Work Text:
Napalatak si Sakura habang nakatanaw siya sa halos kulay alikabok na langit. Hindi pa sumasapit ang dapit-hapon ngunit madilim na ang paligid. Makailang beses na rin kumulog at kumidlat. Isinulat niya rin sa isip niya na kailangan niyang manuod ng balita para tignan kung may paparating na bagyo.
"Ino," lingon niya sa kasama niyang namimili ng mga cartolina at manila paper, nag-aalala na biglang bumuhos ang ulan at mabasa ang pinamili nila dahil wala silang dalang payong.
"Oo, wait lang. Hindi pa naman bubuhos yung ulan. Kalma lang, mars," sinulyapan siya nito bago ibinalik ang tingin sa matandang mama na naghahanap ng kulay green na cartolina.
"Sumilay ka muna sa bahay ng crush mo oh. Malay mo, biglang lumabas si Sasuke para magsilong ng mga sinampay," tukso ni Ino sa kaibigan.
Akmang susundutin siya sa tagiliran upang kilitiin pero mabilis niya itong inilagan. Pinanliitan niya ng mata si Ino na may nakakalokong ngiti sa labi bago iripan.
Sarado ang malaking gate ng mga Uchiha. Tanaw rin sa pwesto niya ang mga alagang halaman ng nanay ni Sasuke at ilang mga maliliit na sinampay. Sa tabi ay nakita niya rin ang pinapatuyong pamilyar na rubber shoes.
Lihim siyang napangiti dahil kilalang kilala niya kung sino ang may-ari nito. Ang malaking check sa gilid ng kulay itim at asul na rubber shoes, taliwas sa nakaiinis at sobrang nakakasilaw na orange at blue ni Naruto.
Muli siyang sumulyap sa dalawang palapag na bahay pero bigo si Sakura nang nakita niyang tanging kurtina lang ang matatanaw sa bintana ng crush niya.
Kung sa tutuusin, halos araw-araw niyang nakikita si Sasuke dahil kaklase at kapit-bahay niya rin ito. LSinundo lamang siya ni Ino at bumili ng mga materials bago dumiretso sa bahay nila Hinata para mag gawa ng project.
Makalipas ang ilang minuto, dahan-dahang nagkaroon ng mga patak ng ulan sa daang pinagmamasdan niya hanggang sa hindi niya na ito mabilang.
"Girl," tawag sa kanya ni Ino. "Ang tagal namarn," mahinang reklamo nito.
"Hayaan mo na. Okay na yung isang rolyo ng kulay green, pagkasiyahin na lang natin."
Gustuhin niya mang sisihin at magreklamo ay hindi niya magawa. Naawa lamang siya sa matanda na aabutin ng halos na sampung minuto marating lang ang banyo galing sa kwarto na may labing limang metro lang ang pagitan.
"Pag kulang ikaw bahala mag paliwanag kila Hinata ah."
"Oo na. Bilisan na natin baka pumarada na yung mga tricycle."
"'Kay fine. Bayaran mo na," sambit ni Ino pagkatapos sabihan ang matanda.
"Bakit ako?!" Parehas napalingon sa kanya ang dalawa sa lakas ng boses niya.
"Ah tay, paki plastik na po sa malaking lalagyan para hindi mabasa," ngiti niya rito.
"Paluwalan mo na muna, babayaran na lang namin."
"Bayaran niyo, ah, pampaload ko yan," nguso ni Sakura.
Natawa si Ino. "Magloload ka pa wala ka namang ka-text."
"Ewan ko sa'yo, baboy. Nasa bag mo yung wallet ko ikaw na kumuha."
"Okay NAIA," ngisi sa kanya ni Ino. Napahawak siya sa kanyang noo. Kahapon ay "noo" ang tawag sa kanya at nung isang araw ay "helepad".
Kasalukuyang nag bibilang ng barya si Ino nang biglang nahagip ng mga mata siya si Sasuke na may hawak na payong.
Pinanood niya kung pano nito sinilong ang basang rubber shoes at ilang sinampay. Ang akala niya ay papasok na ulit siya sa loob nila pero laking gulat niya nang naglakad si Sasuke papunta sa gate na may dalang extrang payong.
Nanlaki ang mga mata niya at dali-daling umiwas bago magtama ang tingin nila. Halos hindi niya na marinig ang buhos ng ulan sa yerong sinisilungan nila dahil sa kabog ng dibdib niya. Ang malamig na hanging humahampas sa mukha niya ay hindi na rin niya maramdaman.
