Actions

Work Header

Rating:
Archive Warnings:
Category:
Fandoms:
Relationship:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2020-08-10
Completed:
2021-01-04
Words:
7,501
Chapters:
8/8
Comments:
4
Kudos:
37
Bookmarks:
1
Hits:
282

Panliligaw ni Sasuke

Chapter 8: IKAWALONG YUGTO: Tagpo XXII - XXVII

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

XXII. Naruto & Sakura 

 

“Ako na po ang sasagot sa pintuan, ma! Sino po s–NARUTO!”

“Nakakatuwa naman na damang-dama kong namiss ko ako sa higpit ng yakap mo, Sakura.”

“N-nandito ka na! Hindi ako makapaniwala! Teka, may mga galos ka pa sa braso at mukha ah. Ayos ka lang ba? Si...si Sasuke?”

“Oo. Kaya ako tumungo rito para dalhin ka sakanya.”

“Naruto...bakit tila...hindi ka ganoon kasaya?”

“Wag mo akong alalahanin, Sakura. Dadalhin nalang kita kay Sasuke. Maaari ba kitang isama ngayon?”

“M-ma? Pa? Pwede po ba ak–”

“Walang problema, anak. Sige na, sumama ka na kay Naruto.”

“Tama si Kizashi, Sakura. Ang mahalaga ngayon ay malaman mo ang kalagayan ni Sasuke.”

“S-salamat po! Naruto, ang tagal kong hinintay na makita siyang muli! Saan natin siya pupuntahan?”

“...sa ospital, Sakura.”

 


 

XXIII. Mikoto, Fugaku, Itachi, Naruto & Sakura

 

"Fugaku, mahal...Itachi...malalagpasan kaya ito ni Sasuke? H-hindi ko kaya kapag–"

"Tch. Ako dapat yung nandiyan eh. Ang kulit kasi ni Sasuke! Kung hindi niya ako inunahan ako dapat yung nasa loob ng tore ng pangulo nung sumabog yung bomba."

"Itachi,wag mong sisihin ang sarili mo. Alam kong gusto mong protektahan si Sasuke, ngunit alam niya ang ginagawa niya kahit pa minsa'y pabugso-bugso ito. Kung tutuusin, isang kabayanihan ang ginagawa niya kaya nandito pa tayo ngayon. Ipinagmamalaki ko siya."

"Sigurado akong matutuwa siya kapag narinig niya yan sa'yo mismo, Mahal."

"Alam ko, Mikoto. Sana nga'y marinig pa niya 'yon."

"Tiyo, heto na po si Sakura."

"Naruto, kayo pala 'yan."

"O-opo. Ikinalulungkot ko po ang nangyari, Don Fugaku, Tiya Mikoto, Kuya."

"Sakura! Mabuti at nandito ka na. Matutuwa si Sasuke kapag..kapag nagising na siya at ikaw ang una niyang nakita."

"Salamat po,Tiya. K-kamusta na po si Sasuke?Naibahagi po sa akin ni Naruto ang nangyari sa Suna."

"Hindi ganoon kabuti,Sakura. Naka-coma siya."

"Marami rin siyang sugat bunga ng pagsabog, Sakura, pero ipinagpapasalamat nalang namin na hindi siya ganoon kalapit sa mismong pinagtaniman ng bomba dahil palabas na siya sa tore ng pangulo nang sumabog ito, naligtas din niya lahat taong nasa loob."

"...kahit saan talaga uunahin ni Sasuke ang iba. Salamat po sa impormasyon, Tiya Mikoto at Don Fugaku. Masaya po ako na nakauwi rin kayo nang ligtas ni Kuya Itachi."

"Salamat, Sakura. Tama ka. Ligtas kami at ang mga kamag-anak ni Gaara dahil kay Sasuke."

"Sakura?Maaari bang maiwan ka muna namin upang bantayan siya? Nais ko munang makapagpahinga si Fugaku nang hindi kumirot nang husto ang pilay at mga sugat niya."

