Actions

Work Header

bab and basti

Summary:

pareho silang takot sa commitment. yung isa, ayaw masaktan. yung isa, ayaw makasakit.

Notes:

hello sa everyone!! welcome, welcome. mga bata at matatanda.

una sa lahat, hindi ko alam kung bakit ko to isinulat in the first place. basta jumejebs lang ako non, i thought of this, and right after the pooping session, isinulat ko na siya kasi kating-kati talaga ang mga kamay ni girl magsulat. hehehe.

regarding sa updates, pls.... alam niyo kung gaano ako kasipag!!!!! mag-update hehe. kung sakali man na masyadong matagalan (say, mga 1 year?) ang sunod na update, pakibulabog po ako sa twitter @chokegiwhy. wag po kayo mag-alala, di po ako mangangagat. si chanyeol pati girlfriend ko lang po gusto kong kagatin.

grammar and typos, pagpasensyahan niyo na. unbeta-d (for sure) ang ipopost ko rito and hindi naman po ako englishist and bobo rin po ako magtype. hhhh. as long as naiintindihan niyo, keri na. wag kayo magalit ha. kith ko kayo sa bunbunan.

medyo pg13 to r-18 po tayo rito, mga katropa ano po. marami rin ditong vulgar words for sure like tite ni chanyeol and stuff, so kung di kayo comfortable sa ganon, okay lang kahit di niyo basahin. ikikith ko pa rin kayo sa bunbunan.

comments are very much appreciated, dito man o sa twt!! yung mga gustong chumika sa dm dyan, go lang!

maraming salamat na agad in advance <33 sana maenjoy niyo ang kalokohang ito!

shoutout sa jowa ko, ty sa support labyu skrrrrtttt para to sa future natin with chandler jourland miguel

Chapter 1: si bab at si basti

Chapter Text

insert chirping sounds—ng mga ibon o ng mga chismosa, it's for you to decide, tunog ng umaarangkadang mga tricycle sa kalye, at mga batang naghahamon ng suntukan sa labas at 9 in the morning.

 

minulat ng ating bida ang mga mata niya. medyo nagsquint pa kasi maliwanag na at nakarahap pa siya sa bintana. nagpakawala rin ng weird sound habang nags-stretch sabay hikab. umaga na naman. panibagong araw na sasayangin, kasi.. marami siyang time. sana all.

 

hinawi ni baekhyun ang kumot na nakatakip sa kanyang milky white thighs at manly legs. sexy combination. with another yawn, inabot niya ang phone na nasa tabi lang ng unan niya. naghihingalo na ang battery nito. nakatulog na naman kasi siya kagabi habang nagbbrowse ng available jobs at rakets sa isang fb group. hindi na nga naicharge ang phone, naiwan pa itong naka unlock buong magdamag. he rolled over to the side para icharge ang kanyang iphone 6, tapos ay nagsimulang magbrowse ulit sa nasabing fb group.

 

okay. this is the part where we introduce our bida.

 

this is baekhyun angelo r. byun. bar-b. weird initials pero kebs na. he’s twenty three, and he finished his very magastos na course (hello, bachelor of arts in digital filmmaking) sa benilde earlier this year, na siyang dahilan kung bakit bankrupt siya ngayon (hello ulit sa very magastos na grad film) and desperately looking for a stable job o kahit raket lang basta may reasonable na bayad. for experience rin naman.

 

baekhyun, or ba/bab to his very close friends (ang magpinsan na sina jongin antonio kim iii, and jongdae riguel kim), is very much single. three years ago na since the first time he entered a relationship at mukhang last na ata kasi it didn’t end very well at natakot na siyang mag commit uli. for baekhyun, he would rather stay single for the rest of his life than get his heart wrecked for the second time. and yes, he knows naman na there are guys who are actually nice. yung hindi siya sasaktan. pero hindi niya na ata kayang sumugal ulit. that'd be suicide.

 

okay. enough na muna sa madramang introduction dahil sumuko na si baekhyun sa pagj-job hunt. he’s hungry at naaamoy niya na ang mabangong beef tapa sa baba. bumangon na siya ng tuluyan at dumeretso muna sa banyo para jumingle, maghilamos, at magmumog.

 

after ng kanyang umagang kay ganda ritual, bumaba na si baekhyun and as expected, naabutan niya ang kanyang 5 year old pamangkin na si jaja na nakaupo sa sofa at nanonood ng cartoons. nasa kitchen naman ang older brother ni baekhyun na si beom, busy na naghahanda ng breakfast nilang tatlo.

 

“baek, gising ka na pala. pakibantayan muna nga si jaja, matatapos naman na ako rito.” sabi ni beom na busy sa pagpprito ng hotdog for his unico hijo.

 

tumango naman si baekhyun kahit nakatalikod sa kanya ang kapatid bago tinabihan ang pamangkin sa sofa. hindi siya nito pinansin dahil masyadong engrossed ang bata sa panonood ng peppa pig.

 

“ano ba yan, ang panget naman nang pinapanood mo.” sabi niya sa pamangkin bago kinuha yung remote na nasa coffee table. tutok na tutok pa rin si jaja sa pinapanood niya, and baekhyun being baekhyun, nilipat niya yung channel.

