Actions

Work Header

Astra inclinant, sed non obligant

Summary:

BY48 Prompt:
Si Baekhyun yung tipo ng tao na binabase ang lahat ng bagay sa signs. Sa bawat pagdedesisyunan nyang bagay, manghihingi sya ng sign. At dahil si Baekhyun na lang ang bukod tangi sa kanyang barkada na walang boyfriend, at inggit na sya maranasan ang kilig at saya ng may kasama kaya humiling sya ng isang sign kay Universe. Kung sino man ang makaka salubong nya na nakasuot ng itim na hoodie sa ilalim ng tirik na araw sa BGC, sya na ang the one. Sino ba namang mag aakala na yung lalaking naka hoodie ma makikilala ni Baekhyun ay walang iba kundi ang pinaka pinagpapantasyahang bachelor ng buong Pilipinas na si Park Chanyeol.

Notes:

Maraming kaganapan sa buhay bago ko natapos ang fic na 'to. Sa prompter, maraming salamat. Sana nabigyang hustisya ko 'yung prompt mo hahahuhu. Thank you ka-chanbaek!

Sa mga mods, dabest kayo, sobra!!! Maraming salamat sa walang sawang pagsagot sa lahat ng aking pangungulit at sa inyong mahabang mahabang pasensya. Higit sa lahat, salamat sa oportunidad na ito. THANK YOU PO :)

G! THANK YOU SO MUCH. Sa pagsubaybay, paggabay, pakikinig, maraming-maraming salamat. What would I do without you. HUHU Super super thank you. LABYU SAGAD!

10derluv! YEHET. Kinaya natin to! Salamat sa laging pakikinig at sa laging pagsasabing kaya natin 'to, matatapos natin 'to. At natapos nga natin! APIR! Thank you! LABYUUU UWUUUU

PS. First time kong makapagsulat ng isang fic, kaya goodluck! Charot. Icocongrats ko kayo pag nakarating kayo sa dulo. Enjoy! Mahalin ang chanbaek <3
PPS. Song featured: Ikaw by Hulyo :-)

Chapter Text

  Agosto 18, 2018

 

“Magmasid ng maigi. Baka ang iyong hinahanap ay nandyan lamang sa tabi-tabi.”

Lucky Color: White

Lucky Number/s: 4, 6, 27

 

 

 

 

 

 

 

 

Black t-shirt. Check.

Ayos.

 

 

Black cap. Check.

Hmm. Ayos na ayos.

 

 

Backpack. Check.

Isa na lang.

 

 

White…

 

Teka, bakit black?

 

SHIT. Bakit hindi siya naka-white shoes?

 

Isa pa. Baka naman namalikmata lang.

 

Sinilip niya ulit ng isang beses sa ilalim ng mesa kung tama ba ang nakita niya. Wala e. Black shoes talaga.

 

Black. Bakit black? Bakit naman buong katawan ang suot niya black?

 

Ang totoo niyan, wala naman siyang pake kahit pa pawisan ang taong iyon sa kulay ng suot niya. Sa signs. Sa signs lang siya may pake. Hindi nangyari yung huling sign. Wala na. Ekis na. Napabuntong hiniga na lang siya at pilit na nagfocus sa report na kailangan na niyang maipasa bukas. Kung bakit naman din kasi wala pa yung kapartner niya. Late na naman at ayaw na niyang alamin kung anong dahilan.

 

“Baek!”

 

Speaking of the devil.

 

Kumaway lang. At siyempre, may lakas pa ‘to ng loob na hindi muna kaagad pumunta sa pwesto niya. Nagawa pang umorder ng dalawang frappe at dalawang cake bago pa tuluyang umupo sa table kung saan nagkalat ang kung anu-anong form, papel at libro. Kaunti na lang at sasabog na siya.

 

“Thanks Jongdae.”

 

“Sus! Libre ko na yan, alam–

“Hindi sa kape. Salamat sa pagdalo mo. Salamat pero isang page na lang at matatapos ko na ‘tong report natin. O sabi mo kasama mo si Kuya Minseok, nasaan siya?”

 

Kitang-kita ni Baekhyun ang kunwaring nahihiyang  ngiti ni Jongdae.

 

 Aba ‘tong gaga na ‘to, daming time lumandi. Buti pa sya.

 

“Sorry na Baek. Alam mo naman, Friday kahapon, medyo ano, ‘diba, syempre, TGIF ganern.”

 

At kumindat pa. Alam na.

 

Gusto na niyang ibuhos yung kape kaso naalala niya, hindi nga pala 3-in-1 ‘yon. TGIF. TGIF. Samantalang siya naka-dalawang bote ng Kopiko ’78 kagabi para lang matapos ang report na ‘yan. Oo. Dalawa. Kaya bangag siya ngayon.

 

“Jongdae, ‘wag kang joketime. Ala-una na kayo ng madaling araw nagsimulang magwalwal. So technically, sabado na ‘yon. Kanina lang ‘yon. Wag mong dinagdadagan ang kabadtripan ko ngayong araw na ‘to, sinasabi ko sa’yo.”

 

Wow. Mas matapang siya ngayon kaysa kay Jongdae. Iba pala talaga epekto ng signs sa kanya, lalo ‘pag hindi natutupad. At syempre, pasasaan pa’t bestfriends sila bago pa man sila magka-ngipin kung hindi man lang alam ni Jongdae ang iniisip niya.

 

“Ang alat mo ngayon ha. Baek, anong sign ba ang hindi natupad? Nakita ko si crushie mo ha, at iba rin si koya. May pinapatunayan sa pag-all black niya.”

 

Napairap na lang si Baekhyun at ngumuso sa kinalalagyan ng lalaki.

 

“Tingnan mo ‘yung sapatos. Badtrip talaga.”

 

“Bakit, ano na naman ba ang sign mo ngayon? Sana po rainbow yung sintas, ganon?”

 

Kung ‘di niya lang kaibigan si Jongdae, malamang talaga.

 

“Jongdae, ‘yang kape na ‘yan, pasalamat ka, hindi ‘yan 8 pesos lang. Kung hindi, baka naliligo ka na dyan ngayon.”

 

“Ooh, I’m scared. Ano nga kasi?”

 

“Sabi ko white. Puti. Bakit naman pati sapatos itim?”

 

Lumingon siya para i-double check pero wala e. Itim talaga. Gusto niyang tawanan si Baekhyun pero mukhang tototohanin niya ‘yung banta kanina kung hindi pa siya mag-bebehave. Subtle. Oo nga pala, isang page na lang tapos na ‘yung report.

 

“O sige ako na tatapos ng isang page para naman mabawasan ‘yang kabadtripan mo.”

 

Ops. Wrong move. Sumama lalo ang tingin ni Baekhyun sa kanya.

 

“Baek, minsan kasi dapat simplehan mo lang. Sino ba kasi maysabi sa’yo na diktahan mo ‘yung outfit nung tao? E malay mo, medyo emo ‘yung trip niya today diba. Edi wala na, finish na agad.”

 

“Kaya nga signs. Edi kung dadalian ko lang, parang bigay na ang ‘yun. Madali na nga ‘yan e! Colors na lang! Hay, mukhang wala na. Di talaga kami soulmates.”

 

Isang malalim na buntong-hininga na lamang ang nailabas ni Baekhyun. Pakiramdam kasi talaga nya matutupad ngayong araw na ‘to yung signs. Pero mukhang maalat talaga ang mundo sa kanya ngayon. Habang ang mabuting kaibigan niyang si Jongdae ay pigil na pigil sa pagtawa. Pero alam niyang deliks kaya bukas na lang niya bubwisitin si Baekhyun kapag naipasa na ‘yung report.

“Sige. Ganito na lang, isang sign pa. Kapag nangyari ‘to, magiging kayo na ni crushie mo.”

 

“Wag na. Ako dapat nanghihingi, hindi ikaw. Wag kang epal. I-print mo na lang ‘to at may utang ka sa’king dalawang report at 3 days lunch.”

 

“Wow, grabe. Bayaran ko na lang yung pinangkape mo kagabi? Joke lang. Pero sige na kasi. Kunwari pa, humohopia ka pa rin naman, sus.”

 

Gusto ng manapak ni Baekhyun. Kasi, totoo.

 

“O anong sign ba ‘yan. Ayusin mo humingi.”

 

Nginitian niya ulit si Baekhyun. Tumalikod muna sandal sa kaibigan para makita ang lalaki.

.

.

.

“Pag lumingon ka,

 

 

pangit ka.”

 

At tuluyan na ngang nagkalat ang kape sa mesa.

***

Alam ni Jongdae na kailangan niyang bumawi kay Baekhyun. In all possible ways. Kaya naman, nagdecide silang mag-movie marathon on a Sunday afternoon.

 

Pero mukhang distracted ang nag-aya.

 

“As one of the largest mobile device manufacturers here in the country, we are striving to promote a better way of communication, provide means of convenience especially in business matters and stimulate the use of technology as a helpful tool in an individual's life. The launching of our newest product...”

 

Nakanganga na lang si Jongdae habang pinapanood ang lalaki sa tv. Wala na talaga syang masabi sa sobrang kagwapuhan nito. Matangkad, matipuno, maganda ang hulma ng mukha, matangos na ilong, at mga matang parang nakakatunaw sa bawat titig. Adonis.

 

Tapos nagsalita pa.

 

Shit, boses palang ulam na.

 

Kaya naman pala kinababaliwan ng lahat.

 

“Dae!”, sigaw ni Baekhyun mula sa kusina.

 

Walang sumasagot.

 

“Dae! Jongdae!”

 

Wala pa din. Sumilip si Baekhyun para tingnan kung anong nangyari at bakit hindi siya pinapansin ni Jongdae.

 

Ah, ayon, malakas na naman pala ang radar.

 

“HOY, KIM JONGDAE!”

 

“Ay pu-, ano ba Baek! Kelangan talaga naninigaw ha? Ano ba, sinunog mo na ba yung kusina ha?”

 

Wow. Sya pa talaga maraming nasabi.

 

“Kanina pa kita tinatawag. Itatanong ko sana kung magluluto pa ba ako o oks na yang chichirya pero mukhang busog na busog ka na kakatitig dyan sa pinapanood mo.”

 

“Excuse me?! Yummy sya oo, pero no thanks, I already have Minseok so sa’yo na sya.”

 

“May sa’yo?”

 

“Baek, may akin. Si Minseok, akin. E ikaw ba meron? Meron bang sa’yo ha?”

 

Jongdae-1, Baek-0

 

Ano pa nga bang maisasagot niya? Tiklop sya syempre. Kasalanan nya bang siya na lang ang single sa barkada? At ang matindi pa doon, sa limang magkakaibigan, couple pa yung dalawang pares.

 

Minsan, malupit talaga ang mundo.

 

“I don't have time for that. Marami pa tayong kailangang asikasuhin. Wala pa rin tayong nahahanap na company for our OJT until now.”

 

Total shift of character si Baekhyun. Wala siyang ibang lusot kundi kunwaring nagseseryoso sa acads para di na mang-asar pa si Jongdae sa non-existent niyang lovelife.

 

“Okay, sabi mo e. Pero I think –“

Biglang bumukas ang pintuan ng apartment kasabay ang masayang-masayang mukha ng isa pa nilang kaibigan.

 

“Kuya Baek!”

 

“O, Jongin, sakto ‘di pa kami nag-uumpisa! Makakapili ka pa ng movie na trip mo.”

 

All smiles si Baek na para bang ‘di sya slightly inis kay Jongdae kanina.

 

“Teka, mamaya na ‘yang movie marathon, may good news muna ako.”

 

Sa nabanggit na good news, syempre pinaka excited si Jongdae. “What? Go, spill it!”

 

“Natanggap ako sa inapplyan kong company for our training. Naalala nyo ‘yung PTech na nabanggit ko? Nagsend sila ng confirmation sa e-mail ko kanina lang! Pinapapunta nila ako for further interview saka submission ng ibang relevant documents.”

 

“Omygod, bebeboy! Sobrang proud ako sa’yo!”

 

Mala-stage father si Jongdae nang yakapin pa si Jongin habang kunwari ay naiiyak-iyak.

 

“OA na Dae. Pero congrats Jongin! Go ka na dyan. Maganda rin yan for future references.”

 

“Wait, Baek OMG. Ayan pala ‘yung isa-suggest ko sa’yo kanina. Magpasa din tayo sa PTech. You know how successful naman yung company na ‘yon diba.”

 

“Yes, Kuya Baek, try nyo rin doon para magkakasama na tayo”, sabi ni Jongin habang pumipili na ng movie at napapasarap na ang higa sa sofa.

 

“Balak ko na din dyan. Pero if I know kaya gusto dyan ni Jongdae e mukhang pinagnanasaan niya yung future CEO ng company.”

 

“What are you talking about?!”

 

“Hoy Kim Jongdae. Una, wag kang maka deny deny dyan. Pangalawa, kung nahubaran mo na sya gamit ang mga mata mo, malamang nahalay mo na sya kanina pa. At pangatlo, wag kang mag-inaso, di bagay sayo.”

 

All facts.

 

Jongdae-1, Baek-1

 

“Fine. He’s hot.”

 

“Hot lang?”

 

“Super hot. Masaya kana? O basta bukas magsend na tayo ng email at nang matapos na ‘tong paghahanap natin.”

 

“Pero – “

 

“Baek, think about it. Maganda ‘yung company. Maganda ‘to for experience and of course the name itself says it all diba. And para sa ating finishing touches, sobrang gwapo ng future CEO. Perfect diba!”

 

Alam ni Baekhyun na may point si Jongdae. Sa lahat lahat ng sinabi nya. Kasama na doon yung mga salitang “sobrang gwapo”.

 

“Uhm, pwedeng pag-isipan ko muna? I’ll tell you my decision tomorrow.” Kelangan ko pa kasing humingi ng sign.

 

“Alright, if that’s what you want. O sya, tara na’t gusto kong mapanood si baby kavinsky. Oy, bebe –“

 

 

Sa dami nang litanya ng dalawa, mukha ngang tinulugan na lang talaga sila ni Jongin.

 

***

 

Today is supposed to be his rest day. Yung tipong matutulog lang maghapon, watch some netflix series or play latest videogames. Pero sinong niloko nya? Medyo agaw trip din kasi talaga ang workload. Wala naman syang reklamo. Actually, hindi naman talaga pwede.

 

“You’ll have a TV show guesting tomorrow at 8am and then at 10 am, you’ll proceed to another magazine interview. Lunch with the board of directors will be at exactly 12nn. At 3pm, there will be a meeting with regard to the collaboration of our new project. That’s your schedule for tomorrow Mr. Park.”

 

Medyo napabuntong hininga na lang sya matapos niyang marinig ito. Katatapos nya lang gawin ang nakatambak na paper works and he’s trying to take a break when his secretary called him, reciting his next schedule.

