Actions

Work Header

The view of your love

Chapter 4: Pang-apat at wakas

Summary:

Still me, your warren's

tama nga ang sabi-sabi na 'madaling sabihin, mahirap gawin' dahil nasabi ko yun kay Inigo pero ako mismo na nagsabi hindi ko kayang gawin yun kay Inigo

(⁠/⁠^⁠-⁠^⁠(⁠^⁠ ⁠^⁠*⁠)⁠/

Notes:

Chapter 5 final of finally(1)(2)(3)(⁠╯⁠︵⁠╰⁠,⁠)

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Nandito ako ngayon sa university kung saan kami nag-aaral para magpa-picture for graduation photo hahaha 

 

akalain mo yun ga-graduate si ako na muntikan na mag-quit or mag-shift ng program dahil sa sobrang pagod, at napagalitan pa ng doctor na ina-assist no'n second year 

 

after itong photoshoot sinabihan kami ng mga prof namin na mag-enjoy na muna kami ngayon araw dahil mababaliw daw kami sa pagre-review for board exam

 

foundation day kasi ngayon—huling foundation na din namin bago grumaduate—kaya halos lahat ng students are cancelled ang classes or early dismissal

 

Nagulat ako ng biglang may nag-flash ng ilaw at tunog ng camera sa harapan ko kaya napapikit ako 

 

gagi, oo nga pala hindi ko pa natatanggal yun make up—slight lang naman like, powder at kaunting liptint lang—na nilagay ni haven sa'kin kanina no'n nag-photoshoot

 

hindi ko rin kasi napatanggal sa nag-ayos sa'kin dahil medyo siksikan na kung saan kami pinicturan kaya until now ito ಥ⁠‿⁠ಥ

 

No'ng dumilat ako ay nakita ko agad ang nang-aasar na ngiti ni Inigo, pasalamat ka talaga crush kita at ayokong sirain yan mukha mo ng suntok, inigo(•⁠‿⁠•)

 

"tangina Inigo i-delete mo yan!" sambit ko at lumapit sakanya para mabatukan siya, pero lumayo siya at tinago ang camera niya sa lalagyan nito

 

"bakit? Eh maganda naman" sambit nito at kumindat pa ito sa'kin kaya napailing nalang ako kasi ang pogi eh, anong magagawa ko?

 

"basta wag mo i-post yan sa page niyo ha, susugurin talaga kita sa bahay niyo" seryosong sambit ko kaya ngumiti lang ito sa'kin 

 

"promise....." sambit nito pero hindi ko narinig ang huling sinabi nito kaya napatingin ako ng suspicious dito 

 

"don't worry hindi ko talaga ipo-post sa page namin ito, promise" sambit nito at pinulupot ang braso niya sa braso ko 

 

"oo nga pala, kumain ka na ba?" sambit nito habang naglalakad kami pero nanatili pa rin naka-pulupot ang braso nito sakin, ako nahihirapan sakanya eh

 

hindi naman nalalayo ang height namin pero dahil naggi-gym ito at may kalakihan ang katawan ay parang ang liit ko pa rin tingnan kapag kasama ko ito

 

like two inches lang naman ang tangkad nito sa'kin pero siguro kayang-kaya ako nito ibalibag nalang basta-basta (p/s: in a bad way yun naiisip niya ⊙_⊙) 

 

"di pa" sagot ko sa tanong nito pero nagulat ako dito ng biglang nagtatalon ito na parang uod na nawisikan ng asin 

 

"tara! Tara doon may alam akong masarap bukod sa'kin" nakangiting sambit nito at hahatakin pa ako papunta kung saan kaya pinalo ko ang braso nito na kinatawa naman niya

 

pero masarap siya? Luh? Siguro kahit gutom na gutom pa ako, hindi ako gagawa ng cannibalism para kainin siya (p/s: unang rinig ko sa 'ang sarap mo' ito ang naisip ko eh hehehe ʘ⁠‿⁠ʘ)

 

"parang uod naman Inigo, ano ka bata?" sambit ko kaya ngumiti naman ito sa'kin at inayos na ulit ang kapit sa braso ko na akala mo mawawala ako

 

"di'ba tagal mo na nagca-crave ng chicken curry no'n nakaraan hehehe narinig ko kayo ni heaven" malaking ngiti na sambit nito kaya napakunot noo naman akong napatingin dito

 

