Work Text:
“So ano, Kacchan? G ka?” Magka-canteen dapat si Katsuki bago siya inambush ng kababata. Gusto ni Deku gumawa ng team pang-Science Olympiad. Nag-expect naman na si Katsuki na may kukuha sa kanya dahil sa grades niya sa Chem pero may ibang mga kaibigan naman ‘to si Deku ah?
“Basta siguraduhin mo magaling din yung isa pa.”
Kunwari na lang siyang napilitan. Si Deku, na all-rounder ever since at di niya matalo-talo, ang best bet niya para mag-qualify. Matalino naman sariling barkada niya, nagkukunwaring bobo nga lang pag walang motivation. Alam ni Katsuki na bago pa sila makapag-review, namulubi na siya dahil sa pagpapalamon sa kanila.
“Ah nililigawan ko pa si Ochako,” sabi ni Deku.
“Sinong Ochako?”
“Yung transferee. Halimaw sa Physics yun!”
“Transferee? So di siya pumasa ng UA Sci unang take? Hoy Deku, bubugbugin kita pag di tayo nag-qualify!”
“Wala ako sa lugar para i-explain kung bakit kakalipat lang niya. Pero pramis, magaling ‘to si Uraraka. Pati mag-explain.” Guess that's good enough. Kung tiwala si Deku, she should be a reasonable choice right?
“Fine fine. Kelan unang review?”
“Ok lang ba kay Tita kung sainyo tayo mag-review?”
“Tch.”
“Please! Sainyo lang tayo makaka-review nang maayos. Maliit lang condo namin diba? Saka taga-dorm si Ochako.”
“Ok, fine.”
“After school ng Friday, ok ba?”
“Pagkatapos ng klase, diretso tayo ah. Walang paligoy-ligoy.”
“Salamat Kacchan!”
Dumating na lang ang Friday, di pa rin alam ni Katsuki kung sino ba ‘tong Ochako. Sigurado lang siya na ibang section, baka classmate ni Deku. Nag-aayos ng bag si Katsuki nung marinig niyang may naghahanap sa kanya.
“Andito ba si Katsuki Bakugou?”
Sa malas nga naman niya, si Denki pa ang naabutan sa pintuan. “Pre, girlfriend mo ba ‘to? Sabay daw kayo uuwi?!”
“Gago, tumahimik ka nga.” Binilisan niya na mag-ayos ng gamit bago pa sumali sa pang-aasar sina Eijirou, Hanta, at Mina. “Ikaw ba si Ochako?”
“Hi! Oo, Ochako Uraraka! Pareho kaming taga-Diamond ni Deku.” Parang sobrang liwanag ng ngiti niya. “Nauna na siya, dadaanan daw muna niya mama niya. Sumunod lang daw ako sayo para di ako mawala.”
“Hah? Ganon ganon lang? Pano kung kidnapin kita.”
Nagpigil ng tawa si Ochako. Medyo nilakasan niya pagsabi, “Mukha ka namang mabait.” Nagsitawanan sila Hanta na obvious na nag-e-eavesdrop galing sa kabilang dulo ng classroom.
May guts din pala. Kala ni Katsuki pa-cute lang.
“Tara na nga,” sabay hila sa kamay ni Ochako. Namalayan lang niyang nakahawak pa rin siya pagkalabas na ng gate dahil papara ng jeep. Bitiw agad siya pagka-realize. Nasa 5th floor ang classroom nila. Sa building na pinakalikod ng campus.
Nagsimula magpawis ang mga kamay niyang pasmado. “Tangina, Katsuki wag kang tatanga-tanga,” bulong niya sa sarili.
“May sinabi ka ba?”
“Wala. May pang-commute ka ba? Di ako manglilibre. Si Deku nagpresenta ng bahay ko.”
“Oo. Sabi niya ocho lang yung jeep tapos pwede ako bumili single trip ticket sa LRT. Kinse di ba?”
Alam ni Katsuki ano ang ‘ocho’ pero “Kinse?”
“Ah, fifteen!” Yan na naman yung ngiti ni Ochako. Tch, para namang ang laki ng tinulong ng sagot niya.
“Yeah, fifteen sa LRT.”
Ayaw sana ni Katsuki sumakay sa jeep na siksikan. Una dahil namamawis na siya at pangalawa, dahil namamawis na siya at sure na dikit na dikit sila ni Ochako pagka-upo sa jeep. Pero rush hour na. Lahat din ng susunod na dadaan, siksikan. May magagawa pa ba siya. Takte naman.
