Chapter Text
“H-hello po?”
“O, anak, kamusta ka na diyan?”
“Okay naman po, tita. I’m doing good po.”
“That’s great. Ba’t ka nga pala napatawag?”
“Ahm.. May favor po sana ako?”
“It’s okay, anak. What is it?”
“Okay lang po ba na paglutuan niyo siya ng sinigang?”
“Why? May sakit ba siya?”
“W-wala po! Ahm. I think he’s feeling down these past few days. E favorite comfort food niya po kasi ‘yung sinigang niyo. Kaya ayun.”
“…”
“Kung busy po kayo, okay lang po kahit hindi! Pasensya po kung nakaistorbo po ak-“
“No! No! Anak, it’s okay. I’m just amazed.”
“P-Po?”
“Nothing. Don’t worry. I’ll cook for him.”
“Thank you po, Tita! Thank you po, talaga!”
“No, thank you…for loving my son.”
💉 ❤🩺
It’s almost lunch time pero marami pa ring kasabay na naglalakad si Junmyeon sa ilalim ng tirik na araw. Medyo nahihirapan siyang maglakad dahil nasa harapan niya ang kanyang backpack at maraming nakakasalubong na tao sa daan, pero kailangan niyang bilisan ang paglalakad dahil sabi nga ni Kyungsoo – Junmyeon, ang mundo ay parang Quiapo, maraming magnanakaw. E literal na nasa Quiapo siya kaya kailangan niyang kumaripas sa paglalakad.
Medyo hinihingal siya nang huminto siya sa tapat ng isang building. Kahit pinagpapawisan at init na init ay nagawa pa rin niyang kumaway kay manong guard na nakabantay malapit sa hagdan.
“Galing trabaho, Sir?” bati sa kanya ng guwardya sabay turo sa kanyang suot na scrubs.
Hindi na niya nagawang magpalit ng damit dahil nag-overtime nanaman siya. Ang dapat na 8:00 am na out niya ay naging 10:30 am dahil nasira ang Beckmann machine niya sa hema. Katakot-takot na endorsement pa ang ginawa niya.
Wish niya lang tanggap pa rin siya ni Sehun kahit wala siyang tulog at haggard na siya.
“Opo e.” sagot naman niya. “Tapos na po ba ‘yung klase ni Sehun?”
Tumingin ang matanda sa kanyang orasan bago sumagot, “11:30 naman na, patapos na siguro iyon.” Sagot nito sabay ngiti.
“Sige po, salamat Kuya!” paalam niya sabay akyat na ng makipot na hagdan ng review center.
Mag-iisang taon na simula nang unang makaapak si Junmyeon sa lugar na iyon pero the feeling’s still the same. Bukod sa init na init siya at hingal na hingal dahil sa hagdan ay kinikilig pa rin siya, tulad ng dating nakasabay niya si Sehun na umakyat dito. Bumibilis pa rin ang tibok ng puso niya lalo na ngayon na magkikita sila ng nobyo para sabay na mananghalian.
Pagkadating niya sa hallway ay rinig na rinig niya ang boses ni Sehun na nagtuturo tungkol sa synovial fluid. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil naalala niya kung paano din siya tinuruan ng matangkad na binata noon, sa library with matching subuan ng French fries.
He can’t help but feel proud as Sehun’s confident voice resonated into the halls. He can imagine how the students stare at him in awe as the taller man maneuvered his way around the room, pointing out different topics, emphasizing the difficult ones. Wish niya lang na hindi sila masiyadong tulala sa kagwapuhan nito at makinig ng mabuti sa sinasabi niya. But to be honest, hindi naman niya sila masisisi, pinagdaanan niya rin iyon.
Mukhang malayo pa sa dulo ang lecture ng nobyo kaya napagpasiyahan muna ni Junmyeon na umupo sa sofa na nasa may gilid ng hallway. Akap-akap ang kanyang bag ay isinandal niya ang ulo upuan, at dahil na rin siguro sa puyat at pagod ay mabilis siyang nakatulog.
Mababaw lang ang tulog ni Junmyeon kaya agad siyang nagising nang may naramdaman siyang pagkilos sa gilid niya.
Pagdilat niya ng kanyang mga mata ay nakita niya ang sunod-sunod na paglabas ng mga students mula sa classroom kung saan nagtuturo si Sehun. Tapos na pala ang klase nito.
Inayos niya ang kanyang upo sa sofa at saka niya lang napansin ang binatang katabi niya. Nakatingin ito sa kanya at nakangiti. Medyo naweirduhan si Junmyeon pero pinilit niyang ngumiti pabalik, bago pasimpleng umusog sa dulo ng sofa.
"Ahm. Student ka rin dito?" Narinig niyang tanong ng katabi kaya muling bumalik ang tingin ni Junmyeon sa kanya, "Ba't di ka pumasok? Na-late ka ba sa class ni sir Sehun?"
Nagtataka si Junmyeon kung bakit siya kinakausap ng binata. Kahit mukhang harmless naman ito sa suot nitong hoodie at pantalon ay medyo naiilang si Junmyeon sa mga ngiting binibigay nito sa kanya.
Napatingin ang maliit na binata sa may pintuan ng classroom – Asan na kaya si Sehun?
"Hindi. May hinihintay lang." he simply answered as politely as he could.
"Ah! RMT ka na pala!" Sagot naman nito na nagpakunot sa noo ni Junmyeon. Tinuro ng binata ang nakaungkit na pangalan sa scrubs niya. "Junmyeon Kim. Ang cute naman ng name mo." Wika nito matapos mabasa ang pangalan niya. "Parang ikaw."