"kelan? Eh hindi naman tayo nagkikita dito sa school dahil may duty ako" tanong ko kasi mga ilan buwan na rin kami hindi nagkikita nito sa university. Oo, pumupunta kami ni havi dito para magpasa ng something sa mga prof namin pero never ko naman nakasalubong ito 

 

"last last week ata nakalimutan ko na kung kelan yun eh, pero nakita ko kayo no'n sa hallway para magpasa siguro ng something, hindi na ako nagpakita hehehe halatang pagod kayo that time eh" nakangiting paliwanag niya pero hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko dito

 

"may kailangan ka sakin no'n?" nakangisi na tanong ko kaya siya naman ang kumunot noo na tumingin sa'kin may nguso pa siya, akala mo isda

 

"bawal ko ba maalala ang mga bagay-bagay na gusto ng mahal ko" nakanguso na sambit nito na parang nagtatampo pero napatigil rin

 

ano daw?

'mahal ko'???

bilang kaibigan siguro

 

"I mean mahal kong kaibigan" sambit nito at umiwas ng tingin, tsk alam ko naman kasi may gusto ka ng iba

 

oo nga pala kamusta kaya ang nagugustuhan nito? May progress na kaya?

 

sa tagal namin hindi nakakapag-usap dahil sa parehas kaming busy, siya kakatapos lang ng finals at ako naman pagkatapos ng hospital duty ay nag-review agad for mock board exam 

 

kaya halos ilan buwan kami na walang matinong pag-uusap kapag nagkikita—hindi na rin nakakapag-usap sa chat or text—minsan nga si Kylo pa ang nagsasabi sakin ng balita tungkol dito

 

katulad ng muntik na daw ito maaksidente no'n nag-bike sila ni kylo papunta sa Philippine Arena, tanong ko pa no'n kay kylo ay 'bakit pumunta sila ng Philippine Arena' pero sagot lang nito 'trip lang daw nila'

 

"Dito na tayo" sambit nito, hindi ko namalayan na nandito na kami dahil parehas kaming natahimik at ako naman nalunod sa iniisip 

 

"dalawa pong spicy pero yun isa po mild lang" sambit nito sa tindera at nagbayad, nakatingin lang ako dito habang ginagawa ang lahat ng yun

 

"magkano?" tanong ko pero umiling ito "magkano nga?" tanong ko ulit pero hindi ako nito sinagot kaya tatayo sana ako para itanong kay ate nagtitinda pero hinawakan ako nito sa kamay

 

"libre ko na dahil ang tagal rin no'ng last na nag-lunch tayo ng sabay" nakangiting sambit nito habang hawak ang kamay ko, tinanggal ko naman agad ang hawak nito at umayos ng upo

 

"buti naman" sambit ko pero nakatitig lang ito sakin habang nakangiti

 

puta pasalamat talaga ito na pogi siya kasi kung hindi ito gwapo ay baka make-creepyhan ako sa ngiti nito sa'kin 

 

"kamusta pala yun crush mo?" Tanong ko dito habang nakatingin sa binilhan niya ng curry, naghihintay ng sagot or kwento pero ang nakuha ko lang sakanya ay katahimikan kaya tumingin ako sakanya 

 

"hindi na kami masyado nagkakausap kasi busy kami lalo na siya" nakangiting sambit nito sa'kin kaya napatango-tango nalang ako dito, dahil kahit na nakangiti ito ay kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata nito

 

pero luh?

sa pagkakaalala ko nakita namin ni havi yun girl sa same room na ginagamit nila no'n napadaan kami sa may architecture building, kaya I assume na classmate sila

siguro nga baka assumero lang talaga ako, baka same program sila pero hindi sila classmate no'n girl na crush niya

 

"Napatanong ka na din naman tungkol sa crush hehehe tatanungin rin kita about sa crush mo" nakangising sambit nito kaya medyo kinabahan naman ako, dahil sinong hindi kakabahan kung tatanungin ka ng crush mo tungkol crush mo which siya, diba? (sana gets)

 

"anong tatanungin mo naman tungkol sa crush ko? Eh hindi mo naman kilala yun" medyo pagalit na sambit ko para hindi halata na kinakabahan ako

 

hindi niya talaga alam na siya yun crush ko, hays pero oks na rin yun atleast safe friendship namin

 

"based on your schedule hindi mo na siya masyadong nakikita, tama?" tanong nito kaya tumango naman ako, tama naman dahil minsan nalang kami magkita ni Inigo nitong mga nakalipas na buwan

 

"so nasa same program lang kami ng crush mo" proud na nakangising sambit nito kaya napatingin ako ng nanja-judge dito

