Work Text:
April 18, 2016
It was the day he and Chanyeol first met. Sa Maginhawa ‘yon. During the gig of his best friend’s, Sehun, favorite indie rock band. Sinama siya nito at dahil bakasyon naman, walang ginagawa, pumayag siya.
He was just there at the corner, the only person who couldn’t relate and enjoy the music. Maganda naman. Hindi lang niya ma-hype tulad ng mga taong naroon din dahil hindi naman siya fan.
Nang matapos mag-perform ang banda, inanyayahan ang lahat lumapit sa stage para sa group picture at pipili rin ng ilan para sa solo pictures kasama ang paboritong band member. Dahil ayaw naman niyang magpanggap, mas pinili niyang manatili na lang sa pwesto niya, enjoying his cola and potato wedges.
Lahat lumapit, nagsisikan papunta sa maliit na stage. Pinanonood lang niya ang mga taong mag-kumpulan kaya hindi niya napansin ang lalaking humila ng upuan sa tapat niya kung saan nakaupo si Sehun kanina.
Ayun ang kauna-unahang beses lumapat ang mga mata niya kay Chanyeol. Gwapo. Ayun ang una niyang napansin. Kung nalaman lang ‘yon ni Chanyeol, hindi na ito magugulat. Although Chanyeol is very humble, madalas kasi nito ‘yon marinig. Well, totoo naman.
Chanyeol Park, Civil Engineering, 21 years old, mabait, matalino, matangkad, talented. Description pa lang, hindi pa nakikita, ang bango-bango ng pakinggan. Paano pa kung nakaharap at makilala na?
Aaminin niya, he was attracted lalo pa nang matapos nitong makipagkilala sa kanya, nalaman niyang they go to the same university. Hindi lang niya ito nakikita ron. Sa laki ba naman kasi. Isa pa, ang layo ng building niya. He’s from the College of Accountancy and Finance.
Napasarap ang kwentuhan nila noong gabing ‘yon. Nilapitan siya ni Chanyeol dahil nagtaka daw itong siya lang ang tanging hindi excited. Pinaliwanag niya kung bakit. Naging komportable siya agad dahil magaling naman siyang makihalubilo. Hindi nga nila napansin ang oras at iba pang mga taong naroon hanggang sa bumalik ang best friend niya sa mesa nila and turned out magkakilala pala ang dalawa. They were schoolmates back in high school. Konting kwentuhan pa kasama si Sehun, nagpaalam na rin silang dalawang magkaibigan kay Chanyeol dahil lumalalim na ang gabi.
It was a normal night. He didn’t mind meeting a new person, lalo pa’t may common friend sila. Nasa isip niyang Chanyeol was harmless kasi nga kaibigan naman ni Sehun. Totoo rin naman ‘yon. Mabait si Chanyeol at napatunayan niya ‘yon sa ilang buwang dumalas ang pagkikita nila at minsan ay nakakasama rin nila ito. Sa sobrang ganda nga ng trato ni Chanyeol sa kanya, tinutukso na silang dalawa.
Ang sabi ng isa pa nilang kaibigan ni Sehun na si Jongdae, iba raw tumingin si Chanyeol sa kanya. Syempre, hindi naman siya “assuming” kaya hindi niya binigyang pansin kahit pa aaminin niyang minsan ay kinikilig siya rito pero kanya na lang ‘yon. Walang ibang nakakaalam.
Hindi kasi sila pwede. Simple lang. None of the signs say Chanyeol was the one for him.
Signs. As ridiculous as it may sound, he is a great believer of signs from the universe. Hindi naman sa araw-araw pero mas madalas siyang humingi ng sign kapag major life decisions na ang usapan. He has a long list of signs. Literal. Mayroon siyang notebook kung saan nakalista ang mga signs na hiningi niya. Checklist ‘yon ng mga dapat niyang gawin o hindi ayon sa sinasabi ng signs.
Para na lang ‘yung pagkuha niya ng kursong Accountancy.
He originally wanted to be a medtech pero naubusan siya ng slot sa university. His friends told him na may iba pa namang pwedeng apply-an at pasukan pero humingi kasi siya ng sign na kung hindi niya makuha ang first choice niya, it meant hindi ‘yon para sa kanya at huwag na siyang tumuloy sa field na ‘yon which is medicine. Otherwise, he wouldn’t be successful. Kaya pinili niyang sundan ang apak ng karamihan sa pamilya niya because almost everyone in the family are CPAs.
Lahat dinidepende niya sa signs kaya nang magkatotoo ang lahat ng panunukso sa kanya ni Jongdae noong umamin si Chanyeol na gusto na nga siya, lumayo siya rito.
Hindi niya sinabi kay Chanyeol ang dahilan. Ayaw niya. Noong una akala pa nito simpleng wala lang siya sa mood hanggang sa nagsunod-sunod na araw at umabot na ng ilang linggo.
Hindi naman manhid si Chanyeol. Nagka-ideya itong dahil sa pag-amin kaya nilinaw sa kanyang nirerespeto ang desisyon niya kung ayaw niyang magpaligaw. Sinabi lang naman daw ni Chanyeol pero hindi ibig sabihin ‘non ay obligado na siyang magustuhan din ito. Ang sabi sa kanya, sana raw huwag siyang mailang at hindi maapektuhan ang friendship nila pero sadyang ayaw na talaga niya dahil kung hindi siya lalayo, aminin man niya sa iba o hindi, alam niya sa sarili niyang may naramdaman din siya para kay Chanyeol, hindi iyon mawawala at ayaw niyang mangyari ‘yon.
That’s when he started to hate Chanyeol’s guts.
Ilang beses din kasi niya itong binigyan ng chance in terms of asking for signs. Multiple times niyang ginawa kasi baka iba pala ang makakapagsabing si Chanyeol ang tamang tao para sa kanya pero wala talaga.
Ang gusto kasi niya, sa isang tao lang niya ibibigay ang puso niya. Walang iba kundi sa taong sinabi ng sign.
Ang sabi naman ni Sehun sa kanya, “Hindi lahat ng tao first boyfriend o girlfriend ang nakakatuluyan. Paano mo talaga malalaman kung hindi mo susubukan?” na sinang-ayunan at dinugtungan ni Jongdae ng “Sa ginagawa mong ‘yan, tatanda kang binata.”
Pero kahit ano pang narinig niya mula sa mga kaibigan, desidido siyang layuan si Chanyeol at iyon ang ginawa niya kahit mahirap para sa kanya.
Hindi kakampi ni Chanyeol ang signs at universe, eh. At naging dahilan ‘yon kung bakit unti-unti ang pagtingin niya para rito ay napalitan ng inis kahit sa tuwing nakikita lang ito.
Yung dating kinakikiligan at gustong nakakasama, kinaiiritahan na.
Kahit gaano pa kaganda ang mga pinakita nito, hindi na niya pinansin.
Minsan na nga ring pinagsabihan si Chanyeol ng sariling kaibigan na si Kyungsoo na boyfriend ng best friend na si Jongin.
Kung ayaw daw pansinin, bakit patuloy pa ring sinusubukang kausapin at lapitan siya? Harap-harapan daw pinagmumukhang tanga at pumapayag naman.
Lahat ng sinabi tungkol sa kanya, alam niya. Hindi man niya literal na narinig, nakita naman niya sa paraan ng trato at tingin sa kanya pero lahat ‘yon binalewala niya.
Sabi niya mas maganda nang habang maaga pa ay lumayo na kaysa mas lalo pa siyang maattach. Mas mahirap ‘yon. Sa huli naman daw kasi ay hindi rin silang dalawa ang magkakatuluyan.
Pinagpatuloy niya ‘yon. He continued living his college life as if he didn’t meet Chanyeol, as if the latter didn’t exist until one day, dalawang araw makalipas ang birthday ni Sehun kung saan nag-overnight sila ni Jongdae at ng iba pa nilang mga kaibigang sina Minseok, Han na boyfriend ni Sehun, at Junmyeon sa bahay nito, tila nagbago ang ihip ng hangin.
“Is that Chanyeol?” Ang tanong ni Jongdae habang nasa Bo’s Coffee sila together with Han, nagpapalipas ng oras dahil may vacant silang four hours. Ginamit nila ang oras to finish their pending works. Subconsciously, inangat niya ang ulo nang marinig ang sinabi ni Jongdae at totoo nga. That’s Chanyeol. Umoorder ito.
Hindi naman na ‘yon kataka-taka. The coffee shop is just a few blocks away from the campus.
Binalik niya ang mga mata sa laptop at nagpatuloy sa ginagawa. Si Han ang sumagot sa tanong ni Jongdae. Hinayaan niyang mag-usap ang dalawa. Makalipas ang ilang minuto, narinig niyang binanggit ang paborito niyang drink na Mocha Non-iced Blended Coffee kasunod ng “For Chanyeol.”
Naagaw ‘non ang atensyon niya. Inalis niya ang tingin sa screen ng laptop at tiningnan si Han na nakatingin din sa kanya.
“Oh my gosh, Baek.” Ang sabi nito.
There’s no such thing as coincidence para sa kanya when it comes to signs because he put twists on each. Chanyeol just ordered his favorite iced drink but without ice.
That’s one of the signs he wrote in his notebook.
Sinadya niyang ganun para may thrill because anyone can order the drink nang paulit-ulit. Ano ‘yon? Lahat sila si The One? That can’t happen.
Bumilis ang tibok ng puso niya.
Chanyeol just crossed out one of the signs in his The One List.
Alam ni Han dahil nagkausap sila noong birthday ni Sehun. Tinanong nito kung bakit ba ayaw niya kay Chanyeol dahil sina Sehun at Jongdae pa lang ang tanging nakakaalam since mas madalas niyang kasama ang dalawa. From the same college kasi silang tatlo whilst Han was from College of Statistics and both Minseok and Junmyeon were from College of Social Science and Philosophy.
Syempre, kaibigan naman niya si Han kaya sinabi niya. Nang tanungin nito ‘yung tungkol sa list niya, since ayaw naman niyang ibigay ang notebook niya for Han to read on his own dahil ayaw na niyang i-share ang iba pang nakalagay na hindi tungkol kay The One, binasa niya na lang at isa nga ron ay ang pag-order ng favorite iced drink niya without ice in his favorite coffee shop.
Naka-indicate talaga ron specifically kung ano ba ‘yung drink at coffee shop.
“Para kayong mga nakakita ng multo.” Ang puna ni Jongdae sa kanila nang mahalata ang mga reaksyon nila. “Anong meron?”
Hindi na nagawang pigilan pa ni Baekhyun si Han sa pagsagot. Wala lang naman sa kanya kasi best friend niya naman si Jongdae at alam nito ang tungkol sa signs na palaging binabatikos at sinasabihang weird. Isa pa, gulat pa rin kasi siya.
Nabigla rin si Jongdae nang marinig mula kay Han ang dahilan.
“Seryoso? Ang weird na nung drink ha, and inorder pa ni Chanyeol? Oh my gosh.” Reaksyon nito tapos biglang pinalo si Han sa braso. “Baka naman sinabi mo!”
“Shunga!” Agad na sagot ni Han. “Hindi naman kami close, ‘no! At kung sakali, ba’t ko naman gagawin ‘yon? Hindi ko paaasahin at lolokohin si Baekhyun.”
Tila nakalimutan na nila ang pending works nila noong araw na ‘yon. Lalo pa ni Baekhyun na sinundan pa ng tingin si Chanyeol habang palabas ito ng coffee shop. Hindi nito napansing nandon sila. Basta pagkatapos makuha ang kape, lumabas na.
“Anong balak mo?” Han asks nang makitang nilabas niya ang notebook niya and crosses out of one of the signs sa list.
Sinara niya ang notebook at saglit natulala.
Gusto siya ni Chanyeol at gusto niya rin naman ito kaso pinili niyang pigilan dahil none of the signs said na Chanyeol was The One kaya ngayong may isa na itong nagawa sa listahan, hindi niya alam kung ano ba ang dapat maramdaman.
“I have to be sure. This is a long list. Hindi pwedeng isa lang ang ma-cross out niya.” Seryosong sabi niya. He nibbled his lips. “I think I have to be more observant of him.”
At dahil nga obsessed siya sa signs na ‘yan, wala nang nagawa ang mga kaibigan niya kundi suportahan siya. Masaya rin naman kasi ang mga ito sa narinig mula sa kanya noong araw na ‘yon because it meant pwede na niyang bigyan ng pag-asa si Chanyeol.
Nakita naman kasi nila kung gaano ito kabait at kasincere sa kanya. Si Sehun na rin ang nagsabi since magkaibigan ang dalawa noong high school. Mabait talaga si Chanyeol. Ito ‘yung tipo ng taong hindi gagawa ng kagaguhan.
True to his words, Baekhyun has become observant of Chanyeol but of course not to the point na naging stalker na siya. Isa sa mga rules ayon sa kanya ay ang hindi bantayan ang isang tao o bagay na dahilan kung bakit ba siya humingi ng sign. Kusa iyon mangyayari kaya hinayaan niya lang. Basta inoobserve niya lang si Chanyeol sa tuwing nagkakataong nasa iisang lugar sila na napadalas magmula noong unang beses itong may ma-cross out sa listahan niya sa Bo’s Coffee.
“Ano? Wala pa rin?” Minsang tanong ni Jongdae habang papunta sila sa room assignment ng next subject nila. Silang dalawa lang. Hindi nila kasabay si Sehun kasi sinamahan pa muna nito saglit si Han bumili ng makakain. May kalahating oras pa naman kasi bago ang next subject. Tatambay lang sila ni Jongdae sa room dahil mainit sa labas.
Umiling siya. “1% pa rin.”
“Hindi ba pwedeng kahit isa lang sa mga ‘yon? Eh nung sinabi sakin ni Han ‘yung mga natandaan niyang nakasulat don sa notebook parang mga imposible naman.”
“Walang imposible kung talagang meant to be.” He knew he sounded so hopeless romantic kaso kasi syempre may isa ng nangyari. Hindi niya na maiwasang umasa, kahit konti, na baka may kasunod pa at hindi naman siya nabigo.
Ilang araw matapos ‘non, dumiretso siya sa mall after his class. Sa National Bookstore to be exact upang bumili ng refill ng g-tec at iba pang kailangan.
After kumuha ng highlighter pens, napadaan siya sa Fiction and Literature section at nakita niya ron si Chanyeol.
His heart skipped a beat. Ramdam na ramdam niya ‘yon. Of course, bukod sa may isa ng sign na nangyari, kung hindi naman siya naniniwala sa ganun, baka sila na ni Chanyeol ngayon. Baka matagal na niya itong sinagot.
Gusto niya rin naman kasi ito.
Medyo napatagal ang pagtitig niya rito at huli na nang akmang tatalikod siya dahil nakita na siya ni Chanyeol.
“Baek, nandito ka rin pala.” Ang sabi nito.
Tumango siya. “Oo, dumaan lang bago umuwi. Ikaw?” Ang sabi niya na ikinagulat ni Chanyeol. Hindi na siya magtataka. Palagi niya kasi itong hindi pinapansin magmula nang umamin sa kanya. Matagal-tagal na rin. Ngayon na lang ulit niya kinibo. Nag-baka sakali lang si Chanyeol. “I didn’t know you read novels pala?”
Tumango si Chanyeol tapos ay may kinuha sa shelf. Mas lalo siyang kinabahan at pakiramdam niya ay umiikot ang sikmura niya nang makita ang hawak nitong libro.
Landline by Rainbow Rowell. One of his favorite books. Isa ‘yon sa mga nasa listahan niya pero hindi pa nangyayari ‘yung buo.
Hindi niya alam kung dapat ba niyang ipanalangin na hanggang doon na lang ang gawin ni Chanyeol o buoin ang parte na ‘yon sa listahan niya.
Ewan niya. Hindi siya mapakali.
“Ah, hindi ako. Yung mom ko. Matagal na siyang nagpapahanap sakin nito since she’s a fan of Rainbow Rowell and tuwing malapit na birthday niya, naghahanap ako kaso wala, pati sa Fully Booked. Sakto ngayon napadaan din ako tapos nakita ko ‘to kaya bibilhin ko na ngayon para ibigay sa kanya sa birthday niya kahit next month pa. Baka kasi kung hindi ko pa kunin, wala na akong mahanap sa susunod.”
Nanlamig siya sa lahat ng narinig mula kay Chanyeol.
It’s the sign #4. Give the physical book Landline by Rainbow Rowell to mom.
Ginawa niya talagang specific ang lahat para walang coincidence and for it to happen, not once but twice, it meant something.
“That’s right. You should get it na.” Ang sabi niya kay Chanyeol.
Tumango ito. “Magbabayad na ako. Ikaw ba? May bibilhin ka pa?”
Umiling siya. “Ah, wala na.”
May gusto siyang sabihin ngunit hindi niya magawa. Thankfully, kay Chanyeol na mismo nanggaling.
“Sabay na tayo sa cashier?” Nag-aalangang tanong nito. Chanyeol just didn’t want to be rude kaya kahit expected from Baekhyun na tumanggi dahil nga alam nitong ayaw niya sa presence nito, nagawang itanong ang bagay na ‘yon.
Surprisingly on Chanyeol’s part, he nodded. “Tara.”
That was when Baekhyun started to show Chanyeol his true emotions na palaging narerestrict noon dahil taliwas sa nararamdaman niya ang sinasabi ng signs.
He loosened up and slowly broke down his walls hanggang sa unti-unti ay muli silang napalapit ni Chanyeol sa isa’t-isa.
Nagulat ang mga kaibigan nilang hindi nakakaalam lalo pa sa part ni Chanyeol kasi ano bang malay nina Jongin at Kyungsoo sa signs na pinaniniwalaan ni Baekhyun habang todo suporta naman sina Jongdae, Han, at Sehun na alam na rin.
Ang sabi ng mga ito magtutuloy-tuloy na raw ‘yon. Umasta na bilang isang manliligaw si Chanyeol at hindi na niya ito iniwasan pa o tinarayan. Naging dahilan ‘yon upang mas lalong mawalan ng pag-asa ang isa pang may gusto at matagal nang nangungulit kay Baekhyun na si Yifan.
“Hindi mo naman ako kailangang ihatid pa. Sa Sun’s lang ako.” Ang sabi ni Baekhyun habang nag-aabang ng jeep isang hapon. He stayed in his brother’s old condominium unit kasi. Doon din ito noong college at iniwan na noong nakatapos ng pag-aaral at nakapagtrabaho.
Mag-isa lang siya noong hapon na ‘yon. May ibang lakad si Jongdae na lagi niyang kasabay umuwi kasama ang pamilya. Nagkataon lang na nagkasabay sila ni Chanyeol palabas ng gate.
“Kahit dito lang sa sakayan. Tsaka tingnan mo oh, makulimlim. Baka umulan. May payong ka ba?”
He checked his bag pagkasabi ‘non ni Chanyeol at nakitang wala siyang dala. Palagi niya ‘yon nakakalimutan.
“Wala.” He said and unconsciously pouted.
