Actions

Work Header

tayo gising na, patulog pa lang ang buwan.

Summary:

Normal na simbang gabi lang naman ang inaasahan ni Jihoon, ngunit may iba pa palang puwedeng mangyari.

Notes:

Hello! Ito ang kauna-unahang published work ko dito. Sana magustuhan niyo! Pakinggan niyo ang Bibingka ng Ben&Ben habang nagbabasa para dama niyo 'yung kuwento :)

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Simbang gabi na naman. 

 

Rinig ni Jihoon ang patugtog ng kapitbahay niya. Alas-tres na ng umaga pero mukhang walang balak matulog ito. Hinayaan na lang niya dahil kailangan rin naman niyang magising sa ingay nito. 

 

Nag-sapatos na siya at chineck ang oras. 3:30 am. Tulog pa lahat ng tao sa kanila. ‘Yung nag-iisang kapatid naman niya na si Jeongwoo, tulog-mantika. Hindi talaga gumigising nang maaga. Ang mga magulang naman niya, mahimbing ang tulog kaya hindi na niya inabalang gisingin ang mga ito para magpaalam.

 

Alam naman din nila siguro. Lagi naman kaming ganito nila Junkyu taon-taon. 

 

Lumabas na siya ng bahay nila. At isa lang ang masasabi niya pagtapak niya sa labas.

 

Malamig.

 

Ngayon pa talaga kung kailan hindi ako nag-jacket. Putangina. 

 

December 16 ngayon. Unang araw ng Simbang gabi na pinaka-inaabangan ng lahat ng tao. Iba ang saya kapag nakumpleto mo ang 9 na araw nito. At sabi nga nila, matutupad mo ang wish mo kapag nakumpleto mo ito. 

 

Naglakad-lakad si Jihoon ng ilang minuto hanggang sa marating niya ang isang convenience store. Dito nila napagusapang magkakaibigan na magkita. Pero as usual, siya ang unang-unang nakarating dito. Nasanay na siya sa mga kaibigan niyang laging late dumadating. Siguro hindi pa nagigising si Yoshi at naghihintay lang si Junkyu sa labas nila, pag-iisip niya. Si Yoshi at Jihoon ay mag-kapitbahay lang, kaya lagi silang magkasabay kapag may kailangan silang puntahan. Si Jihoon naman ay dalawang street mula sa bahay nila Yoshi at Junkyu. Halos limang taon na simula ng una silang magtagpo bilang teammates sa isang debate contest sa kanilang siyudad. Hindi nga lubos akalain ni Jihoon na magiging ka-vibes niya ang mga ito dahil ika nga niya, matalinong gwapo sila, ako gwapo lang. May isa pa silang kaibigan, si Asahi. Lumipat si Asahi sa Pilipinas noong sila ay nasa Grade 8 pa lamang (Grade 10 na sila ngayon). Laki sa ibang bansa ito pero sanay naman magsalita ng Tagalog kaya mabilis silang naging close dito. 

 

Ayun nga lang, hindi siya Katoliko kaya hindi ito sumama sa kanilang lakad ngayon, Niyaya naman siya na kumain sa paborito nilang bibingka stall pagtapos pero sabi niya, tinatamad daw siyang gumising nang maaga.

 

Pasalamat ka Asahi pogi ka.

 

Naghintay pa siya ng ilang minuto hanggang sa nakita niya mula sa bintana ng convenience store ang dalawa pa niyang kaibigan, masayang nagtatawanan . Sa isip-isip ni Jihoon, mukhang bagay sila . "Oh, anong ngiti 'yan?" Hindi namalayan ni Jihoon na nandiyan na pala ang mga kaibigan niya. "Wala. Ang tagal niyo na naman?" Pagsambit nito habang nagmamadaling ubusin ang Ham and Cheese Pandesal na binili niya. 

 

"Ah. Kasi dapat 'di talaga ako matutulog para hintayin yung simbang gabi. Kaso nakatulog ako habang ginagawa yung essay ko para sa project namin sa AP. Teka bibili lang ako ng Kopiko 78, inaantok pa ako eh" Sabi ni Yoshi na agad namang pumunta sa Drinks Section ng convenience store. "Sige, bilisan mo. Malapit na mag-4am! Baka mawalan tayo ng upuan. Unang misa pa naman ngayon!" Sinubo na ni Jihoon ang natitira sa pandesal niya at tumayo sa kaniyang kinauupuan. 