Hindi na maganda ang pakiramdam ni Junmyeon sa mga tingin nito kaya he tried his best to just nod and politely smile at him. Para matapos na ang usapan.
Pero persistent ang binata dahil nagtanong pa ito ng, "Pwede ba akong magpaturo sa'yo?" Tanong nito sabay pakita ng handouts na dala dala niya. "May hindi kasi ako naintindihan dito sa part ng - "
"Love?"
Sabay silang dalawa na lumingon sa pinanggalingan ng boses. Standing right in front of them is Sehun Oh, in his 183 cm glory.
Kahit halos araw-araw silang nagkikita ng maliit na binata ay hindi pa rin maiwasan ni Junmyeon na mamangha sa kagwapuhan ng nobyo.
Napagpasyahan ata ni Sehun na maging extra pogi today sa kanyang dark blue polo na nakatupi ang long sleeves hanggang sa kanyang siko. It was tucked in his maong pants that fit his long legs perfectly.
Dinagdagan pa niya ng eyeglasses na nakapatong sa matangos nitong ilong, kaya hindi na masisisi ni Junmyeon ang mga estudyanteng napatigil at nakatingin sa direksyon nito.
"Love?" Napahinto si Junmyeon sa day dreaming niya ng tawagin siyang muli ng matangkad na binata.
Chineck muna niya ang baba niya - baka kasi naglalaway pala siya, mahirap na, bago niya tinanggap ang kamay na nilahad ni Sehun sa harap niya. Tinulungan siya nitong tumayo at iginaya sa tabi niya.
"Hi." Bulong niya sa matangkad na binata nang makalapit siya dito. Nginitian siya nito habang hinahawi ang buhok ni Junmyeon mula sa pagkakagulo nito sa kanyang noo. "Sino 'yung kausap mo?", he asked as he gestures the man sitting at the sofa staring at them.
"Ah. Si ano.." Ano nga pala pangalan niya? Tumingin si Junmyeon sa estudyante na ngayon ay mukha nang constipated dahil sa pamumutla at gulat.
"Ano nga pala name mo?" Tanong ni Junmyeon sa kanya.
"J-Jisoo po. Jisoo Kim p-po."
Nagtaka si Junmyeon dahil kanina ay hindi naman ito gumamit ng 'po' sa kanya. Natakot siguro dahil nalaman niyang kakilala pala siya ng kaniyang prof.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Sehun sa nobyo.
Nakalagpas sa mga tenga ni Junmyeon ang diin sa mga salita nito, “Ah. Nagpapaturo sana siya doon sa isang subject.”
Nagtaka si Junmyeon nang hindi agad sumagot ang nobyo, nanatiling nakatitig sa kanya ang matangkad na binata at hinigpitan ang hawak sa kamay niya bago sabihing, “Ahh.”
Sehun fixed his eye glasses before turning to the student who’s now nervously seating at the sofa, “May hindi ka ba naintindihan sa tinuro ko?” tanong niya na sinamahan niya pa ng matipid na ngiti. And Junmyeon has been with him long enough to know that it was a fake one. Saka niya lang na-sense ang atmosphere sa pagitan ng dalawang binata.
“Se.” saway ni Junmyeon sa nobyo.
“W-wala po sir. Ahm, ibang subject po itong tinatanong ko sa friend niyo.”
Gusto na lang takpan ni Junmyeon ang bibig ng estudyante dahil humigpit ang hawak ni Sehun sa kamay niya ng marinig nito ang salitang ‘friend’.
“Ah, ganun ba?” Kahit hindi naman siya ang kausap ng matangkad na binata ay parang kinakabahan din siya sa tono ng boses nito. “Next time, you can directly approach me, kahit anong subject pa ‘yan. Hindi naman ako nangangagat.” Sabi niya sa estudyante bago muling humarap kay Junmyeon, “’Di ba, Love?”
Nagulat si Junmyeon sa tanong ni Sehun sa kanya kaya, “Ha? Ba’t ako?”
They share a look and the smaller man suddenly remembered the last time they have associated themselves with the word ‘Bite’. At umakyat na nga ang lahat ng dugo sa mukha ni Junmyeon kaya siniko na lamang niya ang nobyo, who have that smug smile on his face as he looked at him.
Nakaramdam na ata ang estudyante sa harapan nila kaya dali-dali itong nagpaalam sa kanila, “S-Sige po, Sir Sehun. Salamat po. Lunch na po kami.” Sunod-sunod na sabi nito na sinuklian lang ng tango ng matangkad na binata.
“Ikaw talaga, puro ka kaanuhan.” Junmyeon whispered once the student was out of earshot.
“Ano?” pa-inosenteng tanong nito na sinamahan niya pa ng nakakalokong ngiti.
“Sir..” naputol ang asaran nila nang biglang may tumawag sa atensyon ni Sehun. Sabay silang napalingon at nakita ang dalawang babaeng estudyante din ata ni Sehun. “Excuse lang po, Sir. May itatanong lang po sana kami about sa topic po kanina.” Nagpantig ang tenga ni Junmyeon dahil sinamahan niya pa iyon ng malambing sa boses.
Sa isang taong nakasama ni Junmyeon si Sehun ay nag-improve na siya pagdating sa pag-observe ng mga tao.
May mga taong babatiin ka lang dahil may kailangan at may mga taong namang lalapit dahil gusto lang mangamusta.
