Chapter Text
Bilis ng panahon, parang isang buwan na nag dadate si Aji at Nami. Kahit busy si Aji sa program niya sinusundo niya pa rin si Nami after mag shoot sa mga brand deals nito. Pero minsan si Nami naman pumupunta kay Aji, diretso na nga agad condo si Nami, binigay ba naman sa kaniya lahat ng access eh. Mas marami na ngang Namiel Yoon sa logbook kesa kay Yshin Kwon na bumibisita sa boyfriend niyang si Ryker na nasa same condo building.
Talagang ine-enjoy nilang dalawa yung getting-to-know each other nila kahit parang label na lang talaga kulang sa kanila eh. Paano ba naman may getting to know each other ba na may daily make out sessions? Wala naman ah? O meron at sina Aji at Nami ‘yon?
Isang beses nag date ‘yung dalawa, dapat ipagluluto ni Nami si Aji sa condo eh kaso nag aya lumabas si Aji. Parang wrong move kasi na-badtrip lang si Aji.
Eh paano, nandon ba naman si Kiyo!
Hindi alam ni Aji kung anong meron eh pero parang evil step mother niya si Kiyo na gusto pigilan yung kasiyahan niya. O bumabawi si gago kasi pinagmumura niya sa twitter.
Gara ah, parang binigay lang kay Aji yung unang buwan tapos bahala na ulit, kaniya kaniya na pagkatapos. Mukhang hindi na-claim ni Aji ang buwan na ‘to.
Sa totoo lang wala ngang pake si Aji kung nandyan si Kiyo sa paligid, kaso ang gago napaka papansin. Talagang pupunta pa sa pwesto nila tapos kunwari mag tatanong:
“Uy, Andro, Nami, andito pala kayo? Mag kaibigan pa rin pala kayo ano?”
Mga ganyang tanong.
Gusto na lang i-kiss ng matunog ni Aji si Nami sa harapan ni Kiyo para mapakita na, “No, bro. You’re wrong!”
Makita pa lang ni Aji yan si Kiyo napipikon na talaga siya. Jusko, gawa ba sa kalyo yung mukha ni Kiyo para ang kapal ng mukha i-approach silang dalawa? Tapos pantanga pa yung tanong eh nakita naman ni Kiyo for sure yung pag hard launch niya kay Namiel sa IG, eh paano nirestory ni Nami. Eh diba nga may pag ka-influencer ang bebe niya tatalunin pa ata si Queen Pitik sa sobrang sikat sa tiktok kaya ayon may nag post sa tiktok tungkol don. Never nga naimagine ni Aji na mapopost siya ng fan account sa tiktok eh, kahit sa reddit umabot sila may nakalagay pa na title:
r/InfluencerChika
Thoughts on beauty influencer namiel yoon and his boyfriend (?)

Sa sobrang curious ni Aji sa mga ganyan na post syempre pinagbabasa niya pati comments. Nakahinga naman siya maluwag kasi mukha namang masaya mga superior na tao sa reddit na para ba kamong sila si Rea Azardon, “ako ito ang creator niyo.” kung maka puna sa kapwa eh.
peejay: ganda ng combination nila bat di sila mag anak
Oo nga, itanong nga yan ni Aji kay Nami, papayag kaya? Inupvote pa nga ni Aji yung comment eh kasi nag agree siya.
Apaka dami pang comments na puro, “ANG CUTE NILA SO MUCH”, “BAGAY NAMAN!” “sana sila na nga”
May isa pang nakita si aji na napagcatch ng atensyon niya
shoongjeonghan: i’ve been a follower of nami since his normal person days (nung not that active pa siya sa tiktok) and if ever na bf niya ‘tong si alejandro, nag upgrade siya ng taste sorry not sorry if binabasa man ‘to ng ex niya. kalat din kasi sa campus nila na nag cheat yung ex niya ps: sa library pa. and after non no updates na from nami’s dating life, kahit nakikita yan sa mga bars walang nakikitang kaharutan. so i guess after 1 year of being silent of his dating life ito na
Aba? Sino kaya ‘to?
Ayan sabi ni Aji sa utak niya. Kasi kumalat pala yung panloloko ni Kiyo kay Namiel nung second year sila? At ang galing ni user shoongjeonghan kasi talagang updated siya kay Nami? Tinaob pa siya sa info na alam niya yung nauunang ilagay ni Nami yung itlog bago yung noodles kapag nag luluto ‘to ng lucky me kaya ending nasunog yung itlog sa ilalim ng nilulutuan niya.
Merong reply na mahaba dun sa comment ni user shoongjeonghan. Kaso medyo hindi gusto ni Aji. Paano ganito ang sinabi:
voldemortz: Kung talagang follower ka niyan ni Nami edi alam mong mas madalas yang dalawa mag kasama? Tsaka hindi mo ba alam na pumoporma yang Alejandro Choi na ‘yan kay Namiel habang sila nung ex niya? May boyfriend pero sobra mag kunyabit sa kaibigan ng boyfriend niya? Patawa.
Tangina. Gets na gets ni Aji yung sinabi ni Nami na ayaw may nakiki-mosang sa kung anong meron sila. Kasi ganito ba talaga kapag may buhay ka sa social media? Parang lahat ng tao may karapatan sayo at grabe makialam sa kung anong meron sila ni Nami eh, kahit sa ibang tao may mga desisyon sila na kapag hindi mo nagawa ibabash ka?
May sahod ba ‘to? Parang magiging underemployed si Aji at lilisanin ang engineering at lumipat na lang papunta sa reddit at maging active commentor. At mag popost ng, “Ako lang ba or…” posts.
Di alam ni Aji kung pwede ba siyang mag comment o hindi sa reply na yon. Kasi hindi naman totoo? Kasama ba siya sa bahay nilang dalawa ni Aji at Nami para masabi na sobra maka kunyabit si Nami kay Aji? Gago ampota.
Kahit alam ni Aji ang totoo na hindi naman ganon si Nami nung mag friends pa lang sila naiinis siya. Kahit sabihin na siya laging nasa tabi ni Nami alam naman ni Aji na may nobyo yung isa, hindi ganong kaibigan si Aji, hindi siya si Yassi Pressman. Okay sige, honest naman si Aji. Oo inaabangan niya, ang gago rin kasi ni Kiyo eh, sabi nga nila kung ako yan hindi kita gaganyanin. Edi sorry! Sorry kung hindi siya ang paboritong anak.
Hindi naman talaga gumagawa si Aji ng dahilan para mag hiwalay yung dalawa eh, sa totoo nga lang kapag nagkukwento si Nami na nag away sila ni Kiyo ang sinasabi ni Aji:
alejandroochoi: Palamig muna kayong dalawa, Boss. Baka mas lalo kayo mag away pag pinilit niyo eh
Di naman uso kasi kay Aji yung comflirt. Kapag binigyan siya ng chance ng mundo ipakita kung sino talaga siya edi itetake niya pero hindi niya gawaing manulot. Tsaka imposibleng mag pasulot si Nami dahil alam ni Aji na hindi ganoong tao si Namiel Yoon. Matalino yon eh, ayaw non sa mga ganoong tao., alam niya ang right and wrong baka flat uno ang bebe niya sa ethics? Feeling nga ni Aji kapag tinanong mo si Namiel kung ano ang orange, color or fruit may maisasagot ‘yon
Yung tipong kapag nakakasabay niya si Nami pauwi kasi hindi na naman maihatid ni Kiyo ay ang isa sa pinapatugtog niya ay yung Kung Sana Lang by Yayoi, feeling niya kasi bagay rin kay Nami.
“Araw araw nasasayang pagmamahal mo sa kanya bakit di mo ba makitang parang ikaw na lang sinta ang lumalaban para magtagal pa kayong dalawa”
Hindi naman masabi ni Aji na tanga si Namiel, siya lang ang may karapatang matawag na tanga eh. Kaso hindi niya rin naman masabi na matalino si Nami kapag pag ibig na. Nasaksihan ni Aji kung paano maging nobyo si Nami eh. Sobrang observant ni Aji, nakikita niya kung paano maputol yung mga kwento ni Nami kapag nag message na si Kiyo. O kaya ilang linggo pa nakakalipas pero may regalo na ‘yan na nakahanda, talagang gastos ng malaki yan si Nami para maregaluhan si Kiyo. Minsan nga nakikita pa ni Aji na gumagastos pang date yan si Nami, pero sabi naman sa kaniya ni Nami:
“50/50 kasi kami. Ako naman nag sabi.”
Sus, 50/50 daw eh parang sa tuwing kwento ni Kiyo palagi raw si Nami ang nag babayad. Nasakit ang ulo niya kay Nami minsan eh. Pero ano bang magagawa niya? Edi suportado niya yung kaibigan at tropa niya. Relasyon nila ‘yan eh, bakit makikisawsaw? Hindi naman siya pinaglihi sa fish ball ni Mama Terry niya.
Back to the topic.
Di niya talaga matiis eh, napagawa siya ng account sa reddit para replyan yung tarantado, ni hindi niya na nga nasabi kay Nami na mag rereply siya ron eh, tangina papatol siya eh sa bakit hindi? Parang pinaparatangan si Nami eh, ano babasahin na lang ni Aji yon?
alejandrow: Hello, hindi ko alam kung bakit ako gumagawa ng account ngayon para pansinin ka eh wala naman kwenta mga pinagsasabi mo. Hindi ko rin alam kung saan mo napulot ‘yang impormasyon na yan at parang kilala pa ata kita, Tol. Dahil para kang dds fanatic para mag pakalat ng fake news, ito sasabihin ko sayo. Hindi kailan man ako gumawa ng move kay Namiel, ni isang beses habang may boyfriend niya. Tangina ang petty nitong pag gawa ng account and all pero, yung paratangan mo ng ganyan si Namiel? Nakakaawa ka kasi para kang hindi tinuruan ng Media in Literacy nung senior highschool ka. O nag senior high school ka ba talaga? Nakumpleto mo ba units mo? :)
Nausok pa ata ilong ni Aji habang nag tatype eh. Wala siyang pake kahit siya ang isunod na ipost sa reddit, kahit lahat pa sila.
Pero kasi may hint siya kung sino ‘yon eh. Nararamdaman niya, mala-Madame Auring tingling sensation nararamdaman niya, ganon kalakas intuition niya. Malaman niya lang talaga kung sino yung user voldemortz na ‘yon makokotongan niya, kahit mapatawag ang nanay niya wala siyang paki.
Parang naramdaman ata ni Namiel na nakikipagpuksaan si Aji sa reddit at biglang may nag oopen ng pinto ng condo ni Aji. Tapos si Nami pala ‘yon, may dala-dalang paper bag na may tatak ng Jollibee at alam agad ni Aji na favorite niya yung dala nito.
“Bakit nakakunot noo mo?”
Tanong ni Nami habang lumalapit kay Aji na naka upo sa sofa at hawak pa ang cellphone. Pag lapit ni Nami tapat agad sa harap ni Aji eh, hinaplos haplos pa yung noo para tanggalin yung kunot ng noo.
“Bakit, Aji ko? Bakit galit? Sino umaway at aawayin natin?”
Ang lambing ng boses ni Nami, parang bata kinakausap nito. Halatang sinusuyo si Aji kahit hindi pa alam kung anong problema eh, nanghihina tuloy ang ating bida. Parang mas gusto pa mag pabebe.
Eh mahina lang si Aji na tao, marupok sa lambing…
Good idea, kaya ang ginawa niya pumikit at sumimangot pa habang ang kamay ni Nami humahaplos pa sa mukha niya.
