Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-01-28
Completed:
2022-02-09
Words:
6,896
Chapters:
2/2
Comments:
9
Kudos:
158
Bookmarks:
12
Hits:
1,862

My Papa is a Superstar!

Chapter 2: Special Chapter: Yuan meets Papa!

Notes:

Hellooo, It's Ro! I can't believe that MPIAS will reach 400+ hits and 55 kudos 😭 💗. Thank you so much for reading my first Filipino fic 😭. With that, I had prepared a little something for everyone! Here's a special chapter, a sneak peek on Baekhyun the buntis hehehe. Hope you enjoy it!

Btw, I will also post the link on my newly (hahaha) made twitter acc it's @yellows_cb
See you there!

This fic is unbetaed, sorry in advance sa mga wrong grammar.

Edit: Happy 700 hits MPIAS! 💛 Thank you for reading!!

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

*click*  *click* 

 

Puro shutters ng mga camera ang naririnig sa forum hall kung nasaan si Baekhyun.

 

Isang araw matapos i-announce ng agency niya na siya ay ikinasal sa CEO ng Park Airlines na si Chanyeol Park, agad nag hold ang mga ito ng press conference.

 

"Baekhyun, bakit mo nagawang itago sa publiko ang relasyon mo kay Chanyeol Park?"

 

"Gaano na kayo katagal ni Chanyeol Park?"

 

"Paano na ang magiging hakbang mo sa iyong career?"

 

"Mag reretire ka na ba, Baekhyun?"

 

"Anong masasabi mo sa mga fans na nakaramdam ng betrayal sa ginawa mo?"

 

"Baekhyun, totoo bang nagpakasal kayo ni Chanyeol Park dahil buntis ka?"

 

Ilan lang iyon sa mga tinanong ng mga reporters kay Baekhyun. 

 

Feeling niya ay mahihimatay siya sa dami ng flash mula sa ilaw ng mga camera, dagdag pa ang mga sigawan ng reporters. At hindi rin nakakatulong ang mga representatives ng agency niyang pini-pressure siyang sumagot. 

 

Hindi naman sa tinatago o pinagdadamot niya sa lahat ang relasyon niya kay Chanyeol, gusto lang talaga nila ng privacy para sa ikatatahimik ng relasyon nilang dalawa. 

 

Sa totoo lang ay wala namang responsibilidad si Baekhyun na ipaalam sa lahat na may relasyon sila ni Chanyeol, dahil on the first place—private life niya ito. 

 

Agree din naman si Chanyeol to keep the relationship lowkey lalo na noong unang taon pa lamang nila dahil baka makasama ito sa relasyong binubuo nila. 

 

Kahit ayaw niyang sagutin, pinilit pa rin ni Baekhyun ang sarili na maging matapang at bigyan ng sagot ang tanong ng press, lalo na ang huling tanong .

 

Nerbyoso niyang hinawakan ang mic upang ilapit sa bibig. Pagkatapos ay itinago niya ang nanginginig na kamay sa ilalim ng mesa para hindi makita ng iba.

 

"Thank you everyone for coming to today's conference. I know that the "revelation" of my marriage was a big shock to all. I sincerely apologize to everyone who has been affected by it. 

 

The reason why Chanyeol and I collectively decided to only let the public know about our marriage three weeks after, is because we wanted a bit of privacy. As you all know, Chanyeol is a businessman. We thought na hindi makabubuti kung may nakasunod laging camera sa kanya habang nasa trabaho siya as it might harm his work. 

 

Also, Chanyeol is a non-showbiz private person. So, we sincerely ask for everyone’s understanding on why we choose to "hide" our relationship from the public."

 

Huminga muna saglit si Baekhyun bago ito nagpatuloy sumagot.

 

"Regarding my work as an artist, I will still continue to release new songs. In fact, I have one mini album coming up named "Delight", which will be out next week. I will also perform a song from the album called "Candy" sa Sunday Noon Show on Channel 1.