Pero may mga tao rin na may ibang agenda, tulad ng babaeng estudyante ni Sehun.
“Sorry, Sir. Medyo mabilis kasi ang pacing niyo kanina kaya hindi kami nakasabay,” sabi pa ng kasama nito sabay hawi ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga.
Nilihis na lang ni Junmyeon ang tingin niya sa dalawa. Kahit saan talaga mapunta ‘tong si Sehun, ang daming lumalapit, nasa tabi man siya o wala.
Tama nga si Tita Carmi at Kyungsoo, ang mundo ay isang malaking Quiapo! Maraming snatcher! Maagawan ka!
Pero dahil galing sa night shift si Junmyeon at wala pa siyang tulog ay hindi na siya lalaban. Sehun assured him na hindi niya kailangan.
“Se.” bulong niya sa nobyo na agad namang itinuon ang atensyon sa kanya. Medyo na-conscious pa siya dahil napatingin din ang dalawang dalaga sa kanya. “Doon muna ulit ako sa sofa.” Sabi niya sabay higit ng kamay niyang hawak pa rin ni Sehun.
“Bakit? Mabilis lang ‘to.”
“Sige na. Turuan mo muna, okay lang.” sabi niya sabay ngiti sa binata to assure him. Inalis niya ang pagkakahawak ng kanilang kamay, “Hintayin na lang kita dito. Go na.”
Sehun just nods and charmingly smiled at him before turning to his students.
Nilabas na lang ni Junmyeon ang cellphone niya at tinignan ang mga memes na tina-tag sa kanya si Jongin sa facebook at tumawa sa mga aunt Julie vids sa twitter. Hindi na niya namalayan na tapos na palang makipag-usap si Sehun sa dalawang dalaga.
Nagulat na lang siya nang bigla siyang tawagin ng nobyo, “’Di ba, Love?”
Agad na napaangat ang ulo ni Junmyeon at nakitang nakatingin sa kanya si Sehun at ang ilang mga estudyante na nakatambay sa hallway.
“Ako?” turo niya sa sarili, ano nanaman kayang pinagsasabi nito sa mga estudyante niya?
Natawa na lang si Sehun sa ekspresyon niya, “Siyempre, sino pa ba?” sagot nito sabay abot ng kamay ni Junmyeon. Iginaya niya ang maliit na binata na tumayo habang nagpapaalam sa mga dalagang tinuturuan niya kanina.
Hinatak siya ng matangkad na binata papasok ng office. Binati ni Junmyeon ang lahat ng staff na nakasalubong nila, pati ang matandang babae sa registration desk na si Ma’am Perry. Kung dati ay si Sehun lang ang tinatawag nitong pogi, ngayon ay mas madalas pa siya nitong tawaging cutie at siya pa mismo ang nagrereport kay Junmyeon kapag may umaaligid kay Sehun.
Natatawa na lang si Junmyeon dahil mukhang mas galit pa ito kaysa sa kanya everytime na nagkukwento ito tungkol sa mga palihim na nagpi-picture sa kanyang boyfriend.
Nang makapasok na silang dalawa sa maliit na office for the proctors sa review center ay agad siyang niyakap ng matangkad na binata.
“Huy, Love! Kakagaling ko lang duty!” saway ni Junmyeon sa nobyo, sinubukan naman niyang maligo ng pabango kanina bago pumunta sa review center, pero siyempre iba pa rin talaga ‘pag nakaligo ka.
Mas lalo lang hinigpitan ni Sehun ang yakap nito sa kanya, nagawa pa niyang ibaon ang mukha sa leeg ng nobyo, “I miss you.” Bulong nito.
At bilang mahinang nilalang pagdating kay Sehun Oh ay napangiti na lamang siya at sinuklian na lang din ang yakap ng matangkad na binata.
“Pagod?” he asked in which the taller man answered with a nod. Junmyeon tried to comfort him by patting his back and brushing the back of his head.
Kahit magkaiba ang tinahak nilang landas sa kanilang propesyon, alam ni Junmyeon ang pakiramdam ng matangkad na binata.
Hindi madaling magsalita sa harap ng maraming tao sa loob ng pito o walong oras kada araw. Mas lalong hindi madaling buhatin ang reponsibilidad na dapat ang lahat ng lumalabas sa bibig mo ay tama at based sa libro. At kahit gaano pa katalino si Sehun, gabi-gabi ay nagbabasa pa rin ito ng mga medtech books nila, preparation daw for his lessons for the next day.
Hanga si Junmyeon sa dedication ni Sehun sa pagtuturo niya sa review center, kaya kahit busy sila ay sinisikap pa rin niyang makabisita sa trabaho nito para makapagbigay ng moral support.
Bonus na lang yung makita niya yung gwapong ngiti ni Sehun Oh. Pampawala ng pagod from a stressful night shift.
"Kamusta naman 'yung mga students mo today? Nakinig naman ba?" Tanong niya sa matangkad na binata na nanatiling nakayakap sa kanya.
"Okay naman. May ibang pumupuslit ng tulog pero nakikinig naman yung karamihan."
"Dapat lang. Kung ganito rin katalino at kagwapo yung proctor ko, nako, baka mag-advance reading pa ko." Pagbibiro niya.
Inangat ni Sehun ang ulo niya mula sa pagkakabaon nito sa leeg ng maliit na binata nang marinig niya iyon. He gave Junmyeon a questioning look, parang hindi naniniwala sa sinabi nito.
"Oh, bakit?" Natatawang tanong ni Junmyeon.