Pero ang sama naman kasi talaga ng loob ni Aji eh. Hindi niya maintindihan bakit pinipintahan nila ng ganon si Nami eh hindi naman ganon ang bebe niya. Para siya tuloy maiiyak. Oo na Robin Padilla dahil papansin ka, oo weak na!
“Bakit? Anong problema?”
Pati buhok niya hinahaplos na ni Nami, patulo na luha niya. Konti na lang na lambing maiiyak na si Aji. Hindi siya ang strongest soldier at ayaw niyang inaaaway si Namiel.
Eh hindi kinaya ni Alejandro, hinapit niya palapit si Nami para isubsob yung mukha sa tiyan nito. Naramdaman niya pang nagulat si Nami pero nanlambot din ang hinaplos haplos pa lalo ang buhok ni Aji.
Ganon lang sila ng ilang minuto. Tamang pang aalo sa nakasubsob na si Aji, hanggang sa nakita ni Nami na gumagalaw balikat ni Aji.
“Baby?”
Iling iling lang si Aji, eh naiyak na siya. Ano magagawa niya? Ayaw niya pakita kay Nami na umiiyak siya, baka hindi niya kayain tapos humagulgol siya.
Nakakainis kasi yung user voldemortz na yon eh! Gago siya makita lang siya ni Aji hindi na lang kotong ang gagawin niya.
Humupa na yung luha ni Aji tapos nakaupo na rin si Nami sa tabi niya pero nakahilig naman si Aji dito. Masama pa rin loob. Pero yung kamay nila mag kahawak.
“Naiinis ako doon sa comment sa reddit, nireplyan ko.”
Ayan pag open up ni Aji. Gusto ni Aji honest siya kay Namiel, kahit alam noyang baka magalit si Boss amo niya basta maging honest lang siya. Sabi ni Mama Terry kasi Honesty is the best policy so ito siya, nag papaka-honest.
Ayon lang ata ang humor na hindi inadapt ni Aji eh, ang pag sisinungaling. Baka malapingot ni Madam Terry ang tenga niya kahit bente tres na siya, eh ano naman? Kapag kay Terry Choi walang age limit ang pamimingot, kahit nga si Kenzo Choi napipingot with matching kurot pa sa tagiliran tuwing umuuwi ng dis oras ng gabi.
“Hmm? Eh ano naman sinabi mo? What did you reply and what made you reply?”
Hinahaplos pa rin ni Nami yung buhok ni Aji, sinusuklay ang buhok ni Aji. Mukhang tuta ngayon si Aji na nag susumbong kasi inagawan ng tinapay eh.
“Sabi niya kasi kumukayabit ka sakin kahit nung kayo pa nung gago na Kiyo na yon, eh bebe hindi naman yon totoo. Nainis ako pinatuan ko, gago siya eh fake news peddler.”
“Oh tapos, ano pa sinabi nila at nagalit ang Aji ko?”
Jusko, masisiraan na ata ng ulo si Aji eh, para siyang lumulutang kasi ang lambing ng boses ni Nami yung tipong parang kumakausap ng bata.
Edi nag sumbong siya! Na ganito at ganyan ang nararamdaman niya na para bang like this and like that.
“Ayoko lang nasasaktan ka, iniisip ko bebe kapag nabasa mo yon siyempre masasaktan ka. Mas lalo na at hindi nga totoo.”
Tahimik lang silang dalawa, para silang nasa loob ng classroom at may recitation type of quietness. Hindi umiimim si Namiel sa sinabi ni Aji eh. Hindi tuloy alam ni Aji kung wrong move ba yon o ano. Napa-overthink tuloy si Aji kung baka mas lalo niya napalaki yung issue. Sabi na tama si Doc Maikee eh, one of these days nak.
Si Aji ayon sinubsob na yung mukha sa leeg ni Nami kasi bakit hindi nag sasalita?! Kinakabahan siya oh! Ganito siya dati sa recitation nila sa Reading in Philippine History kasi tinanong siya ng Prof niya kung paano raw yung daan kapag sa DRT tapos papunta Aurora, yung shortcut version daw. Nangatog si Aji non, kasi paano niya malalaman?! Taga Bulacan siya, oo! Pero hindi pa nga nakakatungtong si Aji sa DRT na hindi pinagdadrive ng tatay niya, tapos sa HillTop lang sila kasi mag haharutan lang si Papa Choi at Mama Terry niya.
“Oh bakit parang iiyak na naman ang baby ko?”
Binaon tuloy lalo ni Aji mukha niya sa leeg ni Namiel. Nahihiya na tuloy siya kahit wala naman nakakahiya. Eh sa sabi ng New jeans I'm super shy I'm super shy eh!
“Hindi ako iiyak ulit.”
“Talaga? Eh bakit parang nangangatog ‘yang boses mo?”
“Kinakabahan ako sayo eh.”
Bahagyang natawa tuloy si Namiel, pero hindi pinapahalata ni Nami kasi mas lalong mag tatampo yung malaking tao na nasa gilid niya. Eh pero nararamdaman ni Aji kasi bahagyang gumagalaw yung balikat nito. Tapos maya-maya naramdaman ni Aji yung kamay ni Nami na inilayo siya para matingnan mabuti. Hinaplos ulit yung pisngi ni Aji, kitang-kita ni Aji sa mata ni Namiel yung kinang. yung lambot. at yung pag mamahal.
“Aji..”
“Hmm?”
“Thank you.”
Napakurap-kurap pa si Aji, kasi hindi niya alam kung tama yung rinig niya tsaka bigla kasing nag smile si Nami, nawala pa yung mata pag ka-smile.
“Thank you kasi nandyan ka para ipagtanggol ako kahit pwede naman nating hindi pansinin. Tapos ayan mas nasasaktan ka pa ata sakin.”
Hinaplos pa ni Nami yung gilid ng mata ni Aji, pinupunasan yung mga luha na tumulo kanina at inaantay kung may tutulo pa ba sa mata ni Aji. Parang alam na alam ni Nami na maiiyak pa si Aji.
“Sanay naman ako sa mga ganyang tao eh.”
Ayun, malumanay pa rin yung boses ni Nami. Hindi naiinis, hindi nagulat, wala. Malumanay lang, parang gusto i-comfort si Aji. Parang tinatanggal niya yung sama ng loob na nararamdaman ni Aji.
Napakunot noo tuloy si Aji, kasi parang dedma na dedma nga kay Namiel yung nabasa niya kahit nasabi niya na kung ano yung sinabi nung user voldemortz eh. Edi ibig sabihin ilang beses na nangyayari kay Nami yung ganito? Yung sa isang taon na hindi sila nag usap may umaaway pa kay Nami na mas malala pa dito sa pag bintangan siyang parang kumukuyabit sa iba habang may boyfriend siya?
Hinawakan ulit ni Nami yung noo niya. Alam agad ni Nami na may naiisip yung nasa harapn niya eh. Kitang kita sa mata at sa mukha.
“Nakunot na naman yang forehead mo. Seryoso, Aji. It happened too many times within the whole time na I became active on social media. Hindi naman natin yan maiiwasan eh, some people are nosy talaga when you’re in social media.” Nag stop pa si Namiel. “Nakikisawsaw sila as if they are paying my whole life. Hindi ko nga gets, siguro mga mangga sila na maaasim at kailangan ng sawsawan.”
Kita ni Aji yung pag buntong hininga ni Nami at bahagyan pag tawa dun sa joke nito. Tinitingnan mabuti ni Aji kung meron bang tinatagong lungkot sa mga mata ni Nami pero hindi niya alam kung magaling ba mag tago ang isang Namiel Yoon o nasanay na lang talaga.
Pero tumahimik lang si Aji habang nakasandal kay Nami. Ewan niya ba, pero parang mas sumama pa loob niya matapos marinig ‘yon. Kasi ibig sabihin, hindi na bago kay Nami yung mga ganitong tao. Hindi na bago yung may nag-iimbento tungkol sa kaniya. Hindi na bago yung may mga pakialamera masyado sa buhay nito.
Parang may kumurot tuloy sa dibdib ni Aji.
“Hindi ka naiinis, bebe?”
Kita ni Aji na napatingin sa mukha niya si Nami. “Paanong naiinis?”
“Diyan sa mga yan.”
Napatawa si Nami tuloy sa pagkakasabi non ni Aji. Busangot ba naman ang mukha eh, parang tinapaktapakan na papel sa sobrang lukot.
“Naiinis naman… Pero wala naman akong magagawa eh, that's their opinion about me.” sagot nito habang hinihimas pa rin buhok ni Aji.
Napapikit tuloy si Aji. Naiinis siya. Kasi nung sinasabi yon ni Nami parang tanggap na tanggap niya na lang lahat ng sinasabi ng iba dito. Na parang okay lang mag salita ng ill about others kasi opinyon nila ito. Hindi iyon maintindihan ni Aji. Naiinis talaga siya at nasanay sa ganon si Namiel.
Yung parang sanay na sanay na may magsalita nang hindi maganda tungkol sa kaniya.
“Pero hindi naman tama ‘yon,” bulong niya habang nakasandig pa rin sa balikat ni Nami. “Hindi porket opinyon nila pwede na sila magsabi ng kung ano-ano.”
Tahimik lang si Nami pagkatapos no’n.
Nararamdaman lang ni Aji yung marahang paghagod nito sa buhok niya. Yung dahan-dahan. Para siyang bata na may malambot pa na fontanelle at kailanganang ingatan. Pero para kay Alejandro mas kailangan ni Nami yon eh.
“Alam ko naman,” mahinang sagot ni Nami. “Pero kapag pinatulan mo kasi lahat ng tao online, mapapagod ka lang. Kahit anong explanations mo kung sarado ang utak nila mahirap silang paliwanagan.”
“Eh gusto ko silang patulan.”
Kinurot tuloy ni Nami ang gilid ni Aji. Parang biglang nag flash bigla sa mukha ni Nami si Terry Choi eh. Bigla bigla ba namang nangungurot?!
“Ikaw! Patola ka masiyado!”
“Eh sa nakakairita sila.” Busangot na napaangat tuloy ulo ni Aji. “Tsaka gusto kita ipagtanggol eh.”
Natahimik tuloy si Namiel. Alam naman ni Aji na gusto lang ng tahimik ni Nami eh, yung iwas sa mosang at issue ba. Gets niya yon, okay? Pero hindi kasi okay sa kaniya yung ganon.
Hindi sila umimik dalawa, nakasandal lang sa isa't isa ganon.
“Kain na lang tayo peach mango pie.”
Napabulanghit ng tawa si Aji dahil sa pag putol ni Nami ng katahimikan para don, ayain ba naman siyang kumain ng peach mango pie after niyang mag inarte ng ganon sa harap nito?
Edi ano pa ba gagawjn ni Aji? Edi kakain na sila ng Jollibee na dala ng bebe niya. Nag usap na silang dalawa ganyan nag tatawanan na skla nawala na rin yung bigat kanina na dulot nung user voldemortz dun sa Reddit.
Napag usapan pa nila yung mga discourse sa Twitter at tawa nang tawa si Namiel sa mga insights ni Aji. Paano hindi tatawa eh kinuwento ba naman ni Aji kay Nami yung about sa Sperm Donors na gagawin in natural process tapos may nag post daw ng ang papangit naman nung donors? Sino hindi matatawa kasi oo nga naman ang kakapal ng face?
Ganon lang sila sa condo ni Aji. Puro kwentuhan at tawanan..Tapos mag sshare si Nami about sa nangyayari sa program niya, na baka raw magiging inactive muna siya sa Tiktok niya kasi maraming ginagawa ang Psych dahil last year na nila.