Natawa si Chanyeol. Maya-maya lang ay may mahihina ng patak mula sa kalangitan. From ambon, lumakas nang lumakas.
Naglabas si Chanyeol ng payong mula sa bag at pagkakita ‘non, nagwala na naman ang puso ni Baekhyun.
Yellow umbrella.
That’s sign #12. Hindi man sunod-sunod nangyari ang mga ‘yon, hindi ‘yon importante dahil hindi naman din kailangang makumpleto. Sapat na ‘yung may mga nangyari kahit nga isa lang sa mga ‘yon.
At sabihin na lang din nating parang isang eksena sa pelikula ang hapon na ‘yon. Sa gitna ng maraming taong nag-aabang ng masasakyan, umuulan, Baekhyun suddenly stood on his tiptoe and held onto Chanyeol’s shoulders na pinapayungan silang dalawa.
He closed his eyes and pressed his lips against Chanyeol’s. He felt the latter stiffened at nang lumayo siya rito, nagkatinginan sila’t sabay natawa.
That was one of their happiest days as a couple.
“Kayo na agad?! Ang bilis!” Halos mag-hysterical si Jongdae sa narinig mula sa kanya nang sabihin niya sa mga kaibigan ang magandang balita kinabukasan lang din.
“Why not?” Ang sagot naman niya. “Alam niyo namang I liked him matagal na. Pinipigilan ko lang kasi nga before walang tumutugma sa signs.”
“Talagang mas sinunod mo ‘yang signs na ‘yan kaysa sa nararamdaman mo?” Napapailing na sabi ni Junmyeon.
Proud siyang tumango. Bakit hindi? Eh nangyari nga. “Oo, at hindi ko pinagsisisihan kasi tingnan mo. Sa ilang signs ang hiningi ko for Chanyeol noon, walang nangyari kasi turned out may tamang oras pala para ron. Who would’ve thought na makakalima siya out of 20 sa The One signs ko. Eh sobrang imposible na ng ibang mga nakasulat don pero nangyari pa rin.”
“So sure ka na? Na Chanyeol is the one for you? Na kayo na hanggang dulo?”
Tumango siya sa tanong ni Sehun. “That’s what the sign say. Never pa akong binigo nito.”
Syempre, wala naman nang nagawa ang mga kaibigan niya sa mga sign sign niya na ‘yan. Ang importante ay masaya siya sa naging desisyon. Napapasaya siya ni Chanyeol. Nakita ‘yon ng mga ito.
Isa pa, hindi lang 5 out of 20 ang na-cross out sa listahan niya. 5 ‘yung nasabi niya noong una dahil may dalawa pang nangyari bago naging sila at iyon ay nang magawa ni Chanyeol ang sign #14. Nagsuot si Chanyeol ng bright colored shirt which is red nang isang beses inaya siya nitong lumabas. Silang dalawa lang ‘non at sobra siyang nagulat kasi Chanyeol usually wears either a white or black top. Yung pang-lima naman ay noong inalok siya nitong mag-share sila ng earphones sa library habang nag-aaral sila pareho at biglang tumugtog ang Day 1 by Honne. Chanyeol told him na nasa playlist nito ‘yon dahil paborito raw at mas lalo lang niyang napatunayan na Chanyeol is The One. That was sign #9 in his notebook.
Habang tumatagal din ang relasyon nila, nadadagdagan ang mga nagagawa ni Chanyeol na siyang nagpasigurado kay Baekhyun na sila na talaga ang para sa isa’t-isa.
Isa na sa mga pangyayari na ‘yon ay nang kantahan siya ni Chanyeol the night before their first monthsary.
Weekend ‘yon. Nasa condo siya at saktong katatapos lang maligo. Palabas sana siya to buy dinner nang may kumatok. Nilapag muna niya ang wallet sa kama bago buksan ang pintuan at sinalubong siya ni Chanyeol na may dalang isang box ng pizza from Yellow Cab, chicken from the same restaurant, at gitarang nakasukbit sa likuran.
Pinapasok niya ito at kinuha ang mga pagkaing dala.
Bago pa siya makapagtanong, nagsalita na ito.
“Advance happy monthsary, baby. Inagahan ko kahit ilang oras pa bago ‘yon kasi excited ako.”
Napangiti siya nang marinig ‘yon. Si Chanyeol na talaga ang pinakasweet na taong nakilala niya. Sobrang maalaga rin nito.
Since mag-isa siya sa condo at tuwing weekend or holiday lang umuuwi sa kanila, madalas siyang samahan nito. Minsan nagluluto sila o di kaya naman ay dinadalhan ng pagkain tulad noong gabing ‘yon before their monthsary. Sabay silang nag-aaral at syempre hindi nawawala ang bonding and quality time by watching movies and series sa Netflix and of course, cuddle time.
“Sakto ka kasi dapat bababa na ako para bumili ng dinner sa McDo.”
“McDo na naman.” Ayan din. Pinagagalitan siya ni Chanyeol kasi nga masama ang palaging fast food pero may sagot siya noong gabing ‘yon. “Anong kaibahan ng McDo sa Yellow Cab?”
Napaisip din si Chanyeol don. Oo nga naman. “Eh syempre celebration. Basta bukas hindi na. Dadalhan kita ng dinner. Sa weekend din kapag hindi ka naman uuwi sa inyo sa Nova, sama ka sakin sa bahay. Gustong-gusto ka na mameet ni Mama.”
Nakaramdam si Baekhyun ng kaba ‘non but at the same time excitement kasi first time na may magpapakilala sa kanya bilang boyfriend. Kung sabagay, first naman niya kasi si Chanyeol at sigurado na siyang last.
Kumain sila noong gabing ‘yon habang nagkukwentuhan. After dinner, nilabas ni Chanyeol ang gitara. Naupo silang dalawa sa kama. Nakangiti lang niya itong pinanonood at halos maiyak siya nang marinig ang kinanta nito.
Sign #18. Sing Magic by Coldplay.
Noong una, kumakanta lang si Chanyeol habang nagsstrum ng gitara hanggang sa matapos ang second verse at dumating ang chorus.
Tinigil ni Chanyeol ang pagigitara’t pagkanta. Binaba lang nito ‘yon sa kama tapos ay kinuha ang kamay niya.
“Anong gagawin?” Ang tanong niya ngunit hindi ito nagsalita at nilagay na lang ang mga kamay niya sa balikat nito bago hapitin ang bewang niya. Nagsimulang mag-sway si Chanyeol.
They’re slow dancing under an incandescent light bulb. Walang romantic sa place pero sa dalawang taong nagsasayaw, mayroon.
“Ba’t tayo sumasayaw?” Natatawa pa niyang tanong. “Wala namang music.”
Tanging ngiti lang ang sinagot ni Chanyeol and the next thing Baekhyun knew, tinuloy na nito ang chorus ng kanta. Hindi masyadong bagay ‘yung tono para sa isang slow dance but with Chanyeol, everything was perfect.
“ And I don't, and I don't, and I don't, and I don't
I don't, no, I don't, no, I don't, no, I don't
I don't, no, I don't, no, I don't, no, I don't
I don't, no, I don't, no, I don't, no, I don't
Natapos ang slow dancing nila nang lumapit siya kay Chanyeol upang yumakap dito at sinandal ang ulo sa dibdib nito.
Chanyeol kissed the tip of his crown.
“Thank you.” Ang sabi niya rito bago tumingala.
Chanyeol smiled at him. Ang gwapo talaga ng boyfriend niya. Umiling ito. “No, thank you. ”
Magkayakap pa rin silang dalawa. “Para saan naman? Ikaw nga lang ‘tong nag-effort ngayong first monthsary natin.”
“Thank you because you celebrated it with me and above all…” Ang sabi ni Chanyeol sabay hawi ng buhok niya. “For coming into my life.”
Chanyeol then leaned in for a passionate kiss.
Ilang araw, linggo, at buwan ang lumipas at hindi nagbago ang sweetness nila sa isa’t-isa. Lalo pa ni Chanyeol. Sobrang maalaga nito. He’s the definition of a perfect boyfriend everyone could dream of. Inggit na inggit na nga si Jongdae at bilang isang bitterella, sinabi nitong sa una lang daw ‘yon. Kapag tumagal na, mag-aaway na rin palagi.
Tinatawanan lang ni Baekhyun. Bahala ito basta ang alam niya ay sobrang saya nila ni Chanyeol.
Hindi natapos ang pag-cross out nito ng signs sa checklist niya noong first monthsary nila. Naisip nga niya siguro talaga along the way, kung patuloy niyang dadagdagan, baka hindi rin siya matapos kaka-cross out hanggang sa tumanda sila.
It’s weird but the thought of it makes him kilig kaya nga kahit na boyfriend na niya si Chanyeol, nag-eenjoy pa rin siyang mag-cross out kasi hindi na lang ‘yon para patunayang ito si The One. Para sa kanya, napatunayan na ‘yon ni Chanyeol sa unang sign pa lang. He only continued checking the list kasi natutuwa siyang isipin na nahanap na niya ang taong para sa kanya at hindi siya napilitan dahil iyon ang sinasabi ng sign kundi dahil may gusto naman talaga siya kay Chanyeol noon pa. Baka nga nauna pa siya sa kanilang dalawa. Mas vocal lang si Chanyeol.
That’s one thing that made him believe that they’re really meant to be.
Universe na ang nagsasabi kaya sigurado siyang walang anuman ang makakapagpahiwalay sa kanila.
Sa dami ba naman ng mga nagawa ni Chanyeol sa lahat ng signs na hiningi niya, magdududa pa ba siya?
The signs never failed him… or so he thought.
October 15, 2017
The first time Chanyeol brought him home to formally introduce him to the Parks.
Hindi natupad ‘yung weekend na sinasabi ni Chanyeol na dadalhin sa kanila si Baekhyun dahil naging busy sila sa school and other requirements. Inabot ng dalawang buwan bago tuluyang nangyari ‘yon pero wala namang kaso dahil tanggap na tanggap si Baekhyun.
Tuwang-tuwa ang mama ni Chanyeol. Mabilis nga silang nagkasundo. Komportable si Baekhyun sa pamilya ng boyfriend. Sobrang welcoming kasi ng mga ito kahit pa ang ate ni Chanyeol kaya nagawa niyang magpaiwan nang magpabili ang tatay nito ng softdrinks bago sila sabay-sabay maghapunan.
Gusto kasing kakwentuhan ng mama at ate ni Chanyeol si Baekhyun.
“Nabanggit nga rin po niya na mahilig po kayong magbasa ng novels, tita.” Ang sabi ni Baekhyun matapos magkwento ang mama ni Chanyeol tungkol sa mga halaman nito dahil nagtanong siya. “Tapos niyo na po ba ‘yung librong binigay niya sa inyo nung birthday niyo?”
Kumunot ang noo nito nang dahil sa narinig mula sa kanya. “Libro?”
Medyo naguluhan tuloy siya dahil sa naging reaksyon pero sigurado kasi siya na nangyari ‘yon bago pa maging sila ni Chanyeol. Sa National Bookstore pa nga. Hindi siya pwedeng magkamali. Tanda niya ang lahat basta ba related sa signs na hiningi niya’t nangyari/
“Opo, tita. Sabi pa po niya fan po kasi kayo ni Rainbow Rowell kaya lalo akong naexcite kasi ako rin.”
Sa pagsabi niya ‘non, hindi niya inasahan ang naging sagot ni Tita Youngmi. Ayun ang pangalan ng mama ni Chanyeol.
“Baka ibang kaibigan mo ang nagsabi nyan, iho.” Nangingiting sabi nito. “ O kaya naman ay nagpapaimpress lang si Chanyeol sayo dahil alam nitong gusto mo ‘yung author. Wala siyang binigay sakin at mas lalong hindi ako mahilig magbasa ng mga ganun.”
It left a question in his mind lalo pa’t nauna niyang malaman na favorite ng mama ni Chanyeol ang author na binanggit niya bago niya sabihing pareho sila nito kaya medyo nag-drop ang mood niya pero syempre hindi niya ‘yon pinakita sa harap ng pamilya ni Chanyeol.
Gusto niyang magtanong pero hindi niya nagawa dahil bukod sa kasama nila ang pamilya nito, hindi rin niya alam kung paano kaya tinago na lang niya muna.
Dahil sobrang na-busy sa dumating na hell week at mabibigat na gawain nang sumapit ang finals, nawala ang bagay na ‘yon sa utak niya. Ilang buwan ang lumipas, hindi sila nagkaproblema ni Chanyeol. Ganun pa rin. Sweet pa rin sila at habang tumatagal, mas nahuhulog lang siya rito. Nasabi niya na nga sa mga kaibigan niyang hindi niya na kakayanin pag nawala ito at hindi rin niya alam kung bakit ba niya nasabi ‘yon gayong sigurado siyang hindi mangyayari ang bagay na ‘yon.
Hindi na sila maghihiwalay ni Chanyeol. Ayun ang nakatatak sa isip niya hanggang sa isang araw, habang naglalakad sila sa mall, may nangyari na namang kakaiba.
December 10, 2017
It was the last day of first semester that academic year. Nag-date sila and decided na mag-bowling to spend time together kasi sa susunod na araw ay uuwi na si Baekhyun ng Novaliches. Hindi naman ganun kalayo at pwedeng-pwedeng puntahan ni Chanyeol pero syempre, iba pa rin ‘yung iisang jeep lang ang pagitan nilang dalawa.
Papasok sila ng bowling center dahil doon nila napagpasyahang mag-date kaysa manood ng movie nang may nakasalubong sila ni Chanyeol na kakilala ng huli. Wala siyang ideya kung sino ‘yon. Nakipag-apir ito kay Chanyeol at nag-bro hug pa sila.
Pinakilala naman siya ng boyfriend. “Si Baekhyun, Kuya Xing. Baek, si Yixing. Pinsan ko.”
“Hello po.” Bati niya rito at nag-shake hands pa sila.
Nginitian siya ni Yixing. Halatang masaya ito para kay Chanyeol. Ang sabi kasi ng mga nakakakilala rito, iba raw ang ngiti ni Chanyeol magmula nang maging sila.
“Ang daya mo. Dinala mo siya sa inyo, hindi mo ako inimbita. Si Tito lang ang nagsabi sakin. Ngayon ko lang tuloy nameet ‘yung kauna-unahang taong hinarana mo.” Ang sabi ni Yixing sabay pabirong suntok sa braso ni Chanyeol na medyo nawala ang ngiti.
Kumapit naman si Baekhyun sa braso ng boyfriend. “Alam mo po pala ‘yon. Nagkukwento pala si Chanyeol.” Ang sabi niya sabay tingin sa boyfriend. Naimagine niya itong nagpapasikat sa pinsan dahil sa ginawa. Ang cute.
Bago pa man makapagsalita si Chanyeol ng oras na ‘yon, mabilis nang nasagot ni Yixing si Baekhyun. Tumango ito.
“Oo naman. Kami ‘yung pinakaclose kasi sa magpipinsan kaya sakin niya nasabing kakantahan ka raw niya ng Magic sa first monthsary niyo kahit hindi niya gamay ‘yung chords at inaral niya pa talaga kasi ayun ‘yung gusto mo.”
Para bang nabingi si Baekhyun at biglang may mali sa pandinig niya.
“Ano po?” Tanong niya. Medyo malabo kasi ‘yung pagkakaintindi niya sa huli pero sa pagkakataon na ‘yon, hindi na hinayaan ni Chanyeol na makapagsalita si Yixing.
“Parang sumakit ‘yung ulo ko. Tara, Baek, uwi na lang muna tayo. Next time na lang tayo mag-bowling.”
Syempre, ayaw naman ni Baekhyun magtalo pa sila sa public place kaya nagpaalam na sila kay Yixing.
Hindi sila nag-usap kahit hanggang makarating sa parking lot. Tahimik lang sila. May dalang kotse si Chanyeol.
Pinagbuksan siya nito ng pinto at tahimik siyang sumakay. Nang makaikot si Chanyeol sa driver’s seat, binuhay nito ang makina ng sasakyan at umandar na sila, doon na siya nagsalita.
“May gusto ka bang sabihin sakin?”
Hindi niya alam kung tama ba ‘yung nararamdaman niya ng mga oras na ‘yon pero pakiramdam niya talaga ay may tinatago si Chanyeol. May mali.
“Huh? Tungkol saan?” Ang tanong naman nito.
Nagkibit balikat siya. Iba na talaga ang pakiramdam niya. “Ewan ko. O baka wala kasi hindi mo kayang sabihin. Wala kang balak? May tinatago ka?”
Sinulyapan siya ni Chanyeol pero hindi rin nagawang tingnan siya sa mga mata tulad ng parati nitong ginagawa.
“Baek, ano bang sinasabi mo? Bigla kang nagkakaganyan. Kanina okay naman tayo.”
“Ako pa?” Naiinis na sabi niya. Naalala kasi niya ‘yung nangyari sa bahay nila Chanyeol. Yung sinabi ni Tita Youngmi na hindi daw siya mahilig magbasa ng libro. Edi ano ‘yung sa National Bookstore? Tapos itong kay Yixing. Kinantahan daw siya dahil ayun ang gusto niya. Gustong ano? Gustong mangyari? Gustong kanta? He never told Chanyeol na gusto niyang kantahan siya ng Magic. Ni kahit mga kaibigan nga niya, eh. Isa lang ang sinabihan niya. Si Han at parang imposible namang sasabihin nito kay Chanyeol dahil dito na mismo nanggaling, walang pagsasabihan ng signs dahil ayaw siyang paasahin at lokohin. Paano nalaman ni Chanyeol?
“Ikaw nga sabi mo masakit ang ulo mo pero nakakapagmaneho ka pa. Mukha ka namang okay. Ano ‘yon? Talaga bang masakit ang ulo mo o pati ‘yon hindi na totoo? Na sinabi mo lang para makaiwas sa gusto pang sabihin ng pinsan mo sakin?”
Dahil sa narinig mula sa kanya, hininto ni Chanyeol ang sasakyan sa gilid.
Naiinis na siya, nafufrustrate. Ano ba? Ano bang ginagawa ni Chanyeol? Bakit ganun? Maraming tanong sa isip niya pero hindi niya alam kung paano sasabihin, kung paano ilalabas.
“Ano? Magsalita ka. Ba’t mo pa hininto kung tatahimik ka rin lang naman pala d’yan?” Ang sabi niya nang ilang minuto na ang lumipas, wala pa rin siyang naririnig mula kay Chanyeol ngunit imbes na sundin ang sinabi niya, yumuko lang ito.
“ Tangina.” Inis na sabi niya at sa hindi malamang dahilan, bumigat ang dibdib niya. “Sabihin mo na sakin ‘yung totoo, Chanyeol. Please lang. Ayokong sa ibang tao pa malaman kung sakaling may pinagsabihan ka man.” Magiging mahirap man, alam niyang kailangan. Hindi naman siya tanga at mas lalo si Chanyeol. Alam niyang alam nito ang tumatakbo sa isip niya.
Nang hindi ito muli nagsalita, diretsahan na siyang nagtanong.
