Chapter Text
"Baekhyun."Nakangiting iniangat ni Baekhyun ang kanyang mukha habang ngumunguya ng steak. "Hmm?"
"Let's...break up."Napatigil sa pagnguya si Baekhyun at napatingin sa kanyang boyfriend. Kahit hindi pa oras ilunok ay nilunok na niya ang kinakain niya.
"Hyuk."tawag niya at binigyan ito ng ngiti, a hesitant one. "B-Bakit? M-May problema ba? A-Ano...Bakit?"halata sa mukha nito na naguguluhan siya. He's confused, sa isang linyang narinig niyang 'yon, nagkagulo-gulo na yung emosyong meron siya. Hindi niya alam kung ano bang dapat maramdaman. This is his first relationship. Minhyuk is his first love for goodness sake, is he supposed to be mad at what he heard?
"Baek..."Hinawakan nito ang kamay na nakapatong sa lamesa. "You're pretty, cute, handsome. You're a hard-working person. Kamahal-mahal ka, mapagmahal sakin and sa family and sa mga tao sa paligid mo. Halos lahat honestly, nasa 'yo na."
"Eh anong problema?"lito paring tanong niya.
"Time."Napabuntong hininga si Minhyuk habang napakunot naman ang noo ni Baekhyun habang nakatingin sa taong nasa harap niya. "You are always choosing your career over me. I mean, I am your boyfriend Baek. I also need you."
"Hyuk, alam mo naman yung sitwasyon ko diba? Breadwinner ako ng family ko. At tsaka, I'm trying my best to make time for you."
"Oo, pero hindi sapat."Umiwas ito ng tingin habang nanatiling nakatingin si Baekhyun sa kanya.
Moment of silence.
"Pagod ka na?"tanong niya.
Minhyuk looked at him and slowly nod his head. "Pagod na."
Parang may sumaksak sa puso niya nang paulit-ulit dahil sa nalaman niyang 'yon. Hindi niya matanggal ang tingin sa taong nasa harap niya. Waiting for a laugh and words like 'It's a prank!' pero wala.
"Okay."mahinang sabi ni Baekhyun at binawi ang kamay niya kay Minhyuk. He sighed at tumayo. "Hope you meet someone who will always choose you, Hyuk. I'm sorry if I made you feel that way. Thank you...for the 7 years."he gave him a closed lip smile before leaving the restaurant.
Doon lang nag-sink in ang lahat na wala na sila ni Minhyuk. A guy who always supports him on what he do. Who always waits for him and always look after him. Si Minhyuk ang nagbigay ng pagmamahal na hindi niya maranasan sa pamilya niya. Nandyan na, pero nawala rin. Dahil sa katangahang ginawa niya.
Hindi niya namalayan ang waterfalls sa kanyang mga mata habang naglalakad, some people will see him in that kind of situation but he doesn't care. At least give him some time to cry. He lost his first love because he's too focused on his career. It's his fault.
Nanatiling nakayuko si Baekhyun habang naglalakad na hindi niya nakita ang taong papalapit sa kanya hanggang sa nagkabanggaan sila. Malakas ang impact kay Baekhyun kaya he almost fell down but that guy saved him. Hinawakan siya nito sa braso, he looked at that person to say sorry pero kahit anong gusto niyang sabihin hindi niya magawa kasi baka sa oras na magsalita siya he'll break down. Pero akala niya lang pala kasi he just found himself hugging the man infront of him while crying.
Chanyeol was shocked though. Hindi niya alam kung anong pinagdadaanan nung lalaking 'to at bigla bigla na lang umiiyak. It's rude naman kung itutulak niya palayo yung tao so he just lifted his hands and caresses the guy's hair.
Para silang ewan na nakatayo sa isang lugar. He can see the sea here, balak niya kasing pumunta sa restaurant na sikat dito because of some random chic na sinet up sa kanyang ng kanyang friends pero he believes that this guy needs comfort kaya tinext niya ang kaibigan to cancel the date because of some important matter. Hindi naman siguro nahalata ng lalaki kasi nakasubsob ang mukha nito sa kanyang dibdib, cute.
Chanyeol waited hanggang sa mahimasmasan yung lalaking nakayakap sa kanya ngayon. Tinignan niya lang kung paano humiwalay yung lalaki mula sa pagkakayakap sa kanya. Nakatitig lang siya dito habang ang isa ay nag-aayos ng sarili.. 'Cute' sabi niya sa isip.