Kuhang-kuha talaga ni Alejandro Choi mga kiliti ni Namiel Yoon eh, walang dead air pag nag umpisa nang dumaldal si Aji.
Never na-imagine ni Nami na darating ang araw na mag-uusap silang dalawa ni Aji ng ganito, yung magkakaron ng ganitong moment sa pagitan nilang dalawa.
Kung nasasaksihan ni First Year Namiel yung scene na 'to siguro mahihimatay yun sa kilig. Paanong hindi? Si Alejandro Choi lang naman ang kauna-unahang naging crush niya sa first week niya sa college.
Crush na halos isang sem niyang pinoproblema. At yung crush na ilang beses niyang hinanap sa kung saan-saang building kahit hindi naman siya taga-Engineering. Crush na ilang beses niyang isinama sa dasal niya para magkaron sila ng small interaction man lang.
At higit sa lahat, crush na hindi niya inakalang magiging Alejandro niya.
Yung Alejandro na katabi niya ngayon.
Eh paano nga ba kasi nagsimula para kay Namiel ang lahat?
Bilang nag iisang anak ng Pamilya Yoon, alam na ni Nami ang mga limitations niya, kahit pa sabihin na hindi mahigpit sa kaniya ang parents niya eh siya na nag kukusa na umiwas sa alam niyang mali. Lumaki si Namiel Yoon na ipanlalaban talaga sa lahat. Beauty Contest? Namiel Yoon. Math Quiz Bee? Namiel! Science Fair? Jusko, Namiel na yan. Lahat ata kayang gawin ni Nami eh.
First year college, second week sa school na pinapasukan ni Nami, edi syempre kasama niya ang mga tropa niya, si Aoi at Vannie. Kumbaga PPG sila, pokpok girls? Hindi ‘no! Pretty, Precious, at Ganda!
Kanina pa si Nami nag tatype sa phone niya, as in kanina pa! Iniwan ba naman siya ng mga gaga sa clinic? Ang sabi nung dalawa kukuha ng gamot para sa diarrhea ni Vannie pero anong nangyari?! Anong gagawin niya don teh? Makipagtitigan sa mga Nurse at mga kapwa niya freshies?
Aoi: Beh, dito kami sa comfort room. Second floor. Nag tatae si Vannie.
Ayon, nag text na ang Pretty sa Groupchat nila. Irap na irap na si Namiel habang pinapaypay yung reviewer niya. Jusko naman, hindi mo ako mahal Lord? Ano oh kanina pa ako babad dito? Tunaw na tunaw na ang ganda ko?
Edi lumabas na si Nami dahil nag dedehyrate na ata ang magaling niyang kaibigan na si Precious sa pag tatae nito. Kaso ewan ni Nami kung anong malas meron ngayon at bumigay na ata yung paper clip sa reviewer niya at nalaglag pa.
“Leche talaga!”
Kung makikita lang ng iba ang mukha ni Nami talagang matatakot ka eh, paano ba naman namumula yung ilong parang yung nakikita mo pa sa cartoons na may usok na lumalabas.
Pag angat ng ulo ni Nami, hindi niya talaga alam kung mahal siya ni Lord, napasabi na lang siya sa utak ng.
Lord! Iparamdam mo naman sakin na mahal mo ako!
Eh kaso biglang umakbay sa kaniya si Lord at napa-wow siya sa nakita! Yung nakabungguan niya, parang future husband niya pa ata? Ang gwapo!
Tiningnan ni Nami simula ulo hanggang paa yung binata. Talagang masasabi mong pogi eh kahit titigan ni Nami hindi nakakaumay tapos hindi naiiba yung mukha. Sure na siya! Ito na ang answered pray niya. Ito nang kaharap niya.
Matangos ang ilong, makapal ang kilay, maputi, at ang pula ng labi. Ang sarap siguro kagatin niyan.
Napakurap tuloy si Nami!
“Sorry, Kuya.”
Ayan nasabi niya na rin! Kaso mukhang nainis ata yung lalaki kasi hindi gumagalaw? Nakatingin lang sa kaniya? Ano pipi ba ‘to? Galaw galaw, Kuya baka matunaw?
Mag sasalita pa nga sana si Nami kaso narinig niya boses ng mga kaibigan niya eh, mukhang success ata yung pag tae ni Vannie. Hindi niya na tuloy ulit nakausap yung lalaki, pero nakita ni Nami na nakapang-Engineering id lace, hindi niya nakita kung civil ba yon o ano. Edi paano niya hahanapin yan at mag papansin?!
Exam week, start na ng bayaran. Napapakamot na lang si Nami ng ulo kasi nakalimutan daw bayaran ng Papa niya yung tuition fee niya before exam week. Eh ayaw pa naman ni Nami ng pumipila. At tingnan mo pang 250 siya sa queuing for payment. Inis na inis na naman si Nami non. Feeling tuloy ni Nami pwede na mag electricfan sa ilong niya kasi may lalabas na talagang usok everytime na napipikon siya.
Naramdaman ni Nami na may umupo sa tabi niya, paanong hindi eh naapakan yung sintas ng sapatos niya. Tiningnan niya tuloy masama yung katabi niya. Pero ay wow, pampalubag loob ba ‘to at si Pogi yung katabi niya?
Kung sinuswerte ka nga naman oh, tagal niyang ni-yearn si pogi na walang pangalan. At kung sinuswerte ka ulit nung yumuko si Nami nakita niya yung name ng katabi niya.
Alejandro Choi.
Aba ang pogi. Tunog masarap. Tunog iuungol ni Nami one of these days. One of these days, nak. One of these days…
Ngiting ngiti si Nami eh, this is it! Pag humarap ‘to sa kaniya mag papakilala siya.
Eh kaso parang hindi ata alam ni Kuya na may katabi siya na sobrang ganda at hindi man lang kumikibo! Ni hindi nga tumitingin sa kanan o kaliwa talagang para siyang kabayo na may harang sa mata kasi deretso lang tingin o di kaya nag cecellphone! Bad trip oh.
Tuloy, turn na ni Namiel at lahat di na siya naka ngiti ulit. Busangot na naman. Hanggang bahay nila naka simangot siya. Tinanong pa nga ng Papa niya:
“Ano meron? May magnet ba yang nguso mo at ang lupa para sumimangot ka ng ganyan?”
Pinagtawanan pa siya ng papa niya!
Kalagitnaan ng sem nag aya ang P&P, as in si Pretty and Precious mag bar. Mag try daw ng new things para happy happy! Deserve naman raw nila, sabi nila… Pero parang hindi? Anyway!
Mga nasa kalagitnaan na ng gabi at mukhang malalakas na amats ng mga tropa ni Nami. As in, bulol na bulol na nga rin ang mga ito parang nagiging Ate Niña sa TikTok na mga pinagsasabi eh.
“Bitch, lapitan mo nga yung lalaki na yon tapos ask for his name! Abutan mo ng drinks.”
Ayan inutusan pa siya ng kaibigan niyang si Vannie, inabutan pa siya ng baso. Kaso nag mumukhang manyak naman siya!
Kaso nakita ni Nami yung pinapaabutan ng drink at gusto malaman ang name. Eh alam na ni Nami yung pangalan nung lalaki. Paano? Eh paano si Pogi yung nakaupo sa may bar counter eh!
Pero dahil maharot siya nag ayos ayos pa siya ng buhok at damit. Tamang paganda lang.
“Akala ko ba ayaw mo?”
Tiningnan ni Nami ng taas kilay si Aoi, hindi siya same person who says that 5 minutes ago!
“Lalandi ako bawal?”
Lalandiin niya na talaga ‘tong si Kuya na Engineer! Mine niya na ‘to, wala na aagaw!
At talagang ginawa nga ni Namiel. Hindi naman siya duwag pagdating sa mga damoves pag dating sa crush crush na yan eh. Kung tutuusin nga, mas malakas pa loob niya kaysa sa dalawang kasama niyang puro salita lang at harot lang pero sa huli sa kaniya pa rin tatakbo ang dalawang P, para mag order sa Jollibee. Kaya ayun, inayos niya muna buhok niya, chineck kung okay pa ba lipgloss niya, tapos tsaka niya dinala yung baso papunta kung nasaan nakaupo si Alejandro.
Medyo kinakabahan siya, oo, pero keri naman. Hindi naman siya magpo-propose. Pangalan lang naman kukunin niya na parang hindi na rin ni Nami kailangan kasi alam niya na nga. Kahit nga Instagram handle lang malaman niya okay na.
Kaso paglapit niya, parang biglang nawala lahat ng confidence niya at naiwan sa table kung nasaan si Aoi at Vannie.
Kasi mas gwapo pala sa malapitan. Hindi alam ni Nami kung may kasalanan ba siya sa past life niya para pahirapan nang ganito o kung siya ba yung bumaril kay Rizal nung past life nito o ano. Kanina pa niya tinitingnan mula sa table nila si Alejandro Choi pero iba pala kapag kaharap na mismo.
Mas matangos ilong. Mas makapal kilay. Mas mapula labi. Tapos parang hindi man lang aware sa mukha niyang ganyan. Nakakainis.
"Hi," bati ni Nami habang inaabot yung drink.
Tumingin si Alejandro. Tumingin lang.
Tangina.
Hindi alam ni Nami kung naglo-loading ba o may maintenance yung utak nung lalaki kasi nakatitig lang talaga sa kaniya. As in walang response. Wala man lang "hello" o kaya "thank you." Kahit tango wala. Parang naging display lang bigla. Ano motto ba ni Kuya: Hindi ko gagalawin ulo ko?
Tapos si Namiel, nakatayo roon na may hawak pang baso at unti-unting namamatay sa hiya. Kasi wala man lang reaksyon yung nasa harapan niyang lalaki. Para siyang nakikipagtitigan sa mga rebulto dun sa plaza ng bayan nila eh.
Hindi tuloy alam ni Nami kung ano ba dapat susunod niyang gagawin eh. Magpapakilala ba siya? Uulit ba siya? O baka kailangan niya munang tapikin ito para malaman kung buhay pa?
Kasi sa totoo lang parang mas marami pang reaction yung mga emotes na meron siya sa roblox kaysa kay Alejandro Choi. At ang mas nakakainis pa, habang tumatagal mas lalo niyang napapansin kung gaano ito kagwapo, kung tinitingnan lang siya nito ay hindi kumikibo edi titingnan niya na lang.
Para tuloy siyang tanga. Napahiya na nga siya, kinikilig pa rin siya. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba siyang maawa sa sarili niya o humingi ng professional help kasi kinikilig pa rin siya.
Tumalikod na si Nami para bumalik sa table kung nasaan ang mga kaibigan niya. Kitang kita niya pa na nakatingin yung dalawa sa kaniya.
Mga letche!
Alam niyang pagtatawanan siya mamaya nung dalawa pag balik niya ron. Sure na sure siya!
Nang makalapit si Nami hindi naman siya nag kamali, ang opening remarks pa ni Vannie:
“Beh, nilandi mo ba o nag mannequin challenge lang kayo ron ni Kuyang pogi?”
Napahawak agad si Nami sa noo niya. Alam niya na. Alam na alam niya kung anong mangyayari sa kaniya buong gabi. Hindi na siya makakatulog nang payapa dahil sa dalawang 'to.
"Nakakainis kayo."
"Nakakainis ka rin teh," sagot agad ni Aoi. "Kanina ka pa namin pinapanood. Akala namin may magiging fireworks and butterflies yung moment tapos naging para bang tinutukan kayo ng camera ni Vice Ganda sa showtime at nag pa-mannequin challenge sa inyo eh. Titigan yarcnh?"
