Chapter Text
***
/3 years later/
3 years na ang nakalipas after everything happened and fortunately for Chanyeol, nakasama siya sa graduation kasabay ang mga batchmate niya since freshmen days dahil tinake niya ng summer 'yung mga subjects na namiss niya.
Palabas na si Chan ngayon kasama ang mommy niya ng hall dahil tapos na ang graduation ceremony and there's Baekhyun na nauna nang lumabas kanina pa, hindi nagpaalam kay Chanyeol to prepare the mini surprise for his boyfriend.
Nakasimangot si Chanyeol na naglakad papunta sa parking when someone from behind covered his eyes.
Maliit 'yung kamay, malambot din like Baekhyun pero alam niyang hindi 'yun si Baek. Alam niya kung gaano ka-slender ang fingers ni Baekhyun and based sa scent ng taong nagtakip sa mata niya ay ibang tao talaga 'yon.
One thing na memorize na niya sa mundong 'to is Baekhyun's natural scent. Hindi ang perfume nito or what but B's natural scent mismo na paborito niya above all.
/Halos araw-arawin mo ba naman ang kakahalik sa leeg nito, hindi mo pa ba makabisado ang amoy?/
Inalis ni Chanyeol ang kamay ng taong 'yon and turned around that made his jaw dropped nang makita kung sino 'yon.
Nagtaka na rin ang mama niya.
Who's that /cute/ little guy?
He resembles someone.
"K-kyungsoo?"
His brother nodded at him while smiling apologetically. Lumapit si Mrs. Lee sakanila.
"Your friend?" nakangiting tanong ng mom niya.
Chanyeol looked at Kyungsoo hesitantly. Gulat pa siya atska the last time they saw each other, hindi maganda at pinabugbog pa siya nito.
Why all of a sudden, Kyungsoo is acting this way?
May kakambal ba 'to?
Please lang. Ayaw na niya ng /epal/.
"I'm Kyungsoo po. Kyungsoo Lee. Chanyeol Park's half-brother." pakilala ni Kyungsoo kay Mrs. Lee, offering his hand for a shake.
Mrs. Lee seemed startled. Napatingin siya kay Chanyeol na tumango lang sakaniya.
"I met him sa Italy, ma.. while searcing for papa. He's one of those people who helped me for my living." pagsisinungaling ni Chanyeol.
Kyungsoo surprisingly looked at him. "Actually, the truth is why I'm here is because I visited dad's siblings in province and they told me that today is your graduation day, so I went here. I would like to personally apologize for what I'veㅡ" pero hindi na pinatapos ni Chanyeol magsalita ang kapatid niya.
Hindi pa rin alam ng mommy niya at wala siyang balak sabihin.
Mabait ang mama niya, sobra, pero sa ganung usapan?
Hindi alam ni Chanyeol kung ano ang magagawa nito kay Kyungsoo.
Tama na. Hindi naman siya galit, eh. Tapos na 'yun. Ilang taon na ang lumipas. Huwag nalang ungkatin.
"Ah! Would you like to come with us? We're having lunch with my friends and boyfriend." Chanyeol said, smiling meaningfully na nagets naman ni Kyungsoo that's why he nodded, umakto na parang wala lang ang lahat.
"No, thanks. Today is my last day here and I'm gonna go back to Milan tomorrow. I just came by to personally congratulate you."
Hindi pa nakakasagot si Chanyeol ay nagsalita na ang mommy nito.
"If you both excuse me." she smiled, Kyungsoo nodded. Humarap si Mrs. Lee kay Chanyeol, throwing him daggers. "You didn't tell me about this. We will going to talk later." bulong nito bago sila tuluyang lagpasan.
Chanyeol sighed. Bahala na.
"It's okay, Kyungsoo." tipid na sagot ni Chanyeol.
Kyungsoo looked down, playing with his fingers. "I'm so sorry for what I've done, Chanyeol. I lost my mind the moment I saw you. I became a beast and our little sister who helped you escaped made me realize that I was wrong, that I shouldn't blame you and do those things to you. I was in a deep sorrow when dad died.. I'm so sorry to let it out all to you. I'm really, really sorry." sabi nito, looking straight at Chanyeol's eyes.
Ramdam naman ni Chanyeol ang sincerity ng kapatid kaya tumango siya, pulling the smaller as they both hugged each other.
