Work Text:
Glass walls, brights lights, tiled floor, and the voice of the woman that can be heard from the centralized speaker announcing flight details and other information.
Baekhyun removed his sunglasses. The ambiance. Hindi pa man tuluyang nakakalabas ng airport, ramdam na ramdam na ang kainitan. Tatlong taon na hindi niya nalanghap ang hangin ng Pilipinas, particularly Manila, at masasabi niya ngayon na kahit papaano, nakakamiss din pala.
Hindi niya kasi naramdaman ‘yon noong sinabihan siya ng mga magulang niyang kailangan kumpleto silang pamilya sa 30th wedding anniversary ng mga ito. Every decade kasi ay magarbo ang selebrasyon ng mga magulang niya para kung sakali raw na hindi na abutin ang mga ito ng golden wedding anniversary, nagawa pa ring makapag-celebrate nang hindi katulad kapag taon-taon.
Kung hindi lang niya mahal ang parents niya, hindi siya babalik at uuwi.
Para saan pa kasi? Maayos na ang buhay nila sa Australia. Pero siguro ganun talaga. May mga bagay at lugar na hindi mo maiiwasang balikan. He just wishes that unlike places and circumstances, he won’t encounter people from his past.
Naglakad na siya papunta sa baggage scanner to get their things dahil ang tagal ng mga kasama niya. Ang sabi CR lang saglit pero mukhang mga naglaro na naman. Parehong makulit. Magkasundong-magkasundo kasi.
“ Papa !” Hindi rin nagtagal ay may lumapit sa kanya at hinila ang dulo ng shirt na suot niya. Hindi niya na kailangan pang tingnan muna kung sino ‘yon dahil boses pa lang, kilalang-kilala na niya. Of course, it’s his son’s voice.
Nilingon niya ito and lightly pinches the chubby boy’s cheek. “Dohyunie, are you hungry?”
The little boy nods. “Yes po, papa. Where are we eating? Am I finally gonna taste Jabilee?”
He laughs. The accent can be heard laking Australia, eh, but still ang cute pa rin pakinggan kasi hindi pa gaanong straight magsalita ang anak niya. After all, he is only three years old.
“If that’s what you want then alright. I’ll bring you to Jollibee.”
“Yehey!” Dohyun claps his hands and it makes Baekhyun smile. Dohyun’s very precious. Sobrang inosente. It was not easy. His journey while carrying Dohyun for nine months but his sacrifices paid off as soon as he held Dohyun in his arms for the very first time. Right there and then, he told himself, he couldn’t ask for more.
Since nakayuko siya habang kausap ang anak, napasunod ang tingin niya rito nang biglang umangat ang bata dahil may bumuhat.
Mas lumapad ang ngiti niya. They both look cute. Konti na nga lang ay magiging magkamukha na dahil palaging magkasama. Mas madalas pa nga yata kaysa sila ni Dohyun. Mas close din sila. Nakakabitter at selos lang minsan kapag inaatake siya ng pagiging clingy sa anak but nonetheless, he is so thankful of this person carrying Dohyun right now for taking care not just his child but him also.
He considers himself lucky for meeting this man standing right in front of him and has a silly smile on his face while looking at his son so fondly. He can feel it. Mahal nito ang anak niya at ‘yun pa lang, sobrang thankful na niya.
“You want chicken joy, buddy?” Ang tanong nito sa anak niya.
Dohyun nods. “I am excited, Uncle Min. ”
The man ruffles Dohyun’s hair and says, “Alright. I’ll treat you chicken joy and peach mango pie. That’s my favorite. That’s one of the things I missed the most.” Pagkatapos ‘non, tiningnan siya nito nang hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa labi. Mas lumapad pa nga.
He rolls his eyes dahil sa sinabi nito. “Poging-pogi ka na naman sakin.”
“Feeling.” He says then he looks at the scanner again upang abangan ang mga gamit nila. He only hears Minhyun chuckles. Hindi na niya nakitang binaba nito si Dohyun na lumapit ulit sa kanya. Si Minhyun na ang kumuha ng mga gamit nila at nilagay sa cart.
“Thanks.” Ang sabi niya rito.
Nagsimula na silang maglakad. Tulak ni Minhyun ang cart habang magkahawak naman sila ng kamay ni Dohyun.
“Papa, I want pink mango pie! I want pink mango pie!”
Nagkatinginan sila ni Minhyun dahil don and they can’t help but to burst into laughter. Hindi na lang nila pinakita kay Dohyun kasi baka magtampo and it is not right to make fun of a child’s mistake. Dohyun’s cute tho.
He smiles at his son. “It’s peach, baby. Not pink.”
“Whatever color it has. Let’s eat now, please?”
He nods. “Alright but let me call Pops first, okay? They will be picking us up.”
“Is moma with him?”
“You’ll see moma at home.”
Dohyun cutely nods. Pops and Moma are Baekhyun’s parents. Ito ang tawag ni Dohyun sa lolo’t lola na never pang nameet at through video chat lang nakausap at nakilala but despite that, sobrang close ng bata sa mga ito at mahal na mahal si Dohyun.
Nakalabas na sila. Baekhyun is calling his dad na may katagalan bago sumagot. Minhyun is leaning against the car habang naghihintay lang din at palingon-lingon sa paligid. Kung matagal na hindi nakabalik si Baekhyun sa Pilipinas, mas lalo ito. Isang dekada na yata.doon. Sa Australia na kasi ito nag-high school hanggang sa makatapos. His whole family migrated kaya nga ngayong sumama ito kay Baekhyun sa Pilipinas, as per Mama Byun’s request na rin dahil nakilala na nga si Minhyun kahit ngayon palang mamimeet, sa mga Byun dito ito tutuloy. Si Baekhyun at mga parents naman nito ang nag-offer. The guest room.is free for Minhyun to occupy. Hindi rin naman kasi nito iniwan si Baekhyun. Malaki ang utang na loob niya rito. Minhyun had seen him in his most vulnerable state and up until now that he has moved on and is happy with his life now with Dohyun.
Minhyun became Baekhyun’s best friend. Nakakatawa lang kasi sa Australia, pinagkakamalan silang pamilya. Paano ba naman. Ang mga pangalan ay lahat may Hyun at sa lahat kasi ng importanteng event sa buhay ni Dohyun, andon ito.
The first time Dohyun crawled, walked, said “papa”, Dohyun’s first Christmas, New Year, and birthday. And Minhyun promised na present din ito once Dohyun enters school. Balak na itong ipasok ni Baekhyun sa susunod na school year. Apat na taon naman na si Dohyun ‘non.
Busy si Baekhyun sa pag-abang sa sasakyan na dala ng papa niya kaya hindi niya naintindihan nang magsalita si Dohyun. Namalayan niya na lang na wala na ito sa tabi niya nang matanaw na niya si Papa Byun.
“Si Dohyun?” Kinakabahang tanong niya kay Minhyun na kunot ang noo. Sila ang magkatabi. Bakit dito hinahanap?
“Diba nandyan sayo?” Ang naging sagot nito at halos maiyak si Baekhyun.
No, ang baby niya!
Nakita na rin siya ng tatay niya kaya nilapitan siya nito at yayakapin sana nang makita ang takot at pag-aalala sa mga mata niya.
“Anong nangyari?” Ang tanong nito.
“Si Dohyun po, nawawala. ”
Dali-dali silang nagpatulong sa mga security guard at agad nireport sa loob. Na-aanounce na sa buong airline na may nawawalang batang nagngangalang Dohyun Byun. Dinescribe din ang suot at hitsura nito
Nababalot na si Baekhyun ng kaba at pilit siyang pinakakalma ni Minhyun. Gusto man siyang pagalitan ni Papa Byun dahil bakit hindi niya hinawakan ang anak niya, hindi na lang ito nagsalita dahil ito ang una nilang pagkikita after three years at isa pa, hindi makakatulong dahil sobrang nag-aalala na nga siya.
Mabuti na lang at walang nangyaring masama kay Dohyun. Nakita nila itong tumatakbo palapit. Kaagad lumayo si Baekhyun kay Minhyun at tinakbo rin ang anak para sa isang mahigpit na yakap.
“Where have you been? I was so worried.” Naiiyak niyang sabi. “I told you not to wander and stick with papa, right?”
Tumango ang bata. Humiwalay sila sa yakap at humaba ang nguso nito. Kuhang-kuha ang ugali niyang ‘yon. “Sorry, papa. Hyunhyun won’t do it again.”
Ngumiti siya rito and caresses the boy’s cheek. Hyunhyun ang tawag niya rito kapag nilalambing. Kasunod lang nila sina Minhyun at Papa Byun na mga nakahinga na rin nang maluwag. Nilapitan ni Papa Byun ang apo at binuhat. Nagyakap sila. Tumayo na si Baekhyun mula sa pagkakacrouch para maging kapantay niya si Dohyun kanina at hinarap ang ama’t anak nang may tumawag sa kanya mula sa likuran niya and he swore to himself na halos huminto ang paghinga niya dahil sa boses na narinig.
No.
Para siyang tinakasan ng kaluluwa nang harapin niya ang taong ‘yon at maski si Papa Byun ay gulat. Nananatili namang clueless si Dohyun habang si Minhyun ay narecognize din ito. He knows Baekhyun’s story at ipinakita ng huli ang picture nito.
“Baek…” Halatang gulat na gulat ‘yung lalaking tumawag sa kanya. Hindi siya makapagsalita. Siya rin, gulat. Hindi sinasadyang dumako ang mga mata niya sa kamay nito at nakita niya ang isang singsing na nakasuot sa daliri.
Probably it’s their wedding band.
Dahil wala siyang kibo, tiningnan na lang nito si Dohyun at nagbigay galang sa papa niya.
“Tito.”
Hindi naman bastos si Papa Byun. Tumango ito.
“Baek…” pagbanggit muli nito ng pangalan niya. “Nakabalik ka na pala.”
Gusto niya itong layasan, ayaw niyang pansinin, gusto niyang magpanggap na hindi niya ito kilala para kagaya ng ginawa sa kanya, magmukha ring tanga pero hindi niya ginawa dahil alam niyang kapag ginawa niya ‘yon, iisipin lang nito na hindi pa siya nakakamove on when it is the total opposite.
Tumango siya. Halatang hindi rin nito ineexpect na sasagot siya. “Yeah.”
Hindi ito nakasagot. Halatang maraming gustong sabihin pero hindi alam kung ano ang uunahin. Dumako muli ang tingin nito sa direksyon ni Papa Byun pero this time ay kay Dohyun ang bagsak ng mga mata.
Nagkatinginan ito at ang anak niya.
Baekhyun clenches his fist. Nakaramdam siya ng kaba lalo pa nang magtanong si Dohyun. “Pops, you know him? Who is he?” na hindi nasagot ni Papa Byun dahil alam nitong wala ni sino, bukod kay Baekhyun, ang nasa posisyon upang sagutin ang tanong na ‘yon.
“A…” Baekhyun gulps the lump in his throat, still clenching his fist, he feels Minhyun holding his hand. Napatingin siya rito kaya naagaw din nito ang atensyon ng lalaki sa harap nila.
Kitang-kita ni Minhyun ang struggle niyang magsalita kaya naman ito na ang gumawa para sa kanya. Minhyun knows what he wants to say.
“A friend. He is papa’s friend, son.” Ang sagot nito kay Dohyun. Nagulat siya dahil tinawag nitong anak si Dohyun pero hindi ibig sabihin ‘non ay nagalit siya. Kung tutuusin ay nagpapasalamat pa nga siya. Minhyun saved him.
Bakas naman sa mukha nito ang gulat dahil sa narinig. Ayaw na niyang humaba ang usapan at magtanong pa ito. Wala siyang pakialam kung ano man ang iniisip nito at sa totoo lang kasi ay hindi niya mabasa ang reaksyon, gulat lang ang tanging malinaw, kaya nagsalita na siya.
“We have to go. Excuse us.” Tapos ‘non ay binitawan niya ang kamay ni Minhyun at kinuha si Dohyun sa tatay niya saka tinignan si Minhyun sabay sabing, “Let’s go, babe.” saka mabilis na naglakad palayo. Sumunod si Minhyun na tulak ang cart at dinaanan na lang din ito ni Papa Byun.
Tahimik lang si Baekhyun hanggang sa makarating sa kotse. Sina Minhyun at Papa Byun na ang naglagay ng mga bagahe dahil dumiretso siya agad sa loob. Mahigpit ang yakap niya kay Dohyun na nagtatanong pa rin tungkol sa friend niya.
Tinitigan niya ang mukha ng anak. Nakasakay na rin si Papa Byun na tiningnan siya mula sa rearview mirror at sumunod si Minhyun na tumabi rito sa harap. Walang nagsalita. Tanging boses lang ni Dohyun ang naririnig kasabay ng mahinang ugong ng aircon sa loob ng sasakyan at ang malbong ingay mula sa makina at labas dahil pinaandar na ito ni Papa Byun.
“Come on, pa.. Tell me! What’s the name of your friend? He’s so tall. When I grow up, I wanna be like him! I want to be as tall as a tree, too. Taller than my friends so that I could protect them from bad people and also you. I want to protect you, papa. ”
Gulat pa rin sa nangyari ilang minuto ang lumipas, hindi maiwasan ni Baekhyun na makaramdam ng kirot sa dibdib habang kalong ang anak. Sila lang dalawa sa backseat pero kung umasta siya ay parang may kukuha rito.
Pinagmasdan niya si Dohyun bago sabihin, “You can protect papa even if you’re going to be as tall as a tree. Tall people don’t always protect people, Dohyun.” Nakikinig lang ang dalawa sa harap at nagkakatinginan. “Sometimes they hurt people, too. I don’t want you to be like him. There are many other people you can look up to. Just not him, anak. ”
Naiintindihan ni Dohyun ang salitang “anak.” Tinuturuan niya rin kasi ito ng Filipino language para alam nito.
Tumango naman ang bata pero sadyang curious ito at sobrang matanong. “Why not him, pa? Is he bad? I don’t think he is, papa. He helped me find you earlier.”
Nagulat pa si Baekhyun kasi akala niya ay nagkataon lang na nakita siya nito kanina. He didn’t know na ito ang nakakita sa anak niya. Wala rin kasi itong sinabi at pati na rin si Dohyun. Mabuti na lang at mas kamukha niya ang huli.
