Chapter Text
Nagising si Hyeonjun sa ingay ng isang alarm clock. Fuck. Kanino bang alarm ‘to putangina. Isip niya. His head is already hurting at lalo pang pinapalala ng malakas na tunog ang pintig ng mga ugat sa utak niya.
Kringg… Kringg..
“Oh god, shut the fuck up!” Inikot ni Hyeonjun ang mga mata niya, and there it was, on his table, a normal looking alarm clock, ringing uncontrollably. Dali dali niyang pinindot ang patayan bago pa niya maunahang mamatay ito sa sakit ng ulo niya.
Bigla namang bumukas ang pinto, it was Jihoon. “Male-late ka na, bumangon ka na d’yan.” Maikli nitong sabi. Hyeonjun did not fail to notice his small smile before he could fully close the door.
What the fuck is happening?
Tiningnan niya ang oras sa alarm clock na nasa kamay niya. 6:30 am. Nabanggit ba niya na 7 am ang pasok niya? Wala na siyang oras para usisain kung kaninong alarm clock ba ang nasa lamesa niya at kung bakit umagang-umaga kinakausap siya ng roommate niyang dating walang pakialam sa kanya.
Although their shared apartment is just minutes away from their university, thirty minutes is not enough time to prepare. Maliligo pa siya, gagayak, magluluto, at kakain. He’s a morning person. Sanay din siyang nagluluto para sa sarili niya bago pumasok.
Dali dali siyang naligo. Kung dati ninaabot siya ng kalahating oras sa banyo, ni wala pa ata siyang sampung minuto ngayon. Kinuha niya ang bag niya para i-check ang mga dadalhin niya sa klase. Calculator. Check. Yellow pad. Check. Ballpen. Check. Ipad. Check. Physically, he’s ready to learn, but mentally, not really.
When he got out of the room, bumungad sa kanya si Jihoon na may inihahandang sandwich sa lamesa. This was a new sight for Hyeonjun. Hindi kasi nagluluto si Jihoon. Madalas niya lang nakikita ang takeout bags sa basurahan, that’s why he assumed that the guy can’t cook at all.
“Una na ko, thank you sa paggising ah.” Sabi niya habang insinusuot ang sapatos sa sala.
Bago pa siya makatayo, hinarang siya ni Jihoon sa may pinto.
“Oh, eat this habang naglalakad ka.” Sabi nito sabay abot ng sandwich sa kanya. Dahil male-late na siya, wala na siyang nagawa kung hindi tanggapin ito. Arguing with Jihoon is pointless anyway. He’ll have all the time to process everything that happened later, but for now, kailangan na niyang tumakbo dahil huli na siya sa klase.
–
Hindi alam ni Hyeonjun kung paano niya na-survive ang limang oras na klase without breaking down. Of all the days their professor decided to have a surprise quiz, talagang itinapat pa sa araw na may hangover siya. Thankfully, he studied in advance kaya kahit papaano ay may naisagot naman siya.
“Sure ka? ‘Di ka talaga sasama Ran?” Tanong ng blockmate niya habang abala ang lahat sa pag-aayos ng gamit.
“Sakit ng ulo ko. Pass muna.” Tugon niya.
Palabas na siya ng classroom nang marinig niya ang bulungan ng mga kaklase niya sa may pinto. It’s not the usual, ‘Anong sagot mo sa number three?’ but something else. It sounded as if there’s someone famous outside their classroom.
When he finally got out, hindi si Piolo Pascual ang bumungad sa kanya kundi isang Jeong Jihoon na may hawak na bulaklak. Nang makita siya ni Jihoon, kumaway ito saka lumapit sa kanya.
“Kamusta class? Here, I got this for you.” Sabi nito. Narinig naman ito ng buong klase at nagsimula na nga ang kantiyawan. Samu’t saring Ayieeeee at Tamis! ang nangibabaw sa hallway.
Hyeonjun is stun locked. It’s like playing Lux against an Irelia na may sampung libong dash at stun na kahit sa tore ay mapapatay ka. Right now, gusto na lang ni Hyeonjung mag-recall pabalik sa base, type FF, and hit the surrender button.
“Kaya naman pala ayaw sumama, may sundo pala.” Wika pa ng isa niyang kaibigan. He just gave all of them an awkward smile bago hilahin si Jihoon palayo.
