Work Text:
he’s currently watching him sing his heart out sa harapan ng high school barkada nila at sa pamilya ng bagong kasal. hindi niya alam bakit ang tanga niya to reject someone like gulf 10 years ago.
kasi nga takot siyang mawala si gulf sa buhay niya.
pero if you’ll ask mew if he’ll be given a chance na bumalik sa nakaraan, he’ll still do the same thing dahil ang tanging gusto niya lang naman ay ang sumaya ang best friend niya.
he’ll do everything for gulf. and by everything, as in everything.
balik tayo 10 years ago kung saan high school sila at consistent honor student si mew. siya rin ang model student ng buong school nila. walang bakas ng kahit anong record sa student discipline office dahil he’s really that good.
not until nakiusap si gulf sa kanya na samahan siyang magcutting para hulihin ang tatay niyang ilang taon na palang may ibang babae. at sa pagkakataong iyon, mew couldn’t care less sa kung anong label ang meron siya sa school dahil para sa kanya, ang best friend niyang luhaan sa harapan niya ang pinaka-importante sa lahat.
at sa pagkakataong din yon, nagawa niya ang pinakatangang desisyon na nagawa niya sa buong buhay niya.
2009
nakaupo sila ngayon sa loob ng convenience store habang hinihintay ang tatay ni gulf lumabas mula sa building na nasa tapat nito. gulf said na hindi naman dito ang trabaho ng tatay niya. alam ni mew na they’re bound to know something na ikalulugmok ni gulf kaya naman he’s trying his best to cheer him up.
mew asked gulf na bumili ng makakain habang naghihintay sila. kaya naman siya ang lookout ngayon habang wala ang best friend niya. nakita niya ang tatay ni gulf na palabas ng building na may kasamang babae. kung titingnan ay mukhang normal at parang magkatrabaho lang sila. hanggang sa naglean ang tatay ni gulf para halikan ang kasamang babae.
sakto namang dumating si gulf kaya naman agad siyang hinatak ni mew para tumalikod. siniksik ni mew ang ulo ng best friend niya sa dibdib nito para hindi niya na makita ang nangyayari sa likuran niya.
“okay lang. hindi naman ako tanga eh nakita ko si papa” sa bawat bigkas ni gulf ay ang paghigpit ni mew sa pagyakap sa kaibigan.
“pinagmamayabang ko pa sa mga kaibigan natin na gusto ko magkaroon ng boyfriend na katulad ni papa. akala ko kasi mahal na mahal kami ni papa pero ngayon hindi ko na alam kung totoo pa ba yun” patuloy ang paghikbi ni gulf sa dibdib ng best friend niya. malamang ay basa na ang uniform nito dahil sa luha niya.
hindi alam ni mew kung anong sasabihin. ang alam niya lang ay kailangan siya ng best friend niya. kaya naman hinayaan niya lang na umiyak ito habang magkayakap sila sa gitna ng convenience store.
bumalik na sila sa kotse ni mew matapos kumalma ni gulf. tahimik at walang nagsasalita sa loob ng sasakyan. mew reached for gulf’s hand to squeeze it.
“gusto ko lang sabihin na maraming nagmamahal sayo at isa ako sa mga taong yon gulf. mahal kita at nandito lang ako kung kailangan mo ko” diretso ang tingin ni mew sa kaibigan reassuring him na hindi siya mawawala.
isang tipid na ngiti ang binigay ni gulf sa kaibigan bago ito umiwas ng tingin. nagsimula na rin magdrive si mew para ihatid si gulf pauwi. mahaba na masyado ang araw para sa best friend niya.
nasa tapat na sila ng bahay nila gulf at magpapaalam na sana si mew sa kaibigan nang bigla itong magsalita.
“mew pwede ba ko magtanong?” mew nodded.
diretso ang tingin ni gulf sa labas na tila umiiwas ng tingin sa kaibigan.
“nung sinabi mong mahal mo ko, do you really mean it?”
napalingon agad si mew sa kaibigan, alam niyang mataas ang emosyon ng kaibigan ngayon pero alam din naman niyang matagal na nilang nararamdaman na may iba silang gustong iparating sa isa’t-isa.
pero natatakot si mew. natatakot siyang mawala si gulf sa tabi niya.
“mahal kita gulf. special ka sakin. pero-” agad siyang pinutol ni gulf.
“gets ko mew” gulf did his best na hindi magcrack ang boses niya pero traydor ang mga mata niyang punong-puno na ng luha ngayon.
