Chapter Text
“Thank you po, Ma’am! Enjoy your meal!”
Masayahing salita ni Baekhyun sa babaeng costumer habang inaabutan nya ito ng sukli. Tiningnan nya ang kanyang relos, mag aalas dose na. Malapit na ang lunch. Pero okay lang, kahit late sya makakapag kain ay masaya naman sya. Entertaining costumers makes him satisfied. Lalong lalo na kapag may mga bata. Ang cute kasi, sarap pisilin ang magkabilang pisngi.
Nandito pa rin sya sa pinagtatrabahuan nya and luckily, maganda ang takbo ng pag aasikaso nya dito. Kahit first time at wala pang nakikilalang mga co-worker ay masaya naman dahil napaka friendly nito. May nakilala nga sya. His name is Taeyong, magkaperahas rin sila na sa cashier naka assign. Kaya nagkachikahan sila at napa realize ni Baekhyun na halos magkakaparehas sila ng interes. They both love dancing, kids, nature, oversized t-shirts, sweater paws, and even they have the same taste of men. Matangkad, at matipuno ang built sa katawan.
Landi diba? Pero ganyan naman talaga kung wala ka ng maiisip na topic.
Aminin.
They are both graduates na but different courses. He's from nursing while Taeyong’s from Business Administration.
He's happy dahil nakameet sya ng bagong friend at ng workplace. And he thank God dahil nito.
“Hello! What's your order ma’am?” Sabi nya dahil may bago namang costumer, nakapila kasi ito. Napangiti naman ito dahil sa awra ni Baekhyun. Napaka masiyahin. Nakaka gaan ng loob.
Si Baekhyun naman ay napa self conscious sa sarili. Nahihiya sya dahil sa ganda at sosyal sa tindig ng babae. Maybe she's in her mid 50's? Pero ang ganda pa rin nya. Naka whole dress na kulay pula and her wavy hair matched to her. Mukhang strikta, pero mukha ring approachable.
Hindi muna nagsalita ang costumer dahil namimili muna ito sa kanyang order. At nakangiti pa rin si Baekhyun. He will wait.
“Does Channie wants this?” Biglang salita ng costumer kaya nagulat sya bigla. Nagdadalawang isip sya na magsalita dahil sya ba ang tinatanong? O sarili lang nya? Hindi nya alam, pero ang alam nya ngayon ay may internal crisis sya sa kanyang kaloob looban dahil baka sya ang tinatanong. Siguro gusto manghingi ng suggestions? Pero no, hindi sya pwede maging assumero. Baka mapahiya pa sya.
“Uhm, Hey,” Tawag nito sa kanya. Napataas lang sya ng kilay for anticipation dahil kanina pa sya nakatitig nito.
Sinabi na nya ang mga orders at nagbayad na, agad naman nyang inasikaso ng mabilis at binigay ang sukli. Nagpasalamat sya at ngumiti.
“You’re so charming.” Walang pasabing salita naman nito. Napakurap sya at napa estatwa sa kanyang kinatatayuan. Did this woman finds him charming? Hala, hindi sya ready sa ganito kaya napayuko sya at naramdaman nyang umiinit ang kanyang mga pisngi.
“T-thank you po, ma’am.” Mahinang sabi nya.
Napangiti naman lalo ang matanda at umalis na papunta sa table nito. Si Baekhyun ay namumula parin ang pisngi at nahihiya parin dahil sa compliment galing sa ginang.
“Baek! Tara, kain.” Biglang sabat ni Taeyong. Kaya agad syang nagatubiling iayos ang kanyang sarili at humarap sa kanya. Ngumiti sya bago nagsalita. “Sige, tara.”
- -
“Can you just be kind to them kahit katiting lang? You always intimidated them!”
“I’m not intimidating them, I just don't like them. At sabi ko naman sa‘yo ma, hindi ko kailangan ng personal nurse! I can handle myself. Masasayang lang ang pagsweldo mo sa kanila.” Sambat ni Chanyeol sa kanyang mama.