“Sino nagsabi sayo? Si Sehun ba? Si Han? Tinulungan ka ba nila? Sinabi ba nila sayo ‘yung tungkol don?” Hindi kasi malabong sabihin ni Han kay Sehun dahil mag-boyfriend ang dalawa at dahil kaibigan ng huli si Chanyeol, baka lang naman.
Sa totoo lang, mas gusto niyang ayun ang marinig, na umoo si Chanyeol kaya lang umiling ito at halos manlumo siya.
Nalungkot siya, nasaktan siya dahil naintindihan ni Chanyeol ‘yung tanong. Kung hindi kasi, magtatanong din ito kung tinulungan ba siya kung saan, diba? Ibig sabihin lang ‘non ay tama ang naging hinala niya.
None of the signs were true.
May namuong luha sa mga mata niya.
“Kung hindi siya, edi sino? Sinong nagsabi sayo? Paano mo nalaman?” Muli niyang tanong. “Please lang, Chanyeol, sumagot ka na. Hindi ko na kasi alam kung ano ‘yung totoo sa hindi!” Tumaas ang boses niya kaya alang nagawa si Chanyeol kundi harapin ang bagay na ‘yon.
Alam din naman nito na darating talaga sila sa puntong ‘yon. Sadyang hindi lang nito inexpect na mapapaaga.
“It was during Sehun’s birthday last year..” Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Baekhyun. Pakiramdam niya hindi siya makahinga. No… “I heard you and Han talking. Kayo lang yatang dalawa ang hindi nakakaalam na pumunta rin ako don pero sobrang saglit lang.” Kita niya kay Chanyeol na nahihirapan ito sa pagpapaliwanag pero hindi niya ito pinigilan. Kailangan marinig at malaman niya lahat.
“Dinaanan lang namin ni Jongin si Sehun para batiin. Nagpaalam ako saglit kay Sehun ‘non para puntahan ‘yung Lola niya kasi malapit ako kay Nanay tapos don ko kayo narinig ni Han.” Ang sabi ni Chanyeol.
That made sense. Una, hindi nasabi ni Sehun na pumunta si Chanyeol at Jongin nung gabing ‘yon. Either nakalimutan nito o sinadyang huwag na lang sabihin dahil alam na ayaw niya kay Chanyeol noon at nang maging sila, tuluyan nang nawala sa isip dahil hindi naman ganun kaimportante. Si Sehun at Nanay naman ang sinadya. Hindi siya. Isa pa, nasa taas din sila ni Han ‘non. Sa balcony ng bahay nila Sehun. Doon sila nag-usap magkaibigan at doon niya inopen ang lahat dito.
Tila naubusan ng lakas si Baekhyun. Hindi siya nakapagsalita.
“I’m sorry.” Ang sabi pa ni Chanyeol nang sa wakas ay nagawa na siya nitong tingnan. Nang akmang aabutin nito ang kamay niya, mabilis niyang nilayo ‘yon. Napatigil si Chanyeol. Nasaktan.
Malungkot ang mga mata nito nang tingnan siya. “I’m sorry, Baek. Nagawa ko lang ‘yon kasi gusto kita, kasi mahal kita. Sasabihin ko naman talaga sayo, eh. Naghahanap lang ako ng tamang tyempo.”
“No…” Mabilis at mahina niyang sagot. Hindi siya makapaniwala. Chanyeol fooled him. Pinag-mukha siya nitong tanga.
“Wala kang balak. Nahuli ka lang kaya ka umamin.” Galit niya itong tiningnan at nabasag ang boses niya nang muli siyang magsalita. “Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon? Sorry? Nagawa dahil gusto mo ako? Sabihin nating totoo ‘yan pero paano mo nagawang magsinungaling sa taong gusto mo, Chanyeol? Sa taong mahal mo? Alam mo ‘yung pinakamasakit? Kahit ‘yung harana, hindi pala totoo! Na ginawa mo ‘yon hindi dahil bukal sa loob mo kundi para mas lalo lang ako pagmukhaing tanga!”
He lost control of himself. Nasigawan niya na ito.
“Baekhyun, hindi ganun.” Mabilis at kalmadong sinabi naman ni Chanyeol. “Kahit pa nalaman ko ‘yung tungkol sa mga sign, hindi ibig sabihin labag na sa loob ko lahat ng ginawa at binigay ko sayo sa ilang buwang relasyon natin. Lahat ‘yon ginawa ko dahil mahal kita.” Parang nagmamakaawa na ang boses ni Chanyeol pero sa huli, umiling pa rin siya.
“Ngayong nalaman ko na ang totoo, sa tingin ko kailangan na nating itigil ‘to.”
Parang binuhasan ng malamig na tubig si Chanyeol. “Ano?” Naisip nitong ni hindi man lang ba nila pag-uusapan at susubukang ayusan? Ganun lang kadali ang lahat para sa kanya? “Baekhyun, are you breaking up with me?”
Matapang niyang sinagot ang tanong nito. Tumango siya nang walang pag-aalinlangan.
Oo, mahal niya si Chanyeol pero niloko siya nito at higit sa lahat, walang sa mga signs ang totoo.
Halos hindi naman makapaniwala si Chanyeol sa narinig. “Are you saying that you’re choosing those signs over me? Over us?”
“At bakit hindi?”
“Baekhyun, mahal kita. Mahal mo ‘ko.” Desperado sabi ni Chanyeol. “Bakit kailangan ayun pa rin ang sundan at pakinggan mo? Oo, may kasalanan ako sayo pero huwag naman ganito. Baby, pag-usapan naman natin ‘to. Kahit ano gawin mo, sabihin mo, tatanggapin ko. Huwag lang ‘to.” Pagmamakaawa nito pero buo na ang desisyon niya.
Una pa lang naman mas pinili na niyang sundin ang sinasabi ng signs kaysa sa sinasabi ng puso niya. Kung hindi nagsinungaling at nagpanggap si Chanyeol, hindi rin naman sila hahantong sa ganito.
“Kahit anong mangyari, kahit hindi pa natin gawin ngayon, maghihiwalay at maghihiwalay pa rin tayo, Chanyeol. Huwag na nating ipilit. Hindi tayo ang para sa isa’t-isa. ”
“Hindi tayo ang para sa isa’t-isa?” Pag-ulit ni Chanyeol. May kasalanan ito, oo, pero hindi mapigilang masaktan at mainis sa narinig mula sa kanya. “Baekhyun, anong basehan mo para sabihin ‘yan? Hindi tayo ang makakapagsabi niyan. Hindi sa ganito kadaling panahon.”
“Signs.” Mabilis naman niyang sagot. “They never failed me. Ngayon lang and it’s because of you.” Punong-puno ng galit na sabi ni Baekhyun.
Dahil nakahinto ang sasakyan, nagawa niyang buksan ang pintuan upang lumabas at iwanan si Chanyeol bago pa man ito muling makapagsalita.
Ayaw na niyang marinig ang kahit ano pang sasabihin ni Chanyeol. Sinubukan siya nitong habulin at kahit magpahatid lang daw siya pero hindi niya pinapansin, para bang wala siyang naririnig.
Sa huli, hindi siya napigilan ni Chanyeol at naisip nitong bigyan muna siya ng space at panahon upang makapag-isip-isip.
Talagang hindi magiging maganda ang resulta ng pag-uusap nila kung hindi sila magpapalamig. Baka kung ano pa ang masabi nila na pagsisihan din nila sa huli.
Ngunit ilang araw na ang lumipas, ni isang beses, hindi man lang sinagot ni Baekhyun ang tawag o kahit ano sa mga text at chat ni Chanyeol hanggang sa makauwi na nga lang ito ng Novaliches.
December 19, 2017
The day he went to Novaliches to fix their relationship and ask for Baekhyun’s forgiveness but he failed.
“Pasensya ka na, iho. Kahit anong sabihin ko, ayaw, eh. Ikaw ba ang boyfriend niya?”
“Opo.” Ang sagot ni Chanyeol sa tanong ng mama ni Baekhyun. Nakapunta siya dahil alam niya ang address nito. “Pasensya na po kung sa ganitong paraan pa ako nagpapakilala sa inyo. Balak po kasi naming magpunta talaga rito ni Baekhyun ngayong bakasyon pero hindi po naging maganda ang huli naming pag-uusap.”
Tinapik ni Mama Byun ang balikat niya. “Ayos lang ‘yon. Ang importante maayos niyo ang inyo pero sa ngayon mukhang malabo ‘yon. Balik ka na lang sa susunod. Pasensya ka na talaga.”
Muli, wala siyang nagawa kundi bumalik ng Manila na hindi pa rin naaayos ang kanila ni Baekhyun.
Ilang beses niyang sinubukan pero wala talaga. Dumaan ang pasko at bagong taon na wala pa rin siyang natatanggap na kahit ano mula kay Baekhyun. Pinuntahan niya ito sa bahay noong pasko ng taon na ‘yon pero tulad noong una ay hindi siya nilabas. Tinext niya na lang ito ng “Merry Christmas, baby. I’m sorry.” pero muli, walang sagot.
Dumating ang bagong taon at kasambahay lang ng mga Byun ang humarap sa kanya. Umuwi raw sa Rizal sila Baekhyun sa lolo’t lola kaya wala siyang choice kung hindi mag-hintay sa pasukan ng panibagong semester pero katulad lang din ng mga nangyari noong nakaraang Disyembre, nagmukha lang siyang tanga.
Umasta si Baekhyun na para bang walang naririnig sa tuwing kinakausap niya, walang nakikita sa tuwing sinasabayan niya. Pati ang mga pagkaing binibigay niya dahil mahilig si Baekhyun mag-skip ng lunch, hindi pinapansin. Kung gawin man, binibigay sa iba.
Tila naulit ang trato nito sa kanya bago pa niya gawin ang kinagalit nito at maging sila.
Para kay Baekhyun, hindi na siya ulit nag-eexist.
Noong una, kaya at tinitiis pa niya kahit nagmumukha na siyang tanga, kahit inis na inis na si Kyungsoo sa kanya hanggang sa kay Baekhyun na niya mismo narinig na kailangan bumitaw at sumuko na siya.
“Status right now?” Dinig niya ang pagtawa ni Baekhyun nang mag-guest ito isang hapon sa radio station ng unibersidad. “I am single.”
Para bang nadurog ang puso ni Chanyeol dahil sa sinabing ‘yon ni Baekhyun. Ni hindi man lang siya binigyan ng isa pang pagkakataon. Ganun na lang kadali ang lahat ng ‘yon para rito.
Masakit, sobra. Pero wala na siyang magagawa kung ayun ang gusto nito. Hindi naman niya pwedeng pilitin si Baekhyun.
Naisip niya lang na sobrang unfair. Sana man lang maayos silang nakapag-usap. Hindi naman niya ipipilit kung talagang ayaw na. Pero hindi ‘yon ginawa ni Baekhyun. Ang mas masakit pa, Baekhyun chose those signs over him.
Kung hindi niya rin pala ginawa ‘yon, hindi siya magiging mahalaga kay Baekhyun kahit saglit na panahon lang.
January 30, 2021
Few days before Baekhyun’s world turned upside down.
Baekhyun pulls up in front of an old and abandoned building that he and his best friend, Jongdae, bought to start an accounting firm of their own. Tumingala siya sa may windshield upang tingnan ‘yon and it brought a smile on his face kahit wala pa man at matagal na panahon pa ang hihintayin.
The building needs complete renovation kasi. Hindi naman sila nagmamadali. May trabaho naman siya at in terms of employees and staff, hindi siya mahihirapan. It’s an accounting firm and he is from a family of CPAs. Yeah, finally, he’s one of them. He has stable work and is earning enough. Kaya nga nakaipon siya sa gastusin simula sa pagbili ng lupa hanggang sa pagpapaayos nito. Syempre, hati sila ni Jongdae. Nakatulong din ang suportang binigay ng pamilya nilang dalawa.
Pinatay niya ang makina ng sariling kotse at bumaba rito. Hawak ang cellphone, he decided to call his cousin who he’ll meet today.
Mabuti na lang at kaagad itong sumagot.
Wala ng hello-hello o ano pa. Diniretso na niya ito. “Where are you exactly, Seul? Dapat mauuna ka sakin kasi mas malapit ka. Don’t tell me late ka na naman gumising.”
“I’m on my way. Medyo traffic lang.” Sagot naman ng pinsang si Seulgi. Alam niyang nagmamaneho ito pero tinawagan niya pa rin kasi alam din niyang Seulgi is not the type of person to use her phone habang nasa byahe. May earpiece ito.
“Traffic din sa dinaanan ko pero nauna pa rin ako sayo. Late ka nagising, sabihin mo na.”
“Hindi.” Kahit hindi niya nakikita, alam niyang umiirap itong kausap niya. “I haven’t even slept yet.” Hindi na siya nagulat. May lahi yatang zombie si Seulgi sa father’s side. Syempre, sa father para hindi siya damay. Their mom’s are sisters. “Dinaanan ko na kasi si architect. You know, to catch up and para masabi ko ‘yung mga suggestions and opinions ko about the renovation kasi I am sure mamaya hindi mo na ako pagsasalitain. Ikaw na lang ang masusunod sa lahat.”
He hears a soft laugh from the background while listening to his cousin. It’s probably the architect Seulgi is talking about. Ito kasi ang nag-recommend ng architect na magdedesign ng magiging firm nila.
It is Seulgi’s high school best friend, Wooseok.
Hindi pa niya ito namimeet. Today will be their first meeting and he hopes it will go fine. Basta magustuhan niya ang mga plano at suggestion nito, hindi na siya kukuha ng iba. After all, he trusts Seulgi naman. He knows his cousin didn’t choose Wooseok just because they’re best friends but because of the latter’s capability and talent.
Ilang minuto pa siyang naghintay, enjoying the gentle touch of breeze on his face that blows through trees hanggang sa may humintong pulang sasakyan sa likod ng kanya.
It is Seulgi’s.
Umayos siya ng tayo since nakasandal siya sa kotse niya. Maya-maya lang ay bumaba na ang mga nakasakay ron. Una niyang nakita ang isang lalaking halos kasing height niya. Malamang ito si Wooseok dahil ayon kay Seulgi, wala naman na silang ibang kasama.
Lumapit siya. Lumabas na rin si Seulgi mula sa sasakyan at pinakilala nito sila ni Wooseok sa isa’t-isa.
“Baek, this is Architect Kim.” Ang sabi nito sa kaibigan bago siya tingnan. “And Architect, this is my cousin, Baekhyun. It’s all his idea to turn this old building into a modern accounting firm.”
Tumango-tango si Wooseok and accepts the hand he is offering for a shake. “Good afternoon, sir.” Ang sabi nito sa kanya.
“Aren’t you guys too formal?” He asks with a smile on his face. “No need to call me sir. Just Baek, Architect Kim.”
“Just being professional but if you insist.” Ang sabi nito nang may genuine na ngiti sa labi. “Seul here told me rin kasi you don’t like first name basis in business matters which is just right because this is after all, business.”
Hearing that from Architect Kim, tiningnan niya ang pinsan niya na nag-shrug lang.
“Yeah, but I’d really appreciate it if you call me only by my name. This may be business but I want it to be smooth and less of a hassle for all of us. Magaan lang. After all, you and Seul are friends.”
“Alright, then, call me just Wooseok or Woo na lang.” Ang sabi nito to which he nods.
Pagkatapos ‘non, nagtanong na si Wooseok regarding the place and everything the latter has to know. Sinagot naman ni Baekhyun ang lahat ng tanong. Pumasok sila sa loob ng building. Although luma, hindi naman nakakatakot dahil unang-una, napakaaga pa at pangalawa, hindi rin madilim sa loob.
Maaliwalas ang lugar. Ayun nga lang, kailangan na talaga ng major renovation. It’s also not actually that big. It was a commercial building that has been sold to them and is enough to become an accounting firm.
Sayang lang kasi Jongdae is not present today. Nagka-emergency kasi sa trabaho and since ngayon lang libre si Baekhyun, they pushed it through na at sinabi na lang ni Jongdae sa kanya na balitaan ito.
Hindi pa naman din sigurado kung si Wooseok na ba ang kukuhain nilang architect. That depends on the meeting that will happen later. Basta ngayon, inaalam lang muna nito ang lahat ng gusto ni Baekhyun na may konting tulong ni Seulgi.
As the brain at nagsikap upang mapundaran talaga ang firm, without Baekhyun’s approval, none of the plans and suggestions will push through. Of course, hindi naman sinosolo ni Baekhyun at hindi rin siya selfish lalo pa’t dalawa sila ni Jongdae nagplano ‘non and all. He’s open to suggestions at nagtatanong din siya talaga ng opinions and advices kung dapat bang masunod ‘yung mga gusto niya. Kaya nga sila kumuha ng architect, eh.
“My specialty is renovation.” Ang sabi ni Wooseok habang palabas sila ng building. They decided to have a lunch meeting. Doon na rin iimprove ni Wooseok ang mga gustong mangyari ni Baekhyun katulad na lang ng mga materials na gagamitin. They will also plan the whole design. “That’s why I think I will love working on this project.”
Ngumiti si Baekhyun. Magaan kausap si Wooseok. Hindi siya nailang magsabi ng mga gusto niya tulad ng materyales at iba pa kahit alam niyang iba sa mga ‘yon, if not all, papalitan nito kasi between the two of them, it is Wooseok who is more knowledgeable in regards to ano ba ang mas matibay at magtatagal.
“We’ll see you at Nikkei, kuya?” Ang sabi ni Seulgi bago sila sumakay sa kanya-kanyang kotse.
He nods. “Yeah. Sabihan ko lang din si Jongdae para in case pwede siyang humabol.”
“Alright. Drive safely.” Ang sabi nito at sumakay na kasabay si Wooseok. Nauna na silang dalawa.
After sending Jongdae a message naman, informing the latter kung saan sila mag-uusap at plan ng architect which is sa isang Japanese Restaurant sa Rockwell, pinaandar na rin niya ang kotse niya.
“Wala naman gaanong babaguhin sa plans mo since of course, ang gusto ng client ang masusunod. We’ll just improve it.” Ang sabi ni Wooseok matapos nitong ipaliwanag sa kanya ‘yung dapat baguhin at kung ano ‘yung mga hindi sa gusto niya.
Kasalakuyan silang nasa Nikkei ngayon, having lunch.
Nagpasalamat siya rito. Ngumiti si Wooseok. Comfortable rin kasi ito sa kanya.
“I consider this project special kasi syempre, biased na ako, my best friend contacted me for this.” Natawa silang tatlo. Biro lang naman ni Wooseok ‘yon. He always does his best sa mga projects na hinahandle niya regardless whoever the client is. “I’ll consult the best engineer I know na rin in completion of the blueprint. Siya na rin at mga tauhan niya ang kukuhain ko. I’ll start working on this week.”
Pagkatapos ng meeting, hindi pa muna sila umalis. Tinapos nila ang mga pagkain habang nagkukwentuhan. Napag-alaman ni Baekhyun na Wooseok is working in one of the country’s top construction firm kaya mas naging kampante siya sa pagbigay ng tiwala rito.