Sa loob ng jeep, nagbigay na sa kanya ng ocho si Ochako. Conscious daw siya mag-abot ng bayad. Amateur, inisip ni Katsuki — “Bingi ka ba! Sabi ko paabot ng bayad!” Mas malakas pa sa patugtog ng jeep ang sigaw niya sa katabi. Tameme na lang na kinuha nung pasahero ang barya. Kay Ochako ata ang narinig niyang hagikhik.
Pagkapasok ng LRT station dumiretso sa turnstiles si Katsuki. “Bumili ka ng ticket hanggang V Mapa. Hintayin kita dito. Wag ka mawawala.”
Tiningnan siya ni Ochako mula ulo hanggang paa. Napansin ni Katsuki na konting lagpas lang ang tuktok ng ulo nito sa siko niya.
“Matangkad ka naman. Tanaw mo hanggang ticket machine galing dito. Wag dapat ako mawala sa paningin mo!”
“Hah?” Ano pinagsasabi ng babaeng ‘to? Nginitian lang siya ni Ochako bago ito pumila sa ticket vending machine.
Pagbalik ni Ochako, parang wala siyang sinabing weird kanina lang. “Tara!”
Mabilis at komportable kahit papano ang byahe. Nakahanap sila ng upuan para kay Ochako tapos hindi kasing-init sa loob. Bago dumating sa V Mapa, tumawag na si Katsuki sa tatay niya.
“Pa, malapit na ako.”
Tumingala si Ochako sa kanya. “Ganyan ka talaga kumausap sa papa mo?”
“Hah?” Napaisip si Katsuki kung naka-ilang Hah na ba siya kay Ochako. This girl is unbelievable. Di pa isang araw – baka di pa nga isang oras – na magkakilala sila tapos yung mga tanong ganito. “Ano ba masama dun?”
“Wala lang. Close ka talaga siguro sa kanila.”
“Pake mo.”
“Okay, chill ka lang Katsuki!”
Arriving at V Mapa station. Paparating na sa V Mapa station.
Buti naman. Bago pa naging awkward ang usapan.
Tahimik na silang lumabas sa station. May mga tricycle na nakaparada sa unang nilikuan nila kaya siguro di nakapagpigil magtanong si Ochako. “Malapit na ba dito bahay mo Katsuki?”
Natanaw na ni Katsuki ang sasakyan nila. “Hindi. Bilisan mo maglakad, bawal talaga mag-park dito.” Hinila na naman niya sa kamay si Ochako. Bakit ba kasi parang ang gaan hilahin ng taong ‘to. Parang balloon.
Di na siya nag-hello sa tatay niya bago pagbuksan ng pinto si Ochako at sumakay mismo sa passenger seat. “Bilis Pa, baka mapa-barangay na naman tayo.”
Hagikhik ba yon? Tumingin sa likod si Katsuki. “At anong nakakatawa?”
Di siya pinansin ni Ochako.
“Hello po, Mr. Bakugo! Ako po si Ochako, friend ni Katsuki.”
“Di tayo friends. Kanina lang tayo nagkakilala!”
Tumawa papa niya. “Hi Ochako. Pagpasensyahan mo na si Kats. Awkward talaga siya makipag-friends. Di nyo ba kasama si Izuku?”
Si Katsuki na ang sumagot. “Dadaan muna daw siya kay Tita. Baka sumabay na sila pag-uwi ni Mama.”
“Friends po kayo nila Tita Inko?” sumingit si Ochako.
Ano’t tita na tawag nito sa nanay ni Deku?
“Pare-pareho kaming major nung college, magkaka-trabaho din ngayon.”
“Wow! Kaya pala close din si Deku at Katsuki.”
Komportable nang nag-uusap ang tatay niya at si Ochako hanggang sa makarating sila sa bahay. Naka-park na ang isa pang sasakyan. “Andito na pala Mama mo, Kats. Pabukas na lang please ng gate.”
Bumaba si Katsuki at sumigaw pagkapasok pa lang ng gate. “Ma! Andito na kami!”
Si Deku ang lumabas ng bahay. “Hi Kacchan! Sumabay ako kay Tita galing sa office. San si Ochako?”