Mga hindi pa tumatagal ng 1 minute 'yung yakapan nila when someone from behind (ulit) called Chanyeol's name.
Parang gulat pa ang tono nito and Chanyeol knew kung sino 'yon at kung bakit ganun kaya bumitaw siya sa yakap at hinarap si Baekhyun na may hawak pang DIY banner na may nakasulat na,
"Congratulations, Captain!"
Loosely na ang pagkakahawak ni Baekhyun don kaya bago pa kung ano-ano ang isipin nito ay nilapitan na siya ni Chanyeol at wala sa sariling naipakilala si Kyungsoo after niya akbayan ang selosong boyfriend niya.
"B, si Kyungsoo, kapatid ko. Kyungsoo this is my boyfriend, Baekhyun." pagpapakilala niya sa dalawa.
Kyungsoo offered his hand to Baekhyun pero tinitigan lang ito ni Baek saka niya nilipat ang tingin kay Chanyeol.
Nagtatanong ang mga mata ni Baekhyun at saka lang narealize ni Chanyeol ang lahat.
Shit!
Galit nga pala si Baekhyun kay Kyungsoo.
Fvck.
Nang hindi nagsalita si Chanyeol ay mabilis na dumako ulit ang paningin ni Baek kay Kyungsoo. Hinawi niya ang kamay nito.
"You-" pero bago pa ito makapagsimula ng gulo ay hinapit na siya ni Chanyeol palapit sakaniya at niyakap patagilid.
Baekhyun's face is now buried on the crook of Chanyeol's neck.
"I guess this is it.. Let's just talk again soon, hm? We have to go. Bye, Kyungsoo!" paalam ni Chanyeol.
Kumaway naman si Kyungsoo sakanila habang nakikita niya ang pagpupumiglas ni Baekhyun at natawa pa siya nang buhatin na ng kapatid niya si Baekhyun na parang sako saka pinalo pa ang pwet nito.
Cute.
Nakasalubong pa nga nila Chanyeol si Jongin na babalikan ang naiwan niyang toga. Nagtataka ang mukha nito kung bakit buhat niya ng ganun si Baek.
"Tol, anong nangyari?"
Umiling si Chanyeol saka saglit na nilingon si Kyungsoo na nakatayo pa rin sa pinag-iwanan niya rito, may kausap sa phone.
"Nakikita mo 'yon?" tanong ni Chanyeol sabay turo sa kapatid.
Kumunot ang noo ni Jongin at nang makita ang tinuturo ni Chanyeol ay tumango siya, "Oh bakit? Wag mong sabihing type mo kaya ganyan si Baek ngayon." natatawang sabi nito.
"Shut up, Jongin! I'm going to smack the face of that bitch!" sigaw ni Baekhyun habang pilit inaangat ang ulo niya at pinapalo ang likod ni Chanyeol.
Napapatingin na nga ang napapadaan sa tabi nila. Para silang ewan.
Hindi siya pinansin ni Chanyeol at nagpatuloy lang sa sasabihin kay Jongin kahit ang dami pang dada ni Baekhyun.
"Puntahan mo. Accompany mo muna hanggang makaalis. Kapatid ko 'yun, tol. Ikaw na bahala." sabi nito.
Nagets naman agad ni Jongin kung sinong kapatid 'yon at kung bakit ganun si B. Alam niya ang nangyari, eh.
Tumango ito saka tinapik ang braso ni Chanyeol.
"Sige, ako na bahala."
"Salamat!" sagot ni Chanyeol bago sila naglakad in opposite directions.
Nang makarating sa kotse ay nilapag na ni Chanyeol si Baek sa passenger seat. Nakaupo na si Mrs. Lee sa backseat.
"Ibaba mo ko! Haharapin ko pa 'yung-" Chanyeol cut him by pecking his lips.
Naririnig naman ng mommy ni Chanyeol ang lahat at naweweirdohan na siya.
"Sarap. Mamaya ulit, ha? Grad gift." pagkindat pa ni Chanyeol that made his boyfriend shut up.
Magrereklamo pa nga dapat ito after he recovered nang may magsalita from the backseat. Hindi niya alam na andun na pala ang mom ni Chanyeol.
"Kissing, hm?" mapang-asar ang tono nito, causing Baekhyun to blush.
"T-tita, andyan po pala kayo."