 

I won't retire dahil lang I changed my marital status. And for the people who were disappointed by it, I am sorry that you felt betrayed by the situation. But I assure you that I am the same Baekhyun na nakilala at minahal niyo, so I hope that you will continue to support me in the future. 

 

I will try my very best to give back the love you have given me. I want everyone to know that I appreciate each and every one of you, and you all have a special place in my heart.”

 

Tila naman kumalma na ang kaninang maingay na media. Humina na rin ang tunog ng mga camerang kinukuhanan siya ng litrato. 

 

"The last thing that I wanted to address today, and it's probably the only time that I will address it—is the reason why Chanyeol and I got married. We have been in a relationship for 5 years before we both decided to get married. And to answer your question— no, I'm not pregnant. Even if I am, it is not the sole reason why we tied the knot. My husband and I love each other very much. And if we are indeed pregnant, I believe we are ready for a greater responsibility of building our own family. Thank you everyone and have a good day."

 

May mga follow-up questions pa ang mga reporters pero hindi na ito pinaunlakan ni Baekhyun. 

 

Tumayo na agad siya at nag bow sa lahat bago umalis ng table. Si Jongdae na kanyang manager na ang bahala sa kung ano mang tanong ng press. 

 

Pagod na siya at gusto na niyang umuwi. 

 

Habang nakaupo si Baekhyun at tinatanggalan ng make-up, tinext niya si Chanyeol na tapos na ang conference at pwede na siyang sunduin nito. Agad namang nag text back si Chanyeol na papunta na siya. 

 

Wala pang bente minuto ay nakarating na si Chanyeol sa backroom ng function hall na nagsisilbing dressing room ni Baekhyun.

 

Hindi kasi kalayuan sa hotel na ginanapan ng press conference ang building ng Park Airlines. Isa pa, walang gaanong traffic papunta kaya mabilis siyang nakarating. 

 

Kumatok si Chanyeol sa dressing room. Agad naman siyang pinag buksan ni Baekhyun.

 

Niyakap siya nito saglit bago sila hawak kamay na naglakad paalis ng venue. 

 

Bawat staff naman na nakasalubong ng dalawa ay binati sila ng "Congratulations!" na pinasalamatan naman nila ng may ngiti. 

 

Nang makarating sa parking lot ng hotel, agad inalalayan ni Chanyeol (na kanina pa rin niyang ginagawa habang naglalakad sila patungong elevator) ang asawa papasok ng Mercedes Benz nito. 

 

Pag-andar pa lang ng sasakyan ay tinanong na ni Chanyeol kung okay ba ang asawa.

 

Nag-aalala kasi siya ng sobra sa stress na kinahaharap ni Baekhyun. He cares about the younger's welfare so much at ayaw niyang magkasakit ito. 

 

"Are you okay, Mahal? Do you need anything? I have water here, drink up first."

 

Napangiti naman si Baekhyun sa narinig, napaka thoughtful talaga nitong asawa niya.

 

Nagpasalamat siya bago kinuha ang tubig at uminom ng kaunti. 

 

"I'm okay, just tired."

 

"Okay. We'll go home na. Pagkadating ay i-mamassage kita to make you feel better. Take a nap muna, gigisingin na lang kita pag nakauwi na tayo." Sabi naman ng nagdridrive niyang mister. 

 

"Sige, thank you love."

 

Pagkamulat ni Baekhyun ay nasa bahay na sila. 

 

Ginising siya ni Chanyeol para makababa na ng sasakyan at makaligo para makapag pahinga na. 

 

Hinayaan naman ni Chanyeol na ang mga katulong na ang magbaba ng mga gamit nila dahil ang priority niya ay si Baekhyun.

 

Pagkaakyat ng kwarto ay diretso ang dalawa sa CR para makaligo agad at makapag bihis. 

 

Namili si Baekhyun ng matching pajamas mula sa walk-in closet nila. 

 

Pinili niya ang kulay blue na gawa sa satin na tela para hindi gaanong mainit at hindi rin sila malalamigan. 

 

Kahit ala-singko pa lang ng hapon dahil tanghali nag start ang presscon, pinili pa rin niya ang pajama dahil maaga silang matutulog ngayon. 