 

"Kyu, tara na sa simbahan, para maka-save tayo ng upuan natin" 

 

"Hintayin ko na si Yoshi, mauna ka na" 

 

"Luh? Bakit may pag-hintay? Crush mo 'no?" Ngumiti naman ng nakakaloko si Jihoon. "Ulol mo!" Binatukan ni Junkyu nang malakas si Jihoon. "Huwag ka maingay. Baka marinig, iwasan pa 'ko niyan eh." 

 

"Gago, 'di ka iiwasan niyan. May crush 'din 'yan sa'yo " Bahagyang humina ang boses ni Jihoon sa pagsabi niya ng huli. 

 

"Ano sabi mo?" 

 

"Wala. Sabi ko sige na, hintayin mo na siya. Si Asahi ba hindi sasama sa atin?

 

"Tanga, hindi Katoliko si Asahi!" 

 

"Ay oo nga pala, nalimutan ko. HAHAHAHA!" tumawa naman sila nang malakas. “Pero baka sumama siya sa bibingka stall. Nagmessage ako sakanya na sumunod pagtapos natin magsimba pero sabi niya tinatamad daw siya.” Dagdag pa ni Jihoon. 

 

“Puta, napakatamad talaga ni gago!” Sabi ni Jihoon, na may halong gigil pa.

 

"Sige na, see you na lang sa simbahan. Ingat ka. Baka madapa ka!" Sambit ni Junkyu at pinuntahan na si Yoshi sa counter. Narinig naman nilang sumigaw ang kaibigan ng “Gago!”. Tinawanan lang nila ito.

 

-

 

Lumabas na si Jihoon at agad na naglakad papunta sa simbahan. Tanaw na tanaw ito mula sa convenience store kung saan sila nagkita-kita. Matagal na silang nagsisimba dito. Kapag may oras sila tuwing linggo, inilalaan talaga nila ‘yun para magsimba. Syempre ‘di kasama si Asahi, pero sumusunod siya dahil lagi naman silang kumakain pagtapos ng misa, mapa- street food man o lugaw. Paborito nila ‘yung lugawan malapit ‘dun. Lechon Kawali kasi ang laman at “kakaiba” nga naman sa nakasanayan nating laman ng lugaw. 

 

Pero ang pinaka-paborito nilang kainin, lalo na pag papalapit na ang pasko ay ang Bibingka. Kahit si Asahi, sobrang adik sa bibingka na tinitinda malapit sa simbahan. 

 

Naglakad si Jihoon ng mga ilang minuto hanggang sa marating na niya ang stall na nagbebenta ng bibingka. Kita niya rin ang dami ng tao dahil unang araw ng simbang gabi ngayon. Kailangan ko na pumasok para hindi kami mawalan ng upuan. Pag-iisip niya. 

 

Agad-agad na siyang pumasok sa simbahan at naghanap ng mauupuan. Nakakita naman siya ng bakanteng upuan sa pinakaharap. ‘Yung tipong face-to-face kayo ni Father. Ganun. Wala na siyang choice dahil magsisimula na ang misa at ‘yun na lang ang natitirang upuan. 

 

Makalipas ang ilang minuto, dumating naman sina Yoshi at Junkyu. “Dito, bilisan niyo!” Mahinang sambit ni Jihoon habang kumakaway sakanila. Nakita naman siya agad ng dalawa. “Buti nakakuha ka pa ng upuan. Nakatayo na lahat sa likod eh” Sambit ni Yoshi at umupo na sa tabi nito.

 

“Ayun nga lang, sobrang harap! Baka pag nagdaldalan tayo, pagalitan tayo ni father” Sabi ni Jihoon.

 

“Tanga ikaw lang naman maingay dito eh!” Pagtataray ni Junkyu habang inaayos ang polo na suot niya. 

 

“Gago dinadaldal mo kasi ako tungkol kay—” 

 

“Shhhhh. Magsisimula na. Huwag na kayo maingay.” Sambit ni Yoshi. Mukha ngang magsisimula na. Naghahanda na yung mga sakristan sa likod eh. 