"Sorry."panimula nung lalaki. Napatingin ito sa damit niya kung saan basa yung spot na iniyakan niya. The guy gasped. "Hala! Sorry kuya! Ano..May mall ba dito or kahit anong store, papalitan ko agad yung damit---"
"Huwag na."Nagulat si Baekhyun sa narinig niya. The man has a deep and husky voice. "You needed it."Baekhyun bit his lower lip habang nakatingin sa lalaking nasa harap niya. Ang bait naman nang lalaki na'to. Gwapo na nga, mabait pa.
"I'm Chanyeol."Ngumiti ito sa kanya. "You can tell me your problems.I won't judge."Tinignan lang siya ni Baekhyun, internally asking himself kung mapagkatiwalaan ba. "Oh, sabi ko I won't judge pero ikaw ata nangjajudge."natatawa pang sabi nito.
Baekhyun pouted and look for something na mauupuan. He saw a bench kaya agad niyang hinila si Chanyeol papunta doon at umupo. Chanyeol did the same. Ang dilim na, he can't properly see the view na meron doon which is the sea. Dinama niya na lang yung hangin.
"My boyfriend broke up with me."panimula ni Baekhyun. "Hmm. Boyfriend."Chanyeol said while nodding his head.
"Yes, boyfriend."Baekhyun plays with his fingers. "Sabi niya hindi ko na daw siya nabibigyan ng oras, and napagod na siya kakahintay sa akin. But I thought he understands me kasi from the start I warned him that I'm busy with my family and career pero he still continued pursuing me hanggang sa tinanggap ko na siya sa buhay ko. When I am down, he will comfort me. When I'm tired, he will be there hugging and kising me. He will say comfort words to recharge me. Actually, he's there from the start when I told my family that I like men."natawa pa siya sa sinabi niya nung huli.
"I am the breadwinner of the family. Ako yung nagpa-paaral sa dalawa kong kapatid. Yung Mama ko nasa hospital, naka-admit kasi may sakit. Kelangan ng pera for chemotherapy habang yung Papa ko naman, ayon sumama na sa ibang babae. May pamilya. I always do my best para mabigay ko yung pangangailangan ng pamilya ko. Kahit sobrang hirap na hirap na ko, kahit ang dami kong binibigay sa kanila na hindi nila masuklian kahit pagmamahal, sila parin yung inuuna ko. Hindi ko alam na hindi ko na pala nabibigyan ng oras si Hyuk."pinunasan niya yung luha niya at humarap kay Chanyeol. "Ngayon pati kaisa-isang lalaki na nagbibigay ng pagmamahal sakin, iniwan na rin ako."
"Gusto ko rin namang sumaya. Gusto kong ipahinga yung katawan ko, yung utak ko. Na sana...Sana lang. Sana makaramdam sila na hindi sa lahat ng oras kaya ko." Chanyeol hesitated to pat Baekhyun on his back but he still did it. "Alam mo kung anong mas masakit?"Baekhyun laughed as he wiped his tears rolling down his face. "Ang daming sakripisyong ginawa ko, pero hindi parin nila tanggap na ganito ako. Na bakla ako, na hindi ko gusto yung mga ka-opposite gender ko. Yung mama ko, ayun. Hindi ako kinakausap. Diring diri saken. Yung mga kapatid ko, hindi makatingin ng diretso sakin. Laging nasa kwarto nila, studying or what. Tapos yung ibang relatives namin, ang dami pang binabatong masasakit na salita sakin." Ramdam ni Chanyeol yung pagod ni Baekhyun habang naglalabas ng hinanakit, and he felt the pain. Grabe ang pinagdadaanan ng taong 'to.
"Gusto ko silang sagutin, gusto ko silang murahin, gusto ko silang iwan pero...pero bakit hindi ko kaya? Napakahina ko."
"Hindi ka mahina. You're a strong person. It's just that, nirerespeto mo lang sila kaya hindi mo magawa. Hindi man tayo magkakilala but I'm proud of you for holding back your emotions. But sometimes you just need to let it out."
"Thank you."Baekhyun gave him a smile."For listening to me. Letting me cry on you and comforting me. It means a lot to me."
"You're very much welcome."Natawa ang dalawa. "Baekhyun."
"Ha?"
"That's my name."They looked at each other's eyes. Smiling at each other.
"By the way, ano nga palang gagawin mo dito? May date ka?"tanong ni Baekhyun sa kanya, he nodded kaya nanlaki ang mata ni Baekhyun.