 

"two spicy chicken curry!" Sambit ng tindera ng chicken curry kaya napatayo agad si Inigo para kunin ang order namin

 

Pagbalik niya ay inabot niya sa'kin yun maanghang at umupo na siya habang hawak ang mild na spicy chicken curry niya

 

Natahimik kami habang kumakain at nanatili yun hanggang naubos namin yun chicken curry kaya binasag ko na ang katahimikan

 

"balik nga tayo sa crush mo" sambit ko dahil wala naman akong masasagot sa sinabi niya sa tungkol sa crush ko bukod sa nanja-judge na mata ko, tahimik pa rin ito ng sabihin ko iyon

 

"kelan mo balak umamin sakanya? Kasi alam mo na, baka mapunta pa sa iba yun" tanong ko kaya sumama naman ang tingin nito sa'kin nakapangisi naman ako HAHAHA 

 

"ayokong masira friendship namin pero kung bigyan ako ni lord ng go-sign na mag-confess siguro gagawin ko" seryosong sambit nito kaya napatango-tango nalang ako, anong masasabi ko doon? Eh kahit naman ako ayokong sirain ang friendship namin dahil lang sa feelings na'to 

 

"pero paano kung gusto ka naman niya? pero natatakot siyang sabihin hahaha take the risk or lose the chance, Inigo" natatawang sambit ko, coming from me?! Hahaha self hindi ka nga maka-amin sakanya tapos kung maka-advice ka wagas (ಥ⁠‿⁠ಥ)

 

"pero—" pinutol ko ang dapat na sasabihin niya 

 

"ito lang yan Inigo, kung tunay yan feelings mo at mahal mo na mag-confess ka pero kung purong happy crush lang yan wag ka mag-confess, simple? Simple!" Sambit ko, dahil ayokong magaya siya sa'kin tsaka halata naman may feelings rin yun girl sakanya eh kaya why not, right?

 

"sige, pag-iisipan ko yan pero sa ngayon maglibot-libot muna tayo halata naman wala ka na din class" sambit nito kaya natawa ako, alam na alam talaga nito schedule at ginagawa namin dahil marami siyang tropa sa nursing

 

"alam na alam ha" natatawang sambit ko kaya ngumiti ito sa'kin sabay hawak sa kamay ko, hinayaan ko nalang dahil ako ang nahihirapan sakanya kapag naka-pulupot ang braso niya sa braso ko

 

Naglibot-libot nga kami, minsan naglalaro rin sa mga booth ng mga ibang department or booth ng students council at ang price candy, stickers and whatsoever na meron ang booth na pinag-laruan namin

 

"sabi ni Miles kakanta daw yun band nina Sylas at Jiro" sambit ni Inigo habang hawak pa rin ang kamay ko, napatingin naman ako dito kung magsalita kala mo kilala ko yung mga sinasabi niya

 

"wag mong sabihin papanoorin natin, sila?" tanong ko dito habang nakatingin pa rin sakanya, nakangiting tumango naman ito kaya tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya

 

"bakit ako kasama eh, hindi ko naman kilala yan mga sinasabi mo?" seryoso na tanong ko dito, like seryoso bakit ako pupunta sa performance ng hindi ko kilala na band at tao kung pwede kong gamitin yun oras na yun para makabawi ng tulog, di'ba?

 

"grabeh ka naman kilala mo kaya sila, si miles boyfriend ng research partner mo no'n third year" sambit nito kaya napataas ang kilay ko, pa'no niya nakilala si Jules?

 

"tapos si Jiro yun crush ng tropa ng nursing bff mo na si heaven na boyfriend niya ngayon" sambit nito, nakapa-isip naman ako kasi doon, luh? sinong tropa ni haven? si andy? si charm? or si shiloh?

 

"sino—" itatanong ko palang sana pero pinutol niya ang sasabihin ko

 

"balak pa naman mag-confess ni Sylas—yun enginner—kay langit hahaha gamit ang musika niya dahil ga-graduate na daw sila ng langit niya hays" mahabang sambit nito habang ngumunguso at tumatawa sa sarili niyang sinabi

 

luh? Sino yun? Wala naman akong kilalang engineering student na kaibigan ni havi? Ahh alam ko na <⁠(⁠ ̄⁠︶⁠ ̄⁠)⁠>

 

"sylas? Siya ba yun mahilig sa Chuckie?" tanong ko at nagulat naman ako sa biglaan pagtawa nito, putik naman pinagtitinginan kami dahil sa lakas ng tawa niya

