Actions

Work Header

sinulid ng pag-ibig, patungo sa'yo

Chapter Text

Loving Cheng Xiao was different from loving Xiao Zhan.

 

Sobrang layo talaga ng experience.

 

Alam niyang hindi niya dapat kinukumpara, pero mas magaan sa loob ang mahulog kay Cheng Xiao. Dahan-dahan, paunti-unti. Pagkarating niya sa baba, he wasn’t caught off guard. Alam niya kung kailan siya nagsimulang mahulog, at pinayagan niya ang sarili na mas mahulog pa sa kanya.

 

Falling in love with Cheng Xiao was easy, kasi sa simula pa lang, mahal na talaga niya si Cheng Xiao bilang kaibigan. It only took a little of him to level up those affections.

 

At, sino nga bang hindi mahuhulog para kay Cheng Xiao? Siya yung hinahangad ng nanay mo na iuwi mo sa inyo; nasa kanya na kasi ang lahat. Noong una, hindi ito masyadong pinansin ni Yibo kasi hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya rito.

 

Pero, nung tumagal, natuklasan niyang may ilalalim pa pala ang mga ito.

 

Katulad ng ganda niya. Oo, sa unang tingin, maganda talaga si Cheng Xiao. Malakas ang dating dahil sa mga mata niya tapos ipares mo pa sa RBF niya. Hindi alam ni Yibo kung kailan siya natuwa na makitang nagcricrinkle yung mata ni Cheng Xiao pag ngumingiti. Simula nun, gustong gusto na niyang kinukulit o pinapangiti ang babae para lang makitang magcrinkle ang mata nito. Cute.

 

Hindi rin alam ni Yibo kung kailan niya napansin na ang liit ni Cheng Xiao. Maliit din si Yibo, at gustong-gusto niya kung paano sila nagfifit kapag magkasama silang nakatayo. Gusto rin niya na tamang-tama lang ang height ni Cheng Xiao para halikan niya. Ilang beses na siyang nagnakaw ng halik sa kanya this way.

 

Matalino si Cheng Xiao. Hindi lang dahil may laude siya. Alam niya kung paano magadjust sa tao at makipag-usap, so madali niyang nareresolve ang internal issues between employees. Alam din niya kung kailan pupunta ng canteen para mabili yung favorite ni Yibo na beef tripe sandwich bago maubusan.

 

At, higit sa lahat, mapagmahal si Cheng Xiao. Ever since naging girlfriend niya ito, hindi niya tinago o pinagdamot ang pagmamahal niya. The thing is, hindi showy si Cheng Xiao. Medyo nahirapan si Yibo i-determine yung galaw niya. Ngunit, di tumagal, napansin niyang nasa galaw ni Cheng Xiao ang lahat. Dancer nga naman. Kapag katabi niya si Yibo, automatic na nakaharap sa kanya ang buong katawan nito, para bang buong pagkatao niya ang nagbibigay atensyon kay Yibo. Naintindihan din niya ang bawat hampas at haplos nito, depende sa sitwasyon. Gustong gusto din niya kapag ginugulo ni Cheng Xiao yung buhok niya; there was something fond about how she did it, and feeling ni Yibo inaalagaan siya nito.

 

Binigyan siya ng sense of peace ni Cheng Xiao, na para bang kaya nitong alisin lahat ng naranasan niyang sakit noong minahal niya si Xiao Zhan sa puso niya. Corny na kung sa corny, pero safe place ni Yibo si Cheng Xiao. 

 

Ano nga yung sabi ng kanta noon?

 

Lucky I’m in love with my best friend ?

 

Totoo nga ito.



Date night ngayong gabi. Simpleng movie night lang naman sila kasi pinapasok sila ngayong Sabado. Ayaw na rin naman lumabas ni Cheng Xiao, kaya nagpunta na lang sila sa bahay ni Yibo. Thankfully, umakyat na ang parents ni Yibo para bigyan sila ng space sa sala.

 

“Wag kang makulit ha, andito sa bahay parents mo.” Warning ni Cheng Xiao sa kanya habang pumipili ng movie sa screen. Natawa na lang si Yibo.

 

“Bakit? May plano ka ba, kaya ka nagwarning?”

 

“Salbahe ka, alam mo,” pinalo ng babae si Yibo. “Anong panoorin natin?”

 

“Spiderman?”

 

“Alin dun?”

 

“Ikaw na pumili, okay lang ako sa kahit ano.”