 

and as expected, nang marealize ni jaja na hindi na si peppa pig ang pinapanood niya, umiyak ito ng malakas. as in ngawa. si baekhyun naman, tawa nang tawa. successful na naman siya sa pagpapaiyak sa kanyang favorite pamangkin dahil wala naman siyang ibang pamangkin na pwedeng maging paborito. humarap si jaja sa kanyang tito baekhyun bago pinagsusuntok sa braso at dibdib.

 

“baekhyun, ano na naman yan?” tanong ng kuya beom mula sa kusina. kakatapos lang nito iprepare ang tapsilog at hotdog na pagsasaluhan nila ngayong umaga.

 

he walked towards the living room para pigilan ang anak sa pagsuntok sa kapatid at para na rin batukan ang kapatid niyang wala nang ibang ginawa kundi paiyakin ang bata.

 

“shh, baby. enough na. papagalitan natin tito baek.” sabi niya kay jaja once na buhat niya na ito. si baekhyun naman, tumatawa pa rin, may luha luha pa sa mata. “hoy baekhyun, maghanap ka na nga ng trabaho. sa sobrang pagkabagot mo sa buhay, pinaglalaruan mo na anak ko eh.”

 

natatawa pa rin si baekhyun ng very slight lang naman with matching punas ng luha sa gilid ng eyes. hinintay niya munang kumalma ang sarili bago sumagot. “oo na kuya, naghahanap na nga. tsaka, nirecommend ako ni jongdae sa tito niya. naghihintay lang ako ng confirmation.”

 

nasa lahi ata talaga ng mga kim ang pagiging filmmaker. yung dad kasi ni jongdae, scriptwriter ng mga filipino films noong panahon. isa siya sa mga producer ng sikat na aga-lea movie na sana maulit muli. si jongin the third, ABDFilm din. yung dad niya, professor sa benilde. naging prof nga yon ni baekhyun sa FLMTHEO nung first term ng third year ata? si jongdae lang ata ang tumahak ng ibang landas dahil nag MMA siya. kasi nga ayun, yung bunsong kapatid ng dads nila jongdae and thirdy kim, filmmaker din. isa sa mga hinahangaang direktor sa loob at labas ng bansa. cathy garcia-molina, who? we only know junmyeon ignacio-kim. thirty six years old, pero mukhang twenty six. walang halong bbiro. very single rin at mukhang walang balak magpamilya.

 

eto kasing si tito jun, or kuya jun (dahil nga masyado raw nakakatanda ang tito), may ongoing ganap. nagsstart na sila magshoot para sa entry niya sa cinema one originals, kaso kinulang ng tao dahil nagkaemergency yung isang prod assistant. and jongdae being the only best friend ever, nirecommend niya si baekhyun sa kanyang tito jun.

 

kaya ngayon, naghihintay lang si baekhyun ng go signal from jongdae kaso ang tagal tagal. it's been like.. two weeks? eh syempre, hindi papayag si baekhyun ng walang back up plan. sa lahat ng bagay sa mundo, ang pinakaayaw ni baekhyun ay pag hindi sureball. don't get him wrong ha. gusto niya magtrabaho for the one and only junmyeon ignacio-kim, pero hangga't walang solid confirmation na YES, YOU'RE HIRED AS THE NEW PRODUCTION ASSISTANT, hindi titigil si baekhyun sa paghahanap ng back up gig.

 

after breakfast na puno ng iyakan, thanks to jairus byun, umakyat si baekhyun sa kwarto para jumebs. syempre kinuha niya muna yung phone niya dahil maghahanap na naman siya sa same fb page ng mga taong naghahanap ng videographer sa events and stuff.

 

prente ang pagkaupo ni baekhyun sa toilet bowl, naka tukod po ang parehong siko sa thighs niya habang nagsscroll. may mga nakita si baekhyun na listings na sinave niya lang para iview later at icompare kung ano ang mas okay.

 

sa kalagitnaan ng pagsscroll, nag vibrate ang phone niya at nagflash sa screen ang mukha ni thirdy kim at ang dalawang bilog na buttons sa baba: pula at green. syempre, sinagot ni baekhyun ang tawag.

 

"hello?"

 

"tumatae ka no?" bungad ni jongin the third kay baekhyun. napakunot naman ang noo niya.

 

"gago? nakikita mo ba ko? may iniwan ka bang cctv dito?"

 

"yuck, ano ako? stalker? nag e-echo kasi yung boses mo so mukhang nasa banyo ka." sabi ni jongin pero he didn't give baekhyun a chance to speak. dumeretso na siya sa kung ano man ang dahilan ng pagtawag niya sa kaibigan. "ba, nakausap ko na pala si kuya jun. nag breakfast kasi kami kanina. pwede ka na raw ba mamaya?"

 

nanlaki ang mga mata ni baekhyun at halos nakalimutan niyang naglalabas pala siya ng sama ng loob kasi muntik na siyang mapatayo sa sobrang saya. yuck lang.

 

"uy shet, seryoso ba?" tanong ni baekhyun kay the third. "hindi ba joketime?"

