Actions

Work Header

Titibok at Tatakbo

Summary:

Kapag naramdaman mo ang pagtibok ng puso mo, anong gagawin mo? Hahayaan mo ba itong tumibok kahit pa alam mo kung gaano karami ang consequences nito at ang risks na maaaring mangyari sa buhay mo? O mas pipiliin mo ang tumakbo?

Notes:

hello! ngayon pa lang, sasasabihin ko na na thank you very much if you're going to give this story a chance. you'll probably see a lot of loopholes here and there, errors that i wish i've seen, but i still hope you'll enjoy it hehehe point it out if you want, i don't mind din. mapapansin niyo rin siguro nagbago ang way ng writing at some point haha ok kasalanan ko na yun at ang pagiging makakalimutin ko hmpf baka maconfuse kayo, mabored, or biglang mamadalian at some point, kasi ako rin ganun nafeel ko chos haha pero masaya ako na natapos ko ito kahit nahirapan ako sa characters nila. hindi man ako masyado maalam pagdating sa business and lahat ng included dun, at least i tried, diba? :>

salamat sa lahat--sa mods, sa readers, sa prompter (sorry na rin huhu lumayo na ata ako sa prompt i'm so sorry sobra as in T_T). :) enjoy!

Chapter 1: Titingin, Mapapansin, at Maiilang

Chapter Text

Hindi alam ng puso kung paano nagising

'Di din naman ako handa nang bigla kang dumating

Alam mo ba, alam mo ba teka, 

‘Di ko muna aaminin.

(Sabu (2018), Tulog Na)

 

Nakakastress.

Being 18 is hard. Well, at least, for him. Sa situation niya.

Kung pressured na siya noon, mas pa ngayon.

Pressured ng mga magulang to stay at the top, kailangan focused sa future niya, take tutors here and there despite already acing many things, learn the ins and outs of their company and immerse himself in such environment para masanay daw. Sobrang nakakapagod. Parang hindi makahinga. 

He doesn’t even know why he has to learn all these things. Bata pa lang naman siya, 18 nga eh. Recently lang naging of legal age, pero parang ang mga bagay na gustong ipahandle sa kanya ay hindi pa dapat para sa kanya. Hindi pa ang tamang oras.

He gets it. It’s for his future, for the future of their company. He respects that. He likes their company. It’s where he sees himself in the future. Kaya nga hands on siya at nagpupursigi. 

He just needs to breathe. Live life like an 18 year old.

Kaya walang makakasisi sa kanya, kung ito siya ngayon, may hawak na yosi sa pagitan ng mga daliri niya habang free cut pa nila. Nasa likod lang siya ng building nila kaya he doubts na malelate siya. Aware siya na bawal sa loob ng campus, pero wala namang prof o student na dumadaan doon sa area niya, lalo na at class hours. Patay na oras. 

Hindi naman niya ito ginagawa araw-araw. Sa mga panahon lang na sobra ang stress niya. He doesn’t recommend doing it, but here he is, trying to lessen the burden he’s feeling. 

Nakaupo lang siya sa may cemented area sa gilid, nakasandal sa may pader, at nakatingin lang sa langit, ineenjoy ang tahimik na lugar at ang haplos ng hangin na tumatama sa kanyang pisngi. He puffs out smoke and inhales it. Napapikit na lang siya, sanay na sa amoy at sa kung ano ang kaya nitong iparamdam sa kanya. 

Malalim lang ang iniisip. Ganyan naman lagi sa tuwing may hawak na siyang yosi. Lahat ng bagay na kailangan niyang isipin, iniisip niya na, tapos sa bawat buga ng usok, parang ‘yun na rin ang paraan para mawala sa sistema niya ang lahat ng nagpapahirap sa kanya, ang lahat ng iniisip niya.

Puro problema sa pamilya, sa kumpanya na hindi pa naman niya dapat pinoproblema, sa mga kumpetensya na mayroon sa kumpanya nila at sa iba pang kumpanya na pareho ang ginagawa nila, sa buhay niya. 

Ang hirap huminga.

He wants to do things in his own pace. Kaya madalas, kahit maraming pinapagawa sa kanya, siya na ang nagseset ng oras, siya ang nagdedecide kung kailan at paano. Ito lang ang tanging paraan na iniisip niya na mayroon pa siyang kalayaan sa buhay. Wala naman nagagawa ang magulang niya, dahil kahit ganun ang setup ay nagagawa niya pa rin ang mga gusto ng magulang niya na makamit niya.