 

Pagkabihis ay agad na umupo si Chanyeol sa kama at automatiko namang humiga si Baekhyun sa naka krus nitong binti para mahilot siya ng asawa sa ulo. 

 

Habang hinihilot siya sa sentido, nagtatanong si Chanyeol sa kanya kung anong nangyari sa press conference kanina.

 

"How was the presscon? Did they throw in unnecessary questions?" Panimulang tanong ni Chanyeol.

 

"Wala naman. I kind of expected na rin yung set of questions nila kaya I came in prepared. I just feel soooo tireddd."

 

Natawa naman si Chanyeol sa asal ng baby niya. 

 

Sa kanila kasing dalawa, siya ang madalas nagpapa-baby kasi he is the clingy type compared Baekhyun na "care" ang love language.

 

But either way, they take care of each other very well.

 

"Alright. Sleep na po tayo, hmm?" Hinalikan ni Chanyeol ang tungki ng ilong ni Baekhyun. 

 

Umayos na sila ng higa. Kinumutan na ni Chanyeol ang asawa at natulog na. 





Gaya ng sinabi niya sa press conference, nag labas si Baekhyun ng bagong album. 

 

Maayos naman ang naging takbo nito so far. As expected, marami ang natuwa at nagustuhan ang album niya. 

 

Mas nag exceed pa nga ang album sales niya na naging 1.5 million pre-order copies kaya naging million seller ulit siya. 

 

May mga negative comments man tungkol sa kanya online, hindi na niya ito pinapansin dahil baka ma-stress pa siya.

 

Sa ngayon, ay naka focus si Baekhyun sa performance niya sa SNS. 

 

Magpeperform siya ng kanyang kantang "Candy" for the first time kaya medyo kinakabahan siya.

 

Hindi naman porket nasa ika-anim na taon na niya sa industriya ay hindi na siya kakabahan sa harap ng spotlight at mga manonood. 

 

He wants everything to be perfect and heartfelt for the viewers and his fans. 

 

Bago pa man siya umakyat ng stage, biglang naramdaman ni Baekhyun na parang umiikot ang paningin niya at sumasakit ang ulo niya. Hindi naman siya nagpagod kahapon, maaga nga ang tulog niya. 

 

"B, okay ka lang ba? Namumutla ka." Concerned na nilapitan siya ni Jongdae. 

 

Ayaw naman niyang makasagabal ang nararamdaman sa performance, nagkibit balikat lang si Baekhyun. 

 

"I'm good. I just need water. Siguro ay nerves lang ito ." Uminom naman siya ng tubig na ibinigay ng isang staff. 

 

On a normal occasion ay iinom na agad siya ng painkillers para maibsan ang nararamdaman, pero wala siyang time ngayon.  

 

Kahit hindi okay, tumuloy pa rin siyang umakyat ng stage. 

 

"Let us all welcome the Million Seller Soloist with his new song "Candy" from his album "Delight". Give it up for Baekhyun!"

 

Malakas na sigaw at palakpak ang narinig ni Baekhyun. Tila mas lumala ang hilo niya. 

 

Gayunpaman, tinuloy ni Baekhyun ang performance niya. 

 

Pagkatapos na pagkatapos ng kanta, tinamaan siya ng sobrang pagkahilo at biglang nagdilim ang paningin niya hanggang sa tuluyan siyang nahimatay.  





Nagising si Baekhyun sa ilaw ng puting kisame. 

 

Napagtanto niyang dinala siya sa ER ng ospital dahil nakahiga siya sa isang hospital bed. 

 

“Oh my god, B! Gising ka na. Are you okay? Teka tatawagin ko lang si Kuya Beom.” Isang natatarantang Jongdae ang tuluyang nagpagising sa diwa niya.

 

“I feel fine Dae, stop worrying na.  What happened? ”

 

Kumalma naman si Jongdae ng kaunti at inayos ang pagkaupo niya sa tabi ng hospital bed. 