Hindi na lang niya sinagot ang tanong. Gusto niyang sabihing oo, masama ito kahit pa tumulong pero siguradong magtatanong ang anak niya kung bakit at ayaw na niyang magsinungaling. Ilang beses niya na ‘yon nagagawa rito. Lumalaki na si Dohyun. Hindi magtatagal ay mas lalawak na ang isip nito. Paano na lang niya ipapaliwanag ang mga bagay-bagay sa panahong maiintindihan na nito kung parang binuhay niya ang anak niya sa kasinungalingan? Pinoprotektahan niya lang ito, oo, pero hindi niya pa rin alam kung ano ang magiging opinyon ni Dohyun paglaki nito.
Pinasandal niya ito sa balikat niya at saka siya lumingon sa harap kung saan nakita niyang pinagmamasdan siya ni Minhyun. Naalala niya ‘yung kanina kaya he mouthed a “thanks” at the latter na sinagot nito ng isang tipid na ngiti.
Hindi na natuloy ‘yung plano nilang magpunta sa Jollibee dahil nawala na sa mood si Baekhyun kaya nagpadeliver na lang sila pagdating sa bahay. Tuwang tuwa si Mama Byun at hindi alam kung sino ang unang yayakapin. Kung si Baekhyun ba o Dohyun pero syempre hindi nagpatalo ‘yung bulinggit. Hinayaan na lang ni Baekhyun tapos saka siya lumapit sa ina. Gumaan-gaan ang pakiramdam niya matapos ‘non. Namiss niya ‘yon. Yakap ng isang ina. Pinakilala niya ulit sa personal si Minhyun dito na hindi niya nagawa sa papa niya kanina dahil nga nawala si Dohyun. Hindi naman iyon ang first time na makausap ni Minhyung ang parents niya kaya walang ilangan. Dumiretso silang lahat sa kusina kung saan nakahain ang niluto at hinanda ni Mama Byun at maya-maya lang ay dumating na ang inorder nila from Jollibee. Tuwang-tuwa si Dohyun at sinabing chicken joy na ang pinakapaborito sa lahat. Inasar tuloy ni Minhyun si Baekhyun na natalo ang fried chicken niya. Sumakay na lang siya at kunyareng nagtampu-tampuhan kay Dohyun. Alam naman niya kasi na pinagagaan lang ni Minhyun ang pakiramdam niya.
After late lunch, nagpaalam si Baekhyun na magpapahinga muna sila. Hinatid nila ni Dohyun si Minhyun sa guest room.
“Are you sure you’re gonna be alright?” Ang tanong nito sa kanya pagdating doon.
“Bakit ako ang tinatanong mo nyan? Of course, I will be. Bahay namin ‘to.” Ang sagot niya rito pero umiling si Minhyun. Hindi iyon ang ibig nitong sabihin. Kaagad naman niyang nakuha.
“Don’t worry about me. Kailangan ko lang ‘tong itulog. Okay na ako, diba? Matagal na.”
Tumango si Minhyun. If he says so.
Hinayaan na muna siya nitong dumiretso sa sariling kwarto. Nilinisan at pinalitan niya ng damit si Dohyun na parang hindi napapagod sa pagdaldal. Ani nito, ang ganda daw ng bahay nila. Ayaw na daw niyang bumalik sa Australia na kaagad naman niyang tinugunan ng, “We can’t. We’ll fly to Australia after Pops and Moma’s anniversary. We already talked about it, right?”
Hindi na sumagot pa si Dohyun na naglaro na lang at eventually nakatulog din nang buksan niya ang aircon kaya nang tumahimik ang paligid, napabuntong hininga siya at saka lang napagmasdan ang kwartong kinalakihan niya.
Hindi niya akalaing sasabihin niya ‘yon pero namiss niya ron.
Pagkatapos makapagpalit ng pangbahay na damit, tinabihan niya si Dohyun na ang himbing ng tulog. Yakap pa nito ang isa sa mga paborito niyang stuffed toy na naiwan niya sa Pilipinas nang umalis siya.
Sinuklay niya ang buhok ng anak at napatingin sa nunal nito sa gilid ng mukha at bandang tip ng ilong.
Pareho sila. Naisip niya. Dahil doon, muling namayagpag sa isip niya ang nangyari kanina. Pinagmasdan niya si Dohyun. He can never do to his child what his ex-boyfriend said to him when he told the latter that he was pregnant.
It had been four years. Baekhyun was in a happy relationship with Chanyeol. Kung may living proof man na totoo ang pagmamahal na walang hanggan at kapantay, pwedeng sila na ‘yon. Sila ‘yung tipong perfect couple at lahat ay wala ng ibang masasabi kundi sila ang endgame. Kumbaga noong naghiwalay sila, natanong na lang ng mga tao sa paligid nila, where did it go wrong?
Paano nga ba? Paano sasagutin ang bagay na ‘yon when even Baekhyun himself didn’t see it coming ?
Chanyeol and Baekhyun were high school sweethearts. First year high school nang maging magkaklase sila. Hindi naman sila kaagad naging close ‘non at hindi rin mabilis nagkagustuhan. Ni hindi nga sila close hanggang sa magkaroon ng groupings para sa isang project. Both very responsible and grade conscious, halos sila lang ang gumawa ng project given na mga pabuhat din ‘yung kasama nila. That’s how their friendship started kasi si Baekhyun ‘yung marant na tao at syempre, sino pa bang makakaintindi sa kanya kundi si Chanyeol lang din na kapareho lang ng nararanasan sa kanya. Napadalas ‘yung chat nila. May times pa na sila na lang ang nagmimeet pero dahil nga high school pa lang, hindi pa gaanong mabigat ang obligasyon sa school. Saglit lang nangyari ‘yon. Nang maipasa ang project bigla na lang din silang tumigil sa pagpapalitan ng messages at maski mag-usap, parang balik sa dating hindi magkakilala. Typical classmate na hindi mo kaclose.
Natapos ang academic year nang ganun lang until second year high school at hindi na sila magkaklase kasi every year ay nagshashuffle, except sa cream section kung saan pareho silan hindi kabilang. Matataas naman ang grades nila pero sadyang mahirap makapasok don. Kailangan talagang i-maintain at wala namang kaso sa kanila ‘yon. They’re not in school for competition. It’s all about learning and at the same time, having fun. High school. Iyan kaya ang pinakamasaya para sa karamihan.
Turned out, Chanyeol’s best friends, Sehun and Jongin, were Baekhyun’s classmates kaya napadalas ang punta nito sa classroom nila. Naging tambayan nito kumbaga lalo na kapag free time. There was this academic quarter, 2nd, ang seating arrangement ay nasa tabi ni Baekhyun itong si Sehun. Sa tabi siya ng pader. Masarap sandalan ‘yon kaya minsan kapag nauuna si Chanyeol sa kanya sa umaga, madadatnan niya itong nakaupo ron sa pwesto niya. Noong unang beses, nahiya pa siyang paalisin kaya nilapag niya na lang muna ‘yung gamit niya tapos ay lumabas. When Chanyeol called him at sinabing sorry, pwede na siyang umupo sa pwesto niya, lumabas pa rin siya and told the latter na pupuntahan niya sa ibang section ang best friend niyang si Jongdae. Noong sumunod, umaalis na si Chanyeol sa tuwing nakikita siyang papasok sa pintuan hanggang sa tumagal ay kahit wala pa si Sehun, nagpupunta ito sa section nila pero hindi na sa pwesto niya umuupo kundi doon na kay Sehun.
One morning, Chanyeol was bored at kararating niya lang. Napapadalas na ‘non na late si Sehun. Syempre, second quarter na. First quarter lang naman masipag, eh. Ayun, kinausap siya ni Chanyeol at kinamusta. Actually, he was surprised na kilala pa siya nito. Hindi naman sa malabong mangyari ‘yon pero bigla na lang kasi silang umasta na walang pinagsamahan kahit sobrang saglit lang after ng project nila noong first year.
“Dami bang pabuhat dito sa section niyo ngayon o mas grabe ‘yung atin last year?” Chanyeol asked after he answered “Okay lang.” sa pangangamusta nito.
Natawa siya sa tanong. “Wala pang group. Let’s see.”
That morning, medyo napahaba ‘yung kwentuhan lalo pa’t sinabihan kasi ni Chanyeol na makulit katabi si Sehun na sinang-ayunan ni Baekhyun at sinabing oo, maingay nga ang kaibigan nito.
After that day, binabati na siya ni Chanyeol sa tuwing nakikita siya nito at nginingitian na niya.
It was never a secret crush until dumating ang fourth quarter at nag-fieldtrip. Sa tuwing field trip kasi, magkahiwalay ang bus ng boys and girls kaya naman puro lalaki sila ron at nagkataon na magkasama ang section courage and fortitude sa iisang bus. Baekhyun belonged to the latter. Walang seating arrangement doon kaya they are free to sit with anyone. Boys being boys, nag-aagawan ang lahat sa likuran kasi bukod sa malaki ‘yung space doon, malayo pa sa teacher na bantay. Eventually, ang nagtagumpay sa pwesto ay ang tropa ni Chanyeol. Pag kumpleto kasi ay pito sila. Lima ‘yung nasa pinakadulo at may dalawa sa nasa harapan lang noong mahabang upuan. Sa tapat nung dalawang andon sa left side ay may tatluhang upuan where Baekhyun, together with his friends, Jongdae and Kyungsoo, were seated.
Nagkakantahan ang tropa nila Chanyeol at nakisabay si Jongdae na malapit sa aisle. Nasa gitna si Baekhyun while Kyungsoo was beside the window.
Sobrang friendly kasi ni Jongdae kaya lahat ay nakakasundo nito. Ayos lang naman sa tropa nila Chanyeol kasi nagustuhan din nila ‘yung boses nito hanggang sa pinagmalaki ni Jongdae na tatlo silang magkakaibigan na magagaling kumanta. Knowing na hindi nito mapipilit si Kyungsoo, siya tuloy ang napagdiskitahan ni Jongdae when Chanyeol’s squad cheered for “sample.”
“Ayoko nga!” Ang sagot niya, naririnig siya nila Chanyeol.
“Sus, Baekhyun.” Ang sabi naman ni Sehun. Medyo close sila kasi nga seatmates. Kahit kay Jongin ay comfortable siya. Mababait naman kasi ‘yang dalawa. Hindi na niya kilala ‘yung iba sa tropa nila Chanyeol bukod sa pangalan ng mga ito kasi Facebook friends. They were Yixing, Junmyeon, Minseok, and Ravi. “Dali na. Nung nagpakanta si Sir sa MAPEH, kumanta ka.”
“Graded ‘yon, Sehun. Huwag kang ano.” Ang naging sagot niya rito.
“Gusto mo may kapalit? Sige, bibigyan ka ni Chanyeol ng pagkain.”
“Bakit ako?” Rinig naman niyang sabi nito.
“Alam mong hindi ko gagawin ‘yon. Kulang pa nga sakin ‘yung baon ko.” Nagtawanan tuloy sila. Even Kyungsoo na nananahimik. Loko kasi. Pero kahit sinabi yon, ayaw pa rin ni Baekhyun hanggang sa nagstrum si Chanyeol. May dala kasi itong ukulele.
Tumalon ang puso ni Baekhyun kasi that’s his favorite song at niyugyog siya ni Jongdae bago binuking.
“Favorite niya ‘yan! Favorite niya ‘yan!” Excited at hype na hype na sabi nito. “Ano? Aayaw ka pa?”
Ilang tao na ‘yung nag-cheer sa kanya at ayaw naman niyang masabihang KJ at maganda naman ‘yung kanta, master niya na rin kaya kinalaunan ay pinagbigyan na niya sila.
Kumanta siya habang tumutugtog si Chanyeol. It is Flashlight by Jessie J.
Everyone applauded him. Hindi niya namalayang halos lahat pala sa bus ay nakinig na sa kanya even teachers kaya nahiya siya hanggang sa napatingin siya kay Chanyeol na nakangiti sa kanya.
Hindi niya alam kung dahil ba attracted siya rito noong araw na ‘yon, kasi musically inclined people ang isa sa mga weakness niya, o sadyang pareho lang sila ni Chanyeol ng naramdaman noong araw na ‘yon. Iba ang mga tingin nito sa kanya.
Naging magkakasama silang sampu sa kahit saan noong fieldtrip na ‘yon. Masayang kasama sila Chanyeol. Ang dami nilang pictures na parang isang tropa at napanindigan naman ‘yon after that day dahil makailang beses na sabay-sabay silang kumain sa cafeteria, nagkayayaang gumala, at magkakasama noong christmas party.
They became a squad na nadala nila hanggang fourth year high school. Yun din ‘yung taon na umamin si Chanyeol kay Baekhyun para sa nararamdaman dito. It just happened, ‘yung magustuhan siya nito. Sa isang malaking barkada, hindi talaga mawawala at maiiwasan ‘yung ganun. Meron at merong magkakagustuhan at sa tropa nila, sina Chanyeol at Baekhyun ‘yon.
It was during their barkada’s own celebration after high school graduation. They went out of town for swimming. Pinayagan silang lahat kasi safe naman ‘yung pupuntahang resort. It was owned by Chanyeol’s family. Oo, ganun ito kayaman. Gabi ‘non. Kadalasan kapag ganun, maghahanda ng surprise kung saan kasabwat ang lahat but Chanyeol didn’t do that. Instead, tinawag nito si Baekhyun. Kunyare may sasabihin lang pero ayun pala magcoconfess na. Silang dalawa lang. Kabado pero tinuloy pa rin and that’s one of the things that made him capture Baekhyun’s heart.
Chanyeol didn’t put him to pressure that night.
Pagkatapos ‘non, nagsimula itong manligaw. They spent their summer vacation being all lovey dovey yet not official. First year college nang sagutin ito ni Baekhyun and Chanyeol was the happiest that day.
It was perfect. Typical first stage of relationship. The kilig and butterflies were there. Dagdag pang tanggap na tanggap sila sa pamilya ng isa’t-isa. Having someone you love by your side while at the same time working to reach your life goals was only just a dream until they found each other. Ginawa nilang motivation at inspirasyon ang isa’t-isa kaya maayos nilang natapos ang freshmen year.
