Work Text:
Natapos na kong mag-orasyon at lahat lahat pero wala pa din si Seokjin. Sabi niya 45mins at most nakauwi na siya sakin pero mahigit isang oras na eh wala pa ding matangkad na malapad ang balikat na pumapasok ng bahay.
Plano ko siyang salubungin kaya nakahilata ako sa sofa at nagpophone pero dahil umiinit na at inaantok na din ako dahil napagod ako sa lakad ko maghapon eh umakyat na ako sa kwarto at dun siya inantay.
Nagbukas na ko ng aircon at humilata at pinalibutan ko yung sarili ko ng mga plushie na regalo niya sakin. Mga substitute cuddle buddies ko kapag wala siya at nagtatrabaho.
Naiinip na ko. Antagal niya. Iniisip ko kung tatawagan ko na ba siya para i-check kung okay ba siya or what. But I know him, magsasabi naman yun kung may dadaanan pa sila saglit bago siya mahatid kaya hindi ko na lang siya tinawagan. I'll let him enjoy his time with his friends. After all, matagal tagal din silang hindi nakapagbonding.
Nanuod na lang ako ng run episode nila na hindi ko pa napapanuod. Para naman kahit papano eh makahabol ako sa mga na-miss out ko. Cuddle ko si RJ na may pabango ni Jin kaya kahit ayoko pang matulog para maantay ko siya, bumigay din yung mata ko. Nakatulog na ako.
Hindi ko na namalayan yung haba ng naitulog ko. Naramdaman ko na lang na may nag-aalis ng earphones at phone ko na nakakabit sakin. Maya maya may dahan dahan ng nag-aangat ng ulo ko at humihiga sa likod ko. Amoy vanilla... sweet yet warm. Umikot ako at hinarap siya pero nakapikit pa din ako habang yakap si RJ.
"Y/N-ie? Nagising ba kita?"
Tanong niya bago i-kiss yung noo ko. Umiling ako at dumilat.
"Hindi naman. Saglit palang naman akong nakakaidlip. Anong oras na ba? Sabi mo 45mins nandito ka na, mahigit isang oras kaya kitang inaantay sa baba kanina."
Sagot ko sa kanya ng nakanguso. Natawa siya at kiniss niya yung lips ko.
"11pm. Pero mga 10:50pm nandito na ko, nag-shower lang ng mabilis bago ko umakyat. Dumaan pa kasing Breadtalk si Ken. Sinulit at naka-50% off na yung mga tinapay. Ibinili kita ng pizza bread na favorite mo."
Sagot niya ng nakangiti. Nako. Nanunuhol pa ang loko. Tinitingnan ko lang yung mukha niya. Nakangiti, ang amo amo, mukhang anghel... my angel Jin.
"Are you mad, princess? Dahil late akong nakauwi at napag-antay kita?"
"No. I'm just being needy of my Jinnie. Miss ko na kasi yung cuddles and kisses niya."
Sagot ko ng nakangiti. Yung ngiti niya, lalong lumaki. Hinila niya sa yakap ko si RJ tapos ihiniga niya ako and caged me in his arms habang sinesettle niya yung sarili niya in between my legs.
"Ang clingy clingy naman ng prinsesa ko."
Nang-aasar pa. Nako. Pinisil niya yung pisngi ko habang tawang tawa siya.
"De, sige. Di na kita na-miss. Ayain mo na uli lumaboy yung dalawa."
"'To naman, tampo kagad. Dito na nga ako, oh. Showering you with cuddles..." niyakap niya ako ng mahigpit but making sure na hindi niya ako napipipi dahil nasa ibabaw ko siya.
"...and kisses." he started to shower my face with kisses hanggang sa tawang tawa na ako kasi pinupog niya na ko ng halik.
"Jinnie, stop. Oo na. Hindi na ko nagtatampo."
Natatawa kong sagot sa kanya. Tumigil naman siya at nginitian ako na para bang nanalo siya sa lotto. Napailing na lang ako at inisquish ko yung cheeks niya.
"Cute mo."
Sabi ko pa kasi para siyang bata. Nginitian na naman ako. Jusko. Kim Seokjin. Tama na. Di na kaya ng puso ko. Nararamdaman ko ng umiinit yung mukha ko. Napa-smirk ang loko.
"Yie... kinikilig yung Y/N-ie ko."
Pang-aasar niya habang tumatawa. Hinampas ko siya pero lalo lang siyang natawa. Kiniss niya yung noo ko, yung magkabilang pisngi ko at yung ilong ko. Nag-hover yung lips niya sa tapat ng lips ko, I can feel his warm breath on my face, he smiled before capturing my lips. I kissed him back and I can feel his smile in the kiss, napa-smile na lang din ako and closed my eyes. Itinaas ko yung arms ko at ipinatong sa batok niya and pulled him closer. He hugged me tighter and started to deepen the kiss. We were lost in the kiss, only our lips and tongues are communicating. After some time, he pulled back... breathless and smiling.
"If we keep this up, I might not let you sleep tonight."
"Then we won't sleep..."
"Babe... maaga ka pa bukas. Di ba nga, sabi ko magpahinga ka ng maaga?"
"One round. Then we'll sleep."
"You know I won't stop after one round. Alam mo namang I can't get enough of you. Stop pouting, princess. How about... I'll make it up to you tomorrow night kapag maaga kang nakauwi?"
"Nako... mukhang malabo na yan."
"Tama na kaka-pout. Baka di na ko makapagpigil. We'll make a way, okay? Mag-sleep na tayo habang malakas pa yung will ko na wag kang puyatin ngayon."
"Fine. Hindi ka pa abswelto."
"I know. Babawi ako bukas. Promise. Now, rest. Mas gusto kong ako yung pumapagod sayo at hindi ibang bagay."
Natawa ko. Kiniss niya yung lips ko, mabilis lang bago niya kiniss yung noo ko at umayos na ng higa sa tabi ko. Humarap ako sa kanya and we cuddled together.
"I love you, Y/N."
Mas humigpit yakap niya sakin habang sumubsob ako sa dibdib niya. Amoy vanilla... I'm not really fond of sweet scents but this is my Jinnie's scent. Sweet and manly. Warm and welcoming that feels like home.
"I love you more, Seokjin."