 

“You passed out after your performance. Buti na lang at wala na sayo ang camera noong nahimatay ka. You are brought promptly dito sa hospital ng Kuya Baekbeom mo. They did some tests on you kanina pero wala pang findings.”

 

“How about the show? The press?” Tanong ni Baekhyun sa manager. 

 

Alam niya kasi na once the word spreads out na nahimatay siya on set, tiyak na lalabas agad ang news tungkol dito. 

 

The media has been nosy since his marriage announcement. To be honest, medyo naiirita na siya kasi he specifically asked for privacy pero kabaliktaran pa ang nangyayari. 

 

“Wait lang B, I will call Kuya Beom. Stay put, okay?”

 

“Sige. Did you inform Chanyeol na I’m in the hospital?”

 

“I did. He’s on his way.”

 

“Okay sige, I will wait na lang.” 

 

Pagkabalik ni Jongdae ay di pa rin nito kasama ang kapatid ni Baekhyun. Pero may kasama itong nurse na may dalang wheelchair dahil i-aakyat daw siya sa isang private room. 




Kinakabahan.

 

Hindi mapalagay si Chanyeol nang tawagan siya ni Jongdae na sinugod sa ospital ang asawa niya dahil nahimatay daw ito pagkatapos mag perform. 

 

Hindi pa nga siya ang unang nakasagot ng phone dahil nasa isang meeting siya with the department heads on the discussion ng possible expansion ng airlines nila.

 

Pagkabigay ng secretary niya ng phone dahil ito ang unang sumagot tawag, pagkasabi pa lang niyang urgent ito at tungkol ito kay Baekhyun nagsimula na siyang kabahan.

 

Dali-dali niyang dinismiss ang meeting at agad nagpadrive papunta sa ospital ng bayaw niya. 

 

Alam niyang hindi siya makakapag drive ng matino sa estado niya ngayon.

 

Pagtigil pa lang ng sasakyan sa entrance ng hospital ay agad na siyang bumaba ng sasakyan at dumiretso sa lobby ng ospital. 

 

Nagtanong si Chanyeol sa concierge kung saan ang mga private room. 

 

Tinawagan siya ni Jongdae kanina para i-update siya na dinala na si Baekhyun sa isang private room. 

 

Pero, hindi pa rin siya kampante hangga't hindi niya ito nakikita ng personal.

 

Agad na nakarating si Chanyeol sa Private Room 06. 

 

Pagkabukas niya ng pinto ay saktong kapapasok lang din ng bayaw niyang si Baekbeom. 

 

Nilapitan niya agad ang asawang naka upo sa bed bago tinignan ang kalagayan nito. Mukhang okay na naman si Baekhyun kaya nakahinga siya ng maluwag. 

 

Hinalikan niya ang noo ng asawa bago niya ito batiin.

 

“Mahal, are you okay? May masakit ba sayo? I'm so worried noong tawagan ako ni Jongdae."

 

Hinawakan naman ni Baekhyun ang kamay niya.

 

“I’m fine. I don’t know what’s wrong with me kaya it's a good thing na you’re here kasi sasabihin pa lang ni Kuya Beom. You can relax na, love.”

 

Pagkasabi nito ng pangalan ng kapatid, napalingon naman si Chanyeol sa harap ni Baekhyun. 

 

Doon niya napansin na nakatayo sa paanan ng kama ng asawa ang Kuya Baekbeom niyang doktor sa ospital, isang nurse na may hawak na chart, at ang manager at kaibigan ni Baekhyun na si Jongdae.

 

Medyo nahiya naman si Chanyeol kaya binati niya ang dalawang kilala at binigyan ng maliit na ngiti ang nurse na kasama.

 

“Jongdae, Kuya Baekbeom. Anong nangyari kay Baekhyun?”

 

Tinanguan naman siya ni Baekbeom at nginitian ni Jongdae pati na ang nurse.

 

“Well, we had done some tests on him. Turns out bumaba ang blood pressure niya. But that’s not the primary reason kung bakit nahimatay siya.”

 

“What’s wrong with me, kuya?” Tinanong ni Baekhyun ang kapatid. 

 

“The result of your blood test came back that you are positive for pregnancy.” 