Second year college nang magsimula na ‘yung mabibigat na academic responsibilities dahil halos puro minor lang noong first year pero hindi naging hadlang ‘yon para sa kanilang dalawa. Pareho silang nag-aadjust, kung sino ang may free time, ito ang dadalaw para makapagkita sila. Hindi naman araw-araw kaya nga kapag magkasama ay sinusulit talaga. Ang isa’t-isa ang nagsilbing pahinga nila.
When Chanyeol's birthday came, Baekhyun gave him something na hindi mapapantayan ng kahit anong bagay. Love. That was the first time they made love. Both of them were the happiest that night that they didn’t expect it would also be the last time they’re going to experience blithe.
Kinabukasan na kinabukasan pag-uwi ni Chanyeol from the nearest branch of their resort kung saan sila nag-celebrate, nakatanggap ito ng isang hindi magandang balita. Their business was on the verge of bankruptcy. Walang kaalam-alam si Chanyeol kahit na ilang buwan na palang nangyayari ‘yon kasi bukod sa busy sa pag-aaral, hindi rin talaga ‘yon mahahalata dahil pilit itinago ng parents nito. Pilit sinasalba ng mga Park hanggang sa wala ng choice kundi sabihin dito sa huli dahil hindi na kaya.
Kinagabihan, Chanyeol told everything to Baekhyun. Nakinig lang siya habang pinararamdam kay Chanyeol na hindi ito nag-iisa. Hindi man siya Park, wala man siyang magagawa dahil wala namang sapat na pera ang pamilya niya upang matulungan sila Chanyeol, ‘yung alam ng huli na nasa tabi lang siya nito ay sobra-sobra na.
Kaya lang hindi ganun ang takbo ng negosyo at isip ng mga negosyante. Chanyeol was different from his parents. Isang hapon pag-uwi nito galing university, they were talking sa phone, may earphones na nakasalpak sa tenga ni Chanyeol na hindi napansin ng nanay nito dahil sa dami ng iniisip, agad-agad binagsak ang masamang balita sa anak at narinig ‘yon ni Baekhyun.
“Remember Jinah? Yung anak ng isa sa mga investors natin?” Hindi pa nakakasagot si Chanyeol, dire-diretso nang nagsalita ang ina nito. “Her family is willing to save our business but in one condition, Chanyeol. You have to marry her.”
Syempre noong una, hindi pumayag si Chanyeol. Umiiyak si Baekhyun nang ituloy nila ang usapan noong gabing ‘yon na nasa kwarto na ito at sinabing hinding-hindi siya iiwan, na hinding-hindi papayag si Chanyeol sa gustong mangyari ng parents niya.
For months, naging buo ang loob ni Chanyeol na hindi ito magpapakasal. Isa pa, nag-aaral pa ito at kahit pa raw tapos na, kung hindi lang din naman kay Baekhyun ay huwag na. Ayaw ni Baekhyun ‘yung idea na sinusuway ni Chanyeol ang parents nito pero paano naman siya? Paano naman ‘yung sila? Kaya kahit mahirap, nanindigan din siya. Ipaglalaban nila ‘yung kanila.
Kaya lang hindi pala ganun kadali ‘yon. Lalo na when Chanyeol’s mom came to talk to her son at ipinaliwanag ang lahat. Ayaw man din daw nitong pilitin si Chanyeol, walang ibang choice dahil kung hindi, mawawala ang lahat ng pinaghirapan nila. Mahirap para rito na makitang umiiyak at nagmamakaawa ang sariling ina kaya noong araw na ‘yon, walang ibang nagawa si Chanyeol, labag man sa loob, kundi pumayag.
“Ano? Paano ako? Paano tayo?” Punong-puno ng luha ang mga mata ni Baekhyun nang sabihin ni Chanyeol ang naging desisyon ilang araw pagkatapos itong kausapin ng ina.
Sobrang hirap. Kung kaya lang na huwag nang mamili pero hindi ganun ‘yon. Laging kailangan may magsasakripisyo.
“Akala ko ba hindi mo ako iiwan? Diba sinabi mo ‘yon? Nangako ka.”
“Believe me, Baekhyun, ayoko. Pero paano rin naman ‘yung pamilya ko? Araw-araw dinadalangin ko na sana panaginip na lang lahat ‘to pero hindi, eh. Gabi-gabi na lang umiiyak si mommy at hindi ako makatulog sa tuwing naiisip ko na may magagawa ako para mapatahan ‘yung nanay ko pero pinipili kong hindi kumilos at magdesisyon kasi meron ka, kasi nandyan ka, kasi mahal kita. ”
“But you don’t love me enough to choose me, to choose us. ”
Tanging yuko ang naisagot ni Chanyeol. Naiintindihan niya, sobrang naiintindihan ni Baekhyun. Pamilya na ‘yung kalaban niya, eh, pero kasi paano naman siya? Paano naman ‘yung kanila?
“At nakapagdesisyon ka na.” Dugtong pa niya. Hindi sila kasama sa desisyon na ‘yon. Ang tanging hiling niya lang ay magbago ‘yon sa oras na sabihin niya kay Chanyeol.
“Buntis ako.” Nanghihina niyang sabi na nakapagpatigil kay Chanyeol. Namuo ‘yung kaunti niyang pag-asa dahil kahit gulat ito ay nakita niya sa mga matang mahal na mahal siya ni Chanyeol pero kaagad din siyang nabigo lalo pa’t hindi niya inaasahan ang mga salitang narinig mula rito.
Para siyang sinaksak nang paulit-ulit. Sana nga ganun na lang.
“Get rid of it.” Halos hindi siya makagalaw. Parang biglang hindi niya kilala ang taong kaharap niya. The baby was made out of love. Maaaring hindi nakaplano pero punong-puno ng pagmamahal ang gabing ‘yon. Nanghihina siya. “Ayokong madisappoint ang parents ko, Baekhyun. Ayokong maging dahilan ng pagbagsak ng matagal na nilang pinaghirapan. Sigurado ring sisisihin ka nila at ang bata. Ayoko lang mangyari ‘yon.”
Pero kahit anong paliwanag ang gawin nito kung bakit nasabi ang bagay na ‘yon, sarado na ang isip ni Baekhyun. Sobra siyang nasaktan pero mas nangingibabaw ang galit. How could Chanyeol say that?
Pinanghihinaan man ng loob at sobrang nadudurog ang puso, ginawa ni Baekhyun ang lahat ng makakaya. “Sige, kung ‘yan ang gusto mo.” Ang sabi niya rito saka tumalikod at umalis.
Hindi niya alam kung saan pupunta noong gabing ‘yon. Ayaw niyang umuwi, ayaw niyang magtanong ang mga magulang niya dahil wala siyang lakas upang magpaliwanag at baka puntahan pa ng papa niya si Chanyeol noong gabing din ‘yon mismo. Ayaw na niya ng gulo. Sapat na ‘yung mga narinig niya mula rito upang tuluyan niyang iwanan si Chanyeol.
Hindi iyon ang Chanyeol na minahal niya.
Kaya imbes na umuwi, nagpalipas siya ng gabi sa dorm ng mga kaibigang sina Kyungsoo at Jongdae. Nakisiksik siya ron kahit pa sakto lang sa dalawang tao at buong puso naman siyang tinanggap ng dalawa.
Doon, kinwento niya lahat habang nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha. Nagulat pa nga ‘yung dalawa kasi nag-aaral pa sila pero wala nang magagawa kasi andyan na ‘yan. Nagalit din ang mga ito kay Chanyeol at hindi niya sila masisisi. Kahit sino ayun ang mararamdaman.
Mas ayos pa kung sinabi na lang ni Chanyeol na hindi niya kayang panagutan ang bata kaysa sabihin ang bagay na kahit isipin man lang ay hindi magawa ni Baekhyun.
He won’t get rid of his baby. Wala itong kasalanan.
Magmula ng araw na ‘yon, itinatak niya sa isip niya na kanya lang ang bata at wala ng iba. Tinanggalan ni Chanyeol ang sarili ng karapatan upang maging ama at magulang noong oras na sinabi nitong ipalaglag ang bata.
Walang kasalanan ang anak niya. Kung ayaw ni Chanyeol, siya ang bubuhay rito kaya naman kahit mahirap naglakas loob na rin siyang sabihin sa mga magulang niya. Nagalit din ang mga ito, hindi lang kay Chanyeol kung hindi sa kanya. Nag-aaral pa siya pero wala nang magagawa ang mga ito at sinabi naman niyang patutunayan niyang kakayanin niyang mag-isa, na hindi siya magiging pabigat. Itutuloy niya pa rin ang pag-aaral niya at para tuluyang makalimutan si Chanyeol, desidido na siya, pinili niyang manirahan sa ibang bansa.
May bahay sila ron.
Wala na ring nagawa ang mga magulang niya kaya para makampante na lang din, sinamahan siya ng mama niya pero hindi rin ito nagtagal doon dahil hindi pwede. Ang sabi naman niya, kaya niya kaya pinatingnan na lang siya sa kaibigan nito at doon niya nameet si Minhyun. Common friend ng kaibigan ng mama niya ang parents nito.
Sobrang laki ng pasasalamat niya sa pagdating nito sa buhay niya. He wouldn’t survive college and his pregnancy without Minhyun.
Marami at masakit man ang pinagdaanan, hindi pinaramdam ni Minhyun na nag-iisa siya. Madalas umiiyak siya dahil namimiss niya ang mga magulang niya, mga kaibigan niya, at ayaw man niya sana kaya nagagalit na lang siya sa sarili niya pero kabilang si Chanyeol sa mga iniisip niyang naiwan sa Pilipinas.
Kamusta na kaya ito? Naisalba kaya ang business? Sana, kahit iyon na lang dahil parang nabalewala ang lahat ng sakit na dinanas niya kung walang pinatunguhan ang mga naging desisyon nila.
Ginusto niyang magtanong sa mga kaibigan niya pero sa tuwing nagbabalak siya, parang nababasa ng mga ito ang isip niya at sinasabing huwag na siyang magtangka pa. Galit na galit pa rin sina Jongdae at Kyungsoo hanggang sa unti-unti, nasanay siyang walang Chanyeol, at noong ipinanganak niya si Dohyun, nasabi niya sa sarili niyang tama ang mga naging desisyon niya sa buhay.
Magmula ‘non, wala ng iba pang mas mahalaga para kay Baekhyun. It’s just him and his son.
Nang makapanganak, tinapos niya ang pag-aaral at hindi niya nagawang magpahinga. Ayaw rin niya kahit pa may natatanggap siya mula sa mga magulang niya. Hindi na siya tumanggap ng kahit magkano nang makagraduate siya. Pinatunayan niya ‘yung sinabi niyang hindi sila magiging pabigat ni Dohyun. Nagsikap siya upang buhayin ang anak niya na walang tulong galing sa iba. Hindi naging madali pero malakas si Baekhyun at sa huli ay nagawa niya.
Hindi natapos ang ikot at takbo ng buhay niya nang mawala rito si Chanyeol. Nasabi pa nga ni Kyungsoo, “Good riddance.” Nang makita kung gaano kaayos ang lagay niya at ni Dohyun.
Nagawa niya ‘yon sang-ayunan. Mag-isa man siya, nagawa niyang punan ang pagmamahal ng dalawang magulang. Hindi nila kailangan si Chanyeol.
“Dohyun, don’t run!” Paalala niya sa anak. Nasa isa silang resort ngayon kung saan gaganapin ang wedding anniversary ng parents niya. Kararating lang nila at kitang-kita na kaagad ang galak kay Dohyun. Nagtatakbo agad ito na sinundan naman ni Minhyun pagkatapos sabihin sa kanyang, “Ako nang bahala. Huwag mo nang pagalitan.”
Protective talaga si Minhyun sa anak niya kaya nga minsan ay hindi niya maiwasang pagalitan din ito whenever he is scolding Dohyun. Iniispoil kasi nito.
“Oo nga naman. Nag-eenjoy lang ‘yung bata. Ikaw ha? Para kang si mama.”
Napatingin siya sa nagsalita at halos mapatalon siya. Isang linggo na kasi magmula nang makauwi sila ng Pilipinas pero tanging mama at papa niya pa lang ang nakikita nila. Hindi naman sa walang nakakaalam. Wala naman siyang rason para magtago sa kahit sino. In fact, sinabihan na nga niya ang mga kaibigan niyang naiwan niya noong umalis siya at napagkasunduan nilang magkita-kitang tatlo after na lang ng wedding anniversary ng parents niya. Sobrang excited na ng mga ito mameet si Dohyun at syempre, si Minhyun na nakilala at naging close nila eventually kahit pa thru video chat lang nakakausap dahil palagi nilang kasama ni Dohyun.
Jongdae being the ever malisyoso, tinanong kung magjowa na ba sila at kung hindi pa raw ay sagutin na niya dahil mukhang handa naman daw magpakatatay sa anak niya. Lokong ‘yon, ni hindi nga nanliligaw si Minhyun at kung sakali ay tingin niya hindi niya rin naman magagawang makipagrelasyon dito.
Not because Minhyun is unlikeable. He is. Kaya lang wala ito sa isip ni Baekhyun sa ngayon at hindi niya alam kung makakaramdam pa ba siya ulit. Basta ngayon, isa lang ang tanging sigurado at iyon ay ang wala siyang ibang kailangan kung hindi si Dohyun lang.
“Kuya!” Niyakap niya ang panganay na kapatid. Katulad niya ay may pamilya na rin ito. Dalawa na ‘yung pamangkin niya. Yung bunso ay ngayon lang niya mamimeet at mas matanda lang dito si Dohyun ng isang taon.
“I missed you, bunso.” Ang sabi nito.
Para namang bigla siyang naging emosyonal dahil hindi niya ‘yon madalas marinig mula sa kapatid niya. Dadalawa lang sila pero syempre, typical siblings, puro bangayan lang pero kahit ganun ay ramdam niyang mahal na mahal siya ng kuya niya lalo pa’t isa ito sa mga taong nanindigan sa kanya. Kung hindi nga lang siya nagmakaawa noon na ayaw niya na ng gulo, susugurin talaga nito si Chanyeol but enough of the latter kasi hindi naman ito importante.