Mrs. Lee chuckled, "Nahiya ka pa? As if I'm not aware of what you both have done already." sabi nito.
Awkward na napangiti nalang si Baekhyun.
One time kasi nahuli sila nito while making-out.
Malay ba ni Chanyeol na maaga pala ang uwi nito. Ayun, huling huli ang position na B is underneath Chanyeol's naked upper body sa couch.
Napaka landi lang.
"Tara na. Lunch time. Kikitain nalang daw natin sila Dae don sa restau, diba?" tanong ni Chanyeol after makapasok and started the engine.
Baekhyun nodded, smiling at Chanyeol at ngumiti naman ito sakaniya pabalik.
Habang tahimik lang silang tatlo sa byahe ay biglang tumunog ang cellphone ni Chanyeol so he asked Baekhyun to read the message for him.
"It's Jongin."
"Anong sabi?"
Kumunot ang noo ni Baekhyun sabay natawa nalang din sa nabasa.
"Hey dude, thank you for asking me to accompany your brother. Masungit pero okay lang. Umaakto lang siya sa size ng bottoms niya."
***
Baekhyun yawned after isara ang laptop niya.
Nakakapagod talaga. Puro nalang thesis.
He stretched both of his arms saka tumayo para sana pumunta ng CR when the door of his room suddenly opened and revealed his boyfriend na kapareho niyang puyat at pagod na rin kaka-aral.
"Oh, akala ko ba you're busy for your reviews? What are you doing here?" tanong nito sabay lapit kay Chanyeol pero hindi ito sumagot, instead the giant hugged him, resting his head on Baekhyun's shoulder.
"Pagod na ko, love. I need to take a break. Ayoko na."
Baekhyun chuckled, soothing his boyfriend's back.
"Matatapos din 'yan. Next week na ang board exam diba?"
Tumango si Chanyeol saka inangat ang ulo niya at nagpout. "Kiss."
Baekhyun giggled, tiptoeing to give his giant a peck on the lips.
"I love you. Goodluck, future engineer."
Napangiti si Chanyeol, enveloping Baekhyun's small frame inside his long arms. "Goodluck din sa thesis, my future architect."
They both smiled at each other.
Who would've thought na 'yung dating nag-aasaran lang naman ay few steps nalang sa pag-abot ng mga pangarap nila?
From a simple high school enemies to high school and college lovers and now, a future engineer and an on-process architect.
Sobrang nakakaproud in both party's side.
Umupo sila sa kama. Sumandal si Baekhyun sa headboard while Chanyeol being the giant baby that he is, ay humiga lap ni Baekhyun. The latter stroked his soft locks naman.
"I love you, booster." biglang sabi ni Chanyeol, touching Baekhyun's bottom lip.
Napangiti rin si Baekhyun.
Engineer and architect? Yes, maybe.. but they will always be each other's captain and booster.
Hindi man na part si Chanyeol ng team, hindi man na ito team captain.. he will always be the one who hold's the highest rank in Baekhyun's heart.
Always.
"I love you too, my captain. I prefer calling you that." sagot nito before lowering his head, closing his eyes and let his boyfriend engulf his thin lower lip using the latter's plump one.
Perfect.
ㅡ
"Baekhyun! Pumunta ka raw sa office ni big boss, galit na galit!"
Napatayo naman kaagad si Baekhyun.
Antok na antok pa siya dahil katatapos lang ng ginawa niyang project for a 1 month kagabi at kapapasa niya lang ng output kaninang umaga. Ni wala pa siyang matinong tulog for 3 straight days tapos mukhang may iuutos nanaman ang big boss.
Hindi na niya pinansin ang mga kasamahan nila at diretsong lumabas ng office para puntahan ang big boss ng firm.
Mabilis siyang pumasok sa office at sinalubong siya ng big boss nila na nakatalikod sakaniya habang nakaupo sa swivel chair niya.
"Engineer Park." formal na tawag ni Baekhyun.
Syempre, nasa work sila.
Dahan-dahan itong humarap sakaniya pero hindi na niya nakita ang expression sa mukha nito dahil napatingin siya sa sahig nang may gumulong na bola sa may paanan niya.
"Architect Byun, please pakipulot ng bola." utos nito using his authoritative tone.
Confused man ay yumuko si Baekhyun para abutin ang bola at napatigil siya sa nabasa niya.
"Will you marry me?"
