Actions

Work Header

I'm Right Here

Chapter 7: Epilogue

Summary:

The couple that plays DotA together, stays together.

Notes:

Thank you for making it this far. This is one of my jeje fics from wattpad. I wrote this 6-7 years ago when I used to play DotA. Some of the scenes here are inspired from my real life experiences. Shawty's Internet shop exists in real life, but it was SHOTI not Shawty hahahaha. I kinda miss my gamer days.

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

3:00 pm Shawty's Internet Shop.

 

"Dude, ako na mag iinvite, accept mo na lang . " Sabi ni Hunter sa katabing si Mackoy. " Mag Axe ka ha!"

 

"Sure, Dude," sagot naman ni Mackoy."Sinong sayo?"

 

"Phantom Assassin, as always."

 

"Ayos to. Carry tayong dalawa. Sana may mag sniper or Zeus o di kaya Omni para may healer. "

 

At nang mag umpisa na ang laro, kalaban nila mula sa kabila sina Riki, Mirana, Specter at Witch Doctor. Sa team naman nila Hunter ang Phantom Assassin, Omni Knight, Zeus, Axe at Legion Commander.

 

During the first fifteen minutes of the game ay lamang ang kalaban, 18-10 ang score at iritang irita na si Hunter sa mga kasama niya. Sinabihan na niya ang mga ito na warded ang area pero nag push parin ang mga walangya.

 

Fuck! Bunch of noobs! He cursed under his breath.

 

Mabuti na lamang at magaling si Mackoy na humahawak sa Axe. At siyempre siya na humahawak sa Phantom Assassin.

 

Naka Monkey King Bar na si Mackoy at naka basher, domi at threads naman siya.

 

"Okay guys, all mid, nandun silang lahat. " He instructed his team at sa awa ni Phantom Assassin ay nagsisunod naman sina Ariel at ang iba pa. Kanina pa siya naiinis sa kayabangan nung Riki kaka buwisit!

 

"Zeus, prepare your Special Skills." Utos niya sa may hawak ng Zeus. Umoo naman ito. Isang teenager na laging naglalaro dito kina Shawty. Akira yata ang pangalan nito.

 

"Ariel, ikaw ang Legion Commander, diba? Ikaw sa Witch Doctor. Pag clashing na siguradong hindi yan makaka-ulti."

 

"Aright! Ilalampaso ko tong buwisit na to! Kanina pa ako kating kating tapusin to eh porket naka-aghanims na. " Sagot naman ni Ariel.

 

"Siguraduhin mo, Ariel, wag babakla bakla, papauwiin kita!"

 

"Tang ina mo Hunter!"

 

Tumawa lang siya pagkatapos ay nagseryoso. Bahagyang inayos nya ang bangs niyang nakatali. Wala na siyang lollipod dahil kaninang tanghali pa siya dito.

 

"Get ready, mga bakla! Ayan na! I'll go first!" He warned his team. Hunter strike in front of the Weaver then it slowed down at naalerto ang lahat and each of his team mates pulled their skill dahil patayan na talaga to!

 

"RAK NA MGA BAE!" Sigaw ni Ariel.

 

In this kind of Game, you need to be fast and alert to think of the best possible strategy. Mirana pulled her item which is the Manta Style, and she immediately tripled. Medyo mahirap kasi may illusion kaya nagfocus nalang siya sa Weaver. It stunned him and it takes him seconds to move and freed himself. He immediately used his first skill which is the shift dagger and struck the Weaver. The Weaver got critical then Boom! He spawned its head with 299 golds!

 

Seryoso ang clashing kaya ng mapatay niya ang Weaver, agad niyang tinulungan ang Omniknight laban kay Mirana.

 

"GO TO HELL NOOBS!" Sigaw ni Ariel matapos nitong talunin ang Witch Doctor gamit ang Legion Commander. Tawa ng tawa si Ariel sa katangahan Ng Witch Doctor. Dahil kapag nag ulti ang Legion Commander, hindi na makakagamit ng kahit na anong skill ang kalaban nito.

 

Konti na lang ang buhay niya pero dahil sa tulong ng Omniknight, na heal siya nito pero naubusan naman ito ng mana kaya mag isa na lamang siyang bumanat sa Mirana.

 

Parehos nalang silang konti ang buhay pero dahil siya si Hunter, ang hari ng Defence of the Ancients, naunahan niya ito.

 

Boom! Naghiyawan ang mga nanunuod sa likod niya.

 

"NOOBS!" Hiyaw ni Hunter. Nakipag Highfive siya kay Mackoy at Ariel.

 

Pero hindi pa tapos ang laban dahil nandiyan pa ang Riki. Kahit kailan talaga ay nakakainis ang Riki. Meron kasi itong skill na mag invisible at magpapakita lang kapag titira na.

 

Pero wala siya dahil naka gem pala ang Axe ni Mackoy kaya't nakikita parin nito si Riki.