"Ba't parang extra sweet ka today?" Dudang tanong nito pero hindi na rin napigilan ang sarili sa pagngiti. "May kasalanan ka no?"
"Hoy wala ah!"
"That reminds me." Simula nito, binitawan nito ang pagkakayakap sa baywang ni Junmyeon at iginaya ang maliit na binata sa upuan na nasa harap ng kanyang desk. Kumuha pa ito ng isa pang silya sa katabing lamesa nila at itinabi iyon sa nobyo bago umupo. "Nagpaturo lang ba talaga 'yung estudyante ko kanina?" He asked.
"Ha?"
"Yung kausap mo kanina bago ako dumating. I really don't like the look on his face noong kinakausap ka niya."
"Ah 'yun ba?" Akala ni Junmyeon ay nakalimutan na niya. "Oo nga. Nalaman niya kasing RMT na ko kaya gusto niyang magpaturo sana. Akala naman niya may natatandaan pa ko."
"How did he know na RMT ka na?"
"Nakita niya sa uniform ko." Sagot ni Junmyeon sabay turo niya pangalang nakaukit sa kanyang uniform.
Kumunot ang noo ng binata sa nalaman, "So, he knows your name?"
"Ah eh. Nakasulat din dito e."
"I bet he said na ang cute ng name mo."
He found the answer to his question at Junmyeon's silence. Hindi napigilang magpantig ang tenga niya. "Wow, that kid..." hindi makapaniwalang sabi niya.
"Huy! Yun lang naman sinabi niya wala ng iba." Wika ni Junmyeon upang pakalmahin ang matangkad na binata. Kinuha na lang niya ang baunan na nasa gilid ng mesa nito, sabi kasi ni Sehun na huwag na daw siyang bumili ng lunch nila dahil nagluto ang mama nito.
Binuksan niya ang baunan at tumambad sa kanya ang ilang mga tupperware, “Wow! Ang dami naman nito!” takam na takam siyang nilabas ang mga baunan at nilapag ang mga iyon sa mesa ni Sehun. “Pakisabi kay tita, thank you ah!” sabi niya sa nobyo sabay abot ng kutsara at tinidor nito.
Tinanggap naman iyon ng matangkad na binata pero imbis na kumain na ay nilapit niya ang upuan ng kasintahan sa kanya at isinandal ang ulo sa balikat nito. Hinayaan na lang siya ni Junmyeon nang muli siyang yakapin nito dahil gutom na talaga siya. Noong alas sais pa ng umaga ang huling kain niya, at tinapay lang iyon, mukhang masarap pa ang inihanda ng mama ni Sehun kaya mas lalo tuloy siyang nagutom.
Nagdasal muna siya bago simulang sumubo ng kanin kasama ang kare-kare na amoy pa lang ay siguradong mauubos ni Junmyeon ang lahat ng ito.
“You’re changing the topic, Love.” Rinig niyang sambit ng boyfriend na nakadantay pa rin sa kanya. Sorry naman, saglit na nakalimutan niya ang sinasabi ng matangkad na binata dahil sa gutom.
“Sorry, sorry, nagutom na kasi ako.” Naglagay siya ng kanin at kaunting ulam sa kutsara niya sabay tapat nito sa bibig ng nobyo. “Alam mo, gutom lang ‘yan. Kumain ka na.”
Sinubo naman iyon ni Sehun pero muling bumalik sa pagkakasandal niya sa maliit na binata. Pero hindi pa rin siya tapos sa dilemma niya kaya, “Ba’t ba kasi ang cute mo?” tanong niya matapos lunukin ang pagkain.
Muntik nang masamid si Junmyeon sa narinig niya, buti na lang at may katabi silang tubig. Ito talangang si Sehun, walang pasintabi ‘pag nagpapakilig.
But because Kyungsoo and Baekhyun trained him well, hindi siya papatalo, “Ikaw nga gwapo, nagrereklamo ba ko?” he said nonchalantly sabay subo ulit ng pagkain.
Napangiti siya nang maramdaman na inayos ni Sehun ang upo niya at tumingin sa kanya. Nagsandok ulit siya ng pagkain sa kutsara at itinapat iyon sa bibig ng matangkad na binata. Natawa siya nang makita ang namumulang mukha nito na pilit pinipigilan ang pagngiti. His eye smile gave away that he was fluttered at Junmyeon's statement.
“Galing ko na no? Kilig ka nanaman sa’kin.” Pang-aasar niya sa nobyo matapos nitong kainin ang pagkain.
“I really shouldn’t have let you hang out with Baekhyun and Kyungsoo.” Sabi nito pero lumabas din ang ngiting pinipigil niya kanina.
Junmyeon’s heart swells in happiness at that smile. Mas maganda talaga ang ngiti sa mukha ni Sehun.
“Masyado ka ng gumagaling..” Sehun pinched his cheeks with his eyes full of fondness. “Hindi ko na ata kailangang ibigay ‘to..” sabi niya sabay kuha ng bagpack niya na nasa likod ng upuan ni Junmyeon.
Nanlaki ang mga mata ni Junmyeon nang makita niyang nilabas nito ang paperbag na may tatak ng Jollibee mula sa bag nito. Hindi talaga nakakalimutan ng nobyo ang daily supply niya ng peach mango pie.
“Uy! Thank you!” Kukunin na sana niya kaso nilayo ng matangkad na binata ang kahon ng peach mango pie sa kanya, “Hoy! Sige, diyan talaga tayo mag-aaway.” Sabi niya pa sabay nguso.
