Wala, grabe makatitig eh. Konti na nga lang kakasa rin siya sa 5 seconds walang malisya.”

“Oh please, we’re just friends.” 

“Gusto mo rin?”

“Alam mo naman na nagbibiro lang sila ‘di ba? At alam mong hindi ko gagawin yan.”

She stopped damping the towel on my neck. “Did you guys kissed sa CR?”

“Oh my gosh! Hindi!” I defended myself. “Bakit mo naisip yan?”

As far as I can remember, walang nangyari sa amin dahil ang naalala ko lang ay naka tungkod lang ang mukha ko sa bowl. Pangalawa, nung tumayo ako andoon si Noah at agad kong nakita si Emi.

“Because he's holding your waist and your nape.” She said impatiently, parang ini-imprinta sa kokote ko ang nangyari.

“Ha? Inaalalayan niya lang ako. Wala akong maalala na naghalikan kami.”

“Hindi ka sure?” seryosong tanong niya.

“What do you mean?” I defended myself, “Sinasabi ko nga sayo na inalalayan niya lang ako patayo ng bowl.”

“Really? Nasa bewang pa talaga yung kamay eh, ganon ba umalalay sa babaeng kaklase?”

“Oh my god,” I said frustratedly, hindi niya to pakakawalan hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niyang sagot. “Walang nangyaring halikan, Emi.”

“Convince yourself. Sinungaling.” tumayo siya at niligpit ang pinaglalagyan ng towel. 

“Ayan ka nanaman eh,” I said. “Lagi ka na lang ganyan.”

“Akin na naman to? Tangina, ako na naman mali rito?” She mocked me. “Okay, sorry kung may pake ako sayo.”

“You’re being irrational. Sinabi ko na ‘di ba? Walang nangyari samin. Bakit tingin mo pa nagsisinungaling ako?”

“Kasi tangina sinungaling ka eh. Nakita ko na ide-deny mo pa. You acting like your some kind of—”

“I’m starting to dislike your tone.” banta ko sa kanya.

Hindi na maganda ang tono ng pananalita niya at ayokong magbitaw siya ng salitang pagsisisihan niya kinabukasan. Idagdag mo pa na nakainom din siya.

“I doubt na walang nangyari sa inyo. He’s obviously your type and maybe he even took advantage of you...” 

“Walang nangyari samin. And Emi, it’s rude to accuse someone nang ganyan. You know that—”

“Bullshit!” She scowled. “‘Wag mo nga ako gawing tanga.”

“How can you be sure about that?” I asked. “Nandoon ka ba sa CR?”

“Well done, Bon. You’re doing it again.”

“Ano na naman?” I said frustrately, she’s starting to get on my nerves. Ang dami na niyang binabatong hindi magandang salita.

“Playing with my head,” She scoffed. “You’re not just manipulative, you're also a player.” 

“Ano?”

“Hahalikan mo ako sa umaga tapos pag gabi ano sa iba naman?” She complained. “Who’s Lester by the way?”

“Oh my gosh!” I said exasperatedly. She’s a hopeless case. “Legal management, nanliligaw daw. Masaya kana?”

“So you’re hooking up with guys now.” She laughed sarcastically, “Husay!”

Tanginang yan, ang hirap kausapin.

I don’t know where she’s coming from. Naiinis ako sa mga sinasabi niya, ang baba ng tingin niya sakin at minumura mura pa ako. 

Hindi naman ako kampon ng satanas para hindi tablan sa mga sinasabi niya, masakit kaya.

Yung mga gantong away yung ang hirap naming ayusin eh, walang gustong magpatalo. 

Siya hindi siya magpapatalo hangga’t hindi naririnig yung gusto niyang sagot. Lagi nalang siyang na o-overcome ng emotions niya to the point na hindi niya na co-control yung mga salita niya. 

I hate it, it consumes me so much, and it drains me.

“Ano ba pinanghuhugutan mo? Bawal ba ipagpabukas nalang?” I asked. “Nahihilo na kasi talaga ako.”

“Just curious.”