“Ako rin.”
Baekbeom ruffled his hair, parang noon lang. “Ibang-iba ka na ah? Dati isa ka lang sa mga nakikitakbo tulad ni Dohyun pero ngayon kung umasta ka para kang si mama.” Natawa siya. Oo nga, nagmature na siya. Kahit siya ay napansin ‘yon.
“Ganun yata talaga.”
Tumango si Baekbeom. “At proud ako sayo.”
Iniiwasang magkaiyakan sila, umiling na lang siya. “Ewan ko sayo, kuya. Asan na ba ‘yung bunso mo? Dali, gusto kong makita. Finally may makakalaro na si Dohyun na kasing edad niya.”
Natawa ang kapatid niya. Kilala rin kasi nito si Minhyun at alam nito na kasama sa sinasabi niyang sa wakas ay hindi na matandang may pagkaisip bata paminsan ang makakalaro ng anak niya. “Babalik pa ba kayo ron? Dumito na lang kayo.”
Naglakad silang dalawang magkapatid palapit sa mga magulang nila na kasama rin ang asawa ng kuya niya. Buhat nito ‘yung baby. “Nasa Australia ang buhay ni Dohyun, kuya. Alam mo naman ‘yon.”
“Eh, ikaw? Tuluyan ka na bang nakalipat don?” Alam niya ang nais nitong sabihin. Ramdam niya. Tipid niyang nginitian ang kuya niya. Kung dati makirot sa dibdib sa tuwing tinatanong siya ng bagay na katulad ‘non, ngayon nagagawa na niyang tumango nang walang pag-aalinlangan.
“Oo naman. Masaya na ako ron.”
Kaya bumuntong hininga na lang si Baekbeom nang sakto ring makalapit na sila sa pamilya nila. Masaya na siya, hindi na nito kailangang sabihin pa.
They are staying at the beach resort for four days and three nights. Ang magkapatid ang gumastos bilang regalo sa mga magulang nila. Kasalukuyan silang nagdidinner ngayon sa seashore. Magkakatabi ang tatlong bata na mga nagkasundo kaagad. Kids will always be kids. Walang ilangan. Ang dadaldal nilang lahat pero ang boses na nangingibabaw ay kay Dohyun na inaasar na manang-mana raw kay Baekhyun. Kanina nga ay pinakanta nila ito at naikumpara ang boses kay Baekhyun. Halos pareho kasi sila at sabi ni Papa Byun ay ipagpatuloy ‘yon ni Dohyun para mapractice at lumaki tulad ni Baekhyun.
Natuwa naman si Dohyun sabay sabing, “I want to be a singer, pops.” Na ikinagalak din ng matatanda. Proud na nangingiti lang si Baekhyun nang biglang magsalita ang asawa ng kuya niya at lahat sila ay natahimik.
“It’s better if you play instruments, too, like the guitar. You’d look good with it.”
Napansin ni Baekhyun na lahat ay nakatingin sa kanya including Minhyun kaya nagtanong siya. “Oh, bakit kayo mga ganyan makatingin?” Walang sumagot kaya napairap siya. He knows what they are thinking. “If that’s what my son wants, then I’d let him. Hindi lang naman siya ang marunong maggitara sa mundo.”
Muli ay walang nagsalita. Parang ewan talaga ang pamilya niya kung paminsan. Ipagpapatuloy na niya sana ang pagkain nang magsalita si Dohyun. “Papa, who’s siya are you talking about po? Does that siya know how to play the guitar? Can you ask that siya to teach me po?” Nakakaintindi si Dohyun ng tagalog at sa pagkakataon lang na ‘yon pinagsisihan ni Baekhyun na tinuruan niya ng native language ang anak niya. Hindi man ito nakakapagsalita, nakakaintindi naman. Marunong din ng po at opo.
Lahat ay umiwas ng tingin. Ibinaba ni Baekhyun ang tinidor na hawak. Even him was taken aback of his son’s question pero sanay na siya sa ganung mga klaseng tanong. Hindi naman iyon ang first time na magtanong si Dohyun na si Chanyeol o tungkol dito ang kasagutan. Mahilig kasi itong manood ng TV at syempre nakikita rin sa paligid. Dohyun once asked kung bakit isa lang ang papa nito samantalang ang iba kung hindi dalawa, may mama naman. Bakit daw ito si Baekhyun lang?
Ang palagi niyang sinasagot dito ay isang tanong din. “Why are you asking? Do you want to be with him instead of papa?” Syempre, bilang siya lang ang kilala ng anak niya, iiling ito at hindi na magtatanong pa.
Namaster at napaghandaan na ni Baekhyun kung paano sasagutin ang mga ganung tanong through the years. Walang-wala ang katanungan ni Dohyun ngayon kumpara sa mga ‘yon.
“That siya is gone, baby.” Ang sabi niya sa anak habang pinupunasan ang bibig nito. “I got rid of him.”
Nasamid pa nga si Baekbeom nang marinig ‘yon pero hindi na niya pinansin. Inosenteng nakatingin lang naman siya kay Dohyun. Mabuti na lang talaga na Dohyun is a little Baekhyun. Hindi niya nakikita si Chanyeol dito basta huwag lang usapang hilig dahil kapag ayun na, mas lamang ‘yung mga nakuha kay Chanyeol.
“Why po papa? Is siya bad?”
Gusto man niyang sabihing oo, ayaw niyang dumihan ang isip ng anak niya kaya hindi siya umoo. “It’s just that I don’t need him anymore.” Ang sabi niya. “Sige na, eat ka na.”
Tumango lang si Dohyun at nagpatuloy na sa pagkain. After ‘non, napatingin siya sa pamilya niya na mga mukhang nakahinga nang maluwag. Akala siguro ay mahihirapan siyang lagpasan ang katanungan na katulad ‘non.
Mabilis lang din silang kumain. Bukas pa naman kasi ang anniversary ng parents niya. Nagkayayaan nang magpahinga dahil bukod sa may mga kasamang matatanda, meron ding mga bata kaya hindi na rin talaga sila nagtagal pa sa labas lalo pa’t malamig at mahamog na.
Kasalukuyang kinukumutan ni Baekhyun si Dohyun na kaagad nakatulog pagkatapos mapaliguan dahil sa sobrang pagod sa paglalaro nang may kumatok sa villa nila.
“Sandali.” Ang sagot niya tapos ay hinalikan ang anak sa sentido dahil nakatagilid ito tapos ay tumayo na. Pagdating niya sa may pinto at nabuksan ‘yon, he saw Minhyun. Pinapasok niya ito.
“You can’t sleep?” Ang tanong niya rito.
“Parang ikaw lang?”
He smiles. “Maaga pa naman.”
Hindi sila lumalapit sa may bed kasi mabilis magising si Dohyun. Minhyun knows that.
“Gusto mong magpahangin?” Ang tanong nito sa kanya.
Tiningnan niya si Dohyun at nakitang mahimbing ang tulog nito. “Saglit.” Ang sabi niya kay Minhyun at saka kinuha ang spare phone na gamit niya for work at tinawagan ‘yon gamit ang personal phone niya.
Tinitingnan lang siya ni Minhyun. Alam na nito ang ginagawa niya. It’s an alternative for baby monitor para kung sakaling umiyak si Dohyun ay malalaman niya kahit pa nasa labas sila.
Nang matapos, inayos niya ang shirt na suot niya. “Let’s go?”
Lumabas na sila. Ang lamig pero mainit kung ikukumpara sa Australia kaya parang wala lang sa kanila ‘yung malakas na hangin.
Naglakad-lakad sila sa buhanginan. Malapit lang don ang villa nila na magkakatabi lang.
“Okay ka lang?” Ang tanong nito kaya napatingin siya rito.
“Bakit mo naman tinatanong ‘yan? Mukha bang hindi?”
Minhyun looks at him. Parehong hinahangin ang mga buhok nila. Nakapamulsa ito. “Wala lang. Baka kasi alam mo ‘yon… may bumalik din kasabay ng pag-uwi natin dito.”
That made him laugh. Minhyun rolls his eyes at him. Ganun talaga sila kaclose. Tiningnan niya ang karagatan. 8PM palang. May kakaunting tao pa sa labas bukod sa kanila.
“Were you expecting to see me as miserable as I was like when we first met?” Umiling siya. “I told you, I’ve moved on.”
“Hindi naman katulad nung una. Naisip ko lang na baka lang may manumbalik na alaala but seeing how you handle the situation with Dohyun kanina, naniniwala na ako. Okay ka na nga talaga.”
Siniko niya ang kaibigan. “So all this time hindi ka naniniwala and thought I was just pretending?!”
“No!” Mabilis na sagot ni Minhyun. “Not pretending at all. More like… alam mo ‘yon? Yung akala mo lang okay ka pero hindi pa pala talaga.”
Napangiti si Baekhyun. Sa totoo lang, yun din ‘yung isang kinatatakot niya bago sila umuwi pero katulad ni Minhyun, proud siya sa sarili niya. Hindi lang pala ‘yon sa layo at paglipas ng panahon. Totoo palang ayos na siya.
“Wala kang bilib sakin, eh.”
“Tampo ka nyan?” Pagbibiro nito na inirapan lang niya tapos ay nagtawanan sila.
They stayed there for several minutes more until he saw Minhyun yawning. Sanay pa rin kasi ito sa timezone ng Australia. Apektado kasi ng trabaho ‘yung oras ng tulog niya kaya unlike Minhyun kaya hindi pa siya inaantok tulad nito.
“Magpahinga ka na.”
“How about you?”
“Huwag mo na akong intindihin. Hindi naman ako mawawala.” Ang sabi niya rito. “Dyan lang din ‘yung villa. Maya-maya rin papasok na ako.”
Tumango si Minhyun at nagpaalam na sa kanya bago siya iwanan. Nagustuhan niya ‘yung presko sa labas kaya nagtagal pa siya ron hanggang sa naisip niyang bumalik na kasi maaga pa sila bukas.
Naglalakad siya nang may makasalubong siyang mga staff na sinusundan ang isang babae. Probably a guest din tulad nila. Nakatinginan niya ito kaya nginitian niya na lang. Nature na niya. Ngumiti naman pabalik ang babae na pagkalabas niya ay narinig niyang tinawag ng isang resort staff na “Miss Jinah.”
Saglit pa siyang natigilan dahil pamilyar ang pangalan pero hindi na niya inisip pa kung saan niya narinig. Sigurado siyang hindi naman ito ang nag-iisang Jinah sa mundo.
The next day tulad nga ng sabi ni Baekhyun, maaga sila. They did a lot of water activities pero syempre hindi kasama ang matatanda. KJ na. Sa boat lang ang mga ito when Minhyun and Baekbeom went down for scuba diving kung saan hindi na rin sumama si Baekhyun kasi bukod sa wala raw titingin kay Dohyun kahit pa nandun naman ang mga magulang niya, wala rin siyang hilig sa ganun.
Nakita ng mama niya kung paano niya inabot ang towel kay Minhyun pagkaahon kaya nilapitan siya nito nang makalayo sila sa lahat. Nasa dulo sila ng boat.
“Kayo ba ay may relasyon na nyan ni Minhyun?”
“Mama!” Parang bata siyang tumingin dito. Bakit ba lahat ng tao ayon ang tanong? “We’re just friends.”
Nagkibit balikat si Mama Byun. “Alam na alam ko ang ibig sabihin ng paraan kung paano ka niyang tingnan. Nakita ko na ‘yon noon, eh. ”
Napailing siya. “Kung nakita mo na pala noon, di ba mas lalo dapat na maging magkaibigan lang kami?”
Mama Byun fixes his hair. “Hindi na ba talaga mabubuksan ulit ‘yan? Gusto ko naman makita ka ulit na masaya.”
“Mama..” Hindi na tulad kanina, malambing na ngayon. Inakbayan niya ito. “Masaya naman ako, eh.”
Tiningala siya nito. Hindi gaanong malayo ang agwat ng taas niya rito. “Pero may kulang.”
Ngumiti lang siya. Palagi ‘yan sinasabi ng mga taong kilala siya kahit through chat lang siya nakikita. Madalas niya ‘yan marinig mula kay Kyungsoo pero hindi siya sang-ayon kasi iba ‘yung nakikita nila sa nararamdaman niya. Alam niya, kuntento na siya.
“Wala na po. Basta ba andyan si Dohyun. Si Dohyun lang ang kailangan ko, ma.”
Naramdaman niyang hinawakan ng mama niya ang kamay niyang nasa balikat nito. “Basta kung dumating man ang araw na mabubuksan muli ang puso mo para sa ibang tao, sana huwag mong pigilan. Huwag kang makulong sa takot na baka maulit ‘yung nangyari dati dahil alam ko, deserve mong sumaya, anak. Sobra-sobra ang sakripisyo mo.”
Hindi na lang siya nagsalita dahil naging emosyonal na siya sa mga narinig mula rito kaya hinalikan na lang niya ang ina sa noo.
Pagkatapos ‘non, nawala na rin naman ‘yung bigat sa dibdib niyang hindi niya alam kung saan galing dahil tinawag siya ni Dohyun. May kakaiba talagang nagagawa ang anak. Natapos na naman ang isang araw na pagod ang lahat. Tulog na nga si Dohyun pagsapit ng dinner. Hindi na ito nakakain kaya sabi niya ay hindi na rin siya sasabay at magpapahatid na lang ng pagkain sa villa niya.
Hinatid sila ni Minhyun sa kwarto. Ito ang may buhat kay Dohyun. Napangiti pa siya nang makitang hinalikan nito ang anak niya sa noo. Mahal na mahal talaga ang huli.
“Dito na lang din kaya ako kumain?”
“If you want.”
“Kaso..” Napakamot si Minhyun. “Sabi pala ni tito balik ako. Sige na, dun na pala.”
Natawa siya habang hinahatid ito labas. “Para kang napipilitan. Isusumbong kita kay papa.”
“Hindi ‘no! Nagpapalakas nga ako.”
Tumaas ang kilay niya. “At bakit?”
Nasa labas na si Minhyun ngayon. Nakaharap ito sa kanya. He crossed his arms.
“Wala lang. Para hindi ako mapalayas sa bahay niyo. Baka mainis sakin tapos buhatin ako palabas, eh.”