“Thank you for your time today, Architect Kim.” Ang sabi ni Baekhyun when they called it a day. Of course, may mga kanya-kanya pa sila kailangan tapusin. Bayad ang bawat oras nila.
“It’s my pleasure, Sir Baekhyun. I am looking forward to working with you.”
Once again, nagkamay sila at sa parking kung saan magkatabi lang ang kotse nila ni Seulgi, casual silang nagpaalam sa isa’t-isa at hindi na formal katulad ng kanina sa restaurant.
“I’ll give you a call.” Ang sabi ni Wooseok.
Tumango siya as he waves his hands bago pumasok sa sariling kotse.
Maaga pa para umuwi kaya nagpunta na lang muna siya sa opisina kahit na naka-leave siya ngayong araw. Wala naman na kasi siyang iba pang gagawin at ayaw naman niyang dumiretso na sa condo ng ganun kaaga tapos ano? Tutunganga siya ron?
Huwag na lang. Baka maalala niya lang ulit ang mga katangahang ginawa niya four years ago tapos magagalit na naman siya sa number one enemy niya.
Walang iba kundi ang sarili niya.
The next few weeks kind of became a blur. He’s a busy person. Hindi niya namamalayan ang paglipas ng araw at kadalasan matutukoy lang niya pag nagpanic siya dahil hindi nag-alarm ang cellphone niya and turns out weekend na. Parang ngayon. It’s Saturday. Bumangon siya upang mag-prepare dahil akala niya malelate na siya kung hindi lang siya nakareceive ng text message mula kay Jongdae saying, “See you later.”
Hindi naman sila sa iisang company nagtatrabaho kaya nagtaka siya until he saw the day sa cellphone niya at doon niya naalalang may lakad nga pala sila ng kaibigan.
It has been three weeks since he closed a deal with Wooseok at ngayon ay imimeet nila ito ni Jongdae. They keep in touch naman through email at inuupdate sila nito sa progress ng design pero marami-rami na kasi ang nagagawa at halos final touches na lang ang kulang kaya gusto sila nitong mameet since kailangan don ang opinions ng client. Of course, he and Jongdae agreed at ngayon nga ang araw na ‘yon.
He typed a reply to his best friend tapos ay dumiretso na sa banyo upang maligo after checking up Beau, his golden retriever, na tulog na tulog pa rin sa bed nito sa room niya.
It took him an hour bago matapos simula sa pagligo hanggang sa pag-aayos. Maarte na kung maarte but he always wants to look presentable. Of course, he is a professional. Isa pa, gusto niya lang din talagang maging extra maayos today. Hindi niya alam kung bakit pero ayun ‘yung gusto niyang gawin ngayon. Probably because this is his only lakad for the week na hindi siya masstress. Bahay at trabaho lang naman kasi siya madalas kapag weekdays.
After preparing Beau’s food na alam na nito kung saan hahanapin, lumabas na siya ng condo unit dala ang car keys, phone, and bag where his other essentials are.
Medyo maaga pa pero sakto lang ‘yung magiging dating niya dahil syempre nasa Pilipinas siya kung saan hindi natatapos ang traffic.
Nakadagdag pa kasi ‘yung place niya ngayon. He no longer stays in his condo sa Welcome Rotonda. Right after graduation, iniwan na niya ang unit na ‘yon na kuya pa niya ang unang gumamit and they sold it.
Nasa Makati na siya ngayon dahil doon ang work niya.
Pagdating sa ground floor, dumiretso siya ng coffee shop bago sa parking lot to get his car para makaalis na. He finishes his coffee sa byahe na. Nakarating siya sa meeting place 15 minutes bago ang usapang oras. Tama lang na maaga siyang umalis sa condo niya kasi kung hindi, he’d be late.
Bilang professional and a respectful individual, ayaw niyang naghihintay at may pinaghihintay. Being late due to invalid reasons is a sign of being unprofessional.
Still inside his car, he sent Jongdae a text message. Sinabi niyang andon na siya. Wala siyang natanggap na sagot probably because his friend is driving kaya hindi niya kinulit. Maya-maya lang din naman kasi ay may kumatok sa bintana ng kotse niya and there outside he sees Jongdae.
Doon na niya tinanggal ang susi ng sasakyan upang mamatay na rin ang aircon at lumabas na siya. He pressed the remote to lock his car bago sila naglakad papasok sa loob ng restaurant.
“Nandito na daw ba siya?”
“Yeah.” Ang sagot niya sa tanong ni Jongdae. “Nagtext siya sakin kanina. Kararating lang din daw nila.”
“Nila?”
Nakapasok na sila. They told the receptionist na may reservation sila under Wooseok’s name.
“Diba sinabi ko sayo na he’s with his engineer friend.”
“He’s doing his best talaga for this project, ha? Gusto ko na ‘yan siya.” Sabi ni Jongdae. First time pa lang kasi nito mamimeet si Wooseok.
“He is.” Ang sagot niya. “And syempre lalayo pa ba tayo? They belong in the same construction firm. Let’s leave it all to them.”
Jongdae agreed. “Hindi pala susunod si Seulgi?”
“May lakad daw siya ngayon. Next time na lang daw kasi meeting naman ‘tong lakad natin and not to hangout. Kung sakali, hindi ‘yon magpapahuli.”
Jongdae chuckles. “Kung sabagay.”
Nang makarating sila sa table na reserved for four, si Wooseok lang ang nadatnan nila. Naisip ni Baekhyun na baka hindi nito kasabay ‘yung engineer. Parang sila lang ni Jongdae kanina.
Pinakilala niya ang huli rito and they shake hands.
“Hintayin lang natin si engineer. Kakatext niya lang. Naghahanap na daw siya ng parking space.”
Tumango sila ni Jongdae. Maaga-aga pa naman. They’re all on time. Hindi sila nagmamadali.
Nilabas ni Wooseok ang design at pinatong sa table. Detailed nitong pinapaliwanag ang lahat using general terms na maiintindihan nila as someone na nasa ibang field nang mag-excuse siya sandali to go to the comfort room.
Hinayaan siya ng dalawa. Mabilis lang naman siya ron. After washing his hands, lumabas na siya at naglakad pabalik sa table nila ngunit hindi pa siya nakakalapit ay natigilan na siya.
He even squints to be sure kasi baka nanlalabo na pala ang mga mata at niloloko siya ng isip niya pero hindi.
Bumilis ang tibok ng puso niya.
Three years after college graduation, ngayon na lang niya ulit ito nakita.
Ang taong dahilan kung bakit sa tuwing hindi siya makatulog sa gabi, it is because there is a constant battle between his heart and mind. Ang taong dahilan kung bakit galit at naiinis siya sa dating siya at kung paanong nabago ang pananaw niya sa buhay nang sinabi ni Jongdae three years ago sa wakas nagising din siya.
Gayunpaman, hindi niya pa rin naiwasang hindi kumapit dito kahit na nabali ang paniniwala niya dahil sa nangyari apat na taon ang nakalilipas.
Ito na ba ‘yon? Pagkatapos ba ng apat na taon, mayroon na namang sinasabi ang universe sa kanya?
Nakakatawa man pero hindi niya maiwasang isipin na baka nga oo ang sagot sa tanong niya.
Three years ago, he realised he’s wrong for not giving Chanyeol a chance to fix their relationship pero huli na kasi graduate na sila at hindi na niya ito nahanap pagkatapos ‘non.
He tried. He did his best kaso para itong naglaho na parang bula after graduation.
Sinubukan din niyang tanungin ang mga kaibigan nito pero wala siyang nakuhang sagot. Kahit si Sehun ay hindi alam at wala na rin sa dating bahay. Ang sabi pa ng kapitbahay noong pumunta siya, nasa ibang bansa raw.
Hindi niya sigurado kung nag-migrate na ba o bakasyon lang dahil hindi rin alam ng kapitbahay pero nang subukan niyang bumalik isang buwan ang nakalipas, for sale na ang bahay.
Sobra siyang nagsisi kasi narealize niyang wala palang sign ang pupwedeng magdikta kung sino ang mamahalin natin pero lahat ng paraang alam niya, ginawa na niya, hindi niya pa rin nahanap si Chanyeol kaya kahit tumigil na siya sa paghingi niya ng signs, may isa pa rin siyang tinira at pinanghahawakan niya ‘yon hanggang ngayon.
Na kung magkikita man silang muli, he will win Chanyeol back.
At ito na ‘yon.
Kinakabahan, humakbang siya palapit sa mesa nila kung nasaan ang taong matagal na niyang hinahanap na ngayon ay kausap si Wooseok. Kabibitaw lang nito sa pagkakayakap kay Jongdae na nagulat din dahil ito pala ang sinasabing engineer ni Wooseok.
Nang makalapit siya sa mesa nila, halos hindi niya alam ang sasabihin. Basta kay Chanyeol lang siya nakatingin. Pinanonood siya ni Jongdae na alam na pinagsisisihan na niya ang lahat at kinakabahan sa susunod na maaaring mangyari.
Nagsalita naman si Wooseok na walang ideya sa nakaraan. “Baek, this is Engineer Chanyeol Park. He is the best in our firm and he is assigned together with me to work on this project.”
Halos wala siyang naintindihan sa sinabi ni Wooseok pero nagawa niyang tumango. Nakatingin pa rin kay Chanyeol, lumapit siya rito at akmang yayakap din katulad ng ginawa nito at ni Jongdae dahil magkakilala rin naman sila at mas may higit na pinagsamahan kumpara sa huli nang ilahad ni Chanyeol ang kamay sa harap niya.
“Engineer Chanyeol Park.” Pormal na sabi nito.
Nagulat siya. Nagbago ang expression ng mukha niya lalo pa nang bumaba ang paningin niya at nakita ang kamay nitong naghihintay sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi iangat din ang kanya at tanggapin ‘yon.
Para bang biglang may bumara sa lalamunan niya. He gulps the lump before saying, “Baekhyun. Baekhyun Byun.”
Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Chanyeol. Tumango ito. Naghintay siyang tawanan siya nito o di kaya naman ay ngitian pero wala. That’s it at nagawang hugutin ang kamay mula sa pagkakahawak niya.
Chanyeol left his hand hanging.
“Let’s sit so we can discuss the project and how much it will cost. Don’t worry kasi mas madali na ngayon. We prepared everything including the breakdowns and the estimated time how long the renovation will be.”
Parang nakalimutan na niya kung paano ba gumalaw. Kung hindi lang siya hinila ni Jongdae, baka nakatayo pa rin siya hanggang ngayon.
Nag-order na muna sila ng pagkain. Nang tanungin siya kung ano ba ang gusto niya, hindi siya nakasagot. Lumulutang ang isip niya at wala siyang ibang ginawa kundi titigan lang si Chanyeol na para bang wala namang pakialam. Si Jongdae na ang nag-order para sa kanya, hoping na umayos siya kapag nagsimula nang mag-explain sina Wooseok at Chanyeol pero tulad lang din kanina, blanko ang isip niya.
Walang ibang andon kundi si Chanyeol. Hindi pa rin kasi siya makapaniwalang kaharap na niya itong muli makalipas ang tatlong taon. Nang makipaghiwalay siya rito, hinabol siya ni Chanyeol. Halos isang taon din ‘yon hanggang sa siguro napagod na lang.
Sino ba namang hindi?
Ngayon iniisip niya malamang ay galit si Chanyeol sa kanya. Sa inasta ba naman nito kanina. Umaktong parang hindi sila magkakilala samantalang kay Jongdae may pagyakap pa.
Ayaw niyang magselos. Kaibigan niya si Jongdae pero ang unfair. O siguro dahil deserve niya naman?
He was such an asshole.
Ilang beses hinayaan ni Chanyeol magmukhang tanga para sa kanya pero mataas ang pride niya. Alam niyang mali pero hindi niya nagawang aminin sa sarili niya hanggang sa tumigil na ito sa paghahabol sa kanya.
Doon niya naisip kung ano ‘yung nawala sa kanya.
“Mr. Byun, are you listening?” Nagulat siya nang tawagin siya nito. Naramdaman niya ang pasimple at mahinang pagsiko ni Jongdae sa kanya.
He gulps, still looking at Chanyeol. “Huh?”
“It seems like you’re spacing out.” Mabilis at seryosong sagot naman nito. “We’re discussing the estimated cost. We need your opinion and approval as one of our clients.”
Doon lang niya inalis ang tingin kay Chanyeol na kanina pa niya pinagmamasdan. Kahit si Wooseok ay nagtataka na sa kanya dahil halos tunawin na niya si Chanyeol pero wala namang pakialam itong huli.
Dumako ang paningin niya kay Jongdae. Tiningnan din siya nito. Makahulugan ‘yon.
Huminga siya nang malalim at saka muling humarap sa mga kausap nila pero this time hindi na niya tinitigan ang mukha ni Chanyeol na para bang isang makatotohanang panaginip lang ngayong gumagalaw at nagsasalita sa harapan niya.
“As long as..” Medyo nahirapan pa siyang kumpletuhin ang sinasabi but he did his best. “We don’t mind how much it will cost as long as maganda ang kalalabasan. Use the sturdiest materials. We prepared a budget for this.”
Tumango si Wooseok. Marami pa itong sinabi pati na rin si Chanyeol, pinaliwanag ang pagkakaiba-iba ng mga pinakamatitibay na materyales na pwede nilang gamitin pero halos hindi na ‘yon naintindihan ni Baekhyun. Basta tumango na lang siya nang tumango.
Halos oras din ang inabot nila ron until it is time for Chanyeol to go dahil may kailangan pa raw itong i-check sa isang site where a construction is ongoing.
“Ingat ka.” Narinig niyang sabi ni Wooseok dito at hindi niya naiwasang maitaas ang kilay nang makita ang ginawa ni Chanyeol. Ginulo nito ang buhok ni Wooseok na para ba itong isang bata.
Something Chanyeol will only do to the people he is close and very comfortable with.
Mukha namang nainis si Wooseok at pinalo ang kamay ni Chanyeol. That’s the first time he sees the latter laugh ngayong araw. Tanging si Wooseok lang ang nagpabago ng kanina pang emotionless na mukha ni Chanyeol.
“Please, stop. Not in front of our clients.” Ang bulong ni Wooseok na narinig naman nila ni Jongdae.
Hindi na sumagot si Chanyeol tapos ay humarap sa kanila. Saglit silang nagkatinginan pero kaagad din nitong inilihis ang mga mata kay Jongdae na para bang aksidente lang natingnan ang isang taong hindi kilala.
“ Dae, mauna na ako.” Ang sabi nito.
Jongdae nods. “Ingat. Thank you for making time.”
“Sus, wala ‘yon.” Sabi ni Chanyeol sabay tapik sa balikat nito. “Kung alam ko lang na batchmates ko pala ‘yung client, mas urgent pa sana ‘tong project na ‘to.”
“No need naman. Bawal special treatment.” Sagot ni Jongdae.
Hindi alam ni Baekhyun ang mararamdaman. Hindi siya naiinis kay Jongdae o ano pero sinasadya ba ni Chanyeol? Mabuti na lang at sinabi nito ay batchmates dahil kung without S lang, baka sumingit na siya sa usapan.
They were not just batchmates.
“So you three attended the same college university?” Singit ni Wooseok sa usapan.
“Yes, tabs. ” Ang sagot ni Chanyeol.
Ang sama na talaga ng pakiramdam ni Baekhyun. Tabs? Where in the world did he get that kung ang buong pangalan lang naman ni Wooseok ay Wooseok Kim?
Nakita niyang umirap ang huli. “Shut up. Sige na, mauna ka na. They called you. Huwag mo na silang paghintayin, Engr. Park.”
With that, nagpaalam na si Chanyeol sa kanilang dalawa. Hindi naman siya nito inignore. Sinabi nito ang pangalan niya upang magpaalam pero hanggang ganun na lang tapos ay umalis na.
Mabuti na lang at walang naging katanungan si Wooseok kahit na halatang-halata na iba ang trato ni Chanyeol sa kanya kumpara kay Jongdae.
Hindi na rin sila nagtagal doon. Nagpaalam na rin si Wooseok at nang sila na lang ni Jongdae ang natira, mabilis niyang hinarap ang kaibigan.
“Dae… Nagkita ulit kami. Diba sinabi ko sayo may ibig sabihin kung magkikita kami ulit?”
Kung noon, sinuportahan siya ni Jongdae sa mga signs signs na ‘yon, ngayon hindi na nito ginawa. “Diba matagal ka nang tumigil sa paniniwala d’yan? Baekhyun, you’re my friend at masakit para sakin na makita kang nasasaktan din pero ayaw kong maging isa sa mga dahilan para umasa ka pa. Didn’t you see and feel how cold he was? Baekhyun, he’s not the same Chanyeol anymore.”
Pagkatapos sabihin ‘yon, sinubukan nitong i-lighten up ang mood niya pero sadyang mabigat na ang loob niya.
Gusto niyang mag-tampo kay Jongdae pero hindi niya magawa kasi kahit masakit, alam niyang tama ang lahat ng sinabi nito.
“I just want to go home and rest.” Sabi niya nang makarating sila sa labas ng sasakyan niya.
Jongdae sighs at hinayaan na siya.
“Basta tawagan mo ako if you need something, ha? Anything. Kahit ano pa ‘yan.” Ang sabi nito. “I’m sorry, Baekhyun, but you have to hear the truth. Huwag mo nang subukan. Ikaw lang ang matatalo at masasaktan sa huli.”
Hindi nito ipipilit kung gusto niyang mapag-isa. Ang kay Jongdae lang, concern ito sa kanya. Of course, alam nito ang lahat. Simula sa pagsisisi niya hanggang sa pagsubok niyang hanapin si Chanyeol. Isa lang naman ang tinatago niya kay Jongdae at ‘yun ay ang huling sign na hiningi niya na nabanggit niya rito kanina pero hindi siya sinuportahan.
Totoo pala talaga ‘yung sinasabi nila. Ang daling sabihin. Ang hirap gawin.
Noon kasi, palagi niyang sinasabi sa sarili niyang ‘yung sign lang ang hinihintay niya, na magkita ulit sila at gagawin niya ang lahat para patawarin at balikan siya ni Chanyeol pero ngayong nangyari na ito, hindi niya alam kung paano gagawin, kung saan magsisimula. Ni baka nga kahit closure, hindi niya maibigay dahil sa nangyari kanina, mukhang hindi na ‘yon kailangan ni Chanyeol.
Naramdaman niya ‘yung pinaramdam niya rito noon. Ang mabalewala.
It took four years. Ito na yata ang karma niya.
Later that night, he spent his time appreciating the night sky in the balcony of his unit. He’s at the patio furniture at nakahiga sa lapag si Beau, ginagawang unan ang paa niya.
Pinaiikot-ikot lang niya ang cellphone sa kamay niya dahil wala naman siyang ibang gagawin don. Wala naman siyang katext or chat bukod sa mga kaibigan niyang busy, syempre adult life, at workmates.
Wala naman kasi siyang jowa.
Huminga siya nang malalim sabay nagsalita.