Napasapo ng ulo si mama Jieun dahil sa sinabi ng kanyang anak. Hindi na nya alam kung ano ang kanyang gagawin para maging mabait ito. Parang matutubuan sya ng sungay dahil sa kademonyohan ng anak nya.
“Please, Chanyeol. I’m doing this for you! Pang limang nurse na ‘yon tapos ipinahiya mo pa! Ano bang gusto mo? Hanggang maubos lahat ng nurse dito sa pilipinas saka kalang maging mabait?”
“Kahit maging buong mundo pa ‘yan mama, wala akong pake.” Pambabara ni Chanyeol sa kanyang sariling ina.
Nagalit na talaga ang mama niya kaya hinampas nya ito sa batok ng malakas. Napasigaw naman si Chanyeol dahil bagong inject yung part na hinampasan.
“Mama naman—aray!” Sabi nya sabay himas ng kanyang batok.
“Serves you right! Lagi mo nalang akong sinasaway Chanyeol! And hindi mo ako mapipigilan sa paghahanap ng personal nurse!—”
“Mama naman!—”
“Tahimik Chanyeol Mcleeroy Park! Ako mama mo, kaya ako ang masusunod. ‘Kastress kang bata ka ha. Alis na ‘ko at maghahanap nanaman ng personal nurse!” Sabi nya at inemphasize pa ang huling sentence na salita na binitawan nya.
“Lu, come with me.” habol nyang salita kaya agad namang tumayo si Luhan at nagpaalam kay Sehun at Chanyeol.
Pagkasara ng pintuan ay napahawak si Chanyeol sa kanyang noo, halatang namomroblema. Humiga naman si Sehun sa sofa.
“Bat mo naman kase ginawa ‘yon? Grabe kana Chanyeol ha, ‘yan ba ang epekto sa pangbabasted ni Kyungsoo sayo?” Salita ni Sehun.
“Gago ka ba? Hindi no. Ayaw ko lang kasi ng personal nurse. Para naman akong matanda na mismo pagtumatayo ako ay inaalalayan pa ‘ko. Parang tanga.” Reklamo ni Chanyeol kaya napatawa si Sehun.
“Hindi mo ba yun gusto? Para kang baby nun.”
“Siraulo ka.”
Napailing nalang si Sehun sabay hablot ng phone nya. “Sya nga pala, si Minseok pupunta rito, kakamustahin ka raw nya.” Sabi ni Sehun habang nakatutok pa rin sa selpon nya. Wala namang paki si Chanyeol at inihiga ng maayos ang kanyang sarili.
“Okay. Sabihan mo sya na magdala sya ng alak.”
Napangiwi naman si Sehun dahil dun. “Hindi ka pwede sa alak, pero sige sasabihan ko sya. Dito nalang kami iinom sa harap mo. Maglaway ka.”
“Neknek mo maglaway. Umalis ka nga!” Usisa ni Chanyeol sabay kumpas ng kanyang kamay na ipinaalis niya si Sehun. Hindi nya lamang ito pinansin at hinintay nalang si Minseok.
Mga ilang minuto rin ang lumipas at may kumatok sa pintuan. Agad naman itong tinayuan ni Sehun at pinagbuksan ng pinto.
“Huy, Minseok! Ikaw pala yan!” Bati ni Sehun sa kanya.
“Manlilimos ba ‘yan? Bigyan mo ng piso Se, mabaho ‘yan.” Sabat ni Chanyeol na nakapikit ang mga mata, as if na natutulog pero hindi naman.
“Luh, gagong ‘to. Nag effort pa ‘kong pumunta dito ‘tas ito lang maririnig ko? Mahal, respect me naman.” Pagjojoke ni Minseok sabay inilapag sa lamesa ang kanyang mga dinala. Napahalakhak naman si Sehun.
“Ano ba naman to Minseok. Kabuhayan showcase ba ‘to?” Sabi ni Sehun sabay halukat ng mga pinadala ng kaibigan nila. Totoo naman kasi, kaya pala natagalan kase nahirapan sya magdala ng mga ito paakyat sa kwarto ni Chanyeol. Nandito na lahat, mapabreakfast, pananghalian at dinner, kasama pa snack, nandito na lahat.