“You’re unbelievable.” I sighed, “Oh eto curious, ilan naka-momol mo sa bar.” I scoffed. “Oh ano, kaya ko rin no?” 

“Stop making this about me.”

Inayos ko ang pagkakaupo ko para ihanda ang sarili sa kung ano mang mangyayari ngayong gabi.

“Ah… kapag ikaw, pwede akong ganyan ganyanin, pero ’pag ako na, bawal? So ilan nga?”

“Wala. You’re delusional.”

“Really? You’re lying.” I scowled at her. “Was it before or after the break up? O baka, during the break up, yung mga pagtambay niyo sa bar bago ako makipaghiwalay.”

“Wala nga, Bonnie.”

A tear suddenly escaped my eyes. “You’re saying these things to me, tapos kapag ako na magtatanong puro wala, wala, wala.

Hindi siya sumasagot kaya tinuloy ko ang hinanakit ko sa kanya. It’s up to her kung anong gagawin niya sa impormasyon na yan, bahala siya.

“Ganyan talaga kababa tingin mo sakin ‘no? Or maybe you’re still holding me hostage kasi iniwan kita?”

She didn’t answer. 

I started bawling my eyes out kasi grabe siya magsalita eh. Alam niya naman sigurong mahal ko siya eh at kaya kami naghiwalay dahil sa paganyan ganyan niya.

“Tangina naman kasi eh,” my voice cracked. “Pwede ba ‘pag nagseselos ka kausapin mo nalang ako nang maayos, hindi yung kung ano ano pang binabato mong salita sakin. Masakit kaya.” 

Still, no response.

“Tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi mo? Are you still thinking na hindi ako nakakaramdam ng sakit kasi ako yung nakipaghiwalay?”

 …

“You don’t know how much courage it took me para hiwalayan ka kahit ayaw ko noon. Now you’re just reminding me why we broke up.”

 Wala siyang sinabi, wala siyang ginawa. 

Umalis lang siya sa paningin ko bitbit ang maliit na planggana na pinaglalagyan ng towel. Hindi ko na rin siya hinintay makabalik at nagtalukbong nalang ng kumot.

I woke up that morning feeling like my head was about to combust. Mabigat, masakit, at parang tumitibok. I felt Emi’s hand around my waist pero tinanggal ko rin yon. Hindi niya ako madadaan sa ganyan. 

Napag-isipan ko rin na maaga umalis para tumambay sa mall, ayoko kasing makulong muna rito sa unit. Hindi rin ako uuwi rito mamayang gabi dahil sa nangyari. 

Ang awkward and it’s a silent torture kung mag s-stay ako. We need to be away from each other for the meantime.

Hinanda ko na rin ang backpack ko na may dalang pamalit, baka kasi hanggang bukas pa ako umuwi.

 

Bonnie: Hello wala akong class today, kaninong available na unit for tonight hanggang tomorrow morning☹️

Love: Me bebe, 2pm pasok ko tapos 4pm uwi. You can go here instead.

Bonnie: Andyan ba si Milk?

View: Anong nangyari? Nag away na naman kayo?

Bonnie: Bawal na ba humiling ng tropa time ngayon?

Love: 9pm pa uwi non, nasa work pa. Pwede ka naman sa guest room.

View: @Mim overnight daw!!

 

Boneng #Maruphok🔒| @bonitaflakes

Sakit mo magsalita ha.

Dahil wala naman akong pasok, pumunta nalang akong SM MOA. Mag iikot ikot lang o maghahanap nalang din ng crush. 

Wala akong ibang ginawa kundi kumain, mag tingin ng damit, tumambay, maglakad. Kung tutuusin makaka 10k steps na ata ako, se-sexy ako nyan lalo.

Taga Taguig sila Love, sa BGC, bigtime kasi working si Milk, girlfriend niya, sa malaking kumpanya. Hindi naman nila nire-reveal kung ano. 

Sa totoo lang curious nga ako sa trabaho niya kasi spoiled si Love sa kanya. Nag- aaral pa si Love pero future-secured na siya, kung pwede nga lang nag pa-charity case nalang ako sa kanila.