“I saw him.” Ang sabi niya sabay tingin sa baba where Beau is. Dahil narinig ang boses niya, inangat nito ang ulo at nakipagtitigan sa kanya. Ito na lang ang mapagkukwentuhan niya. “The man who gave me everything yet I only wasted his love.” Dugtong pa niya na para bang naiintindihan siya ni Beau.
He sighs and rested his head on the table.
Noong una sobrang excited niya pero ngayon nag-aalangan na siya.
Sana kayanin niya kapag nagsimula na ang renovation.
Mabilis ang paglipas ng mga araw at linggo kahit pa para kay Baekhyun ay mabagal ang takbo ng bawat segundo, minuto, at oras.
Hindi niya alam kung dapat ba niyang abangan pero ngayong unang araw ng renovation, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya at alam niyang hindi ‘yon dahil sa wakas ay mauumpisahan na ang dati’y pinaplano at pinag-iipunan lang nila.
It is because of Chanyeol.
Syempre, hindi naman siya palaging kailangan doon pero pupunta-punta siya to check the progress. There will be times na mag-aabot sila ni Chanyeol at hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil don o hindi.
Certainly, he misses Chanyeol. A lot. Ginusto niya nga itong makita ulit, diba? Pero natatakot kasi siya sa kung ano pa ang pwedeng mangyari at iparamdam nito sa kanya habang ongoing ang construction ng firm nila.
He just hopes everything will turn out fine.
But it didn’t turn out the way he wanted.
After his work, at around 4PM, dumaan siya sa construction site and sees the building partially destroyed.
Sinimulan na ng mga tauhan ni Chanyeol ang paggiba and there’s the latter, being so hands-on na chinecheck talaga ang lahat.
Jongdae is not with him. This is much busier than him the past few days because Jongdae is planning his parents’ renewal of vows at tingin niya ayos na ring wala si Jongdae ngayon.
Nilakasan niya ang loob niya. He wants to talk to Chanyeol, kahit man lang kamustahin ito dahil ayaw niyang kung kailan huli na saka pa siya kikilos. Baka isipin lang nitong hindi siya sincere dahil pinatagal pa niya kung pwede namang ngayon habang maaga pa.
Mahaba na masyado ang tatlong taon. Siguro naman nakapaghanda na siya sa tinagal-tagal ‘non, diba?
Kanina pa siya tahimik, nagkukunyareng pinanonood ang ginagawa ng mga construction worker at paminsan-minsan ay nagtatanong ng mga random na bagay para lang hindi siya magmukhang tanga na nakatayo lang don.
Sa totoo lang, alam na alam niyang nakakasikip at sagabal siya ron dahil wala naman siya dapat sa loob gayong may ginagawa ang mga ito pero wala siyang choice kasi nandon din si Chanyeol. Inaantay lang niya itong matapos makipag-usap sa contractor ng kompanya na nag-supply sa kanila ng materyales.
Nang sa wakas ay natapos, naglakas loob na siyang lapitan si Chanyeol na naglalakad pababa ng first floor dahil nasa second sila. Binabasa nito ang blueprint na galing kay Wooseok nang tawagin niya ito sa pangalan.
Medyo may kahinaan ang boses niya dahil kabado siya at mabuti na lang ay narinig ni Chanyeol dahil kung hindi, baka hindi na niya nagawang ulitin pa.
Nilingon siya nito at tiningnan. Yung mga mata ni Chanyeol, ang hirap basahin. Pero yung expression ng mukha nito, kitang-kitang walang espesyal na emosyon doon.
Hindi tulad ng dati.
“Nandito ka pala.” Ang sabi nito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o malungkot dahil mag-iisang oras niya na itong inaantay tapos hindi pala siya napansin pero at least, pinansin siya at hindi umastang hindi siya kilala.
Much better than what he did four years ago.
“Oo.” Ang sagot niya. “Ano kasi… Gusto sana kitang makausap.”
“Sige ba, tungkol saan?” Chanyeol asks naglakad. Sinundan niya ito.
He fidgets with his hands. After biting his lip to gather up his courage, binuksan niya ang bibig niya. “I know this is not the right place para rito pero kasi hindi ko alam kung paano pa at kailan kung hindi ngayon—” Hindi niya natapos ang sinasabi niya nang biglang lumitaw si Wooseok out of nowhere.
Pababa sila, nakasunod siya kay Chanyeol, paakyat naman ito na kaagad tinawag at nilapitan si Chanyeol nang makita.
“Hey, finally! I’ve been looking for you.”
“Why? Miss mo ‘ko?” Malokong tanong ni Chanyeol dito na tila ba nakalimutan nang nasa likuran lang siya nito at gusto niyang makipag-usap.
Para bang harap-harapang pinunit ang puso niya.
“Tumigil ka nga, kadiri ka.” Ang sagot naman ni Wooseok. Mabuti na lang at ganun ang narinig niya mula rito dahil hindi niya alam kung paano niya makakayanan kung boyfriend pala ito ng ex niya. Ang masakit lang, Chanyeol is obviously flirting with Wooseok. At sa harapan pa niya. “Anyway, ayun nga. Hinahanap kita kasi hinatid ko ‘yung blueprint dito, diba, but nag-commute lang ako kasi hiniram ni Ate ‘yung car ko so I am thinking na sumabay sana sayo kasi I heard kanina sa mga construction worker na nandito ka nga raw.”
“Ayun. May kailangan.” Ang sabi ni Chanyeol na nagpangiti kay Wooseok.
“Ganun na nga.” Wooseok says sabay mas inangat pa ang tingin at doon lang nito napansin ang presence niya.
“Baekhyun, you’re here pala!” Nagulat na sabi nito. Hindi kasi talaga siya nakita kanina.
Tumango naman siya at kasabay ‘non ay ang paglingon muli ni Chanyeol sa kanya. Tila ba ngayon lang nito naalalang naroon siya kanina pa at dapat mag-uusap sila bago pa nito makasalubong si Wooseok.
“I’m sorry, Baekhyun. Ano nga pala ‘yung gusto mong sabihin?” Ang tanong ni Chanyeol na hindi na niya nagawang sagutin dahil nandon na si Wooseok at para bang walang balak umalis, naghihintay lang.
Gusto niya sana silang dalawa lang ni Chanyeol kaya sa huli, wala siyang nagawa kundi umiling sabay kapit sa railings. “Ah… wala. Nakalimutan ko na rin.” He says and forces a smile. “Nevermind. Hindi naman importante. ”
Dati sa tuwing sinasabi niya ‘yon, ang palaging sagot ni Chanyeol, lahat ng manggagaling sa kanya ay importante pero syempre iba na ngayon.
Matagal na panahon na ‘yon. Four years too late.
Tumango ito sabay sabing, “Okay. Una na kami.” Tapos ay tinalikuran na siya sabay akbay kay Wooseok na tinanggal din agad ang braso nito sa balikat.
“Please lang, ang bigat.” Sabi nito tapos ay nilingon siya. “Bye, Baek. See you again soon. Si Chanyeol ‘yung mapapadalas dito kasi mga tauhan na niya ang maghahandle.”
He waves his hand. Wala naman siyang magagawa and he doesn’t want to be rude. Walang dahilan para hindi niya ito pansinin. Nagseselos man siya, wala namang kasalanan at mukhang wala ring alam si Wooseok sa nakaraan nila ni Chanyeol.
“Bye, ingat kayo.”
“Ikaw rin.” Ang sagot nito. Hindi na siya nagsalita at sinundan na lang ng tingin ang mga ito hanggang sa lumiko na at tuluyan na niyang hindi nakita dahil paikot ang hagdan.
Napasandal na lang siya sa pader sabay nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
Ni hindi man lang siya nilingon ni Chanyeol.
Talagang ayaw na nitong balikan ang bagay na tapos na.
Kung dati para kay Baekhyun kakampi niya ang universe dahil ginagabayan siya nito sa mga desisyon niya sa buhay, ngayon naman pakiramdam niya ay tinalikuran siya, hindi lang nito kundi ng lahat.
Halos hindi siya makapagfocus sa trabaho dahil binabagabag siya ng pangyayari noong huli siyang bumisita sa construction site two days ago. Imagine, ayun ‘yung unang beses niyang punta ron na sinimulan na ‘yung proseso for renovation pero mukhang hindi na niya kayang bumalik dahil pakiramdam niya napahiya siya sa nangyari.
Sa tuwing naaalala niya kung paanong mabilis siyang nabalewala nang biglaang sumulpot si Wooseok, gusto niyang magalit pero hindi niya alam kung kanino kasi kung sa sarili na naman niya, baka wala nang self-love na matira dahil sa loob ng tatlong taon, wala siyang ibang ginawa kundi sisihin ang sarili niya. Tapos ito pa ngayon? Magalit? Hindi naman pwede kay Chanyeol dahil siya ang dahilan kung bakit ganun ang trato nito sa kanya.
Iba talaga ang nagagawa ng sakit sa isang tao, ‘no? He made Chanyeol who the latter is today. Hindi naman sa naging masama si Chanyeol pero ngayon nakikita na niya kung paano ba siya rito noon.
Pakiramdam niya binabalik ni Chanyeol ang lahat sa kanya at sobra siyang nasasaktan.
Nawalan na ng ganang tapusin ang trabaho niya, sumandal siya sa upuan niya at saktong bumukas ang pintuan ng maliit niyang opisina.
Nagulat siya sa nakita. It is Seulgi.
“Anong ginagawa mo rito?”
“Brought you lunch.” Ang sabi nito sabay angat ng paper bag na takeaway from Blackbird. Kahit papaano naman, nabuhayan siya dahil don. It is one of his favorite restaurants. They serve the best wagyu steak.
Umayos siya ng upo. Nilapag ni Seulgi ang paper bag sa desk niya.
“May kailangan ka ‘no? Why are you doing this?”
Tumaas ang kilay ng nakababatang pinsan. “Wala ah! Kumain kasi kami ni Wooseok and since malapit lang ‘yung restau dito sa opisina niyo, naisip kong dalhan ka. Luckily, mukhang hindi ka pa naman kumakain so I think hindi naman masasayang ‘to.”
Tumango siya. Minsan talaga late siyang mag-lunch o kaya talagang hindi pero ngayon maaga pa naman. It’s just 12:45nn.
“Nasaan na pala siya?” He asks, pertaining to Wooseok habang binubuksan ang paper bag.
“Pumasok na sa work. Nagkita lang kami saglit. Ako rin papasok pa lang.”
“Alright.” Ang sagot niya. Hindi naman na niya kailangan pang usisain ang dahilan kung bakit nagkita ang dalawa dahil mag best friend nga ito. “Thanks for the food.”
“May bayad ‘yan.”
Hindi siya kuripot pero hindi naman niya kasi ‘yon pinabili. “Sayo na.” Ang sabi niya na naging dahilan ng pagtawa ni Seulgi.
“Joke lang. Bayaran mo na lang ako ng chika.”
He starts eating. Kumunot ang noo niya. Hindi sila ni Seulgi ‘yung tipo ng magpinsan na nag- chichikahan katulad ng term na ginamit nito. Mas makwento siya sa friends niya.
“Huh? About saan naman?” Ang tanong niya while slicing the steak using the disposable fork. Buti sobrang tender ng meat kundi nabali na ‘yon since plastic.
“About Engineer Park. ” Halos mabilaukan siya kahit pa wala namang laman ang bibig niya dahil sa narinig mula rito. Mabuti na lang at hindi pa siya nakakapagreact verbally ay nagpatuloy na si Seulgi. “Kasi sabi ni Wooseok si Engineer Park ‘yung assigned sa firm. How is he? I hear a lot from Wooseok’s colleagues na he is super gwapo and hot. My gosh. Sana pala nag-architecture ako, ‘no? Ba’t ba kasi ako nag-accountancy pa tulad niyo?”
Parang gusto niyang batukan ang pinsan niya pero oo nga pala, hindi nito alam ang tungkol sa kanila ni Chanyeol. No one from his family, except for his mom, met Chanyeol. Alam niyang pinuntahan siya nito sa bahay when he started to avoid every calls and texts pero sinabi rin niya kaagad dito na hiwalay na sila at nangungulit na lang si Chanyeol kaya hindi na nag-abala pa ang mama niyang ungkatin ang bagay na ‘yon.
Between the two of them, siya lang ang naipakilala sa pamilya. Isang bagay na naman na pinagkait niya kay Chanyeol.
“Hindi ka papansinin ‘non.”
“Ba’t naman?” Ang tanong ni Seulgi tapos ay bigla itong may naalala. “Ah, kasi you knew him even before. You’re batchmates, right? Nakwento din sakin ni Wooseok.”
Umiling siya. Hindi niya alam kung dapat pa ba niyang sabihin sa pinsan niya. Baka malaman lang nito how stupid he was. “Oo.” Ang sagot niya sa tanong nito kung batchmates ba sila. “Basta don’t even attempt to flirt with him. Mukha ring si Wooseok naman ang gusto niya, eh.”
Nag-form ng O ang labi ni Seulgi.
“Walang nakukwento sakin si Wooseok na ganyan! Tatanungin ko nga!”
Mabilis niya itong kinontra. “I am not sure! Yun lang ‘yung nakikita ko. For sure naman kung sakali, magkukwento sayo ang best friend mo. Huwag mo nang banggitin. Baka sabihin pa napakachismoso ko.”
“Ay hindi ba?”
He glares at his cousin who acts as if zipping her lips.
Hindi siya nagsalita and continues eating na lang. Seulgi, on the other hand, takes out her phone at nagbasa ng mga messages and social media updates. Maaga pa kasi para umalis. Medyo nasarapan ito sa pagtambay sa office niya.
Naging tahimik silang dalawa for a little while hanggang sa may naisip si Baekhyun. Isa rin kasi ito sa mga bagay na sobrang nakakapagpabother sa kanya.
“Seul, I have a question.”
“Hm?” Response nito without removing her eyes on the screen of her phone.
“If you had an ex and you did him so wrong and then later in your life you two met again and it felt like he’s making you suffer by doing the things similar to how you’d hurt him before... How are you going to interpret his actions?”
“Parang pang Miss Universe naman ‘yan.” Ang sabi nito sabay lapag ng phone sa desk niya. “But first let me ask, is this your ex, ha?”
“No!” Mabilis niyang sagot. No way. Hindi niya sasabihin dahil alam niyang hindi titigil si Seulgi hanggang sa malaman ang lahat-lahat simula sa umpisa hanggang dulo.
Umirap ito. “If you say so.” Halatang hindi naniwala pero buti na lang ay hindi na nangulit pa. “But if ako ang may ganyang ex, syempre hindi na kailangan pag-isipan pa ‘yan. I’d think na he’s mad at me. Baka nga he even loathe me.” Tumawa pa ito. Bagay na hindi niya nagawa. Masakit ‘yon but Seulgi’s right. Of course, Chanyeol is mad at him. “But I would also think he hasn’t moved on yet.”
Doon na parang nagmalfunction ang utak ni Baekhyun.
“Huh?”
Seulgi shrugs. “Kasi diba? If nakamove on na siya, oo ipaparamdam niya saking hindi na ako mahalaga kasi nga wala na siyang pakialam and that’s normal because we’re exes pero kung binabalik at pinararamdam niya sakin lahat ng ginawa at sakit na dinulot ko noon, maybe he hasn’t moved on yet at andon ‘yung fire sa puso niya na gantihan ako because that’s the only way na pwede kong masabi na valid ‘yung emotions at lahat ng pinagdaanan niya. In short, may gusto siyang patunayan. Ito na lang kasi why would you waste your time on someone kung wala ka na talagang pakialam, diba? If pakiramdam ko ginagantihan niya ako then I would really think he still has feelings for me kasi gusto niyang makita kung paano ako magrereact and eventually apologize but that’s not the catch because the most important thing why he’s doing this is to…”
“Is to?” Ang tanong niya. Nakakainis. Pa-intense pa ‘tong pinsan niya samantalang nagkakagulo na ang puso at isip niya.
Seulgi smiles before answering his question. “Make me win him back.” Ramdam niya ang pagkabuhay ng dugo niya dahil sa narinig. “He wants me to chase him like what he did to me before.”
Kinagabihan, nakailang palit na ng pwesto si Baekhyun pero hindi pa rin siya makatulog. Nagtatalo na naman ang puso at isip niya.
Gusto niyang maniwala sa sinabi ni Seulgi dahil may punto ito pero paano naman niya patutunayan ang bagay na ‘yon? Wouldn’t it be so pathetic of him to personally ask Chanyeol? Baka kung ganun, tumalon na lang siya sa bangin.
No way!
Pero kung hindi rin, paano?
Halos i-untog na niya ang sarili sa headboard ng kama. Sa sobrang likot niya, pinanonood na lang siya ni Beau na naistorbo na rin dahil sa kaluskos ng bawat galaw niya. Kung nakakapagsalita lang ang aso, baka sinigawan na siya nito.
“Chanyeol Park, ano bang gagawin ko sayo?” Frustrated na sabi niya sabay pabagsak na nahiga sa kama.
After that day kung saan kinabukasan ay pumasok si Baekhyun na maitim ang ilalim ng mga mata, pumunta siyang muli sa construction site at walang pinagbago. Para bang walang nakikita si Chanyeol. Hindi niya alam kung sadyang umiiwas ito o talagang nagkakataon lang na bago pa niya malapitan ay nakalayo na.
Sa ganung paulit-ulit na nangyayari tuloy, mas lalong lumalakas ang kutob niyang tama nga ang pinsan niya.
Dahil hindi matingnan ang bawat detalyeng nadadagdag sa pinagagawang firm sa tuwing pumupunta dahil halos si Chanyeol lang ang binabantayan niya, he decided na magpunta ron ng Sunday. Off ng mga trabahador kaya sigurado siyang walang ibang andon.
Si Jongdae naman, hindi niya pa rin kasama. Ngayon kasi ang renewal ng vows ng parents nito at sinabing next weekend na lang pupunta.
Kung tutuusin, mas normal ‘yung ginagawa ni Jongdae na occasionally
lang kung magpunta sa site at kumukuha lang ng update through emails from the construction firm unlike him na halos every other day yata ay naroon.
Hindi rin naman siya masisisi. Chanyeol’s there and if it’s the only place na makikita niya ito, dahil baka pagkatapos ng lahat ng ‘to ay hindi na muli kailan pa, paulit-ulit niya talagang babalikan.
Bumaba siya ng kotse niya at pinagmasdan ang lugar na sa susunod lang ay dagdag na sa mga achievements sa buhay niya nang maagaw ng hindi kalakasang footsteps palapit sa kanya ang atensyon niya.
Paglingon niya, nabigla siya.
It’s Sunday. Hapon pa. Huwag nitong sabihing kahit rest day ay nagtatrabaho si Chanyeol.
Bakit?
Bakas ang gulat sa mukha niya, hindi nito napigilang magsalita.
“Isara mo ‘yang bibig mo. Baka may pumasok na langaw.” Taliwas sa sinabi nitong pwede makapagpatawa ng tao ang emosyong ipinakikita. Chanyeol is looking at him with a black expression.