 

"oo nga. mamaya raw sa route."

 

"sa route ang shoot? wait, teka. agad-agad ba?" medyo nagpanic si baekhyun. wala siyang alam sa premise ng film na ginagawa ni junmyeon kim ngayon. "huy, gago, hindi ba kami magfformal meeting man lang or something?"

 

"hindi shoot. inom-inom lang. you know naman our very bagets na tito. baka dun na rin maganap ang briefing mo before you start working as the new PA. i'll be helping out din sa set so.. you don’t have to worry masyado." sabi ni jongin. nabunutan naman ng tinik sa dibdib si baekhyun.

 

"ah, okay. text me na lang the details? will you be there mamaya?" baekhyun asked.

 

"sure. and yes, i'll be there pero mukhang susunod na lang ako kasi i have to finish something pa. yun lang naman kuya ba, congrats! i'm sure mag eenjoy ka. hindi naman masungit si kuya jun kaya no worries."

 

"okay, okay. thanks, thirdy. i'll see you later."




this is it pansit.

eto na talaga.

eto na ang simula ng career ni baekhyun sa larangan ng paggawa ng pelikula.

 

eto na rin ang simula ng.. alam niyo na.






so eto na nga.

 

10pm imimeet ni baekhyun si junmyeon ignacio-kim sa route 196 sa katipunan. ayon kay jongin the third, baka raw isama ni kuya jun yung actor na nakakuha ng lead role for the film. when baekhyun asked kung sino itong actor na tinutukoy ni thirdy kim, ang sagot niya lang ay see for yourself. feel ko kilala mo to. eh malamang nga. halos lahat ata ng artista sa iba't ibang network, kilala ni baekhyun. though wala rin namang binanggit si the third kung galing ba 'to sa bigating tv network, so yes may chance pa rin na hindi niya knows.

 

by 9pm, ready to go na ang ating bida in his medyo maluwag na red short sleeved button up shirt—original na balenciaga na pinadala pa nung boyfriend ng tita niya na nasa america, leather pants na hapit na hapit kaya litaw ang curves niya at ang cute na pwet, and black leather shoes para stylish. he also styled his hair in a way na he’d look presentable and smoking hot at the same time. also, baekhyun’s not doing this for other people to swoon over him. he just likes to make himself look good pag lumalabas siya kasi confidence booster.

 

nagbubook na si baekhyun ng grab habang pababa sa living room. finally. for the first time in weeks, he doesn’t have to babysit his brother’s son. hindi naman sa ayaw ni baekhyun. he likes kids at yun nga, paborito niya si jaja, pero nakakadrain kasi. ngayon lang ulit siya nagkaroon ng time to go out and baekhyun’s happy. graveyard shift si baekbeom sa pinagtatrabahuhan niyang call center somewhere in qc, at dahil nga may lakad ngayon si baekhyun, iniwan muna ni beom si jaja sa nanay nito. ang kanyang ex-wife.

 

baekhyun waited for the grab outside at dumating na rin naman ito agad. sumakay si baekhyun, binati yung driver ng good evening, and then there. they’re off to katip.



on time si baekhyun. dumating siya before 10pm. medyo maraming tao ngayon sa loob kasi syempre, gig night, and people are there to discover new great bands or maybe watch their favorites. gusto rin ni baekhyun pero he unofficial work night ito. magkikita sila ng kanyang new boss… na hanggang ngayon ay wala pa rin.

 

umorder si baekhyun ng beer for himself, pale pilsen, nothing too strong. after that, he found a vacant booth at doon na nagsettle. he took a sip of his beer before checking his phone for messages. wala. 10:01 na. wala pa rin si junmyeon at wala pa ring text from thirdy kim. saktong pag lock niya ng phone ay ang pag vibrate nito. may message from an unknown number who turned out to be junmyeon kim.

 

junmyeon: Good evening, Baekhyun! This is your Kuya Jun. Andyan ka na ba sa Route? Something came up kasi and I don’t think I can go there anymore. Papunta na sana ako. I’m sorry, this is so unprofessional pero very urgent matter din kasi yung kailangan kong asikasuhin.

 

oh, fuck. hindi makakarating si new bossing. hindi naman galit si baekhyun. kung importante naman talaga yung lalakarin ni junmyeon eh wala nang say si baekhyun doon.

 

baekhyun: good evening sir! i’m here na pero it’s okay. i guess i’ll just go home na lang.

 

junmyeon: Hay nako, Baekhyun. Drop the sir. We met twice already. Kahit Kuya na lang hahaha. And uh, up to you if you wanna go home already pero papunta dyan si Sehun Oh ngayon. I invited him too para sana mameet mo na ang isa sa mga makakatrabaho mo on set. You can still hang out if you want. I’ll send na lang sa email mo yung files so you can check them out before you go sa set tomorrow. I’ll send you more details din and schedules, shooting locs, and call times. Pati ibang mga dapat gawin.

 

baekhyun: okay kuya. [email protected] po. sige po, i will check na lang po mamaya.