 

Stressful. Ilang months na din simula ng i-prepare sya for being the next president of PTech. The pressure is there of course. Mataas ang expectations ng mga tao sa paligid nya. Not to mention that he’s quite famous hindi lang sa business world. Why? Well, maybe because of his looks, skills, and his reputation at a young age.

 

“I’m sorry, Ms. Lee but can you try to resched the 3pm meeting? I have a prior engagement during that time.” Prior engagement, my ass.

 

“Okay sir, will do it.”

 

“Thank you.”

 

Meron naman talaga syang prior engagement. But not with business matters. Time out muna sya sa kashit-an ng corporate world. It’s somehow suffocating. Don’t get him wrong, though. It’s not because he doesn’t want it. He just doesn’t like it that much. He has other plans. Pero, in a way, this could be a curse for having a privileged life. Limited freedom.

 

Sehun: bro, up for tmrw night oryt? Let’s have final practice at 3pm. same place. see u!

 

Yup. Member of a band – lead singer/guitarist. Well, that’s what he really wants. It’s not a secret to his family. But he knows his limitations and responsibilities. He knows how important the company is. Kaya naman this time, gagawin niya ang pinakagusto niya.

 

sure bro, 3pm it is.

 

***

 

Agosto 20, 2018

 

“Maaaring sinwerte, maaaring hindi. Maaaring itinakda. Maaaring nakasulat na.”

Lucky color: Black

Lucky number/s: 4, 27

 

“Babe, try this one. Eto na talaga ‘yung second favorite flavor ko ngayon”, sabi ni Jongdae habang inaabot ang frappe kay Minseok.

 

“Mmm. Masarap. You really have a good taste, babe.”

 

“Of course. Kaya nga ikaw boyfriend ko diba?”, sagot nito sabay kindat.

 

Ganyan ang linyahan ng dalawa habang nakaupo silang tatlo sa isang coffee shop sa may BGC. Last gala daw before maging busy sa training. As if namang hindi sila makakagala every friday night. Hinihintay nila ngayon sina Jongin at Kyungsoo. At, oo, hindi lang halata pero kasama talaga nila si Baekhyun.

 

“Alam niyo, kaibigan ko kayong dalawa pero hindi niyo kailangan magtikiman ng frappe o magsubuan ng cake sa harap ko.”

 

“Sungit naman. Baek, baby, magboyfriend ka na kasi. Try mo, masaya.”

 

Aba, talagang nilingkis pa ang braso kay Kuya Minseok. Leche ‘to ah.

 

“Binibili ba ‘yon ha? Teka, pag-iipunan ko muna.”

 

“Bakit, wala pa ba talaga?”, inosenteng tanong ni Minseok sa kanya.

 

“Alam mo babe, pihikan ‘yan si baby B. Masyado kasi siyang maganda for them.”

 

“Gago. But it’s not like that. It’s not because of standards or whatever shit it is. Pero alam mo ‘yon. I still haven’t felt it. Yung siya-na-talaga feeling.”

 

“Oh, so fan ka din pala ng ‘you-are-the-one’ moments?”, pang-aasar ni Jongdae.

 

“Hahaha. C’mon, babe. Let him live. Baka wala pa talaga syang nattripan. Okay lang ‘yan. He’s still young”, sabat ni Minseok habang umaakbay kay Jongdae.

 

“OMG! Alam ko na. Why not, humingi ka ng sign today. As in today ha.”

 

“What?!”

 

“Ano ka ba Baek, lakas mo naman maka-virgin sa ‘what’ mo na ‘yan. Lagi mo namang ginagawa ‘yun diba? I mean, yung panghihingi ng sign ha”, sabay bigay ng isang makahulugang ngiti.

 

Sa mga sinasabi ni Jongdae, minsan talaga iniisip niya kung paano sila naging magkaibigan.

 

“Fine. Para tumigil ka na sa pangbbwisit mo sa’kin.”

 

“Yes! So, anong gusto mong hilingin? Dalian mo lang ha. Baka mamaya out of this world na naman ‘yan. Umayos ka.”

 

“Okay, simple kamo? Ganito. Nakita mo ba kung gaano kainit sa labas? Kung sino ‘yung makakasalubong ko na naka-itim na hoodie, siya na. Siya na talaga.”

 

Halos maibuga ni Jongdae ang frappe na iniinom nya sa sinabi ni Baekhyun. Habang tawa naman ng tawa si Minseok sa tabi niya. Jongdae, being Jongdae.

 

“Baek. Really. Paano ba kita naging kaibigan? Ang init init sa labas! Sinong baliw magsusuot ng itim at hoodie pa! Baek naman. Gusto mo ba talaga magka-boyfriend? Sa sign mo na ‘yan parang sinasabi mong papakasalan mo na lang si Mongryong e.”

A dog, yes. Mongryong is Baek’s dog.

 

“Shut up Jongdae. Wala ng bawian. Nasabi ko na.”

 

“O ano pang hinihintay mo dito? Try mo lumabas para may makasalubong ka diba? Nakikita mo ‘yang botique na ‘yan?”, sabay turo ni Jongdae sa isang botique shop na tapat lang mismo ng pwesto nila ngayon.

 

“Anong gagawin ko dyan?”

 

“Magliwaliw ka muna dyan. Ano, uupo ka lang dito pero gusto mo may makasalubong ka? Wow, Baek. Konting hasa ng brain cells ha.”

 

Habang pina-plot na niya sa utak kung paano patayin si Jongdae mamaya, ay bigla itong tumayo.

 

“You know what, tara na. Sasamahan ka na lang pala namin. Kailangan ma-witness namin ‘yang happiest moment of your life, right babe?”

 

Wala namang choice si Minseok kundi sumunod.

 

Nauna ng maglakad si Baekhyun sa kanila. Ayaw naman niyang ipamukha pa sa sarili na third wheel siya. So, yes, strong independent man siya ngayon.

 

“Kung bakit naman kasi lagi akong sabit...”, pagmamaktol niya habang nakayukong naglalakad.

 

But wait. Not so strong pala siya. Saktong papalabas na siya sa may pintuan, e saktong pagpasok naman ng isang lalaki.

 

Teka...

Black.

 

 

Naka-hoodie.

 

 

Mainit pa din naman sa labas diba?

 

 

Medyo tumingala pa si Baekhyun. Nabunggo kasi yung ulo niya sa may dibdib lang ng lalaki.

 

 

 

 

 

“Oh, shit.”

 

Tangina ang gwapo.

 

 

 

At ang bango.

 

Ang tangkad. Ang ganda ng mata. Ang perfect ng shape ng ilong. At ang lips, shit, bakit kissable?

Chineck nya ulit ‘yung suot ng lalaki. Black hoodie. Hindi. Hindi siya nagkakamali. Naka hoodie talaga siya kahit tirik na tirik ang araw ngayon.

 

“Totoo ka ba?”

 

Fuck. Wait, hindi dapat ganyan yung tanong. Wait. Mali. Shit.

 

“What?”, natatawang sagot ng lalaki pero halata pa rin na medyo nagulat siya sa sinabi ni Baekhyun.

 

Kitang-kita ang cute niyang dimple habang nakangiti.

 

Teka, saglit.

 

Nakangiti?

 

Yari na. Hindi lang mali ang nasabi niya, matagal-tagal na rin pala siyang nakatitig at nagawa na niyang idescribe ang facial features ng lalaki. At para bang naririnig niya ngayon ‘yung mga sinabi niya kay Jongdae: Kung nahubaran mo na siya gamit ang mga mata mo, malamang nahalay mo na siya kanina pa.

 

“Ah, s-sorry. Sorry, ‘di ako nakatingin sa dinadaanan.” Sa sobrang gwapo mo, ‘di na rin ako makatingin sa’yo.

 

Ngumiti lang ang lalaki sabay patong ng kamay sa ulo ni Baekhyun at bahagyang ginulo ito.

“It's alright, cutie”, at dere-derecho na itong naglakad papunta sa counter. Samantalang naiwan si Baekhyun, nakatulala at pilit na inaabsorb lahat ng nangyari sa loob ng dalawang minuto na 'yon.

 

Cutie. Nabingi ba ako?

 

 

Tangina. Eto na ba talaga?

 

“BAEKHYUN!”

 

Bumalik lang siya sa ulirat ng maramdaman ang masakit na hampas mula kay Jongdae.

 

“Omygod baks!!! May panalo na. Wala na, finish na. Tara na uwi na tayo! May jowa ka na! Omygod!!!”

 

“D-dae. Teka, saglit. Naka-black hoodie sya diba? Maaraw pa din diba? Nakasalubong ko siya. Lahat ng ‘yon nangyari. ‘Yun yung sinabi kong signs diba?”

 

Natatawa na talaga si Jongdae sa reaksyon ni Baekhyun. Halatang shocked pa din ito sa nangyari.

 

“Gago, oo. Hahahahaha. Ano ba, tinangay din ba ng naka-hoodie na ‘yun yung utak at ulirat mo? Hahaha.”

 

“Grabe, totoo ba 'to? Bakit parang ang bilis matupad ng sign?”

 

“Don't question it Baek. It already happened”, sagot ni Minseok.

 

“Right. Akalain mo ‘yun? May baliw na nagsuot ng black hoodie sa weather na ‘to? Wow. Hahaha. Kelangan malaman ng dalawa ang about sa future jowa mo! Let's go na.”

 

Shit, eto na ba talaga?

 

Pero sino siya? Paano? Ano na?

 

Ewan.

***

 

 

First day of training. Same typical scenarios. Introduction. Orientation. At kung anu-ano pang bagay ang ipinagawa sa kanila bago raw mag-start ang formal training. Pero sa sitwasyon ni Baekhyun ngayon, parang gusto na lang niyang mag-disappear bigla.

 

“Sir, this is Baekhyun Byun - our newly assigned intern.”

 

Fuck, wait.

 

 

 

Totoo ba ‘to?

 

What kind of sorcery is this?

 

“Mr. Byun.”

 

“A-ah, yes. Good morning, sir.”

 

Hindi makapaniwala si Baekhyun sa nakikita niya ngayon. Feeling niya nasa teleserye siya kung saan may cliche plot involving destiny shits. Bakit nasa harap niya ngayon ang lalaking ‘to?

 

Well, of course, he’s the future CEO.

 

Chanyeol Park.

Pero tangina naman, masyado naman yatang nakakakilabot ang happenings. Parang kahapon lang nung nabangga niya yung lalaking ‘to sa coffee shop tapos ngayon nandito na at boss niya pa. Although, hindi naman siya nagrereklamo.

 

Bakit nasa harap nya ngayon si black hoodie guy?

 

“I’m looking forward working with you. I hope you’ll learn everything you need and you’ll gain a meaningful experience in this company.” Chanyeol extends his hand for a handshake sabay bigay ng isang maliit na ngiti.

 

Ang aliwalas naman ‘non.

 

“So, since this is your day 1, I want you to sort out these documents and make a summary of the highlighted parts. Here’s the list. After that, research about this article and make a short report. I’ll include that in the meeting tomorrow. Also, you’ll be reporting to Ms. Lee. I’ll be the one giving orders. Hmm, well, I think that’s it for now. Any question?”, sunod-sunod din ang pagbibigay ni Chanyeol sa kanya ng mga materials habang sinasabi ang mga dapat niyang gawin.

 

Baekhyun swears he saw Chanyeol smirked. Kung bakit? Di niya alam. Pero sa dami ng pinapagawa sa kanya sa unang araw palang, naconfuse siya kung intern ba talaga siya dito o secretary.

 

“None, sir.”

 

“Alright, you may go now. Thank you.”

 

Habang papalabas si Baekhyun sa office niya, isa lang din ang tumatakbo sa isip niya.

 

Natatandaan kaya siya nito?

 

But if only he saw how Chanyeol looked at him, walking away, carrying those papers, he would’ve known.

***

 

“Kyuuuung, bakit kasi magkahiwalay tayo ng department”, reklamo ni Jongin habang hinahatak hatak ang shirt ni Kyungsoo.

 

Lunchtime. Nagkita-kita, updates sa isa’t-isa at konting kwentuhan sa bagong environment.

 

“Parang bata, Jongin. O eto kumain ka, tigilan mo ‘yang pagppout na yan”, sabay bigay ng isang malaking subo ng adobo rice sa boyfriend.

 

“Awww, guys, ang sweet niyo. Respeto naman kay baby Baek.”

 

Jongdae, in another episode of him being an asshole.

 

“Shut up Dae. Di ako naiinggit.”

 

“Well, thanks at natupad ang sign kahapon, mukhang may future jowa ka na talaga. Pero, kwentuhan mo ‘ko about your boss. Is he really THAT good-looking in person?”, says Jongdae with his most beautiful eyes.

 

Napairap na lang si Kyungsoo sa narinig niya at itinuloy ang pagkain. Samantalang iniisip naman ni Baekhyun kung dapat niya bang sabihin kay Jongdae ang mindblowing news. But in the end, he decided to.

 

“You won’t believe it, Dae.”

 

“OMG. What, what! C’mon ituloy mo ‘yan Baek.”

 

As always, eager na eager ang kaibigan niya.  For a second, he hesitated pero bahala na.

 

“Park Chanyeol, the future CEO of PTech and my current boss, is the black hoodie guy I met yesterday.”

 

Priceless. Sobrang priceless ng mukha ni Jongdae ngayon. Super meme-able at mukhang magiging viral kapag ginawa niyang photo comment.

 

“What the fuck, Byun Baek. Tell me you're joking.”

 

“I wish I was. But no, I'm not.”

 

In an instant, biglang nagliwanag ang mukha ni Jongdae with an excitement written all over his face.

 

“Soo! Narinig mo ba ‘yun? One step closer na lang ang baby natin sa ultimate love story of the century. I really feel like crying right now.”

 

Baekhyun just walked out of the scene. Alam niyang marami pa siyang kailangang tapusin within the day. Hello, OJT talaga.

 

***

Agosto 24, 2018

 

“Ang mga hinihingi’y makakamit. Maghintay lamang at ang mga senyales ay wag ipilit.”

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 2

 

Para kay Baekhyun, hindi madali maging trainee sa PTech. Malayong-malayo ito sa mga istoryang OJT na alam nya. Hindi sya taga-photocopy, taga-timpla ng kape o taga-bili ng pagkain ng mga seniors nya. Although, minsan ginagawa nya ang mga ito pero kadalasan, busy talaga sila. Marami syang papers na dapat gawin, reports na dapat ipasa at presentations na dapat buuin. Para na talaga syang empleyado, sweldo na lang ang kulang.

 

“So, Baekhyun, kumusta naman ang work so far?”

 

Magkatabi lang sila ni Ms. Lee ng station dahil nga isa rin ito sa nagbibigay ng orders sa kanya aside from Chanyeol. Natapos na nila ang mga mahahalagang gawain kanina pang umaga kaya naman medyo slow down sila ngayon sa ibang works.

 

“Okay naman po, Ms. Lee”, sabay ngiti ni Baekhyun.

 

“How’s the environment?”

 

“Nakakatuwa po kasi ang light ng atmosphere at approachable din mostly ang mga tao rito.”