“Hoy Deku tingin mo ba talaga iwawala ko siya sa LRT?!”
Pagkaparada ng sasakyan, pinagbuksan ulit niya ng pinto si Ochako at tinulungan sa bag. What the fuck, may lamang bato ba 'to. Ilang textbook dinala niya?
Biglang nasa pintuan na rin ang mama niya. “Hi iha! Ochako, right? Nakwento ka na ni Izuku nung pauwi kami, ang cute mo nga talaga. Tuloy ka!”
“Thank you po…”
Tingin ni Katsuki medyo nahiya si Ochako sa comment ng nanay niya. “Hoy Ma, tigilan nyo nga si Ochako. Aakyat na kami sa kwarto. Bye!”
“Teka, ‘yung bag ko!”
Bitbit na ni Katsuki parehong bag niya at ni Ochako paakyat. Pagdating sa dulo ng hagdanan, tumingin siya kay Ochako at Deku sa baba.
“Ano hinihintay nyo? Invitation? Sabi ko walang commercial commercial, mag-aaral agad tayo!”
At nag-aral nga sila. May mga mock exam ngayong January at agree naman silang tatlo na kailangan dun pa lang, galingan na nila. May dalang sample exams si Deku at nag-try sila sumagot para i-assess kung saan abot knowledge nila.
As expected: gamay na ni Deku halos lahat, konti na lang perfect na ni Katsuki ang Chem, at may explanatory notes pa yung answer sheet ni Ochako sa Physics.
Hindi expected: bakit pasang-awa score nilang dalawa sa Bio?
Parang nanlumo si Deku. “Shet kala ko perfect team na tayo.”
“Shut up, Deku! Kala mo ba di namin kaya i-review?”
“Oo nga! Saka naka-two sems na na wala kayong Bio diba? Basic Bio lang din kinover sa school ko last year!”
May guts pala talaga.
Nahiya din si Deku sa sinabi niya. “Sorry, sorry! At least alam natin priorities sa study plan?”
Ang naging study plan ay sasagot sila ng mga samplex ng Chem at Physics, tapos idi-discuss nila together mga sagot. Tungkol sa Bio… para na ring itu-tutor sila ni Deku.
Kahit ayaw aminin ni Katsuki sa salita, mas magaling talaga diyan si Deku. Pero kaya niyang aminin at least sa sarili niya, na kung hindi siya mag-ayos sa Bio, hindi mangyayari na silang tatlo mismo ang magiging team sa susunod na round ng Olympiad.
Tinry din nilang gumawa ng schedule pero lumalabo lagi ang usapan ng kung saan. Ayaw ni Deku mag-study group sa school library kung san kita sila ng lahat, dahil daw nagiguilty siya na hindi niya inaya gumawa ng team si Iida at iyong anak ng National Scientist na Todoroki. Parehong kaso lang kung mag-aaral sila sa study hall sa dorm ni Ochako. Kung sa labas naman sila magrereview, maingay at siguradong di pa kakayanin ng allowance ng high school student. Pinipilit ni Katsuki na hindi pwedeng araw-araw dito sila mag-aaral sa bahay niya. Kasi pano si Ochako?
"Di mo ba gets, Deku–"
Bago pa magkasigawan, may kumatok sa pinto ni Katsuki. “Kats, tapos na kayo? Kain muna tayo.”
May kasunod na sigaw galing sa baba. “Katsuki Bakugou! Tigil na diyan at kakain na!”
Napatingin siya sa wall clock. Huh, lagpas 9 PM na pala. Pano nga si Ochako. Natuloy sa dinner table ang paggawa ng schedule. Sa kabisera nakaupo ang papa niya, sa kanan nito magkatabi ang nanay niya at si Deku, habang sa kaliwang side ng table silang dalawa ni Ochako.
“Pa, kailangan natin ihatid si Ochako sa dorm after kumain.”
“Ha? Pareho lang naman sasakyan ko pabalik diba? LRT tapos jeep?" Tanong niya kay Katsuki bago kausapin si Masaru. "Ok na po kung sa station niyo ako ihatid. Dun din si Deku, diba po?"
“Oh no, oo nga pala. Kapag ganto tayo late natatapos…” comment ni Deku.
“No shit, Sherlock.”
“Katsuki yang bunganga mo ha!” sigaw ng mama niya.