 

Napatingin naman si Jihoon sa likod. Ayan ang gusto niya. Jinajudge kung pogi ba yung mga sakristan o hindi. May apat na sakristang nakatayo sa likod habang inaayos ang pagsisimula ng misa. 

 

Unang pumukaw ng atensyon niya ay ‘yung mukhang Hapon na sakristan. Pogi. Kamukha nung mga nakikita ko sa Anime. Pero parang eto yata yung laging kasama ng kapatid niyang si Jeongwoo pag recess?

 

Pangalawa naman ay ‘yung tumatawa habang nag-aayos. Mukhang siya yung pinakabata. Hindi ba dapat seryoso kasi magsisimula na? Pero okay, cute naman. Pero hindi ko pa rin type, at baka masyadong bata para sakin! 

 

Pangatlo ay yung laging nakangiti at mukhang pinagtitinginan ng mga babae sa likod. Mukhang malandi, kumikindat-kindat pa. Pass.  

 

At pang-apat…

 

Shet.

 

Ang gwapo. 

 

Maputi siya pero sakto lang. Maliit. Cute ng height. Ang ganda ng mata. Okay din ‘yung ilong. Tapos ‘yung labi? Putangina. Ano ba ‘tong iniisip ko? 

 

“Huy, kanina ka pa nakatingin sa likod. Ano ba tinitingnan mo diyan?” Nagulat si Jihoon sa pagpalo ni Junkyu sa likod niya.

 

“Aray! Gago ka—” 

 

“Crush mo ‘yung maliit ‘no?” Sambit ni Junkyu.

 

Ha? Paano nila nalaman—

 

“Huwag ka mag-alala. Naging crush ko ‘din ‘yan. Ang pogi kasi! Kaso ang sungit-” 

 

“Baliw! Hindi naman. Mukha nga siyang anghel eh. Tiyaka ‘di ko ‘yun crush. Kakakita ko nga lang sakanya eh.” 

 

“Seryoso? Eh lagi ‘ko nakikita ‘yan sa school. Kasama niya lagi ‘yung maraming babygirls na taga-special section 1. 'Yung Grade 8. Doyoung ba ‘yun?” ‘Di nga? Bakit hindi niya nakikita ‘yun? Eh ang nakikita niya lang na laging kasama nung Doyoung eh yung sakristan na tawa ng tawa kanina.

 

“Limang minuto na lang at magsisimula na ang misa. Maaaring paki-silent ang mga cellphone para hindi maka-istorbo sa misa. Maraming salamat.” Natahimik naman ang tatlo sa hudyat. 

 

Pagtapos ng limang minuto, nagsimula nang maglakad ang mga sakristan, kasama si Father patungo sa harap. Hindi maiwasan ni Jihoon na mapatingin sa gwapong sakristan. 

 

Lord. Favorite mo ba ako today? 

 

Gago.

 

Napansin ni Jihoon na nakatingin ‘din sakanya ang sakristan. Napansin niya ba? Shet naman! 

 

Agad naman siyang umiwas ng tingin, at nakarating na rin sa harap ang mga ito. Kumanta na ng opening song ang lahat.

 

-

 

Lumipas ang oras, at sa wakas, Communion na. 

 

Dahil nasa harap sila, sila ang una sa pila ng kukuha ng Oscha. (‘Di ko alam ‘yung spelling nito. Pasensya!) Unang tumayo si Junkyu, at sumunod naman ang dalawa dito. “First time ko mauna sa pila nito. Hahahaha!” Sambit ni Junkyu habang papunta sa gitna kung saan nandun si Father at ‘yung mga nag-aassist sakanya.

 

Teka… 

 

‘Yung nasa kaliwa, si kuyang malandi na madaming babygirls.

 

At yung sa kanan….

 

‘Yung gwapong sakristan. 

 

Jusko.

 

Sa sobrang pag-iisip ni Jihoon ay ‘di niya namalayang nasa pila na pala siya. Natanggap na ni Junkyu ang Oscha niya. Sumunod naman si Yoshi.