 

Napangiti naman si Ms. Lee sa sinabing ito ni Baekhyun.

 

“Well, ganyan din naman kasi ang boss. Malaking tulong rin ‘yung ganong character nya at nakikita ito ng mga tao.”

 

Hindi muna nagsalita si Baekhyun. Iniisip din naman nya ang bagay na ‘yon. Napapansin nya na palabati at palangiti si Chanyeol. Hindi sya ‘yung mukhang istrikto at hindi malalapitan. Kabaliktaran pa nga nito. Last Wednesday, nabalitaan nya na nagpakain daw ito sa department nila Jongdae. After ng hectic na workload, nilibre nya ang mga employees kaya nagkaroon ng munting salu-salo.

 

“You know, Chanyeol is a boss that everyone could ask for. Approachable at friendly. Makakalimutan mo nga minsan na boss mo sya kapag kausap mo e. He treats everyone equally. Bukod sa competent na, mabait pa.”

 

“Maswerte po talaga tayo sa kanya ‘no?”

 

“Sobra. He’s known for helping others. Sobrang maaasahan ang batang ‘yan. There’s one time na nagkaroon ng family emergency si Jihoo. You know him, right? Sobrang busy namin noon, nag-oovertime lahat. Pinayagan kaagad sya ni Sir at nung nalaman nya na emergency, nag-offer pa syang ipagdrive ito. Until now, sobrang thankful ni Jihoo sa kanya. If it wasn’t for him, baka ‘di nya agad nadala sa ospital ang nanay nya.”

 

Na-amaze si Baekhyun sa kinwento ni Ms. Lee. Chanyeol is really more than just his good looks and skills. Grabe. Bakit naman parang close to being perfect na sya?

 

“I just wish he’ll find someone to take care of him. Kelangan nya rin ng break from work.”

 

“So… wala po syang girlfriend?”

 

Hindi muna kaagad sumagot si Ms. Lee. At syempre, para kay Baekhyun, hinihiling nya na sana wala. Girlfriend man yan o boyfriend o ano pa man. Napangiti si Ms. Lee at umiling. Ayos. Single and so much available ang future boyfriend ko.

 

“O, lalim ng buntung-hininga ha. Nakahinga ka ba ng maluwag?”, sabay tawa ni Ms. Lee kay Baekhyun.

 

“OMG, hindi po ‘no. Ano, kasi diba po syempre, nakakagulat. Sa gwapo nyang ‘yan ganon?”

 

“Sus, Baekhyun. Marami-rami kang kaagaw. O sya sige na, hatiran mo na sya ng kape roon at mukhang kailangan na nya.”

 

 

 

 

Dahan-dahang kumatok si Baekhyun at pumasok sa office ni Chanyeol. Kinabahan sya dahil nakita nyang hawak nito ang folder na ipinasa nya kanina at nakakunot ang noo habang binabasa ito. Inilapag nya ang kape sa lamesita at nagdalawang-isip kung babatiin nya pa ba ito o aalis na lang. Papalabas na sana sya nang bigla syang tawagin nito.

 

“Yes, sir?”

 

Inialis ni Chanyeol ang focus sa pagbabasa at tiningnan si Baekhyun sabay ngiti.

 

Ano ba. Hobby mo bang ipakita ‘yang dimple mo na ‘yan ha.

 

“You made an excellent report. I’m glad. Kaya lang, I just want you to add a few things. I’ll be sending it to you through e-mail. Kaya bang tapusin today or…?”

 

Eto pala yung sinasabi ni Ms. Lee. Considerate na tao si Chanyeol. At mukhang sya pa ang nahihiya kapag nag-uutos ng dapat na gawin.

 

“Tatapusin ko po today, sir!”, medyo enthusiastic ang pagkakasabi ni Baekhyun sabay bigay ng malaking ngiti kay Chanyeol.

 

“Oh, uhm, okay. Thanks. Hintayin ko na lang din tonight? If you’ll work overtime?”

 

“Okay, sir. Tatapusin ko po kaagad.”

 

Hindi pa nakakalimang hakbang ay tinawag ulit sya ni Chanyeol.

 

“One more thing. If ever you need help, don’t hesitate to ask me, okay?”

 

Sa mga oras na ‘yon, narealize ni Baekhyun na hindi pala maganda sa kalusugan nya kapag laging nakikita ang mega-watt smile ni Chanyeol. Nakakasilaw. Nakakatunaw masyado.

 

“Y-yes po.”

 

 

7pm na nang matapos ni Baekhyun ang update sa report. Kanina pa dapat sya nakapag-out pero alam nya na kailangan ito for tomorrow’s meeting. Dadalhan na rin sana nya ng isa pang kape ulit si Chanyeol bilang bilin ito sa kanya ni Ms. Lee pero naisip nya na iba na lang ang ibigay rito.

 

Pagpasok nya ng office ay nadatnan nyang natutulog si Chanyeol. Dahan-dahan nyang inilapag ang folder at ang tea. Chanyeol sleeps while leaning on his chair. Naka-clasp ang kamay nito at naka-lean ang ulo sa may right shoulder.  Sobrang gwapo pa rin talaga nya kahit natutulog.  He looks so calm pero kitang-kita pa rin ang stress dahil paminsa’y nakukunot ang noo nito.

 

“Mukha talagang stressed na stressed ka ‘no?”, nangingiting bulong ni Baekhyun sa sarili nya. Naaawa rin sya at parang hindi talaga nakakapagpahinga ng maayos si Chanyeol. Kumuha sya ng maliit na unan mula sa sofa at inilagay ito sa ulunan ni Chanyeol sabay dampi ng daliri nito sa nakakunot nyang noo.

 

Chanyeol looks ethereal even he’s asleep. Pinagmasdan ito ni Baekhyun ng malapitan. Sinamantala na nya habang natutulog. Wala naman syang gagawing masama, iaappreciate lang ang biyayang nasa harap nya ngayon. Kahit naka-hair up si Chanyeol, mukha pa rin syang giant teddy bear para kay Baekhyun. Masarap yakapin. Almond-shaped eyes na kapag tumitig ay para kang tinutunaw ng paunti-uti. At ang ilong, kahit yata anong anggulo, perfect ito. Ang jawline na nagsusumigaw, and that rosy and plump lips? Isa lang ang naiisip ni Baekhyun. Mali yatang pinagmamasdan nya si Chanyeol ng ganito, hindi talaga mabuti sa sistema nya.

 

Wala kang ginagawang masama ha. Tingin lang, Baekhyun, tingin lang okay.

 

“So, sa itsurang ‘yan, bakit nga ba ulit wala ka pang jowa?”

 

One last look.

 

“Gwapo ka pala talaga ‘no? Tirik man ang araw o hindi. Hayyyy, Chanyeol Park.”

 

Inayos nya ng kaunti ang desk nito at ang pagkakalagay ng tsaa. Maya-maya’y umalis na rin si Baekhyun matapos ma-check na okay na ang lahat. But before that, he made sure to write a note for Chanyeol.

 

 

 

Hi, Sir.

 

Okay na po ‘yung report. Paki-check na lang po ulit.

Hindi rin po pala magandang nagkakape lagi. Nakakapandak ‘yan.

Ayan, tea. Try nyo, nakaka-relax.

Sleep well : - )”

 

 

 

***

 

“Baekhyun! Nasaan ka na ba? 5 minutes na lang magsstart na ‘yung meeting.”

 

Kausap ni Jongdae si Baekhyun sa phone. Nasa conference room na ito at hinihintay na lang na magsimula ang meeting.

 

“Eto na Dae, papasok na ako sa may gate. Ano ba, kelangan ba talaga tayo dyan?”

 

“Bilisan mo na, baks! Kajirits ka talaga, nako!”

 

Hindi inaasahan ni Baekhyun na pati pala sila ay kailangan sa meeting na ‘yon.  10pm na sya nakauwi kagabi kaya na-late ng konti ng gising. Medyo traffic pa, kaya ngayon ay madaling-madali sya. Pagpasok nya sa conference room ay nakita nya naman kaagad si Jongdae at tinabihan din ito.

 

“Kakaloka ka! Alam mo namang EDSA dadaanan mo, nakoooo!”

 

“Eto na nga diba umabot na.”

“Bakit ka ba kasi late? Anong oras ka na naman ba umuwi? Nag-overtime ka ba?”, sunod-sunod ang tanong ni Jongdae habang tinutulungang iayos ang mga dala-dalang gamit ni Baekhyun.

 

“At saka, bakit ba ang dami mong dalang gamit? Naglayas ka ba?”

 

“Wow, teka saglit naman. Alalang-alala, jowa ba kita?”

 

Binatukan na lang sya ni Jongdae dahil nakita nitong naglalakad na sa harap si Chanyeol, hudyat na mag-uumpisa na ang meeting. Apparently, quarterly report pala ito at lahat ay dapat present para raw maging aware sa status ng company.

 

“Dae, nasan ‘yung dalawa?” Napansin ni Baekhyun na wala sina Jongin at Kyungsoo kahit nandoon ang mga superiors nila.

 

“Absent. Baka puyat.”

 

“Ha? Bakit naman mapupuyat?”, pabulong na nakikipagdaldalan ngayon si Baekhyun dahil hindi talaga nya forte ang pakikinig sa mga meetings. Medyo short ang attention span nya at kung hindi sya dadaldal, malamang, matutulog lang sya roon.

 

“Nakatingin sya sa‘yo.”

 

“Ha? Sabi ko asan – shit, oo nga.” Saktong pagtingin ni Baekhyun sa harap ay nakatingin sa kanya si Chanyeol. Agad naman syang umiwas ng tingin at yumuko. Medyo naguilty dahil halatang ‘di sya nakikinig sa discussion.

 

“Baekhyun, ano bang ginawa mo at tingin ng tingin sa’yo ‘yon?”, pasimple rin ang bulong ni Jongdae sa kanya. Medyo malayo naman sila sa harap kaya hindi rin gaanong halata. Mabuti na lang at malaki ang venue.

“Nakatingin pa rin ba? Ano, mukha bang galit? Shit. Nahuli nya yata akong ‘di nakikinig. Ako pa naman gumawa ng slideshows dyan.”

 

“Baek, umayos ka ng upo. Tumingin ka sa harap dali. Making ka.”

 

“Ayoko! Baka samaan ako ng tingin e.”

 

“Umayos ka, Baekhyun hihilahin ko talaga ‘yang upuan mo, sinasabi ko sa’yo.”

 

Napilitan si Baekhyun na umayos ng upo. Iniiwasan na lang nyang tumingin sa nagsasalita sa harap at pilit na nagfocus sa slideshow presentation. Mukha ngang tama si Jongdae, napapansin nya sa peripheral vision nya na parang nadadaan ng tingin si Chanyeol. Tumatagal ng ilang segundo.

 

“Grabe makasulyap ha. Ano, tunaw ka na ba?”

“Anong sinasabi mo – “

 

At ayon. Totoo nga. Sumusulyap talaga sa kanya si Chanyeol. Hindi lang madaliang sulyap, may konting pagtitig. Kaya naman pala ganyan na lang din kung makapag-react si Jongdae.

 

“Baek, yuko ka na ulit, nagbblush ka e.”

 

“Pakyu, manahimik ka.”

 

Nagpatuloy ang meeting ng wala talagang gaanong naintindihan si Baekhyun. Nadidistract sya kay Chanyeol. In a good way. At hinding-hindi naman sya magrereklamo. Bago ito matapos, isa-isang pinasalamatan ni Chanyeol ang mga taong tumulong sa kanya para mabuo ang materials na kinailangan nya ng araw na ‘yon.

 

“I’d like to thank the whole department for always doing your part and giving your best. Thank you Ms. Lee, sa pasensya, at sa lahat ng pakape mo.”

 

Natawa naman ang lahat.

 

“And of course, special thanks to Baekhyun. Utang na loob ko sa’yo ang presentation na ito.”

 

Ayan na naman ang ngiti na ‘yan. At talagang nakatingin ka pa ha.

 

“He’s one of our new trainees, guys. I must say, he’s one of the best.”

 

Kung nagulat si Baekhyun sa pagmention na ito ni Chanyeol, mas nagulat sya ng bigla itong kumindat matapos magpasalamat. Shocked, hindi nya talaga alam kung paano magrereact. At syempre, hindi iyon nakalagpas sa mga mata ni Jongdae.  Hindi pa rin inaalis ni Baekhyun ang mga mata sa harap habang pinagsasabihan nya ang kaibigan.

 

“D-Dae… wag mo ‘kong tingnan ng ganyan. Hindi ko rin alam kung bakit nya ginawa ‘yon.”

 

Kung i-rrate nya ang pagkagulat, 11/10 talaga. Pero wait, there’s more din ang drama ni Chanyeol. Sinamahan muna ni Jongdae si Baekhyun sa station nya para ilapag na muna ang gamit, mag-ayos ng konti at sabay ng mag-lunch. 

 

“Nice, Baek, may admirer ka?”, sabay kuha ni Jongdae sa isang chocolate bar na may kasamang note sa desk ng kaibigan.

 

“Jongdae!”

 

“Chill baks. O eto”, sabay tawa ni Jongdae sa namumulang Baekhyun.

 

Hi Baekhyun,

I don’t know if you’re into sweets but take this as a sign of my gratitude. Your tea helps. ☺  I’m expecting for a regular delivery ha. Thanks! ☺

<3

 

Walang pangalan ng sender. Pero alam na alam ni Baekhyun kung sino ang nagbigay nito. At dahil nga hindi pa sya nakakamove-on sa mga ganap kanina sa meeting, litong-lito na siya sa mga pangyayari. Bakit may dalawang smiley? Bakit ang pangit ng sulat? Bakit may pa-chocolate? At BAKIT MAY PA-PUSO?

 

“HAHAHAHAHAHAHAHA”

 

Nagulat si Baekhyun sa biglang pagtawa ng malakas ni Jongdae. Nakalimutan nyang kasama nya nga pala ito ngayon at malamang ay kanina pa sya inoobserbahan.

 

“Nakita mo sana itsura mo! Para kang natatae na kinikilig na ewan! HAHAHAHA”

 

“Tangina, Dae. Anong gagawin ko?”

 

“Hahahaha. Anong gagawin mo? Maglalunch. Kakain tayo dahil gutom na ako. O baka naman, busog ka na?”

 

Bago pa nga tuluyang masapak ni Baekhyun ang usiserong kaibigan, nauna na lang syang maglakad dito.

 

***

Halos isang buwan din na naghanap si Baekhyun ng OJT site. Katwiran nya, gusto nya talagang matuto. Yung legit. Hindi sapat na magtimpla ng kape, magpa-photocopy, o magpapirma ng kung anu-anong dokumento. Marami syang gustong matutunan sa kurso nya at alam nyang isang mabuting paraan ang OJT para magkaroon pa ng dagdag kaalaman. Choosy siguro, pero para rin naman sa future.