“Si mama kasi, sabi nya ipapadala dito para maging baboy si Chanyeol.” Hinampas naman nya ito gamit ang unan at nadapuan naman si Minseok.
“Si mama kasi, nag aalala sya sa yo’ kaya heto, nagmumukha akong delivery boy dahil dito. Hindi sya makapunta kasi busy si mama.”
Tumango lang si Chanyeol. Understandable naman dahil busy talaga ang mama ni Minseok. She owns a big goddam company. And also, he lowkey doesn't like na nandito mama nya. Macaring naman sya pero ang sobra. Tatapiktapikin ka mula ulo hanggang paa tapos kinakamusta ka oras oras. Naiirita sya minsan, pero hindi nya pinapahalata.
“You’re okay? Ang pangit mo ‘pag namomroblema ka.” Panimula ni Minseok sabay upo sa couch.
Chanyeol scoffed. “Hindi ako okay Minseok, at pwede ba? Hindi ko gusto ng kalokohan ngayon. I need silence, matutulog ako.” Hiniga nya ang sarili nya sabay kuha ng kumot nya pataas patungo sa mukha nya.
Nagkatinginan si Sehun at Minseok. Nakangiti sila pero sa kaibuturan ng ulo nila ay nag aalala sila sa kaibigan. Puro sila siraulo pero may heart naman sila.
Hindi na nila pinakialaman si Chanyeol dahil parang natulog na. Ni isa sa kanila hindi nagsalita. Nakakabingi ang katahimikan dito sa loob ng kwarto.
Kaya ang ginawa nila Sehun at Minseok ay kinuha ang mga sariling selpon sabay check sa mga social media nila. Ito talaga ang gagawin mo kapag wala kang ginawa at taga bantay, mag seselpon hanggang malowbat.
“Puta. Nakakabagot naman dito.” Reklamo ni Sehun.
Mga ilang minuto ang nakalipas ay may biglang kumatok. Kaya tinayuan ito ni Minseok dahil sya ang nasa malapit. Pagbukas nya ay tumambad sa kanya ang mama ni Chanyeol.
“Hi tita!” Minseok said sabay beso sa pisngi nitp. Ginantihan naman ito ng mama ni Chanyeol ng isang ngiti bago pumunta sa anak nya.
“Son, I'm with your new nurse. Kaya pakabait kang bata ah, malilintikan ka sa‘kin” ‘Yan ang unang sinabi sa kanya ng mama nya kaya nairita sya.
Nanaman?
Hinaplos haplos nya ang kanyang noo habang ipinikit ang mga mata. Puta, hindi ba talaga sya titigilan ng mama nya? He can handle himself for pete's sake!
Kaya wala na syang magawa at napaisip kung otso anyos pa ba sya o bente kwatro anyos na.
Ang dalawa nyang kaibigan ay napataas ng kilay, naghihintay kung ano ang mangyayari.
Kaya ayun, pagkatawag ng mama niya sa pangalan na wala naman syang pake ay tumambad sa kanya ang isang lalaki na maliit.
Halatang parang nahihiya.
Tiningnan nya ito mula paa hanggang sa muk—
Puta. Naaalala nya kung sino ito.
Sinumpa ba sya ng kamalasan ngayon? Dahil pagkakita nya sa pagmumukha nito ay parang bumalik lahat ng nangyari sa gabing iyon.
Hala, may atraso pa sya nito.
Pero guess what? Nakangiti ang lalake sa kanya ng napakatamis. ‘Yung parang first time pa nilang magkita.
Nagsalita sya habang nakakatitig parin sya sa kanya. “Hi, I’m Baekhyun.”
Napatulala sya, what the heck?
“Chanyeol! Magsalita ka!” Sita ng mama nya.
Kaya napa rolyo sya ng mata saka kinamot ang kanyang ulo, halatang naiirita.
“Chanyeol. Chanyeol Mcleeroy Park.”
