Work Text:
"Han! HAN! ANDITO NA ANG EMAIL!!"
Makailang beses na pinindot ni Seungcheol ang email na biglang nag pop up.
"Jusko seungcheol anak. isa-isa lang, baka mamaya madelete yan bigla," Tawa ng mama ni Jeonghan "Han anak! Andito na ang email--"
"Ma! Asan na, asan na--" bumukas bigla ang pinto at pumasok na ang isa pang binata at nakipagsiksikan na agad si Jeonghan para makita ang screen ng computer.
"Ay ano ba yan, ayaw mag load. Ang hina tangin--" Agad naputol lang ang sasabihin ni cheol nang pinandilatan ng mama ni Jeonghan.
"Kalma kase cheol, jusko mabubuksan rin yan." Kalmadong salita ni Jeonghan pero makikita parin ni Cheol na hindi stable ang cursor sa screen dahil nanginginig ang mouse na hawak ni Jeonghan.
Tahimik nalang siya humagikhik at pinisil ilong ni Jeonghan.
"Sus, sino mas kabado satin. Tignan mo nagdidisco na yung cursor oh."
"Ay! Ayan na! ayan na!" Bulalas ni Mama Yoon nang natapos na ang pagloading.
"Good day, Mr. Yoon," sabay na mabilisang binasa ng dalawa ang sulat.
"...to announce you have BEEN ACCEPTED IN YOUR SELECTED COURSE, JEONGHAN PASOK KA!!!" Parehong napatalon ang dalawang binata at nagyakapan habang tumatalon-talon parin habang si Mama Yoon nakatingin lang at nakangiti habang pinapahiran ang mga luha.
"HAN!!! SABI KO NA EH! Magiging psycho ka na!!! Pasok ka na sa psycho!" Sigaw ni Cheol habang hinawakan si Jeonghan sa mukha.
"Cheol! Psychologist kase! Gagawin mo 'kong baliw niyan" sagot ni Jeonghan habang namumula na kase sa posisyon nila ngayon. Sa harap ng mama niya.
Ay! yung mama niya. Medyo nakahalata na rin si Cheol at agad rin tinanggal ang pagkakahawak niya kay Jeonghan. Lumapit si Jeonghan sa kanyang ina at niyakap.
"Ma. Pasado na ako. Mag-aaral na ako sa dream university ko. Sa dream course ko ma."
Wala nang sinabi si Mama Yoon kundi kung gano siya ka proud sa anak niya at mag-iingat siya sa siyudad.
"Oh tawagan ko lang tatay mo, jusko maiiyak yon!" Dali-daling bumitaw si Mama Yoon sa pagkakayakap at pinahiran ang luha niya.
"Kayo na muna rito. At tawagin ko kayo mamaya kakain ha. Cheol, anak dito ka na kumain ha. Mag celebrate tayo!" At tuluyan na siyang lumabas sa kwarto.
Pagkalabas ng mama ni jeonghan, agad niyakap ulit ni Seungcheol ang binata. Pinatong ang ulo sa balikat ni Jeonghan.
"Congrats, Han. Alam mo naman na proud na proud ako sayo" He whispered those words to Jeonghan.
Honestly, Jeonghan still cannot comprehend what was happening. He passed. He was gonna study in his dream university, his dream course, and full scholarship pa.
But getting to do all those meant leaving home.
Missing his parents. Missing Cheol.
Iba ang siyudad sa probinsya. He can still return din naman every weekend, pero he can feel na it won't be the same---
"--Han. Huy. Han." Tinapik ni Seungcheol ng mahina ang kanyang pisngi. "Napapalalim na naman pag-iisip mo. At alam ko na yang iniisip mo." Kinuha ni Cheol ang mga kamay niya at hinawakan ito.
"Cheol baket di ka kase kumuha rin ng exam. Papasa ka rin don." Bulong ni Han habang pinatong ang noo sa balikat ni Seungcheol.
"Alam mo naman ayaw ko iwan sila mama rito, Han. At dito rin naman ang gusto kong kurso sa college dito. At bibisitahin rin kita don" inangat ni Seungcheol ang mukha ni Han, at pinugpog ng halik ito.
"Pahingahin mo utak mo, Han. Wag mo na muna isipin ang di pa nangyayari. Kung ano man yon, kakayanin mo yon, at tutulungan ka namin. Tutulungan kita." Bawat salita ay tinutuldukan niya ng halik sa iba't-ibang parte ng mukha ng binata.
Nang matapos na siya sa paghalik, kamatis na ang mukha ni Jeonghan.
"Pinakalma mo nga utak ko, ngayon puso ko naman ang di kalmado." Nagtawanan nalang silang dalawa.
"Halika na nga, tulungan na natin don si Tita. Sure ako don andami na nung niluluto."
"Sus si Mama pa, sigurado ako buong baranggay na naman pwede kumain ng ihahain niya mamaya."At lumabas na sila sa kwarto nang magkahawak kamay.
They're gonna be okay.