And Sehun being weak with that pout, he kissed it away, na ikinagulat naman ni Junmyeon, “Se! Baka may makakita sa’tin!” saway nito sa matangkad na binata bago tumingin sa paligid kung may nakakita man sa kanila.
Pero imbis na mahiya tulad ng kanyang nobyo ay mas lalong lumawak pa ang ngiti ng matangkad na binata, “Let them watch.” bulong nito sabay ng ngisi. Ibinigay na niya kay Junmyeon ang peach mango pie nito.
“Alam mo, ikaw..” Pasalamat ka, mahal kita, naisip na lang ni Junmyeon. “Kumain na nga lang tayo.” Iyon na lang ang nasabi niya.
At dahil masunurin ang matangkad na binata and well, successful siya sa kanyang daily agenda to make Junmyeon’s heart flutter, ay sinunod na niya ang nobyo. Umayos na siya ng upo at nagsimulang kumain ng pabaon ng kanyang mama.
After a few scoops of rice ay biglang may pumasok sa isip ng matangkad na binata, “Love..”
“Hmm?”
“I just wanted to ask because I’m a little curious.” Panimula niya. Itinuon naman ni Junmyeon ang atensyon niya sa katabi.
“Is there a time na you felt jealous?”
Kumunot ang noo ng maliit na binata dahil sa pagtataka, “Saan naman galing ‘yan?”
Medyo nahiya si Sehun sa tanong niya kaya itinuon na lang niya ang atensyon sa pagkain sa harap nila bago sumagot, “Wala lang. I .. I just thought, between us, ako ‘yung madalas magselos.” Sehun bit his lips, bakit niya ba kasi tinanong iyon? Baka mag-away pa sila dahil dito.
A year in their relationship, Sehun realized that he’s a jealous type, and he can’t remember a time that Junmyeon felt that way. Siguro mabibilang lang sa daliri, pero siya, every time he sees someone too close to Junmyeon’s personal bubble that isn’t his family, friends or him, parang gusto na lang niyang ikulong ang maliit na binata sa bisig niya.
Gusto lang niyang malaman kung anong naiisip ni Junmyeon when he does that, okay lang ba? O baka nasasakal na siya?
Hindi sila madalas mag-away ni Junmyeon, but Sehun doesn’t want this to be a reason of a fight.
There’s a few minutes of silence, akala ni Sehun ay tuluyan nang nagalit ang maliit na binata sa kanya pero, “Oo naman.”
“Ha?”
Junmyeon just genuinely smiled at him, “Oo naman, nagseselos din ako no.”
“Talaga?” Bakit parang wala namang natatandaan si Sehun? “Kanino?” Curious niyang tanong.
Natawa na lang si Junmyeon sa curiousity ng kanyang boyfriend, “Ay nako, kung babanggitin ko lahat ng pinagselosan ko, baka hindi tayo matapos mananghalian, baka pati dinner na rin.”
Nakahinga ng maluwag si Sehun at the sight of Junmyeon’s smile, he’s thankful his boyfriend took the question lightly, “Why didn’t you tell me? E ‘di sana nakaiwas na ako.”
“E I just think hindi naman kailangan, ayoko kasing nag-aaway tayo dahil sa ganun.” Junmyeon honestly answered, “Tsaka, the moment I answered ‘yes’ to you, I knew that there’ll be a lot of people who’ll try to win my place.”
“Love..”
“Pinanghahawakan ko lang naman lagi ‘yung sinabi mo noon.” Junmyeon took his hand that was placed on his lap and intertwined them with his, “You liked me then, and you still like me now,” He gave the taller man a reassuring smile. He turned his head sideways as he asked, “I hope it wouldn’t change soon?”
Sehun didn’t know what he did in his past life to deserve this person in front of him. He’s thankful to be able to love Junmyeon everyday.
“It will,” he answered as he holds the smaller man’s hand tighter. “I just love you more everyday.”
Junmyeon can’t help to smile wider at his boyfriend, “Cheesy mo ah.”
“Love mo naman.”
“Oo naman.”
They stare at each other’s eyes after that, smiles brighter than the sun, and eyes saying words that don’t need to be said.
They’ve been like that for a few seconds nang biglang, “Aray! Ay! Ano ba ‘yan?! Ang sakit sa mata!” rinig nilang sigaw ng lalaking kakapasok lang sa room. Napalingon ang magkasintahan sa may pinto at nakita ang kwelang katrabaho ni Sehun na si Sir Jongdae, “Wala man lang pasintabi sa mga single!” Mas lalong natawa si Junmyeon dahil umaakto pa itong nasisilaw sa kanilang dalawa.
“Goodafternoon, Sir Jongdae.” Bati ni Junmyeon sa kanya, naging close na rin niya ang guro simula nang magturo si Sehun sa review center. Siya ang ka-chikahan ni Junmyeon habang naghihintay itong matapos ang klase ng nobyo.
“Hi, Cutie!” bati din nito pabalik na sinamahan niya pa ng kindat. Napailing na lang si Junmyeon at binate rin ang kasabay nitong dumating, “Hi, Sir Minseok.” Na sinuklian naman nito ng ngiti at tango.
“Sir Jongdae.. Sir Minseok..” simpleng bati ni Sehun sa mga katrabaho bago muling isinandal ang ulo sa balikat ng nobyo.
