Actions

Work Header

Shoot Me!

Summary:

Sa ilang buwang kalaro ni Chanyeol si Minseok sa basketball, ngayon lang niya nalaman na may kapatid pala ito. Kaya nung nagpunta sila sa bahay nila Minseok para magmiryenda, hindi na mapigilan ni Chanyeol na mabighani at mapatitig. Pero teka—

“Tapatin mo nga ako, Chanyeol. Bat ganyan tingin mo sa kapatid ko?”

Mukhang mapapasubo siya dito ah.

Notes:

Hello! Happy Chansoo Day, mga ka-baranggay! <3

Special thanks to Pakwan and Cami for beta-ing! Love you both! Also, special thanks to Jello for writing with me (hoy vaccla ikaw may kasalanan bat 'to nabuo cHOUR) thank u mamshie <3

Para rin sa abangerz na sina shobea HAHASHASJAS pls lang wag nyo ko murahin :(((  

Anyway, grabe inuna ko pa 'to kesa sa thesis proposal ko graBE LANG CHANSOO >>>>>

Paunang sorry na 'to para sa dami ng ebas ko sa fanfic na 'to. Also, GRABE YORN NAG-CRAM NANAMAN AKO HAHSJHAJAJ

If you see some typos/grammatical errors, pasensya na. You can message me rin if ever, so that I can correct them. Thanks <3

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

"Nice game, boss!" bati ni Chanyeol kay Minseok na nagpupunas pa ng pawis nito sa mukha, pati na rin sa braso nito. Kakatapos lang maligo ni Chanyeol at magpalit habang si Minseok ay nagpaiwan pa para magshoot sa court.

 

Maya-maya ay nakipag-bro hug na si Chanyeol kay Minseok, tinapik-tapik pa ng nakatatanda ang likod niya. Infairness naman sa kanya ‘no? Katatapos lang magpawis pero mabango pa rin.

 

Minseok returned the gesture by softly patting Chanyeol's back. Nilayo niya ang katawan niya saglit para tinignan sa mata si Chanyeol, "Nasaktan ka ba? Napalakas yata ang siko ko sayo kanina."

 

Chanyeol waves his hands in dismissal, ngumiti siya sa kausap. "Hindi, okay lang, ako pa! Sa lakas kong ito," Finlex pa ni Chanyeol ang biceps niya para ipakita ang banat niyang braso. Alaga niya yan sa gym noh, flex lang niya nang very very slight.

 

"Dapat yata mas nilakasan ko pa," biro ni Minseok sa kanya. "Mukhang kulang pa ang paniniko ko sayo eh."

 

Natawa rin si Chanyeol sa kalokohan ni Minseok. "Ay grabe ka, boss."

 

Maya-maya ay lumapit na rin si Sehun at Jongin sa kanilang dalawa para na rin batiin sila. Mukhang nakapaligo na rin ang dalawa at nakapagpalit ng damit. May twalya pang nakasabit sa leeg ni Jongin, habang si Sehun naman ay ginugusot-gusot pa ang sariling buhok gamit ang sariling twalya para matuyo.

 

"Nga pala, wala naman siguro kayong lakad pagkatapos nito noh?" bungad ni Minseok sa kanila. "May konting salo-salo kasi sa bahay, nagluto si utol."

 

"Bakit? Anong meron boss?" tanong naman ni Sehun, na siya naman ngayong nagsisintas ng sapatos niya.

 

"Birthday ko kasi next week. Eh napaaga ang paghahanda. Aalis kasi yung utol ko sa susunod na linggo, eh mapilit. Gusto pa rin ako paghanda kaya napaaga nalang."

 

"Happy birthday, boss!" Bati naman ni Jongin kay Minseok at kaagad itong niyakap. “Magpapainom ka ba? Baka naman!” Kantyaw pa ni Jongin.

 

"Kayo," nakangiting sagot ni Minseok, while gesturing at them, "kung gusto niyo, pede naman! Magpapakuha ako ng isang kahon sa tindahan mamaya."

 

 

"Aba, ayos talaga tong si Boss Minseok. O sige, g ako dyan!" sagot ni Jongin. Sumang-ayon rin si Sehun, at excited na excited na rin sa pagpunta nila sa bahay nila Minseok.

 

Wow, uhaw lang? Eh parang last week nag-inuman rin sila sa condo ni Chanyeol ah?

 

"E ikaw, Chanyeol?" Baling sa kanya ni Minseok. "May lakad ka ba?"