 

Both of them froze noong narinig ang sinabi ni Baekbeom. 

 

Baekhyun is pregnant? BAEKHYUN IS PREGNANT. 

 

"Oh my god! Kuya, for real?” Si Baekhyun ang unang naka recover sa kanilang dalawa.

 

Chanyeol is still holding Baekhyun’s hand pero he has an unreadable expression on his face as he’s still in shock.

 

“Yes. I will transfer you to my OB colleague in a while. She will be here to assist you. Congratulations to the both of you. Bunso, you take care of yourself lalo na ngayon.” Isang ngiti ang ibinigay ng kuya niya.

 

Bago pa man makapag pasalamat si Baekhyun ay biglang hinigit siya ni Chanyeol sa isang mahigpit na yakap.

 

Iniligay nito ang ulo sa balikat niya at umiiyak ng malakas. 

 

Nahihiyang ngumiti si Baekhyun sa mga kasama.

 

Naging senyales ito sa mga tao sa loob ng kwarto na kailangan na ng privacy ng dalawa.

 

“B, bili lang ako food sa baba.” Sabi ni Jongdae.

 

“Mauna na rin kami, bunso. My colleague will go up here mamaya. Congratulations again! See you both later.” Sabi naman ng Kuya Baekbeom niya.

 

Nag congratulate din ang kasama nitong nurse. 

 

Isang mahinang “Thank you.” naman ang sinagot ni Baekhyun. 

 

Pagka-alis nila Jongdae ay binaklas ni Baekhyun ang sarili sa yakap ng asawang ngayon ay humihikbi  na lang.

 

“Love, tahan na. Umupo ka nga muna." Natatawang sabi ng buntis.

 

Tila naman isang maamong tuta si Chanyeol na agad umupo sa upuang katabi ng kama.

 

Nagpunas ito ng luha bago tinakpan ng dalawang kamay ang buong mukha para itago ito na para bang nahihiya siya. 

 

Tatay na pero baby damulag pa rin.

 

Saglit na natahimik ang dalawa. They are still processing the news dropped onto them. 

 

Both are having a lot of emotions going on inside their heads that they needed to calm themselves first.

 

After a few minutes of utter silence, Chanyeol held Baekhyun's hand at tinignan ito mata sa mata. 

 

His eyes are full of love, gratefulness, and sincere appreciation for his husband.

 

"Thank you so much, Mahal. I really am thankful for you. Thank you for making me a father to our future child. I promise, aalagaan ko kayong dalawa. I will be there every step of the way. I love you so much." Hinalikan ni Chanyeol ang kamay ni Baekhyun na hawak niya.

 

Naluha naman si Baekhyun sa sinabi ng asawa. 

 

He is sure happy and relieved na kahit unexpected ang pagdating ng baby nila, Baekhyun knows na hindi siya pababayaan ng asawa niya.

 

He is grateful for Chanyeol as much as Chanyeol is grateful to him. 

 

"I love you too. Thank you rin for allowing me to carry our child. I promise to take care of my health para kay baby. We got this, love."

 

"We got this."




The media is in a frenzy. 

 

A week after i-announce ni Baekhyun na he's married to one of the country's most sought out bachelor at CEO ng biggest airline company sa bansa na si Chanyeol Park ay nag labas ulit siya ng panibagong statement. 

 

This time is for his pregnancy.  

 

Many were shocked by the sudden life update na Baekhyun's two weeks pregnant pero they are happy that he's finally having his own family. 

 

For six years he is constantly in the spotlight—exhausting his 20's with promotion after promotion, world tours, at kabi-kabilang projects, na minsan ay wala na siyang quality time with his family, friends, and Chanyeol.

 

Baekhyun's long time fans are delighted na makita ang iniidolo chasing his other dream— being a father

 

Noon pa man ay vocal na siya tungkol dito. On how he wants to settle down in the future and build a family with his special someone. 

 

Now it's all happening. 

 

Of course Baekhyun knows the sacrifices that he had to make in achieving this dream. 