Umirap si Baekhyun. “Ako ang magtatapon sayo kapag may kalokohang tumatakbo dyan sa isip mo.”
“Wala ‘no.” Minhyun says. “Sige na nga. Babalik na ako ron. Ako na rin magpapatawag ng room service para sayo.”
“Okay, thank you.” Ang sabi niya rito. Kumaway pa si Minhyun sa kanya at natatawa siyang kumaway pabalik. Tinanaw niya pa ito at isasara na sana ang pinto pagkatapos makalayo nang tumalon ang puso niya paglingon niya sa harap niya.
Sobrang liwanag kasi sa seashore dala ng mga ilaw kaya kaagad niyang namukhaan. Isa pa, hindi siya maaaring magkamali. Multo lang? Hindi naman talaga imposible lalo pa’t nakaharap at tingin din ito sa kanya ngayon. Pareho silang gulat. Halatang hindi inaasahan na magkikitang muli.
He immediately breaks the eye contact at pumasok na sa loob saka sinara ang pinto.
Anong ginagawa ni Chanyeol dito?
Parang ‘yung nangyari lang sa airport noong nakaraang linggo. Hindi siya mapakali. Naalala niyang hindi nga siya nakatulog noong gabing ‘yon. Sana ngayon ay hindi na maulit ‘yon. Hindi rin niya kasi maintindihan. Kaya niya sa tuwing pinag-uusapan ito pero kakaiba ang pinararamdam sa kanya sa tuwing nakikita niya.
Ayaw niya. Ayaw niyang hanggang ngayon ay naaapektuhan siya ni Chanyeol. Okay na siya. Dapat hindi na.
He tried to divert his attention to other things. Nagscroll na lang siya sa cellphone niya tiningnan ang mga pictures nila kanina, mostly ni Dohyun. Successful naman siya. Basta talaga anak niya, automatic nagiging ayos siya hanggang sa may kumatok. Walang ibang nasa isip niya kung hindi ‘yung dinner na pinadala ni Minhyun sa kanya at hindi naman siya nagkamali kaya lang hindi hotel staff ang may dala ‘non.
He knows hindi dahil imposibleng magtrabaho si Chanyeol as a hotel staff kung merong sarili ng pamilya nito. Unless the arranged marriage didn’t push through at tuluyang nawala ang mga ari-arian nila.
Saglit silang nagkatitigan until kinuha niya ang tray na dala nito and mutters a “thanks.” Isasara na sana niya ang pinto nang tawagin siya nito sa pangalan. Buo. Hindi katulad nung sa airport na sa nickname lang niya at sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang apat na taon, bumilis ang tibok ng puso niya.
“Baekhyun.” Sigurado siyang hindi ang pangalan niya ang dahilan kundi ang paraan ng pagtawag nito. Yung tono. Kung tatanungin ‘yung bagong saltang Baekhyun sa Australia four years ago, sasabihin nitong ayun ang tonong namiss niya. Yung lambing na walang ibang nakakapagbigay kung hindi si Chanyeol lang.
Kaya lang hindi na siya ‘yung Baekhyun four years ago. Maaaring bumilis ang tibok ng puso niya pero alam niyang malaki ang parte doon ng galit lalo na sa tuwing naaalala niya ang mga salitang huling binitawan nito noong huli nilang pagkikita.
“May kailangan ka pa?” Ginawa niya ang lahat ng makakaya upang maging kaswal ang tono niya.
Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya pero naging malungkot ang mga mata ni Chanyeol. May pagsisisi sa mga ito.
Bakit? Hindi niya na kailangan ‘yon ngayon.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon at nangibabaw ang galit nang marinig niya ang sagot nito.
“Can we talk?”
How could Chanyeol be so blunt? Nakalimutan na ba nito ‘yung sinabi sa kanya?
Mabilis siyang umiling. Kung kaya ni Chanyeol diretsahang magtanong, kaya rin niyang sumagot nang walang pag-aalinlangan.
“No. We have nothing to talk about.”
“Baekhyun, marami kang dapat—”
Hindi niya ito pinatapos. “Kung nandito ka para manggulo, please lang, Chanyeol. Talagang sumunod ka pa.”
Umiling naman ito. “Wala akong balak manggulo, Baekhyun, lalo pa sa sariling resort ko.”
Pagkarinig ‘non, natigilan siya pero hindi dahil sa nalaman niyang si Chanyeol ang may ari ng resort kung nasaan sila ngayon kundi dahil biglang pumasok sa isip niya ‘yung pangalang narinig niya kahapon ng gabi.
Jinah. Naalala na niya. Ayun ‘yung pangalan ng fiance ni Chanyeol, sinabi ‘yon nina Kyungsoo at Jongdae na nakasagap lang din ng balita mula sa mga dati nilang tropa na sila Sehun.
So natuloy ang kasal. Of course, ano bang inaasahan niya? Kaya ito nandoon ay dahil may-ari na sila ng resort ngayon. Silang mag-asawa.
Para na namang bumalik ‘yung dati. Nanghihina si Baekhyun pero kagaya nga ng sabi niya, hindi na ito ‘yung Baekhyun noon. Ngayon wala siyang ibang nararamdaman kundi galit para kay Dohyun.
Tumango siya. “So ano ba ‘yung sasabihin mo?” Pinili niya pa ring maging kalmado. “Hihingan mo ba ako ng review? Sorry, Chanyeol, wala akong oras para dyan. If you want, through online na lang ako magbibigay. Hindi mo rin naman ‘yon trabaho as the owner at isa pa,” Pinilit niyang ngumiti. Yung natural. Yung ipakitang wala na siyang dala-dala sa lahat ng nangyari noon kahit pa kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon. “Baka hinahanap ka na ni Mrs. Park.” Ang sabi niya at alam ni Chanyeol na hindi ang ina nito ang tinutukoy niya.
Bago pa makapagsalita si Chanyeol, sinara na niya ang pinto pero hindi niya nakalimutang magpasalamat sa pagdala nito ng dinner niya na hindi niya alam kung paanong nalaman ni Chanyeol. Probably ay nakita ang isang staff na kakatok sa pinto niya at pinaalis nito.
Ewan at wala siyang pakialam.
Pero kahit ilang beses niyang ulit-ulitin ang bagay na ‘yon sa utak niya, hindi niya maiwasang isipin kung ano ba ang gustong pag-usapan ni Chanyeol kaya muli, katulad noong gabi pagkatapos sa airport, hindi na naman siya nakatulog.
Hindi niya tuloy alam kung dapat ba niyang ipagpasalamat na hindi niya na ito muling nakita pa hanggang sa dumating ang huling araw nila sa resort.
Naglalakad sila papunta sa may entrance kung saan nag-aantay sa kanila ang isang coaster na maghahatid sa kanila sa labasan nang lahat sila ay napahinto dahil sa taong nakasalubong nila. Pareho-pareho silang nagkagulatan lalo pa at kasama ni Chanyeol ang asawa nito na halatang walang ideya at bumeso na lang sa huli bago nagpaalam at sinabing mauuna na dahil may kailangan pang gawin.
Nagpaiwan ito.
Wala ni isang nagsalita hanggang sa mamukhaan ni Dohyun si Chanyeol.
“Papa! Isn’t he your friend from the airport? The one who is as tall as a tree and you told me not to look up to?” Matandain at matalino talaga ito kaya lang minsan hindi ‘yon nakakatulong, lalo pa sa sitwasyon ngayon.
Hindi siya nakasagot. Hinila lang niya si Dohyun palapit at mahigpit na hinawakan ang kamay nito. Nakita niyang napatingin dito si Chanyeol. Matagal hanggang sa napagdesisyunan nitong batiin ang mga magulang niya nang akmang lalagpasan na nila ito.
“Tita, tito. Magandang araw po.”
Hindi sumagot ang mga magulang niya. Galit din ang mga ito, alam niya.
Kung hindi pa binasag ni Baekhyun ang katahimikan, baka napako na lang silang lahat doon.
“Magandang araw rin sayo, Chanyeol.” Kung parang dati lang ang sitwasyon ngayon, malamang ay bayaw na ang tinawag ni Baekbeom dito. Kaclose ito ni Chanyeol noon. Ayun ang tawagan nila.
Dahil naman sa pagpansin ni Baekbeom, kahit papaano ay nagliwanag ang mukha ni Chanyeol kaya lang bumagsak din ang balikat nang marinig ang kasunod nitong sinabi. “Mauna na kami.”
Tumango ito at yumuko nang lampasan ng mama at papa niya. Silang tatlo nina Dohyun at Minhyun ang nahuhuli kaya naman hindi pinalagpas ni Chanyeol ang pagkakataong linawin ang bagay na alam niya bago pa siya makasakay sa coaster.
“Jinah…” Ang sabi nito. Napatigil siya sa paglalakad pero hindi niya ito hinarap. “She isn’t my wife and she will never be.”
He clenched his fist. Hindi niya alam kung bakit pa sinasabi ni Chanyeol ang bagay na ‘yon sa kanya? Ano bang gusto nito? Nagagalit na naman siya pero may iba ngayon sa emosyon niya.
Hindi natuloy ang kasal?
Napansin naman ni Minhyun ang mas lalong pag-iiba ng mood niya kaya hinawakan siya nito sa balikat sabay sabing, “Tara na?”
Tumango siya at kahit alam pang naghihintay si Chanyeol ng magiging sagot o reaksyon man lang, hindi niya ito pinansin at umaktong walang narinig at saka sumakay sa coaster. Sumunod na rin si Minhyun sa kanila ni Dohyun at ito ang nagsara ng pinto.
Nang umandar ang sasakyan, nagawa niyang pigilan ang sarili na lumingon pero hindi ang nararamdaman niya.
Hanggang sa makarating sila ng Manila, wala siya sa mood. No brought up what happened hanggang kinagabihan ay lumabas siya sa bakuran nang mapatulog na niya si Dohyun.
Nakaupo lang siya sa terrace ng bahay nila. Sobrang tulala niya kaya hindi niya namalayang sinundan pala siya ng kuya niya. Naagaw lang nito ang atensyon niya nang magsalita.
Baekbeom’s family is staying at his parents’ house for the night. Bukas ang uwi ng mga ito. Nakabukod kasi.
“Kamusta?” Ang tanong ng kuya niya.
Kunot noo niya itong tiningnan. “Anong kamusta, eh, mag-iisang linggo na tayong magkasama.”
Umiling naman ito sabay diniretso rin ang tingin tulad niya kanina. “Hindi naman ikaw.” Ang sabi nito. “Kundi ‘yang puso mo.”
Hindi siya nakapagsalita. Hindi niya alam ang isasagot. He knows why his kuya is asking that question. Syempre, nakita nila si Chanyeol kanina. Normally, sinasagot niya ay ayos na ayos and he couldn’t ask for more pero sa isang hindi malamang dahilan, hindi niya magawang sabihin ang bagay na ‘yon ngayon.
Yumuko lang siya. Narinig niya ang malalim na buntong hininga ni Baekbeom.
“Akala ko ayos ka na kaya wala na sana akong balak sabihin sayo.” Ang sabi nito at pakiramdam niya ay tumalon ang puso niya. Inangat niya ang paningin at muli itong tiningnan. Nananatiling diretso ang tingin ni Baekbeom pero kahit ganun ay naramdaman nito ‘yung kagustuhan niyang malaman ‘yung bagay na tinutukoy nito.
“Ang alin, kuya?” Ang tanong niya. Hindi na siya makapaghintay.
Tiningnan naman siya ni Baekbeom. May kung anong emosyon sa mga mata nitong hindi niya mabasa. “Alam kong hindi natuloy ang kasal ni Chanyeol. Lahat kami alam ‘yon. Anim na buwan pagkatapos mong makaalis.”
Hindi naman malaman ni Baekhyun kung ano ang dapat maramdaman. Nagulat siya sa narinig. Muli ay hindi siya nakapagsalita kaya nagpatuloy si Baekbeom
“Halos araw-araw, gabi-gabi, nandito ‘yan si Chanyeol. Pwede na nga siyang mapagkamalang guwardiya ng bahay dahil sa dalas niya rito. Halos walang araw na hindi nagtanong kung nasaan ka. Araw-araw, nagmamakaawa siya kay papa pero kahit isang beses, hindi sila lumambot. Inulan na lang lahat si Chanyeol, nagkasakit, at umaraw, wala pa ring nakukuhang balita tungkol sayo. Si mama pa, kaya lang sa tuwing naaalala rin ‘yung sinabi ni Chanyeol na ipalaglag mo raw si Dohyun, biglang tumitigas ulit ‘yung puso.” Nakikinig lang siya. Hindi niya alam. Wala siyang ka-ide-ideya. “Hindi natuloy ‘yung kasal kasi pareho lang din pala sila nung babaeng dapat asawa na niya ngayon. May mga mahal sila at ‘yung kay Chanyeol, ikaw ‘yon.” Sa hindi inaasahang pagkakataon, nangilid ang luha sa mga mata niya nang marinig ‘yon.
Tipid siyang nginitian ni Baekbeom. “Ang huli kong balita mula kay Chanyeol, hindi nila kaagad sinabi sa parents nila. Tinago pa nilang wala talaga silang balak magpakasal hanggang sa kalaunan nalaman din at wala na ring nagawa basta ang kondisyon ay sila ang hahawak. Maayos naman na ang takbo ng mga negosyo nila. Nadagdagan pa nga. Hindi ko alam na sa kanila pala ‘yung resort na pinuntahan natin.” Pagkwento pa nito tapos ay muli siyang tiningnan. Malungkot ang mga mata niya kaya nagpaliwanag nito. “Sinubukan kong kausapin si papa para sabihan ka kaya lang sabi niya masaya ka na raw sa Australia. Okay ka na raw. Syempre, kapatid kita at wala akong ibang hangad kundi ‘yung maging masaya ka, sumang-ayon akong huwag na rin sabihin sayo kasi nga ayos ka na raw. Masakit para saming makita na araw-araw umiiyak ka kaya namin ‘to nagawa kaya sana huwag kang magalit, maski na rin sa mga kaibigan mo na walang sawa ring pinakiusapan ni Chanyeol kaya lang kinausap sila ni papa at naintindihan nila.”