 

"s-saan mo nakuha a-ang impormasyon na yan?" Hindi makahinga sa kakatawa na tanong nito sa'kin, tsk puro tawa kasi eh

 

"kay havi" simpleng sagot ko pero parang tanga itong si Inigo sa pagpipigil niya ng tawa

"parang tanga ka naman, ano bang nakakatawa sa pagkagusto sa Chuckie?" tanong ko dito pero umiling lang siya at inabot ang kamay ko pero iniwas ko 

 

putik kasi hindi niya ba naririnig yun bilis ng tibok ng puso ko kapag hawak niya kamay ko, kakainis ka mayor giant inigo!(⁠>⁠0⁠<⁠;⁠)

 

"tara na sa may stage baka mawalan pa tayo ng pwesto doon" sambit ko at nauna na maglakad papunta sa may stage dahil may nagso-soundcheck na doon (taray, concert yarn?) 

 

~~{TIMESKIP}~~

 

Naka-dalawang performance na at hinihintay pa namin ang performance ng kaibigan ni Inigo na sinasabi niyang kilala ko daw kahit hindi naman talaga

 

"sandali lang renren ha may kukunin lang ako kay miles" paalam niyo at biglaan tumakbo paalis, okay kahit nangangalay na ang paa ko kakatayo dito ang tagal naman mag-perform ng kaibigan ni Inigo

 

"wait, ito na ba sina Sylas?" bulong na tanong ko sa sarili kaya tumingin ako sa kung saan dumaan si Inigo para lingunin kung naglalakad na ba siya pabalik 

 

Nasaan na yun? Siya na nagpipilit manood ng performance ng mga kaibigan niya pero siya itong naglaho

 

(Listen to this while reading)

Napanaginipan kita~~

Hawak mo raw ang aking kamay~~

At ngiti ng mga labi mo~~

Ako raw ang dahilan~~

 

infairness ang ganda ng boses nila at nakaka-relax yun tugtogan nila

 

At biglang nagising sa katotohanang~

Wala ka saking tabi't wala 'kong masisi~~

Ba't pa kailangan pakita sa akin~

Kung mawawala ka rin sa paggising~~

 

bakit nakaka-relate ako hahaha bwisit, sa lahat kasi ng magugustuhan sa kaibigan pa ng pinsan na kinaibigan ko rin eh (⁠。⁠•́⁠︿⁠•̀⁠。⁠)

 

pero hindi ko naman pinagsisihan magustuhan si Inigo dahil kahit pa may pagkamanhid yun si Inigo ay matalino at mabait na tao yun, plus pa na may gwapo yun na mukha 

 

Hindi ko maiwasan na isipin ka~~

Tanong sa hangin kung ako ba'y naiisip mo~~

Litong-lito, litong-lito~~

Sa'yo, sa'yo, sa'yo, sa'yo~~

 

nakakalito talaga lalo't na ang nasa isip ko ngayon is kung ano yun sinabi ko kanina kay Inigo

 

'pero paano kung gusto ka naman niya? pero natatakot siyang sabihin hahaha take the risk or lose the chance, Inigo'

'ito lang yan Inigo, kung tunay yan feelings mo at mahal mo na mag-confess ka pero kung purong happy crush lang yan wag ka mag-confess, simple? Simple!'

 

tama nga ang sabi-sabi na 'madaling sabihin, mahirap gawin' dahil nasabi ko yun kay Inigo pero ako mismo na nagsabi hindi ko kayang gawin yun kay Inigo

 

Sino ba naman ako para isipin mo~~

Hindi mo ba hinihintay ang mga tawag ko~~

Sa'yo, sa'yo, sa'yo, sa'yo'y~~

Litong-lito, litong-lito~~

 

hindi dapat ako nalilito dahil no'ng una crush ko lang naman siya eh

 

no'n una.

 

pero iba na ngayon eh, mahal ko na siya higit pa sa kaibigan which is matagal ko na rin naman na-realize kaya nga ako dumikit kay haven para umiwas sakanya

 

natapos nalang ang kanta at nakalahati na nila ang pangalawang kanta na parang nagpapaliwanag ng sitwasyon ko ngayon kay Inigo pero nakatulala lang ako sa performance nila

 

("Simula Pa Nung Una" listen in 2:05 mins )

Pero alam ko rin naman~

Hanggang dito na lang~~

Lilimutin ang damdamin~

Sisigaw na lang sa hangin~~

Mahal kita~

Mahal kita~~~

 

kaibigan ako Inigo kaya dapat hindi ako nalilito pero kahit anong sabi ko sa utak ko n'yan, puso ko naman ang kumukwestiyon na...