 

With the announcement of his pregnancy also comes with the notice of his indefinite hiatus from the industry.

 

As much as he still wants to work, he knows na his main priority right now is to make sure that their baby  will be born safe and healthy. 

 

Alam niyang ang stress na kakambal ng pagiging artista ay maaaring makasama sa pagbubuntis niya. 

 

It's a little sacrifice to make for his baby. 




In Baekhyun's first trimester, he experienced the common signs of early pregnancy—pagsusuka, pagkahilo, mood swings, and cravings. 

 

For some reason his taste buds got weirder, his sense of smell got sharper, and his husband seems uglier ?

 

Isa sa mga kinaiinisan ni Baekhyun bukod sa fabric conditioner nila sa bahay ay ang mukha ng asawa. 

 

Upon entering his 9th week of pregnancy, he noticed that somehow Chanyeol has gotten uglier. 

 

Like he can't stand to be in the same room as him for more than a few minutes. 

 

He even secretly went to sleep in his parent's house noong 11th week niya dahil sa sobrang inis sa pagmumukha ng asawa. 

 

Hindi naman alam ng isa kung ano bang nagawa niyang mali para kamuhiaan siya ng asawang buntis. 

 

"Umalis ka na nga! Naaasiwa ako sayo!" Sigaw ni buntis habang may hawak na strawberry na naka dip sa chocolate. 

 

Kamot-ulo namang umalis ng kitchen si Chanyeol. 

 

Sabi ng mommy niya ay baka ito raw ang pinaglilihian ni Baekhyun. 

 

Yung totoo, kelan pa naging paglilihi ang sabihan ako ng pangit araw-araw. 

 

Chanyeol also fixed his work schedule para naman mas maalagaan niya ang asawa. 

 

He can't fully rely on his house helpers to take care of his pregnant husband dahil siya ang tatay ng magiging anak nila, and he also promised to take good care of Baekhyun. 

 

In his second trimester, Baekhyun started to show. 

 

His belly got bigger and he got heavier. He's happy na their baby is very healthy as what his OBGYN had said during his regular check-up, pero Baekhyun can't help but to feel insecure about his appearance. 

 

"Love, do you think I'm not attractive anymore?" He asked his husband one day. 

 

Kung noong first trimester niya ay naaasiwa siya sa mukha nito, ngayon naman ay he's jealous na may ibang taong nakakakita sa gwapo niyang asawa. 

 

"Of course not. What makes you think na you're not attractive eh sobrang ganda mo kaya." Chanyeol sweetly said.

 

"Kasi, I'm starting to get huge na. I feel like my face got swollen, my body is swollen. I eat too much na rin. So maybe, you don't find me attractive na."

 

Niyakap naman ni Chanyeol ang asawa at hinalikan ang ulo nito. 

 

He can still engulf the latter in his embrace kahit na his tummy is protruding dahil mahaba ang braso ni Chanyeol. 

 

"My love, have you looked into the mirror lately? You're GLOWING. You're not huge, love. Our baby's just getting bigger. And you also don't eat too much, you're eating for two that's why. Don't overthink, okay? Even if everyone tells you you're not attractive, in my eyes you're still the most ethereal." Matamis na nginitian siya ni Chanyeol.

 

Ang cheesy kung tutuusin. If this is a normal scenario, siguro ay kinurot na siya ni Baekhyun sa tagiliran. 

 

Pero, his husband's words calmed his erratic mind. 

 

"Thank you, pogi. I love you."

 

"Akala ko ba panget ako? Parang last month lang sinabi mo na ako ang pinaka-pangit sa buong mundo."

 

"Tigilan mo ako Chanyeol Park o magiging panget ka talaga."

 

In Baekhyun's second trimester, they found out the gender of the baby. 

 

It's a boy —much to Chanyeol's delight, dahil may junior na raw siya. 

 

Baekhyun also signed up for birthing classes and pre-natal yoga to help with his pregnancy.

 

Chanyeol is there every step of the way. Talagang he lives up to his promise of taking care of Baekhyun and their unborn child. 

 

In his third trimester, Baekhyun feels super heavy. 