 

Kaya naman, sobrang thankful nya at nakapasok sya sa PTech. Hindi mediocre works ang pinapagawa sa kanya. Although, oo, paminsa’y napag-uutusan sya ng kung anu-anong bagay. Tulad nung nakaraan, napabili sya ng lunch ng iba nyang kasamang tatlong oras ng nasa meeting. Ayos lang sa kanya, kahit papano, nakakatulong naman sya.

 

Kabilaang drafts, reports, at mangilang-ngilang presentations ang pinapagawa sa kanya. Hindi naman complex paperworks. Simpleng bagay lang pero kahit papaano, naeexpose sya sa mga mahahalagang bagay na kailangan nyang matutunan.

 

At syempre, bukod sa learning at experience, isang malaking jackpot din naman talaga kay Baekhyun na under sya ng department ni Chanyeol. Bakit hindi, e sya ang future CEO, at higit sa lahat, ang lalaking itinuro ng sign. Mahigit isang linggo palang sya sa kompanya pero marami na syang nalalaman tungkol sa boss. Hindi sya istrikto. Ayaw nyang iniisip ng mga tao sa paligid nya na higit syang nakatataas kahit medyo totoo naman. Para sa kanya, pantay-pantay dapat ang trato sa lahat. Minsa’y nakita nya si Chanyeol na binabati ang guards at janitor sa pangalan ng mga ito. Kilala nya at nakipagkwentuhan pa ng saglit. Kitang-kita ni Baekhyun ang tuwa sa mga mata ni Chanyeol at ng mga nakakausap nya. Approachable, laging nakangiti at laging positibo ang dating.

 

Gawa na rin siguro ng sign kaya mas lalong lumakas ang curiosity ni Baekhyun kay Chanyeol. Hindi naman stalker peg, yung saktong may alam lang sa bagay bagay. At isa lang ang napansin nya, hindi pa man nya buong-buong kilala ang taong ito, alam nya na may taglay itong kabaitan at lambot ng puso. Tinanghali sya nung nakaraang araw at hindi sinasadyang magkasabay sila papasok. Nagulat sya nang nginitian sya ni Chanyeol, binati ng “good morning”, at pinagbuksan pa ng pinto para mauna nang makapag-in, “7:58, baka ma-late ka, sayang.” Di maitatanggi ang kilig ni Baekhyun at siguro napansin ito sa maliit na ngiti, pabulong na “thank you”, at mabilis na pagpasok para unahan sya. Masaya. Nag-umpisa ng kasiyahan ang araw nya.

 

Pero sabi nga nila, hindi araw-araw birthday mo. Hindi araw-araw naka-align ang stars para sa'=’yo. Minsan, malupit talaga ang universe.

 

“Diba sabi ko sa’yo ingatan mo ang file na ‘to? Pinaulit-ulit ko diba?”

 

Nabura ni Baekhyun ang file na gagamitin nila para sa meeting bukas. Pina-edit sa kanya ang ilang impormasyon rito pero di nya sinasadyang mabura ang updated file.

“Sorry po, ma’am.”

 

“O ano ng gagawin mo ngayon? Anong gagamitin para bukas?”

 

Nakayuko lang si Baekhyun at paulit-ulit na nagssorry. Sa totoo lang, medyo naiiyak na sya. Nag-uumpisa palang syang mag-training pero nakagawa na agad sya ng major error. Hindi naman sya sobrang duwag pero wala talaga syang tapang ngayon dahil alam nyang may kalakihan ang pagkakamali nya.

 

“Ilang araw na ginawa ang file na ito tapos mabubura mo lang? Kabago-bago – “

 

“I think, that's enough.”

 

Medyo nag-flinch si Baekhyun nang marinig nya ang malalim na boses na iyon. Napatingala sya ng kaunti at nakitang papalapit sa kanila si Chanyeol. Takot man sya nung mga oras na ‘yon, pero naisip pa rin nya na ang lakas maka-teleserye ng eksena nila.

 

“S-sir, kayo po pala.”

 

“Anong meron dito, Ms. Jen? Maybe we can talk it out in my office?”

 

Sumunod naman sila sa loob kahit na medyo dumidistansya at nahuhuling maglakad si Baekhyun. Pakiramdam nya sumusulyap pa rin ng masamang tingin ang maldita nyang ka-trabaho.

 

“So, what happened?”

 

“Sir – “

 

“Baekhyun. What happened?”

 

Medyo hindi sanay si Baekhyun sa impromptu. Bukod sa takot, hiyang-hiya na rin sya at nakita pa ng boss nya ang ganong eksena.

 

“Sir, na-delete ko po kasi yung file na kailangang gamitin para sa meeting bukas. Di ko po sinasadya. Medyo nalito lang po ako sa dami ng files na naka-open.”

 

Hindi sumagot si Chanyeol at hindi rin naman nagsasalita si Ms. Jen. Iniisip na ni Baekhyun na maghanap na lang ng bagong malilipatang OJT site pagkatapos nito. Kabado pero bahala na.

 

“Well!”

 

Napatingin si Baekhyun sa biglang iba ng tono ng pananalita ng boss.

 

“I think you already have a solution there. May draft pa rin naman sa file na ‘yan, diba Ms. Jen?”

 

“Yes, sir. May back-up folder po ng mga drafts.”

 

“That’s good. Now, what you do is to update that draft, and then, that’s it. What do you think?”

 

“Gagawin ko po sir. Sorry po talaga. Gagawin ko na po ng maayos this time.”

 

“Ms. Jen, tell Ms. Lee to also send me the drafts. Thank you.”

 

Tahimik pa rin si Baekhyun sa loob. Hindi sya makatingin ng derecho kay Chanyeol. Ayaw naman nyang maging pa-damsel in distress pero ayaw din naman nyang maging rude at lumaban lalo na bago palang sya. Medyo nagpapasalamat sya at nakita ito ng future CEO. Hindi nya na siguro alam at baka maiyak sya sa katarayan ni Ms. Jen.

 

“Hey, Baekhyun. Look at me.” Soft ang pagkakasabi ni Chanyeol. Para syang tumatawag ng umiiyak na batang napagalitan ng nanay. Tumingin rin naman si Baekhyun sa kanya kahit may konting kaba at takot.

 

“Hey, it’s alright. I know you’re still adjusting. Don’t be too scared, okay? If anything, you can ask me. I’ll help you, hmm?”

 

Chanyeol gave him a sweet smile. Gusto na ring matunaw ni Baekhyun sa kinatatayuan nya. Hindi na dahil sa nerbyos kundi dahil sa kilig.

 

“Sorry po ulit, sir.”

 

Chanyeol chuckled. “I told you, it’s fine. Right now, what you have to do is try to update it again. Unless, gusto mo ulit matarayan ni Ms. Jen.”

 

Natawa na lang si Chanyeol kung panong nanlaki ng konti ang mga mata ni Baekhyun at kumaripas ng takbo papalabas.

***

 

Kapag badtrip, wala sa mood o down sya, kape talaga ang nagiging sandigan nya sa buhay. Madalas, okay na sa kanya ang coffee float ng Mcdo. Pero ngayon, nasa loob sya ng isang coffee shop na malapit sa PTech. Sa totoo lang, medyo late na sya nakaalis pero dahil mabilis ang nasakyan nyang bus, maaga syang nakarating sa office. Swerte. At sakto sa sign na hiningi nya bago sya umalis ng bahay. Actually, palusot nya lang ito. Ayaw pa nyang magtrabaho kaagad dahil medyo na-trauma pa sya sa nangyari kahapon. Natatakot syang mapagalitan ulit. Kaya, pansamantala, inenjoy nya muna ang me time.

 

Gusto ni Baekhyun ng ganito. Tahimik at peaceful ang paligid. Hindi pa ganoon katirik ang araw kaya sakto lang ang init sa labas. Mainit ng bahagya at mahangin. Perfect weather para sa kanya.

 

“Lalim naman ng iniisip.”

 

That time, saktong iniinom ni Baekhyun ang mainit na kape habang nakatingin sa window glass. Kaya naman laking gulat nya ng makita si Chanyeol sa harap nya. Chanyeol, who's wearing a tight-fitting black shirt, sweatpants and a cap. Chanyeol, in a sports attire. Chanyeol, in all his fucking glory. Muntik na talagang maibuga ni Baekhyun ang iniinom nya at ang gagong Chanyeol, tinatawanan pa sya.

 

“S-sir, good morning po.” Hindi alam ni Baekhyun kung anong gagawin, kung tatayo ba sya, kung makikipag shake hands ba, o ano. Nagsshort circuit talaga ang utak nya ngayon. Maaga pa, Chanyeol, ano ba.

 

“Hahaha. Chill, Baekhyun. It’s just me. Can I sit here for a while?”

 

“O-opo, sige po.”

 

“Okay, relax, okay. Sorry, nagulat yata kita masyado.”

 

Gago, oo nakakagulat talaga ‘yang suot mo.

 

“Anyway, masyado ka yatang maaga ngayon?”

 

“Ah, opo. Napaaga po ng alis.”

 

“Hmm, that’s good. At least, no heavy traffic.”

 

Parehas lang naman sila ng iniinom na kape pero iniisip ni Baekhyun kung mas masarap ba yung sa kanya. Para syang nanonood ng commercial habang tinitingnan si Chanyeol na naka-de kwatrong upo, hawak ang isang kape sa kamay at nakatingin din sa labas. Medyo nasisinagan sya ng araw kaya may kaunting pagkunot sa noo. Alas syete palang pero ang init na, sa loob o sa labas man ng coffee shop.

 

“Oo nga pala, Baek, kumusta? Anong nangyari kahapon? Natapos mo ba?”

 

Baek. Baek. Baek. Parang ang sarap pakinggan.

 

Baek. Baek. Baek.

 

“Baek?”

 

Tangina. Eto na naman tayo sa natutulala at kinakapos ng braincells at hininga kapag kaharap sya.

 

“Ah, sir. Ano, okay naman po. Natapos ko po kahit medyo late na. At mukhang kahit papano, okay na po kay Ms. Jen. Nagsorry na po ako ulit sa kanya.”

 

Yan na yata ang pinakamahabang nasabi nya kay Chanyeol. Para syang 13 years old na kaharap ang crush kaya di makapagsalita ng maayos.

 

“That’s good. I’m glad, okay din naman pala.”

 

Baekhyun didn’t know what to respond. Medyo nagpapanic na sya ngayon at pilit na hinahalungkat ang utak para hindi maputol ang usapan nila. Kung bakit naman kasi ngayon pa namemental block.

 

“Don’t worry about her.  Ms. Jen, I mean. Natural na masungit talaga sya. Perfectionist kasi.”

 

“Intimidating po talaga.”

 

Bakit ang tipid mo sumagot? Bakla ka, hindi kita tinuruan ng ganyan! Naririnig na yata ni Baekhyun ang mga salita ni Jongdae kung nakikita nya lang sila ngayon.

 

“She just loves her work. Minsan, too much. But I like how dedicated she is.”

 

Mukha namang iniisip ni Baekhyun ang aspeto na iyon sa mga sinabi ni Chanyeol. At least ngayon, alam nya na, marami at iba-ibang klaseng tao ang maaari nyang makasalamuha sa workplace. Kailangan talaga marunong syang makisama at matutong gawin ng maayos ang trabaho.

 

Maya-maya’y, napansin ni Chanyeol na parang naiilang si Baekhyun kaya napagpasyahan nyang umalis na at magprepare para pumasok.

 

“So yeah, kung may questions ka about anything in the company, I’ll try my best to help you. But now, I think I have to go. Kailangan ko na rin magprepare para pumasok.”

 

“Okay po sir, see you po.”

 

Ang awkward mo, gago.

 

“Oh, and also, Baek? You can call me Chanyeol whenever we’re outside the office.”

 

Chanyeol smiled at him. Again. Yung malalaglag na lahat ng malalaglag sa kanya. Kape lang ang ininom ni Baekhyun pero parang hanggang dinner na ang kabusugan nya.

 

***

 

Isa lang ang conclusion ni Baekhyun, lumalala na talaga ang pagkakaroon nya ng crush kay Chanyeol. Wala naman sigurong masama diba? Crush lang naman e. Yung crush na gustong araw-araw nakikita. Yung crush na gustong nakikita yung cute dimpled smile. Yung crush na gustong laging naaamoy kung gaano sya kabango. Simpleng crush. Harmless.

 

Gusto lang naman nya ng konting interactions kay Chanyeol. Actually, thankful sya kasi talagang kahit papano, pinapansin sya nito. Salamat talaga at hindi isnabero ang isang Chanyeol Park. This time, naisip nyang manghingi ulit ng mga signs para naman magkaroon sya ng lakas ng loob kausapin ang boss. Lagi na lang syang natatameme kapag kinakausap sya nito at talagang pinagsisisihan nya ang mga pagkakataong iyon.

 

Ang kaso, mukhang wala rin syang balak pagbigyan ng universe. Tatlong beses syang nanghingi ng mga senyales. Pero walang natupad ni isa rito.

 

 

 

Day 1: Kapag may stripes sa suot nya ngayon, babatiin at kakausapin ko sya.

 

Failed.

 

Plain white shirt ang suot ni Chanyeol at naka-casual blazer ito. Wala na lang nagawa si Baekhyun kundi bumusangot pagdaan nito. Pero sa totoo lang, hindi man natupad ang sign, panalo pa rin sya dahil nag-hi at good morning naman si Chanyeol. Hindi nga lang sa kanya talaga, kundi sa lahat ng nadaanan nya.

Pagpasok ni Chanyeol sa office nya, hinubad nya kaagad ang blazer. And what Baekhyun didn't see is a striped design on the left part of his shirt.

 

 

 

 

Day 2: Kapag may dinala syang pet na aso sa office, he'll ask him if ever they can take a walk with their dogs.

 

Okay. Medyo kailangan ng lakas ng loob sa part na ‘yon. Mahirap din naman kasi ang sign kaya okay lang din siguro na ganyan ang maging kapalit. Maraming inisip si Baekhyun bago buuin ang sign pero bahala na. Walang mangyayari kapag hindi kikilos.

 

Pero worry no more dahil hindi na naman natupad. Ano pa nga bang aasahan nya diba. Bakit naman magdadala ng aso si Chanyeol sa office. Ano ba kasing pumasok sa isip nya at ‘yun pa ang ginawa nyang sign.

 

But what happened later ay ikagugulat talaga siguro ni Baekhyun. Around 4pm, inihatid ni Yoora (ate ni Chanyeol) si Toben (ang mahal na mahal nyang puppy) sa office. Wala raw kasing mapag-iiwanan at isa pa, pauwi na rin naman si Chanyeol in a few hours. Hindi iyon nakita ni Baekhyun dahil maaga syang pinauwi ni Ms. Lee. 4pm, nasa bahay na sya at nagnenetflix.

 

 

 

 

Day 3: Kapag pumasok sya ng may coffee stain, ililibre nya ito ng coffee doon sa napagkitaan nilang coffee shop.