Itong pagyoyosi ang kasama sa mga bagay na hindi niya sinasabi sa kahit na kanino. Parang isa lang ‘to sa mga bagay na nagpaparamdam sa kanya na may sarili pa siyang buhay. Na he’s still a person who’s not trapped sa lahat ng expectations sa kanya, that he’s still capable of making his own decisions in his life without his parents interfering at everything.

Napabuntonghininga na lang siya.

Napatingin siya sa orasan niya at nakita niyang ten minutes na lang bago mag-start ang sunod na klase niya. Malamang ay nagbabalikan na rin ang mga kaklase niya galing sa mga sarili nilang tambayan sa labas ng school.

Kinapa niya ang bulsa niya at kumuha ng bubble gum, binuksan ito bago pinatay ang sigarilyo niya, binalot sa may wrapper ng bubble gum, at tinapon sa basurahan. Nginunguya niya lang ang bubble gum habang hinahanap kung saan niya usually tinatago ang isang pack ng sigarilyo niya. Hindi niya pwede ilagay sa bag niya dahil baka may makakita at i-report. Marami pa naman ang sarado ang isip sa klase nila at talagang hahanap ng paraan para mapahamak ang isa. 

Nang mahanap ay agad niya ito nilagay at tumayo na, pinapagpag ang likod, in case na madumi. Kumuha ulit siya ng panibagong candy mula sa bulsa niya, para sana gamitin niya para matapon ang bubble gum niya, bukod pa sa para mawala ang amoy ng sigarilyo sa bibig niya. 

Akala niya mint na candy ang nakuha niya, pero napatigil siya saglit sa kung ano ang nakuha niya.

Pochi pala.

Kinakain niya lang naman ‘yun sa tuwing inaantok siya sa klase. Para lang may manguya, pero napakibit-balikat na lang siya, iniisip na pwede naman siya kumuha ng panibagong candy para mawala ang amoy sa kanya. Gagamitin niya na lang ‘yung wrapper nung Pochi para matapon ang bubble gum niya.

Bubuksan niya na sana ito nang may marinig siyang ingay malapit lang sa kanya.

Saglit siyang kinabahan dahil paano na lang kung may nakahuli sa kanya at kanina pa siyang nakita na naninigarilyo sa campus nila? Hindi siya pwedeng mareport dahil panigurado ay babantayan siya.

Sinundan niya kung saan nanggaling ang ingay. Dahan-dahan, in case na isa pala ito sa mga professor niya.

May naaaninag siya sa may gazebo, malapit lang sa pwesto niya kanina. Nilapitan niya ito, tinitignan kung pamilyar ba siya sa kanya. Kung professor ba o kung ano man. Baka mamaya pala, ‘yun na pala ‘yung pinag-uusapan ng mga tao na multo na nagpapalibot-libot sa school nila.

Kaya dahan-dahan lang siyang naglakad papunta roon, nakayukom ang kamao, at tahimik.

Nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang kapwa estudyante niya lang pala. Nakatalikod sa kung nasaan siya kanina, so inisip niya na baka hindi rin naman siya nakita sa may pwesto niya kanina. Tago rin naman. 

Aalis na sana siya nang marinig niya ang hikbi mula sa kanya. Inisip niya pa kung tama bang lapitan siya, lalo na at hindi naman niya kilala at malapit na magsimula ang klase niya.

Kaso… narinig niya ulit ang paghikbi niya. 

Napabuntonghininga siya.

Hindi niya magawang mambaliwala.

Nakikita niya kasi ang sarili niya sa kanya a few years ago, noong sobra-sobra ang pressure na nasa kanya, noong nakakaoverwhelm na, at kailangan niya lang talaga mailet out ang frustration na nararamdaman niya. That time, gusto niya ng kausap, ng makakasama lang saglit, pero wala, dahil kakasimula pa lang naman ‘nun. Wala pa siyang kaibigan.

Inisip niya na baka ganun din ang kailangan ng taong nasa harap niya.

Alam naman niya na may mga taong gustong mapag-isa. And if the person asks him to leave, he’ll respect that.

Pero he thinks, it’s okay to try to approach the person. 