 

Hindi niya maalis ang tingin niya sa gwapong sakristan. Putek. Iba tama ko dito. 

 

“Ang katawan ni Kristo” 

 

“Amen” Sambit nito at tinanggap na ang Oscha. Nakatingin pa rin siya. At nakatingin ‘din ang gwapong sakristan. Nagtititigan sila ngayon

 

“Puwede ka ng umalis, Hijo. Naghihintay ang mga tao sa likod.”

 

Tangina, nakakahiya!

 

Sa sobrang hiya niya, umalis siya sa pila nang hindi nagsasalita at nakayuko. Kita naman niya ang pag-ngisi nung sakristang crush niya nga ata. 

 

-

 

“Salamat sa diyos!”

 

Sa wakas. Natapos rin ang misa. At ang unang simbang gabi nila ng mga kaibigan niya. Lumabas na sila ng simbahan at tumigil sa nagtitinda ng mga palamig. Medyo malapit lang ito sa tindahan ng bibingkang kinababaliwan nila. “Lowbat na ko, text mo nga si Asahi” Sambit ni Junkyu kay Jihoon. 

 

Agad-agad naman niyang tiningnan ang cellphone niya para i-check kung may nagtext ba. 

 

sahi mukhang paa: 

-maaga ako nagising

-dito na ako sa nagtitinda ng bibingka, asan kayo?

-huy

-bat ang bagal mo magreply

 

you:

-slr

-kala ko tinatamad ka?

-sa harap kami nakaupo kanina di ako nakapag phone

-tanga 

-sa may palamig muna tayo alis ka diyan

 

sahi mukhang paa:

-bibingka yan di ko mapapalampas yan

-tanga ka rin

-gesi punta na ko diyan

 

you:

-ge

 

Itinago na niya ang cellphone at humarap sa dalawang kaibigan niyang naguusap. “Nasa may bibingka stall na daw siya. Kahit kailan talaga ‘yung gagong ‘yun” 

 

“‘Yaan mo na, parang ‘di ka na nasanay. Nga pala, kita ko ‘yung kanina sa communion ‘ha?” Nakangisi pa si Junkyu habang binabanggit niya ito. Gago talaga kahit kailan. Akala mo naman hindi lover boy! 

 

“Tangina mo”

 

“Aminin mo na kasi, crush mo ba? Papalakad ka pa namin. Kasama ko sa Dance Troupe mga friends niyan. Mga magagaling sumayaw eh.” Sambit ni Junkyu habang iniinom ang palamig na binili niya.

 

“Oo na! Punyeta! Tumitingin ‘din kasi sakin tapos ngumingiti pa. ‘Di ko sure kung nangaasar o ano eh” 

 

“May magandang dulot ‘din pala sa’yo ‘yung simbang gabi ‘no? Hindi ka puro daldal lang. Mukhang iba this year ah” Ani ni Yoshi

 

“Oo nga eh. Ngayon lang ulit ako na-excite ng ganito?”

 

“Hoy mga panget!”

 

Rinig nila ang boses ni Asahi sa ‘di kalayuan. Pinuntahan sila nito. “Bakit kayo nandiyan? Akala ko ba bibingka?

 

“Nauhaw si Jihoon. Tara na ‘dun! Ang dami ng nakapila!” Sabay-sabay naman silang napatingin sa stall ng pinakamasarap na bibingka sa balat ng lupa , ayon kay Jihoon. 

 

“Huy, sakristan pala si Junghwan dito?” Sabi ni Asahi. Nakita naman nilang nakapila din sa tindahan ng bibingka ang mga sakristan na nakita nila kanina. 

 

Syempre, nandun si kuya pogi! 

 

“Kilala mo?” Sambit ni Jihoon habang nakatingin na naman sa crush niyang sakristan. 

 

“Oo, kasama ko lang sa Journalism Club. Newswriter siya, kasama ‘yung isa pang sakristan na maliit” 

 

“Kilala mo rin?!”

 

“Gaga, sino bang hindi nakakakilala kay Mashiho?!” Sambit pa ni Asahi.

 

Mashiho.

 

Bakit ngayon lang kita nakita?