Hindi ko alam kung anong mode of transportation gagamitin ko. Bakit kasi andaming nangyayari sa BGC pero ang hirap hirap hagilapin ng public transportation? 

Napagdesisyunan ko nalang mag MRT papuntang Ayala station at doon magbook ng Angkas o Move it papunta mismo sa condo nila.

Emi Thasorn: Saan ka pumunta?

Emi Thasorn: Wala ka namang class today ah, I reviewed your sched.

Oh talaga? Review mo rin sana yung mga pinagsasabi mo sakin. Malay mo pumasa ka sa boards, mag topnotcher ka pa.

Emi Thasorn: It says on your location na nandito ka sa building, nag g-gym kaba sa rooftop? I’ll go there.

 

Boneng #Maruphok🔒| @bonitaflakes

Baka kasi iniwan ko yung ipad ko jan sa kwarto.

 

Emi Thasorn: Hey, pumunta akong rooftop, you’re not there. Sarado pala sila today XD

Mga 6pm na rin ako nakarating kila Love. Nakakahiya nga, ang laki kasi ng unit nila. Pwede talaga akong magpa-charity case sa kanila. Kahit pa siguro dalawang linggo ako mabubuhay ako rito. 

Nakapunta naman na ako rito pero kasama sila View at Mim, mas nakakahiya lang pag mag-isa lang papasok.

“Love, pwede mo ba sabihin kay Milk na ’wag sabihin kay Emi na andito ako?” sabi ko.

“Sure, may nangyari ba sa inyo?” 

“Wala, small misunderstanding lang.” sagot ko naman.

“If it’s a small misunderstanding, then why are you here?” she interrogated.

“Bawal ba ma-miss yung mga tropa ko? Grabe pagod na pagod na nga ako sa thesis parang tinataboy pa ako.” pagtatampo ko.

 Hindi naman na siya nagtanong pa tungkol doon, kumain din kami at nag catch up konti. Sinabi ein ni View at Mim susunod sila pero 9:30pm na hindi pa sila dumarating. Minsan may pagka-scammer din talaga sila. 

 

Emi Thasorn: Where are you? I’m starting to get worried.

I ignored her message for 15 minutes before typing my response. 

Bonnie Pattraphus: Pakialam mo?

Emi Thasorn: I’m just worried, saan ka ba? I’ll pick you up. Anong oras na.

Bonnie Pattraphus: I won’t go home until tomorrow. 

Emi Thasorn: Why? Are you still mad?

Bonnie Pattraphus: Asking the obvious.

Bonnie Pattraphus: And please stop texting me, I’m with my friends. 

Emi Thasorn: Saang terminal ka bukas? Sunduin kita.

Bonnie Pattraphus: Matanda na’ko. 

Emi Thasorn: Have you eaten your dinner na? Should I send you guys some food?

Emi Thasorn: Send me your order or order ka nalang, alam mo naman card ko diba?

Emi Thasorn: Maybe some coffee for later?

Emi Thasorn: Hello?

Emi Thasorn: Keep safe and enjoy, I’ll wait for you tomorrow.

 

Walang masyadong nangyari kasi sinabi ko kay Love na magpapahinga rin ako nang hindi naman dumating si View at Mim. 

Hindi ko na rin naabutan si Milk na dumating kasi pagdating 11pm ng gabi nakatulog na ako. Hindi na rin ako kumain ng dinner, naghugas nalang ako ng katawan at nag toothbrush.

Mga 9:30 ng umaga na ako nagising, paglabas ko ng room bumungad sakin ang girlfriend ni Love—si Milk. Nagkakape siya habang may laptop sa harapan at may hawak na papeles. Naramdaman niya rin siguro na nandito kaya binaba niya ang papel.

“Good morning, you’re here,” sabi niya. 

“Hehe, oo, sorry.” I answered nervously. 

Malamang! Basically, bestfriend yan ng ex ko, nakakahiya siya kaharap harapan no?!

“Hindi ko sinabi kay Emi, by the way,” she added. “Breakfast ka muna, nauna na si love dahil may hinahabol pa siyang requirements eh.”

