Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandoms:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-01-07
Updated:
2022-05-03
Words:
1,369
Chapters:
3/10
Comments:
1
Kudos:
22
Bookmarks:
2
Hits:
383

Begin Again - Kyungsoo x Nayeon (A short Tagalog KyungYeon AU)

Chapter 3

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

(3)

"Sakit ng ulo ko. What did I do again last night?" Matapos ang kinagabihan ay gumising na ulit si Nayeon para pumasok sa trabaho. Pagkatapos nito ay dederetso siya kasama ang mga kaibigan sa wedding designer para sa final fitting ng gown na kanilang isusuot. 

Habang pumipili ang dalaga ng kanyang isusuot ay pumukaw sa kanyang atensyon ang isang  grey jacket na naka-hang kasama ang iba pa niyang damit. 

Napatigil si Nayeon at tinignan ito ng seryoso. This is the sweater Kyungsoo gave her, that one night when they were sitting in front of the beach in elyu. 


"Grabe ang lamig. Lakas ng ihip ng hangin." 

"Oh ba't ka naghuhubad?!"

"Anong naghuhubad? Isuot mo 'to. Sabi mo nilalamig ka diba?" sagot ni Kyungsoo habang iniaayos ang jacket para iabot kay Nayeon.

"Wag na."

"Isa. Isusuot mo 'to o iiwanan kita dito?" pangungulit ng binata.

"Edi iwan mo."

"Wag ka na ngang makulit." Si Kyungsoo na mismo ang nagpatong ng jacket sa kanyang mga balikat. 

Tahimik ang paligid. Tanging ang tunog ng alon, ihip ng hangin lang ang pumapalibot sakanila. They were just enjoying each other's company.

"Soo, bakit ganun? Parang the universe is always against me. Lahat naman ginagawa ko. Minsan lagpas pa sa 100% best ko. Pero parating hindi ko nakukuha yung ultimate goal ko."

"You'll have your time soon, Nayeon. Just be patient. Nasa proseso ka pa on being the best version of you." 

"I really hope I'll get there."

"We'll get there, together."

Okay, Nayeon. Enough of the past. Let's get this day started.


"Kyungsoo!!!! Gising na. Mamamalengke na tayo."

"Ano ba 'yan seok? ang ingay mo naman umagang-umaga."

"Hoy mag aalas-syete na nga eh. Dapat 6 am nasa wet market na tayo. Hinayaan lang kita matulog dahil kayo naman nagligpit kagabi."

"Oo na. Give me 15 mins to get ready." 

Kapag andito ang tropa, si Kyungsoo at Minseok ang magkasangga sa pagluluto at paghahanda ng pagkain para sakanilang mga kaibigan. They've been like this eversince highschool, from enemies sa cooking contest to partners in the end. 

After a little while, nagsimula na silang magikot-ikot. 

"Oh ayan na ang mga pogi! Ano bang putahe natin ngayon?" sigaw ng isang tindera. 

"Magandang umaga po! Pansigang po. Tsaka mag-iihaw rin po kami ng liempo at isda." sagot ni Kyungsoo

"Osiya, ito, meron dito. Ikamusta mo ako sa nanay mo ha?" 

Kilalang kilala na sila ng mga tindero't tindera dito. Paano ba naman kasi? Umagang-umaga ay nag-lilibot na agad sila. Tuwang-tuwa pa sakanila ang mga tao. Pogi points?

Notes:

Hi! Ilang buwan na nakalipas at 'di ako sigurado kung may nagbabasa at magbabasa pa ba nito. Medyo nakalimutan ko na rin yung story, sa totoo lang hahaha. Anyway, since tapos na ang school, may time na ulit ako para ituloy 'to. If you're still reading this and patiently waited for updates, maraming salamat! <3 It means alot to me. So let me begin again from here :)

Notes:

Hi! Tagal na since na publish ko yung first au ko. Sa totoo lang nag c-cringe ako kapag binabasa ko ulit yun pero kinikilig rin ako at the same time, hahaha. Anyway, made this short au dahil bored ako at para ma-fulfill ko ang isa sa mga goals ko this year, to write more fics. Sana nag-enjoy ka sa pagbabasa. Thank you <3

P.S. Hindi ko ulit 'to pinroofread.