“ayokong mawala ka sakin gulf. at kung pagiging magkaibigan ang tanging paraan to keep you by my side okay na ko” mew tried to reason out.
“naiintidihan ko. salamat sa paghatid” dali-daling tinanggal ni gulf ang seatbelt niya at lumabas ng kotse ni mew.
present time
isang tapik sa likod ang nakapagbalik sa kanya sa ulirat. nakita niya ang kaibigan niyang si mild na may hawak na beer sa isang kamay. nginitian niya ito at tsaka inaya umupo sa gilid ng mobile bar.
“tagal na nating hindi nagkita ah? kelan ba yung last? yung nagtext ka sakin na nasa siargao ka kasi gusto mo samahan si gulf kasi malungkot siya?” walang preno na sabi sa kanya ng kaibigan. hindi pa rin talaga nagbabago si mild. walang preno pa rin ang bibig at masakit magsalita.
pero malaki rin ang pasasalamat ni mew kay mild dahil isa siya sa mga tumulong sa kanya para magising siya sa kahibangan niya.
sinong tangang susundan ang best friend niya sa kabilang pulo dahil malungkot lang ito? malamang si mew.
pero paano na lang kaya kung malaman ng kaibigan niya na hindi iyon ang pinakatangang nagawa niya para kay gulf?
ano na lang kaya ang magiging reaction niya na tinawid niya ang isang bansa para lang samahan si gulf?
2016
mew just finished his paper para sa master’s program niya at naghihintay na lang siya ng graduation kaya naman deserve niya ang week-long vacation sa hong kong.
so far, masaya naman ang solo trip niya. totoo nga talagang therapeutic ang pumunta sa isang bansa na wala kang kakilala. you can freely do things na hindi mo magawa sa sarili mong bansa.
it’s his 4th day at napagdesisyunan niyang bibili siya ng souvenirs para sa family and friends niya. nasa kalagitnaan siya ng pagdedesisyon anong ref magnet ang kukunin niya para sa mama niya nang biglang magring ang phone niya.
gulf kulit calling….
“oh miss mo agad ako?” bati ni mew sa kausap
hindi pinansin ni gulf ang sinabi ni mew at agad siyang nagsalita “mew samahan mo ko dito”
“tanga nasa hong kong ako diba?” natatawang sagot ni mew sa kaibigan.
“nasa macau ako” sagot ni gulf.
“oh? magkasama kayo ni haii?”
“hindi. sinundan ko siya. mew i think he’s cheating on me” dire-diretsong sagot nito.
“nasaan ka?” ang huling tanong ni mew bago tumakbo papunta sa terminal papunta sa macau.
alam ni mew ang pinagdaanan ni gulf after nilang malaman na nagcheat ang tatay nito sa kanila. kaya naman he can’t help but to get worried para sa kaibigan niya na dumayo pa sa ibang bansa para lang alamin kung may iba ang boyfriend niya.
manager ang boyfriend ni gulf na si haii sa isang kilalang kumpanya ng mga kotse at paborito rin ito ng boss nila kung kaya’t palagi itong pinapadala sa ibang bansa para sa mga business meeting at conference.
akala ni mew ay going strong ang relasyon nila not until matanggap niya ang tawag mula sa kaibigan. mabuti na lang at mabilis lang ang byahe from hong kong hanggang macau. pero kahit na maikli lang ang byahe, sobrang weird pa rin for mew to actually cross a country para lang sa best friend niya.
but then ito nga ata ang kabayaran ng katangahan niya noong high school. now he’s stuck sa stage kung saan kaibigan lang siya pero he’s doing things na lagpas na ginagawa ng ordinary friends.
gulf texted him kung saang hotel siya nagsstay at pagbukas niya ng pinto ay nadatnan niya ang kaibigan na nakikipagtitigan sa pader ng hotel room.
“oh bayaran mo pamasahe ko dito ha” mew tried to lighten up the mood dahil lukot na lukot ang mukha ng kaibigan.
“mamaya 5pm daw matatapos ang conference nila sa function hall sa hotel na to. samahan mo ko abangan sa lobby.” walang emosyong sagot sa kanya ni gulf.
“eto naman wala ka bang tiwala kay haii? baka kawork niya lang?”
“kawork pero gumagamit sila ng secret conversation para mag-usap?” nilingon na siya ni gulf pero he’s still wearing the same expression na mukhang anytime ay aawayin siya.
“sige sasamahan na kita mamaya pero matutulog muna ko nakakadrain makipag-usap sa mga tao para lang mahanap ang hotel mo” mew plops next to gulf at humiga nang maayos bago magkubli sa comforter.