"Hala! Eh bakit andito ka pa?"Chanyeol just gave him a smile habang umiiling. "My friends are just setting me up for a date."
"Oh, ayaw mo nun? Sayang naman."
"Bakit naman sayang?"
"Duh! Ang gwapo mong nilalang, mukha ka namang gentleman, sayang oras. Tumatanda na tayo, need mo na ng kasama sa buhay ano."
"Hindi ko pa feel."
"Paanong hindi pa feel? Like ayaw mo pa? Takot ka ba?"Umiling si Chanyeol. "Eh ano?"
"I am still waiting for the right one. I'll know it when I see her..."napatango si Baekhyun at tumingin sa dagat na nasa harap nila. "Or him."
"Him?"
"Gulat ka?"Natawa si Baekhyun at hinampas si Chanyeol. "Regardless of what are their gender. If you fell in love then it's called love." Tumitig si Baekhyun sa kanya, sinasaulo ang mukha ni Chanyeol.
"Alam mo, hindi ko ineexpect yan sa'yo ha."
"Ang alin?"
"Na seryoso kang tao. I mean, ang lalim mong tao. Kasi no offense ha, pero nung una kitang nakita mukha kang basagulero, with all those tattoos on your arms."
"Eh bakit mo ako niyakap?"
"Pero ang gaan ng pakiramdam ko sa'yo."Napaiwas ng tingin si Chanyeol. "Patapusin mo muna kasi ako."pabirong umirap si Baekhyun.
Ilang minutong tumahimik ang dalawa, pinapakiramdaman ang isa't isa.
"Kwento ka naman. Nasabi ko yung problema ko sa'yo. You made me feel better, I can also listen to your rants and problems para naman kahit paano guminhawa rin yung pakiramdam mo."
"Wala ka namang mapapala sakin. Boring ang life ko, puro gig at gala lang."
"Then tell me about that. I would like to know you."Tinapunan siya ni Chanyeol ng tingin bago mapakamot sa kanyang ulo.
"Sige na nga. Mukhang di ka naman papatalo eh."Baekhyun just smiled. "Ganito, yung mama at papa ko wala na."Sumandal si Chanyeol sa upuan at tumingin sa malayo. "Namatay sila nung 10 years old ako. Simula non, kinupkop na ako ng kapatid ni Mama. Pinagtapos niya ako sa pag-aaral, sakin niya binuhos lahat ng atensyon niya kasi wala siyang anak, health issues. Nung makatapos ako ng pag-aaral, sinubsob ko yung sarili ko sa pagtatrabaho para kahit papaano mabayaran ko yung ginawa niya para sakin. Nawalan na ako ng oras para sa kanya, para alagaan siya. Hindi ko alam yun, kasi I'm so focused on my goals na I didn't know na kailangan niya ako."He sighed.
"Until dumating yung araw na, she left me. Dahil nga sa health issues niya which is heart failure. Naabutan ko na lang siya na nakahiga sa hospital bed...sa morgue."Then a tear fell from Chanyeol's eyes. "Sobrang focused ko sa goals ko, hindi ko na siya nabigyan ng oras pa. Sinisisi ko yung sarili ko kasi I could have spend more time with her. I could have make her happy instead of being sad because she's waiting for me."Lumapit si Baekhyun kay Chanyeol at niyakap ito.
"Don't be too hard on yourself, Chanyeol. It's not your fault. Malulungkot siya kapag nakita ka niyang malungkot dahil sa kanya. You have a good intention kung bakit mo ginagawa 'yun. Nagkataon lang na ganun yung nangyari. People come and go, okay? Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo, napatawad ka na niya."
"Thank you..Thank you, Baekhyun."Humiwalay ito mula sa yakap. "Ano ka ba, I'll be your friend muna sa ngayon okay?"
"Edi same."natawa ang dalawa. "Pero seriously, thank you."
"Chanyeol, it's fine. You're very much welcome. At least nailabas mo na yung nararamdaman mo diba?"Tumingin siya sa kanyang orasan. "10 pm."He said and then looked up to see Chanyeol staring at him.
"Maaga pa. Saan mo gusto mo pumunta?"
"Maaga pa? 10 pm na hoy!"
"For once. I want to feel happy again. I want to be free. Kahit ngayon gabi lang. Game? Sasamahan mo ba ako?"tanong ni Baekhyun kay Chanyeol.
"Sure."
'For once, let me enjoy my life.'