 

junmyeon: Okay, isesend ko na. Thank you Baekhyun and sorry din at hindi ako makakapunta talaga tonight. Wala ka pa naman masyadong gagawin sa set tomorrow. Punta ka lang sa you know kung paano ang takbo ng shoots namin and para mameet mo na rin yung iba.

 

baekhyun: okay, kuya. thank you. it’s okay hehe. ingat and good night.



hindi na nagreply si junmyeon after that. napainom naman agad si baekhyun ng beer kasi wow. parang hindi niya agad naprocess kanina nung sinabi ni junmyeon na papunta si sehun oh at makakatrabaho niya ito. si sehun oh as in sehun oh na isa sa mga pinakasikat na kapamilya actors.

 

si sehun oh na dati nang nalink kay kathryn bernardo. si sehun oh na naging sobrang sikat sa labas ng bansa dahil sa role niya sa isang slightly controversial pero outstanding film na isinabak sa isang international film fest. si sehun oh na crush ng bayan. wow. hindi makapaniwala si baekhyun.

 

agad kinuha ni baekhyun ang phone para itext ang kanyang friend na si jongin the third.

 

baekhyun: huy ka, hindi mo sinabi sakin na si sehun rafael oh pala!!!!

 

jongin iii: ah so nameet mo na si sehun

jongin iii: tropa ko yan eh

jongin iii: pero hindi siya. isa lang siya sa cast pero may isa pa

 

baekhyun: ha? sino?



baekhyun waited for thirdy’s reply. talagang tinitigan niya lang yung chat bubble na may tatlong dots. napakabagal naman magtype nitong kaibigan niya. after a minute or so, nawala yung bubble at biglang nag offline si jongin. napamura na lang si baekhyun under his breath.

 

he locked his phone at ibinalik sa bulsa. he chugged down the remaining contents of his beer bago naglakad papunta sa bar to buy another one. after non, he decided to stay outside na lang instead sa loob. wala kasi siyang contact kay sehun oh, so para less hassle, sasalubungin niya na lang outside.

 

may 4-5 people lang sa tables sa labas since karamihan nga ay nasa loob at nanonood ng gig. baekhyun settled dun sa vacant table at uminom na lang habang nagsscroll sa facebook, occasionally checking kung may darating bang sehun oh. so far, wala pa naman.

 

ilang minuto na rin siyang nasa labas at paubos na rin yung second bottle of beer niya. papasok muna siya siguro sa loob since mukhang hindi rin naman darating si sehun oh. he kept his phone na ulit and tatayo na sana when he noticed a guy walking towards his table. and fuck. fuck, kasi hindi niya namukaan agad pero nung medyo malapit na si guy at nasinagan na ng ilaw yung mukha niya, medyo naloka si baekhyun. he was not expecting to see him kasi dito. he was not expecting to see him at all. and he was not expecting this guy to approach him.

 

“uy, hey, wait.” sabi ni guy. nakaupo pa rin si baekhyun and nakatayo itong si former schoolmate sa kabilang side. “you went to csb, right?”

 

at kahit kailan, hindi akalain ni baekhyun na mapapansin siya ng isang chanyeol park. he probably doesn’t even know his name, pero nakilala siya nito sa mukha. and they never even attended the same class. not once. as far as baekhyun can remember.

 

“uh, yes. yes. you too, diba?” baekhyun smiled at him na para bang woah, nice, we went to the same school. di tayo acquainted pero yes, let’s talk. GANON.

 

“yes. i’m not sure if you remember pero naging classmates tayo in PE nung first two terms ng second year.” sabi ni chanyeol. okay. hindi na yun maalala ni baekhyun, probably because madalas siyang absent o di kaya late.

 

“uy, oo ba? i actually don’t remember na masyado eh.” nahihiyang sabi ni baekhyun kaya he gave him a smile na lang kasi parang nakakahiya for chanyeol kasi hindi na matandaan ni b. “i mean, madalas din kasi akong di nakakapasok nun.”

 

“no, it’s fine. ako rin naman, madalas wala.” yes. and baekhyun knows why.

 

“yeah.. pero i know who you are.” sabi ni baekhyun and there, naisip niyang ioffer ang hand para magpakilala ng maayos kasi hindi naman talaga siya kilala ni chanyeol sa pangalan. “i’m baekhyun byun. ABDFilm.”

 

inaccept naman ni chanyeol yung hand ni baekhyun and nagshake hands sila. naunang binawi ni baekhyun yung kamay niya hindi dahil ayaw niya kay chanyeol, but because nahihiya siya kasi medyo pasmado.

 

“chanyeol park from ab music prod.” right. alam ni baekhyun kasi kilala naman talaga si chanyeol hindi lang sa SDA pero sa buong benilde rin. kahit nga sa ibang universities. nung third year siya, finollow niya yung soundcloud account ni chanyeol and maganda yung songs na ginagawa niya.

 

nag nod lang si baekhyun kasi hindi niya alam kung ano bang dapat niyang isagot dun. actually, sobrang weirded out siya. bakit kaya siya kinakausap ngayon ng the one and only chanyeol park from sda music prod batch 20xx?

 

napaangat ulit ang tingin ni baekhyun nung umupo na si chanyeol ng tuluyan sa vacant seat. so he’s probably staying for chika. not that baekhyun minds pero.. hindi ba siya na aawkward?