 

Napaisip saglit si Chanyeol, nasa bahay naman ng mama niya si Jjareu at Toben kaya pede siguro siyang magpagabi ngayon. Anyway, weekend naman.. Sige na nga. Tsaka ngayon lang niya makakasama sa labas ng court sila Minseok.

 

"Wala naman, boss. Sige, sama ko." Chanyeol raises his thumb in agreement.

 

"Ayun pala, sabihan ko lang sila Changmin na sumunod sa bahay ha," Minseok says, gesturing at his teammates na nakaupo sa may bench. "Convoy nalang siguro tayo, Chanyeol. Ikaw lang may dala ng sasakyan, di ba?"

 

"Oo, tamad kasing magdala 'tong dalawa. Ginawa akong grab driver." Tinignan ni Chanyeol ng masama ang dalawang kaibigan. Nginisihan lang siya nung dalawa. "Pero sige, boss. Sunod kami sayo."

 

“Huwag ka mag-alala malapit lang kami dito.”

 

“Ayos pala, arat na!”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Maya-maya rin ay sabay-sabay silang lumabas at nagpunta sa kani-kanilang mga kotse. Tulad nga nang napag-usapan, si Chanyeol ay kasabay sina Sehun at Jongin. Habang si Minseok naman sa isang sasakyan. Tapos si Minho at Changmin sa isa pang sasakyan.

 

Actually, buwan palang simula nang nakilala nila Chanyeol sila Minseok, well, except for Minho. Magkatrabaho kasi si Chanyeol at Minho. Kaya naman isang beses ay nagkayayaan na magbasketball sa court ng subdivision nila Minho.

 

Pumayag naman agad si Chanyeol dahil matagal na rin naman siyang hindi nakakapaglaro. Noong una ay si Sehun na siyang best friend niya lang ang napilit ni Chanyeol na sumama pero di lumaon ay sumama na rin si Jongin, ang boyfriend naman ni Sehun. Pareho niyang kabarkada ang magjowa.

 

And that went on for months, medyo regular ang kanilang paglalaro. Minsan ay nakakalaro rin nila ang ka-subdivision at nakababatang pinsan ni Minho na si Lucas. Karamihan sa mga kaibigan ni Lucas na mga miyembro rin ng varsity sa kanilang eskwelahan ay nakakalaro rin nila.

 

If there’s one thing that he finds in common with these guys, halos lahat sila ay matatangkad, kaya at first, di mo mapipigilang di magtaka kung paanong nasali si Minseok. Hindi ito katangkaran katulad nila pero bumawi kasi si Minseok sa liksi at pagiging sobrang athletic.

 

Okay, Chanyeol remembers na time na nagkandatali-talisod siya sa court at nasubsob pero si Minseok, sobrang bilis ng reflexes at footwork kaya hindi nakahalikan ang sahig.

 

Ating tugon, sana all.

 

At tsaka sure din si Chanyeol na banat ang katawan nito dahil narinig niya kay Minho na nagsasoccer si Minseok. Whew, small but terrible. Ayos, siya ata ang patotoo nun eh.

 

 

 

 

 

 

 

Totoo nga na hindi kalayuan ang bahay nila Minseok dahil in just 15 minutes, nakarating na sila. Honestly, hindi naman kasing garbo at kasing laki ang bahay nila Minseok, maybe not like the Oh Residence. Sakto lang. It's a two-storey house, pero mukhang malaki ang garden at bakuran nila. It has that homely look, sobrang nakaka-relax. Marami ring mga halaman sa paligid nito at mukhang alagang-alaga.

Napangiti si Chanyeol. Actually, sa ilang buwang pagkakakilala niya kay Minseok, alam niyang punong abala ang nakatatanda sa kanilang bahay. Sobrang linis nito sa katawan at hindi na siya magtataka kung pati sa loob ng bahay nila ay wala ni isang alikabok na makukuha sa surface ng kahit anong furniture ‘don. Don’t get him wrong, ala naman masama don.

Agad naman silang pinapasok ni Minseok sa bahay nila, at pagpasok palang, tama nga ang hinala ni Chanyeol. Sobrang luwag at aliwalas ng bahay ni Minseok.

What caught everyone’s attention though was the delicious smell that has been wafting in the air.

"Ang bango naman nun, mukhang maraming handa ah,” sambit ni Sehun, na hinihimas-himas pa ang tiyan. "Shet, bigla akong nagutom."

Totoo nga na amoy na amoy ang pagkain na niluluto. Parang gusto niyang maglaway sa amoy palang. Parang mapaparami siya nang kain ngayon ah.