“Ah okay lang,” I chuckled. “Mauuna na rin ako eh.”

“I insist, binilin ka rin sakin. Pakainin ka raw kasi hindi kayo nag dinner.” Tumayo siya at kumuha ng plato at kutsara sa countertop nila. “Pagkatapos mo ihahatid na lang din kita sainyo, sa school kaba o…?”

“Okay lang, kahit sa Ayala station nalang ako.”

“Mhm, okay.”

Grabe naman, kaya naman pala ang healthy ng relationship nila. Sobrang gentlewoman pala ng girlfriend niya. No wonder wala kaming maasar sa kanya pag usapang lovelife na—siya ang big winner. 

Eh ako? Beg winner. Nag b-beg na tratuhin nang tama.

I opened my phone to check for updates pero ang nakita ko lang ay messages ni Emi.

 5:53am

Emi Thasorn: Good morning it’s almost 6am, wala ka pa?

Emi Thasorn: I’ll cook your favorite ulam for lunch, uwi ka na.

7:04am

Emi Thasorn: I’ll go out for a bit, may aasikasuhin lang akong documents. Message me when you arrive. Baka may ipapabili kang pagkain.

Emi Thasorn: Dadaan ako sa groceries, may ipapasabay ka? My treat. Do you have something in mind?

Emi Thasorn: I looked at our stocks wala ka ng oreo, do you want it pa or sawa ka na?

Emi Thasorn: How about coke?

8:46am

Emi Thasorn: Jgh. Wala pa rin?

Emi Thasorn: Umalis ka ba ulit while I’m out?

Emi Thasorn: I miss you na. I bought you some coke, oreo, and cookies and cream na ice cream, nasa ref:)

Just now:

Emi Thasorn: I miss you, baby. Uwi na ikaw please :(

Emi Thasorn: It’s so silent here. I miss you yapping. 

Emi Thasorn: Uwi na bebe :(

Hinayaan ko nalang ang message niya at tumayo na para hugasan ang plato ko.

“Hey, just leave it there. Ako na.” sabi niya nang marinig akong magbukas ng gripo. “Maligo kana, kung maliligo ka, para aalis nalang tayo.”

“Sorry, thank you…”

“No worries.”

Walang masyadong nagsasalita samin sa loob ng sasakyan. To be honest mas pipiliin ko pang tanungin niya ako konti kumpara sa gantong tahimik kami. 

“Kamusta kayo?” basag niya sa katahimikan.

Thank you, Lord! Ang lakas ko talaga pagdating sayo.

“Okay lang, ganon pa rin, cute.”

Milk chuckled. “Okay. Did you guys fight again?”

“Hindi it’s just a small misunderstanding.”

“That big? She didn’t message me for drinks naman.” she answered.

“Luh, small nga lang.” bulong ko na ako lang makakarinig. “Okay naman na kami ngayon.”

“That’s good to hear. You know, Bonnie, it’s kind of hard to deal with her sometimes, right?” she said as looked at me. “But she’s trying, okay? I’m not saying this to invalidate your feelings or what. Because whatever you’re feeling is valid.”

“I know…”

“Whatever she said or done, I’m apologizing on her behalf.” 

“Yeah, I know. Thank you.” 

Ni-drop off niya lang ako sa sakayan ng tren. Nagpasalamat din ako sa kanya.

Mag aalas dos na nang makarating ako sa unit. Nagugutom na rin ako kasi kaninang umaga pa ang huling kain ko. Dumiretso muna ako sa kwarto para ilapag ang mga gamit ko. 

As soon as I entered our room, I saw her watching on her phone. Nagulat din ata siyang dumating na ako kasi bumangon siya ka agad. 

“Hey, you’re home.” sabi niya at agad akong nilapitan.

Hindi ko siya pinansin at tuluyan lang nilagay ang madudumi kong gamit sa lalagyan ng laundry namin. 

Narinig kong tumayo siya ng kama at nagsimulang maglakad sa akin. Nagmadali naman akong kunin yung mga essentials na ginamit ko para ibalik sa CR maiwasan lang siya. 