 

“naaawkward ka ba?” tanong ni chanyeol. huh. may pagka mind reader pala ito.

 

ang favorite motto ni baekhyun nung elementary bukod sa time is gold when watching bold, ay honesty is the best policy. kaya tumango siya ng marahan bago nginitian ng very slight pabebeng ngiti si chanyeol.

 

“a little..? i mean.. wala. sobrang nagulat lang ako na you approached me and stuff eh hindi naman nga tayo friends talaga nung college.” sabi ni baekhyun. tumango naman si chanyeol. “i mean, we have mutual friends naman like kyungsoo do from theater arts, right? diba friends din kayo? pero yun, di talaga tayo acquainted or whatever.”

 

“yes, i know. sorry for randomly walking up to you.” natatawang sabi ni chanyeol.

 

he looked extra pogi tuloy. and he’s not even trying. naka itim na graphic tee lang siya and maong shorts na above the knee pero mukha na siyang model agad. medyo mahaba na rin ang buhok. naalala tuloy ni baekhyun yung mga babae na nagtitilian everytime na nasa cafeteria si chanyeol na permed ang brown hair.

 

“no, it’s okay. i don’t really mind.” sagot ni baekhyun kasi true naman. sa totoo nga lang, flattered siya kasi siya chanyeol mismo ang lumapit sa kanya.

 

“yeah, thanks. natutuwa lang talaga ako whenever i see familiar people.” sabi ni chanyeol. “and if it’s okay with you, i wanna be friends sana? you know kasi, it’s really nice to have friends outside showbiz. people in the industry are not very.. you know.. real friend material.”

 

hep. eto na. oras na para ipakilala ang isa pa nating bida.

 

si chanyeol sebastian park. chanyeol park sa ibang tao, basti sa family and friends. he’s twenty three, like baekhyun, and nag-aral ng music production sa benilde. batchmates sila ni baekhyun. our baby boy basti came from a really prominent family. his mom used to be a really popular singer in korea during her time, and his dad naman owns a telecom company in the philippines. yung older sister naman ni chanyeol na si yoora ay isang tv host. kung nanonood kayo ng pinoy brother, you probably know her. kasama niya sila toni gonzaga.

 

like oh sehun, kapamilya actor din itong si chanyeol. child star siya. kasama sa original cast ng goin bulilit na nnagsimulangi-air noong 2005 kung saan siya nakilala bilang si basti. eight years old pa lang siya noon, pero nakitaan na agad ng potential sa pag-arte. bata pa lang, marami na siyang naging shows at madalas na gumaganap bilang anak ng mga lead characters sa mga primetime teleseryes. 2010 nang grumaduate siya goin bulilit. nagkaron pa si chanyeol ng maraming opportunities after that, pero nagfocus muna ito sa pag-aaral nung high school. he went back to acting nang tumuntong na siya sa college, and became one of the most popular actors of his time along with sehun oh, his best friend since high school.

 

unlike baekhyun, chanyeol sebastian dated a lot and madalas, hindi rin nagtatagal yung relationships niya kasi.. like baekhyun, medyo may takot din itong si basti sa commitment. pag masyado nang nagiging seryoso, bigla na lang siyang umaayaw. he dated asia’s next top model winner, maureen wroblewitz, pero it didn’t work out din. as far as everyone knows, chanyeol’s been single for months now, at maraming mga babae ang nagkakandarapang mapasakanya.

 

okay. enough na muna ulit sa intro kasi chanyeol just bought a bucket of beer for him and baekyun. they also decided na sa loob na lang uminom para kahit papaano ay may onting privacy. baekhyun texted jongin habang umoorder si chanyeol ng drinks kanina, chika minute si girl. eto namang si jongin, kanina pa sinasabihan si baekhyun na may nafifeel siyang kakaiba. baekhyun chose to ignore thirdy’s comments na lang kasi chanyeol seems nice naman and there’s no harm naman siguro with being friends with his batchmate, right?

 

as for sehun oh, jongin the third told baekhyun na hindi na ito makakarating. and kahit thirdy himself ay hindi na rin daw pupunta kasi may kasama naman na raw si baekhyun, at nafifeel niya na they’ll go somewhere pa after the inuman sesh sa route. whatever.

 

so now, baekhyun and chanyeol are drinking sa pinadulong booth dahil yun na lang ang available. tsaka okay din kasi nga, masyadong maraming tao. yun nga lang, medyo mainit sa part na ‘to so baekhyun had to undo the first two buttons of his balenciaga shirt, exposing his medyo pawisan na shirt para makabawas bawas sa init na nararamdaman niya.

 

pero mukhang ibang tao ata yung mas lalong nainitan.

 

here goes our baby boy basti na mukhang hindi naman pala certified baby boy dahil hindi niya maalis ang tingin sa shining shimmering chest ni baekhyun na sobrang puti at flawless. litaw na litaw yung collarbones ni baekhyun, medyo pawis, at pati si chanyeol ay pinagpapawisan na rin.