“oh diba tama ako” gulf tried his best na magmukhang strong sa harap ng kaibigan niya after nilang makita si haii na palabas ng hotel na may kasamang babae.
unlike noong high school, mew failed to protect gulf. nagpunta siya ng banyo at pagbalik niya ay nakita na lang niyang nakatingin ang kaibigan niya sa entrance ng hotel.
ilang beses na ring sinusubukang tawagan ni gulf si haii pero hindi ito sumasagot. sa 10th attempt nila napagdesisyunan ni mew na subukan itong tawagan gamit ang unknown number.
mew let gulf use his phone para tawagan ang boyfriend niya. sumagot agad ito sa ikatlong ring. sabay sa pagbaba ng tawag ni gulf ay ang pagbagsak ng luha na kanina pa niya pinipigilan.
agad na niyakap ni mew si gulf dahilan para mabasa ang suot nitong shirt. he tried to comfort his friend by joking pero lalo lang lumalakas ang pag-iyak nito.
“akala ko siya na. napaniwala niya kong hindi lahat ng tao katulad ni papa” lalong humigpit ang yakap ni mew sa kaibigan. kung pwede lang na kunin niya lahat ng sakit na meron si gulf gagawin niya.
“so anong balak mo?” nasa hotel room na ulit sila ni gulf at kailangan na niyang bumalik sa hong kong in 3 hours bago siya maiwan ng last trip. pero hindi niya rin kayang iwan ang kaibigan niya na kanina pa hindi nagsasalita.
“gulf kailangan ko na bumalik sa hong kong. nandun mga gamit ko” tiningnan lang siya ni gulf bago ulit makipagtitigan sa pader.
“kaya ko naman. sino ba siya para iyakan ko buong magdamag?” tumayo na si gulf para ayusin ang kama niyang nagulo dahil sa kakakulit sa kanya ni mew.
“wow ha tingnan mo nga yang mata mo” pang-aasar ni mew.
“gago ka. bumalik ka na sa hong kong kikitain mo pa si mickey mouse bukas” binato ni gulf ng unan si mew para paalisin ito sa kama niya.
“oks. kitakits na lang sa manila ha” mew ruffled gulf’s hair bago maglakad papunta sa pintuan.
“gulf?” agad naman na lumingon si gulf sa kaibigan.
“okay lang umiyak pero siguraduhin mong babangon ka. maraming nagmamahal sayo. tandaan mo nandito ako palagi” ang huling sinabi ni mew bago lumabas.
present time
“maniniwala ka ba na nilayuan ko siya before ng siargao trip na yon?” tumingin si mild sa kaibigan na para bang hindi makapaniwala.
“lumayo ka pa sa lagay na yon?” hindi maiwasan ni mild na matawa sa sinabi ng kaibigan.
“yeah. hindi ko nakwento sayo na pinuntahan ko siya sa macau when i was having a vacation sa hong kong. after ng trip na yon, i realized na sobrang tanga ko na kaya lumayo ako”
“gaano katagal kang lumayo?” mild asked him.
“two weeks” mew answered him at hindi mapigilang mapamura ni mild.
2016
it has been two weeks at so far ay hindi pa naman siya pumapalya sa pag-iwas kay gulf. he’s busy with work at ganun din ang kaibigan niya. wala pa siyang sinasagot na tawag or text nito at hindi niya rin pinapansin ang mga memes na tinatag sa kanya.
it was during his lunch break when he realized (again) na isang malaking katangahan ang ginagawa niyang pag-iwas sa kaibigan.
gulf called him at umiiyak ito saying na iniwan na nga raw siya ni haii pati ba naman daw ang best friend niya. gulf also asked him kung pagod na ba raw siya maging kaibigan nito at sana naman daw ay nagpapaalam kung aalis na siya sa buhay niya.
hindi na rin alam ni mew anong nangyari dahil one moment ay nasa office pa siya tapos ngayon ay nasa airport na siya booking the earliest flight papuntang siargao.
mabuti na lang at talagang he’s working sa isang airline company kung kaya may travel perks siya.
he tried contacting gulf right after magland ng eroplano pero hindi ito sumasagot. mabuti na lang at binigay agad ni gulf kanina ang address ng hotel kaya mabilis lang din siya nakapunta kung nasaan ang kaibigan.
upon entering gulf’s hotel room, naamoy agad ni gulf ang alak a sign na kanina pa umiinom ang kaibigan. at doon niya nadatnan ang kaibigan niyang nakadukdok sa unan sa gitna ng kama na may nakakalat na chips. may hawak din itong bote ng beer na mukhang kanina pa niya naubos.