“Baby…” she grabbed my pulse. “Sorry.” she said using her soft voice.

Hindi ako lumilingon sa kanya dahil sa oras lumingon ako, baka magbagsakan ang luha ko. Dahan dahan siyang pumwesto sa harapan ko. Habang ang tingin ko ay nanatiling nasa sahig lang.

Hindi niya tinanggal ang kamay sa palapulsuhan ko habang ang isa naman ay ginamit niya para itingala ang mukha ko sa kanya.

“Sorry.” she said while looking at my eyes. “Sorry sa mga sinabi ko nung nakaraang gabi. I’m sorry, baby.” she said in a softer voice.

I know that I shouldn’t give in yet. Hanggat hindi niya nililinaw anong pinang galingan niya. I’m allowed to be this mad, ’di ba?

She accused me of hooking up with some random dudes. Cursed me. Yelled at me. 

Hindi ako kailanman pinagtaasan ng boses ng pamilya ko. Hindi ako nakarinig sa kanila ng matatalim na salita. 

Kaya ang pagtaasan ng boses galing sa taong may pakialam ako ay sobrang sakit.

Madalas naman nang nangyari noon pero iba pa rin talaga sa pakiramdam pag nasigawan ka ulit. I feel so little, parang wala na akong magagawa para pakalmahin siya. And it scares me so much.

“Hey, why are you crying?” She gently pulled me to her chest.“Baby… I’m here.”

Tuluyan nang nagbagsakan ang luha ko, hindi ko rin naman na pinigilan. Her words still lingers, naalala ko pa rin ang pagtaas ng boses niya, kung paano niya binitawan ang mga salita na parang sigurado siyang kaya kong gawin yon.

She kept on apologizing until I calmed down.

“Sorry sa mga sinabi ko sayo last last night. I don’t mean it.”

Of course you don’t mean it. Lagi naman. Ang tanga ko kasi palagi kong pinapaniwalaan.

“Say something pls.” she pleaded.

“Ayoko na nang ganito,” I surrendered, “It’s tiring.”

“What do you mean, baby?”

“Ganyan, mag aaway tayo, hindi magpapansinan, magsisigawan, and saying things that we don’t mean. You know I hate it ’di ba?”

“Yeah…” tumango siya. “I’m very sorry.”

“Saan ka nagso-sorry?”

“Sa mga sinabi ko.”

“What exactly?”

“I called you manipulative. I accused you of being a cheater. Cursed you and disrespected you.”

Every word felt like a dagger stabbed in my heart over and over again.

I hate this feeling. Alam kong matagal nang nagbago yung pagtingin ko sa kanya noon palang. Pero ngayong pinapaalala sakin bakit nagbago parang mas lalong sumasakit. 

I guess you could never really heal from something that keeps reminding you why you should avoid it.

“It’s okay,” I said, still trying to hold my tears back. 

“You’re not mad?” 

“Hindi, okay lang.”

“Baby, hindi naman okay yon eh.”

There, I cried again. I’m just too soft for this conversation. I’m so vulnerable that I’m starting to hate myself for it.

“Tangina kasi, why did you have to say that?” I said as I was throwing soft punches on her shoulder.

“I wasn’t thinking. Nainis ako sa kaklase mo, why did he have to hold you like that?” she said, slightly annoyed by the thought of it. “Akala ko may nangyari sa inyo.”

“I can never do that to you.”

“I know, baby. I know.” She grabbed my hand. “I’m sorry, it will never happen again, okay? Babawi ako sa’yo.”

After that talk she took care of me. Hindi ako mamsyadong gumalaw sa kama kasi siya mismo nag asikaso nang lahat. 

She cooked, washed the dishes, and offered to buy an ice cream pang peace offering daw.

I declined though, sabi ko hindi naman na kailangan. I just need her na ayusin ang pananalita at kilos niya. 

Over naman sa edukasyong pagpapakatao, Bonnie.

 

Notes:

first time ko gumawa ng fic dito kaya don't judge me and my grammar. over naman sa grammar police, bwelo