Pumunta siya sa may harap niya. Nanatiling nakayuko ang lalaki at nakatakip ang mga kamay sa mukha. Inisip niya kung paano niya ba dapat kukunin ang atensyon niya, dahil pakiramdam niya ang weird kung bigla niya na lang siyang kakalabitin or tatapikin. 

Napayuko siya at napatingin sa kamay niya, sa Pochi na hawak niya, at napangiti.

“Pochi?”

Pagkasabi niya ‘nun ay agad na napatingin sa kanya ang lalaki.

Napatigil siya saglit at napatitig sa mukha ng lalaki.

Oh no. Sa lahat ng tao na pwede niyang makita rito…

He knows who he is.

Of course he does. 

Anak siya sa isa sa mga kakumpentensya ng business nila. Paano niya nakilala? May mga araw na shinishit ng magulang niya ang pamilya nila at ang kumpanya nila. May competition kasi. Naglalaban for the top spot at parehong patuloy na naga-advance at develop habang nagiimprove ang teknolohiya. 

Parang buong pamilya ata nila, kilala niya na, hindi lang by name, kundi pati na rin by face (kasi nakikita nila minsan ang pamilya ng lalaki sa newspaper nila, katabi lang ng picture ng pamilya nila), dahil pinagbabawalan siya ng mga magulang niya na makisalamuha sa mga kakumpetensya nila. Dahil kailangan daw iparamdam ang superiority, at kailangan ipakita kung sino ang mas mataas. 

Malamang alam din ng lalaki kung sino siya at malamang ay binalaan na rin siya, kaya hindi malabong hindi niya tatanggapin ang inalok niyang candy.

Pero nabigla siya nang tinanggap ito ng lalaki at tipid na ngumiti sa kanya. “Thanks.” 

He should feel regret dahil sa pag-approach niya. He should feel guilty, pero strangely, hindi ‘yun ang nararamdaman niya. 

He feels… comfortable.

Probably because of the way the person smiled at him, or dahil na rin siguro sa sitwasyon na kinaroroonan nila, kung saan ang isa sa kanila ay umiiyak. 

It’s like… they’re on a truce. Or at least, para lang sa kanya.

Umupo siya sa tabi niya at bahagya naman umusog ang lalaki para mabigyan siya ng mas malaking space. Tahimik lang silang dalawa, at ang tanging ingay lang na naririnig ay ang pagbukas ng candy at ang paminsan-minsang paghikbi ng katabi niya. 

“You know,” pagbabasag ng katabi niya sa katahimikan. “Usually, sa mga nakikita ko, mint or bubble gum ang kinakain nila after yosi, pero ikaw…”

Natigilan siya. Shit. Nakita niya ba? Hindi niya pwede makita, lalo na at baka isa pala siya sa mga taong nagsusumbong para makuha ang posisyon na kinaroroonan niya sa department nila. Same pa naman sila ng kursong kinuha.

He tries to play it cool and deny it, laughing nervously. “Hindi naman ako nag-yosi.”

The guy hums. “Amoy na amoy, though… dumikit na ata ‘yung amoy sa damit mo.”

Umiling siya, sinusubukan pa rin mag-rason. “Kagagaling ko lang sa labas. Maraming naninigarilyo sa may tinambayan namin ng barkada ko.”

Kita niyang amused na nakatingin sa kanya ang lalaki, nakangisi pa. 

“I literally saw you smoking kanina lang ‘nung umupo ako rito.”

‘Dun na siya natahimik. Magsisinungaling pa ba siya kung nahuli na siya mismo sa akto?

Napabuntonghininga siya. Mukhang masyado malalim ang iniisip niya kanina at masyadong malayo ang tingin, kung umabot pa sa puntong hindi niya na naramdaman ang nakapaligid sa kanya. 

“Please don’t report me,” bulong niya at napayuko. “Like, I know there’s an ongoing family feud between our families, and you might see me as a competition, but don’t report me. Kahit this time lang.”

Natawa naman ang katabi niya kaya napatingin siya. Parang kanina lang ay umiiyak siya, pero ngayon, kung makatawa, parang walang bahid ng kalungkutan kanina.

“Why would I report you?”

“Ewan. Para pabagsakin ako at para ikaw na ang nasa posisyon ko?”

“That’s stupid,” sagot niya at umiling pa. “I won’t stoop that low.”