 

“Mmkay,” pinili ni Cheng Xiao ang Spiderman 2. Kinuha ni Yibo ang popcorn na kakapop lang sa microwave. Dinikit niya ang sarili niya sa tabi ni Cheng Xiao at nilagay sa coffee table. Kinuha niya ang kamay nito at inintertwine ang kanilang kamay habang nanonood.

 

“Corny mo, alam mo ‘yun,” bulong ni Cheng Xiao habang nakatingin sa screen.

 

“Parang ‘di rin siya nakahawak sakin.”

 

“Alam mo, nakakaasar ka.”

 

“Oo na, madaming ako.”

 

Nagtinginan sila at nagtawanan. Hinarap ni Cheng Xiao si Yibo. “Yibo, anong nakikita mo satin in 5 years?”

 

Medyo nagulat si Yibo sa question. “Hmm, mas marami na tayong pera?”

 

Namula si Cheng Xiao at nilihis ang tingin. “Ah, ‘tayo’...”

 

“Bakit? May problema ba?”

 

“Wala lang,” humina ang boses ng babae. “Hindi ko kasi sure kung… gusto mo bang maging long-term ‘to.”

 

“Huh?” Kinuha ni Yibo ang remote kay Cheng Xiao at pinatay ito. He tugged at her arm gently, and parehas silang tumayo. Habang dala-dala ang popcorn, pumunta sila pareho sa kwarto ni Yibo. Pinaupo niya si Cheng Xiao sa kama habang siya naman ay nakaupo sa computer chair niya. “Okay. What’s wrong?”

 

It was Cheng Xiao’s turn to be puzzled. “Huh?”

 

“Bakit di ka sigurado satin?”

 

“Hindi naman sa hindi ako sigurado, Yibo.” Hindi siya matignan ni Cheng Xiao. “Don’t get me wrong, Yibo; hindi ko pinagdududahan yung feelings mo ngayon.” Kinagat niya ang labi niya. “Pero, iba na ang usapan kapag nagtagal.”

 

Kumunot ang noo ni Yibo. “Mukha ba akong aayaw na lang bigla in the future? Ganon ba kaliit tingin mo sa feelings ko?”

 

“Hindi!” Umiling si Cheng Xiao. Triny niyang kunin ang kamay ni Yibo, but she decided against it. “Insecure lang ako, Yibo. You learned to love me, and I’m grateful for that, pero hanggang kailan mo ako mamahalin? Hindi naman kasi ako yung pinili mo in the first place, and oo, naiintindihan ko ‘yun. Di mo naman kayang diktahan ang puso. I’m just… irrationally preparing for the day you decide to leave me.”

 

Gustong magalit ni Yibo. May part sa kanya na naooffend na ganon na lang ang tingin ni Cheng Xiao sa feelings niya. Nalulungkot siya na hindi mapagkatiwalaan ng babae ang nararamdaman niya para rito. Ngunit, come to think of it, hindi niya masisisi si Cheng Xiao kasi tama siya. Kung siya ang nasa posisyon nito, he would probably feel the same way. Oo, he committed himself to learning to love the girl in front of him, pero paano kung magmahal ulit ang puso niya ng iba? 

 

Kahit kailan, kahit anong pilit mo, hindi mo madidiktahan ang ninanais ng puso mo.

 

He took the hand she raised earlier, yung dapat hahawak sa kanya. “Cheng Xiao, look at me.” Noong nasigurado niyang nakatingin na ang babae sa kanya, saka siya nagsalita. “Oo, natutunan kong mahalin ka. At, oo, hindi ko masasabi kung kailan magbabago ang puso ko, pero, Cheng Xiao, I promise you—”

 

“Yibo!” Narinig nila ang sigaw ng mama niya from outside. Binitawan niya si Cheng Xiao at binukas ang kanyang pinto.

 

“Yes, ma?” Tanong niya.

 

“Halika muna dito, may dumating para sa’yo.” 

 

Tinignan niya si Cheng Xiao. Halatang may gusto pa siyang sabihin, kaso he’d have to delay that later. Parehas silang lumabas ng kwarto at bumaba. 

 

“Ano ‘yun, ma?” Tanong ni Yibo pagkarating nila sa sala. Binigay ng nanay niya ang isang envelope na pula. Puno ito ng lace.

 

Yibo flipped it over. Kamuntikan niyang maibagsak ang envelope.



You are cordially invited to the wedding of

 

Xiao Zhan 

&

Liu Zhang Min

 

Saturday, XXX XX, XXX,

6’o clock in the evening

Quezon City, Philippines

Notes:

Comment kayo plz miss ko na kau char