“What are you doing?!” Pabulong niyang sigaw kay Jihoon nang makahanap sila ng isang bakanteng silid.
“Ano?” Inosenteng tanong ng binata.
“So now you’re playing innocent? This!” He shoved the bouquet of flowers on to Jihoon’s chest. “Pati yung sandwich—” saglit siyang napahinto, tila binubuo sa isip ang lahat ng nangyari buong araw. “‘Wag mong sabihing pakana mo din yung alarm clock?”
“Ano? ‘Di mo na naaalala mga sinabi mo kagabi?”
Napahinto siya. What exactly happened last night? Ang naalala lang niya, niyaya niya si Jihoon sa 7/11 para magpalipas ng oras. He remembered buying ice cream and two bottles of Soju which were supposed to be for the two of them, but he also drank Jihoon’s and then—and then what?
Sinubukan niyang alalahanin ang mga nangyari. He knows he’s a yapper when he drinks. Fuck, Ran, ano bang sinabi mo kagabi? And then it came to him, something along the lines of being the main characters. Seraphine. Kung pagtatagpi-tagpiin ang mga naalala niya, niyaya niya si Jihoon maging main character. Saan?
“I was drunk! Naniwala ka naman?” Depensa niya sabay iwas ng tingin. Ramdam niya ang init na gumagapang sa batok niya dahil sa kahihiyan.
“Well, you sounded so convincing.” Bahagyang ngumisi si Jihoon habang nakasandal sa gilid ng mesa. “You were talking about all this boring lifestyle and all that, and I was like… Oo nga. I liked the idea.”
Napakurap siya at napailing. “And here I thought you’re not annoying.”
“I did well, ‘di ba?” He said, may halong pagmamayabang ang tono niya, na para bang isa siyang mastermind ng isang napakagandang plano. “Na-late ka. Yung alarm clock? Kadalasang umpisa ‘yan ng mga libro. Main characters never eat their breakfast at home kaya ayan ginawan kita ng sandwich.”
Saglit itong tumingin sa hawak niyang bulaklak bago muling ngumiti. “And these flowers, hindi ba ganon yung male lead?”
Hyeonjun is flabbergasted. Sino ‘tong Jihoon na nasa harapan niya? All this time akala niya isang stereotypical nonchalant guy ang roommate niya, turns out he’s annoying as fuck!
“And who told you to be the main lead?” Paghahamon niya.
“You said, Let’s be the main characters together. Edi kasama ako?” If Hyeonjun isn’t chronically online, he won’t even consider that Jihoon is making a reference to the pointing at himself meme guy dahil ganon na ganon ang itsura ni Jihoon ngayon.
Hindi na napigilan ni Hyeonjun mapakamot sa ulo niya. He began his routine whenever he’s taking a major examination. Inhale… Exhale.
“Yeah I get that.” Pagsisimula nya. “Ang sa’kin lang bakit romance agad ang nasa isip mo nung sinabi ko ‘yon? Malay mo gusto ko palang maging lead ng isang sci-fi book? O kaya naman maging isang serial killer sa isang box-office thriller movie? If I remember correctly, I even said I wanted to be Seraphine. Baka gusto ko palang maging idol?” Derederetso niyang sabi.
Tahimik lang siyang pinanood ni Jihoon, bahagyang nakataas ang kilay na tila naaaliw sa panic na unti-unting lumalamon sa kanya. “What you did last ni—” Bigla itong natigil sabay iwas ng tingin. “Nevermind. Fine. I never considered that.”
Lalong nanlaki ang mga mata niya nang marealize niya ang sitwasyon nila. “Now everyone’s thinking we’re dating!” Pabulong niya ulit na sigaw dahil may nakita siyang dumaan sa labas ng classroom.
Gusto na lang niya magpalamon sa lupa. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa mga blockmates niya bukas? He even ditched their karaoke party, para ano? Para sa ‘boyfriend’ niyang nag-iintay sa kanya. Now everyone is gonna think he’s a bad friend because he chose his boyfriend over his friends. Ok, maybe he’s overthinking things, pero kahit na.
Bahagyang kumunot ang noo ni Jihoon. “Which is a bad thing now?”