"W-wala pong problema. Maraming salamat po sa tiwala, Tiya."

"Magiging anak ka rin naman namin."

"Sasabay na po ako, Tiya, Tiyo. Sakura, maiwan na kita rito. Nandito pa naman si Kuya Itachi. Kung kailangan mo ng susundo sa'yo pauwi tawagan mo lang ako."

"Maraming salamat, Naruto."

 


 

XXIV. Itachi & Sakura 

 

"Salamat sa pag-aalala sa kapatid ko, Sakura. Alam mo bang lagi niyang sinasambit ang pangalan mo dahil nangungulila siya sa'yo noong nasa Suna kami? Mahal na mahal ka talaga niya, Sakura."

"Kuya, ewan ko pero...minsan pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal ni Sasuke."

"Mahal mo ba siya?"

"..."

"Hm. Oo nga naman, mas mabuti kung ang kapatid ko na ang unang makarinig ng sagot mo. Sakura, tandaan mo, hindi na mahalaga kung karapat-dapat ka ba o hindi sa pagmamahal ni Sasuke dahil siya naman ang pumiling mahalin ka. At kung mahal mo rin siya, wag kang matakot. Wag kang mag-alinlangan. Ang tibay ng pagmamahal niyo sa isa't-isa ang tatanggal sa kung anumang alinlangan ang meron kayong dalawa."

"K-kuya Itachi, salamat. Maraming salamat po sa paalala. Tatandaan ko ito."

"Walang anuman. Tulad ng sabi ni mama, magiging kapamilya ka rin naman namin."

"Kuya!"

"Nakakatuwa ka pala pag namumula, Sakura."

"Kuya Itachi naman eh. Pareho talaga kayo ni Sasuke."

"Gusto ko lang pagaanin ang pakiramdam natin. Hay. Sana magising na siya."

"May...sinabi po ba ang doktor kung hanggang gaano katagal na nasa coma si Sasuke?"

"...wala. Hindi rin nila sigurado. Pero nagtitiwala akong kakayanin ni Sasuke. Kailangan ka pa niyang balikan. Hindi ba't nangako siya sa'yo?"

"...O-opo, kuya."

"Laging tumutupad sa pangako si Sasuke,naniniwala ako. O siya,uuwi muna ako para makita ang mag-ina ko, Sakura. Salamat sa pagpayag na magbantay kay Sasuke."

"Ah sige po, Kuya Itachi. Basta po para sa kanya. Pakikamusta nalang po ako kay Ate Izumi."

"Sige."

 


 

XXV. Sakura

 

"...Sasuke? Alam mo ba, noong mga bata pa lamang tayo, pangarap ko nang mahawakan ang kamay mo nang ganito. Di ko naman alam na...ngayong hawak ko na ang kamay mo, nakahiga ka naman dito, walang malay matapos ang pag-sakripisyo mo.

"Dati, lubusan lamang akong nahuhumaling sa'yo, Sasuke. Paano ba naman kasi,walang katumbas ang kagwapuhan mo. Pero habang patuloy kitang nakilala, at...at lalo na noong sinimulan mo akong ligawan, tila,..naintindihan ko nang iba ang pagkahumaling sa pagmamahal.

"Tuwing binibigkas mong mahal mo ako, tuwing tinutumbasan mo ng kilos ang mga salita mo, pakiramdam ko nananaginip ako. Yung tipong kung maaari lamang ay wag na akong magising dahil nais ko pang maramdaman ang pag-ibig mo sa akin. Pero Sasuke...aaminin ko, natatakot akong hindi ko matumbasan ang pagmamahal mo.Pero tama si Kuya Itachi.Hindi ko kailangang mag-alinlangan.Hindi ko kailangang matakot.