 

Ewan. Bahala na. ‘Yan na lang din talaga ang naisip ni Baekhyun nang hilingin nya ang sign that day. Absurd, pero anong magagawa nya. Nauubusan na sya ng dapat hingiin at nauubusan na rin sya ng pag-asa. Kung hindi matupad, 3 days in a row ng negative ang vibe nya sa universe. Baka hindi talaga pwede. At kapag hindi pa 'to nangyari, aayaw na siguro talaga sya.

 

Pagpasok ni Chanyeol, nakakunot ang noo nito, at salubong ang kilay. May bitbit itong paperbag at mabilis na naglakad. Wala syang binating kahit sino man. Halatang badtrip. At si Baekhyun naman, mukhang paiyak na. Ayaw. Ayaw talaga ng universe sa kanila. Buong araw din syang badtrip non.

 

At tulad din ng paulit-ulit na nangyayari, hindi na naman nakita ni Baekhyun ang totoong ganap. Badtrip si Chanyeol dahil may nakatapon ng kape sa kanya on his way to the company. Mabuti na lang may spare shirt sya sa sasakyan. Ang laman ng paper bag? Coffee-stained polo.

 

 

 

Hindi naman sya totally minalas the past 3 days. Sadyang wala lang sa timing. Natupad ang signs, pero hindi nya alam. Kaya ang ending, never din nyang na-approach si Chanyeol. Although okay lang din dahil binabati sya nito paminsan-minsan, nginingitian, nakikipag-usap at nakikipagbiruan. Wala namang talo. Hindi nga lang sya ang nag-initiate at hindi pa rin sya ganoon ka-responsive. Nahihiya pa rin sya sa boss.

 

“Huy, ano na. Tulala pa rin?”

 

Saturday is gala day with friends. Pero sabi lang ‘yon ni Jongdae. Nasa usual tambayan sila ngayon kahit na labag sa kalooban ni Baekhyun dahil hindi nya pa natatapos ang labahan nya.

 

“Oo, epal ka kasi. Iniisip ko yung mga sinampay ko, baka maulanan.”

 

“Wow, kunwari ka pang sinampay mo, e hindi naman ikaw naglaba non. Magsabi ka ng totoo ha. Ano ba yang kinababadtripan mo these days at di ka makausap ng matino?”

 

“E paano ba naman kasi, hindi natutupad yung mga hiningi kong signs!”

Mahal na mahal ni Jongdae ang bestfriend. Kaya naiintindihan nya at alam nya kung bakit todo na lang kung magrely si Baekhyun sa signs. Hindi rin naman nya masisisi ang kaibigan. Ang gusto nya lang, maging masaya si Baekhyun sa mga bagay na pinagdedesisyunan nya.

 

“Nanghingi ka ulit? E diba natupad naman na yung sign na hiningi natin before?”

 

“Dae, crush na crush ko na talaga sya. Gusto ko lang naman syang kausapin nang hindi natatameme.” Kitang-kita ni Jongdae ang pagkadismaya sa mga mata ni Baekhyun.

 

“Baek, okay lang ‘yan. Natural lang na mahihiya ka, syempre boss natin ‘yun e. Buti na nga lang, mabait at hindi sya isnabero diba?”

 

“Pero kasi…”

 

Hindi na rin naman maituloy ni Baekhyun ang sasabihin dahil parang wala rin namang sense.

 

“Don’t worry na baks. Ano ka ba, happy crush diba? Hindi ka pwedeng mastress okay? At isa pa, pagkatiwalaan mo 'yung unang sign. Magiging kayo. Come what may, magiging kayo.”

 

Maloko si Jongdae pero alam ni Baekhyun na iba rin ito kapag nagbigay ng payo. Gumaan din naman ang loob nya at inisip na lang na marami pa syang pagkakataon. Dahil dito, hindi na rin pala nya pinagsisisihan ang pagsama sa kaibigan kahit kailangan nyang ituloy ang paglalaba pag-uwi sa bahay.

 

***

 

 

 

Lunes na naman at isang buong linggong pagttrabaho ulit para sa pagkumpleto ng training. Napansin ni Baekhyun na medyo weird ang atmosphere sa office sa di malamang dahilan.

 

“It’s that time again.”

 

Nagtaka si Baekhyun dahil hindi mukhang masaya si Ms. Lee sa pagkakasabi nito.

 

“Ano pong meron?”

 

“Board meeting, with the higher-ups ganon.”

 

“Bakit po mukhang stressed lahat?”

Iniisip kasi ni Baekhyun na simpleng meeting lang ito. So wala naman dapat mastress diba? Pero mukhang hindi ganon.

 

“Medyo mahirap especially for Chanyeol’s part. Sobra ang pag-ccriticize sa kanya. Maraming sinasabi. May iba na kinkwestyon ang position nya sa company.”

 

Medyo nagulat sya sa mga nasabi ni Ms. Lee. Di nya magets kung bakit. Chanyeol, who's doing his very best para sa company and everyone can see it. Not only he’s a kind boss, but moreover, hindi talaga dapat i-idiscredit ang skills nya. For many of them, Chanyeol is more than capable. But when it really comes to power-hungry people, walang bagay na magandang mangyayari. And sadly, those things exist in Chanyeol’s world.

 

“Did you see him going in earlier? He looks so agitated. Bring him some tea, para kumalma sya ng konti.”

 

 

 

Naabutan ni Baekhyun na nagrerehearse si Chanyeol for his meeting later. Nagbabanggit sya ng few lines, at naririnig nya ang mahihinang “shit” ng boss. Busy at nakatalikod sa may pintuan kaya hindi rin nya napansin ang pagkatok at pagpasok ni Baekhyun. Nagulat na lang sya ng pagharap nya ay nandoon ang trainee, hawak ang tray na may tea at snacks.

 

“Good morning, sir.”

 

Disheveled hair at crooked necktie. Halatang stressed na stressed ito, itsura palang. Medyo naawa naman si Baekhyun sa estado ngayon ni Chanyeol. Di sya sanay na ganito. Lagi lang nakangiti, maaliwalas na aura -- nasanay sya sa ganon. Kaya nakakapanibago na nakikita nyang ganito ang boss.

 

“Good morning, Baekhyun.” Chanyeol managed to give him a small smile. Ngiting hindi umabot sa mata. Ngiting pagod.

 

“Okay lang po ba kayo, sir?” Nabanggit na nya bago nya pa naisip kung tama ba na tanungin nya ng ganito ang lalaki. Halata namang di okay diba. He's mentally scolding himself nang biglang ngumiti na ng tuluyan si Chanyeol. This time, it’s a warm smile.

 

“Okay lang, Baek. Thank you sa tea? At sa concern.” Kukunin na sana ni Chanyeol ang tsaa and Baekhyun can see how it only proves na hindi totoo ang una nyang statement with the way how his hands slightly tremble. Somehow, nakainom naman sya at nag breathe in, breathe out.

 

“Shit! Shit, shit!” Nang makita ni Chanyeol na past 8 na, nagmadali na syang kunin ang papers sa desk at akmang papalabas na sa office. Di na nya napansin si Baekhyun na nandoon pa at nakikita kung gaano sya natataranta ngayon. Bago pa man ito makalabas, tinawag sya ng trainee. Huminto naman si Chanyeol at lumingon sa kanya.

 

“B-baekhyun. Oo nga pala. Sorry, I have to go, I’m late.”

 

“Sir, yung tie nyo po at saka ano – ” Itinuro ni Baekhyun ang tie at buhok nito na sobrang gulo nga naman talaga. Napansin naman ito ni Chanyeol at pilit na inaayos ang necktie pero dahil nga sobrang agitated sya, hindi nya ito magawan ng paraan. Kitang-kita ang frustration at napapamura na lang talaga ito.

Nahihiya man si Baekhyun, naisip din naman nya na hindi ito ang time para doon. Mas kailangan nyang tulungan at pakalmahin si Chanyeol dahil alam nyang importanteng meeting ito.

 

Dahan-dahan syang lumapit at hinawakan ang kamay ni Chanyeol na pilit pa ring inaayos ang necktie. Nagulat naman ito at napatingin kay Baekhyun. The trainee said nothing and looked at him, smiling, as if asking for a permission. Slowly, he released his hold and let Baekhyun do the thing.

 

Truth to be told, kinakabahan si Baekhyun. Hindi rin naman sya makapagfocus sa pag-aayos ng necktie. Hindi nga nya alam kung ano bang pumasok sa isip nya at nag-volunteer pa syang gawin ito. Masyadong malapit. Amoy na amoy nya ang pabango ni Chanyeol. Konti na lang gusto na nyang isubsob ang mukha sa dibdib ng boss. Pero malakas din naman ang self-control nya, hindi pwedeng bumigay.

 

He’s actually scared. Masyadong malakas ang kabog ng dibdib nya. Pano na lang kung marinig ito ni Chanyeol. Ito na yata yung pinakamalapit nyang interaction with him. At never ever nyang naimagine ang ganito. Medyo nararamdaman nyang umiinit na ang pisngi nya pero kailangan nyang gawin ito ng maayos. Chanyeol, on the other side, is too shocked to react.

 

Huminga muna sya ng malalim bago umatras at tumingin kay Chanyeol, not knowing that the taller is already looking at him. At para na rin mabawasan ang awkwardness, Baekhyun tried to smile, kahit di nya alam kung convincing ba ang mga ngiti na iyon.

 

“Sir, wait, last na po.”

 

Again, he invaded Chanyeol’s personal space as he fixed the latter's hair. Bahala na, itotodo na nya talaga. All the while, Chanyeol is looking at him intently. Ayaw naman syang tingnan ni Baekhyun dahil baka biglang bumigay ang mga tuhod nya. Eventually, he stepped back. Samantalang si Chanyeol, shookt pa rin.

 

“Ah, ano, okay na po, sir. Good to go na!” Kunwari cheerful. Kunwari ‘di affected.

 

“T-thanks, Baek.” Chanyeol smiled shyly.

 

“Kaya nyo po ‘yan okay. Whatever it is, kayang-kaya mo ‘yan. You’ll do great, sir.” Nag thumbs up pa ito.

 

Hindi naman sumagot ang boss nya. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya.

 

“I mean, ano po, relax, at wag na po kayong kabahan. I know you can do it. Fighting?”

 

Chanyeol thinks that Baekhyun looks so cute while waving his tiny fist in the air. Kahit papano, gumaan ang loob nya. Pumikit at nagpakawala ng buntong-hininga, bago nya nginitian si Baekhyun.

 

“Fighting!”

***

 

 

 

“Ikwaertnwel”

 

“Po?”

 

Nilunok nya muna ang ice cream sa bibig bago magsalita.

 

“It went well, sabi ko. Yung meeting, okay naman sya. Saka bakit ka ba nag-po-po, e nasa labas naman tayo ng office.”

 

Nasa may ice cream shop sila ngayon. Pagkatapos mag-lunch ni Baekhyun, nakita nya ang note na nakadikit sa monitor nya.

 

Thank you for today. P.S. Sasagarin ko na, samahan mo ako mag-ice cream mamaya?

 

According to Chanyeol, kapag daw hindi maganda ang mood nya o kaya naman sobrang agitated sya, ice cream lang talaga ang katapat o anything sweet. Dagdag cute points naman ito kay Baekhyun syempre. Hindi nya inexpect na may sweet tooth ang future CEO. At lalong hindi nya ineexpect na aayain sya nito mag-ice cream (ayaw nyang isiping date). Kasi bakit naman diba? Tinandaan na lang nya ang suot nyang damit ngayon at ang kulay ng damit ni Chanyeol. For sign purposes daw. At ayun, kahit na nagtataka sya, sumama pa rin sya. May PPS kasi sa note. Bawal daw humindi. May choice ba sya? Nagrereklamo ba sya? Hindi rin. Masayang-masaya pa nga sya ngayon. At parang gusto nya itong iyabang kay Jongdae, bukas na bukas agad.

 

“Sorry nasanay lang po.”

 

“Bawasan ko kaya yung oras mo, kada po na maririnig ko sa’yo?” Chanyeol asked jokingly.

 

“Grabe! Hindi pa ako empleyado, na-eexploit na agad!” Napataas ang boses ni Baekhyun. Medyo nag-soft din ang itsura nito nang marealize nyang nasigawan nya ng konti ang boss. Hindi naman sa binibigla nyang maging kaswal pero mas okay siguro kesa naman sobrang awkward sya sa tao. Bahala na si universe. Hihingi na lang sya ng confidence.

 

Samantalang, tawang-tawa naman si Chanyeol sa sudden outburst ng trainee. May matching paduro-duro pa gamit ang ice cream spoon at may konti ring smudge ng strawberry syrup sa bibig. Naisip ni Chanyeol na minsan, sakto rin ang height nya sa ugali nya.

 

“O, chill. Kita mo yang ice cream nagkalat na sa bibig mo oh.”

 

Nahiya naman si Baekhyun at pinunasan ang bibig gamit ang tissue. Pailing-iling na lang na nangiti si Chanyeol.

 

“Pero buti naman at okay na. Hindi naman kayo nagisa?”

 

“Sus. Ako pa ba, syempre, tahimik silang lahat kanina ‘no.”

 

It’s Baekhyun’s turn to laugh. Pero nung nagreplay sa utak nya yung mga nangyari kanina, bigla rin syang natahimik.

 

“Makatawa ka naman.”

 

“E kasi, hindi ganyan itsura nyo kaninang umaga ‘no. Kung nakikita mo lang sarili mo, nako.”

 

Chanyeol likes it this way. Gusto nyang maging komportable ang mga tao sa kanya. Mas okay na parang barkada ang turing nila sa isa't-isa, ganon na rin sa pakikipag-usap. Lalo kay Baekhyun. Honestly, he doesn't know how to make the smaller comfortable with him. Gusto nya lang talaga itong makausap, makaclose.

 

“May strawberry syrup pa ba ako sa bibig?”, Baekhyun asked innocently. Pero sa totoo lang, pakiramdam nya parehas na sila ng ice cream na hawak nya, unti-unti ng natutunaw sa tingin ng katabi nya.

 

“Wala, halika na, tayo na.” Ni-ruffle pa ni Chanyeol ang buhok nito bago umalis sa pwesto.

 

Ngayon lang gustong baguhin ni Baekhyun ang pagbabaybay sa salitang ‘tayo’. Parang mas maganda yatang pakinggan kapag nasa ‘ta’ yung stress. Tiwala lang, universe.

***

 

They just walked aimlessly. Nag-uumpisa na ang ‘ber’ months kaya may mangilan-ngilang christmas lights na rin sa paligid. Sa labas ng mall, may mini-park at doon nila napagpasyahang maglakad-lakad. May mga pakonti-konting tao pa dahil maaga pa rin naman. Narealize ni Baekhyun na hindi pala magandang ideya ang pagkain ng ice cream sa ganoong lamig ng panahon. Pero dahil si Chanyeol ang nag-aya, kahit manginig sya sa ginaw, ayos lang.