 

kanina kasi, chanyeol’s waiting sa labas with his red horse. sabi kasi ng kanyang bro for life na si sehun oh, pupunta siya sa route kasi he’ll be meeting up with director kim and jongin the third na from benilde rin. so habang naghihintay siya, inom inom muna doon, biglang bumukas yung pintuan and may lumabas na guy in a red button up and leather skinny jeans. hapit na hapit yung pants sa legs ni guys at parang gusto nang kumawala ng pwet niya sa sobrang.. tight. 

 

chanyeol scanned mula sa shoes pataas (thank god kasi nagpause pa siya for a few seconds dun sa tapat ng door before umupo dun sa vacant table), and nagulat ang not so baby boy basti kasi kilala niya yung guy.

 

hindi niya maalala yung pangalan pero he’s certain na they went to the same school, he’s from School of Design and Arts din, and naging classmates sila sa individual/team sports at dance nung second year.

 

ilang minuto pa munang tumitig si chanyeol kay hottie with a very light brown hair na busy sa phone at mukhang may hinihintay. pero batchmate kept his phone na and mukhang aalis na rin, and chanyeol doesn’t want to waste the opportunity. kaya he stood up from his seat and walked towards his former classmate and that was it. now they’re here. 

 

"so, san ka nagwowork?" tanong ni chanyeol before he chugged down his alak para lamang madistract ang sarili kasi kanina pa siya nakatingin sa exposed skin ni baekhyun. nakakahiya. buti na lang at hindi nito napapansin. ata.

 

"hindi pa ako nagwowork eh." sagot ni baekhyun bago kumuha ng isang slice ng deadly aligue pizza na chanyeol ordered din. tinatanong siya ni chanyeol kanina kung gusto niya ng famous deviled chicken ng route pero ayaw niya naman magmukhang PG so he said no, i'm oks na with the pizza. "i mean, wala pang stable at pang long term na work. pero i'll be working with junmyeon kim for his upcoming film."

 

oh no.. medyo naalis sa isip ni chanyeol ang dibdib ni baekhyun kasi napalitan ito ng isang malaking OH NO.

 

"actually, sehun oh was supposed to go here rin sana pero hindi na rin daw pupunta since hindi na rin naman nakapunta si kuya jun. we're supposed to discuss about the film since ako nga yung magiging bagong prod assistant. pero ayun, something came up…"

 

deretso pa rin sa pagchika itong si baekhyun pero parang napunta na sa ibang dimensyon itong si chanyeol. what a small fucking world, kung ganon.

 

"hey, chanyeol. are you okay?" tanong ni baekhyun nang marealize na medyo nagspace out na itong kausap niya. naisip niya tuloy na baka na bore si chanyeol sa chika niya about junmyeon kim. yikes.

 

"uh, yes. yes. i'm okay. may naalala lang ako." sabi ni chanyeol kay baekhyun bago nagsmile. "hey. you do know na sehun oh and i are best friends, no?"

 

medyo nagulat naman si baekhyun kasi no, hindi niya alam. umiling siya. "ah, really ba? pero sabagay, parang oks nga kayo maging mag best friends. two talented actors of their generation."

 

"ano ka ba," nag smile si chanyeol ulit. balik na naman siya sa pagtitig kay baekhyun kasi.. boi. ampula ng cheeks. "kapag tayo lang, chilling like this, wag mo isipin na ako si chanyeol park na nakikita mo on tv. just think of me as chanyeol or basti na schoolmate mo noon sa csb."

 

hindi alam ni baekhyun kung bakit siya napangiti ng bongga dun. taray.

 

pero kasi.. wow. ang humble naman netong si chanyeol sebastian park. pero gets kasi mukha namang hindi siya greedy for fame. parang wala lang, gusto niya lang umarte, and at the same time gusto niya rin na itrato siya bilang normal na tao. hmm. interesting.

 

"alright. you can count on me to do that." sabi ni baekhyun before lifting up his beer bottle para makipag cheers kay chanyeol.




and yes, folks. you've guessed it.

 

nasa backseat ngayon ng car si baekhyun together with the one and only chanyeol park. nagpasundo si chanyeol sa driver kasi he doesn't wanna drive nang lasing, lalo na't may kasama pa siya. delikado.

 

baekhyun passed out right after he told chanyeol's driver his address. buti na nga lang at hindi siya nagsuka (hindi pa nagsusuka) sa car, kasi malilintikan si chanyeol. sa lap pa man din niya natutulog si baekhyun as of the moment at kung sakaling susuka man ito, good luck na lang.

 

okay, balik tayo sa slightly dirty thoughts ng ating bidang not so baby boy na si basti park.

 

dahil nga nakahiga si baekhyun sa lap niya, kitang kita niya ang leeg ng kanyang new found friend. maputi. makinis. mukha ring mabango. malamig sa kotse pero bigla na namang pinagpawisan si chanyeol.

 

hindi niya na napigilan ang sarili and he reached out touch baekhyun's neck with his fingertips. dahan-dahan lang. baekhyun flinched a bit, siguro dahil masyadong malamig ang kamay ni chanyeol.