“Wow. Damang-dama ko talaga ‘yung sigla mo sa bati mo ah.” Pang-aasar ni Jongdae sa katrabaho. “Sorry naman at na-interrupt ko ata ang moment niyo kanina. Kailangan ko kasing kunin ‘yung pera ko sa bag para makapag-lunch na. Hindi naman pwedeng wala na nga akong jowa, wala pa akong lunch!”
Bentang-benta sa dalawa ang mga biro ni Jongdae, dahil bukod sa mga nakakatawa ang mga banat nito ay sobrang animated pa niyang magsalita. Mararamdaman mo talaga kung ano ang nararamdaman niya kapag nagkukwento siya, feeling mo andoon ka rin sa eksena.
“Sana all talaga may kasabay mag-lunch.” Sabi pa nito matapos makuha ang pitaka sa bag. Nakangiting pinapanuod lang siya ng mag-jowa. “Sana all may jowa, ‘di ba sir Minseok?”
Pinigilan ng magkasintahan na humagalpak sa tawa dahil naging sweet ang tono ni Jongdae nang tawagin niya ang pangalan ng katrabaho. Hindi kasi lingid sa kaalaman nila ang lihim na pagtingin nito kay Sir Minseok. Actually, parang hindi naman lihim, dahil alam ng lahat ng staffs sa review center, si Minseok na lang ata ang hindi.
“Ha?” nagtatakang tanong ni Minseok sa katrabaho. Hindi niya narinig ang sinabi nito dahil busy siya sa paghahanap ng wallet niya.
Medyo na-down ang itsura ni Jongdae dahil hindi man lang siya pinansin ng kanyang future jowa, pero siyemrpe, hindi siya susuko, “Ang sabi ko sana all may kasabay mag-lunch.” Pagpaparinig niya.
Pag ito, hindi pa tinablan, ewan ko na lang, isip ni Jongdae.
Pero kasing tigas ata ng aspalto ang pakiramdam ni Sir Minseok dahil, “Ah. Oo nga e.” simple nitong sagot sabay hanap ulit ng nawawala niyang wallet.
Tinakpan ng magnobyo ang bibig nila upang pigilan ang pagtawa, olats nanaman si Sir Jongdae for today. Nagmake-face naman sa kanila ang guro bago pumunta sa may pintuan para makaalis na.
Pero mas mabilis pa sa alas-kwatro siyang lumingon nang biglang, “Sir Jongdae? Aalis ka na?” tanong ni Minseok.
“A-ah. Yes?” Shet. Ito na ba ang chance niya?
“Pwedeng pabili din ng food?”
Parang gusto ng manapak ni Jongdae nang marinig niya iyon, papabili lang pala.
“Ah-eh. Sure.” Pilit na ngiti ng guro sa kanyang katrabaho.
“Talaga? Thank you ah! Kunin ko lang ‘yung wallet ko sa room. Naiwan ko ata doon. Wait lang ah!” sunod-sunod na sabi nito at mas nauna pang lumabas ng faculty para bumalik sa silid niya kanina.
Nang magsara ang pinto ng silid ay saka pinakawalan ng mag-jowa ang tawang kanina pa nila pinipigilan.
“Happy na kayo niyan?” pagsusungit ni Jongdae sa mag-nobyo.
“Okay lang ‘yan, Sir Jongdae. Better luck next time.” Sabi pa ni Sehun sa katrabaho na sinuklian lang nito ng irap.
“Hay naku! Kung ‘di ko lang talaga type ‘yun! Utusan daw ba akong bilhin ang food niya?! Sa ganda kong ‘to?” He said as he gestured his body to prove his point. “Makaalis na nga, ikakain ko na lang ‘to. Bye, lovebirds!”
“Bye, Sir Jongdae!”
💉 ❤🩺
It was Chanyeol’s birthday nang magkita-kita ulit ang barkada sa family restaurant nito.
Kakauwi lang ni Chanyeol at Baekhyun galing sa kanilang bakasyon mula sa ibang bansa. Hindi na nga sigurado si Junmyeon kung saan ba sila galing, sa Japan ba? O somewhere in Europe? Hindi na niya matandaan. Napagpasyahan kasi ng mag-jowa na mag-gap year muna at magpahinga sa acads bago muling sumabak sa medschool sa next school year. Gusto daw kasi nilang ma-enjoy muna ang free time nila bago sila magpaalila sa medisina.
They were currently enjoying their foods and drinks nang tanungin ni Baekhyun si Kyungsoo tungkol sa plano nito for his career.
“Actually, gusto namin ni Jongin na mag-work abroad, para makaipon na rin.” Sagot naman nito sabay inom ng alak sa tapat nito. “Medyo maliit kasi ‘yung sweldo dito kahit nasa public hospital na kami.”
Tumango si Junmyeon nang sabihin iyon ng kaibigan. After oath taking ay agad siyang naghanap ng trabaho kasama sina Jongin at Kyungsoo. Swerte na nga lang nila at nag-opening for medtechs ang ospital na pinapasukan nila ngayon.
Pero kahit naman mahal nila ang trabaho nila at ayaw nilang malayo sa mga mahal nila sa buhay ay kailangan pa rin nilang maging praktikal at isipin ang future nila.
Kahit si Junmyeon ay kinukulit na ng tita Rose niya sa Canada na doon na lang magtrabaho dahil doble ang makukuha niyang sweldo compared sa trabaho niya dito sa Pinas, para na rin daw makatulong sa pamilya niya.
Junmyeon wants to help his family naman, pero hindi pa siya handang malayo sa pamilya niya, sa mga kaibigan niya at lalo na kay Sehun.