 

Baekhyun doesn’t want to think that it’s a date. Kaso, ganito kasi yung isa sa mga pinapangarap nya. Late night walks, talks, or anything na chill lang. Yung mga nakakagaan ng loob saka nakakawala ng stress. Spending the night under the stars is a real romance for him. Call him hopeless romantic, yes, he really is.

 

“Let’s sit here for a while muna, baka pagod ka na.”

 

Ayaw sana ni Baekhyun kasi mas gusto nya ngang naglalakad-lakad pero bumigay sya sa softness ng boses ni Chanyeol. Napatango na lang sya at umupo sa isa sa mga benches sa park.

 

“So, kwentuhan mo ako about your experiences sa company. I mean, sa environment ha. Wag nating pag-usapan ang formal works.”

 

Weird, wag daw pag-usapan pero tungkol pa rin naman doon yung tanong nya.

 

“Okay naman, po.”

 

“Minus 1 hour.”

 

“Okay naman. Grabe ano ba, bakit ba napakagalang ko.”

 

Natawa naman si Chanyeol sa pag-pout ni Baekhyun. Para talaga syang bata.

 

“So ano na nga.”

 

“Mababait sila, in fairness. Pwera sa boss na – ”

 

“What?!”

 

“Napakabait. Boss na napakabait, patapusin mo kasi ako.”

 

Now it’s Chanyeol’s turn to pout. First time makita ni Baekhyun ‘yon at parang gusto nyang pisilin ang pisngi nito sa sobrang cute. Konti na lang talaga, hindi na sya makakapagpigil, hahalikan na nya ‘to.

 

Chanyeol looked away and started to talk kaya naputol ang pagddaydream nya.

 

“But, seriously. If ever there are things you wanted to learn, if I can help, I will.”

 

Kung may isang bagay na hinding-hindi maitatanggi ni Baekhyun, kahit na hindi nya pa lubos na kilala si Chanyeol, ito yung natural nyang kabaitan. He does not hesitate in helping others. Kung may kaya syang gawin o ibigay, as a leader or as a person, gagawin nya. Sya yung tipo ng taong kayang magbigay kahit hindi mo pa hinihingi.

 

“At syempre – ”

 

Nagtaka si Baekhyun kung bakit biglang napahinto sa pagsasalita si Chanyeol. Napatingin sya sa boss at nakitang nakatitig ito sa tatlong estudyanteng nasa harapan nila. Nakaupo ang mga ito sa may fountain at mukhang may mga hinihintay na kasama. Napansin nyang medyo maraming bitbit ang mga batang ‘yon. May dalawa na nakasukbit na gitara sa likod. May hawak ding papel at isang bag. At ang isa naman, pinaglalaruan ang drum sticks. Nang dumating ang isa nilang kasama, agad na umalis rin ang mga ito. Napansin ni Baekhyun na sinundan ito ng tingin ni Chanyeol hanggang sa makalayo na.

 

There’s something about it. Naramdaman ni Baekhyun ‘yon. Hindi gawa ng pagkamangha o curiosity ang mga tingin na iyon. Parang may halong lungkot, panghihinayang. Walang ngiti kahit konti habang nakatingin sya. Walang gaanong ekspresyon pero naramdaman nya na parang may hindi tama.

 

“Sir?”

 

“Sir.”

“Tawagin mo nga kasi akong Chanyeol.” Nakangiti na ulit ito pagharap kay Baekhyun. Nagjoke pa na akala mo walang nangyari.

 

“Bakit ka napahinto?”

 

“Ha? Anong napahinto?”

 

“Kanina. Diba, may sasabihin ka. Pero tumigil ka tapos napatingin ka sa mga estudyante doon sa fountain.”

 

“H-hindi no. Saka nakalimutan ko na sasabihin ko.”

 

Tiningnan lang sya ni Baekhyun. Gusto nya pa sanang kulitin si Chanyeol para malaman kung bakit ganon na lang sya makatingin pero mukhang malabo namang sabihin nya ang dahilan. Ayaw na yatang pag-usapan bilang iniiwas nya na rin ang topic.

 

Tahimik na lang silang nakaupo ngayon. Walang umiimik. Medyo mahangin at talagang malamig na rin. Limang minuto siguro ang nakalipas bago magsalita ulit si Chanyeol.

 

“Pangarap ko rin ‘yon.”

 

Half expecting si Baekhyun na itutuloy nya yung sasabihin nya. Kaya pinili muna nyang hindi magsalita. Tiningnan lang nya si Chanyeol habang nakatingin naman ito sa malayo, nakatitig sa kawalan.

 

“It was my dream. To become a musician. Or, you know, anything related to music. Basta ang alam ko, kung may isang bagay akong hindi kayang iwan dati, it's music.”

 

Was. Dati.

“Bakit? Iniwan mo na ba?”

 

Chanyeol laughed bitterly.

 

“Iniwan. Kinalimutan. Hindi kasi pwede e.”

 

“Teka, ano, sorry, hindi ko magets. B-bakit hindi na pwede?” Baekhyun gave an apologetic smile. Nag-aalangan syang itanong pero sobrang curious na rin kasi nya. Sana lang hindi ito masamain ng boss.

 

Matagal-tagal na hindi umimik si Chanyeol. Natakot naman si Baekhyun na baka magalit sa kanya ito at isiping nangingialam sya sa personal nyang buhay. Pero huli na, nasabi na nya.

 

“S-sorry po. Wag nyo na pong sag – ”

 

“No, no, it’s okay. Iniisip ko lang kung paano ko sya uumpisahan sabihin sa'yo.” Chanyeol smiled at him. Nakahinga naman ng maluwag si Baekhyun.

 

“I wonder if you’ve experienced such thing. You know, when we are bound to do other things, sometimes, we just leave the things we love the most. In my case, kinalimutan ko ang passion. Ginagawa ko ngayon kung ano yung dapat.”

 

May lungkot sa boses ni Chanyeol. Walang buhay ang pagsasalita nya. Blangko ang mga mata. Baekhyun wants to hug him right there and then. Yakapin at sabihing naiintindihan nya ito, na magiging maayos rin ang lahat, na baka may rason kung bakit hindi pa pwede, na baka hindi pa oras para gawin nya yon. Marami syang gustong sabihin pero nanatili syang tahimik at pinagmasdan ang katabi. Bagsak ang balikat nito, siguro sa pagod, siguro sa nararamdaman nya ngayon.

 

“Hindi ba pwedeng iwan mo lang muna sya saglit at balikan kapag okay na ang lahat?”

 

Chanyeol looked at him with a confused face.

 

“Passion. Baka pwede mo syang balikan. Kasi diba, kung talagang nasa sa’yo sya, hinding-hindi sya mawawala. Sa huli, babalik at babalik ka pa rin sa kanya.”

 

Musika. Alam ni Baekhyun na iyon ang tinutukoy ni Chanyeol. Halata naman ang pagkagulat nito sa sagot ng trainee. Pero maya-maya'y, napalitan ulit ng lungkot ang ekspresyon nito.

 

“Hindi na siguro. Hindi pwede. Hindi dapat.”

 

“Mahirap talaga pala ‘no? Mahirap i-balance ang dapat sa gusto.”

 

Natahimik sila ulit ng saglit. Unang nagsalita si Baekhyun.

 

“Dapat kang maging CEO, pero mas gusto mong maging musikero. Dapat kang humawak ng papel pero mas gusto mong tumugtog ng gitara. Dapat nakikipag-usap ka sa mga tao para sa business mo pero mas gusto mong pinapakinggan nila ang gawa mong musika.”

 

Napatingin si Chanyeol sa kanya. May halong pagtataka, parang gustong magtanong. Bakit? Bakit mo sinasabi ‘yan?

 

“Naniniwala ako sa kapasidad mo para gawin ang mga bagay na dapat mong gawin. At naniniwala rin ako sa mga kaya mo pang gawin.”

 

The smaller reciprocated his gaze and smiled.

 

“Hindi ko alam kung ano pa ang iba mong pinagdadaanan, pero sana, wag mo munang isara ang sarili mo sa mga posibilidad, sa mga bagay na pwede pang mangyari sa'yo. We’ll never know, right?”

 

Lumalamig na lalo at palalim na rin ang gabi. Kakaunti na lang din ang tao at sa pwesto na ‘yon, mukhang sila na lang din ang naiwan. Sa totoo lang, hindi alam ni Baekhyun kung ano bang dapat nyang maramdaman. Malungkot dahil sa nalaman nya? Maging masaya dahil kahit papaano, nagawa ng taong ito na sabihin ang nararamdaman nya? He truly doesn’t know.

 

Mataas kasi talaga ang tingin nya kay Chanyeol. He's successful at a young age. May direksyon na sa buhay. At isa pa, kahit maganda ang estado, hindi nya narinig na ipinagyabang nya ito kahit isang beses. Chanyeol has a big heart. Sobrang considerate sa ibang tao. He’s compassionate. Baekhyun’s amazed at how his boss tries to understand everything. He just wished people would appreciate him more. Kung alam lang nila, he’s actually too good to be true.

 

Honestly, hindi inaasahan ni Baekhyun na sa kabila ng lahat ng ito, hindi pala gusto ni Chanyeol ang ginagawa nya. Nalungkot sya ng marinig ito. Alam nya kung ano ang pakiramdam na gawin ang isang bagay dahil ito ang prayoridad mo ngayon, hindi dahil gusto mo. Alam nya kung gaano kahirap na magsakripisyo. Sino ba naman ang hindi diba? Hindi nya lang talaga inexpect na kahit ang isang Chanyeol Park ay nakakaranas ng ganito.

 

But it is in that moment. Sa kung paanong nalaman nya ang tungkol sa parte ng buhay ni Chanyeol, sa kung paanong nakapagkwento ito sa kanya kahit papaano, at sa kung paanong nakita nya kung anong klaseng tao ito – doon nya napagtanto na baka nga hindi na ito happy crush lang. Chanyeol deserves more than that.

 

***

 

October 24, 2018

“Heto na ang simula. Hindi kailangang maging handa. Ang mahalaga, ika’y masaya.”

Lucky color: Brown

Lucky number: 1

 

 

 

Naaalala ni Chanyeol.

 

Syempre naman, maaalala niya. Bakit hindi, e matagal-tagal din niyang tiningnan si Baekhyun nang araw na ‘yon sa coffee shop.

 

Oo, hindi lang si Baekhyun ang nakatitig.

 

Puting t-shirt. Malaki ng bahagya sa kanya. Cute.

Itim ang buhok. Medyo magulo. Cute.

Bilugin na eyeglasses na nasa bandang ilong. Maliit. Cute.

 

 

Hindi niya talaga nakalimutan. Kaya naman nang nakita niyang siya ang bagong trainee, hindi niya halos maitago ang ngiti. Ilang araw din niya itong inobserbahan. Parte ng trabaho. E bakit, siya naman ang boss. Walang kkwestiyon sa kanya.

 

 

Kung paanong kumunot ng bahagya ang noo habang binabasa ang hindi gaanong pamilyar na dokumento; kung paanong sumimangot ng kaunti kapag kailangang ulitin ang pinaghirapang tapusin; kung paanong kumislap ang mata sa tuwing napupuri sa mga tamang gawain; kung paano magkaroon ng maliit na ngiti kapag nahihiya; at kung paano humalakhak kapag kasama nito ang mga kaibigan – lahat ng ito, kitang-kita ni Chanyeol.

 

Naaalala niya. At alam niya. Kulang. Kulang ang salitang “cute” para ilarawan si Baekhyun.Chanyeol always finds him attractive. Pero nung nangyari 'yung time na 'yon sa office, that's when he lost it.

 

He doesn’t want to lie. Hanggang ngayon, naiisip nya pa rin ang mga pangyayari before the meeting. Baekhyun has indeed made a great impact, a good one in that case.

 

It’s the smell, he thinks. Matamis. Amoy strawberry, fruity? Hindi sya sigurado. Basta ang alam nya, kahit yata maghapon nyang maamoy ang ganoong bango, hindi sya magsasawa. Or maybe, it’s the way how he said those words. Full of assurance. Full of confidence. It can also be his eyes. Punung-puno ng encouragement, as if speaking nothing but the best for you. Pero siguro sa lahat ng ito, presensya. Malaking tulong ang presensya ni Baekhyun. Hindi huminto sa pagdadala ng tsaa o sa mga bagay na ginagawa nya bilang trainee, kundi tinulungan pa nyang bigyan ng kaunting lakas ng loob si Chanyeol.

 

Siguro para sa iba, nakakatawa, maliit na bagay ang ganito. Simpleng meeting lang naman kasi diba? Aaralin ang dapat aralin, gagawan ng materials para sa presentation, iddiscuss sa harap ng mga mahahalagang tao sa kompanya. Dapat nga sanay na sya. Kung tutuusin, ilang beses na rin naman syang humaharap sa kanila. Kabisado na ang bawat salita at galaw. Pero may mga bagay lang talaga na kahit kailan, hinding-hindi ka masasanay. At hindi rin naman kasi sya masisisi. Mahirap para kay Chanyeol lalo na kung walang natatanggap na magagandang bagay mula sa kanila. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi sya boss. Karaniwang tao lang sya sa opisina na paminsa'y kinikwestyon kung nararapat ba sya sa posisyon nya ngayon.

 

It’s a good thing he went out with Baekhyun that same day. Ayaw din naman nyang kumain mag-isa at baka magtuloy-tuloy lang ang negative thoughts sa utak nya kahit naging maayos naman ang flow ng meeting. At narealize nya na siguro, hindi na lang ice cream ang sagot sa mga down moments nya, salamat sa isang Baekhyun Byun.

 

Ang alam lang ni Chanyeol, hindi rin nya inexpect na masasabi nya ang mga bagay na ‘yon sa trainee. Hindi naman sa tinatago nya pero kung tutuusin, hindi pa naman sila gaanong magkakilala, but surely, there’s something about Baekhyun that will make you talk to him comfortably. Hindi ka matatakot na sabihin sa kanya ang totoo kasi mararamdaman mong kaya ka nyang intindihin with no judgments at all. That’s how he is to him.

 

And when he tried to ask him about it, aaminin ni Chanyeol na nag-hesitate sya for a while, but the look on Baekhyun's face otherwise tell him not to. He did not regret telling him the thing that he wanted the most. Sa lahat ng negatibong sinabi nya, masaya sya, masayang-masaya, dahil sa mga salitang nanggaling kay Baekhyun. Hindi palang siguro nya lubusang maamin sa sarili pero kahit papaano, he’s now seeing in a different light, realizing how the trainee's words affect him that much.

 

 

Baekhyun is attractive. But now, Chanyeol knows he is way more than that.

***

Chanyeol is on the other table. He’s with the department heads while magkakasama naman sa kabila ang ibang employees and interns. Sakto yung pwesto nya, actually. Saktong anggulo para masulyapan si Baekhyun. Kitang-kita nya from his side na magkakatabi ang apat na bagong interns at masayang nakikipagkwentuhan sa ilan nilang mga seniors. Nakikita nya na inaabutan si Baekhyun ng inumin at kung paanong parang hesitant itong tanggapin sa umpisa. After a few hours, maingay na ang mga tao sa table nila. Malamang, may mga lasing na.