 

Hunter adjusted his tied bangs. Itinaas na din niya ang paa nya sa upuan. As a strategy, he checked Riki's items and he found out na naka-mask of madness pala ito, pero wala parin itong nagawa ng palibutan at sugurin namin siya. Napatay nito ang Omniknight pero gamit ng first skill ng Axe ni Mackoy, at agarang ultimate, nanahimik ang kayabangan niya.

 

But the game doesn't end there. DotA's ultimate goal is to destroy enemy's base or their Tower.

 

And they did it. They won.

 

"Expected ko na yun." Sabi ni Mackoy.

 

"Walang kupas talaga si Hunter, eh. Galing mag- Phantom assassin. " Puri sa kanya ng iba habang binabatok batukan siya ng mahina.

 

"Magaling din kaya si Mackoy." Sabi niya sa mga ito.

 

"Ikaw naman ang nagdala talaga ng laro, Hunter eh. Sumunod lang kami sa sinabi mo. "

 

"Oo nga! Dude, pabatok nga ulit!" Si Ariel.

 

Putang inang mga bakla nag enjoy na batukan siya.

 

"PUTANG INA! NAGUGULO YUNG BUHOK KO! " He snapped at them pero tawa parin ito ng tawa, he was about to kick Ariel's leg when it suddenly gets quiet.

 

Booogsh!

 

He felt like he was seeing Three Nevermore circling around his head when someone hit his head.

 

"PUTANG---- SUN?!!!"

 

Nsputol ang mura niya ng makita ang lalaking kasing ganda ni Akasha, The Queen of Pain. Minus the sungay, huh.

 

Nagulat siya ng bigla siyang sinabunutan nito.

 

"WALANG YA KA ,HUNTER AMBROSIO!? ANONG ORAS NA ?! USAPAN NATIN MAG E-XBOX TAYO?? NAGDOTA KA NA NAMAN?! KAHIT KELAN TALAGA?! "

 

"WAIT SUN... SORRY... YUNG BUHOK KO."

 

"NAKAKAINIS KA! DI MO AKO INAYA?! MAG DODOTA KA PALA DI MO AKO SINABIHAN?! NOOOOOOOBSSSS KA!"

 

Hindi parin siya nito tinigilan sa kasasabunot. Tawa ng tawa ang mga tao sa shop.

 

"BABE, tama na ang sakit..." He pleaded.

 

At tumigil naman ito.

 

"Huh? Masakit ba? sorry babe." Natarantang hinaplos nito ang pisngi nya at kiniss siya sa noo. Tinulungan din siya nitong ayusin ang nagulo nyang buhok.

 

His boyfriend really loves to pull his hair. Kapag masaya ito, kapag natutuwa ito, kapag galit ito at kapag nasasarapan ito. You know what Hunter meant in the last part.

 

YES. HIS BOYFRIEND IS THE BEST. Oo, dati he was his Boy Best Friend, now Sunny is his Best Boy Friend. They had been steady for almost 7 months.

 

"Oh may dala ako sayo, lollipop. " At ito na mismo ang nagbalat ng ChuppaChups.

 

"Sit here babe." He motioned him to sit on his lap.

 

"Urur." Pabirong sinampal siya nito at namula ito.

 

Pinulupot niya ang dalawang braso sa beywang niyo habang nakatayo ito sa harap nya.

 

"PORN!" Sigaw ni Akira.

 

"PABEBE pa more." Dumagdag pa si Ariel. Kaya naman nabaling ang atensyon ni Sunny dito.

 

"Ariel, hanap ka na ng nanay mo, nandyan daw ate mo! Maligo ka na daw at magpatuli. " Pang aasar nito kay Ariel. Nagtawanan ang lahat.

 

"Hoy, Mackoy," Baling nito kay Mackoy na nasa kanan niya. " Alis dyan. Ako dyan sa tabi ng babe ko. Taga kabilang shop ka diba? Bat nandito ka? Hinanap ka ng nanay mo tinakas mo daw yung benta ng shop nyo.!"

 

Tinulak tulak nito si Mackoy kaya napilitang umalis ang pobre.

 

Umupo ito sa tabi nya. Hindi nya maiwasang mapangiti dahil lalo itong gumaganda habang dumadaan ang mga araw. Iniisip nya tuloy na siya ang dahilan kung bakit ito nagpapaganda.

 

Mahigit pitong buwan na ang nakakalipas mula ng gabing iyon...

 

 

"D-dad.."

 

"Bakit nasa labas pa kayong dalawa?" Bungad ni Mr. Kim sa kanila. Tumuon ang tingin nito sa mga braso nyang nakayakap kay Sunny.

 

"May dapat ba akong malaman, Hunter? " He asked him in a very serious tone. He felt Sunny stiffed. Halatang nakakaramd ito jg tensyon.

 

"Yes tito." He looked him in the eyes as he believed it was the sincerest thing to do.

 

"I love your son, tito." He said in a firm voice. And he mean it.

 

"Well... I am not surprise. " He saw him smirked but bigla din itong nagseryoso. " Pero hindi naman yata tamang sa kalye mo nililigawan ang anak ko, Hunter. "

 

"DAD!!!"

 

"Oh, hi there, anak. Aren’t you going inside now? Gabi na." Sabi nito sa anak. Bumukas na ang gate ng mga Kim.