"'Oh bakit ganyan mukha mo? Ang pula mo, girl. Hindi ka pa nga nauulanan nilalagnat ka na agad?!" sabi ng walang kamalay-malay na Ino.
Nagpakawala siya ng maliit na boses. "Kuha na lang ako payong sa bahay."
"Hoy! Sakura, umuulan!"
Hindi na siya nagsayang ng oras at mabilis tumakbo sa ulanan. Naiwan namang tulala si Ino habang tinatanaw ang baliw niyang kaibigan.
Malakas na tunog ng metal na gate ang napabalik kay Ino sa katinuan. Gulat siyang napatingin sa crush ng bestfriend.
Si Sasuke Uchiha na palaging presko sa paningin ng mga kaklase niya, may nakasabit na payong sa kamay, hawak-hawak ang padlock na may susi habang nakaipit ang payong sa leeg at balikat para hindi siya maulanan. Kunot rin ang noo nito at may mga bakas pa sa kaliwang pisngi senyales na kagigising niya lamang.
Napa-awang na lang si Ino at hindi na nagtaka kung bakit patay na patay si Sakura sa binata.
Ginala ni Sasuke ang paningin niya at dumilim ang mukha nang mapansing nawawala ang kasama ng babaeng blonde ang buhok. Pinatunog niya ang kanyang dila at nilapitan ito para bigyan ng payong.
"Anong gagawin ko diyan?"
"Obvious ba? Edi gawin mong pang hampas ng aso," sarkastikong ani ni Sasuke.
"Sabi ko nga, para hindi mabasa," alanganing napangiti si Ino at tinanggap ang payong.
'Gwapo nga, gago naman,' isip ni Ino. Si Sakura na lamang sana ang nasa pwesto niya ngayon. Bakit kasi parang may balat sa pwet ang kaibigan niya. Tuwing lalapit sa pwesto nila si Sasuke, bigla na lang itong naglalaho.
"Salamat. Umuwi pa si no-Sakura para manguha payong, nabasa tuloy," sabi niya na may pilit na ngiti. Tinitignan lang siya ni Ino dahil hindi pa ito bumabalik kahit nabigay niya na yung payong at wala nang masabing iba.
"Tsk."
Biglang nagtaka si Ino dahil hindi naman kilala si Sasuke na matulungin o nagkukusang loob. Kaya bakit?
"May kailangan ka pa?" Hindi kaya ay may hidden agenda itong si Sasuke?
"Wala. Ipabalik mo na lang kay ano," napahawak si Sasuke sa batok niya kaya sumunod ang mata ni Ino, roon niya napansin na parehong mapula ang tenga ni Sasuke at Sakura. "–kay Sakura."
Lihim siyang napangiti at nagkaroon ng udyok para hampasin sa kilig ang bestfriend niya. May gusto rin ba siya kay Sakura?! Gustuhin niya 'man tumili ay hindi niya magawa.
"Huh? Bakit kay Sakura? Kumuha naman siya ng payong. Peram na lang ng 'iyo para hindi ako mabasa pag-uwi, ibabalik ko nalang sa room," pang-aasar niya sa inosenteng boses.
Saglit na napatigil si Sasuke na ikinatawa ni Ino.
"Tsk, bahala ka na nga," hindi niya itinago ang inis sa boses at nilayasan na si Ino.
Napatigil siya ng hakbang nang makita si Sakura na naglalakad papalapit sa kanila na may bitbit na sariling payong. Lalong nandilim ang kanyang mukha.
"Ayan na pala si Sakura! Sayang, naulanan ka pa pinahiram ako ni Sasuke ng payong."
"Ah, okay lang. Salamat ano, Sasuke," napa-iling si Ino sa biglang paglambot ng boses ng kaibigan niya.
Tinanguan lang siya ni Sasuke at tuluyan nang pumasok sa loob ng bakuran nila. Bakit ba siya nagpapasalamat may sarili na man siyang payong? Napayukom na lang siya ng kamao.
"Bakla ka, bakit ka kasi sumugod sa ulan?! Ano feeling mo? Hahabulin ka ng crush mo?"
Inagaw ni Sakura sa kaibigan niya ang plastik ng mga cartolina. "Malay ko ba. Tara na nga."
"Ibalik mo kay Sasuke yung payong niya. Palit na lang tayo mamaya pag umuwi na ako."
"Bakit ako?" Reklamo ng namumulang Sakura.
"'Eh kasi baka gusto niya? Huwag ka na lang madaming tanong noo, alis na tayo."
Isang mahinang tawa ang narinig ni Ino bago pa man sila umalis at sinundan ng mahinang, "ilang taon nang torpe ang mga batang iyon."