Sinunod niya ang sinabi nito at umiwas ng tingin. Binalik niya ang mga mata sa building na ngayon ay giba na at may nasimulan na sa first floor.
“Nagulat lang ako. I wasn’t expecting anyone to be here on a Sunday afternoon. Most especially you.” Ang sabi niya.
Parang simula nang magkita sila ulit, ito na ang pinakamahaba niyang sinabi rito. Kailangan ba masolo nila ang lugar para lumabas ang mga gusto niyang sabihin?
Hindi niya tuloy maiwasang isipin. May nais din ba kayang iparating ang universe kung bakit nandon din si Chanyeol ngayon kahit na bukas pa naman ulit ang trabaho? O hindi dahil oo nga pala, walang kahit na ano sa kasalukuyan ang makakapagsabi ng mga susunod na mangyayari sa kinabukasan.
Mabuti na lang at sumagot si Chanyeol dahil hindi niya alam kung paano pa ito makakausap ulit kung hindi na. Gusto lang niyang marinig ang boses nito. Kahit saglit lang.
“Tiningnan ko lang kasi hindi ako makakapunta bukas.”
“May iba kang lakad?” Kahit siya ay nagulat sa lumabas sa bibig niya pero hindi na niya nagawang bawiin.
Siguro sobrang pakialamero na ang tingin ni Chanyeol sa kanya pero hindi na niya ‘yon inintindi.
Tumango ito kahit naweirduhan sa tanong niya. “Engagement party.”
Para siyang nabingi. Hindi siya nakapagsalita. Halata sa mukha na nagulat siya kaya nilinaw ni Chanyeol ang katanungan sa isip niya.
“Hindi ako. Si Ate.”
“Ah..” Ang tanging nasabi niya. “Ikakasal na pala siya.”
Muling tumango si Chanyeol habang nakatingin pa rin sa gusaling inumpisahan nang buoin at ayusin muli. Ni isang beses habang nag-uusap sila, hindi na siya nito tinapunan ng tingin samantalang kung pwede lang itong matunaw, baka wala na siyang kausap ngayon sa sobrang titig niya.
“Oo. Nasa tamang edad na rin naman na siya kaya pumayag na sila mama. Ano ba naman kasing karapatan natin para ipagkait sa mga tao ‘yung bagay na deserve naman nila, diba? ”
Nang marinig ‘yon, biglang hindi na siya sigurado kung si Ate Yoora pa ba ni Chanyeol ang pinag-uusapan nila. Bago pa siya makapagsalita muli, tumalikod na si Chanyeol sabay sabing, “Mauna na ako.”
Lalong bumigat ang nararamdaman niya. Ayaw pa niya. Ngayon na lang sila ulit nakapag-usap nang ganun kahaba. Kahit pa para wala namang patutunguhan, gusto niyang manatili pa si Chanyeol kahit ilang minuto lang pero paano niya sasabihin?
Wala na siyang karapatan para humingi ng oras dito kahit kaunti lang. Bukod sa Linggo ngayon at hindi ito obligadong mag-trabaho kahit pa kliyente siya nito, siya rin ang gumawa ‘non sa sarili niya.
Akala niya noong una si Chanyeol ang tinanggalan niya ng karapatan maging masaya pero sa huli at hanggang ngayon, narealize niyang hindi pala. Hindi si Chanyeol ang pinagkaitan niya kundi ang sarili niya.
Kasalanan niya kung bakit nasasaktan siya ngayon.
Sa sobrang pag-iisip, hindi niya namalayang nasabi na pala niya nang malakas ‘yung mga katagang gusto niyang sabihin noong unang araw palang na nakita niya itong muli sa restaurant. Noong pinakilala ni Wooseok na si Chanyeol pala ang magiging engineer ng proyekto niya.
“I miss you.”
May namuong luha sa mga mata niya habang pinanonood si Chanyeol na nakatalikod at naglalakad palayo at tumulo ‘yon nang nakita niyang napatigil ito.
Ito na ba? Tama kaya si Seulgi?
Umasa siya. Naghintay siyang humarap ito ngunit hindi nangyari ‘yon.
Walang narinig na kahit ano mula rito, maya-maya lang ay nagpatuloy si Chanyeol sa paglalakad hanggang sa makarating sa sariling sasakyan at pinaandar nito ‘yon matapos buhayin ang makina nang hindi man lang siya sinusulyapan.
Baka hindi. Baka mali ‘yung interpretasyon niya. Baka hindi naman talaga gumaganti at siya lang ang nag-iisip ‘non dahil maaaring ang ex ng iba, oo, pero si Chanyeol, hindi.
Sadyang wala na lang itong pakialam.
Dahil alam na wala naman si Chanyeol sa site, Baekhyun doesn’t see any reason for him to go there pero lumipas ang ilang araw, kahit alam niyang pwedeng maabutan niya ulit ito ron, hindi pa rin siya pumunta. Hindi niya sinamahan si Jongdae nang i-check nito for the first time ang progress.
Hindi niya kasi alam kung may mukha pa ba siyang ihaharap kay Chanyeol pagkatapos ng insidenteng iyon. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa niyang sabihin ‘yon nang malakas? Bakit ba kasi umasa pa siya na kapag sinabi niya ‘yon, haharap si Chanyeol sa kanya at sasabihing pareho sila ng nararamdaman?
Sobrang pag-iilusyon naman ‘yon.
Siguro ngayon kailangan na talaga niyang tanggapin na hindi na mangyayari ang gusto niya. Kung dati ay nagawang ibigay at respetuhin ni Chanyeol ang akala niya’y gusto niya, kahit masakit, dapat ngayon siya naman ang gumawa ‘non. Kahit masakit.
Time has gone by so quickly. Before Baekhyun knew it, sinisimulan na ang flooring sa baba at tinatayo na ang second floor.
Naging busy siya sa work and he’s thankful for that kasi kahit paano ay nabibigyan niya ng break ang sarili niya. Hindi na niya buong oras iniisip si Chanyeol at hindi na rin siya madalas magpunta sa site. Once na nga lang ulit after that Sunday when he felt humiliated by telling Chanyeol he misses the latter.
Gladly, or should he be? Hindi kasi siya sure kung magandang bagay ba ‘yon, pero wala kasi si Chanyeol noong nagpunta sila ni Jongdae.
Bawat araw na lumilipas na hindi niya ito nakikita, mas namimiss niya pero alam niyang ayun ang kailangan gawin. Mas magandang umiwas na lang at masanay na wala ito dahil mas mahihirapan lang siya kung patuloy niyang susundan at papanoorin ang bawat galaw ni Chanyeol.
“Good night, Beau.” Ang sabi niya sa aso niya after turning the lights off. Gabi na ulit. Isa na namang araw ang natapos.
Naglinis lang siya ng katawan tapos dumiretso na sa kama. Late na rin kasi nang makauwi siya kaya hindi na siya nag-abalang maghanda o bumili pa ng dinner. Mas gusto na lang niyang magpahinga pagkatapos ng isang nakakapagod at mahabang araw.
Nahiga na siya at hindi niya namalayang nakatulod na siya with only the night lamp open dahil sa sobrang pagod niya. Nagising na lang ulit siya nang makarinig ng mahihinang kaluskos mula sa labas ng kwarto niya na ipinagtaka niya dahil kasama niya sa loob si Beau. Hindi naman nito kayang buksan ang pintuan.
He checks the time and sees that it has only been three hours since he slept.
Kaagad siyang bumangon. Nakaramdam siya ng kaba pero nilakasan niya ang loob niya.
Nagising na rin si Beau na biglang kumahol. Dahil don, binuksan na niya ang pintuan ng kwarto niya at mas lalo siyang natakot nang makita ang isang taong hindi niya matukoy ang hitsura dahil nakasuot ng black na jacket at pantalon.
Dali-dali itong lumabas ng unit niya at nagtatakbo upang makalabas ng building.
Doon na siya tumawag ng security. Chineck ng mga ito ang CCTV footage at nakita ron ang mukha nito na kaagad nireport sa mga pulis pagkatapos i-check ang unit niya na laking pasalamat niya na lang ay walang nawala pero hindi niya pa rin kayang bumalik doon kahit inassure na siya na hindi mauulit ang ganung klaseng pangyayari dahil mas hihigpitan ang seguridad ng lugar.
Natatakot siya. Nasa opisina pa rin siya ng building kung saan siya dinala pagkatapos ng report. Dala-dala niya si Beau.
“Wala po ba kayong pwedeng tawagan na kamag-anak o kaibigan na pwede kayong samahan ngayon o di kaya ay doon na muna kayo sa kanila para mas makampante kayo?” Tanong sa kanya ng isang staff.
Walang ibang pumasok sa isip niya kundi si Jongdae dahil ito lang naman ang malapit sa kanya ngayon. Ayaw man niyang mang-istorbo, pakiramdam niya talaga ay natrauma siya kaya tinawagan niya ito pero naka-apat na missed calls na, hindi pa rin sinasagot.
Hindi na siya nagtaka. Alas dos na ng madaling araw. Siguradong pagod din si Jongdae galing trabaho.
Napahinga siya nang malalim at tinigilan na ito. Sunod niyang tinawagan ay si Seulgi. Mas ayos na ang pinsan niya kaysa sa mga magulang niya. Matatanda na ang mga ito. Ayaw na niyang pag-alalahanin pa lalo na’t sa Novaliches pa manggagaling kung sakali.
Tulad ni Jongdae, mukhang nagpapahinga na rin si Seulgi. Akmang ibababa niya ang tawag nang biglang may sumagot ng linya.
Mali siya. Hindi pa ito natutulog at rinig na rinig niya ‘yon sa background. Sa music at hiyawan pa lang, he can immediately tell na nasa club ang pinsan niya.
“Hello, Seul?”
Ngunit hindi ito ang sumagot. Ibang boses pero pamilyar. It’s Wooseok.
“Hello, Baek?” Ang sabi nito. “Wait.. si Baekhyun tumawag. Huwag kang malikot, ano ka ba! ”
Napahinga siya nang malalim. Mukhang lasing na ang pinsan niya.
“Hello, hello, Baekhyun?” Pag-ulit ni Wooseok at napansin niyang medyo humina ang hiyawan. Siguro ay lumayo na muna ito sa mataong parte ng club.
“Si Seulgi ba ‘yon? Lasing na?” Ang tanong niya rito na mabilis na sinagot ni Wooseok.
“Oo, wasted na wasted si gaga. Ngayon na lang daw siya kasi ulit nakapag-inom.” Ang sabi nito. “Ba’t ka pala napatawag? Ako na ang sumagot kasi iuuwi ko na rin siya. Dun na muna samin kasi pagagalitan ‘to ni Tita sigurado.”
Alam niyang tama si Wooseok at ayaw na niyang dumagdag pa sa stress nito dahil mag-aalaga pa ng lasing.
“Ganun ba? Sorry, wrong timing pala ako.”
“Naku, hindi naman. Sadyang ang kulit lang nitong pinsan mo.” Sabi ni Wooseok. “Pero ba’t ka napatawag? May kailangan ka ba o ano? Tingnan ko kung kaya ko naman gawin.”
“Hindi na.” Ang sagot niya. Ni wala na nga siyang balak sabihin kaya lang biglang nagsalita ang isa sa mga guard na kararating lang sa opisina kung nasaan siya. Hindi nito napansin na may kausap siya sa telepono.
“Sir Baekhyun, may report po from the police station. Mabilis nilang nasundan kasi hindi pa nakakalayo nang makapagreport kayo. Nahuli na raw po ‘yung nanloob sa unit ninyo.”
Hindi na niya napigilan si manong kaya narinig ni Wooseok mula sa kabilang linya. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya nang marinig ang naging reaksyon nito.
“Oh my gosh, Baekhyun. Are you okay? Kamusta ka? Nasaktan ka ba?”
Kahit hindi siya nito nakikita, nagawa niyang umiling. “Hindi, ayos lang ako. Natatakot lang akong bumalik ulit sa unit ko but I’ll be fine. Sorry naistorbo ko pa kayo.”
“No, hindi ka dapat mag-sorry. Tama lang ‘yung ginawa mo at dapat lang din na hindi ka muna bumalik sa unit mo mag-isa kahit pa nahuli na raw. Who knows kung may kasama ‘yan?” Mas lalo siyang natakot dahil sa narinig mula rito. Oo nga. Paano kung may kasama pala tapos nalaman na nahuli ng mga pulis ang isa sa kanila? Baka pag-initan siya. Kung ano-ano ng hindi magagandang scenario ang pumasok sa utak niya hanggang sa muling nagsalita si Wooseok.
“Paano kaya? Lasing kasi si Seulgi at medyo malayo kami ngayon.” Hindi niya pa nasasabing huwag na siya nitong isipin at si Seulgi na lang nang mabilis nang nadugtungan ang sinasabi. “Alam ko na. Ganito na lang. Since you and Chanyeol know each other naman, I think siya, pwede ‘no? Sasabihan ko siya ngayon na agad-agad.” Mabilis na sabi nito at parang kanina lang, hindi na siya nito pinagsalita.
“I’m sure gising pa ‘yon. Nasa contract naman na pinirmahan mo ‘yung address mo so bahala na siyang maghanap sa mga condo d’yan sa Makati. Alam kong shocked ka pa, Baekhyun. Don’t worry, I’ll tell him. Sige na, ibababa ko muna ‘to at iuuwi na rin muna si Seul. You wait for Chanyeol there bago ka bumalik sa unit mo.”
And just like that, binaba ni Wooseok ang tawag at kasabay ‘non ay ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
Halos sumakit ang ulo ni Baekhyun sa kaiisip kung ano ba ang pwedeng mangyari sa oras na dumating si Chanyeol. Magagalit kaya ito sa kanya? Maiinis? Siguro, pwede, malamang. Naistorbo lang naman niya kasi ito. Hatinggabi na.
Kanina sinubukan niyang pigilan si Wooseok through text pero hindi ito nagpaawat. Sinabi pa sa kanya ayos lang ‘yon kay Chanyeol and he mentally disagrees.
Nasasabi nito ‘yon kasi hindi naman alam na ex siya ni Chanyeol. Pwedeng ayos lang talaga rito since everyone of them knows how kind Chanyeol is pero ibang usapan na pag siya.
Hinanda niya ang sarili niya sa cold and worse, harsh treatment pa sa oras na dumating si Chanyeol kaya halos hindi siya makapaniwala nang kaharap na niya ito at kinamusta siya.
Halos manlambot siya nang makita niya ang pag-aalala sa mga mata ni Chanyeol.
Totoo naman ‘yon, diba? Hindi imahinasyon lang.
Nang sabihin niyang ayos lang siya, kinausap nito ang mga guard upang itanong ang mga nangyari, kung ano na ang update don sa nahuli ng mga pulis, at sinabihan ding higpitan pa ang security ng lugar dahil safety ng mga nakatira ang at risk.
Tahimik lang siya, pinagmamasdan ito at nakikinig habang yakap si Beau na behave lang din sa tabi niya.
Maya-maya lang tiningnan siya ni Chanyeol sabay sabing, “Tara na sa unit mo.”
Para naman siyang natanga at walang ibang nasabi kundi, “Huh?”
“Sa unit mo kako.” Chanyeol says. “Bakit? Dito ka na lang ba magpapalipas ng magdamag? Kawawa naman ‘yang aso mo.”
Unconsciously, he pouts. Si Beau lang pala ang inalala.
Tumayo na siya at nauna pa si Chanyeol lumabas ng security office na para bang alam nito kung saan ang unit niya. Pagsakay nila ng elevator, tinanong siya nito kung anong floor.
“26th.”
“Ang taas-taas na, unit mo pa talaga ang napili. Wala talagang limitasyon ang mga gago.” Naiinis na sabi nito at hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya pinili niyang huwag na lang magsalita.
Naging tahimik ang buong pag-akyat nila ng 26th floor at nang bumukas ang elevator door, dire-diretso sila kasi wala ng ibang sumakay, pinauna siya ni Chanyeol.
Unit 2611 ang kanya. Binuksan niya ang pinto at naunang pinapasok si Beau na dumiretso sa couch.
“Okay na ko rito. Salamat sa oras mo.” Maayos niyang sabi kaya nabigla siya nang tumaas ang isang kilay ni Chanyeol.
Taray.
“Ano? Edi sana pala sa guard ka na lang nagpasama kung magpapahatid ka lang.” Ang sabi nito. Bakas sa mukha niya ang gulat. Umiling si Chanyeol at hinawakan ang wrist niya saka siya hinila papasok sa sarili niyang unit. “I know it’s traumatizing for you. Dito na lang muna ako hanggang sa lumiwanag. Matulog ka na.”
Halos hindi siya makapaniwala sa narinig. Pagkatapos ng mahigit apat na taon, ngayon na lang niya ulit makakasama si Chanyeol sa iisang bubong nang silang dalawa lang. Well, technically, tatlo pero hindi naman sila papansinin ni Beau. Si Beau na surprisingly ay hindi tinahulan, ni isang beses si Chanyeol. Baka naramdaman din nitong Chanyeol is there for them, not to harm them katulad nung nanloob sa kanila kanina lang.
Ang sungit ng pagkakasabi ni Chanyeol at alam niyang wala naman silang iba pang pag-uusapan kaya wala siyang nagawa kundi tumango sa sinabi nito.
“Dadalhan kita ng unan at kumot. Pwede kang matulog dyan sa sofa.”
“Huwag na.” Ang sabi naman nito. “Ilang oras na lang naman magliliwanag na. Huwag mo na akong isipin at magpahinga ka na.”
Pero kahit sinabi ni Chanyeol ‘yon, binigyan niya pa rin ito pagbalik niya sa maliit niyang sala pagkagaling sa kwarto niya. Nagpasalamat na lang si Chanyeol tapos ‘non ay nagpunta na ulit siya ng kwarto.
Nahiga na siya. Tulog na si Beau sa sariling kama nito sa baba.
Pumikit siya at sinubukang matulog pero hindi tulad kanina na nakatulog siya kaagad dahil sa pagod, ngayon ay hindi niya mahanap ang tamang posisyon para antukin.
Sarili niya na nga lang ang makakaalam, magsisinungaling pa ba siya? Syempre, walang ibang dahilan kung bakit 4AM na at gising na gising pa rin siya kundi ‘yung taong ilang hakbang at isang pader lang ang pagitan sa kanya.
He wonders. Tulog na kaya si Chanyeol? Ano kayang ginagawa nito? Anong nararamdaman? Anong iniisip?
Tiningnan niya ang pintuan ng kwarto niya at muli na naman siyang nakaramdam ng lungkot.
Dati sa tuwing natatakot siya, yayakapin lang siya ni Chanyeol, mawawala na ang lahat ng hindi magagandang bagay na tumatakbo sa isip niya pero ngayon mas natatakot na siyang lapitan ito higit sa lahat hindi dahil sa sasaktan siya nito kundi dahil naiisip niyang baka ayaw ni Chanyeol kahit marinig man lang ang boses o pangalan niya.
Sobrang lapit ni Chanyeol ngayon pero ang hirap-hirap pa ring lapitan.