“Ochako, don’t worry. Ihahatid ka namin ngayon and whenever else late kayo matapos mag-review.”
“Hala, nakakahiya naman po sa inyo…” Mukhang ayaw talaga makaabala ni Ochako.
“Pa! Wag nyo na ipilit. Hahanap kami mas maayos na sched.”
“Katsuki, calm down. We always made sure your friends got home safe. Remember when you had that project with Hanta and Mina? Diba taga-San Mateo si Mina and we still drove her home.”
“At ihahatid din naman natin si Deku sa Mezza, onting drive na lang yung school nyo,” dagdag ng papa niya.
“Thank you po! Thank you po talaga! Sabihin ko sa parents ko, para di sila masyado mag-alala.”
“Oh, right! Would you mind giving them our numbers? As extra reassurance.”
Extra? Ang extra nga ng nanay niya, isip ni Katsuki.
“No problem po! Ma-appreciate nila yun.”
Ni-ring agad ni Mitsuki ang number na sinave ni Ochako sa phone niya.
Tatlong observation ni Katsuki at tatlong side comment:
- Galing ba sa Kirby yung ringtone ni Ochako?
Ochako: Sorry ang pambata pala ng ringtone ko. Sabi kasi ng teacher ko nung kinder kamukha ko daw si Kirby. Cute diba?
Nagpigil sumagot si Katsuki ng "Oo, cute si Kirby." So by Transitive Law...
- Ganyan itsura ng flip phone?
Papa: I haven’t seen one of those in a while! Mitsuki had a pink one, too.
What the heck, ganun na ba talaga kaluma ang flip phones? Baka minana niya pa 'to galing sa parents niya.
- Nakataas pinkies ni Ochako habang nagta-type?
Deku: Minsan daw naga-ground siya sa jack.
Kay Deku siya pinaka-na-catch off guard. Parang kay Katsuki niya lang kasi sinasabi yun. Di na siya nagtanong, tiningnan niya na lang nang masama ang kababata.
Nafinalize din sa wakas ang schedule at venue ng magiging group study nila at pagkatapos kumain, inaya na sila ng papa niya na maghatid. "Bago pa mapahaba maki-chika ang nanay mo," sabi ng papa niya.
Habang inilalabas ang sasakyan, hinihintay ni Katsuki sa gate si Ochako, bitbit na ang napabigat nitong bag. Inaabutan pa siya ni Mitsuki ng naka-Tupperware na sobrang dinner at buchi na galing sa kamag-anak nila sa Tondo. Na-mention lang naman ni Ochako na nagustuhan niya yung mochi na pasalubong dati ng kapitbahay nila galing sa Japan. "Well, it’s not mochi but my sister’s place makes buchi just as chewy. And have this curry, ok, para di ka na mag-worry sa breakfast mo bukas. I-ref mo agad pagdating sa dorm tapos microwave mo na lang."
Hay, extra talaga nitong nanay niya no?
"Mitsuki, kung gusto mo pa kausapin si Ochako sumama ka na lang kaya samin?" Nakalabas na ang sasakyan at nasa passenger seat na ulit si Katsuki.
"Di na, di na. Magliligpit na ako sa kusina. Ingat kayo, hon.” Pinasakay na niya si Ochako. “Nice meeting you, Ochako! I’ll expect a text from your parents.”
Pagkababa ni Deku, si Ochako at ang papa niya na lang ulit ang nag-uusap sa kotse. Curious si Ochako sa closeness ni Deku at Tita Inko sa pamilya nila at dahil laking Manila ang papa niya, interesado naman siya sa mga kwento ni Ochako tungkol sa probinsya niya. Nakiki-kinig na lang si Katsuki. Tutal curious din naman siya sa buhay ni Ochako.
Natigil lang ang usapan pagdating ng campus. “Go on, Kats. Make sure she gets to her dorm safe. Hanapin mo na lang ako sa parking when you’re done.”
Di pa sila nalalayo sa sasakyan, nagtanong na si Katsuki. “Ochako, ba’t ngayon ka lang?”
“Ha???” Mukhang napapreno niya ng lakad si Ochako. Kala niya ba siya lang may karapatan magtanong ng uncomfortable questions.
“Obvious naman na magaling ka. At masipag. Bakit ngayon ka lang nandito sa UA?”