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Baekhyun ngayon lalo pa’t siya lang bukod sa kanila ang walang alam, pati mga kaibigan niya ay hindi nagsabi sa kanya pero tulad nga ng sinabi ni Baekbeom, hindi sila dapat sisihin.
Sakit, lungkot, at galit pero hindi sa pamilya niya kundi kay Chanyeol.
Hindi mapapalitan ng kahit ilang lagnat pa ang pagsabi nito na ipalaglag niya si Dohyun, ang anak nila.
“Hindi ako galit sa inyo, kuya.” Nanghihina niyang sabi. Ano pa ba? Ano pang kailangan niyang malaman? “Kasi totoong gusto ko na siyang kalimutan.”
“Pero hindi mo magawa, diba?”
Hindi siya nakasagot. Kinuha ng kapatid ang kamay niya. “Alam kong may galit dyan sa puso mo at hinding-hindi ‘yan mawawala kahit ilang taon pa ang lumipas, kahit magbinata pa si Dohyun kung hindi mo pakikinggan si Chanyeol.” Ang sabi nito. “Kung hindi man maging sapat para sayo ang paliwanag nito, naiintindihan ko kasi magulang din ako, at least balang araw wala kang pagsisisihan. Pakikinggan mo lang naman siya. Hindi naman kailangan may gawin ka. Bago pa mahuli ang lahat. ”
Hindi na siya nakasagot pagkatapos ‘non at naramdaman ng kuya niya na gusto niyang mapag-isa kaya hinayaan siya nito at hinalikan na lang sa ulo bago pumasok.
Nag-unahan naman sa pagtulo ang mga luha niya nang maiwang mag-isa.
Bago pa mahuli ang lahat… Baka nga kailangan talaga. Tama si Baekbeom, wala siyang kailangan gawin. Baka kaya apektado pa rin siya kahit na akala niya noong nasa malayo siya ay hindi na dahil may isa pa silang hindi nagagawa ni Chanyeol.
Closure. Baka ayun ang kailangan niya.
Kinabukasan, dapat makikipagkita na siya kela Jongdae at Kyungsoo pero wala siyang gana. Hindi sa galit siya sa mga ito. Wala siyang sama ng loob. Wala na rin kasing mapaglagyan. Ipinagpaliban niya ang lakad nila at sinabing sa susunod na lang. Wala kasi siyang lakas para kumilos ngayon. Tanging si Dohyun nga lang ang kaya niyang ngitian at kausapin sa ngayon.
Hindi naman manhid ang mga kasama niya sa bahay. Alam nilang hindi siya okay pero walang nagtanong at hinayaan na muna siya dahil alam ng mga ito na kapag ganun ay gusto na muna niyang mapag-isa. Nagsend lang ng text message sa kanya si Minhyun na nasa kabilang kwarto lang na kung sakaling kailangan niya ng makikinig, nandito lang ito. Sinagot niya ‘yon ng, “Salamat.”
Naaappreciate niya naman kasi talaga niya. Sadyang ayaw niya lang munang pag-usapan sa ngayon.
It was a gloomy sky for him for days and Dohyun is the only one who provides sunshine. Pagkatapos ng apat na araw, nakapagdesisyon siyang makipagkita na sa mga kaibigan niya dahil meron na lang siyang isang linggo bago bumalik ng Australia.
Tuwang-tuwa ang mga ito kay Dohyun. Sinama rin niya si Minhyun dahil na rin sa request ng dalawa. Nang magpasama si Dohyun dito na mag- wiwi, sinamantala nina Jongdae at Kyungsoo ang pagkakataon.
“May problema?”
Kilalang-kilala talaga siya ng mga ito. Wala siyang nagawa kundi sabihin ang totoo. Yung nangyari sa airport, sa resort, at lahat ng nalaman niya mula sa kuya niya.
Pagod na siyang magsinungaling. Sa sobrang palagi niyang ginagawa, hindi niya namalayang nagsisinungaling lang pala siya sa sarili niya all these years. Hindi pa siya okay.
Nag-sorry sina Kyungsoo at Jongdae na inilingan lang niya at sinabing, “Hindi niyo naman obligasyon at kahit pa sinubukan niya akong hanapin, hindi mababawi ‘non na ginusto niyang ipalaglag ko ang anak namin.”
“Anong balak mo?” Ang tanong ni Jongdae. “Sabi mo babalik na kayo sa Australia sa susunod na linggo. Hindi mo pa rin ba kakausapin si Chanyeol?”
Napayuko siya at nagkibit balikat. Dahil doon, narinig niya ang kaparehong bagay mula kay Kyungsoo na narinig na rin niya mula sa kuya niya.
“Kapag ginawa mo ‘yon, either babalik ka ng Australia or you’ll stay. Kahit ano pa man, Baekhyun. At least wala kang pagsisisihan. Kung hindi mo man matanggap ang kung anuman ang sasabihin niya, magaan ang puso mong babalik sa buhay kung saan walang Chanyeol. Just you and Dohyun. ”
Nang kausapin niya si Minhyun kinagabihan, sa pangatlong pagkakataon ay narinig niya ulit na wala siyang pagsisisihan kung gawin man niya ang bagay na iyon.
May kung ano sa mga mata ni Minhyun na hindi niya mabasa. Basta bago ito magpaalam sa kanya nang pabalik na sila sa kanya-kanyang kwarto, hinalikan siya nito sa noo. Napapikit siya.
Malungkot lang ba siya kaya akala niya ganun din ang nararamdaman ng mga tao sa paligid niya o talagang may kasamang sakit ang halik na ‘yon?
“Nandun ako nung mga panahong konti na lang bibigay ka na. Nakita ko kung paano ka bumangon kaya gawin mo ang bagay na makakapagpagaan ng loob mo, makakapagpasaya sayo kasi sobrang deserve mo ‘yon.” Ang sabi nito kaya hindi niya naiwasang yumakap at niyakap naman siya ni Minhyun pabalik.
The next day, wala na siyang sinayang na oras. Iniwan niya si Dohyun kay Minhyun. When his parents asked kung saan siya pupunta, ang sabi niya ay makikipagkita lang sa mga kaibigan niya at magbibigay ng oras sa mga ito bago sila muling bumalik ng Australia.
Wala namang naging problema lalo pa’t hindi naman magtatagal si Baekhyun doon. Kakausapin lang niya si Chanyeol. Kagaya ng sinabi ng lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya.
Para kahit ano man ang mangyari, wala siyang pagsisisihan balang araw.
He found himself going back to Chanyeol’s resort at pambihira nga naman talaga ang pagkakataon dahil naroon ito at nagkatinginan sila nang bumaba siya mula sa coaster na naghatid sa kanya kasama pa ang ibang tao na nakasabay niya na mukha naweirduhan pa sa kanya kasi wala siyang dalang malaking bag kundi ‘yung bag lang niya na naglalaman ng pera at ibang necessities.
Uuwi rin naman kasi siya mamayang gabi.
Mag-isa siya at dahil don ay nagkaroon ng pag-asa sa mga mata ni Chanyeol. Hindi naman niya ito bibiguin.
Lumapit sila sa isa’t-isa.
Hindi niya itatanggi, namiss niya ito. Namiss niya ‘yung ganun sila kalapit sa isa’t-isa pero sa tuwing naalala niya ‘yung mga katagang binitawan nito tungkol sa anak nila, nangingibabaw ‘yung galit sa puso niya.
“Baek… bumalik ka.” Ang sabi nito.
Tumango siya at nilakasan ang loob. There’s no turning back. He’s doing this not for Chanyeol, but for himself. “You want us to talk, diba?” Sobrang nakakalungkot na kung sino pa itong wala namang ginawang mali, siya pa itong lumalapit para marinig ang paliwanag ngayon pero alam niyang wala rin naman siyang magagawa dahil siya ang nagtaboy kay Chanyeol. Mukha ring busy ito. Naalala niya ‘yung sinabi ng kuya niya tungkol sa kasal na hindi natuloy. Baka ito ang consequence ng naudlot na arranged marriage. Ang i-give up ni Chanyeol ang social life at ibuhos ang lahat sa pagpapatakbo ng negosyo.
Gulong-gulo na si Baekhyun sa nararamdaman niya lalo pa’t ngumiti si Chanyeol.
For the first time after four years, ngayon na lang niya ulit ito nakitang ngumiti pero hindi pa umabot sa mga mata. Halatang malungkot si Chanyeol. Ang hindi niya alam, ayun na ‘yung pinakamasayang ngiti ni Chanyeol sa loob ng lumipas na apat na taon.
“Oo naman. Saan mo ba gustong mag-usap? Sa restaurant? Sa cafe? Kumain ka na ba? Pwede tayo sa veranda ng office ko at magpapadala ako ng pagkain don?”
Tinititigan lang niya si Chanyeol. Mukha itong pagod at stressed. Malayo sa Chanyeol na ineexpect niya noong lumipad siya papuntang Australia. Akala niya kasi Chanyeol was having the time of his life pero mukhang mali pala siya.
Kumikirot ang puso niya.
“Kahit…” Lumunok siya dahil mukhang iiyak ang tono ng boses niya. Umiwas siya ng tingin. “Kahit saan.”
“Sige, sa opisina ko na lang.” Chanyeol says at may tinawagan saglit sa phone. Hindi na siya nagbalak pang pakinggan at kinuha na lang din ‘yung kanya dahil sakto ring nakareceive siya ng chat mula kay Minhyun. It’s a picture of the latter and Dohyun. Napangiti siya. Ang cute cute ng anak niya.
“Tara na?” Ang sabi ni Chanyeol kaya tinago niya ang cellphone niya at sumunod dito.
Tahimik lang silang naglalakad. Wala ni isang nagsalita hanggang sa nakarating sila sa opisina nito. Binuksan ni Chanyeol ang pinto at pinauna siyang pumasok.
Pinagmasdan niya ang kapaligiran at natigilan siya nang dumako ang paningin sa isang picture frame sa desk nito. Ayun lang ang natatanging picture litrato sa loob ng opisina ni Chanyeol.
Their picture during their first anniversary. Nakaakbay si Chanyeol sa kanya habang yakap naman niya ito sa bewang patagilid.
“Baek—” Kahit si Chanyeol ay natigilan nang makita ang tinititigan niya. Nakalimutan nito ‘yung tungkol sa picture.
“Ah, sorry.” Akmang tatanggalin ni Chanyeol nang umiling siya sabay sabing, “No. It’s okay.”
Tumango si Chanyeol at inayos na lang muli ang frame.
Yumuko naman siya at huminga nang malalim. Nang muli niyang iangat ang tingin, buo na ang loob niya kaya nagawa niyang sabihin nang diretso ang mga katagang, “Hindi ako magtatagal, Chanyeol. Gusto ko lang malaman kung ano ba ‘yung gusto mong sabihin dahil nasabi na rin naman sakin ni kuya ‘yung mga alam niya.”
Halatang nagulat ito pero wala naman nang magagawa. At least ngayon alam na niya. Kaya lang hindi pa rin masaya kasi kahit alam na niya, hindi naman maibabalik ‘non ang nakaraan.
“Dito na lang tayo.” Ang sabi ni Chanyeol at binuksan ang veranda. Katabi lang din ‘non ang isang bakanteng villa na hindi na pina-ookupahan ni Chanyeol sa mga guest. Doon ito nagsstay. Halos hindi na kasi umuuwi si Chanyeol. Pinaubaya na talaga sa kanila ng parents nila ang resort dahil ayun ang pinakamalaking branch nila after merging of the Parks and Ims.
Tumango siya at pinaghila pa ni Chanyeol ng upuan sa coffee table. Mahina siyang nagpasalamat. Umupo na rin si Chanyeol sa harap niya. Maya-maya lang ay dumating na ang pagkaing pinahanda nito. Ang dami. Mukhang lahat ay masarap pero hindi naman makakakain si Baekhyun lalo pa sa sitwasyon ngayon and he doubts Chanyeol would, too.
“Ano…” Ang simula nito. “Ano pa bang gusto mong malaman?”
“Lahat ng gusto mong sabihin.” Ang sagot niya.
He saw Chanyeol’s struggle na magsalita pero ito na ‘yon kaya kahit mahirap para sa kanilang dalawa, kailangan ng gawin. Wala ng susunod na pagkakataon.
“That child…” Tiningnan siya ni Chanyeol sa mga mata. “That child who has been calling you papa, siya ‘yon diba? Anak natin siya, diba? ”
Dati-rati, halos itago ni Baekhyun sa bato na kung dumating ang araw na magkita sina Chanyeol at Dohyun, hinding-hindi niya sasabihin ang totoo na mag-ama ang dalawa pero ngayon ay hindi siya nakasagot.
Hindi niya alam ang sasabihin. Kung ano totoo ba o hindi.
Kita naman ni Chanyeol ang takot sa mga mata niya kaya muli ay nagsalita ito.
“Hindi ko siya kukunin sayo, Baek, kung ayun ang kinatatakot mo. Hindi ko deserve ang maging ama pagkatapos ng sinabi ko sa kanya.”
Dahil doon, tumulo ang luha niya na mabilis niyang pinunasan pero huli na ang lahat. Nakita pa rin ni Chanyeol.
Muling nanumbalik ang lahat ng sakit noong araw na ‘yon kaya wala siyang ibang nagawa kundi magtanong.
“Bakit?” Pumiyok ang boses niya dahil sa luha. “Bakit mo sinabi ‘yon? Paano mo nagawang sabihin ‘yon?”
Napapikit si Chanyeol. Maski ito ay naiiyak na pero pinipigilan dahil sa loob ng apat na taon, itinatak ni Chanyeol sa utak niya na wala siyang karapatang umiyak dahil siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito.
“I’m sorry. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko, Baekhyun. Nabigla lang din ako dahil hindi pa ako handang maging magulang at yung tanging nasa isip ko lang ng mga oras na ‘yon ay matulungan sila mama. Maniwala ka sakin, Baek, hindi ko sinasadya. Pinagsisihin ko ‘yon at hanggang ngayon pinagsisisihan ko. I didn’t mean it. ”
Kilala ito ni Baekhyun kaya masasabi niyang totoo ang sinasabi ni Chanyeol pero masakit pa rin. Ang sakit sakit pa rin.