Ganun siya noon, diba? Ganito ‘yung pinaramdam niya kay Chanyeol noon.
Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak ng luha niya.
Ilang minuto makalipas, pinunasan niya ‘yon at inayos ang sarili niya.
Sisilipin lang niya si Chanyeol at kukuha na rin ng tubig para sa sarili niya. Baka nakatulog na ito at lulubusin na niya ang pagtitig dito kung sakali dahil hindi naman siya mahuhuli. Isang oras na lang din kasi ay aalis na ito.
Sisikat na ang araw.
Tumayo siya at lumabas ng kwarto niya pero hindi niya nagawa ang pinlano niya dahil napalingon ito sa pintuan ng kwarto nang bumukas. Mali siya. Gising si Chanyeol.
“Kukuha lang ako ng tubig.” Ang sabi niya kahit na hindi naman ito nagtatanong.
Tumango ito at binalik ang tingin sa screen ng cellphone. Tahimik siyang naglakad papunta sa maliit niyang kitchen kung saan kitang-kita niya si Chanyeol. Tiningnan niya ang oras. Kung babalik siya sa kwarto niya, baka makatulog siya at sa paggising niya, umalis na si Chanyeol.
Gusto niya itong makasama sa natitira pang isang oras kaya naman naglakas loob na siyang magsalita.
“Gusto mong mag-breakfast?”
Napatingin si Chanyeol sa direksyon na pinanggalingan ng boses. Hindi pa ito nakakasagot, muli na siyang nagsalita.
“Umaga na rin naman kasi. Para lang hindi ka umuwi nang walang laman ang tiyan.” Ang sabi niya. Inexpect na niyang tatanggi ito tulad ng palagi nitong ginagawa kaya hindi niya maipaliwanag ang ligayang naramdaman nang sumagot si Chanyeol ng, “Okay.” tapos ay tumayo ito at sinundan siya sa kusina.
“Ano bang ihahanda mo?” Ang tanong nito sabay sandal sa kitchen island. “French toast?”
Kilala kasi siya ni Chanyeol bilang isang taong takot sa mantika kaya kahit marunong siya, mas pinipili niyang bumili na lang ng pagkain. Isa pa, wala rin namang lutuan doon sa dati niyang condo pero noong college pa ‘yon. Iba na ngayon. Hindi naman siya magtatagal mag-isa na malayo sa parents niya kung hindi pa siya natuto.
“Marunong na akong magluto ng totoong pagkain.” Ang sagot niya. “I’ve changed.”
Wala siyang ibang ibig sabihin sa huling dalawang salitang ‘yon pero mukhang may ibang interpretasyon si Chanyeol.
Halos tumigil ang paghinga niya nang harapin siya nito at humakbang palapit sa kanya. Umatras siya pero hindi tumigil si Chanyeol hanggang sa tumama na ang likuran niya sa counter.
“You’ve…” Buong oras na ‘yon nakatingin lang si Chanyeol sa mga mata niya at hindi niya nagawang umiwas. Para bang na-magnet na ang mga tingin nila. “Changed?”
He gulps at tumango. Para bang naubos ang lakas niya upang magsalita. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya lalo pa nang tuluyan siyang kornerin ni Chanyeol.
Hinarang nito ang magkabilang braso sa dalawang gilid kung saan pwedeng-pwede siyang tumakas kapag hindi na niya kaya.
“Hindi na ikaw ‘yung dating Baekhyun? How could you say so? Sariling desisyon mo ba ‘yan o sinabi ng signs na kailangan?”
Hindi niya matukoy if Chanyeol’s just mocking him o genuine ang tanong. Basta ang alam niya lang, kahit alin man sa dalawa, hindi niya kayang sagutin dahil nanghihina siya.
Chanyeol tilted his head, still staring at him at bumaba ang tingin nito sa labi niya.
Nakita niya ‘yon and he unconsciously bites his lower lip.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman basta naiiyak na siya. Hindi siya natatakot. Gustong-gusto niya lang kasing yakapin si Chanyeol ngayon. Amoy na amoy niya ito at isang maling galaw lang, maglalapat ang mga labi nila dahil lumapit ito nang lumapit sa kanya. There is only an inch away in between their bodies.
Hindi na niya kaya. Ilang segundo pang ganun ang posisyon nila, baka bumigay na siya at tuluyang mayakap ito.
“Chanyeol—” Ngunit bago pa niya masabi ritong magluluto pa siya ng agahan, mabilis na gumalaw si Chanyeol na naging dahilan ng pagpikit niya. Nabitawan niya ang wooden spatula na kanina pa niya hawak.
Hinalikan siya nito and it tastes nothing but Chanyeol. Just Chanyeol.
Hinang-hina siya at hindi niya ito nagawang itulak. Wala rin siyang nakikitang rason upang gawin ‘yon dahil sobrang namimiss na niya ito.
Naramdaman niyang bumaba ang mga kamay ni Chanyeol papunta sa bewang niya kasabay ng pagyakap niya sa leeg nito.
Ang sunod na naramdaman niya habang gumagalaw ang mga labi nilang dalawa ay ang pag-angat ng katawan niya mula sa lapag.
Chanyeol carries him and makes him sit on the kitchen counter. Hinahalikan pa rin siya nito.
“I missed you.” Hindi niya napigilang sabihin ngunit hindi siya nakarinig ng sagot.
They continue making out until inangat siya nitong muli. Pinulupot niya ang mga binti niya kay Chanyeol habang naglalakad ito papunta sa kwarto niya.
Without breaking the kiss, Chanyeol managed to twist the doorknob and open the door. Hiniga siya nito sa kama at nagkatinginan sila.
Those eyes... Hindi niya alam kung paanong hindi niya ito mabasa simula nang magkita silang muli samantalang ngayon, parang sinisigaw ni Chanyeol ang lahat ng nararamdaman. Ang lahat ng gustong sabihin pero hindi nagawa.
Alam niya. Hindi lang siya ang may gusto ‘non.
Pinanood niya ito habang nagtatanggal ng pangtaas na damit. After that, Chanyeol gets on top of him and meets him in an open-mouthed kiss.
Nang bumaba ang halik nito sa leeg niya, he lets out a moan. Chanyeol then moves to undress him.
He, on the other hand, runs his fingers up against the broad chest hovering over him before Chanyeol claims his lips once again.
That morning, he gave himself to Chanyeol.
Chanyeol kisses and touches every part of his body. He’s naked but he doesn’t feel even an ounce of embarrassment because Chanyeol makes him feel how beautiful he is, Chanyeol shows him how it feels to be loved again.
Hindi niya napigilang umasa. Sana ang sunod naman ay makapag-usap na sila at maging maayos na ang lahat.
He also hopes that in his own way, he makes Chanyeol feel how sorry he is, that he regrets everything, and how true his love is.
But none of those things happened after that morning.
Ala-una na ng tanghali nagising si Baekhyun ng araw na ‘yon. Agad siyang bumangon dahil wala si Chanyeol sa tabi niya. Dinampot niya ang damit niyang nasa lapag at nagbihis saka lumabas ng kwarto pero hindi rin niya nakita si Chanyeol kahit saang sulok ng unit niya.
Tanging siya lang ulit at si Beau ang naroon.
Hindi siya pumasok ng araw na ‘yon. He tried calling Chanyeol since may number siya nito because he is still the latter’s client pero hindi nito sinagot at tumigil lang siya nang cannot be reached na.
Probably pinatay ang cellphone o tinanggal ang sim card.
Hindi niya alam basta ang sigurado lang ay nasasaktan siya. Yun na ‘yon? Pinaglaruan lang ba siya ni Chanyeol? Hindi pa ba sapat na nagmumukha siyang tanga sa tuwing sinusubukan niya itong kausapin? Hindi ba parang sobra naman na ‘yung aabot pa sila sa puntong gagawin ‘yon?
Hindi naman siguro siya nag-iilusyon lang noong umagang ‘yon.
It’s not just sex. They made love.
O siya lang ba ang nag-isip? Was it all for fun for Chanyeol?
Hindi na niya alam kung ano ang iisipin sa dami ng nangyari. Ang gulo-gulo na ng utak niya. Sa sobrang hindi niya alam kung ano ang gagawin, kahit ‘yung text messages ni Jongdae kung bakit siya tumatawag ng gabi bago may mangyari sa kanila ni Chanyeol ay hindi na niya sinagot.
He wants to be alone. He wants peace of mind pero kahit ilang araw pa siyang magkulong, alam niyang hinding-hindi niya ‘yon makukuha kaya kinabukasan, pagkatapos ng trabaho, pumunta siya ng site kung saan sinalubong siya ng maraming tanong ni Wooseok.
Kung kamusta siya, anong balita sa masamang loob na nagtangkang gumawa ng hindi maganda sa unit niya, at marami pang iba na hindi niya nasagot nang maayos. Basta ang huling sinabi niya rito ay salamat sa hindi pagsabi kay Seulgi. Ayaw na lang niya kasi ng paulit-ulit pang mag-kwento. Ayos naman na siya.
Dumiretso siya sa loob ng ginagawang gusali kahit pa alam niyang magiging sagabal siya. Inikot niya ang lahat ng pwedeng puntahan pero hindi pa rin niya nakita si Chanyeol.
Wala ito?
Magtatanong pa lang sana siya sa isa sa mga construction worker nang marinig niya ang isa sa mga kasamahan nitong may tinawag na engineer.
Kaagad niyang hinanap ang nagsalita sa pag-aakalang makikita na niya ang kanina pa hinahanap pero napatigil siya nang hindi si Chanyeol ang nakitang kausap nito. Isang hindi pamilyar na lalaki na parang kay Chanyeol lang din ang porma kapag pumupunta rito ang suot.
Hindi na niya narinig ang pinag-usapan ng dalawa. Malayo-layo rin naman kasi ang distansya ng mga ito mula sa kinatatayuan niya.
Pinagmasdan niya lang ang mga ito, nagtataka, at kaagad naging malinaw ang namumuong tanong sa isip niya nang biglang may nagsalita mula sa likuran niya.
It’s Wooseok.
“I don’t know why. Ayaw niyang sabihin sakin ang dahilan but he backed out and passed this project to Engineer Nam.” Ang sabi nito at hindi na niya kailangan pang tanungin kung sinong niya ang tinutukoy. Sino pa ba? Of course, it’s Chanyeol.
Nilingon niya si Wooseok who motioned his hands to the new engineer na hahawak sa project nila. “That’s Engineer Joohyuk Nam.”
Hindi siya nakasagot. Hindi siya interesadong malaman ang pangalan ng panibagong engineer na maghahandle ng proyekto nila. Ang gusto niya ngayon ay makaharap si Chanyeol.
Ganun ganun na lang? Ni hindi man lang siya sinabihan kahit sa text man lang. Hindi sumasagot sa tawag, hindi nagrereply sa texts, even emails tapos malalaman niya na lang nag-back out ito?
Is it all because they had sex?
Hindi niya kinaya ang kung ano-anong pumapasok sa isip niya. He clenches his fist at mabilis lumabas ng building. Wooseok tries chasing him while calling his name pero hindi niya ito pinansin.
Dali-dali siyang sumakay sa kotse niya at pinatakbo iyon. Pupunta siya ngayon sa opisina nila Chanyeol. Kung wala ron, hahanapin niya. Sisiguraduhin niyang makikita niya si Chanyeol kahit abutin pa siya ng gabi.
Gusto niyang malaman kung bakit nito ginawa ‘yon. Backing out without even telling him? Ganun ba nito pinagsisisihan ang nangyari sa kanila? Sobra ba siyang kinasusuklaman ni Chanyeol para umabot sa ganun?
Kung nagsabi ito, maiintindihan naman niya. Ayaw na dahil nagsisising may nangyari sa kanila?
Mas matatanggap niya pa kahit mahirap at masakit kung mismong sa mukha niya sinabing ipapasa na sa iba ang project dahil hindi siya kayang makita.
Hindi niya pinilit si Chanyeol na gawin ‘yon. Ito ang nagkusa. Ito ang humalik. Ito ang unang nagparamdam ng pagmamahal noong gabing ‘yon kaya hindi niya napigilang hindi umasang maaayos nila ang lahat paggising kinaumagahan.
Hindi niya napigilang mapaluha. Sobrang sama ng loob niya.
Was it all just an act? Ganitong klaseng paghihiganti ba ang gusto ni Chanyeol? Hindi ba parang sobra naman ‘yon? Kung oo, sige, talo na siya. Alam naman niya ‘yon matagal na.
Sana hindi na lang siya pinuntahan noong madaling araw na ‘yon. Kaya naman niya ‘yung sarili niya, eh. Sana umalis na lang ito paghatid sa kanya sa unit. Mas gugustuhin niyang mapraning na lang gabi-gabi na baka balikan siya nung magnanakaw kaysa ganitong klase ng sakit ang dalhin at maranasan niya.
Kulang pa ba? Kulang pa bang kabayaran sa nagawa niya noon na labis na niyang pinagsisisihan ngayon? Talaga bang wala ng kapatawaran ‘yung pagkakamali niya?
Mas mabilis pa niyang pinaandar ang sasakyan niya.
Mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Hindi pa rush hour kaya maluwag pa ang daan. Sa sobrang kagustuhang makausap si Chanyeol, mas diniinan pa niya ang apak sa gas upang mas bumilis pa ang takbo ng sasakyan niya at dahil walang tigil sa pagbagsak ang mga luha niya, hindi niya napansin ang isang truck na lumiko galing U-turn section at isang malakas na salpukan ang narinig niya bago kusang pumikit ang mga mata niyang dugo na tumalsik sa basag na windshield ang huling nakita.
Nang muli siyang dumilat, wala na siya sa pinangyarihan ng aksidente. Wala ng dugo at usok mula sa sasakyang nabangga pati na rin ang mga taong nagkagulo.
Nasa isang maliwanag na lugar na siya at malambot ngunit hindi komportableng higaan.
Ramdam niya, may swero sa kamay niya. Hindi naman siya nagka-amnesia. Alam niyang nasa ospital siya ngunit hindi niya na masyado pang binigyang pansin kung saang ospital ba dahil nararamdaman niyang may nakahawak sa isa niyang kamay na walang naka-inject na IV.
Dahan-dahan niya binaba ang paningin dahil medyo malayo ang taong humahawak sa kamay niya dahilan para hindi niya madaling makita at nang sa wakas ay masilayan niya, bigla siyang nagduda kung totoo ba ang nangyayari o nananaginip lang siya.
Napansin siya nito at kaagad napatayo. Aalis sana upang tumawag ng doktor ngunit pinigilan niya. Hindi pa man ganun kalakas, nagawa niyang higpitan ang hawak dito at syempre, hindi na nito pinilit pa. Hinayaan na siya lalo pa nang sabihin niya sa garalgal na boses ang salitang, “ Stay.”
Tumango ito at naglakad palapit sa kanya nang hindi binibitawan ang kamay niya. Naupo ito sa hindi okupadong space sa kama niya, sa tabi lang niya.
“Kamusta pakiramdam mo?” Tanong nito na gusto niyang saguting ayos lang dahil ayun naman ang totoo. Wala siyang nararamdamang masakit bukod sa puso niya.
Totoo ba ‘to? Binabantayan siya ni Chanyeol? Gusto niyang umiyak pero walang luhang lumalabas basta ang alam niya masaya siyang makita ito pero may takot sa puso niya na baka imahinasyon lang ang lahat at kung hindi naman, baka kaya narito ito ay dahil ang tagal-tagal niya na ron.
Baka ilang linggo, buwan, o taon na ang nakalipas kaya nag-alala na si Chanyeol.
“How…” Sinimulan niyang magtanong. “How long has it been?”
Itinaas nito ang kabilang kamay at marahang pinatong sa ulunan niya. He closes his eyes as he feels Chanyeol’s touch, gently caressing his forehead down to his cheek.
“Huwag kang mag-alala. Wala kang namiss. It has only been 16 hours since you got treated. Ongoing pa rin ang construction ng firm mo.”
Dahil naman sa narinig na ‘yon, medyo nabawasan ang mga bagay na inaalala niya pero syempre, hindi naman don natatapos ‘yon. Nabanggit na rin naman ni Chanyeol at dadalawa lang sila ron, baka pwede na niyang simulan ang bagay na matagal na niyang gustong gawin.
Bumangon siya. Sinubukan siya nitong pigilan pero nagpumilit siya. Sinandal na lang siya nito sa headboard at nilagyan ng unan sa likuran.
“Kung iisipin, inabot na rin ng buwan, ‘no? Ang bilis giniba pero ang tagal ng proseso para ayusin.”
Tumango si Chanyeol. “Ganun talaga. Pinaglalaanan ng mahabang oras at panahon. Kailangan ng matinding tiyaga at dahil matagal ang paghihintay, kailangan kapag nag-desisyon kang simulan ‘yon, siguraduhin mong paninindigan mo.”
Kung kanina nagtataka siya kung paanong ayaw lumabas ng mga luha niya, ngayon malinaw na. Pinaghandaan din pala kasi ng mga ito ‘yung sasabihin na ‘yon ni Chanyeol.
Marahan naman nitong pinunasan ang pisngi niyang basa ng luha.
Lumunok siya. “Siguro inisip mo sa huli hindi ako makakapaghintay at patitigilan din ‘yung nasimulan kinalaunan, ‘no..” Ang sabi niya at malungkot na ngumiti. “Kaya inunahan mo na ako. Binitawan mo na ‘yung proyekto.”
Mas naging malungkot ang mga mata ni Chanyeol nang dahil sa narinig mula sa kanya. Umiling ito.
“May tiwala ako sayo pagdating dito sa gusto mo na ‘to.”
“Dito lang… sa ibang aspeto wala na?” Mabilis niyang tanong na hindi nasagot ni Chanyeol.
Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. Hindi naman ‘yung firm ang pinag-uusapan nila simula nung una pa. Alam niya ‘yon kahit hindi banggitin.
“Ayos lang. Naiintindihan ko. Kasalanan ko naman. Ako ‘yung dahilan kung bakit ganito tayo sa isa’t-isa ngayon.”
Hindi santo si Chanyeol. Wala itong gusto, lalo na ngayon, kundi ang magpakatotoo.
“Hindi ko sasabihing hindi para mapagaan ang loob mo kasi anong silbi ‘non kung lolokohin lang kita at ang sarili ko?” Ang sabi nito. “Pero gusto kong malaman mo, Baekhyun, na wala kang kasalanan sa nangyari nung huli. Ako ‘yon. Ginusto ko ‘yon at sorry kung nagawa kong iparamdam sayong gumaganti ako. Hindi ganun ‘yon. Natakot lang ako.”
Mas nagbagsakan pa ang mga luha niya nang makita niyang may luhang pumatak mula sa mata ni Chanyeol. Ni isang beses, kahit noong naghiwalay sila apat na taon na ang nakalilipas, wala siyang nakita kahit isang patak ng luha mula sa mga mata ni Chanyeol. Malungkot ito, oo, nasasaktan at kitang-kita niya ‘yon at rinig sa boses nito na pilit niyang binalewala pero kailanman hindi ito umiyak sa harapan niya kahit halos lumuhod na sa pagmamakaawang kausapin lang niya.
