Chapter Text
Malapit nang mag alas diez ng gabi noong matapos ang event nila, buong hapon rin inisip ni Jungwon kung saan ba siya kumuha ng lakas ng loob para gawin yung nangyari kanina. Papalabas na siya ng gate noong narinig niya ang isang notification mula sa kaniyang cellphone, na agad niya naman tinignan, hindi niya pala napatay yung data niya kaya pumasok yung notifcation galing facebook— in-add siya ni Sunoo, tinignang mabuti kung totoo nga, pinikit ang mga mata bago ulit tignan ang screen at totoo nga iyon
Isang hingang malalim at sabay sabing tangina
Hindi niya alam kung ia-accept niya ba ito ngayon at ipagpapabukas na lang para hindi halatang excited siya, kasi ito na yun oh yung crush niya na ilang taon na niyang iniisip (hindi sa pag mamayabang nag first move pa si Sunoo para sa kaniya). Ilang minuto ring pinag isipan ang gagawin niya pero nauwi lang ito sa pag message niya kay Riki
jung1z
riki
hoy gagi!!!
may kwento ako tanga
tULOG KA NA BA???
GAGOOO
rikiboi
INGAY MO NMAN PUNYETA
NANONOOD AKO
ANO BA YON
may ibang sumanib ata sakin
may ginawa akong kababalaghan....
tama na shabu erp
daming pa ikot ikot amp sabihin mo na kung ano yon
TANGA BINIGAY KO NA KAY SUNOO MGA GINAWA KO
DI KO ALAM KUNG SAAN KO NAKUHA YON AS IN
TAPOS ALAM MO BA AFTER KONG GINAWA YON NAPA ISIP AKO
SHET LEGIT BANG BINIGAY KO YON AFTER ILANG YEARS???
TAS INADD AKO KANI KANINA LANG NANDITO AKO SA MINISTOP DI PA AKO NAKAKA UWI KAKA ISIP
POTAH KAH CONGRATS AFTER ILANG YEARS JUNGWON YANG
PERO ANO YON AS IN BIGAY LANG DI BA MAY JOWA YORN??
ACCEPT MO NA TANGA UMUWI KA NA RIN 10:30 NA
MAMAYA KA NA MAG CONTEMPLATE PAG NAKAKAIN KA NA PARA WLA KA NANG GAWING KAKAIBA SHUTA KAH
salamat, kaya mahal kita as a friend
hUHU uwi na ko
Pagkatapos niyang maka-usap ang kaibigan ay napag desisyunan na niyang umuwi, pero bago pa siya makalabas ng establisyemento sa kung saan siya ay nagpalipas oras ay bumili muna siya ng makakain bago sumakay pauwi. Inabot na ng alas onse ng gabi bago maka uwi, nag ayos muna ng sarili bago inihanda ang kakainin sa hapag, bago pa man mag simulang kumain si Jungwon ay tinignan muli niya ang kaniyang cellphone at pumunta sa facebook
Sunoo Kim sent you a friend request
Isang kain muna at doon na nga niya in-accept ang friend request bago ilapag ang kaniyang phone at nagpatuloy na siya para kumain, ilang minuto rin ang tinagal niya sa pag kain at doon na siya nag ligpit para magpahinga na sa kaniyang kwarto
Kakahiga pa lang niya sa kama ay naka rinig siya ng notification kaya agad naman niyang tinignan kung ano iyon, si Sunoo na nag message sa kaniya kaya napabalikwas ang binata sa pagkakahiga para tignan ito
Sunoo Kim
Hi, Jungwon!
It's already late and probably you're asleep na pero I'm here messaging you hahaha
I just wanna say na I read your letter for me after you gave it, I'm lost for words kasi I haven't received anything like this through out my life
I'm glad na you appreciate me
Jungwon Yang
Uy, hello Sunoo
Nakakahiya nabasa mo na pala yung mga binigay ko
I appreciate you as a person talaga pero I hope you're not weirded out hehe
You're awake pa pala hahaha
Oh no, I'm not weirded out sa mga letters mo, ang cute nga e
Pero seriously, you like me?
Next question po tito boy jk
Yes, for a few years na actually 😅
Ang tagal na rin pala
Grabe yung patience mo ano?
Wala ganon talaga e hahaha
Lumipas ang gabi at hindi namalayan ng dalawa na inabot na sila ng madaling araw sa pag-uusap, hindi mapigilan ni Jungwon na mapangiti bago siya matulog naka late night talk mo ba naman yung crush mo sinong hindi talaga mapapangiti ron. Sa gabi ring iyon marami siyang nalaman kay Sunoo pero isang kwento lang yung tumatak sa isip niya na kung bakit wala na sila ni Jay, yun pala ay hindi pa rin daw maka move on sa ex nito tapos bff pa ni Jay na si Sunghoon, shocking talaga
Pero para kay Sunoo ay wala lang iyon kasi sa una pa lang iba na yung pakiramdam niya kay Jay kaya pinili na lang nilang matapos ang kanilang relasyon
June 2019
Para sa aking diwa,
Hi, nagsusulat na ulit ako, ilang beses ko na rin tong inisip na "ito na talaga gagawin ko na to" pero pinangungunahan ako ng takot. Hindi ko alam kung papatagalin ko pa to kasi parang hindi ko na kaya, ang saya mo makasama, sobra pati presensiya mong nakakapagpakalma sa magulong mundo, kahit tignan lang kita alam kong wala akong hinihiling pa kundi ikaw. Handa akong mag hintay para sayo na lagi't lagi kong gagawin, kapag kaya mo na at kaya na natin. Kasi ikaw yung diwa ko, dahilan ng pagsulat at pagmamahal ko. Hayaan mo akong samahan ka sa haba ng panahong kakayanin natin. Aking diwa sasalubungin kita sa pag bangon man o pag lubog ng araw alam kong ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin.
Nagmamahal,
Jungwon
Ito na talaga, ang matagal nang iniisip ni Jungwon ay gagawin na niya