Kaya tuwing tumatawag ang Tita Rose niya ay lagi niyang iniiba ang topic kapag nagpupunta ang usapan trabaho.
“Hala! E paano ‘yan? We won’t see you for like.. how many years?” malungkot na sambit ni Baekhyun.
“Gagi! Ang drama naman nito,” Kontra ni Kyungsoo sa kaibigan, “May zoom and messenger naman, pwede tayong magvideo call everyday kung gusto mo.”
“Siyempre, iba pa rin ‘pag nandito kayo.”
“Matagal pa naman ‘yun, Baek.” Sagot naman ni Jongin. “Kailangan pa naming ng 3 years experience dito sa Pinas, tsaka plano pa lang naman.”
“Gusto mo, dikit na kita sa pwet ko, para ‘di mo ko ma-miss.” Pang-aasar ni Kyungsoo sa kaibigan, ayaw niya kasi sa malulungkot na moments, lalo na ‘pag ang pinakamasayahin na si Baekhyun ang malungkot.
“Huy, By! Bawal ‘yan, ako lang dapat!”
“Pota, ang baboy talaga nitong dalawang ‘to.”, komento ni Baekhyun na naudlot nag pagdadrama dahil sa kalokohan nila Jongin.
“Wow. Nagsalita ang nag-exhibition sa sasakyan ni Tito last month.” Balik naman ni Kyungsoo sa kaibigan. Jusko! Naalala nanaman ni Junmyeon ang detailed na kwento ni Chanyeol sa kanila last week noong mag zoom meeting ang buong barkada.
“Babe! Kinuwento mo ‘yun sa kanila?!”
Chanyeol just answered with a shrug but with a smug smile on his face. Natawa na lang ang magkakaibigan at nalimutan na ang dilemma nila kanina.
“Ikaw, Se? What’s your plan?” Chanyeol asked as he consumed his 3rd bottle for the night. “Would you still teach sa review center? Or sabay ka na sa amin ni Baek mag-apply for medschool?”
Sehun also took a gap year, not because he wants to have a vacation or to rest. But instead, he wants to use the time to think about what he truly wants to do with his life.
“Not sure?” sagot ni Sehun sa kaibigan, “I love teaching, kaso Mom and Dad wants me to go to med school. E since hindi pa rin ako sigurado, might as well try ko na yung medschool.”
“100 K per sem tapos try mo lang? Shet. Sana all,” singit naman ni Kyungsoo na ikinatawa nilang lahat.
“Sira, I’m just saying na instead of wasting time thinking about it, bakit hindi ko na lang itry? Kaysa tumanda na ako kakaisip, saka ko lang mare-realize na gusto ko pa lang mag-doctor.”
Junmyeon can’t help but agree with him. Kahit na naniniwala naman siya na there’s no right age to achieve your dreams, iba pa rin talaga ‘pag nagsimula ka ng maaga.
The smaller man can’t help but hold Sehun’s hand under the table, just to show him na he’ll support him kung ano man ang magiging desisyon niya. Ngintian naman siya ng nobyo pabalik.
“That’s great! Let’s start applying na next month, nag-take ka na ng nmat last march ‘di ba?” Tanong ni Baekhyun sa kaibigan na sinagot naman nito ng isang tango.
“Kamusta naman grade mo, pre?” tanong ni Jongin sa kaibigan.
“Okay naman. Sakto lang.”
“Weh. ‘Yang sakto mo, 99 ‘yan e.” pang-aasar ni Baekhyun sa kaibigan.
Natawa na lang si Junmyeon dahil tama ang hula ni Baekhyun.
“See!” tinuro pa ni Baekhyun si Junmyeon nang makita ang reaksyon nito. “Alam mo, Se. Lagi ka pa-humble. Flex flex din ‘pag may time. Puro si Junmyeon ‘yung fine-flex mo sa IG e.”
“O, bakit ako nanaman?” natatawang sambit ni Junmyeon.
Napailing na lang si Sehun sa kaibigan. He’s proud of his achievements naman e, kaya lang he’s a very private person kaya he just shares most of it with his loved ones.
“Gayahin mo ‘tong si Chanyeol, kaka-flex niya sa social media, mukhang alter account na ‘yung IG at twitter niya.” Dagdag pa ni Baekhyun sabay tingin katabi na busy sa pagkain ng pulutan nila.
“You love it naman, babe e.” Chanyeol said sabay yakap sa boyfriend para maglambing, “Gusto mo ‘yung maraming naiinggit sa’yo.”
And Baekhyun, being the honest and maharot person that he is answered, “True.” Sabay lean sa matigas na dibdib ng nobyo.
Napailing na lang si Junmyeon habang si Kyungsoo at Jongin naman ay binato ng mani ng magkasintahan.
It was a very long night for the group of friends, and Junmyeon is loving every second of it.
💉 ❤🩺
They were on their way to Junmyeon’s home using Sehun’s car, nang mag-request ang matangkad na binata na mag-stop over muna sila somewhere para makabili ng kape. Pampagising daw at pambaba na rin ng tama niya kahit kaunti lang naman ang nainom nito kanina.
“Sabi nila nananapak daw itong black coffee ng Mcdo.” Sabi ni Junmyeon sa nobyo nang makabili siya ng kape mula sa nasabing fast food chain. Lumabas sila ng sasakyan at nanantili sa parking lot dahil gusto daw munang magpahangin ng matangkad na binata. “Ewan ko na lang kung ‘di ka magising dito.”