 

after that, hindi niya na ulit hinawakan si baekhyun. natakot siya bigla. nag-isip na lang siya ng wholesome thoughts, baka sakaling makalimutan niya kung gaano siya ka attracted kay baekhyun simula pa kanina.






sapilitang ginising ni chanyeol si baekhyun kasi nandito na sila sa labas ng bahay. labag man sa loob ni baek, alam niya na kailangan niya rin maging conscious kahit for a few minutes lang.

 

"your keys, please?" sabi ni chanyeol habang naglalakad sila palapit sa gate. yung kamay ni chanyeol ay nasa waist ni baekhyun para mas maalalayan nang mabuti. and fuck, sobrang lapit nila sa isa't isa.

 

nahihirapan si baekhyun sa pagkuha nung keys sa pocket niya. wala siyang dalang bag or anything kaya money, phone, and keys, nasa bulsa niya lang lahat. nakatayo na sila ngayon sa harap ng gate, hinihintay na lang na mahugot ni baekhyun h ang susi from his pocket. eh kaso ang hirap nga.

 

finally, after a few minutes, nakuha na yung keys pero hindi maipasok ni baekhyun nang maayos so chanyeol had to do itm they went inside and baby boy basti closed the gate tapos naglakad na sila papunta sa door. he unlocked the door din and ginuide si baekhyun papasok.

 

"san yung switch ng li—"

 

hindi na naituloy ni chanyeol yung sinasabi niya kasi, hello, baekhyun byun na classmate sa PE noong second year started kissing him. wala man lang warning or anything pero yes.

 

syempre si chanyeol, mukhang sinusubok ang tatag ng loob. kanina, tinitigan niya lang yung lips netong si baekhyun na napakaganda ng shape at mukha ring malambot. ngayon confirmed na talaga na malambot. he wants to kiss him back pero hindi niya alam kung gagawin niya ba o hindi kasi… hello.. lasing yung tao.

 

so nanaig ang pagiging good boy ni chanyeol sebastian and he pulled away. medyo may onting liwanag na sa loob dahil sa ilaw sa labas, kaya medyo nakikita niya na rin ang mukha ni baekhyun at ang mga mata nitong nagssparkle. gago.

 

hinawakan niya ang pisngi ni baekhyun. "hey.. you're drunk. go rest."

 

baekhyun's response caught him off guard kasi fuck.

 

"don't you wanna kiss me?"

 

hell, kanina pa gustong-gusto halikan ni chanyeol si baekhyun pero hindi niya naman pwedeng gawin yun nang basta-basta. mag pagka chick boi si basti pero pinalaki naman siya nang maayos ng mga magulang niya.

 

"kanina pa kita napapansin, alam mo." sabi ulit ni baekhyun, and another tangina na naman for chanyeol. huling-huli. "you kept staring at me.."

 

hindi alam ni chanyeol kung nangyayari to ngayon dahil talagang lasing si baekhyun or he's just testing him. kung bibigay ba siya o hindi. fuck. baka mamaya, isa lang itong patibong at kapag nahulog si chanyeol, gigising siya bukas na mukha niya ang laman ng tabloid. but okay, medyo oa doon. mukhang hindi naman ganung klase ng tao si baekhyun..

 

kaya okay. bibigay si chanyeol this time.

 

"how do you expect me to not stare at you when you look like this?" sabi niya. parang lumalim pa ata lalo yung malalim niyang boses. nakatitig siya sa mga mata ni baekhyun and the latter's staring back. chanyeol's sure na baekhyun feels the tension as well kaya hindi niya na pinatagal pa.

 

"is it okay if i kiss you?" tanong niya, and the moment na tumango si baekhyun, he crashed his lips unto baehkyun's soft ones. napakahayok.

 

ni hindi sila nagdahan-dahan. sobrang ingay, sobrang messy, pero it feels so good and chanyeol craved for more.

 

he pinned baekhyun against the wall and started kissing his neck na kanina niya pa gustong-gusto halikan. hinihila siya ni baekhyun palapit na para bang mamamatay siya kapag may small gap between him and chanyeol.

 

ramdam ni chanyeol sebastian ang pagbukol ng alaga ni baekhyun. thank you, tight pants. at least, alam ni chanyeol na mukhang pareho sila ng gusto ni baekhyun tonight.

 

in the middle of the papak session, nagring ang phone ni chanyeol sa bulsa niya. and kahit ayaw niya sanang magpaistorbo, hindi pwedeng hindi niya icheck. so he turned to baekhyun and asked for him to wait bago niya kinuha ang phone at sinagot ang tawag.

 

"hello, sir basti. park ko muna itong sasakyan dito sa may mcdo kasi bawal ata rito mag park." sabi ng driver ni chanyeol.

 

"ah, okay manong sige. punta na lang ako dyan. asikasuhin ko lang friend ko." aasikasuhin in a whole new level po, manong.

 

"sige sir basti. message ka nalang po."

 

"sige manong, thank you." sabi ni chanyeol bago binaba ang tawag at binulsa ang phone ulit.

 

nang humarap siya kay baekhyun, he didn't expect him to be half naked. baekhyun already discarded his balenciaga button up at hinubad na rin ang shoes niya. yung tightass leather jeans niya nalang ang suot niya and underwear, and chanyeol sebastian can't fucking wait to take those off.