Nang naglakad pa nang kaunti papasok nang sa bahay, patungo sa dining area, halos malalaglag ang panga ng mga kasama sa mga pagkain na nakaayos sa lamesa. Sobrang ayos ng plating and of course, may variety ang mga nakahanda. There's pasta, bread, ribs, wings, you name it. Mukhang pang-mamahalin, in fair. Also, take note, everything looks appetizing.

"Boss, ‘di mo naman sinabi nasa Viking's pala kami." side comment naman ni Jongin.

"Luh, andami palang hinanda ng kapatid ko." Minseok says, "Sige na, maupo na kayo." Minseok leaves for the kitchen and cooking area.

They can hear some sizzles and scraping sounds from the kitchen, halatang may kasalukuyan pang niluluto. Grabe, andaming handa naman pala.

In a bit, lumabas si Minseok from the kitchen with plates on his hands, "Oh, kain na! Kain na. Mukhang gutom na si Jongin eh." He hands them the plates one by one, at tinuro na ang table na kung saan nakahanda ang mga pagkain. Umalis ulit si Minseok sandali, at hindi nagtagal ay narinig na nila ang mahinang music na tumutugtog.

Nice, parang nasa birthday party talaga ah. Setting up the atmosphere lang ang peg.

 

 

 

 

 

 

 

"Boss, baka naman... baka naman i-Sharon mo pa ako." Sambit ni Jongin, na kasalukuyang ngumunguya pa at sarap na sarap na kinakain.

Bumulalas ng tawa—oh, god, that annoying high-pitched laughter—naman si Minho dahil sa narinig niyang comment.

"Hoy, nakakahiya ka naman, babe." Siniko ni Sehun si Jongin. Muntik nang mabulunan si Chanyeol dahil nagets niya yung joke.

Minseok looks so clueless kaya si Sehun na ang nagsalita on behalf of his jowa, "Ipagbalot daw, Kuya. Baka daw ipagbalot mo siya ng pagkain pauwi. Pagpasensyahan mo na 'tong si Nini, Kuya Minseok. Kala mo hindi ko pinapakain sa condo eh."

"Yun lang pala, sige ba. Marami pang pagkain sa kitchen, Jongin. Mamaya pagbabalot kita para maiuwi nyo.”

“Salamat, ang sarap kasi nitong wings, Kuya!”

Nalipat din sa iba ang usapan nang biglang magsimula si Changmin mag-bring up ng about sa schedule ng future na laro nila. Habang nag-uusap ang grupo, napalibot naman ang mata ni Chanyeol sa lugar na pinagstay-an nila.

Sobrang organized, may rack na puno ng food supply, separated by transparent containers. Tapos may labels pa. Grabe, yung totoo? Nag-bingewatch ba si Minseok ng Home Edit sa Netflix? O baka naman top commenter si Minseok sa Home Buddies sa Facebook? Parang ganito yung napanood niya last time. Anyway, not gonna lie. He's a bit envious. Sobrang ganda ng interior ng bahay ni Minseok. Maybe, he can ask Minseok some tips dahil sobrang interested siya sa interior designing these days. He even wants to do a simple makeover sa condo niya.

Lumingat-lingat pa si Chanyeol at sa paglingon ni Chanyeol, he wasn't ready at all to see what's—who rather!—was in front of him. Across the table, there's another man who's serving them a plate of tacos. It happened so quickly, and Chanyeol cannot properly see his face dahil nakasuot ito ng gray cap which obscures his face. Pero from the looks of it, Chanyeol can tell that he's... handsome. A little breathtaking even.

Is that possible?

Shocks.

"Uy guys, eto nga pala, utol ko. Si Kyungsoo." Minseok says, inakbayan pa si Kyungsoo. He has that proud kuya face, "Siya lahat nagluto neto."

Nang itaas ni Kyungsoo ang ulo niya, Chanyeol swears it all happens in slow motion.

Kyungsoo’s wearing a black, thick-rimmed eyeglasses and he notices how thick his eyebrows are as well. Nakita niya kung paano dahan-dahang tumaas ang mga labi ni Kyungsoo para magbigay ng close-lipped smile sa kanilang lahat. His cheeks bundle up, looking all soft and puffy. Kaya naman pala madaling natakpan ang mukha ni Kyungsoo, sobrang liit lang ng mukha ng binata.

Tangina, napakacute???

"Hi, enjoy the food," Bati naman ni Kyungsoo sa kanilang lahat. Tangina, nakasunod pa rin ang mata ni Chanyeol sa bawat galaw ng labi ni Kyungsoo at parang gusto nalang niya ilibing ang sarili niya sa lupa. Hindi rin niya ineexpect na sa sobrang youthful na itsura ng binata ay sobrang deep ng boses nito. Sabagay, si Kuya Minseok din naman ganon. Nasa trenta na si Kuya pero sobrang bata pa rin ng itsura. Nasa lahi siguro yung pagiging baby faced?