 

“Alam mo ba, crush ni Jihoon ‘yan?” Sabi ni Junkyu 

 

“Weh? Dami mong kalaban niyan. Sikat ‘yan si Mashiho sa school eh. Kasama mga tropa niya. Ang daming chicks, parang ako lang” Pagmamayabang ni Asahi. Oo na pogi ka na! Paulit-ulit eh. 

 

“Crush lang naman! Happy crush, ganon”

 

“Sus. Mukhang iba tama mo diyan eh”

 

Natahimik naman si Jihoon sa sinabi ni Junkyu. Parang iba nga

 

Bigla namang nagsalita si Yoshi at pinakita ang cup niyang wala nang laman. “Ubos na. Teka nauuhaw pa ako. Mauna na kayo sa pila, lalong humahaba eh” Sambit ni Yoshi. Pabalik na dapat siya nang biglang nagsalita si Junkyu, “Samahan na kita!”. Binigyan naman ito ng nakakalokong ngisi ng mga kaibigan niya sa tabi. “Ah…. kasi nauuhaw pa din ako…” Nagkibit-balikat lang si Yoshi at sumenyas kay Junkyu ng “tara na” bago ulit umalis patungo sa tindahan ng mga palamig. Naglakad na ‘din sila Jihoon patungo sa pinakamamahal nilang bibingka.

 

-

 

“Kuya Asahi!”

 

Sigaw ng isa sa mga sakristan na nakapila ‘din para bumili ng bibingka. Ah, eto yata ‘yung Junghwan? 

 

Nag- fist bump naman sila. 

 

“Junghwan! Sakristan ka pala dito?” Sambit ni Asahi.

 

“Oo Kuya. Niyaya ako ni Kuya Mashiho eh!” 

 

Mashiho

 

“Talaga? Pakilala mo naman si Jihoon sakanya!” Nakangising sabi ni Asahi. 

 

“Hala, ‘wag na nakakahiya ” 

 

“Kuya Mashi!”

 

Gago ka Asahi! May araw ka din sakin! Pagkakalat ko na ghinost mo si Jaehyuk! 

 

Lumapit naman si Mashiho at ang iba pang sakristan. 

 

Pakshet. 

 

Iba pag malapit... 

 

Tumigil na ata ang mundo.

 

“Bakit Junghwan, papalibre ka na naman?” Sambit nung Doyoung paglapit nila, nakangiti na naman. Ang landi putangina Grade 8 pa lang eh. 

 

“Hindi kuya, papakilala ko lang kayo kila Kuya Asahi, lagi mo na lang ako inaasar” Nakangusong sabi ni Junghwan, at nilapitan naman ito ni Doyoung para kurutin ang pisngi. “Hwannie ko ang bilis mo magtampo” 

 

Ay, may something? Mga batang ‘to!

 

“Dobby, Ruto, Kuya Mashi, Si Kuya Asahi at Kuya Jihoon. Kuya Asahi at Kuya Jihoon, si Dobby, Ruto, at Kuya Mashi.”

 

“Hello! First time niyo ba dito?” Sambit ni Doyoung habang umiinom ng palamig. 

 

“Hindi. Taon-taon kami dito nagsisimba” Sabi naman ni Jihoon, na hindi pa rin inaalis ang tingin kay Mashi. Ano, titigan na lang? Walang kibo?

 

“Diba ikaw ‘yung kuya ni Jeongwoo?” Sabi naman nung Ruto.

 

“Oo. Kilala kita. Pumunta ka na sa bahay dati diba? Naglaro pa kayo ng PS3” 

 

“May PS3 kayo?” Nagtatakang sabi ni Mashiho.

 

Hala. Ang cute ng boses. 

 

“Ah… o-oo meron… bigay samin ng Tita namin galing US.” Nauutal na sabi ni Jihoon, na tinawanan naman ni Asahi. “Bakit ka nauutal? Crush mo ba si Mashiho?” 

 

Putangina! Lord kunin niyo na lang ako! 

 

“H-Hindi! Epal ka!” 

 

“Bagay naman kayo ni Kuya Mashi. Single naman ‘yan. Hehe” Sambit nung Doyoung. Puta nakiride pa ‘to. 

 

Tumawa lang nang mahina si Mashiho. Luh, pogi ka? Oo! Ang pogi-pogi mo!