Napasubsob na lang si Nami sa mesa. Hindi niya alam kung anong meron kay Alejandro Choi at parang nawala lahat ng social skills niya. Hindi naman siya ganito normally. Kaya nga niyang makipag-usap sa kung sinu-sino. Bansag nga sa kaniya nila Aoi ay Social Butterfly eh. Kaya nga niyang magreport sa harap ng klase at ng maraming tao nang hindi kinakabahan. Kaya nga niyang makipag debate sa ethics teacher niya nung sinabi sa klase nila na bakit daw tatakbo ang isang babae sa politiko eh mahihina sila at masyadong emosyonal.
Parang lahat ng alam na salita ni Namiel nawala rin nung tinitigan lang siya ni Alejandro Choi after niya mag-hi dito.
Sa kasamaang palad after nung eksena na yon sa bar na akala niya magiging start ng love story nila ni Mr. Engineering Eye Candy na si Alejandro Choi naging sobrang busy ni Namiel. Doon niya na-realize na seryosohan pala sa College, at parang hindi ganon ang nabasa niya sa wattpad nung 14 siya. Nasaan si Jackson Wang at ang party nito? Nasaan si Zayne Malik na icocorner siya sa locker?
Parang nagkanda-leche lahat dahil biglang dumating exam week. Tapos sunod-sunod na requirements ulit. May org work pa siya. May mga groupings. May mga professor na mukhang hindi minahal noong bata kaya sa estudyante bumabawi.
Ang ending? Hindi na siya nakakasilay kay Alejandro. Well, nakakasilay naman eh. Pero sobrang saglit lang, hindi pa napupuno yung happy meter niya nawawala na agad sa paningin niya kasi kailangan na agad bumalik sa ginagawa niya. Yung tipong dadaan sa kabilang hallway tapos makikita niya lang yung likod. O kaya habang palabas siya ng building makikita niyang may kausap sa malayo. Pero hanggang doon lang.
Gusto na lang idukdok ni Nami ulo niya sa study table niya habang iniisip yung happy crush niya eh.
Kasi noong una, okay lang. Second week? Okay pa. Third week? Kaya pa. Pagdating ng halos dalawang buwan? Tangina.
Nagdadasal na nga si Nami. Hindi naman yung dramatic na lumuluhod sa simbahan. Pero yung tipong:
“Lord kahit makita ko lang siya sa canteen ng 15 minutes please.”
Ganon. Minsan nga feeling ni Nami ginagago siya ng universe.
Kasi kapag nagmamadali siya, saka niya makikita si Alejandro. Kapag naman may oras siya tumingin-tingin? Wala.
Para tuloy sabik na sabik si Nami sa isang limited photocard. Sa isang secret na nasa blind box.
Pero kahit anong sabik ni Nami makita ang happy crush niya from engineering department, kayang kaya pala mawala talaga dahil natabunan na yon ng mga gawain niya. To the point dumating na final season nila, at nawala na ng tuluyan sa isip niya si Mr. Eye Candy.
Pero sabi nga nila pag may nawawala may dumadating. May nakilala si Namiel from the same department—Engineering din.
Si Kiyo Uy.
Actually parang bigla lang na-unlock sa buhay niya si Kiyo, nabangga nito inuupan niyang table kaya nalaglag yung ipad niya sa library. Tapos ayun simula non, para ng spam email na kahit ilang report niya labas pa rin nang labas. Parang notification na ayaw mo pero paulit-ulit bumabalik.
Una, simpleng bati lang eh. Hanggang sa naging kasabay sa hallway. Hanggang sa naging kasabay sa lunch. Napapansin na nga yon ng dalawang P eh. Nag bibiro pa sila ng:
“Hindi ka ba natatakot, Nams? Parang bigla na lang yan lalabas sa aparador mo eh. Kahit saan ka andon din siya.”
Totoo naman. Feel niya tuloy member ng FBI si Kiyo, kulang na lang bigyan niya ng certificate na may nakalagay na Perfect Attendance.
Pero kalaunan nakasanayan na lang ni Namiel. Nag start din manligaw sa kaniya si Kiyo eh, well, tinanggap din naman ni Nami kasi mabait naman si Kiyo, consistent, at mukha rin namang genuine. Sobrang clingy nga lang sa kanya. Ang kulit din kasi talaga nito.
Hindi rin naman kasi puro salita si Kiyo noon. Naalala pa ni Nami yung isang beses na sobrang sama ng pakiramdam niya dahil sa migraine nakakaapekto pa yung sobrang init na panahon. Hindi naman niya sinabi kay Kiyo kung nasaan siya, pero maya-maya may dumating na pagkain sa building nila. May gamot pa. Tapos nung tinanong niya kung paano nalaman niyo kung saang room sila, ang sagot lang ni Kiyo:
"I have my ways."
Corny. Sobrang corny. Na para bang BDO ito at we find ways ang motto.
Parang sobrang daming nangyari kay Nami sa buong first year niya. Hanggang sa natapos ang first year, sinagot niya na rin nung summer si Kiyo.
So far, everything is going well for their relationship. Everything feels okay. Natapos ang whole summer vacation nila at isang buwan na rin silang mag boyfriend ni Kiyo.
Halos araw-araw may good morning text. Kahit gaano kaaga message na agad ni Kiyo ang bubungad sa notification niya. Laging nag tatanong kung kumain na ba siya. Kapag gabi naman tatawag para magkwento tungkol sa araw niya. Minsan naiisip ni Nami na parang walang off button si Kiyo kasi kahit madaling-araw kaya pa rin nitong magdaldal.
At siguro iyon yung dahilan kung bakit naging madali para kay Namiel mahalin si Kiyo eh. Kasi ramdam na ramdam niyang gusto siya nito.
Before ng pasukan for second year nagkausap sila ni Kiyo na gusto siyang ipakilala sa mga kaibigan nito bago magsimula ang second year nila, wala naman siyang ibang sagot kung hindi, “Okay, sure.”
Excited naman siya noong araw na 'yon. Maaga pa siyang dumating kasi ayaw niya maghintay si Kiyo. Nakapagpalit pa nga siya ng tatlong outfit bago umalis ng bahay. Sabi pa ni Aoi sa video call, para raw siyang pupunta sa job interview sa sobrang seryoso pumili ng damit.
Eh sa first impression matters. And Namiel wants to give a good first impression.
Padating niya sa napag-usapang lugar, nandoon na si Kiyo. Naka-upo sa table habang may hawak na cellphone at mukhang may inaaway na naman sa kung anong laro. Pagkakita sa kaniya, ngumiti agad ito at tumayo para salubungin siya.
“Who are you talking to?”
Bungad yan ni Nami at humalik sa pisngi ng nobyo niya. Hinawakan naman siya sa bewang nito at ginabayan paupo.
“Wala mga kalaro lang.”
Umorder pa si Namiel ng cake at frappe, inorderan niya rin si Kiyo dahil hindi pa pala umoorder nung hindi pa siya dumadating. Nag dadaldal pa ito sa kung ano-anong games na hindi alam ni Namiel pero nakikinig pa rin siya. Hanggang sa dumating na mga tropa ni Kiyo, at pinakilala siya.
Hindi alam ni Nami kung pinagtitripan siya o ano eh. Paano ba naman nung pinapakilala na siya ni Kiyo sa friends nito muntik na manlaki mata niya!
Eh paanong hindi??? Yung pinakilala ba naman eh yung naging happy crush niya for whole ass school year!
Si Alejandro Choi!
Hindi naman sa crush pa ni Namiel ah, may boyfriend na siya! Pero to think na ang liit ng mundo para maging kaibigan pa ‘to ni Kiyo? Sinong hindi manlalaki ang mata?
Pinakilala ni Kiyo yung dalawa—Si Ryker at Andro daw. Mga naging friends niya nung first year. Nag joke pa si Kiyo na kung mag papagawa sila ng bahay si Andro na raw ang book nila, na para bang hindi rin Civil Engineering ang tinetake ni Kiyo.
After that ganap shinare niya agad yon kila Aoi at Vannie. Pati yung dalawa tawang tawa at napasabi ng:
“What the fuck, teh?! So ano?? Sino ang pipiliin mo si dota o ako?!”
Leche! Hindi nakatulong pag chika niya non kila Aoi kasi inaasar pa siya na super small daw ng world. Naloka talaga si Nami ron. Like, all this time?!
Anyway, hindi naman siya big deal nagulat lang talaga rin siya. Nakalipas din ilang buwan ng second year nila naging close niya na rin si Aji—Oo, Aji na tawag niya dito. Ang mouthful kasi ng Andro at Alejandro eh.
To be honest, mas nagustuhan ni Nami maging friend si Aji, sobrang daldal ba naman tapos mas updated pa sa kaniya sa mga trends. One time nga need nila mag interview para sa isang subject nila sagot na agad ni Aji yung buong block nila eh, tapos parang mas naging friends pa sila kaysa kay Aji at Kiyo.
Ayun, isang beses minemessage niya si Kiyo kung masusundo ba siya kasi may usapan silang dalawa na susunduin siya after ng huli niyang klase. Mag 30 minutes na siyang nakatayo sa harap ng Uncle John’s at minemessage si Kiyo pero walang reply. Naiinis na nga si Nami eh.
4:38 PM
Namiel: Babe, ano?? I’m getting wet here. Like literal.
5:03 PM
Namiel: Ano, Kiyo? Naaalala mo pa bang may boyfriend ka?
Gigil na pag type ni Namiel. Pero parang fallen angel si Aji at nakita siya, ang sabi nito:
“Ah, malapit lang condo ko dito ayan lang oh sa tapat.”
Jusko, parang lumiwanag mukha ni Nami dahil sa sinabi nito. Pagod na pagod na nga siya nag antay pa siya sa labas ng Uncle John’s habang umuulan. Malas lang wala pa siyang payong at walang tumatanggap ng booking sa Joyride.
Nung hinatid siya ni Aji sa bahay nila nag pasalamat pa si Mama Yoon at Papa Yoon eh. Pinapasok pa nila sa bahay at pinakain ng dinner. Pinapanood niya lang parents niya na kausapin ito at asikasuhin, kitang-kita niya na nagustuhan nila si Aji eh.
Sobrang daming nangyari ng buong first semester ni Nami. Ngayon nasa second semester na sila.
6 months na silang mag kasintahan ni Kiyo. Hindi nga alam ni Namiel kung sila pa ba? Eh paano, ibang-iba na ito sa Kiyo na nakilala niya nung first year, yung nangungulit sa kaniya. Napapansin ni Namiel yung mga reply nito na paikli nang paikli, tapos mas madalas pang kasama ang tropa kaysa sa kaniya. Hindi nga maintindihan ni Namiel kung may problema ba sa kanilang dalawa o ano. Pero pakiramdam niya bigla na lang may nag iba pero hindi niya ma-point out eh.
One time cinonfront ni Namiel si Kiyo. Sa parking sila ng campus nasa loob ng sasakyan. Di mapigilan ni Namiel mag tanong at mag hanap ng sagot sa mga inaakto ni Kiyo.
“Why are you using your phone again? Mas importante ba yan?” Tanong ni Namiel. Hindi na niya talaga matiis, mas matagal pang nakatingin si Kiyo sa phone nito kesa sa kaniya eh.