“Well, I can’t help thinking that way, sorry.”

“It’s fine,” sagot sa kanya at binigyan siya ng isang ngiti. Natahimik sila saglit bago ulit nagsalita ang katabi niya. “Okay ka lang ba?”

Natawa siya at parang hindi pa makapaniwala sa narinig niya. “Shouldn’t I be the one asking that? Ikaw ‘yung umiiyak kanina.”

Napakibit-balikat ang kasama niya. “Hindi lang kinaya ‘yung stress at pressure. Kinailangan ilabas, pero I’m okay now.”

“Well, ganyan lang din naman akin. So… naghanap ng other way kasi nakakasawa na ‘yung iyak.”

Tumango naman ang katabi niya at natahimik sila ulit. 

Strangely, he doesn’t feel threatened with the guy’s presence. Wala ‘yung sinasabi ng magulang niya na beware of the likes of him. Ang comfortable nga lang eh. Ang gaan sa pakiramdam, lalo na nung tumigil siya sa pag-iyak at tumawa lang sila. Siguro dahil pareho lang sila ng nararanasan at pareho lang mabigat ang karga, kaya madaling pakisamahan.

There’s just something… intriguing with the guy. Hindi siya sigurado sa kung saan. Sa ngiti ba niya, sa kislap ng mga mata, sa mga tawa niya, o sa kung sino ang tunay na siya.

Sadyang pakiramdam niya lang, there’s more to him than what others had been telling him.

The guy clears his throat before throwing him a glance. “For the record, I don’t really care about those feuds. I live my own life and choose who I’ll keep or not. So don’t worry about me trying to sabotage whatever shit is going on between our families. That’s their problem, not mine.”

Napangiti siya sa sinabi niya. He’s just really… admirable. Hindi lahat ganyan mag-isip, example na ‘dun ang pamilya niya. 

“That’s great to hear,” sagot niya.

“Thank you, by the way. Pinagaan mo loob ko,” sabi ng katabi niya at binigyan siya ng isang ngiti. 

Hindi niya maiwasan na mapatitig sa ngiti niya. Sobrang genuine at nakakakalma. Bihira na lang ang makatanggap ng ganyan. Ni hindi niya inexpect na sa kanya pa niya matatanggap ang ganyang ngiti.

Napangiti siya pabalik. Hindi peke, napipilitan, o kung ano pa. Sadyang ang contagious lang ng ngiting binigay niya.

“Hey, I like the comfort that you bring and I really appreciate it. I really do,” sabi ng katabi niya at napatingin siya sa kanya, napatigil dahil ang cute niyang tignan na nakatilt ang ulo sa may side na parang bata. “Pero wala ka bang klase?”

Agad siyang napatingin sa relo niya at napatayo agad, nagpapanic. Nag-start na ang klase nila 10 minutes ago.

“Shit! Hindi ko napansin!” Ikaw kasi, eh. 

Napatingin siya sa kaninang katabi niya at nakita niyang nakatingala ito sa kanya, may maliit na ngiti sa mukha niya. Naalala na naman niya kanina, noong mag-isa ang lalaki at umiiyak. Inisip niya baka ganun na naman kapag iniwan niya siya mag-isa, kaya ang ginawa niya, may kinuha ulit siya sa may bulsa niya, mga candy, at kumuha ng dalawa para sa kanya (dahil hindi niya pa naitatapon ‘yung bubble gum niya at hindi pa gaano na nawawala ang amoy ng sigarilyo sa kanya), at inabot ang iba pang natitira, na surprisingly, ay halos puro Pochi.

“Oh, ayan. Sa’yo na. ‘Wag ka na iiyak, ah,” sabi niya na parang bata ang kausap niya at kinuha ang kamay ng lalaki at pwersang inilagay ang mga candy sa palad niya. “See you around!”

Nagmamadali niyang sinabi at tinalikuran na ang lalaki, pero bago pa siya umikot at pumasok sa building niya, napatingin ulit siya sa lalaki at nakita ang ngiti niya habang nakatingin sa mga candy sa palad niya.

Nakangiti siyang tumalikod at bumalik sa building nila.

Hindi niya na nakita ang ngiting ibinigay ng lalaki sa kanya nung saktong tumalikod na siya at nagmamadaling bumalik sa room nila.

See you around, indeed.