 

'sapat na ba yun?'

'tanggap ko nga ba na kaibigan lang talaga?'

 

nakatingin nalang ako sa kumakanta habang ang isip ay nasa mga tanong na iyon

 

Nakatingin mula sa malayo~~

Tanggap ko nga ba 'to?~

Sapat na nga ba 'to~~

 

"warren!" napalingon ako sa gilid ko ng may tumawag sa'kin doon at nakita ko si Inigo nakatingin mismo sa mata ko at nakangiti habang may hawak sa likod niya

 

Pero ikaw na ang lumapit~

Nasa akin ang tingin~~

 

parang nag-slow ang lahat ng medyo patakbo itong lumapit sa'kin habang malawak pa rin ang ngiti nakatago pa rin ang hawak sa likod

 

Hinawakan ang aking kamay~

At sabay sabing....

(Continue listening while reading)

 

nang tuluyan itong makalapit ay hinawakan nito ang kamay ko gamit ang kaliwang kamay nito at nilabas na sakanya likod ang bouquet of roses na gawa sa crochet na hawak ng isang kamay niya

 

"gusto—ay hindi hehehe mahal kita, Warren" nakangiting sambit nito habang hawak pa rin ang kamay ko pero natulala lang ako na nakatingin dito dahil sa sinabi nito

 

"hindi ko alam kung bakit hindi mo halata kahit ginawa ko naman lahat ng sinabi ng pinsan mo" nakangiting sambit pa rin ito, kahit nakatulala akong nakatingin sa ngiti nito ay ramdam ko ang pag-higpit ng hawak nito sa kamay ko

 

Pero ikaw ang gusto ko~~ (ikaw ang gusto ko)

Isisigaw ko sa mundo~~~

Mahal kita~~(mahal kita)~~~

Mahal kita~~ (mahal kita)~~~

 

"mahal mo ako?" Parang tanga na tanong ko kaya mabilis na tumango ito, napangiti naman ako dito. Napatingin naman ako sa hawak nito at sa mukha nito na nakangiti pa rin sa'kin

 

"mahal rin kita, 4 years na" nakangiting sambit ko, may pagtataka pa sa mukha nito pero nagma-realize ang sinabi ko ay kumislap ang mata nito at lalong lumawak ang ngiti sabay yakap sakin

 

"Salamat, renrenie ko" sambit nito kaya niyakap ko din siya na'ng mahigpit, medyo naamoy ko pa ang matapang pero mabango na pabango nito.

 

mahal na mahal kita, 9 years na" sambit nito habang nakayakap na'ng mahigpit sa'kin

 

9 years? So nauna siya? hahaha siguro nga nauna siya, hindi ko lang nakita dahil iba ang tingin at intindi ko sa love language niya hahaha

 

pero who knows

 

Baka simula palang mahal na namin ang isa't isa hindi lang namin nakita dahil naka-focus siya sa pagparamdam ng love niya para sa'kin at ako naman naka-focus sa pag-iwas ko na mahulog lalo sakanya

 

bahala na hAHAHAH basta hanggang sa huli na'to.

 

Mahal kita~

Mahal kita~~~

Simula pa nung una.~

 

{Welcome to Inigo's (public) & Warren's (public & private) X/Twitter accounts}

 

End

(⁠*⁠^⁠3⁠^⁠)⁠/⁠~⁠♡⁠(⁠˘⁠⌣⁠˘⁠ ⁠)

 

 

Notes:

Hello guys! may reader pala ako hehehe love you na agad (⁠っ⁠˘⁠з⁠(⁠˘⁠⌣⁠˘⁠ ⁠) and sorry kung ngayon ko lang na tapos ito. Ang dami kasing nangyari sa buhay ko at na-busy rin sa SNICKERSwithMINGYU(yes guys, nakita ko si Mingyu ang inspiration ni Inigo huhuhu)

Lastly, alam niyo ba? Ang dialogue na "I love you, 4 years na" inspired siya sa tiktok edit video ng 'I'm drunk, I love you' ni Carson. That's all.

I hope you enjoy this story as much as I write this hehehe thank you for reading♡⁠(⁠Ӧ⁠v⁠Ӧ⁠。⁠)

Notes:

Hello to everyone who read this hehehe thank you for reading.😊