 

" Dad, could you leave us for a moment please. ?"

 

"Sure! " He said as he drove inside their gate.

 

Nang maiwan silang dalawa ay binalingan siya nito.

 

"Hunter, I'm really sorry." Anito na ikinanerbyos ni Hunter.

 

Confessing to someone means the least thing you want to hear from that someone is sorry.

 

But the he continued.

 

"I'm sorry for hurting you. Sorry di ko alam na mahal mo pala ako. Sorry that I have given you so much heartbreak. Hindi ko alam na sa bawat heartbreak na nararanasan ko sa mga lalaking dumaan sa buhay ko ay nasasaktan din kita. Sorry, I wasn't aware na I'm hurting you. For that, I think I failed as your bestfriend. " With that he raised his head and looked at him.

 

"You don't need to apologize. Wala kang kasalanan. Those heartbreaks you gave me, my heartbreak boy, I'm addicted to it. I'm addicted to it like I am addicted to DotA. And it was the price I paid for taking your feeling for granted before. " He touched Sunny’ beautiful face.

 

"Hunter, sorry for thinking that ako lang lagi ang nasasaktan, sorry for not realizing that everytime I get broken, you are the one who's fixing and you get wounded picking me up. " Nangilid ang luha nito. He was too. Konting konti na lang tutulo na din ang luha niya.

 

"Hunter, today, I realize one thing. That the reason why I cant stay in a relationship is I was trying to look for you in those guys. You are my first crush, my first love so ikaw ang basis ko pagdating sa love. I tried to see you in them but who am I fooling? I always fail. Kasi nag iisa ka lang sa mundo, Hunter. And you are the only one for me."

Sunny put his hands on Hunter’s shoulders and kissed him. It was short but full of love.

 

Hunter put his arms on his waist, he bent down to level his forehead to him. Pinagdikit  ng binate ang mga noo nila.

 

"Sun, all the things I told you about me and other guys before were purely lies. The truth is I never had a girlfriend or boyfriend. I never like anyone else except you. You see, my heart never gave me a chance to love somebody else. It has always been you. Only you."

 

He placed a kiss on his lips and they hugged.

 

"I love you Hunter."

 

He cried when he heard that. It was pure bliss. Pinunasan nya ang mga takas na luha. Sun was crying too. But they both managed to smile.

 

"Can I kiss you again? " He asked and smaller guy blushed.

 

"But we kissed four times today?"

 

"Then let’s make it five. "

 

 

"HUNTER!!!"

 

Natauhan siya ng bigla siyang kablitin ng nobyo.

 

"Ha?"

 

"Kanina pa ako nag invite ano ba? Accept mo na! "

 

"Ahh… oo."

 

"Sino ba yang iniisip mo? Nambababae ka ba?"

 

"Si Akasha, este ikaw."

 

Umirap ito.

 

"Ako sa Phantom Assassin huh. Mag Axe ka."

 

"Ha? Babe naman! Ako na sa P.A!"

 

"Wala na nauna na ako. "

 

"Babe naman eh."

 

"Anong babe naman, magtigil ka nga Hunter, may kasalanan ka pa sakin."

 

"Sige na nga! Pero kiss muna, pampabwenas. "

 

"TANG INA. Ang landi mo Hunter. " Sigaw ni Mackoy di pa pala umuuwi ang ogag.

 

"Pabebe." Si Ariel.

 

"Ang sabihin nyo inggit lang kayo kasi wala kayong jowa na kasing ganda at seksi ni Queen of Pain." Buwelta niya sa mga ito.

 

"Wow?! Si Sun, queen of Pain? Dude nabubulagan ka na! Anlayo kaya. Ganun yata ang in love. " Sagot ni Ariel.

 

Sumagot naman si Sun.

 

"Oo nga, labo ng mata mo babe, di tulad ko ang linaw, kitang kita kong kamukha ni Ariel si Riki."

 

"BOOM! " Hiyawan ng mga tao sa shop ni Shawty.

 

'That's my babe.'

 

Naubos ang tawanan at nagseryoso ang lahat.

 

He looked at Sun. Seryoso ito.

 

"Mga bading, ready ha. Wag magpush hanggat di ko sinasabi." He commands them and Hunter find it so sexy.

 

Tsk. Walang duda, bagay nga sila ni Sun. Nagseryoso na rin siya. At siguradong mananalo sila. Dahil kasama niya si Sunny, ang kanyang pinakamalakas na weapon.

 

Pero dahil sadyang abnormal si Ariel ay bumanat pa ito na ikinatawa ng lahat pati na rin nya:

 

"KAMI ANG PABEBE DOTA PLAYERS AT LIDER NAMIN SI PABEBE SUNNY. WALANG MAKAKAPIGIL SA AMIN."

 

BOOGSH!

 

Si Ariel yun, sinapok lang naman siya ni Sun.

 

"Ayan pabebe kasi. " He mocked Ariel.

 

Notes:

Bye.

Notes:

Hi. I'm Z, I'm just testing the water here in Enville au community.