 

baekhyun's body looks amazing.

 

walang-wala compared dun sa first and only guy na nakachukchak ni chanyeol last year. yun kasi, borta like our bidang si basti. they met at a party, nalasing, inabutan ng libog, then it happened.

 

and yes, chanyeol park is openly bisexual. he talked about it sa tonight with boy abunda like.. two years ago? and he's happy about it kasi at least, hindi niya na kailangang magtago. people were very supportive although may mga close minded pa rin pero chanyeol chose not to pansin na lang.

 

so ayun na nga, back to baekhyun's amazing body. kanina pa napapansin ni chanyeol ang broad shoulders ni baekhyun. and now meron na siyang full look ng torso ni baekhyun na walang 6 pack pero very fit. and he liked it. he liked it very much.

 

nag-angat si chanyeol ng tingin and he saw baekhyun looking at him. nag-init na naman ang buong katawan ni chanyeol pero in a whole different way. kung kanina, dahil sa libog, ngayon parang.. iba eh. maybe it's because of the way baekhyun is looking at him right now. hindi niya maintindihan.

 

at hindi niya rin maintindihan why he leaned in para halikan si baekhyun tapos ay humiwalay din.

 

"hey.. i really don't wanna leave you hanging pero i don't wanna do this when we're both drunk." sabi ni chanyeol, nakatingin pa rin sa mga mata ni baekhyun.

 

kita niya yung disappointment when he said those, and gets niya kasi kahit siya ay disappointed din sa sarili. yun na yun eh. they were so close to doing it pero now he's backing out. pero kasi.. iba talaga.

 

"ayaw mo ba sakin?" baekhyun asks, sobrang adorable ng boses. nafufrustrate si chanyeol at hindi niya alam kung bakit.

 

"no.. basta. let's do this some other time." sabi niya before he pressed a soft kiss on baekhyun's forehead. mas matangkad kasi siya dito so hindi mahirap gawin. pero okay. what was that for? hindi alam ni chanyeol.

 

"may other time pa ba?" tanong ni baekhyun.

 

yes. magkikita pa tayo.

 

"i have this feeling that we'll see each other again very soon. pero tonight, magpahinga muna tayo. we have a very long day tomorrow." sabi ni chanyeol.

 

he pulled baekhyun into a hug, at halos ayaw nang pakawalan ni baekhyun si chanyeol pero he had to. nag bye na si chanyeol and lumabas na ng bahay at naiwan si baekhyun, topless, disappointed, at matigas ang tite.




around 3am nang magsink in kay baekhyun lahat nang pinaggagawa niya sa nakalipas na limang oras. nagkakape na siya sa sala habang nakaupo sa carpet, iniisip lahat ng kagagahan niya simula kanina.

 

hindi niya alam kung anong spirito ba ang sumanib sa kanya at naging matapang siya kanina. talang inunahan niya pa si chanyeol sa pag gawa ng moves. hindi makapaniwala si baekhyun na naghubad siya for chanyeol park and they almost had sex.

 

okay, very single ang ating bida dahil ayaw niya nga sa commitment. pero meron din siyang needs na kailangang masatisfy. kung sakali, hindi naman yun ang unang time na nag-uwi siya ng lalaki for sex (although sa case nila ni chanyeol, hinatid lang naman siya nito pero sinunggaban niya agad). everybody knows na bi si chanyeol, so mukhang wala rin namang problema sa kanya kung sakaling natuloy ang jugjugan nila.

 

mukha ngang sarap na sarap siya kanina habang hinahalikan sa leeg si baekhyun. nag ggrind pa si gago kaya hindi na rin napigilan ni baekhyun ang paggising ng kanyang minamahal na junior.

 

so ngayon, iniisip ni baekhyun kung anong naging problema at nag back out itong si chanyeol. sayang din eh. he’s hot, hindi itatanggi ni baekhyun. mukha siyang good boy pero nag-iba yung aura niya eh. parang babarurutin niya nang bongga si baekhyun hanggang di na siya makalakad, ganun.

 

pero ayon na nga. naisip ni baekhyun na baka busy lang ito. syempre, artista nga. baka may maagang shoot pa bukas at hindi talaga kakayanin kahit quickie lang. or baka ayaw niya lang talaga kay baekhyun. or baka panaginip lang ang lahat. o baka tuluyan na ring nabaliw si baekhyun.

 

in the end, hindi niya nainom yung kape niya kasi nakatulog na siya sa sofa kakaisip kay chanyeol, chanyeol, chanyeol. nakalimutan niya na rin nga icheck yung inemail sa kanya ni junmyeon na script and other stuff na kailangan niyang basahin para naman may alam na siya sa ganap kahit papaano. hindi niya na rin nabasa ang text ni junmyeon regarding sa call time nila bukas: 10am sa isang school sa quezon city. hindi na rin nabasa ni baekhyun ang texts ni jongin the third na nanghihingi ng confirmation: nagsex ba kayo or hindi?

 

at wala ring idea si baekhyun na tama si chanyeol.

 

na magkikita ulit silang dalawa very soon. very soon as in.. bukas. at 10am. ;)