“Dapat dito ako magfi-first year.” Sumagi sa isip ni Katsuki, sayang. Baka naging magkaklase na sila noon pa lang. “Pero kahit gusto ko, di ako masusustentuhan kung tinuloy ko. Dorm, uniform, pagkain.”
“Madaming scholarship para dyan ah?”
“Kailangan ko tumulong sa negosyo noon. Tapos feel ko din di ko dapat iwan sila mama habang namomroblema sila…”
“Sorry, di ko sinasadya i-bring up.”
“Hindi, ok lang. Nakwento ko na din naman ‘to kay Deku.”
May konting inggit, na mas kilala na ni Deku si Ochako.
“Pero mas ok na kayo ngayon?”
“Oo!” Tumawa si Ochako. Carefree. Inisip ni Katsuki kung ganito din ba kagaan ang pakiramdam niya nung una nilang malaman na ok na sitwasyon nila. “Sa totoo, bumabangon pa rin. Sabi ko uuwi agad ako kung magkaproblema ulit. Pero mas confident na kami na magiging ok ang lahat.”
“Close ka talaga sa pamilya mo no?” Binato lang niya pabalik ang tanong ni Ochako kanina sa LRT.
“Hmm? Yeah, oo. Miss ko na agad sila kahit halos kakabalik lang natin galing Christmas break. Buti na lang kinupkop ako nila Deku last sem, di ako masyado nalungkot.”
“Nila Deku?”
“Sya at si Tita Inko. Iniimbita ako ni Tita pag ‘napadami’ daw luto niya. Si Tsuyu din. Wala akong maliit na kapatid kaya masaya pag pumupunta kami sa kanila. Isang beses naman nag-sleepover kami sa bahay ni Tenya sa Alabang. Parang ayaw ko na ulitin, lagi ba talagang traffic papunta?”
Kilala ni Katsuki si Tenya. Sino ba di nakakakilala sa pamilya nila Iida? Pamilya ng mga engineer, mga board topnotcher pa. “Madami talaga naka-sasakyan sa lugar nila Iida.”
“Sobrang simple ni Tenya, di ko akalain sa mansyon pala siya nakatira!” Napatawa si Katsuki. “Pati yung pamilya nila, ang welcoming din. Parang yung parents mo!”
Weird talaga ‘tong babaeng ‘to. Hindi pa ba siya napagod kaka-aral? Yung ngiti niya ngayon kasing liwanag pa rin ng ngiti niya nung una siya nagpakilala.
“Thank you talaga at sorry nag-abala pa kayo ihatid ako. Tapos ihahatid pa daw ako kung late tayo matapos sainyo.”
“Wala na yun kila Mama. Gusto din nila nakikita akong mag-seryoso sa studies at the same time na nakikipag-kaibigan. Saka nandito ka na diba? Sabi mo gusto mong nandito ka? Sa UA?”
Sa pagkakasabi ni Katsuki, parang hindi lang si Ochako ang nireremind niya na dapat andito siya sa UA, na kailangang dito lang siya sa UA. Si Katsuki din. Ilang oras pa lang niyang kilala ang dalaga pero bakit ganito na siya mag-isip tungkol kay Ochako...
“Salamat Katsuki.” Yung magaang tawa na naman ni Ochako. Pero may halong determination ang liwanag ng ngiti niya sa pagkakataong ito. “Gagalingan natin at tayo magre-rep ng UA sa Olympiad!”
Mga ganitong motivation ang nagpapalabas ng halakhak ni Katsuki. “Siyempre!”
Pagkatapos magpaalam kay Ochako at sa guard ng dorm, walang imik nang pumuntang parking at sumakay si Katsuki. Nag-iisip. Nirereview ang mga pangyayari mula sa oras ng dismissal nila. Nagbukas na lang ng radyo ang papa niya, pero alam ni Katsuki na minamasdan pa rin siya nito. Lalo pa't biglang kumukunot ang noo ni Katsuki kapag naaalala ang mga naging interaction nila ni Ochako ngayong araw.
"Ma, andito na kami!"
"Kats di mo dinala phone mo. Iniwan ko na sa study table."
"Thanks Ma! Ligo na ako. Good night!"
Dead bat. Hinayaan niyang nagchacharge ang cellphone nya habang naligo at nag-ayos ng gamit. Pagbukas niya...
May message si Deku.
Lord, kunin mo na ako.
Meron din galing kay Ochako.
Lord, wag pala muna.
