Actions

Work Header

i need you more today

Summary:

Sabihin mo na.
--
Inspired by 100 Tula Para Kay Stella (movie)

Notes:

Decided to gift this to a certain Marius simp

Chapter 1: isang tula

Chapter Text

Kung may mapapansin man kay Marius noong highschool siya, ay lagi siyang nakatingin sa bintana. Bawat tanghali ng klase makikita mong nakadikit ang mata nito sa salamin at lahat ng kanyang kaklase ay nagtataka lagi kung ano bang tinitingan ng lalaking ito.


Ang tanging sagot lagi rito ay oras kasi ng P.E. ng kanyang sinta. Tanghaling tapat pa naman at nakababad iyon sa grounds ng campus. Nung una, pagagalitan niya sana siya kaso napatigil siya nang makita ang napakalaking ngiti sa mukha ng kanyang sinta. Hindi nakatali ang buhok nito kaya naman nakikita ni Marius ang kagandahan ng babaeng nakasuot ng uniform na nakatupi yung manggas ng jogging pants at shirt. Nahahalataan niyang naiinitan ang babae kaya naman tumalikod ito ang itinali ang buhok. Ngumiti ng kaunti si Marius at tinitigan parin ang kanyang minamahal.


Ilang buwan na mula nung nalaman niya ang kanyang nararamdaman para sa babaeng ito. Kahit man nalaman niya, hindi siya gumalaw para alamin ng babae. Hindi siya sigurado bakit ayaw niyang umamin pero parang may nagsasabi sa kanyang loob looban na wag muna siyang magpahalata. Mukhang hindi pa naman sila handang magkarelasyon kung pareho sila ng nararamdaman sa isa't isa.


“Marius, naririnig mo ba ako?”


Lumingon ang lalaki at pilit napatingin sa guro niyang napakalapit sa kanyang upuan. Hindi pala siya nakikinig sa klase. Ano kaya sasabihin sa kanya ng sinta niya kung nalaman niya ito?


“Pasensya na po, may napansin lang po sa labas.”


Hindi na siya pinansin pa ng kanyang guro at tuloy na ulit ang klase. Tumingin muli si Marius sa labas bago binalik ang kanyang atensyon sa tinuturo ngayong araw. Sa harap niya ay puro plano para sa school fair nila. Rinig ni Marius mula sa mahal niya’y sasali raw ito sa Battle of the Bands bilang vocal ng grupo. Dahil alam ni Marius na hindi musika ang kanyang kalakasan, napangiti nalang ito at inisip na susuportahan na lamang niya ang babaeng kanyang minamahal.





Hanggang sa huling sinabi ng kanyang guro. “At meron din tayong paligsahan para sa mga mahilig magsulat ng tula!”


Napaisip si Marius sa kumpetisyon na ito at kung sasali man siya o hindi. “Simple lang naman ito. Magsusulat ang mga mag-aaral ng tula tungkol sa kahit anong inspirasyon nila sa buhay ngunit kailangang gamitin ang linguwaheng atin,”


Habang hindi man siya magaling sa musika, iniisip ni Marius na dito siya puwedeng sumali para pareho sila ng kanyang sinta na may partisipasyon sa okasyong ito. Extra nalang pogi points pag nagagalingan siya sa kanya, diba?


Kaya naman nung araw na iyon, sumali si Marius sa paligsahang pagtula habang ang kanyang minamahal ay sumali sa paligsahang pagkanta.


Nang magkita sila sa pwesto na lagi nilang pinupuntahan kapag uwian na, ikinuwento ito ni Marius at pinanood niyang lumiwanag bigla ang kanyang mundo nang makita ang napakagandang ngiti ng babae bago siya yakapin ng mahigpit. Halos di na makahinga si Marius bago siya bitawan at tawanan ng babae bago siya sumeryoso. Dito na nakita ni Marius na ito nga ang gusto niyang maging pokus ng kanyang mga tula.





Sa gabing iyon ay hindi siya makatulog.


Sa mesa niya’y kay rami-raming papeles na kung saan-saan na ang narating at napakaraming nakasulat sa bawat pahina.


Kung babasahin ito ng sino man, iisa lamang ang pinaguusapan. At kahit sino sa buong iskuwelahan maliban sa nag-iisang taong yon ay alam na alam kung ano ang balak ni Marius sa mga tulang ito.








Lagi akong nawawala

Sa kanyang mga mata

At sa rosas niyang labi

Mapapatitig ka sa ngiti