“Kung may magagawa lang ako para ibalik ang lahat upang maitama ‘yung mga mali ko pero wala.” Ang sabi pa nito, naluluha. Tiningnan siya nito sa mga mata. “Baekhyun, patawarin mo ako.
“Kapag ba pinatawag kita, may magbabago?”
Umiling si Chanyeol. “Hindi ko alam pero siguro kasi kailangan ko ‘yan. Kailangan ko ng kapatawaran mula sa taong mahal ko. Alam kong hindi ko deserve kaya kung maibibigay mo lang. Handa akong maghintay kahit gaano katagal, Baekhyun, hanggang sa maging handa ka na.”
Siya naman ang napapikit. Ang sakit sakit. Masaya lang sila noon. Bakit kailangang humantong sa ganito ngayon?
“Kapag ba ginawa ko ang bagay na ‘yon, magiging ama ka sa kanya?”
Walang pag-aalinlangang tumango si Chanyeol. Araw-araw, gabi-gabi, walang ibang nasa isip nito kung hindi si Baekhyun at ang anak nila. Sa gabi hindi siya pinatutulog ng konsensya niya at umaasa na sana, sana hindi pinalaglag ni Baekhyun ang bata. Sana hindi ito nakinig sa kanya at ngayon, kahit alam niya na hindi siya deserving upang lumigaya, magaan ang loob niyang malaman na kasama ni Baekhyun ang anak nila ㅡkung may karapatan nga ba siya sa bata.
“Kung papayagan mo ako.” Ang sagot pa niya kaso muling napayuko si Baekhyun.
“Babalik na kami ng Australia sa susunod na linggo. Dohyun is a citizen there.”
Dismayadong napatango si Chanyeol. Of course, hindi ganun kadali ‘yon. He can’t fix things overnight at baka nga kahit ilang gabi pa ang dumaan, hinding-hindi na maaayos sa paraang gusto niya pero kahit ganun, sobrang laki na ng pasasalamat niya na nakapag-usap sila, na dininig siya ni Baekhyun, na nasabi na niya ngayon na pinagsisisihan niya ang lahat.
Sana lang ay alam ni Baekhyun na totoo ang lahat ng ‘yon.
“Hindi ko naman kayo pipigilan. Andun na ang buhay niyo. Andun ang buhay niya.”
Isang mahabang katahimikan ang nagdaan pagkatapos ‘non. Pareho nilang hindi alam ang sasabihin pa hanggang sa tumayo si Baekhyun. Napatingin sa kanya si Chanyeol.
“Paano…” He says. “Mauuna na ako.”
Sobrang nasaktan si Chanyeol pero ano pa nga bang aasahan? Tumayo na rin ito. Nauna si Baekhyun maglakad pero bago siya makalabas ng veranda kung nasaan sila ay napahinto siya dahil sa mga katagang sinabi ni Chanyeol.
“Mahal kita, Baekhyun. Mahal na mahal pa rin kita.” Hinarap niya ito at nakitang punong-puno ng luha ang mga mata ni Chanyeol pero hindi lang ‘yon ang makikita rito. Masyadong mabigat ang dala ng mga ‘yon. Lungkot, pangungulila, at pagsisisi.
Kaya kagaya noong huli nilang pag-uusap apat na taon ang nakalilipas, nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ni Baekhyun pero hindi siya naglakad palayo kasi ngayon tumatakbo siya palapit at pabalik kay Chanyeol.
Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at kahit pareho silang umiiyak, walang pag-aalinlangan niya itong hinalikan.
Isang halik na puno ng pagmamahal at kapatawaran.
They didn’t break the kiss. Food forgotten, nakalabas sila ng veranda na katabi lang ng sariling kwarto ni Chanyeol at doon siya nito dinala. Nabuksan ang pinto nang hindi man lang ‘yon tinitigan. Pumasok sila ron at isinandal siya ni Chanyeol sa pader.
Naghiwalay ang mga labi nila. Parehong malalim at mabagal ang paghinga, tiningnan nila sa mata ang isa’t-isa.
Chanyeol caresses his cheek. Napapikit siya sa haplos. Namiss niya ‘yon.
“Mahal na mahal pa rin kita, Baekhyun. Hindi nagbago ‘yon.” Tumigil na ito sa pag-iyak. Bakas ang nanuyong luha sa pisngi, inabot niya ‘yon upang hilahin si Chanyeol at mahalikan muli. Hindi siya sumagot. Basta hinalikan niya lang ulit at sana… sana maramdaman ni Chanyeol sa pamamagitan ‘non na siya rin, hindi nagbago ‘yung nararamdaman niya at napatunayan niya ‘yon sa mga araw na lumipas.
Binuhat siya nito at dinala sa kama. Nang makahiga siya, tumayo si Chanyeol at nagtanggal ng damit nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata.
Sabi nga sa isang kanta, “Your eyes say everything without a single word.” Ayun ang pinararamdam ni Chanyeol ngayon sa kanya.
Muli itong lumapit, lowers his head and meets him for an open mouthed kiss.
Naipikit na lang niya ang mga mata at binalot ang mga braso sa leeg ni Chanyeol upang akapin ito.
Sa muling pagdilat ng mga mata ni Baekhyun, madilim na ang kalangitan. Tulog na tulog si Chanyeol sa tabi niya kaya maingat siyang tumayo at sinuot ang puting bathrobe na nakasampay sa headboard ng kama. Malamang ay kay Chanyeol ‘yon. Hindi niya kasi makita kung saan nito tinapon ang dami niya kanina kaya mamaya na lang niya hahanapin. Naglakad siya papunta sa balkonahe at nilabas ang cellphone niyang punong-puno ng messages at missed calls. Halos lahat ay galing kay Minhyun, meron din sa mga magulang niya.
Siguradong hinahanap na siya ni Dohyun.
Nilingon niya si Chanyeol at nakitang tulog pa rin ito kaya nagpasya siyang maupo na lang sa rattan chair ng patio table.
Ang presko. Kung noong mga nakaraan, namimiss niya ang hangin ng Australia, ngayon parang gusto na lang niyang manatili pero hindi pwede.
Nakaramdam siya ng lungkot. Ilang araw na lang, babalik na sila sa dati nilang buhay. Paano na si Chanyeol? Pagkatapos ba ng gabing ito, tapos na rin sila? Hindi niya napigilan at muling namuo ang luha sa mga mata niya. Pinunasan niya ‘yon kasabay ng isang brasong umakap sa kanya mula sa likuran at babang ipinatong sa balikat niya.
Sino pa ba? Hindi niya naramdaman ang paglapit nito.
Hinawakan niya ang braso ni Chanyeol pero wala pa siyang ginagawa pagkatapos ‘non, nagsalita na ito. “Let’s stay like this for a while.”
Hindi siya nagsalita at hindi niya rin inalis ang hawak sa braso nito. Gumalaw ang kamay niya at dumako ‘yon sa kamay ni Chanyeol na nahuli ang kanya kaya mabilis na hinawakan ‘yon nang mahigpit.
Gusto niyang kumapit pabalik pero hindi niya magawa. Hindi dahil ayaw niya at may pumipigil sa kanya kung hindi dahil naiisip niyang aalis din siya, sila, ulit. Bibitaw rin naman siya.
Isinandal niya na lang ang ulo sa dibdib nito habang nakatingin sa kawalan. Ilang minuto na ganun lang. Tahimik, tanging paghinga at iyong hangin na mula sa mga puno at hampas ng tubig sa dagat ang naririnig nila.
Sobrang payapa. Sa loob ng apat na taon, masasabi ni Baekhyun na ngayon na lang niya ulit naranasan ‘yon.
Kahit noong nasa Australia, hindi naman siya madalas sa maingay na lugar pero kahit napapaligiran siya ng katahimikan, hindi naman matahimik ang utak niya. Tanging ngayon lang. Ngayong nasa tabi niya si Chanyeol at akap siya nito.
There's a calm surrender to the rush of day.
Para namang nabasa ni Chanyeol ang tumatakbo sa isip niya. Muli itong nagsalita. “What must I do, Baek?” Hindi siya sumagot. Hindi niya naiintindihan. Dahan-dahan namang inalis ni Chanyeol ang akap nito sa kanya at hinila ang isa pang upuan na katabi ng kanya at naupo ron.
Tiningnan niya ito. Nagsalubong ang mga mata nila. Tinuloy ni Chanyeol ang tanong. “To make you stay?”
Hindi siya umiwas ng tingin. “Wala.” Ang sabi niya. Kita sa mga matang nasaktan si Chanyeol at sa palagay niya, sobra-sobra na ang pinagdaanan nilang dalawa. Siguro panahon na para lahat ng totoo ay sabihin niya. Ayaw na niyang magsinungaling. Pagod na siyang magpanggap na ayos lang siya, na hindi siya nasasaktan, na hindi na niya ito mahal. Pagbali-baliktarin man ang mundo, nagalit man siya rito, hindi nagbago ang nararamdaman niya. Walang makapasok sa puso niya kahit may mga sumubok dahil hindi naman nawala ‘yung nagmamay-ari ‘non. “Gusto ko, Chanyeol. Gustong-gusto ko pero nandoon ang buhay ni Dohyun. Hindi naman ganun kadali na hindi na lang kami babalik.”
Tumango si Chanyeol. Ramdam na ramdam niyang may gusto itong itanong pero hindi magawa kaya siya ang gumawa.
“Gusto mo siyang makita?”
Napakaemosyonal naman ng naging dating kay Chanyeol. Tears budded in Chanyeol’s eyes inabot niya ang pisngi nito at siya mismo ang nagpunas ng luha ‘non.
Pakiramdam naman ni Chanyeol, sobrang sama niya. Siya ang nagdulot ng bawat pag-iyak ni Baekhyun at ngayon ito pa mismo ang nagpupunas ng luha niya.
“Pwede ba?”
“Walang Dohyun kung hindi rin naman dahil sayo. Matagal na ring nagtatanong ang anak mo. Siguro oras na para makilala niya ang daddy niya.”
Mas lalong bumuhos ang mga luha ni Chanyeol at sa pagkakataon na ‘yon, gusto na ni Baekhyun iwanan ang lahat sa kahapon. Sigurado siyang kaya na niya ngayon dahil napatunayan na niyang pinagsisisihan ni Chanyeol ang lahat. Hindi lang din naman ito ang kailangang may marealize. Mahirap ding mabuhay ng may galit sa puso.
Papunta na sila ng bukas.
Ang sabi nga ulit sa isang kanta,
There's a time for everyone if they only learn
That the twisting kaleidoscope moves us all in turn
3AM when they decided to leave the resort upang lumuwas sa Manila. Kinakabahan si Chanyeol pero hindi siya uurong. Walang kasiguraduhan kung anong mangyayari pagkatapos ng natitirang mga araw nila Baekhyun, kahit ito ay hindi alam, kaya maninindigan na siya ngayon.
Kahit ngayon lang.
Naging tahimik ang byahe. Tinanong niya si Baekhyun kung nagugutom ba ito pero sinabi sa kanyang idiretso na niya at sa bahay na lang daw sila mag-almusal. Around 6AM nang makarating sila. Nagtanggal si Baekhyun ng seatbelt habang napatingin lang naman siya sa bahay na malapit sa puso niya pagkapatay niya ng makina.
“Kinakabahan ka?” Ang tanong ni Baekhyun. Kilalang-kilala pa rin talaga siya nito hanggang ngayon.
Tipid na nginitian niya si Baekhyun na inabot ang kamay niya at hinawakan ‘yon. “Nasa tabi mo ako.” Ang sabi nito kaya kalaunan ay bumaba na rin sila.
Saktong papasok sana sila nang bumukas ang gate at bumungad sa kanila si Mama Byun na may dalang walis at dustpan. Gulat itong napatingin sa kanila, lalong-lalo na kay Chanyeol na kaagad bumati.
“Good morning po, tita. ”
Hindi naman ito nakasagot. Magmamano pa dapat si Chanyeol nang itaas ni Mama Byun ang hawak na walis tingting. “Huwag na. Pumasok na kayo.” Ang sabi nito kaya laking pasasalamat ni Baekhyun dahil hindi ito nanguwestiyon. Hindi naman kasi bastos ang mga magulang niya..
Pagpasok, nanumbalik naman ang lahat kay Chanyeol. He used to be so close to Baekhyun’s family. He was a part of it. They were family.
Sayang.
Pinaupo siya ni Baekhyun sa couch. “Sisilipin ko lang kung gising na.” Tumango naman si Chanyeol at umakyat na si Baekhyun. Pagdating naman ng huli sa kwarto sa taas, wala ron si Dohyun. Saktong paglabas niya ay nakasalubong niya ang papa niya na galing sa master’s bedroom.
“Si Dohyun ba?” Tumango si Baekhyun. “Sa kwarto ni Minhyun natulog. Hindi ka umuwi, eh.” Ang sabi nito.
He contemplated pero sinabi niya rin in the end kasi ayaw naman niyang sa baba pa magugulat ang papa niya. “Andyan po si Chanyeol.” Hindi niya mabasa ang reaksyon nito kaya nagpatuloy siya. “Sa kanya po ako nagpunta at gusto niyang makita si Dohyun.”
Inaasahan niyang magagalit ito at pagbabawalan siya pero taliwas sa naisip niya ang naging reaksyon nito. “Matanda ka na, Baekhyun. Alam mo na ang ginagawa mo. May tiwala ako sayo, anak. Kung sa tingin mo ito ang tamang gawin, huwag kang matakot. Itatayo kita kapag nadapa ka ulit.” Nangilid ang luha sa mga mata niya at nayakap niya ito.
Niyakap siya ng ama pabalik. “Sinabi na sakin ng kuya mo na alam mo na. I’m sorry, anak, ha?”
Tumango lang siya. Hindi siya makapagsalita, eh. Sana alam ng mga magulang niya na hindi siya galit at wala siyang sama ng loob.
Nagpunas siya ng luha at sa pagbitaw nila ng yakap, napatingin sila sa taong dumating. Si Mama Byun.
“Pwede bang makisali?” Ang tanong nito kaya tumango si Baekhyun at nagyakap silang tatlo.
Nagkaroon man ng anak si Baekhyun, he will always be his parents’ baby.