“Can we stop speaking in English? Nalilito na ko!”
“Ikaw nagsimula!”
“Nagpapanic na ko ok?”
“Tingnan mo!” Biglang inilabas ni Hyeonjun ang cellphone mula sa bulsa niya at itinapat sa kanya ang screen. “Tumatawag na si Minseok!”
“Agad agad?” Jihoon replied. It’s probably about something else, because there is no way Minseok knows about them already, wala pa nga silang sampung minuto bilang unofficial boyfriends. Napailing na lang si Jihoon habang pinapanood si Hyeonjun na halos mataranta sa isang tawag pa lang. He’s cute when he’s panicking.
“Bahala ka d’yan ikaw sumagot n’yan!” Inabot ni Hyeonjun ang cellphone kay Jihoon na agad naman tinanggap ng binata. It’s just Minseok pero parang galit na kuya Wangho nila ang nasa kabilang linya kung umasta si Hyeonjun.
“Hello? Wala umalis sarado. Bakit ba?” Jihoon paused for a moment, mukhang nakikinig sa mga sinasabi ni Minseok. “Ah. Sige sabihin ko.”
Pagkababa niya ng tawag, agad lumapit si Hyeonjun. “Ano? Alam na niya?” Halos pabulong ulit ang boses nito kahit wala namang ibang tao sa silid. “Kilala mo naman si Minseok! Maski chismis sa kabilang department alam no’n.”
“Chill. Iba tinawag niya.”
Napahinga ng maluwag si Hyeonjun. Listening to Minseok nag is one thing but listening to an excited Minseok? You’ll never hear the end of it.
“Oh. Ano daw?”
“Nireto ka daw niya. Kita daw kayo bukas. Sunduin ka daw niya sa condo ni Minseok. Lunch date. Be there or be square!” Sagot ni Jihoon. He tried to mimic Minseok’s voice through the end but he sounded just stupid.
Can the timing get any better? Kung ganito pala maging main character, ‘wag na lang. Kung pwede nga lang hindi lumabas si Hyeonjun sa loob ng isang linggo, matagal na niyang ginawa. His social battery is drained. At hindi pa nakatulong ang pagse-setup ni Minseok ng blind dates para sa kanya. It’s been like what? Three times already? At ano ang napapala ni Hyeonjun? Kung hindi disappointment, ghinoghost naman siya, so who’s really winning here?
On second thought, being Jihoon’s ‘fake’ boyfriend is actually better. Hindi na siya mamromroblema kay Minseok, mukhang G lang naman si Jihoon sakyan ang mga trip niya sa buhay, and on top of that—he gets a handsome boyfriend. Tiningnan niyang mabuti si Jihoon.
“Ba’t ganyan ka makatingin?” Kunot-noong tanong ni Jihoon.
Mabilis siyang umiwas ng tingin. “Wala.”
“You’re plotting something.”
“Excuse me? Ikaw ’tong kusang nag-volunteer maging male lead.”
“Hindi ako nag-volunteer,” Natatawang sagot ni Jihoon. “Ikaw ’tong lasing na nag-recruit.”
Hyeonjun will probably regret it later on. Pero ngayon, ang nasa isip lang niya ay ang kamang naghihintay sa kanya sa apartment nila. He’ll probably sleep until he can’t anymore.
“Edi panindigan mo na.” Walang pag-aalinlangan niyang sabi.
“So ngayon payag ka na ulit?” Pang-aasar naman ni Jihoon. Hyeonjun just facepalmed. Naalala niya yung mga panahong tahimik pa si Jihoon, pero ngayon, he acts like a completely different person, na parang may switch sa likod niya. But then again, when he thinks about it, Jihoon is literally friends with Pyosik and Siwoo.
“Call Minseok and tell him we’re dating. Make sure he never sets me up with someone again, pakiusap.” Diniinan niya ang pagbigkas sa huling salita.
“Your wish is my command.” Agad namang kinuha ni Jihoon ang cellphone niya mula sa bulsa niya.
“Cancel the date. May boyfriend na si Hyeonjun. Sino? Ah si Jeong Jihoon. Ano? Fuck you din! Cancel mo ‘yan, nagseselos ako!”
And with that, Hyeonjun knows he’s fucked.