Nakakatawa lang eh. Dati si Kiyo pa yung nagagalit kapag matagal magreply si Namiel. Ngayon baliktad na. Dati si Kiyo pa yung naghihintay sa labas ng building nila. Ngayon si Namiel na yung nag aantay sa labas ng Uncle John's habang umuulan. Hindi niya alam kung kailan nagsimula yung pagbabago na ‘to pero nararamdaman talaga ni Namiel na may something eh.
“Tropa lang ‘to. Pati ba naman yan, Nams, ikakasuspetsya mo?”
Kunot noo ang tingin ni Namiel kay Kiyo, kasi bakit parang mas nagagalit pa ‘to? Eh siya nga itong parang mas boyfriend pa ang cellphone kaysa sa kaniya.
“No, eh! Hindi mo na ako nasusundo kaka-tropa mo, I get it, Kiyo. They’re your friends, pero I’m literally your boyfriend, a little time is all I ask!” Napapataas na boses ni Namiel tapos namumula na rin ilong sa inis.
“Tanginang yan. Big deal ‘to sayo? Pinapahatid naman kita kay Andro ah, wala ka namang reklamo? Oh bakit ngayon dumadada ka diyan?”
Doon napigtas pasensya ni Namiel. Kasi dapat pala okay lang sa kaniya at hindi mag reklamo kasi nahahatid naman siya ni Aji? Bakit? Si Aji ba ang boyfriend niya? Sa sobrang inis niya napababa siya ng sasakyan at sinarado ng malakas yung pinto eh. Napipikon siya dito. Dinedma nga rin niya yung pag tawag sa kaniya nito. Bahala siya sa buhay niya!
Pag uwi ni Namiel sa bahay naiyak na lang siya sa kama. Hindi niya masabi kay Aoi at Vannie yung nararamdaman niya kasi hindi nga bet nung dalawa yung si Kiyo, edi dun siya sa isa lalapit.
Kay Aji.
itsnamiel: can i rant about something??
Bilis nga mag reply ni Aji eh. Dinaig pa si Flash sa bilis. Nag rant siya dito, sa kung anong nangyari at kung anong nararamdaman niya. Sinabihan pa siya ni Aji na mag take muna ng break at mag chill ang ulo para di lumalala lalo yung away.
Siguro nakatulong kay Namiel yon. Dahil nung nag usap sila ni Kiyo ay naging okay na sila. Inintindi na lang ni Namiel. Kasi sabi rin ni Aji:
alejandroochoi: Seryoso, Boss. Ikaw mas may isip kaya pag pasensyahan mo muna. Kapag mas nainis ka hayaan mo kokonyatan natin yan nila Ryker.
Tama naman si Aji eh. Si Namiel ang bigger person so iintindihin na lang niya kahit sobrang pangit na ng character ni Kiyo para sa kaniya. Tinitiis na lang niya. Napapaisip tuloy si Nami kung bakit mahal niya si Kiyo eh.
Dumating ang Valentine’s Day.
May planong date silang dalawa ni Kiyo. Sa Manam lang. Dun daw kasi gusto ni Kiyo. To be honest, Namiel was expecting a gift. Kahit flowers lang. But to his disappointment, wala. Kahit isa. Siya pa nga nag bayad ng bill nila. Pero wala naman yon sa kaniya eh, okay lang.
When he jokingly asked Kiyo if may flowers ba siya ang sagot nito:
“Sayang lang yan. Pang date na lang natin.”
Napahilot si Nami ng sintido eh. Kasi what does this man mean about that? Eh siya nga ang nag bayad ng date nila! Hanggang sa matapos ang date nilang dalawa nabago na ang mood niya. Hinalikan pa nga siya ni Kiyo and insisting something pero dinedma niya.
Pag uwi niya ng bahay nag palit lang siya ng pajama at nag skin care. Tinawag pa siya ng Papa Yoon niya pero hindi niya sinagot, alam na agad ni Papa Yoon na bad mood ang anak niya eh.
Kanino pa ba mag susumbong si Namiel kapag feeling niya inaapi siya ng lahat? Edi kay Alejandro Choi. Shinare niya lahat kay Aji, kung ano pinafeel sa kaniya kanina ni Kiyo. Yung mga overthinking niya. Yung mga distant and cold replies nito. Lahat yon sinabi niya.
Namiel is not expecting Aji to show up late at night. May dala ‘tong mga paper na flowers. Kesyo para raw hindi na siya malungkot. Gustong gusto ni Nami umiyak non eh like yung iyak na mamamaga mata niya bukas. Kasi, how can Alejandro Choi show so much love? Is this how he is raised to treat his friends like this?
Hanggang 2am nag uusap lang silang dalawa sa sala. Inaalo siya ni Aji. Na tanungin niya raw si Kiyo at kausapin about sa iniisip niya dahil communication is the key daw. Ganon lang silang dalawa, nag uusap. Hanggang sa maabutan sila ni Mama Yoon doon at sinabing anong oras na at delikado na sa gabi. Parang doon lang natapos yung usapan nila.
Second year. Second Semester. March.
Walong buwan na sina Nami at Kiyo. Isang buwan na rin hindi nag papakita si Kiyo kay Namiel. Kaya nung sinabi ng blockmate ni Kiyo na nasa library daw ‘to agad agad ni Namiel pinuntahan.
Pero, tangina.
Parang gusto masuka ni Namiel sa nakita niya. Nasa sulok na aisle si Kiyo… may kasamang babae at kahalikan nito. Kita niya yung kamay nito na gumagapang sa dibdib nung kahalikan nitong babae.
“Fuck you!”
Galit na galit si Namiel. Hindi siya nasasaktan. Nandidiri siya. Nandidiri siya kasi kaya pala for the past few months ganon si Kiyo kasi may iba na pala?
He is disgusted by the fact that he got fooled by the guy.
Pinapagalitan na siya ng Librarian kasi inis na inis niyang pinagmumura si Kiyo. But Nami doesn’t care. Wala siyang paki. Basta mamura niya si Kiyo.
Sa haba ng pinagsasabi niya kay Kiyo wala man lang ‘to nasabi. Nakayuko lang.
“Fucking remember this day, Uy. And we’re over. Fucking remember this shit you did.”
Ayan ang huling sinabi ni Namiel bago lumabas ng Library. Napansin niya pang ang daming tao nakatingin sa kanila. Tangina nakakahiya.
Wala agad pinagsabihan si Namiel sa nangyari. Even his friends and family. Ayaw muna ni Nami pag-usapan. Pakiramdam niya kasi kapag ikinuwento niya sa mga ‘to, baka masuka siya. At ayaw niya muna harapin yung katotohanan na walong buwan siyang nagtiwala sa maling tao.
Pero ewan niya. Baka nakarating na rin naman sa iba, mas lalo na kay Aoi at Vannie. Ang daming tao sa library eh. Kahit siya alam sa sarili niya na ang lakas ng boses niya kanina. Sigurado nga si Nami na pagpasok niya sa campus kinabukasan may mag bubulungan sa gilid niya at baka sabihin pa:
“Ayan yung sumigaw sa library eh.”
Hay, Leche.
Kahit gusto niyang magsumbong kay Aji, naiilang siya. Mas nauna naging magkaibigan sina Aji at Kiyo bago pa siya dumating sa eksena. Sila yung magkasamang nag-iinuman, naglalaro, nagkikita halos araw-araw kasi same department. Kahit anong mangyari, mas una sila naging friends. At ayaw ni Nami ilagay si Aji sa posisyon na kailangan nitong pumili ng side. Pero hindi niya ata kaya kapag mas pinili ni Aji ang side ni Kiyo.
Kaya ilang araw niyang tiniis mag-isa. Tiniis niya yung galit. Tiniis niya yung pakiramdam na para siyang tanga sa tuwing maaalala niya yung mga pagkakataong pinagtatanggol pa niya si Kiyo sa mga kaibigan niya.
Eh kaso tinuro sa kanila na masama mag supress ng nararamdaman. Hindi niya matiiis at pumunta siya sa inbox nila ni Aji sa instagram. Kita niya pa nga yung dami ng messages ni Aji na hindi niya pa binabasa three days ago eh.
Kaya alas tres ng madaling araw naka-open lang inbox nilang dalawa tapos nakatitig siya sa kisame. Iniisip kung pwede pa ba siyang mag rant kay Aji. Tapos nag rereplay pa sa utak niya yung eksena na naabutan niya sa library.
Sa loob ng tatlong araw ito pa lang ang kauna-unahang magiging interaction ni Nami sa ibang tao bukod sa magulang niya. Kahit alam niyng gustong mag tanong ng parents niya bat ilang araw na siya hindi pumapasok hinahayaan na lang siya ng mga ito eh. Kasi kita naman nila na malungkot ang unico ijo nila. Tsaka napanatag din sila sa sinabi ni Aji sa kanila nung minessage nila ito ng:
Andro: Hayaan mo muna, Tita. Bigyan muna natin ng time si Nami. Kailangan niya yan, mag sasabi naman po yan pag ready na siya. :)
Anyway, hindi nakalipas ang ilang minuto nag type pa rin si Nami sa convo nila ni Aji. Hindi niya pa nga alam kung isesend niya o hindi eh.
itsnamiel: are you awake?
At gaya ng dati. Wala pang isang minuto nag reply na agad si Alejandro.
alejandroochoi: Oo, boss
alejandroochoi: Bakit
alejandroochoi: Huwag mo sabihing nakapatay ka at kailangan mo ng huhukay ng lupa ah
Bakit hindi pa natutulog 'to? Alas tres na ng madaling-araw. May mga manok na nga sigurong nag-iisip kung babangon na ba sila para tumilaok tapos eto si Alejandro Choi gising pa rin.
itsnamiel: bakit gising ka pa
alejandroochoi: Bakit ikaw gising pa????
itsnamiel: ako nauna mag ask
alejandroochoi: Ako pangalawa oh edi ano na
itsnamiel: napaka epal mo
Napairap tuloy si Namiel. Hindi niya alam kung good thing ba na minessage niya si Aji o ano eh. Basta naramdaman naman niyang gumaan pakiramdam niya.
alejandroochoi: Ano ganap natin diyan, Boss? Nag babakasyon ka na ah may semi at finals pa.
Napabuntong hininga tuloy si Nami, naalala niya kung bakit niya minessage si Aji in the first place. Ngayong andito siya at kausap na si Aji para mag labas ng nararamdaman niya biglang gusto niyang umatras.
itsnamiel: aji
alejandroochoi: Boss
itsnamiel: tanga ba ako
Matagal bago mag reply si Aji. Pa wala wala pa yung typing indicator.
alejandroochoi: Omsim
Napamura tuloy si Namiel. Akala niya gumagawa na ng liham para sa Hogwarts si Aji sa sobrang tagal mag type. Tapos “omsim” lang pala isasagot sa kaniya?
itsnamiel: tanga ka ba
alejandroochoi: HAHASGGSHSAHAHAHHAHA JOKE LANG
alejandroochoi: SERIOUS MUCH KASI
alejandroochoi: Hindi, Boss. Anyare ba? Seryoso natin eh.
Hindi alam ni Nami kung wala ba talagang idea si Aji sa nangyari eh o kung ano. Pero napangiti siya kahit papaano.
Unang ngiti niya after the library incident. Kasi noong mga nakaraang araw, pakiramdam niya mag-isa siya. Pakiramdam niya walang makakaintindi sa disgusto na nararamdaman niya. Pakiramdam niya kailangan niya buhatin lahat.