 

Their baby moves a lot too. He is half happy and half in pain because of it. 

 

Happy dahil their baby boy is healthy and active, pero in pain dahil everytime their child kicks ay masakit ito. 

 

To relieve his pain, Chanyeol massages him every time. 

 

He also sings lullabies whenever Baekhyun has a hard time sleeping. And to fully attend to his very pregnant husband's needs, Chanyeol temporarily works from home. 

 

In the last weeks of Baekhyun's pregnancy, they also thought of a name for their baby. 

 

They also planned where to go when Baekhyun's water broke, they packed all the necessary things needed, and they prepared themselves not to panic. 

 

All in all, the plan's perfect. 

 

Pero not everything goes according to plan. 




Saktong nasa isang important meeting si Chanyeol sa opisina (one of the very few times na he's in the office) nang he got a call from one of his house helpers that Baekhyun's water broke. 

 

Deja vu. 

 

Dali-daling nagpahatid si Chanyeol sa hospital na pinagdalhan kay Baekhyun. 

 

Nakisuyo siya sa mga kasama sa bahay na wag na siyang hintayin at isugod na agad si Baekhyun sa ospital ng kuya niya kung saan naroon din ang OBGYN nito. 

 

Dumiretso na si Chanyeol kung saan ang delivery room. 

 

Doon ay nakita niya sa harap ng pinto ang Kuya Baekbeom niya. 

 

Agad siyang nilapitan nito.

 

"You're just in time. Magpakita ka muna kay Baekhyun bago siya lagyan ng anesthesia. I already informed his doctor. Pumasok ka na, ako na ang bahalang tumawag kela Mommy and sa Mommy at Daddy mo." Tinapik ni Baekbeom ang balikat ni Chanyeol. 

 

Agad namang sinalubong ng mga nurse si Chanyeol pagpasok nito ng silid. Nilagyan siya ng face mask, at PPE bago palapitin kay Baekhyun. 

 

"Hi, Mahal. You got this. Relax ka lang diyan, okay? I'll be the first one you see when you wake up, I promise. I love you so much."

 

Kahit nanginginig at in pain ay nagawa pa rin ni Baekhyun na pisilin nang mahigpit ang kamay ni Chanyeol na nakahawak sa kanya. Nginitian niya ito. 

 

"I will. Be sure na you're really the first one I see when I woke up. I love you too. We'll see Yuan na later."

 

Binalik ni Chanyeol ang pisil sa kamay ni Baekhyun. Muling nginitian niya ang isa bago umalis ng silid dahil magsisimula na ang operasyon. 

 

C-section o Cesarean ang gagawin kay Baekhyun. Kahit na may tiwala siya sa mga doctor at scrub nurses na nasa loob—kinakabahan pa rin si Chanyeol ng sobra.

 

Hindi siya mapakali, paikot-ikot siyang naglalakad. Magkahalong kaba para sa kapakanan ng asawa niya at excitement sa pagdating ng anak ang nararamdaman ni Chanyeol ngayon. 

 

Nakarating na rin ang parents nilang dalawa kani-kanila lang at kailangan namang umalis ni Baekbeom kahit na gusto niya ring maghintay dahil may rounds pa ito. 

 

"Chanyeol, pumirmi ka nga! Ako ang nahihilo sa ginagawa mo." Suway ng mommy niya sa kanya. 

 

Napaupo naman siya pero nangngangantog ang mga tuhod niya.

 

"Ganyan talaga kapag first time, balae. Hayaan na natin si Chanyeol. Ang mahalaga, ma-memeet na natin ang apo natin." Sabi ng nanay ni Baekhyun. 

 

Si Mr. Byun at Mr. Park naman ay parehas na tahimik. Kabado rin sa panganganak ni Baekhyun at pagsilang ng kanilang apo.

 

Sa oras na parang taong paghihintay, pinapasok na si Chanyeol para makita ang anak. 

 

Ninenerbyos man, pumasok ulit ng delivery room si Chanyeol. 

 

Iyak ng bata. Iyak ng anak nila. 