 

“Gusto niyo makiupo samin?” Nakangising sabi na naman ni Asahi. Puta. Lagot ka talaga sakin. 

 

“G lang!” Um-oo naman silang lahat. Pati na rin si Mashiho. 

 

Mahaba-habang umaga ito ah. 

 

- 

 

“May upuan na. Tara kain na tayo bibingka!” Sakto naman ay bumalik na si Yoshi at Junkyu. Ready na silang umorder ng Bibingka. 

 

Nakaupo na silang lahat. Maliit lang ang puwesto ng bibingka stall na ito ngunit kasya naman sila. Wala na rin masyadong tao dahil nagsiuwian na yung iba. Napatingin si Jihoon sa orasan niya. Alas-singko na pala ng umaga. 

 

Magkakatabi si Jihoon, Asahi, Junkyu at Yoshi, samantalang nasa harapan naman nila sina Mashiho, Haruto, Doyoung at Junghwan. Magkatapat sila ni Mashiho. Bakit naman ganito, Lord?! Hindi na ata ako makakasurvive. Shet! 

 

Tahimik lang si Jihoon. Si Asahi naman, busy sa cellphone niya. May tinetext ata. Si Doyoung at Junghwan naman, nag-aasaran, at si Junkyu at Yoshi, nag-uusap, as usual. 

 

“Grade 10 ka rin ba?” 

 

Nagulat naman si Jihoon nang magsalita si Mashiho. “Oo” Nahihiyang sabi niya. Walang alarm, walang anything?!

 

“Ah, nagtataka lang ako kasi ‘di kita nakikita.” Sambit naman ni Mashiho. Ah, ikaw rin?

 

“Ako rin. Never kitang nakita. Pero kasi hindi naman ako pala-kaibigan sa ibang section. Tsaka ‘di rin ako sumasama pag may field trip o acquaintance party. Puro aral inaatupag ko eh.” Wow, nag-monologue pa nga. Jihoon, napakadaldal mo!

 

“Hmmmm. Pero at least, nagkakilala na tayo diba?” Nakangiting sabi ni Mashiho sakanya. 

 

“Oo nga.” Tumawa naman silang dalawa. 

 

Crush ko na talaga siya. 

 

-

 

Napahaba ang kuwentuhan nila. Naubos na ang Bibingka na inorder nila at nagpasya nang umuwi. Inaantok pa ‘din kasi silang lahat dahil sobrang aga nga nilang nagising. 

 

“Ji, una na kami ni Yoshi. Inaantok na talaga kami, hindi na namin kaya” Sabi ni Junkyu, na may pagkusot pa sa mata. 

 

“Ako rin Ji, una na ako. Nagtext na si Mama eh” Sabi naman ni Asahi.

 

“Una na rin kami nila Ruto at Hwannie, inaantok na rin kami eh” Sabi naman ni Doyoung. 

 

“Sige lang. See you na lang bukas.” Nakangusong sabi ni Jihoon. Ayaw niya talaga ‘yung ganitong moment. Pag nagpapaalam na lahat.

 

“Dobs, text mo ko pag nakauwi na kayo” Sabi ni Mashiho. 

 

Umalis na silang lahat, at natira si Mashiho at Jihoon. 

 

May 1 minutong katahimikan naman bago nagsalita si Mashiho. 

 

“Gusto mo kumain ng lugaw?” 

 

Wait. Ano daw?  

 

Shet. Paano ba 'to. Hindi naman ako makakatanggi, kaso kailangan ko pang matulog kasi sasamahan ko si Jeongwoo sa mall mamaya.

 

“A-ah… eh… busog pa kasi ako. Ang dami kong nakain na bibingka kanina” Nahihiyang sabi ni Jihoon. 

 

“Samahan mo na lang ako. Gutom pa ako eh.”

 

Um-oo naman si Jihoon. 



"Nice! Tara!" 

 

Grabe 'tong umaga na 'to. 

Notes:

Medyo vague ang ending pero kayo na bahala mag-isip kung ano nangyari HAHAHA! Baka gawan ko siya ng part 2 o gawing chaptered fic pag maraming may gusto. Thank you sa pagbabasa! #MashihoonForever