Pero ngayon, nakahiga siya sa kama habang binabadtrip siya ni Alejandro Choi sa Instagram. Tapos pakiramdam niya kahit papaano gumaan. Nawala yung bigat na tatlong araw na niyang nararamdaman.
itsnamiel: aji :(
itsnamiel: nahuli ko si kiyo
Ayan lang tinype ni Nami. Nangangatog siya eh. Parang ngayon lang pumapasok sa isip niya yung ginawa sa kaniya. Ilang minuto bago nag reply si Aji. Kahit typing indicator wala. Icon lang nito yung meron tapos yung active now sa ilalim ng username handle nito.
Tapos ayon.
Ting!
alejandroochoi: Saan mo nahuli
Kagat labi pa pag reply ni Namiel.
itsnamiel: sa library
alejandroochoi: Tanginang yan
itsnamiel: i'm disgusted, aji
alejandroochoi: Tanginang yan gago ampota
itsnamiel: kaya pala he seems distant and di siya nag papakita sakin
alejandroochoi: Gago siya
itsnamiel: puro mura naman
alejandroochoi: Lah ano sasabihin ko, beh
alejandroochoi: Congratulations ganon
After three days, napatawa nang may tunog tuloy si Nami.
Crazy talaga..
Hindi niya alam kung paano pero sa loob ng ilang minuto, nagawa ni Alejandro na mapatawa siya. Samantalang tatlong araw na siyang nakakulong sa kwarto niya na parang nawawalang kaluluwa at gustong mang hingi ng hustisya, feeling nga niya ang putla na niya. Hindi nga siya sigurado kung naligo ba siya kahapon. O nung isang araw. O baka three days ago pa yung huling beses. Wala na siyang concept of time. Ang alam niya lang, galit siya. At sa tuwing naiisip niya si Kiyo, gusto niyang masuka.
itsnamiel: i want to drink
Pagka-send niya pa lang alam noya agad na kokontra lang si Aji sa kaniya eh. Kasi kilala niya na si Alejandro eh, hindi siya nito susuportahan sa mga desisyon na biglaan.
alejandroochoi: Hindi pwede
Napairap agad si Nami. See? Syempre hindi.
itsnamiel: aji naman. minsan lang eh
alejandroochoi: Sisirain mo atay mo para dun?
itsnamiel: ang oa minsan lang nga eh
alejandroochoi: Tsaka na mag aya ng inuman pag di ka na mukhang multo ah. Kita ko sa fb ni Tita mukha mo.
Napabuntong-hininga si Nami habang nakatitig sa screen. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa.
At nakakainis man aminin, gumagaan talaga pakiramdam niya.
Ilang minuto pa silang nag usap ni Aji. Sinabi niya kung anong nararamdaman niya, kung kumusta siya. Lahat ng usapan umiikot lang sa kanya.
itsnamiel: but im not sad ok, just disgusted
alejandroochoi: Gets tangina niya
Ayun lang. Nag lalabas lang si Namiel ng galit niya habang todo agree naman si Aji. Walang awa, walang pity party. Kaya dahil doon napalagaan ni Aji ang loob niya.
After ng usapan nilang yon pumasok na rin si Nami. Message pa rin nang message si Kiyo sa kaniya. Tawag nang tawag. Minsan pa nga gumagamit ng ibang account. Pero sa sobrang inis ni Nami, blinock niya lang lahat. Hindi sasayangin ni Namiel Yoon ang ganda niya para sa mga lalaking walang kwenta.
At dahil tatlong araw siyang nawala sa mundo, natural na sinalubong siya ng sermon mula kina Aoi at Vannie. Na kesyo sabi na nga nila bad vibes yung lalaki na yon. Na ipapakulam daw yon ni Aoi sa kilala ng Lola niya na mangkukulam.
Pero parang mas may galit pa bukod kina Aoi at Vannie.
Sino pa ba? Edi si Alejandro Choi.
Nalaman lang ni Nami iyon nang puntahan niya ito sa department nila. Balak niya kasing ayain mag dinner si Aji atsaka gusto niya lang makita kung kumusta na si Aji pagkatapos ng midnight therapy session nila. Wow siya pa talaga nangamusta. Buti hindi nito same schedule si Kiyo. Nagulat pa si Aji kasi sinabi ni Ryker sa kaniya na may sundo ito.
“Akala ko next month ka na ulit papakita ah.”
“Tanga ka talaga, Aji.”
“De walang biro. Nag aalala kami ni Ryker sayo.”
Hindi alam ni Nami pero sobrang gumaan pakiramdam niya sa sinabi na yon ni Aji. Pakiramdam niya nagkaron siya ng mini support group tapos ang nandon si Aji at Ryker bilang founding members. Mga siraulo talaga.
At doon nalaman din ni Nami na galit na galit si Aji sa ginawa ni Kiyo kaya kinausap at nakipag-f.o daw ito. Muntik na nga raw bangasan ni Aji pero pinigilan lang ni Ryker.
Simula noon parang naging ganon ang routine nilang dalawa.
Pupunta si Nami sa department ni Aji tapos sabay silang kakain tapos uuwi, o kaya si Aji pupunta sa Psych department para kumain at sunduin si Namiel. Minsan tatambay sila sa condo ni Aji o kaya sa bahay nila Nami tapos mag kukwentuhan lang sila o kaya minsan nag sscroll lang si Nami sa Tiktok tapos sabay nila tatawanan ni Aji. Tapos isang araw, kumakain sila ng hapunan tapos andoon si Aji. Tapos kinabukasan andoon ulit. Tapos makalipas ang ilang linggo, tinatanong na ni Papa Yoon kung bakit hindi pa raw kumakain yung isa niyang anak. Minsan nga sinabi ni Papa Yoon:
“Aba parang nagkaron ako ng isa pang anak ah.”
Tapos ang sagot ni Aji sa papa niya:
“Oo nga po eh, tingnan mo parehas tayong gwapings.”
Sipsip talaga eh.
Kaya so far, so good si Namiel, hindi niya naalala si Gago. Pero gusto niya pa ring murahin ito sa lahat ng language na alam niya. Sa totoo lang hindi na namalayan ni Nami na hindi niya na nabubukangbibig si Kiyo kay Aji eh. Noong una kasi halos araw araw niya itong binabanggit. Kahit anong topic napupunta tungkol doon.
"Naalala mo nung—"
"Oo tangina niya."
"Pero kasi—"
"Tangina niya pa rin."
Kalaunan naging random things na lang napag uusapan nila. Kung minsan mga tiktok videos o kaya screenshot ng mga nakikita na memes ni Nami sa Facebook. One time nga mga 2 am nagising si Nami dahil sa notif na galing sa phone niya. Pag bukas niya si Aji. Nag send pala ng video sa instagram ng video ng pusa. Walang context. Basta pusa lang.
Yung tipong may mangyayari kay Nami tapos unang pumapasok niya:
“Chika ko nga ‘to kay Aji.”
O kaya pag may nabagsak siyang quiz o kapag may nakakainis na professor. O kaya may bagong pagkain sa cafeteria. Kahit ano nagiging usapan at topic nila. Minsan nga nahuhuli na lang niya sarili niyang naka-open yung chatbox ni Alejandro bago pa niya maalalang wala pala siyang importante sasabihin.
Nakakainis. Masyado na siyang nagiging dependent kay Alejandro. Sobrang close na nila to the point pag uwi niya galing sa bahay ng group mate niya nadatnan niyang kumakain si Alejandro kasama ng parents niya eh. Dun pa talaga sa upuan niya nakaupo at masayang nakikipagtawanan sa parents niya.
“Anong ginagawa mo dito?” Kunot noo pa si Nami habang nag tatanong eh. Tapos tsaka lang siya napansin ng parents niya nung napalingon sa kaniya si Aji.
“Proxy na anak muna.”
“Favorite ulam ko yan eh! You didn't message me, Mama!”
Ayun. Nag tampo na siya. Eh sa favorite niya yung ulam, chopseuy! Tapos hindi man lang siya minessage ng Mama niya at si Aji pa talaga andito? Akala nga ni Nami aaluhin siya ng magulang niya eh pero hindi inasar pa siya.
“Eh sabi ko sayo you go home early, pero ang tagal mo umuwi.”
Traitors!
Ganon ang life ni Namiel after the break up. To the point tinanong na siya ng mga kaibigan niya.
“Kayo na ba ni Andro?”
Halos mabilaukan si Nami sa iniinom niyang cheesecake drink. Buti na lang hindi umabot sa ilong niya yung iniinom niya kasi baka doon na siya tuluyang mamatay.
“What the fuck, Vannie?! Hindi!”
Patango-tango lang si Vannie habang umiinom. Yung tipong hindi naniniwala pero hinahayaan ka lang paniwalaan ang gusto mong paniwalaan.
“Okay sabi mo eh.”
Hindi tuloy mawala sa isip niya yung tanong. Why would Vannie ask something like that? Lumalagpas na ba sila sa boundary as friends?
They are literally friends. Bestie. Pare. Amigo.
Kahit anong lenggawahe same meaning. Tsaka hello? Alejandro Choi? Yung Alejandro Choi na halos araw-araw niyang nakikita at nakakasama? Yung Alejandro Choi na kumakain ng libre sa bahay nila at parang anak ng Yoon? Yung Alejandro Choi na minsan mas updated pa sa buhay niya kaysa sa sarili niyang mga kaibigan?
Okay.. Medyo weird nga pakinggan. Pero nope! Capital N-O-P-E, nope! Friends lang sila.
Kaya hindi na niya masyadong inisip yung tanong ni Vannie. Tutal marami rin naman siyang ibang iniisip. Tapos na ang semester nila. Road to third year na sila. Wala na rin halos natitirang bakas ni Kiyo sa buhay niya maliban sa occasional urge na murahin ito kapag naaalala niya yung ginawa nito sa library.
At siguro dahil masyado siyang kampante, hindi niya napansin na lumipas na pala ang halos ilang buwan na si Alejandro ang una niyang chinachat kapag may nangyayari sa buhay niya. Ilang buwan na rin pala siyang sanay na may sumusundo sa kaniya pagkatapos ng klase. Isang buwan na rin pala siyang sanay na may kasama sa pagkain, sa pagrereklamo, sa pagtawa sa mga walang kwentang TikTok videos na sinesend niya.
One time pumayag na si Aji sa inuman na hinihiling niya. Normal lang naman iyon. Tapos na ang semester eh. Wala nang exams. Wala nang quizzes. Wala nang professor na parang personal na galit sa mga estudyante. Kaya nang magyaya sina Ryker, wala namang dahilan para tumanggi si Nami. Excited na excited siya kasi hello? Makakasama na rin niya mga friends niya na walang iniisip na requirements.
Sobrang saya ng gabi ni Nami noon. Wasted kung wasted sila. Si Aji at Ryker lang ata hindi tinamaan eh, pero sina Nami, Aoi, Vannie at Yshin? Bagsak!
Hindi nga alam ni Nami kung ilang beses siyang pinagsabihan ni Aji na dahan-dahan lang uminom eh. Ang alam niya lang, everytime na titingnan niya ito, andoon si Alejandro na nakakunot-noo habang nakatingin sa baso niya.
“Boss.”
“What ba?”
“Dahan-dahan.”
“Kill joy!”
Kaya noong bandang alas dose na at nagsisimula nang magligpit yung ibang tao sa paligid nila, hindi na maayos mag-isip si Nami as in para na lang siyang lumulutang. Hindi naman siya yung tipong nagwawala kapag lasing. Mas madaldal at mas emotional lang. At apparently, mas clingy.
Kaya matik na ang designated driver ay sina Aji at Ryker. Sinabay na ni Ryker pati friends ni Nami kasi same direction lang silang lahat. Sina Aoi at Vannie halos magkanda-hulog-hulog na nga sa sasakyan sa kakatawa habang si Yshin naman nakatulog na agad.