Kaya mahal...pwede bang...pwede bang masilayan ko na ang mga mata mo? Pwede bang balikan mo na ako tulad ng sabi mo? Maghihintay ako, Sasuke. Naniniwala akong makakaya mo ang pagsubok na 'to. Naniniwala akong hindi sayang ang pangungulila ko sa'yo, maging ang mga luha kong ito. At Sasuke, naniniwala rin ako na...na darating ang panahong masasabi ko sayo ang nararamdaman ko."

 


 

XXVI. Naruto & Sakura

 

"Hindi ako makapaniwalang dalawang linggo nang ganito si Teme. Tsk! Hindi naman siya ganyan kahina eh."

"..."

"Masyadong kasi siyang pabugso-bugso! May plano ang hukbo pero bigla na lang siyang sumugod sa tore. Pambihira!"

"..."

"T-teka,Sakura ayos ka lang?"

"..."

"Loko talaga 'tong si Sasuke o! Pinalulungkot tayo nang ganito. Halika nga, Sakura."

"...masyadong mahigpit, Naruto."

"Pasensya na. Alam ko lang kasing sobrang nalulungkot ka na, lalo na't ganito pa rin ang nakikita mo araw-araw. Sigurado akong gusto ka na ring mayakap ni Sasuke, Sakura. Gusto mo ba kwentuhan na lang kita para gumaan kahit papaano ang nararamdaman mo?"

"Magku-kwento ka naman kahit umayaw ako eh."

"Hahaha! Sakura naman! Pero tama ka. Hmm...eto, alam mo bang sa'kin siya nagtanong kung paano manligaw?"

"T-talaga?"

"Oo! Noong kaarawan yon ni Tiya Mebuki, noong naabutan mo kaming nag-uusap bago mo kami imbitahin sa tahanan niyo. Noong gabi ring 'yon, nagpaalam na pala siya agad sa mga magulang mo at nagsabi sa'yo. Ang bilis niya diba?"

"Nang sunod ko siyang makita, sobrang lawak ng ngiti niya aba! Halos hindi ko makilala! Haha! Pero sobrang saya lang talaga niya noong pumayag kang magpaligaw, Sakura. Noon ko lang nakitang ganoon kasaya si Sasuke. Doon ko napagtanto na labis labis talaga ang pagmamahal niya sa—hala, Sakura! Bakit ka lumuluha? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?"

"W-wala. N-naruto, kailan kaya magigising si Sasuke? M-magigising pa ba talaga siya? Hindi ko na kayang nakikita siyang ganito. Labis ang kirot sa puso ko."

"Alam ko, Sakura. Alam ko. Pero alam ko ring alam mo na isa si Sasuke sa pinakamatatag na taong kilala nating dalawa. Marahil ay nagpapalakas pa ang katawan niya para masigla siyang muli kapag nakita ka na niya."

"T-tama ka. Malakas si Sasuke. Sana nga ay—"

"Ngayon ka pa ba mawawalan ng tiwala sa kanya, Sakura? Wag ka nang umiyak, pakiusap. Malulungkot si Teme kapag nakikita kang lumuluha eh. Heto, isa pang kwento...alam mo ba, yang si Teme, bukambibig ka roon sa Suna! Tapos may pagkakataong may miyembro ng hukbo na bumanggit sa pangalan mo dahil sobrang kaakit-akit daw ng mga mata mo, ay naku, Sakura! Ang Teme, biglang umeksena, sabi ba naman—ehem, ehem—'kung ano mang binabalak niyo kay Sakura, tigilan niyo na.'"

"Naruto naman eh! Ang pangit ng pagkagaya mo!"

"Aba, ikaw na nga itong pinapatawa, nanlalait ka pa. Masamang impluwensiya talaga sa'yo si Teme ha! Ayan, tumatawa ka na. Ganyan lang, Sakura. Maging matatag tayo para sa kanya."

"Salamat, Naruto. Pagpapala talaga na kaibigan ka namin."