 

Iyan ang naririnig ni Chanyeol pagpasok niya. Agad siyang pinalapit ng mga doktor upang siya ang mag cut ng umbilical cord ng anak. 

 

Gusto mang tumanggi, kinuha ng kamay niyang sinuotan ng gloves ang suture scissors na inabot ng doktor sa kanya.

 

Medyo nanginginig niyang pinutol ang parte kung saan itinuro ng doktor na putulin niya.

Pagkatapos naman ay nilinis na ng mga naka stand-by na nurse ang anak. Sinimulan na rin ng mga doktor na tahiin ang tiyan ni Baekhyun pabalik. 

 

Sa nakikita niya, tingin niya tama na ang isang anak. Hindi na kaya ng konsensya ni Chanyeol na pagdaanan ulit ni Baekhyun ang hirap ng pagbubuntis at panganganak. 

 

Pinalabas na ulit si Chanyeol sa silid. Umiiyak niyang sinalubong ang mga magulang. 

 

"He's a healthy boy."





Nagising si Baekhyun na parang may kaunting sakit sa may tiyan niya. Oo nga pala, nanganak siya. 

 

NANGANAK. Oh my god, si Yuan!

 

Chanyeol noticed na gising na si Baekhyun. He's fixing their things when Baekhyun woke up. 

 

"Hello, Mahal? How are you?" Bungad niyang tanong sa asawa. 

 

Sinenyasan naman siya ni Baekhyun na uupo ito, kaya naman inayos ni Chanyeol ang recliner ng hospital bed nang dahan-dahan para makaupo si Baekhyun.

"I feel fine, at least for now. Asan si Yuan?" 

 

Sasagot pa lang si Chanyeol ng may kumatok at bumukas ang pintuan. 

 

Pumasok ang nurse na may tulak na sanggol na nakabalot sa isang kulay puting flannel. 

 

Isang napakagandang bata.

 

"Heto na po si Baby Park. Congratulations po sa inyo!" Bati ng nurse at iniwan na ang pamilya.

 

Binuhat naman ng maingat ni Chanyeol ang anak nila.

 

Ang ulo nito ay mas maliit kumpara sa mga kamay niya. Magaan din ang bata pero malusog naman ito. 

 

Their Yuan Alexander Park

 

"Hi Yuan, I'm your Daddy Chanyeol. It's nice to meet you, little love.  I love you." 

 

Baekhyun smiled at the sight. Bagay na bagay kay Chanyeol ang maging tatay. 

 

"Do you want to meet your Papa? Hmm? Yuan, meet Papa." 

 

Dahan-dahang ibinigay ni Chanyeol ang anak sa asawa. Naluha siya sa nakita. 

 

It is a beautiful and pure scene. 

 

A father holding his son for the first time. 

 

Both looked like angels in Chanyeol's eyes at wala na siyang mahahangad pang iba.

 

Nagkatinginan sila ni Baekhyun. 

 

Both looked incredibly happy and contented. 

 

Their eyes speak on how joyful they are at Yuan's arrival. Parehas na ang lawak ng ngiti sa mga labi.

 

They both welcome a new chapter in their lives— being parents.  

 

Park-Byun Baekhyun gave birth to a baby boy! 

 

'Million Seller' Soloist Park-Byun Baekhyun gives birth to a healthy baby boy on Saturday, April 8, 20** in St. Luke's Bonifacio Global City. 

 

Just a year ago, the singer announced his marriage with businessman and CEO of Park Airlines, Chanyeol Park through an Instagram post of their wedding rings. Today, Baekhyun's husband, Chanyeol, posted a photo of their baby's feet with a caption, "Our Yuan meets his Papa and Daddy. I'm so glad to see you, son. I love you". 

 

Baekhyun's entertainment company, Light Entertainment, issued a statement congratulating their artist for having his first born and wished for his speedy recovery. They also requested for people to give the new family some privacy to celebrate this joyous occasion. 

 

Congratulations to the new parents!

Notes:

Thanks again for reading! May it brought you joy as much as it did to me 💗💗

Notes:

Thank you for reading!