Tapos si Aji? Siyempre ihahatid na sa bahay ang prinsesa.
Hindi na nga alam ni Nami kung paano pa siya nakapaglakad papunta sa kotse ni Aji eh. Basta ang alam niya lang, nakasandal na siya sa bintana habang nagpapatugtog si Alejandro ng kung ano-anong kanta na hindi niya kilala kung sino ang kumanta.
“Ang pangit, Aji.”
“Matulog ka na. Hater pa eh.”
“Aji, talk ka pa nga.”
Napanguso tuloy siya. Lasing na lasing na ata talaga siya at gusto niya na lang marinig mag salita si Aji eh.
Tahimik lang sila sa susunod na ilang minuto. Paminsan-minsan may sinasabi si Nami. Paminsan-minsan sasagot si Aji. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatitig na pala siya rito.
Ang gwapo talaga ni Aji. Like, kaya nga siya ang unang naging crush ni Namiel dati eh. Pero ewan niya kung dahil ba sa alak o ano, at parang ngayon niya ulit napansin.
Sobrang tangos ng ilong, ang haba ng pilikmata na akala mo may ginagamit na mascara o naka-eyelash extension. Kahit yung isang kamay na nakahawak sa manibela habang seryosong nakatingin sa daan napapansin ni Nami.
Parang ang unfair? Dapat hindi pinapayagan ng gobyerno na may ganyang kagwapo. Tangina talaga ng gobyerno eh.
Hanggang sa dumating na sila sa tapat ng bahay nila Nami. Hindi na nga alam ni Nami kung gaano katagal yung biyahe nila eh. Ang alam niya lang, huminto yung sasakyan ni Aji sa harap ng gate nila tapos biglang natahimik ang paligid. Wala na yung ingay ng bar. Wala na sina Aoi at Vannie. Wala na rin si Ryker at ang boyfriend nitong si Yshin. Silang dalawa na lang ni Alejandro ang natira.
“Nasa bahay ka na, Boss.”
Napakurap pa si Nami nang marinig niyang magsalita si Aji.
Pero hindi agad siya gumalaw.
Sa totoo lang, hindi niya rin alam kung bakit. Siguro dahil lasing siya. Siguro dahil pagod siya sa kakasayaw kanina at kakakanta. Siguro dahil ayaw niya pang bumaba. Ewan. Basta nakaupo lang siya roon habang nakatitig sa dashboard na parang may makikita siyang sagot tungkol sa naiisip niya roon.
Napabuntong-hininga tuloy si Alejandro bago bahagyang yumuko para tanggalin yung seatbelt ni Nami. Hindi kasi yata nito mapagkakatiwalaan ang prinsesang nasa passenger seat na gawin iyon mag-isa. At dahil lasing siya, hinayaan na lang niya. Hinayaan niyang abutin ni Alejandro yung buckle. Hinayaan niyang lumapit ito.
At sana pala siya na ang kusang nag tanggal nito at bumaba ng kotse. Kasi ngayon lang niya napansin kung gaano kalapit si Alejandro.
Amoy niya yung pabango nito. Kita niya yung mahabang pilikmata nito. Kita niya kakinis ang mukha nito na ilang beses na niyang nakita pero parang ngayon lang niya talaga napansin. Tapos nakakunot-noo pa ito habang pilit inaalis yung seatbelt niya na para bang sobrang hirap ng ginagawa. Tapos nakanguso pa.
Ang gwapo.
Hindi alam ni Nami kung dahil ba sa alak o ano pero biglang parang bumagal yung mundo niya. Na para bang siya si Kathryn Bernardo dun sa palabas na She’s dating the gangster.
“Sabi nila kapag inlove ka bumabagal ang mundo mo.”
Biglang wala na siyang ibang naririnig kundi yung sariling tibok ng puso niya. At bago pa niya mapigilan ang sarili niya, bago pa siya makapag-isip nang maayos, bago pa gumana ulit yung natitirang limang porsyento ng common sense niya, kusang dumukwang yung mukha niya.
Kitang kita ni Namiel kung paano manlaki yung mata ni Aji. Dapat doon pa lang tumigil na si Nami, dapat dun siya matatauhan kasi nakita niya ang gulat na reaksyon nito, peeo hindi.
Pumikit pa talaga siya. At nang maramdaman niya yung labi ni Alejandro na humalik pabalik, doon lang niya naramdaman na bumalik ang right minded na Namiel Yoon.
Tangina. Tangina.
Parang binuhusan ng malamig na tubig yung buong katawan niya. Bigla siyang umurong. Nanlaki yung mga mata niya habang nakatitig kay Alejandro na mukhang kasing gulat niya rin. Hindi niya alam kung ilang segundo silang nakatitigan. Hindi niya alam kung may nagsalita ba. Hindi niya alam kung huminto ba sa pag-ikot yung mundo.
Tangina. Hinalikan niya si Aji.
“Nam—”
Hindi na niya pinatapos ito mag salita. Binuksan niya agad yung pinto ng sasakyan at halos matisod pa siya sa pagmamadali. Narinig pa yata niyang may sinabi si Alejandro sa likod niya pero hindi na niya pinakinggan. Hiyang hiya na siya sa ginawa niya. Parang hindi na niya kayang harapin ito.
Kaya tumakbo na lang siya papasok ng bahay nila ay parang may humahabol na multo sa kaniya. Muntik pa nga siya masubsob sa hagdan kakamadali niya eh. Pero parang walang nakakatakot na multo kapag naiisip niya ang magiging reaksyon ni Alejandro Choi eh. Hindi matatapatan ng kahit anong multo ang nakakatakot na magiging reaksyon ni Aji dito.
Pagkapasok pa lang ni Nami sa kwarto niya, agad niyang isinubsob yung mukha niya sa unan. Hindi niya alam kung ilang beses niyang gustong ihampas yung ulo niya sa pader.
Tangina. Tangina. Tangina.
Paulit-ulit lang iyon sa utak niya habang nakahiga siyang parang hotdog sa freezee. Winiwish niya na lang na pag gisging niya bukas na wala namang nangyaring kiss. Na wala naman siyang ginawang katangahan sa kotse ni Alejandro. Kaso kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili niya, bumabalik pa rin sa utak niya yung eksena. Yung gulat sa mukha ni Aji. Tapos yung katotohanang siya mismo ang nag initiate ng kiss!
Hindi naman siya inakit. Hindi naman siya hinila.
Siya mismo, si Namiel Yoon mismo. Ang gumawa ng desisyon na humalik kay Alejandro Choi. Napahiyaw tuloy siya sa unan bago niya ito niyakap nang mahigpit. Kung pwede lang talagang maglaho sa kahihiyan baka kanina pa siya nag-disintegrate sa kwarto niya. Like poof!
Naramdaman ni Namiel nag vibrate ang phone niya. Inangat niya pa konti ang ulo niya para silipin kung ano yung notification.
alejandroochoi sent you a message.
Jusko po. Jusko po!
Pakiramdam niya nagkakaron siya ng tachycardia sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya habang tinitingnan ang nakaflash na name sa screen. Pero hindi niya kayang buksan kaya hinayaan niya lang mamatay ang ilaw ng phone niya. Kahit yung preview ng message ayaw niyang tingnan. Kasi paano kung galit si Aji? Paano kung nandidiri ito? Paano kung gusto nitong pag-usapan yung nangyari? Well, kung si Nami naman ang nasa sitwasyon ni Aji, of course he would also want to speak with him! Paano kung ayaw na nitong maging kaibigan niya pagkatapos ng ginawa niya?
Mas lalo lang siyang kinakabahan sa iniisip niya. Kaya bilang isang mature, bigger person, responsible at definitely hindi duwag na tao, ginawa niya ang pinaka-logical na desisyon na naisip niya.
Blinock niya si Aji.
Pagkatapos no'n pinatay niya pa yung cellphone niya at ibinalibag sa kabilang dulo ng kama na parang may dalang malas yung phone niya pero siya lang talaga ang may kasalanan ng lahat. Hindi niya na gustong makita ang phone niya. Hindi niya na gustong isipin yung nangyari.
Ika nga nila, out of sight out of mind!
Kaya buong gabi nakatitig lang si Nami sa kisame ng kwarto niya. At sa unang pagkakataon matapos ang ilang buwan, mas gusto pa yata niyang isipin si Kiyo kaysa harapin ang katotohanang baka nasira niya ang isa sa pinakamahalagang pagkakaibigan sa buhay niya.
Kaso parang hindi yata gumagana yung konseptong iyon kapag si Alejandro Choi ang pinag-uusapan. Kasi kahit naka-block ito sa lahat ng pwede niyang pag-block-an, hindi naman nito nabura yung existence nito sa mundo. Nakikita niya pa rin si Ryker at tuwing nagkikita sila binabanggit nito si Aji. Naririnig pa rin niya pangalan nito mula kina Aoi at Vannie.
“Nami, nag away ba kayo ni Andro?”
“Hindi na nag papakita si Andro ah.”
Yung mga ganyan pa binubungad sa kaniya! Gusto na lang takpan ni Nami tenga niya sa tueing nababanggit si Aji eh. Kaso pati sa bahay hinahanap ito.
"Matagal nang hindi nagpapakita si Alejandro ah."
Tangina. Parusa ba ‘to?!
Pero again, dahil siya si Namiel Yoon na isang mature at emotionally stable na tao, imbis na harapin niya yung problema niya a.k.a si Alejandro Choi, ginawa niya ang pinakamagandang coping mechanism na lagi niyang ginagawa.
Ano pa ba? Edi magpakabusy! Yung Sobrang busy to the na halos wala na siyang oras mag-isip.
Sumali siya sa mga org stuff sa school, sumali sa kung ano anong events. Tapos ayun nag-post siya nang nag-post sa TikTok hanggang sa hindi na niya namalayan na mas marami na siyang followers kaysa sa population ng subdivision nila. Tinanggap niya lahat ng collaborations na pwede niyang tanggapin.
At sa totoo lang, effective naman ang busy busyhan ni Namiel. Nakalipas ang buong third year na ganon lang siya. Bago mag Fourth year napag desisyunan niyang iunblock si Aji sa lahat. Pagka-unblock niya nga finollow agad siya sa Instagram ulit eh. Wow. Parang inaabangan?
Tapos ayun, parang sinaniban siya ni Olivia Rodrigo at napa, “One night I was bored in bed and stalked you in the internet.” siya.
Inistalk niya si Aji. Wala. Curious lang kung kumusta na ‘to. Basta ilang minuto siyang naka-higa sa kama habang may facial mask sa mukha. Tapos maya maya nasa profile na siya ni Aji.
Alejandro @alejandroochoi
3 Posts 5837 Followers 439 Followings
Nakita niyang nagbago na ng icon si Aji. Naka black na sando tapos naka side view, kitang kita pa nag puputukan nitong braso. Tapos may kulay ang buhok.
Wow, mas lalong gumwapo.
Pinindot niya pa yung isang post ni Aji. Yung pinaka-latest. Mukhang nag beach ata. Kaso halos mapairap siya nung pag bukas niya ng comment section. Ang daming babae! Nakakairita. Tama talaga ang Mama Yoon niya na seloso siyang bata.
Eh paanong hindi maiinis? Ang comments ba naman ganito:
“Gwapo! Ang laki!”
“Kuya notice me.”
“Ang sarappp.”
“I miss you, Ands!”
“Mine!”
Tangina??? Mine niyo mukha niyo.