"Sakura,walang anuman."

 


 

XXVII. Sakura & Sasuke 

 

"Dalawampu't tatlong araw, Sasuke. Mali bang hangaring mayakap ka nang ganito habang gising ka?"

"..."

"..."

"...medyo mabigat ka, Sakura."

"S-sasuke?! Sasuke! G-gising ka na nga! Teka, kamusta ang pakiramdam mo? Tatawag muna ako ng nurse upang m—"

"Sakura, ayos lang ako. Nakita na kitang muli eh."

"...Sasuke!"

"Masaya akong nangulila ka rin sa'kin ngunit masakit makitang lumuluha ka."

"P-pasensya na. H-hindi ko lang...hindi ko lang talaga mapigilang matakot na baka hindi ka na magising. Kaya di ako makapaniwala na talagang heto ka na. L-labis ang saya ko, Sasuke! Salamat sa Diyos at nairaos mo ang laban hanggang dito!"

"Wala ka nang dapat ipag-alala, Sakura. Nandito na 'kong muli – buhay, gising, at iyong-iyo pa rin."

"S-sasuke, maligayang pagbabalik."

"Aa. Nakauwi na nga talaga ako sa'yo, Mahal ko."

"Sandali, Sasuke. Sigurado ka bang ayos ka lang? Wala bang masakit sa'yo?"

"Oo. Susubukan ko lang umupo."

"Tutulungan na kita. O, dahan-dahan."

"Salamat, Sakura...hinintay mo ba akong magising?"

"Dalawampu't tatlong araw,oo. Ang sakit pala, Sasuke, yung makasama ka araw-araw ngunit wala ka namang malay. Hindi ko tul—"

"..."

"..."

"...S-sasuke..."

"Pasensya na. Alam kong hindi pa kita maaaring halikan dahil hindi mo pa ako sinasagot, pero Sakura, sobrang nangulila ako sayo. Bawat araw na nasa Suna ako,hinangad kong kinabukasan ay masilayan ko na ang mukha mo. Pero ngayon, nandito na 'ko, hindi man lubusang mabuti ang kalagayan ko, parang sasabog ang puso ko sa ligaya dahil hinintay mo ako. Salamat."

"Hindi ka dapat humingi ng tawad, Sasuke..."

"..."

"..."

"T-teka, Sakura. Bakit...bakit mo ako hinalikan?"

"Dahil mahal kita. Mula ngayon ay sinasagot na kita, Sasuke. Nung panahong wala ka, napagtanto ko na sana pala noon ko pa nasabi sayong mahal din kita."

"A-aray, aray, sandali."

"Sasuke? Dahan-dahan ka lang, may mga sugat ka pa!"

"Ayos lang ako. Salamat. Pero...hindi ba nasira ng bomba ang pandinig ko, Sakura? M-mahal mo rin ako at...at tayo na?"

"Bihira ko yata marinig mautal ang isang Sasuke Uchiha. Pero oo. Mahal na mahal, Sasuke. Pasensya ka na ha, na ngayon ko lang napagtanto na totoo at malalim pala ang nararamdaman ko para sa'yo. Natatakot lang kasi akong pagkahumaling lang pala ang meron ako sa'yo tulad noong labindalawang taon palang tayo."

"I-ibig sabihin...kasintahan na talaga kita?"

"O-oo, ganoon na nga."

"Sakura...pwede ba kitang mahalikang muli?"

"..."

"P-pasensya na, Sakura! Masyado lang akong natuw—"

"Kahit kailan mo pa gusto, Mahal ko." 

Notes:

If you reached this part, thank you so much! Girls, gusto ko lang sabihin na you are worth waiting for. You deserve to be pursued. Sana sa tamang panahon may manligaw din sa atin na tulad ni Sasuke kung magmahal! HUHUHU Hope you enjoyed reading this! Please let me know your comments! :D

Notes:

Agosto 2020 © AriannJS