Ngayon lang.
Hindi siya nagsalita. Pinakinggan niya lang ito.
“Natakot ako kasi baka mawala ka na naman, baka umasa na naman ako at maiwanan ulit sa huli kaya ako na ‘yung gumawa. Alam kong mali pero hindi ko na nagawang magpaalam nang umatras ako sa project. Akala ko kasi makakabuti kapag ginawa ko ‘yon pero hindi. Tingnan mo ‘yung nangyari sayo.”
Malamang ay kay Wooseok nito nalaman na pagkatapos sabihin sa kanyang hindi na si Chanyeol ang engineer ng firm, nagmadali siyang umalis ng site.
Mas hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay nito. “Huwag mong sisisihin ‘yung sarili mo sa nangyari. Aksidente ‘to at walang may gusto.”
“Pero kaya ka naaksidente dahil pupuntahan mo ako.”
Umiling siya at pinunasan ang sariling luha bago sabihing, “Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan sa lahat ng nangyari simula pa nung una. Ako ‘yon, Chanyeol. Ako ‘yung may mali and I’m sorry. I’m very sorry for being immature, for hurting you.” ngunit pagkatapos ‘non, hindi niya rin napigilan at napahagulgol.
Hinila siya ni Chanyeol upang yakapin. Naramdaman niyang hinalikan nito ang ulo niya.
Napapikit siya. He remembers the morning they were together in his unit. Bago bumagsak si Chanyeol sa kama at tabihan siya, sinabi niya ang mga katagang, “I love you.” pero hindi ito sumagot at bagkus ay hinalikan lang siya sa noo.
Hindi lang ba kayang sabihin sa kanya at aminin sa sarili o talagang wala na?
“Hindi lang naman ikaw ‘yung nagkamali. May kasalanan din ako. I lied to you, Baekhyun, at hindi ka naman magagalit kung hindi ko ginawa ‘yon.”
“At hindi rin magiging tayo kung hindi mo ginawa ‘yon.” Humihikbing sagot niya habang nakatingala kay Chanyeol na akap pa din siya.
Pinunasan nito ang luha sa pisngi niya at wala ng sinabi.
Nagpatuloy siya. Ito na ‘yung matagal na niyang hinihintay. Yung makapag-usap sila. Sa lagay ngayon, hindi na importante kung magkabalikan sila o hindi. Ang gusto niya lang masabi niya kay Chanyeol na nangyari man lahat ng sign o hindi, totoong minahal at minamahal pa rin ito hanggang ngayon.
“I was immature. Mas pinili kong pakinggan ‘yung mga childish signs na ‘yon kaysa sa totoo kong nararamdaman ko.” Medyo natawa pa siya. Dati-rati kapag iyon ang sinasabi ng mga kaibigan niya, naiinis pa siya dahil malakas talaga ang paniniwala niya pero ngayon wala, hindi na. Napatunayan niyang tama ang mga kaibigan niya nang mawala si Chanyeol sa buhay niya. “And look where it brought us. Sa ganitong lagay. I am sorry kung inisip mong sinagot lang kita dahil nagawa mo ‘yung mga signs. I am sorry kung nadamay ka pa.”
Umiling si Chanyeol. “Ang importante naman natutunan mo nang huwag idepende ang lahat sa signs at ako, nadamay ako kasi ginusto ko. Kasi gusto kita. Kasi mahal kita. ”
Muling nagtubig ang mga mata niya. Hindi niya na masukat kung gaano karami na ba ang iniyak niya ng oras na ‘yon.
“Mahal?” Ang sabi niya na parang bata. “Hindi past tense?”
Nagsalubong ang mga tingin nila at doon, nagsalita na si Chanyeol. “Pinili kong lumayo kasi natakot akong iwanan mo ulit pero mas nakakatakot pa ‘yung naging kapalit. Mas hindi ko kakayanin kung may hindi magandang mangyayari sayo.” Ang sabi nito.
“Chanyeol…” Ang tanging nasambit niya.
“Naramdaman ko ‘yon kaya mabilis akong nagpunta nang malaman ko. Kaya ako nandito ngayon dahil, Baekhyun, hindi ka sa signs malakas..." Ngumiti si Chanyeol. Yung ngiting alam niyang masaya. "Saakin. Kaya oo, hindi pa rin past tense.”
He once again burst into tears. Muling natawa si Chanyeol.
“Oh? Ba’t ka umiiyak? Mahal pa rin nga kita tapos malungkot ka pa rin?”
Mabilis siyang umiling. “Hindi ako malungkot!” Ang sabi niya. “Tears of joy ‘to.”
Napangiti na lang si Chanyeol at maingat siyang inangat dahil syempre may swero pa rin siya upang paupuin siya sa lap nito saka parang batang niyakap.
“Huy! Baka makita tayo ng mga nurse o kung sinumang bisitang dumating.”
“Sus.” Ang sagot ni Chanyeol habang nakabaon ang mukha sa leeg niya, nagbabrush ang labi nito sa balat niya. “Kanina pa kaya sila nandyan. Parang mga nanonood lang ng pelikula.”
Mabilis siyang lumingon sa may pinto at doon, nakita niya si Jongdae na nakataas ang kilay habang pinipigilan ang ngiti kasama si Wooseok at ang pinsan niyang si Seulgi na gulat sa lahat ng narinig at ang iba sa mga kaibigan niya noong college na sina Sehun at Han.
Sumenyas si Seulgi sa kanya ng I can see you at mag-kwento raw sa kanya mamaya. Hindi niya alam kung kailan dumating ang mga ito at alin ang naabutang usapan nila ni Chanyeol pero kahit ano pa man, alam niyang wala na siyang kawala. Hindi siya titigilan ng mga ito. Pasabi-sabi pa silang batchmates lang, eh, mas malalim pa naman doon ang pinagsamahan nila.
“Tara na, guys. Hindi pa sila nagkikiss. Baka nahihiya pa saatin. Mamaya na lang natin istorbohin pero mag-iwan kayo ng camera dyan sa loob para makita natin. Aanhin mo ang isang romance film kung walang kissing scene?” Pagpaparinig ni Jongdae umalis kasunod ‘yung apat pero bago pa man tuluyang isara ni Sehun ang pinto, may pahabol pa ito.
“Huwag niyong tagalan ah. Kiss lang. Ospital ‘to. Baka mapalayas kayo ng nurse.”
Napailing na lang siya at sumimangot nang nakitang natatawa si Chanyeol.
“Ang saya mo?”
“Bakit? Ikaw ba hindi? Sabi mo nga kanina tears of joy, eh.”
He pouts. Oo nga pala. Hindi pa man siya nakakapagsalita ulit nang nakawan na siya ni Chanyeol ng halik sa labi.
“Hey, consent!”
“Okay, take two.” Ang sabi ni Chanyeol tapos ay hinawakan ang free hand niya. Syempre, ‘yung isa hindi pwede at baka magdugo. “May I kiss you?”
Natawa siya. “Anong klaseng tanong ‘yan?”
Chanyeol only shrugs. “Tanong ng taong nagmamahal sayo.”
“Ang corny!” Sabi niya tapos ay siya na mismo ang humila ng batok nito palapit sa kanya at hinalikan sa labi. This time it’s not just peck.
Kung panaginip man ‘to, sana ay hindi na matapos.
They both smiled at the kiss.
Sobrang saya niya. Ang makapag-usap lang naman sila ang hiniling niya, sobra-sobra ang binigay sa kanya.
“Sorry ah?” Sincere na sabi niya rito na sinagot naman ni Chanyeol ng isang totoo at masayang ngiti. “Okay na. Okay na.”
At katulad lang ng napapanood natin, mapa-teleserye man o pelikula, mabilis nakarecover ang ating bida at syempre, sa tulong ng kanyang prince charming.
Tatlong araw lang ang tinagal niya sa ospital at nang masiguradong walang komplikasyon, dinischarge na siya ng doktor. Thankfully, maayos din ang lagay ng driver ng truck na nakabungguan niya at isa pang sakay ‘non kaya walang naging problema. Para na lang din bawas intindihin sa pamilya ng mga ito, siya na ang sumagot sa pagpapagamot.
Nalaman din ng parents niya ang nangyari sa kanya dahil hindi kayang manahimik lang ni Seulgi. Pinuntahan siya ng mga ito at hindi pinayagang bumalik kaagad sa condo. Magpalipas daw muna siya kahit isang buwan. Sabi niya ang OA ‘non kaya lang napagtulungan na siya sa pangunguna ni Chanyeol. Si Chanyeol na mabilis namukhaan ng mama niya kaya ayun, wala silang nagawa kundi ikwento ang nangyari. Hindi naman detailed. Gist na lang ang sinabi nila na naging sila noong college at nagkita’t nagkabalikan nito lang.
Napapailing ang papa niya habang nakikinig sa kanya. Sa wakas daw ay natigil na siya sa mga signs signs na ‘yan. Ang sabi naman niya, matagal na. Hindi lang niya sinasabi sa pamilya niya kasi ang weird ibalita na, “Ma, pa, hindi na po ako naniniwala sa signs.”
Mabuti na lang at hindi na siya inasar pa ng mga ito tungkol doon.
Sa mga nagdaang araw, halos nakakulong lang siya sa kwarto niya dahil wala naman siyang gagawin sa baba o labas. Si Beau lang din ang madalas niyang kasama at araw-araw ay sabay silang naghihintay sa pagdating ni Chanyeol dahil araw-araw rin ang pagbisita nito tuwing pagkatapos ng trabaho kung saan bumalik na si Chanyeol sa paghandle ng construction ng firm niya.
Close na ito at ang aso niya. Sobrang nagustuhan ni Beau si Chanyeol na para bang ito na ang amo at kinalimutan na siya.
Mabuti na lang at hindi siya gaanong seloso. Gaano kasi syempre, nakakaramdam pa rin naman siya. Minsan na nga nila ‘yon napag-usapan nang tanungin siya ni Chanyeol kung ano ang reaksyon niya nang makita siya sa restaurant nang ipakilala siya ni Wooseok sa kanila ni Jongdae.
Syempre, naging honest siya at pati ‘yung pagseselos niya dahil close ito kay Wooseok ay nasabi niya. Pati ‘yung tungkol sa tabs na tawag nito ay tinanong niya na sinagot naman agad ni Chanyeol.
Tabby raw ang ibig sabihin ‘non dahil mahilig si Wooseok sa pusa. Yun lang daw ‘yon at wala ng iba pang meaning dahil talagang magkaibigan lang silang dalawa. Alam naman niyang nagsasabi si Chanyeol ng totoo at mabait din si Wooseok sa kanya lalo pa ngayon na alam na nito kung ano talaga sila ni Chanyeol kaya walang dahilan para sumama ang loob niya.
Sa sobrang close nga nila ni Wooseok, may nireveal din itong sikreto sa kanya.
Nang unang beses daw nitong sabihan si Chanyeol, umayaw ang huli sa project dahil too small for him pero nang ipaliwanag ni Wooseok ang lahat, kasama na rin syempre ang pangalan ng mga kliyente, biglang pumayag si Chanyeol.
Noong una raw ay akala ni Wooseok dahil nagustuhan lang ang project pero sa ospital, napatunayan raw nito na hindi pala at pumayag si Chanyeol dahil siya ang kliyente.
Akala pa naman niya noong una ay may nais iparating ang universe kaya sila pinagtagpong muli pero kung sabagay. Hindi ba mas magandang sila mismo ang kumilos dahil ibig sabihin, choice nilang mangyari ang mga bagay na ‘yon.
Hindi man naging maganda ang umpisa. Naayos pa rin naman nila ang lahat sa huli at muli, dahil ‘yon sa mga sariling desisyon nila. Dahil ayun ang gusto nilang mangyari at hindi dinikta sa kanila.
And speaking of decisions, may isang bagay na gustong gawin si Baekhyun. Humahanap lang siya ng tiyempo.
May 22, 2021
“Love, what are you doing?” Ang tanong ni Chanyeol isang gabi nang dumiretso ito sa Novaliches after work para sa kanya umuwi.
Since ayaw pa rin siyang pabalikin ng parents niya sa Makati at naka-leave pa rin siya sa trabaho, si Chanyeol ang pumupunta sa kanya dahil ayaw pa rin siyang pabyahiin nito mag-isa. Isa pa, hindi pa niya napapalitan ang kotse niya na sa susunod na lang niya iisipin. Ayaw na kasing ipagamit sa kanya kahit naayos pa naman ‘yung luma niya dahil mas maigi na raw na bago para safe.
Dahil gabi na, doon na magpapalipas si Chanyeol sa kanila at didiretso na ng work bukas ng umaga. May mga gamit at damit na ‘to sa cabinet niya.
Kasalukuyan itong nakahiga sa kama niya katabi si Beau nang mapansing may hinahalungkat siya mula sa isang malaki at may kalumaang box.
“Treasure box ba ‘yan? Anong pinagkakaabalahan mo? Halika na rito, tabi na tayo.” Ang sabi ng napakaclingy na si Chanyeol.
“Sandali lang.” Ang sagot naman niya at nang sa wakas ay makita ang hinahanap, naupo siya sa kama.
Nakita ni Chanyeol ‘yung hawak niya kaya umupo ito at tinabi na muna sa gilid si Beau.
“Ano ‘yan?” Tanong nito.
Napangiti siya tapos ay hinarap ito. “Notebook where I wrote all the signs na hiningi ko noon. Kumbaga checklist ko ito.”
Napatango si Chanyeol. Never kasi nitong nakita ‘yon. Of course, hindi niya nga sinabi ‘yung sa signs, diba?
“Oh, anong gagawin mo d’yan ngayon? Don’t tell me magdadagdag ka.”
Umiling siya nang may ngiti pa rin sa labi. “Hindi ah.” Ang sabi niya tapos ay tiningnan ang notebook. “Itatapon ko.”
Nagulat naman si Chanyeol sa narinig mula sa kanya. “Huh? Bakit? Ayaw mo bang itago na lang?” Sabi nito. “Kahit naman tumigil ka na d’yan sa signs signs mo na ‘yan, memories din ‘yan at ‘yan ang dahilan kung bakit minahal mo ako.”
Kung gulat si Chanyeol kanina, mas nabigla siya dahil sa sinabi nito.
“What? Hey!” Nilapag niya ang notebook sa kama then proceeds to cup Chanyeol’s face. “I love you even without this notebook and those signs. May gusto na ako sayo kahit nung friends palang tayo. Mas pinili ko lang pakinggan ‘yung signs kasi akala ko sinasabi ‘non na hindi tayo ang para isa’t-isa. “ Paliwanag niya. Totoo naman ‘yon. Talagang nagustuhan na niya si Chanyeol bago pa man siya humingi ng signs kung si Chanyeol ba ang para sa kanya. “And that’s wrong because no signs made me stop loving you at kung meron mang naturo sakin ‘tong pinaggagagawa ko noon, ‘yun ay ang mas piliing pakinggan ang sarili dahil doon tayo totoong magiging masaya. We should not let anyone or anything in this world dictate and stop us from being happy lalo na kung wala namang masama sa ginagawa mo na magdadala ng kapahamahakan sa sarili mo at sa ibang tao.”
Hearing that from him, Chanyeol smiles.
“Matured na baby ko ah?”
“Yeah…” Ang sagot niya at sumandal sa balikat nito. “Three years ago pa. Nung nawala ka sakin.”
Ngumiti lang si Chanyeol bilang sagot at hinalikan ang noo niya. “Pero sure ka bang itatapon mo ‘yan? Memories pa rin ‘yan.”
“Kaya nga memory. Let’s keep it in our memories na lang.” Ang sagot niya sa tanong nito sabay tumayo at pumunta sa dresser niya upang kuhain ang panibago at mas magandang hardbound notebook.
“Eh ‘yan? Ano naman ‘yan? Signs din?”
Bumalik siya sa tabi ni Chanyeol saka sinagot ang tanong nito. “Nope. Kung ‘yung notebook ng signs, memories ko lang. Ito namang bagong notebook na ‘to, para sating dalawa na.” Then he looks at Chanyeol and smiles at his boyfriend.
“Tumigil na ako sa paniniwala sa signs nang mawala ka sakin. Kahit isa sa mga ‘yon, walang nakapagsabi na ikaw talaga ang para sakin pero tingnan mo kung saan ako dinala ng sariling desisyon ko. Sayo pa rin. Kaya ngayong binigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon para iparamdam sayo ‘yon nang walang ibang pinakikinggan kundi puso ko lang, may iba na akong gustong gawin and this time, nang kasama ka na.”
Mapungay ang mga mata ni Chanyeol, nginitian siya nito. “Sasamahan kita kahit saan, kahit kailan.” Ang sabi nito na nakapagpangiti sa kanya.
“Really?”
Tumango si Chanyeol at syempre bilang trained boy scout siya noong elementary, palagi siyang handa.
Naglabas siya ng ballpen na tinago niya mula sa bulsa niya at inabot ang notebook kay Chanyeol.
“Mauna ka nang magsulat. Mamaya na ako.”
“Anong isusulat ko? Wedding vow?” Pagbibiro nito kaya umirap siya.
“Hindi! Sa susunod na ‘yon pero ilagay mo ‘yung wedding dyan sa bandang gitna o dulo at baka hindi kita matansya.”
Chanyeol laughs. “Eh ano ba kasi ‘to?”
“Bucket list.” Ang sagot niya. “Three years ago, I stopped looking for signs and decided to trust myself. I no longer want to depend my decisions on things that restrict me. I want to be free and be truly happy and I will not be able to do it without you so now, I am asking you this question.” Kinuha niya ang kamay ni Chanyeol na para bang hihingin ito para sa kasal. “Will you be my life and adventure partner in fulfilling every dream on our bucket list?”
He expected Chanyeol to laugh pero oo nga pala, soft-hearted itong boyfriend niya. Bigla itong umiyak. He sighs at pinunasan ang luha nito.
“Hey…”
“Sorry.” Ang sabi ni Chanyeol tapos ay suminghot pa. Napailing ito at natawa sa sarili bago hawakan pabalik ang kamay niya at sagutin ang tanong niya.
“Yes.” Ang sabi nito. Napangiti siya at napatili nang hapitin ni Chanyeol ang bewang niya. “I want to start fulfilling my bucket list tonight.”
Bago pa siya makapagtanong, mabilis nang kumilos si Chanyeol and the next thing he knows, nasa ibabaw na niya ito.
“Make love with me.”
At syempre, sino ba naman si Baekhyun Byun para tumanggi kay The One?
He needs no sign para masabing Chanyeol is the one for him. Ang kailangan lang niya ay pakinggan ang sarili niya at sinasabi ng puso niya.
After all, it is only us who can tell who is not and who is the one for us.
He learnt in the hard way pero ang importante naman ay natuto pa rin siya, diba? Hindi pa pala huli ang lahat and now, he will start to create his own path by loving Chanyeol.
Bukas na niya iisipin ang the rest.