 

Chanyeol likes it this way. He wants everyone to feel that they are not very much apart with each other especially kung sa aspeto lang din naman ng kanilang mga posisyon sa kompanya. He wants everyone to feel that, somehow, they are a family. Kaya naman every year, he makes sure na nagkakaroon ng company gathering where they can relax, enjoy and for once, not think about office works. He wants to maintain strong ties with them. Later on, napansin nyang konti na lang silang nandoon. From the other table, halos iilan na lang rin pero nandoon pa sina Baekhyun. Maya-maya, tumayo si Jaehyun at sumigaw ng “cheers” para daw sa kanilang good year at more more years to come. Chanyeol smiled at that.

 

On the other side, medyo lasing na sina Jongdae at Baekhyun. Si Jongin naman ay nakatulog na sa balikat ni Kyungsoo. Konting kwentuhan, tawanan at asaran. May pa-shot na ginagawa ang mga seniors para sa kanila. Form of initiation daw. At syempre, game na game naman si Jongdae. Okay lang din sana kay Baekhyun pero mukhang unti-unti ng umaatake ang allergies nya.

 

“Baek, may dala ka bang antihistamine?”

 

Napansin ni Kyungsoo na medyo namumula na ang braso at ang palad nito.

 

“Ooooh, my Kyunggiiiee’s worried for me. Baka magselos si bebeboy nyan ha.”

 

Sa paraan ng pagsasalita ni Baekhyun, alam ni Kyungsoo na lasing na ito.

 

“But don't worry, uminom na ako kanina. Aaaaand! May dala pa ako! Aren’t you very proud of me?”, sabay pa-cute nito kay Kyungsoo.

 

“Haynako, Baek. Kapag ikaw talaga inatake ng malala ha. O siya, aalis na kami. Ihahatid ko pa ‘tong si Jongin sa bahay nila. Sumama ka kay Jongdae pag-uwi ha.”

 

“Sure babyyyyyy, ingat kayo. Sa bahay ang uwi ha”, at kumindat pa ito.

 

Hindi na lang ito pinansin ni Kyungsoo at tumayo na habang inaalalayan si Jongin. Pinuntahan nya naman si Jongdae para paalalahanan na isama si Baekhyun sa pag-uwi nila.

 

“Dae, ikaw na bahala kay Baek ha. Wag mo na yan painumin ng painumin. Isama mo sya pag-uwi ha. Tinawagan ko na si Kuya Minseok, papunta na daw sya.”

 

“Kyungieeeeee!!! Ako na bahala dyan sa bebeboy ko, ingat kayo haaaa! Labyu.”

 

Lasing na talaga ang dalawa kapag tinatawag na nila si Kyungsoo ng Kyungie. Alam nilang ayaw nya ang palayaw na ‘yon kaya sinasabi lang nila pag lasing na. May excuse. Lasing lang.

 

“Tama na ‘yan. Tawagan nyo ko pag nakauwi na.”

 

“Bye Kyungieeeeee!”, sabay kaway ni Jongdae.

 

The night went on. Si Chanyeol at ang isang department head na lang ang naroon sa table nila na maya-maya'y nagpaalam na rin umalis. Kanina pa nakauwi si Ms. Lee at may kailangan pa raw itong asikasuhin. Tumingin-tingin sa paligid at nagulat sya na wala na rin palang tao sa kabilang table. Naglakad sya papunta roon at nakita na may gamit pa sa kinauupuan ni Baekhyun. He has an idea kung nasaan sya ngayon.

 

Papasok na sana sya ng CR nang marinig na may nagsasalita sa loob.

 

“Staaaaaaand straight.”

 

“Waaaaaalk straight.”

 

“Ano ba, Baekhyun.”

 

“Iinom inom ka, wala ka namang jowa.”

 

“Tangina, bakit ba umiikot lahat?”

 

Tawang-tawa na si Chanyeol sa labas at hinihintay nyang magsalita pa ito ulit nang may biglang kumalabog sa loob. Kinabahan sya at agad-agad na pumasok nang makita nyang nakatayo si Baekhyun at nakasubsob ang ulo nito sa isang pader ng cubicle. Para syang inutusan na mag-face the wall sa itsura nya ngayon. Hindi pa rin ito humaharap at biglang nagsalita.

 

“Dae, di ako lasing ha. May round 2 pa tayo diba.”

 

Hindi muna sumagot si Chanyeol.

 

“Dae, di nga ako lasing. Na out of balance lang.”

 

Hindi pa rin sya nagsalita.

 

“Daeeee bakit – “

 

Nagulat si Baekhyun nang pagharap nya ay hindi si Jongdae ang nakita nya kundi ang kanyang boss.

 

“Chanyeol?”

 

“Hey”, natatawang bati nito.

 

“Suuuus. Ikaw lang pala yan. Kala ko naman si Jongdae na.”

 

With the way Baekhyun talks to him, Chanyeol concludes that he is really drunk. Napansin din niya na pulang-pula na ang mga braso at palad nito.

 

“Baekhyun, you don’t look fine”, sabay lapit nito sa kanya at hinawakan ang braso at palad para i-check kung gaano ba kalala ang allergies.

 

Nakatingin lamang si Baekhyun kay Chanyeol habang hawak nito ang braso nya.

 

“Chanyeol...you...you look so fine.”

 

“What?” nakangiting sagot nito kay Baekhyun.

 

“I mean... ano, I’m fine. Ako. I'm fine. Hindi ikaw. I am soooooo fine.”

 

Natawa na lang si Chanyeol sa pagdedeny ni Baekhyun.

 

“Nice try, but no you’re not. Uminom ka na ba ng gamot for this?”

 

Pilit namang inalis ni Baekhyun ang braso nya at nag-umpisa ng maglakad palabas nang muntik syang matumba. Salamat sa reflex ni Chanyeol at nahawakan nya ang balikat at bewang nito.

 

“See, I told you. C’mon, let me help you.”

 

Wala ng nagawa si Baekhyun kundi hayaang alalayan sya ni Chanyeol hanggang makarating sila sa table.

 

“Here, drink some.” Inabutan nya ng isang basong tubig si Baekhyun para mahimasmasan ng konti. Maya-maya'y napansin nito na wala na pala silang mga kasama at silang dalawa na lang ang natitira.

 

“Dae...Jongdae...Kyungie? Nasaan ba kasi sila?”

 

Tumitingin-tingin sa paligid si Baekhyun at talagang hinahanap kung naroon pa ba ang mga kaibigan nya. Samantalang nakatitig lang sa kanya si Chanyeol at patuloy lang syang pinagmamasdan.

 

Bakit. Bakit ka naka-pout?

 

Humarap ito kay Chanyeol at hinatak ng bahagya ang laylayan ng damit nito.

 

“Chan...”

 

Shit.

 

“Iniwan ba nila ako?”

 

Tangina.

 

Medyo namumula na ang pisngi ni Baekhyun. Halatang lasing at inaantok na gawa ng pagpungay ng mga mata. Naka-pout at parang paiyak na rin ang itsura nito.

 

Baekhyun Byun, ano bang gagawin ko sa'yo.

 

Hingang malalim. Pikit ng saglit. Hirap na hirap na si Chanyeol sa pagpipigil. Hindi niya yata kakayanin si Baekhyun ngayon.

 

“Let's go? I'll just take you home”, sabay hila nito kay Baekhyun papunta sa parking lot.

***

 

It’s already late. Kaunti na lang ang mga sasakyan at nagpapasalamat talaga siya na walang traffic sa mga oras na ‘to.

 

“You know you don’t have to drink everything that's given to you diba?”, gustung-gusto niyang sermunan si Baekhyun ngayon pero nawawala talaga lahat pag napapalingon siya sa tabi niya at nakikita ang mamula-mulang pisngi nito gawa ng kalasingan.

 

Ano bang gagawin ko sa’yo. Bakit sobrang cute mo?

 

“Are you still drunk?”

 

Walang sagot. Nakatingin lang si Baekhyun sa labas. Tahimik na ang lugar. Pero may pakonti-konting liwanag. Masarap. Nakakarelax ang ganito para sa kanya.

 

“Hey.”

 

Lumingon si Baekhyun sa kanya. Halata talaga ang pinagsamang lasing at antok sa itsura nya ngayon.

“Hindi no! Kainis si Jongdae! Iniwan ako! May round 2 pa kasi kamiiiii!!! Nakakainis!!!”

 

“Baekhyun, hindi mo na kaya. Tingnan mo, baka lumala pa ‘yang allergies mo.”

 

Medyo seryoso na yung boses ni Chanyeol ngayon. Pero ‘di pa rin nawawala na sobrang napapansin nya ngayon ang aura ni Baekhyun.

 

Droopy eyes. Pouty lips. Damn.

 

“But earlier, I’m serious. You shouldn’t have done that.” Paano na lang kung wala ako roon?

 

Red stoplight. Chanyeol could be naughty sometimes but he knows when or not to follow rules.

 

“Ano pala dapat? Tanggihan ko sila. Tapos mababadtrip sila sakin. Tapos pag-iinitan ako. Lagi akong papagalitan. Tapos – “

 

 

 

Natahimik si Baekhyun. Hindi nya inexpect ‘yon.

 

“You’re too loud”, sabay ngiti ni Chanyeol sa kanya. And too cute.

 

Paano ba naman, bahagyang pinisil ni Chanyeol ang ilong ni Baekhyun. Paanong hindi e medyo nanggigil sya nang makitang nag-scrunch ito ng konti habang tuloy-tuloy ang pagsasalita nito kanina. Sobra namang natameme si Baekhyun, hindi sya makatingin kay Chanyeol at nagfocus na lang sa view sa labas. Pakiramdam nya, nawala ng 25% ang kalasingan nya. Maya-maya’y napansin nyang pamilyar ang dinadaanan nilang lugar.

 

“Wait, papunta samin ‘to ah.”

 

“I told you, ihahatid kita diba?”

 

“How did you know the address?”

 

“I asked Ms. Lee. Now, sleep first para makapagpahinga ka kahit papano.”

 

Wala talagang gaanong choice ngayong gabi si Baekhyun. At kahit di ito sabihin ni Chanyeol, makakatulog at makakatulog talaga sya. Napansin naman nito na malayo-layo pala ang tinutuluyan ni Baekhyun. The truth is, medyo mainipin si Chanyeol sa mga stoplights. Pero ngayon, kahit yata limang minutong nakahinto ang sasakyan, hindi sya magrereklamo.

 

Tatlumpung segundo.

 

Tatlumpung segundo nyang pinagmasdan si Baekhyun. Mahimbing na itong natutulog sa passenger’s seat. Nakayakap sa bag nya na akala mo’y may aagaw rito. Medyo magulong buhok, mapupulang pisngi at bahagyang nakabukas ang bibig. May maliliit na tunog siyang naririnig.

 

Napangiti si Chanyeol sa nakikita niya. Lumapit ng konti at hinawi ang buhok nito. Inayos nya rin ng bahagya ang leeg para makatulog ito ng kumportable.

 

Tiningnan nya ulit ito. Nakaka-relax. Nakakagaan ng pakiramdam. Sobrang peaceful ng aura ni Baekhyun at para bang may nag-uudyok sa kanya na lalo pa itong kilalanin.

 

 Posible nga ba?

 

“Hay, Baekhyun.” Ang sarap mong alagaan.

 

And Chanyeol could have been smiling like an idiot the whole drive.

***

 

 

Kanina pa hindi mapakali si Baekhyun. Ang totoo niyan, ayaw nya talagang pumasok today. Gusto na nyang umalis at wag na lang ituloy ang internship, pero baka palayasin din siya ng magulang niya kapag ginawa nya 'yon. And so, nilakasan na lang talaga nya ang loob para pumasok at magsosorry na lang kay Chanyeol sa abala nya noong Sabado. Ang kaso, mukhang mahirap yatang i-achieve ito. Kanina pa nasa loob ng office si Chanyeol at pagdating nya, hindi man lang sya namansin o ngumiti kahit kanino. Tinanong nya lang si Ms. Lee tungkol sa schedule nya for the day at dere-deretso na ang pagpasok sa loob.

 

Nagooverthink na si Baekhyun nang bigla siyang tawagin ni Ms. Lee.

 

“Pinapapapunta ka ni sir sa office nya.”

 

Nagddoubt si Baekhyun kung dapat ba syang pumunta pero as if namang may choice sya.

 

“Ms. Lee, mukha ba syang galit or bad mood? Dapat ba akong matakot?”

 

Natawa si Ms. Lee sa tanong ni Baekhyun.

 

“Well, I think not. He just looks serious, that’s all. Sige na pumasok ka na at baka magalit nga talaga sya kapag pinaghintay mo pa ng matagal.”

 

Wala ng nagawa si Baekhyun at kumatok na lang sa office kahit sobrang kabado sya at baka galit talaga sa kanya si Chanyeol.

 

“Come in.”

 

Hindi lumapit si Baekhyun. Pumasok sya sa loob pero malayo sya mula sa pwesto ni Chanyeol.

 

“Why are you standing there? Come here. I won't bite.”

 

Bakit naman ang seryoso parin ng mukha nya?

 

“So – “

 

“Sir, sorry po!”

 

Hindi na pinatapos ni Baekhyun si Chanyeol sa pagsasalita. Nagtataka naman ang boss nya kung bakit ito nagssorry.

 

“Why? I mean, may nagawa ka bang kasalanan?”

 

“Sorry po talaga. Last Saturday, ano... sorry po talaga.”

 

Chanyeol just looked at him, slightly confused at iniisip kung bakit sya nagssorry sa nangyari. When he realized what he’s implying, he just smiled at him.

 

“Patingin ng kamay mo.”

 

“P-po?”

 

“Your hands. Patingin. Ilahad mo yung palad mo.”

 

Inilahad nga ni Baekhyun ang palad nya at tiningnan itong mabuti ni Chanyeol. Nagulat si Baekhyun nang bigla itong hawakan ni Chanyeol at para bang sinasalat.

 

“You still have rashes, namamaga and it’s still red. Masakit ba?”

 

Baekhyun became speechless for a moment. Hindi pa rin nagreregister sa utak nya na hinahawakan ni Chanyeol ang mga kamay nya. Well, technically.

 

“Ah, hindi naman po sir. Normal po na ganyan pag umiinom ako.”

 

“Hmm, that’s bad. But well, did you take meds for this?”

 

“Opo sir.”

 

Binitawan ni Chanyeol ang kamay nya. Medyo na-disappoint si Baekhyun pero syempre ayaw nyang aminin sa sarili nya ‘yon.

 

“Ah, sir, bakit nyo po pala ako ipinatawag? May kailangan pa po ba akong gawin na reports?”