“akala ko ba di mo siya iiyakan” unti-unting lumapit si mew sa kaibigan. kinuha niya ang bote ng beer para ilagay sa lamesa. tinanggal niya rin ang chichirya na nakakalat sa kama.
“bakit ka nandito? akala ko ba ayaw mo na sakin? diba pagod ka na rin sakin?”
“edi aalis na ko” akmang aalis si mew nang bigla siyang hinatak ni gulf sa braso.
“mew samahan mo ko” there’s a hint of desperation in gulf’s voice.
bumalik si mew at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ng kaibigan.
“sorry na. nandito na ko oh. tama na kakainom labas naman tayo. sayang ang ganda ng siargao tapos magkukulong ka lang dito?” mew softly said to gulf.
and that’s how their siargao trip started.
after their spontaneous trip, they decided na abangan ang sunset sa beach side. Hindi alam ni gulf kung dahil ba sa payapa ang paligid nila kaya siya napaisip pero he suddenly asked something na sana ay hindi na niya tinanong.
“pano kaya kung tayo ang nagkatuluyan?” tahimik. tanging ang hampas lang ng alon ang naririnig sa buong paligid.
“sorry” si gulf din ang bumasag sa katahimikan.
mew looked at gulf na para bang unti-unti siyang nalulunod sa mga mata nito.
and that’s when everything went wrong. nilapit ni gulf ang mukha niya kay mew leaning for a kiss.
at sa pagdampi ng kanilang mga labi ay para bang nakuryente si mew at agad siyang umiwas at tumayo. sa pagkakataong iyon, wala siyang ibang nais gawin kundi ang lumayo kay gulf.
“sorr-” hindi natuloy ni gulf ang sasabihin niya nang biglang nagsalita si mew.
“sinasamantala mo ba lahat dahil alam mong gusto kita?” mew is fuming. hindi niya alam saan nanggagaling ang galit na meron siya.
“bakit ako ba yung tanga noon? tinanong kita dati mew at ikaw mismo ang umayaw” galit na rin si gulf ngayon at alam niyang hindi magiging maganda ang magiging kalabasan ng pag-uusap nila.
“i can’t do this. i’ll book another room. see you in manila” mew said bago talikuran si gulf.
present time
“alam mo pwede ko na ipasa story mo sa mmk sure akong bebenta ang katangahan mo sa mga pinoy” umiling na lang si mew sa sinabi ng kaibigan.
“pero worth it naman lahat ng katangahan ko” mew said and mild can’t help but to agree with his friend.
unti-unting nagiging malalim ang usapan ng magkaibigan kung kaya’t hindi nila napansin si gulf na papalapit sa kanila.
“ano na naman kinukwento mo kay mild?” umupo si gulf sa tabi ni mew making sure na walang space sa kanilang dalawa.
“syempre mga katangahan niya sayo” mild snickered.
“wag mo ngang inaasar tong mister ko” gulf leaned to pat mew’s hair.
“tapos na ba kumanta ang best friend ko?” pang-aasar ni mew sa asawa.
“oo naman kaso hindi ka namana ata nakinig dahil busy ka makipagchismis” pakunwaring tampo ni gulf sa kanya.
mew kissed gulf’s cheek na ikinagulat naman nito. “may buong lifetime pa naman ako para pakinggan ka kumanta diba?”
gulf smiled and hugged his best friend husband.
after their siargao trip, mew asked gulf for space. they can’t continue as friends if both of them are harboring feelings for each other. hindi sure si mew if gulf really has feelings for him o baka sadyang mataas lang ang emosyon niya noong panahon yon.
that’s why he asked gulf to sort out his feelings. and that’s what gulf did. hindi sila nag-usap at nagkita ni mew for months not until malinaw na ang feelings niya.
nagkita sila sa park kung saan palagi silang tumatambay noong high school sila. sinong mag-aakala na magkakaaminan sila ng feelings kung saan narealize ni mew na may gusto siya kay gulf 10 years ago.
baka all this time, mali ang favorite philosopher niya. bakit mo pipigilan ang totoong feelings mo when you can confess everything? malas lang talaga si mew dahil tanga siya at inabot siya ng sampung taon bago nila marealize ni gulf na they’ve been going in circles for years.
pero ang mahalaga ay nakaalis na sila pareho sa bilog at sabay na nilang haharapin ang bukas kahit walang kasiguraduhan.