Hindi tuloy niya napansin na halos isang oras na siyang nakababad sa profile nito. Tuyo na rin yung nasa mukha niya.
Parang isang taon lang lumipas may gumaganito na kay Alejandro Choi sa instagra? At sino ba nag turo dito mag post? Parang dati ang post lang na meron ‘to yung sumali si Aji ng Mr. Engineer 2023 ah! Umuusok tuloy bigla ilong ni Nami.
Kung marami nag papapansin kay Aji edi siya rin! Sakto nakakita siya ng post sa instagram.
Saad pa dito: Hindi ako pang casual lang.
Ayan! Okay na yan. Ayan gagamitin ni Nami, diyan sya mag sstart, dun sa lowkey muna. Tinanggal niya pa halos lahat ng nasa close friends niya at inilagay si Aji.
Sa totoo lang dapat nga mahiya si Nami eh. Pero hindi. Parang nothing happened. At pagkatapos niyang i-post sa close friend story niya yon na si Aji lang naman ang tao at nakakita, kunwari wala siyang pake. Kunwari tuloy lang ang scroll niyasa TikTok. Kunwari wala siyang hinihintay na notifications.
Capital L-I-E-S! Lies.
Kasi wala pang dalawang minuto chinecheck na niya kung nakita na ba. Tapos limang minuto. Sampung minuto. Labinlimang minuto.
Tangina.
Para siyang naghihintay ng package na kaka-order niya lang. At nang sa wakas lumabas yung pangalan ni Alejandro sa viewers list, halos mabitawan niya yung cellphone niya. Parang tanga tuloy siyang napangiti. Success first plan niya. Kumagat si Aji.
At kung may magtatanong kay Namiel kung ano ba talaga yung gusto niyang mangyari noong gabing iyon, sasabihin niyang wala.
Kumbaga. IDC! As in I do care.
alejandroochoi replied to your story.
Nanlaki agad mata ni Nami. Sa dami ng pwedeng mangyari, sa dami ng pwedeng gawin ni Alejandro, hindi niya inasahan na magrereply ito. Halos isang taon silang hindi nag-usap. Halos isang taon niyang iniwasan ang posibilidad na harapin ito. Tapos ngayon, dahil lang sa isang walang kwentang close friends story na siya rin naman ang nag-set up, nagreply ito. Kaya nang buksan niya ang chat at mabasa ang mensahe ni Alejandro na, "Seseryosohin naman kita," napahiga na lang siya nang diretso sa kama at tinakpan ang mukha gamit ang unan.
Bente uno na siya for pete sake! Pero kilig na kilig pa rin siya?!
Doon nag umpisa lahat ng pagbabaliktanaw nila. Mga small catch ups na sinasadya ni Nami na putulin agad. Plano niya kasi yon.
Siguro sa tuwing ikukwento ni Alejandro sa iba kung paano sila ulit nag-usap, siguradong magmumukhang si Aji yung unang gumawa ng move. Ito yung unang nagreply. Si Aji yung unang nag damoves. Ang hindi alam ng lahat?
Sabi nga ni Taylor Swift: What if I told you none of it was accidental?
Si Nami nag plot lahat. Siya may gawa kung paano nagkaroon ng pang first move si Aji. Ang hindi niya lang kalkulado ay yung pagiging masyadong straight forward ngayon ni Aji. Kung gaano ka-open sa nararamdaman niya. Na nagdala sa kung nasaang pwesto sila ngayon. Si Aji nakaupo sa hita niya habang nanonood sila ng Nothing Hill na movie, tapos siya sinusuklay buhok ni Aji.
“Aji..”
“Hmm?”
Lumingon pa si Aji dito eh. Dinedma pa yung pinapanood maharap lang si Nami.
“I really like you.”
Napangiting aso pa si Aji. Jusko. Ang yabang eh.
“Lam ko na yan sinasabi mo sakin lagi, Bebe.”
“Mas nauna kita maging crush.”
Napa-froze pa si Aji nug biglang pag open up non ni Nami sa kaniya. Like, wtf?! Ansaveh?!
“Fake news ka, Bebe? Sinasabi mo?”
Napaayos tuloy si Aji, napaupo tuloy siya tapos humarap kay Namiel. Kasi sino hindi magugulat sa biglang pag share nito ng random info?!
Edi sinabi ni Nami lahat. Simula nung freshmen year, hanggang sa nagkaron ng Kiyo hanggang sa pag block niya rito hanggang sa pag bait niya kay Aji sa instagram, na lahat yon planado niya. Lahat yon pakana niya.
Halos di na kumukurap tuloy si Aji sa nalaman niya. Kasi, all this time?! It's mutual?! Nabihag siya ni Namiel Yoon?! Nakagat niya yung patibong nito?! Hindi alam ni Aji kung totoo ba yung nangyayari o ano eh, hindi nag poprocess sa utak niya, feel niya nga naririnig ni Nami na nag bubuffer siya.
“Bebe… Idol mo ba si ano…”
“Sino?”
“Yung sikat na Philosopher.”
“Huh? Who?”
“Si Sarah G. Para kasing favorite mo yung quote niya na gagawin ko ang lahat upang sa huli sa huli ay tayo?”
Tawang tawa tuloy si Nami, kasi it took a lot of processing before deciding to tell Aji about his little secret tapos kalokohan lang irereply nito sa kaniya?
“Aji..”
“Ano, bebe? Ano pa revelation meron ka? Kakaloka ka, girl.”
Nakangiti lang si Nami habang nakatingin kay Aji.
“I love you, boyfriend.”
Edi agad agad naman sumagot si Aji. Instinct ba kahit first time yon banggitin ni Nami.
“Mahal din kita.”
Beep. Buffering. Blue screen. System Error.
“Huh?!”
Gulat na gulat reaction ni Aji. Sobrang OA lalo nung laki ng mata tapos napa bilog pa yung labi na mapula. Tapos maya maya namumula na yung mata, mukhang paiyak na eh.
“Why ka mag cry?”
“Parang baliw naman, Bebe eh. Naiiyak ako talaga, totoo ba?”
Tango naman sinagot ni Nami tapos hinila papunta sa dibdib niya si Aji. Halos tatlong buwan din bago maging si Aji at Nami officially. Kaya ayan lumabas pagiging cry baby ni Aji. Tapos si Nami naman todo suyo rin. Big Baby niya eh.
Parang ilang minuto sila ganon lang. Nasa sala sila at nakasubsob ang mukha ni Aji sa dibdib ni Namiel, tapos na umiyak pero nakasubsob pa rin ang mukha pero yung mga kamay ni Aji? Kung saan-saan na gumagapang eh. Kanina nasa likod lang yan ni Nami humahaplos pero ngayon nasa loob na ng manipis na short ni Nami ang kamay niya, ni panloob sa short wala si Nami kasi sa condo lang naman sila eh.
Dama na dama ni Aji ang init ni Nami. Nilalamas yung pwetan ng nakababa, dinaig pa kinukuhanan ng dugo sa sobrang pag piga sa pwet ni Nami eh.
Napasubsob na rin tuloy ang mukha ni Nami sa ulo ni Aji. May halinghing na lumalabas. Syempre masarap. Ramdam na ramdam niya yung taba at haba ng daliri ni Aji eh.
“Aji…” bulong yan ni Nami. Hindi na nga maintindihan ni Aji kung ayun ba talaga sinabi ni Nami o ano. Basta ang gusto niya mapagbigyan si Nami.
Hindi nakibo si Aji, talagang focus na focus sa ginagawa niya. Yung kamay niya na nasa pwet ni Nami? Napunta sa nababasa niyang butas. Kahit si Nami naramdaman yung pagkabasa niya eh.
“Baby, please… Pasok..”
Ayun. Nagbakbakan na nga. Nasa mature roles na sila. Insert Armansalon’s: Jusko po. Jusko po!
Hingal na hingal silang dalawa after ng mga actions na yon eh. Simula nung nag date sila hanggang make outs and humping lang nangyayari. Walang ganito, walang more than that. Tapos ayon nakahiga sila sa sofa nasa ibabaw si Namiel. Hindi pa rin makapaniwala si Alejandro sa mga narinig niya. Paminsan-minsan tumatawa siya mag-isa, tapos maya-maya mapapailing ulit na parang ngayon niya lang inaabsorb yung mga impormasyon sa utak niya. Tapos sinusubsob pa yung mukha niya sa leeg ni Nami at humahalik pa. Kakagigil eh.
“Bebe?”
“Oh?”
“Totoo bang freshmen pa lang crush mo na ako? Kaya mo ako binigyan ng drink non?”
Napaungit tuloy si Nami. Kasi ayon yung nakakahiyang part don!
“Mag sleep ka na lang, Aji.”
“De eh. Totoo nga?”
“Aji, sleep na lang!”
Lalong natawa tuloy si Aji. Panalo na naman siya sa buhay eh. Napapa, “Sino kaya diyanch?” siya eh. Para siya yung nag bigay ng kalahating Fita dun sa matanda sa commercial sa sobrang swerte niya. Mas lalo na sa yakap niya ngayon sa ibabaw niya.
“Grabe,” bulong ni Aji. “All this time.”
“All this time,” pangagaya ni Nami at inayos pa ang ulo para kagatin naman ang leeg ni Aji.
“Ouch, bebe!l”
“Tama na kasi.”
“Latag patibong ka, Bebe ah? Pero wala naman reklamo, sarap nga eh.” Nag tataas baba pa ng kilay si Aji, kitang kita mo yung after sex glow sa mukha eh. Partida hindi pa yan nakabihis mula sa mala Jackie Chan action nila ni Namiel kanina.
“Ganda ng mata mo, Aji.”
Alam agad ni Aji na iniiba lang ni Namiel yung topic eh, pero he is literally where he wants to be. Kaya tamang kagat lang ulit sa mga patibong ni Nami.
“Sayo ‘yan.”
Hinagilap niya pa yung kamay ni Nami para dalhin sa mukha niya. Binaba pa niya yung kamay nito hanggang makarating sa dibdib niya.
“Pati ‘to sayo.”
Para silang mga teenager na nag monthsary sa sobrang tamis eh. Tapos nilapit ni Namiel yung mukha niya kay Aji, siya na ulit nag initiate ng kiss. Sobrang mahal ni Namiel si Alejandro Choi. Ganoon din naman si Aji eh. Mahal na mahal niya rin si Namiel Yoon.
Walang nag eexpect na may mangyayaring ganito sa pagitan nilang dalawa. Mas lalo na si Aji. Never niya inexpect na magiging pag aari siya ni Namiel Yoon, parang pinangarap niya lang ‘to nung 19 siya eh. Ngayon bente dos na siya para siyang nakalutang sa ere. Feeling niya nga makakawayan niya na si Nate Jacobs sa afterlife eh.
Sobrang gaan sa pakiramdam. Sobrang laki ng pasasalamat ni Alejandro Choi sa lahat lahat eh. Kasi ito na yon, oh. Yung taong pinagdadasal at pinapangarap niya andito na sa tabi niya, tapos mahal na mahal pa siya. Excited na excited tuloy siya kung paano niya sasabihin sa Mama at Papa niya na, “This is it. Ito na siya.”
Parang dati nag rarant pa siya sa Mama Terry niya one time nung nalasing siya nung blinock siya ni Namiel na baka hindi niya na mapakasalan yung taong gusto niya. Ganon siya kasigurado kay Nami eh. Alam niya sa loob loob niya gusto niya ‘tong dalhin hanggang dulo ng simbahan.
100% sure na po, Tito Boy. Kumbaga ito na this, ready your hashtags na.
#NamiFoundHisRAYtone!