 

“Oh, wala naman. I just want to check if you’re alright. Also, kung tapos na ang gawain mo for the day, you can leave early. I think you still need to rest a bit. You look tired.”

 

Kung naspeechless si Baekhyun kanina, ngayon, hindi na nya alam kung ano pa ba ang dapat nyang ma-feel. Kasi ba naman, seryoso bang totoo itong naririnig nya mula kay Chanyeol?

 

Naging mabait yata ako these past few weeks at mukhang pinagbibigyan ako ng universe ngayon.

 

“O-okay sir.”

 

“And, Baekhyun?”

 

“Ano po ‘yon?”

 

“Bawas ka ng 9 hours. Naka siyam na po ka sa'kin today.”

 

“Hala, bakit, teka. Hala ang daya naman e!”

 

Chanyeol added it to his list – that a whining Baekhyun is a cute Baekhyun. Natatawa sya ngayon pero naputol din ito nang biglang kumatok si Ms. Lee at ihatid ang hindi magandang balita.

 

“Sir, the chairman is here.”

 

***

 

“So, how’s the company?”

 

Chanyeol is beyond nervous. The chairman may be old, but the authority in his aura didn’t even fade. Mas matindi pa ‘to sa meeting with the board members. He maintains a neutral facial expression. Ayaw nyang ipakita na naaapektuhan sya sa presensya ng tatay nya.

 

“Okay naman po dad. Better than last year.”

 

Hindi nagsalita ang chairman. Tuloy lang ito sa paglalagay ng side dishes sa pagkain nya. Naglalunch sila ngayon sa isang restaurant na malapit lang din sa office. Naka-schedule na talaga ito ngayong araw kaya medyo hindi maganda ang pakiramdam nya simula pa kaninang umaga. Nadistract lang sya nang dumating si Baekhyun at nagpapasalamat sya dahil pansamantala nyang nakalimutan ang isa sa pinoproblema nya ngayong araw.

 

Mabigat ang atmosphere. Walang gana si Chanyeol kahit na paborito nya ang mga nakahandang pagkain. Sumusubo lang sya ng kaunti pero parang gusto nya ring isuka ito. Aminado syang hindi sya komportable kapag kasama nya ang chairman, kahit pa anak sya nito. Everytime na magkasama sila, walang magandang nangyayari.

 

“Really? Better than last year? Better than our rival company?”

 

Natigilan ng bahagya ang future CEO. Eto na naman sa pagkukumpara. Sanay na sya pero iba pa rin talaga kapag harapang sinasabi sa kanya.

 

“Their sales skyrocketed this year. The CEO’s doing great. I think, he’s the same age with you.”

 

Joongi, of course. Kilala nya ang taong ito simula pagkabata. Lagi nyang naririnig na magaling sa ganyan, top sa ganito. Sya ang ‘the best’ sa mata ng lahat. Even in his parents’ eyes. Kaya naman hindi na bago sa kanya ang mga ganyang linyahan.

 

Chanyeol didn’t answer. Ano pa nga ba ang sasabihin nya? Dedepensahan ang sarili? Para saan pa. Hindi na rin naman mababago ang tingin ng tatay nya sa kanya kaya hinayaan na lang nya ito. Nagpatuloy sa pagkain kahit gusto na lang talaga nyang umalis sa lugar na 'yon.

 

“Last weekend, na-meet ko ang family nila. Nandoon silang lahat. I met Joongi’s sister.”

 

Mukhang alam na nya kung saan papunta ang usapang ito. Chanyeol thinks that it’s funny how the chairman do all the talking, samantalang sya, oo o hindi lang ang isasagot. He’s really a mere puppet. But if there’s one thing na kaya nyang ilaban, it’s about choosing his partner. Ayaw nyang mangialam ang family nya sa aspeto ng buhay nya na iyon. Kahit doon lang, he wants freedom.

 

“Dad, I made a deal with you back then, right? The company’s doing great. I don’t think you need to tie me up in a person I don’t even know.”

 

He’ll do everything for the company, ginive-up nya na nga ang music, ayaw nyang pati ang last hope of happiness nya ay mawala pa.

 

“But you know how much it will affect the company. It’s for the best, Chanyeol.”

 

Chanyeol. He wants to laugh. Hearing him mention his name sounds uncomfortable. Sobrang unfamiliar. And maybe, that’s the last straw for him. Tumayo na sya at nagpaalam na umalis bago pa humantong sa hindi maganda ang lunch nila.

 

“I’m sorry Dad but I think I have to go. I still have urgent matters to deal with sa office. Thank you sa lunch. I’ll update you with everything that’s going on in the company.”

 

 

The moment he stepped out of the restaurant, Chanyeol breathed in relief.

 

***

 

 

Napagdesisyunan ni Chanyeol na mag-stay ng late sa office at magpakalunod na lang sa paperworks kesa umuwi at magisip ng kung anu-ano. It’s been such a long day for him at pagod na pagod na sya, mentally and emotionally. Alam naman nyang hindi magiging maganda ang ending ng lunch niya with his father but still, he expected something. Na baka this time, maging maayos ang lahat between them. And that’s a wishful thinking on his part. Marami pa syang dapat gawin at patunayan para hindi fully i-take over ng parents nya ang buhay nya.

 

It’s almost 7pm at medyo gutom na rin sya pero wala syang gana lumabas o magpadeliver ng pagkain. Naisip nyang sa condo na lang kumain paguwi. Just then, biglang may kumatok sa pintuan at hindi nya alam kung sino 'yon. Umuwi na si Ms. Lee dahil hanggang 5pm lang naman iyon. Sure din sya na pati si Baekhyun umuwi na dahil hindi naman mabigat ang workload ngayon.

 

“Come in.”

 

Baekhyun appeared in front of him, dala-dala ang ilang paper bag ng take-outs at nakita nya na may isang tub din ng ice cream. Nagulat naman si Chanyeol at nagtaka kung bakit nandito pa ang trainee.

 

“Almost 7pm na. Why are you still here?”, tanong ni Chanyeol habang tinutulungan si Baekhyun ayusin ang mga dala nito. Actually, marami syang bitbit na pagkain. May fried chicken, rice, pasta, barbecue at may side dish din na konting gulay.

 

“Ano, Baek, magppyesta ba tayo dito?”, natatawang sabi ni Chanyeol habang busy naman ang isa kaaayos ng pagkain.

 

“Ayaw mo ba?”

 

“Silly. But really, why are you still here? I thought you went home?”

 

“Nah. I’m waiting for you”, pakagat na sana si Chanyeol sa fried chicken pero napahinto sya nang marinig ang dahilan ni Baekhyun.

 

“H-ha?”

 

“Joke lang. Uy, nag-assume”, palusot ni Baekhyun.

 

Na-feel naman ni Chanyeol na uneasy si Baekhyun sa huli nyang statement kaya mas lalo nya pa itong inasar.

“Reallyyyy?”, sagot nito habang papalapit sa pwesto ni Baekhyun, wearing that goofy smile of his.

 

“O-oo no”, sabay iwas ng tingin ni Baekhyun.

 

“E, wala ka namang gagawin kasi diba konti lang ang workload?”, Chanyeol says while wiggling his eyebrows. Gusto lang talaga nyang asarin si Baekhyun dahil sobrang cute nito kapag nahihiya at nagsstutter.

 

“Oo na, hinintay kita. Happy?” sabay pasak ng fried chicken sa bibig ni Chanyeol.

 

Gustung-gustong tawanan ni Chanyeol ang mukha ni Baekhyun dahil sobrang cute nito. Kunwari nagtataray pero halata namang nahihiya gawa ng konting pamumula ng pisngi. But instead of laughing at him, he just gave the sweetest smile and softest gaze to his trainee.

 

“Ikaw talaga, nag-abala ka pa”, he’s smiling at Baekhyun. Hindi na sya nakapagpigil at pinisil ng bahagya ang pisngi nito. It’s now the trainee’s turn to be shocked.

 

 

 

Tahimik silang kumakain habang nanonood ng random film. Binuksan ni Chanyeol ang TV para raw hindi sila mabored. Kalagitnaan ng palabas, napalingon na lang sya nang bigla syang tanungin ni Baekhyun.

 

“Ano...Chanyeol, okay ka lang ba?”

 

Hindi naman madalas matameme si Chanyeol kapag kinakausap sya ng ibang tao. But Byun Baekhyun has a way of shutting him up with that soft look. Kitang-kita nya ang concern sa mga mata nito. May konti ring pag-aalangan, natatakot siguro kung okay lang ba na tinatanong nya ang mga ganitong bagay. Ang hindi nya alam, ibang-iba ang naidudulot nito kay Chanyeol – a beautiful one, in that sense.

 

“Bakit mo naman natanong?”, nakaharap na ngayon si Chanyeol kay Baekhyun, samantalang di naman makatingin ang isa, nakayuko at nakatingin sa sahig.

 

“S-sorry, di na ako ulit magtatanong. Sorry, maybe it’s too personal”, nakayuko pa rin ito habang nagsasalita.

 

“Hey, look at me”, Chanyeol said softly habang lumalapit kay Baekhyun. Medyo magkalayo kasi sila kahit nasa iisang couch lang naman. Hinawakan nya ang balikat nito at pilit na pinaharap sa kanya.

 

“It’s alright. I'm fine. Saka diba sabi ko wag ka ng mahiya sakin.”

 

Napatingin naman sa kanya si Baekhyun with that adorable puppy eyes. At that moment, parang gusto na lang syang yakapin ng mahigpit na mahigpit ni Chanyeol.

 

“Hindi bagay sa’yo maging mahiyain”, sya namang suntok ni Baekhyun sa dibdib nya.

 

“Joke lang. Hahaha”, bumitiw na si Chanyeol sa pagkakahawak nya kay Baekhyun at baka di na nya mapigilan ang sarili.

 

“Medyo hindi kasi okay ‘yung reaction mo kanina nung sinabi ni Ms. Lee na nandito yung Chairman.”

 

“Ah iyon”, napatawa si Chanyeol. Yung tipid na tawa. Yung tawang alam mong hindi totoo.

 

As usual, naghintay lang si Baekhyun magsalita ito.

 

“Hindi kasi kami in good terms. Kapag nagkikita kami, hindi rin naman mabuti ‘yung naging pag-uusap namin. Minsan, nagkakasakitan lang kami sa mga sinasabi namin sa isa't-isa.”

 

Hindi alam ni Baekhyun kung paano magrereact sa sinabing iyon ni Chanyeol. Inexpect na nya na negatibo ang sasabihin nito pero hindi nya naman inaasahan na may kalaliman din pala ang dahilan. Patuloy nya lang tiningnan ang binata na para bang hinihikayat na magkwento pa, na okay lang dahil nandyan sya para makinig.

 

“We don’t have a good relationship. But still, he’s my father and I respect him the most. ‘Yun nga lang, minsan, he’s controlling. He wants everything to be perfect.”

 

“Kelan ka nagsimulang mag-manage ng company?”

 

“Two years ago. I was 23 years old back then. Ano ba namang alam ko diba? I just want to make music, that’s all. But of course, family comes first. That’s why I’m here.”

 

Naisip ni Chanyeol na baka sobra na ang ibinibigay nyang impormasyon. Pero hindi nya rin talaga napipigilang magkwento sa trainee. Ang alam lang nya, pinagkakatiwalaan nya si Baekhyun.

 

“Ano na lang ang sinasabi ng mom mo?”

 

“My mom? I can’t say anything about her. She’s the best. Pero kahit sya, walang magawa. Batas ang father ko sa household namin. We all have different families naman. And that’s how it works for me.”

 

Baekhyun didn’t say anything after that. They just continued watching the movie. Coincidence, nasa eksena na sila ngayon kung saan nagkaroon ng confrontation between a child and her parents. Not a good scene especially dahil katatapos lang ni Chanyeol na makipag-usap kay Baekhyun about it. He just kept his cool while trying to focus on the movie.

 

“I wish I could hug that girl.”

 

“Why? Naaawa ka ba sa kanya?”

 

“No. I just want to comfort her, to let her know that everything will pass and that she’s not alone”, sabay tingin nito kay Chanyeol. The future CEO felt the intensity of that gaze. It’s as if the words are directed to him and not to the character in the movie.

 

“Sometimes, all you need is a hug.”

 

“And an ice cream!”, sabay wave ni Baekhyun ng kutsara. Chanyeol laughed at that. He’s really cute.

 

“Alam kong kailangan mo ‘yan today. Ayan ha, may utang ka na sakin.”

 

“Wow, akala ko pa naman bukal sa loob mo ‘to?”

 

“O, sino ba may sabing hindi? Ang akin lang, wala ng libre sa panahon ngayon, Chanyeol Park.”

 

“Hmm, chocolate. Alam mo ha.”

 

“Duh, syempre? Ayan inorder mo last time diba?”

 

So, naalala mo pala? Chanyeol smiled at that.

 

“Thanks, Baek.”

 

“Para saan?”

 

"I, uh, don’t know honestly. I just feel like thanking you?”

 

“No problem, you big boy. Bayaran mo na lang ako sa dinner at ice cream na ‘to, and I’m solved.”

 

Gustung-gusto ni Chanyeol ang mga ngiti ni Baekhyun. Totoo. Maaliwalas. Nakakagaan ng loob. Samahan pa ng matang lalong lumiliit sa bawat ngiti? Bulag na lang talaga ang hindi makakakita sa kacute-an nya.

 

“Sure, I’ll treat you some other time.”

 

“Mmm, ‘kay.”

 

“Hey, you sleepyhead. Kumakain ka lang kanina ng ice cream tapos ngayon, inaantok ka na?”

 

Napatingin si Baekhyun sa phone at nang makita ang oras, parang nagising ito bigla. 10:30 pm na at halos 2 hours pa ang byahe nya.

 

“Shit, shit shit. Uwi na ako. Gabing-gabi na pala, shit”, agad-agad naman itong tumayo at inayos ang gamit. Maaga pa sya bukas at kailangan na nyang makapagpahinga kung ayaw nyang ma-late.

 

“Wait, hatid na kita.”

 

“What?! Wag na. Okay lang, may mga bus pa naman.”

 

“No, I insist. Besides, pauwi na rin naman ako.”

 

“Joketime ka ‘no. E, 10 minutes away lang naman ang layo ng condo mo mula dito.”

 

“Uy paano mo nalaman?”, biro ni Chanyeol habang sinisimulan na rin na ayusin ang pinagkainan nila nang makaalis na.

 

“Uh, ano, hula lang diba, ano, sa coffee shop?”

 

Ayan na naman sya sa pag-sstutter, cute talaga.

 

“I’m just joking, halika na”, sabay patong ng kamay nito sa ulo ni Baekhyun.

 

“Sa sakayan nyo na lang ako ihatid.”

 

“Edi sana pinaglakad na lang kita? Wag ng makulit, Baek, halika na, sayang oras.”

 

Wala na nga syang nagawa kundi sundin ang boss. Baekhyun just sighed in defeat while Chanyeol smirked victoriously.

 

***