Nang humupa ang emosyon nilang tatlo, kumatok na si Baekhyun sa guest room kung nasaan si Minhyun. Ayaw niyang mang-istorbo pero naghihintay si Chanyeol.
Kinukusot nito ang mga mata nang buksan ang pinto. “Oh, kararating mo lang?”
Tumango siya sa kaibigan. “Si Dohyun?”
“Ayun, nagmumuni pa. Nagising din sa katok mo, eh.”
Pinapasok siya ni Minhyun. Nilapitan niya ang anak at nag-crouch sa tabi ng kama kung nasaan ito. Nagliwanag ang aura ni Dohyun nang makita siya.
“Papa, you’re here!”
Kaagad siyang niyakap ng anak. First time nitong matulog na wala siya.
“Sorry, iniwan ka ni papa.” Ang sabi niya rito. “But I’m here now and I’ll never leave you again.” Ngiti naman ang isinagot ni Dohyun. Baekhyun cups his son’s face. Sobrang inosente. Dohyun deserves so much love. Yung pagmamahal na hindi lang kanya at sa mga taong sa paligid nila galing kundi pati na rin sa taong nagkamali man noon, naisip at pinagsisisihan na ‘yon, kaya ngayon ay handa na rin itong magbigay at sino siya para ipagkait sa anak niya upang maranasan ang pagmamahal na wala ni sino ang makakapantay kung hindi sila lang parehong magulang. “In fact, I have a present for you.”
“Present?” Nag-twinkle ang mga mata ni Dohyun.
Tiningnan ni Baekhyun ang kaibigan na nakangiting pinanonood silang mag-ama. Alam na ni Minhyun ‘yon.
“Hm.” Tinanguan niya ang anak. “Are you excited?”
“I am!”
“Then what are you waiting for? Let’s go down stairs.”
Dali-daling tumayo si Dohyun sa kama at binuhat ito ni Baekhyun. Palabas sila nang bago isara ni Minhyun ang pinto pagkatapos silang pagbuksan ay hinarap niya ito sabay sabing, “Salamat.”
Minhyun ruffles Baekhyun’s hair na akala mo ba’y kaedad lang nito si Dohyun. “Sige na. Buoin mo na ang pamilya mo. ”
Kaya pagkarinig ‘non, bumaba na sila ni Dohyun at nakita niya si Chanyeol na hindi mapakali. Nakayuko ito, ang mga kamay na naka-clasp sa isa’t-isa ay nasa noo.
Binaba niya si Dohyun. “Where’s my present, papa?” Ang tanong nito na nagpaagaw ng atensyon ni Chanyeol. Nakita niya kung paano nito inangat ang paningin tapos ay nilingon sila ni Dohyun.
Nginitian niya si Chanyeol na muli ay naluluha bago muling tingnan si Dohyun. “Do you remember the guy at the airport? The one who helped you find papa? The man guy who is as tall as a tree?”
Hindi naman alam ni Chanyeol kung matatawa siya sa description o ano, pero may luha sa mga mata niya at bumagsak ‘yon nang makitang tumango si Dohyun.
“You told me you want to be like him when you grow older, right?”
Hindi pa rin siya napapansin ng bata. “Yes, but you told me not to look up to him so I no longer want to be like him.”
Napahinga nang malalim si Baekhyun and looks at Chanyeol apologetically. Tumango lang naman siya. Naiintindihan niya.
“And papa is taking back that now.” Ang sabi nito sa anak. “Do you know why?”
Inosente pero curious na nakatingin si Dohyun kay Baekhyun. “Why po?”
“Because he is a good man.” Hindi na matigil ang pagbagsak ng mga luha ni Chanyeol. “And no matter what I say and do, you’ll still grow with similar traits as him because he is not just a random guy. That tall man is Dohyun’s dad. ”
Tila hindi agad maprocess ni Dohyun ang narinig. Kahit si Baekhyun ay naluha na lalo pa nang luminga-linga si Dohyun.
“My dad? I have a dad aside from papa?”
Tumango siya rito. “Where is he, papa? Where is the tall man?”
Hindi naman na kinailangan pang ilapit ni Baekhyun ang anak papunta kay Chanyeol dahil ito na mismo ang tumayo at pumunta sa kanila. Iniluhod ni Chanyeol ang isang tuhod sa tabi ni Dohyun at napatakip na lang si Baekhyun ng bibig nang magsalita si Chanyeol.
“The tall man is here, Dohyun. I am here, son. ”
Parehong nagsunod-sunod ang bagsak ng mga luha nila nang hinarap ni Dohyun si Chanyeol. Nag-gasp pa ang bata sabay sabing, “Daddy!” na akala mo ay hindi ito ang una nilang pagkikita.
Ibang klaseng ligaya ang naramdaman ni Chanyeol. Yung walang makapagbibigay kundi si Dohyun lang.
Nagyakap sila at pakiramdam ni Baekhyun, ayun na ang pinakamasayang araw ng buhay niya.
Buo na ang pamilya nila.
Glass walls, brights lights, tiled floor, and the voice of the woman that can be heard from the centralized speaker announcing flight details and other information.
Luminga si Baekhyun sa paligid. Ang tagal naman. Nakasimangot na siya kasi kanina pa siya naghihintay. Sabi saglit na lang nang i-text niya ito pero hanggang ngayon wala pa rin.
Ilang minuto pa ang nagdaan, may yumakap na sa mga binti niya.
“Papa!”
Hinawakan niya ang kamay nito. “What took you so long, Dohyunie? ”
Ngumiti naman ang anak. “Uncle Min bought me candies.” Dohyun giggles. “Sorry, papa.”
“Nevermind. What’s important is you’re here now. Let’s go?” Tumango ang bata at sakto nang maglalakad na sila ay dumating na rin si Minhyun na kasunod lang nito.
Sinamahan kasi ng huli si Dohyun mag-CR. Nasa airport sila ngayon pero hindi na sa Pilipinas. Sa Australia.
It has been a year since they left the Philippines after Baekhyun’s parents' wedding anniversary. Everything is going well so far. Tuloy at stable pa rin ang work ni Baekhyun habang pumapasok naman na si Dohyun sa school. He’s in kindergarten now at naiyak pa nga si Baekhyun nang unang beses itong ihatid na tinawanan lang ni Minhyun.
Napakaemosyonal daw kasi. Ang sabi naman niya rito, hindi naiintindihan ng kaibigan. Totoo naman ‘yon. Wala pa kasing anak at mas lalong wala pang balak dahil mag-iisang taon pa lang naman ito at ang boyfriend na si Minki.
Maraming nagbago sa loob ng isang taon na ‘yon kabilang na rin ang takbo ng mga buhay nila pero kahit ganun ay nanatili ang friendship nila. Medyo dumistansya si Minhyun pagbalik nila ng Australia a year ago at nang sinubukang tanungin ni Baekhyun kung bakit, ang sabi nito ay hayaan na lang daw muna sana kaya ayun ang ginawa niya. Hindi naman matagal. Nang parang nakahinga si Minhyun, bumalik naman sila sa dati except sa hindi na ito natutulog sa bahay nila ni Dohyun dahil may nililigawan na at last month lang ay sinagot na.
Baekhyun is genuinely happy to know that Minhyun found the love of his life.
And speaking of love, walang pinagsisihan na umuwi siya ng Pilipinas noong nakaraang taon. Dahil doon, naayos ang mga gusot. Bago sila bumalik ng Australia, nameet ni Dohyun ang grandparents from the other side. Nagsorry rin ang mga ito sa kanya at sinabi niyang tapos naman na ‘yon, kalimutan na nila. Isa pa, naiintindihan niya. Kahit naman siya siguro, gagawin din ang lahat nang makakaya upang maisalba ang bagay na pinaghirapan.
All in all, maayos na ang lahat. He also met with his friends the day before their flight. Talagang sinulit niya ang oras at pagkakataon kasama ang mga mahal sa buhay dahil hindi siya sigurado kung kailan sila muling makakauwi o kung babalik pa nga ba ron.
Kung sakali, matagal na panahon na ulit.
Nandun na sila. Wala naman nang iba pang rason bukod sa mga magulang niya na siguradong dadalaw-dalawin niya.
“Ano? Nagtext na ba?” Ang tanong ni Minhyun palingon-lingon sa paligid.
He checks his phone at sasabihin pa lang na hindi pa nang biglang yon umilaw at saktong nakatanggap siya ng text mula sa taong kanina pa hinihintay.
“He’s here!”
Rinig ni Minhyun ang saya at excitement sa boses niya kaya naman napangiti ito.
“Oh, paano ba ‘yan? Nandito na pala edi mauna na ako.”
Tumango si Baekhyun sa kaibigan. Pinagmaneho kasi sila nito papunta sa airport dahil malapit doon ang workplace ni Minki. Kotse ni Baekhyun ang gamit kaya ngayon ay maglalakad na lang. Walking distance lang naman.
“Sige na. Ingat ka.” Ang sabi niya rito.
“Kayo rin. Kita-kita na lang sa susunod. Yung dinner na sinet ni Minki, huwag mong kalimutan.”
“Hindi talaga. Excited na nga si Tita Mon kasi iiwan si Dohyun sa kanya.” Tita Mon is Minhyun’s mom at ang dahilan kung bakit maiwan si Dohyun sa dinner na binanggit ni Minhyun ay dahil double date iyon.
Nagtype siya ng reply text message pero hindi pa niya nasesend nang magsisigaw na si Dohyun sa tabi niya.
“Daddy! Daddy!”
And there, binaba niya ang cellphone niya at malapad na napangiti when he saw Chanyeol approaching them. May tulak itong cart.
Nagtatakbo si Dohyun papunta rito. Sinundan niya ang anak at sinalubong na rin ang boyfriend.
Hindi naman niya masasabing naging maayos ang lahat nang bumalik sila ng Australia kung hindi kasama ron ang kanila ni Chanyeol at ang pamilya nila. Mahal naman nila ang isa’t-isa at wala ni kahit gaano kalayong distansya ang makakapagpabago ‘non. Napatunayan nila ‘yon sa sa nagdaang apat na taon kaya naman hindi hinayaan ni Baekhyun na makaalis sila nang hindi nasasabi kay Chanyeol ang mga katagang, “I love you too, Chanyeol. I still do.”
For a year, nakuntento sila sa long distance relationship habang inaasikaso ni Chanyeol ang pag-migrate niya. Natagalan sila pero kung tutuusin nga ay mabilis na ang isang taon. Nagawa ni Chanyeol ‘yon kasi he is a businessman and speaking of business, nang malaman ang tungkol kay Dohyun, pinakawalan na siya ng mga magulang niya at hinayaan sa mga gustong gawin. Balik na ang Park parents sa paghandle ng business nila at hinayaan na rin niya ‘yon kay Jinah at sa mapapangasawa nito.
Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Baekhyun sa mga nangyari sa nakalipas na isang taon pero kahit ganun, sobra sobra ang pasasalamat niya.
Mabuti na lang at umuwi sila. May iba pa palang purpose ‘yon bukod sa makasama ang mga magulang niya. Binuo ‘non ang pamilya nila kaya ito sila ngayon ni Dohyun, sinusundo si Chanyeol sa airport para magkakasama-sama na sila.
“Welcome to Australia.” Ang sabi niya rito nang makalapit. Huminto na muna si Chanyeol sa pagtulak ng cart at binuhat si Dohyun na mahigpit ang yakap.
Halos walang oras na hindi magkavideo call ang mag-ama ni Baekhyun. Sobrang naging close ‘yung dalawa at ang sabi pa nga niya ay pangatlo na lang siya kasi nanguna na si Chanyeol, pangalawa naman ay si Minhyun. Si Minhyun na kasundo na rin ni Chanyeol. Imbes pagselosan dahil tinawag nitong babe si Baekhyun sa airport, nagpasalamat pa siya rito kasi pinrotektahan at hindi iniwanan ang mag-ama niya gayong dapat siya ang gumagawa ‘non noong panahong wala siya.
Wala naman kay Minhyun ‘yon. Mahal nito si Dohyun kaya raw hindi dapat tanawin na utang na loob.
Chanyeol smiles at Baekhyun. “Thank you, love. ”
Nag-ngitian sila ron. Para ngang biglang ang isa’t-isa na lang ang nakikita nang biglang may bulinggit na sumingit.
“ Love ?” Panggagaya nito sa tawag ni Chanyeol kay Baekhyun. “Why is it only papa who you call love, daddy? Don’t you love me too? Am I not loved?” Nagtatampong tanong nito kaya tiningnan ng mga magulang at sabay na sinabing, “We love you, baby.”
Napapalakpak naman si Dohyun. He giggles. Chanyeol grins kasi Baekhyun na Baekhyun lang.
He would be missing a lot of happy moments na sa pamilya lang makikita kung sakaling hindi siya nabigyan nang pangalawang pagkakataon para maitama ang lahat ng mali.
Mabuti na lang.
“I love you, too, daddy and papa. Now where are we gonna eat? I am hungry po.”
“Ayun, eh.” Natatawang sabi ni Baekhyun. Ito na ang nagtulak ng cart kasi ayaw nang bumitaw ni Dohyun kay Chanyeol. “Let’s go home na. I’ll cook for you and daddy.”
Nag-apir sina Chanyeol at Dohyun. “Yehey!”
BONUS: After 6 months.
“Love, baka matunaw ‘yang singsing.” Chanyeol says nang patulog na sila. Nasa sariling kwarto na si Dohyun.
Kanina lang kasi after dinner, nagpropose ito kay Baekhyun. Sobrang simple lang. Just the two of them and their son.
Napabuntong hininga naman si Baekhyun sabay kuha ng kamay ni Chanyeol kung saan may suot din itong singsing.
“Don’t tell me nagdadalawang isip ka?” Natatakot na sabi ni Chanyeol to which he laughs.
“No.” Then he held Chanyeol’s hands and intertwined their fingers together. “Wala nang bawian, Mr. Park.”
Naalala lang kasi niya ‘yung time na unang beses niyang nakita si Chanyeol after four years. Napatingin siya sa singsing na suot nito noon at inakala niyang wedding ring iyon nina Chanyeol at Jinah.
Yun pala hindi.
Mali pala siya kasi ngayon suot niya ang kapareha ng singsing na ni Chanyeol.
Para sa kanya pala. Para sa kanila pala.