“Thanks, Love.” Sehun smiled at him sabay kuha ng kape mula sa kamay ng maliit na binata. Isang higop pa lang niya ng mapait na kapeng iyon ay alam niyang magigising siya buong gabi. Nakalimutan ata ng boyfriend niyang lagyan cream o asukal man lang ito. Sehun can’t help but laugh inside at Junmyeon’s forgetfulness, he finds it cute.
The taller man doesn’t mention anything about the coffee and instead looked at his boyfriend struggling to climb the railings, katulad ng pwesto niya.
“What are you doing?” tanong ng matangkad na binata pero bumaba din siya para tulungan ang kasintahan. Nilapag muna niya ang kape sa hood ng kanyang sasakyan bago bumalik sa kinatatayuan ni Junmyeon. Hinawakan niya ang baywang ng maliit na binata at bumilang ng tatlo bago inangat ito. Hindi niya binitawan ang nobyo hangga’t hindi ito naging komportable sa pwesto niya.
“Thank you.” Junmyeon said, nang makaayos na ng pwesto. Binalikan ni Sehun ang kape niya bago muling bumalik sa pwesto ng maliit na binata. Hindi na siya umakyat ulit sa railings, sa halip ay pumwesto na lang siya sa harap ni Junmyeon habang ang isang kamay niya ay nasa gilid nito. Para kung sakaling ma-out of balance ito ay madali niyang masasalo.
Malalim na ang gabi at masarap ang pagdampi ng malamig na hangin sa kanilang mga balat. Ang pagdaan ng mga iilang sasakyan na lamang ang maririnig nila sa paligid, at ang liwanag mula sa fast food chain ang nagsisilbing ilaw nila sa gabi.
Everything was quiet but Sehun felt at ease. He looked up at the dark sky and wished that it will be this way for a very long time.
He returned his gaze at the man in front of him, who makes the stars feel ashamed for his smile shines the brightest tonight. Sehun can’t help but smile with him.
“Love?”
Ibinalik ni Junmyeon ang tingin niya mula sa pagsa-star gazing papunta sa matangkad na binatang nasa harapan niya, “Hmm?”
“What do you think.. about me going to medschool?” He asked. Kahit nabanggit na niya noon kay Junmyeon ang balak ng mga magulang niya para sa kanya, at sinabi nitong susuportahan siya nito kahit ano man ang magiging desisyon niya, ay hindi pa rin talaga sila nakakapag-usap ng masinsinan tungkol dito.
“Bakit ako tinatanong mo?” balik na tanong nito sa kanya sabay hawi sa buhok ng matangkad na binata. “Love, it’s your future, at kahit ano pang magiging desisyon mo, I’ll always support you every step of the way.”
“But you’re part of my future,” sagot naman ng matangkad na binata, hinawakan pa niya ng baywang ng kanyang nobyo at dahan-dahan itong hinaplos, “I want you to be part of every decision that I make.”
Lumakas ang tibok ng puso ni Junmyeon nang marinig iyon mula sa kanyang nobyo, kahit kailan talaga ay hindi masasanay ang puso niya sa mga banat nito.
“’Di ka talaga nauubusan ng banat ‘no?” natatawang sabi niya sa binatang nasa harapan niya.
“I’m just telling the truth.”
“Oo na.” Well, kung tatanungin si Junmyeon, “Honestly? I think sobrang gwapo mo kapag nakasuot ka ng lab gown.”
“Love..” natatawang tawag sa kanya ni Sehun.
“Totoo naman kasi.” Junmyeon’s not very good at lying kaya. “Pero on a serious note, I really think you’ll be a great doctor someday.”
Sehun just stared at his lover’s eyes as the smaller man continued, “Alam mo sa ilang buwan kong pagta-trabaho sa ospital, may na-realize ako, na ang pagdodoktor ay hindi para sa lahat ng tao.”
“Hindi naman talaga importante kung matalino ka, o kahit ikaw pa ang pinakamayaman. Ang importante ay ito,” sambit niya sabay turo sa dibdib ng binata malapit sa kanyang puso, “Your sincerity, your passion and want to help other people, ease their pain and see the smile on their faces once you’ve helped them.”
“And I can see it in you, Se.” he continued, “I can see na gusto mong makatulong and you look the happiest kapag nagagawa mo iyon.”
It’s always the simple gestures. Kung paano laging nagvo-volunteer si Sehun na buhatin ang mga dala-dalang bagay ng mga matatandang nakakasalubong nilang naglalakad nang mag-isa sa daan. Kung paano lagi siyang nag-aabot ng pagkain sa mga street children na lumalapit sa kanila. At kung paano siya nagpupuyat gabi-gabi para lang makapagbahagi ng tama at importanteng impormasyon sa mga estudyante niya sa review center.
Junmyeon always love the look on his face kapag nakakatulong siya sa ibang tao. And Junmyeon had realized back then, how lucky he is to have this man in front of him.
“No matter what your decision will be,” Junmyeon held the side of his boyfriend’s face and caressed his cheeks with his thumb. “I’ll always be proud of you.”
Hindi alam ni Sehun na pwede pala ‘yung ganito, ‘yung maging ganito kasaya. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng nobyo ay parang gusto nang sumabog ng puso niya sa pagmamahal.
God, Thank you for giving him to me.
Sehun can’t help himself but to hug Junmyeon and secure him in his arms, “I love you.” Bulong niya dito.
“I love you, too.”
And in the middle of the night, with a few cars passing by, under the glistening dark sky, they poured their hearts into a kiss.
