Chapter Text
Nakaupo ang 1st year high school na si Kyungsoo sa auditorium ng school nila para sa unang rehearsals ng mga pasok sa talent show ng school. Wala syang kilala kaya pinili nalang nyang umupo sa bandang likod ng mag-isa, tinititigan ang ibang mga kasali, may mga mag-sising and dance na girl group, may magician, may ibang mga singer din na kagaya nya, at iba’t iba pang mga kumpol ng mga tao na hindi nya sure kung yung isang grupo ba ay sasayaw o magsisimbang gabi.
“Hello everyone! Welcome and congrats sa pagpasa sa auditions! palakpakan nyo mga sarili nyo! Okay mag-rroll call ako ng mga pangalan nyo just say present tapos akyat sa stage para madecide na ang pagkasunod-sunod ng performances nyo. Okay?
“Do Kyungsoo?”
“Present!”
Dahan-dahang umakyat si Kyungsoo sa stage. Lingid sa kaalaman nya na yung mga binabash nyang mukhang magsisimbang gabi ay kinakantyawan ang isang kasama nila, nabanggit kasi nito kanina na ang cute ni Kyungsoo habang pinandidilatan nito ang mga tao sa auditorium.
“Oh, ayan Jongin alam mo na pangalan, mahahanap mo na ‘yan sa Friendster!”
“Siraulo-”
Bago pa man makasagot si Jongin sa kasama ay tinawag na ang grupo nila.
“EXO?”
“Present po!”
“Okay, yung representative ng dance troupe lang ang aakyat.”
Panay ang hiyawan ng mga kasama ni Jongin habang umaakyat sya ng stage papunta sa tabi ni Kyungsoo.
Nang makalapit si Jongin ay napagtanto nyang cute nga talaga ito.
“Hi, ako nga pala si Jongin.”
Lumingon si Kyungsoo sa nagsalita at nakitang katabi nya na pala ang captain ng dance troupe.
“Hello. Kyungsoo.”
Matipid na sagot ni Kyungsoo sa binata.
----------------------------
Lumipas ang ilang rehearsals at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naging sobrang close na nina Kyungsoo at Jongin. Baka dahil na rin sa bet na bet ni Jongin si Kyungsoo, kahit hindi man nya ito aminin sa sarili, pero magaan din naman kasi ang loob ni Kyungsoo kay Jongin.
Nagsimula siguro noong nag-stay si Jongin sa auditorium kahit tapos na ang grupo nila at nakita ito ni Kyungsoo na nakaupo sa audience. Agad naman nyang nilapitan si Jongin after nyang kumanta.
“Oh, Jongin? Bakit nandito ka pa? Tapos na kayo ‘di ba? May naiwan ka ba?”
Napakamot naman sa batok si Jongin at ngumiti. Isang bagay na dapat malaman ng netizens tungkol kay Jongin ay ang pagiging sobrang honest nito, kahit anong maisip nya ay sasabihin nya. Kaya naman nung tinanong sya ni Kyungsoo kung bakit sya nandito eh sinabi na nya.
“Gusto kasi kitang marinig kumanta.”
Nanlaki ang mga mata ni Kyungsoo at napatitig sa binata.
“Sa totoo lang gandang-ganda talaga ako sa boses mo, kung may album ka ako ang unang-unang bibili. Kahit matalo mo kami sa talent show na ‘to walang kaso sakin pero wag ka maingay kasi baka kalbuhin ako ng teammates ko.”
Napatitig si Jongin kay Kyungsoo nang marinig nya itong matawa ng mahina habang namumula ang mga pisngi.
Parang ang sarap kurutin... Sa isip isip ni Jongin na agad naman nyang binura sa utak nya kasi para syang siraulo.
“Salamat, Jongin.” Mahinang sabi ni Kyungsoo habang nakangiti.
Parang ang sarap alagaan.
----------------------------
Walang kaalam-alam si Kyungsoo sa mga crush crush na yan at wala syang interes dahil busy syang mag-aral at mag-isip ng paraan kung paano sila makakaahon ng pamilya nya sa araw-araw. Pero kung may initial man na idea si Kyungsoo sa mga ganyang bagay eh malamang malalaman nyang unti-unti nang gumagapang si Jongin sa puso nya, one giling at a time.
Simula noon ay palagi nang hinihintay ni Jongin matapos si Kyungsoo sa rehearslas at sabay na din silang umuuwi kahit iba ang way ni Jongin pero hindi na dapat malaman ni Kyungsoo ‘yon. Minsan sabay na din silang mag-lunch dahil napapansin ni Jongin na mag-isa lang si Kyungsoo, hanggang sa naging araw araw na.
Paborito nila ang pagdaan kay manong turon tuwing umaga, dahilan na din ito ng pagsabay nilang pumasok sa school. Sa unang tingin ay mukhang tahimik lang si Kyungsoo pero kapag magaan ang loob nya sayo ay ubod ito ng daldal, walang kaso kay Jongin, paborito nyang pakinggan ang mahinahong boses nito at ang kaakibat na mga kwento.
Mahilig itong mag kwento ng kung ano-ano mula sa kung paano sya mag-aral pagdating sa bahay hanggang sa pangarap nyang maging isang singer balang araw.
“Ayos, magkikita pala tayo sa stage eh. Ako, bilang isang sikat na dancer at ikaw naman singer!”