Agad din namang umalis ang binata at nagsimula si Minseok matawa at magpaliwanag kung paanong sobrang mahiyain at tahimik lang ng bunsong kapatid niya.

At this point, halos na-block na ni Chanyeol ang lahat ng boses at noise. Ang tanging tumatakbo nalang sa utak niya paulit-ulit ay yung kung paano nagpakita si Kyungsoo sa kanilang lahat.

Napalunok si Chanyeol at napayuko nalang para ituloy ang pagkain niya, pero nararamdaman na niya ang pag-init ng kanyang tenga. He can feel butterflies on his stomach. Gago, tinamaan ata siya?????

"Tangina ka, isa ka pang nakakahiya." Sabi naman ni Sehun na katabi niya, siniko pa siya nito.

"H-ha?"

"Type mo 'no?"

"Anong pinagsasasabi mo dyan, tumahimik ka dyan, Oh Sehun."

"Huwag ka na mag-deny. Namumula na yung tenga mo. Isa lang ibig sabihin niyan." Nginisihan lang siya ni Sehun nang nakakaloko at mapang-inis.

Sometimes, he forgets that this man is his bestfriend at halos alam nito ang mga kahinaan niya.

Chanyeol grunts in reply. No use in arguing with Oh Sehun dahil maririndi lang din siya ito kapag hindi siya umamin.

"Sabi na eh, ganyan mga type mo. Maliit, mala-keychain sa cute na parang gusto mong ibulsa dyan sa oversized hoodie mo."

"‘Inaka, Oh Sehun. Di ka titigil.." Kinurot ni Chanyeol ang hita ni Sehun at agad naman itong napasigaw sa sakit. Nakuha naman nila ang atensyon ng mga kasama sa hapag kainan, pati na rin si Minseok na agad napatayo sa kinauupuan.

“Anong problema?” Nag-aalalang tanong nito sa kanila.

Walang problema, kuya. Na-inlove lang ata ako sa kapatid mo. Pwede ko bang hingin ang kamay niya sa kasal, naisip naman ni Chanyeol.

“Ah, wala ‘to, Kuya. May nahulog kasi ata…” Tinignan ni Sehun si Chanyeol nang makahulugan, “sa paa ko.” Inirapan ni Chanyeol si Sehun.

Bigla naming nag-play sa utak ni Chanyeol yung… hala nahulog…loglogloglog.

“Huwag nyong pansinin yang si Sehun, nag-iinarte lang yan.” Natawa naman si Sehun sa sinabi ng kaibigan. Bumaling uli si Chanyeol para murahin ang kaibigan by mouthing the words—Gago ka. May araw ka sakin, Sehun Oh.

 

Pero mas lalo atang nabuwisit si Chanyeol dahil ang high-pitched laughter lang ni Sehun ang sinagot nito sa kanya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Tapatin mo nga ako, Chanyeol. Bakit ganyan tingin mo sa kapatid ko?”

 

Halos mabuga ni Chanyeol yung beer na iniinom niya sa sinabi ni Minseok. Sa itsura ni Minseok ngayon, mukhang hindi pa ito lasing kahit na nakakailang bote na siya ng inumin. He seems to hold his alcohol well. Pero bakit naman natanong niya bigla si Chanyeol?

 

Hoy, ganun ba siya kahalata? He thought.

 

Almost as if Sehun read what’s on his mind, “Oo. Tingin ka kasi nang tingin eh.” bulong ng damuhong best friend niya.

 

Kanina kasi, tinawag ni Minseok ang kapatid para makipag-inuman rin sa kanila at hindi naman rin ineexpect ni Chanyeol na papayag ito agad. Kaya ito, ka-table nila si Kyungsoo ngayon sa inuman.

 

And hello, paano ba namang hindi siya makakatingin eh, ampogi pogi ni Kyungsoo? Lalo na nung naging hugis puso yung labi niya nang matawa sa kwento ni Jongin kanina? Ha? Pano ba namang hindi siya mapapatingin? Isang ngiti palang…

 

“Ha? P-paanong tingin?”

 

“Type mo ba?”

 

“A-ano.. Uy hindi ah.”

 

Tinignan siya nang mariin ni Minseok, almost calculating and daunting, “Sigurado ka?”

 

“Si Boss naman, napakaseryoso.” Chanyeol laughs uneasily under Minseok’s surveilling look. Napakaseryoso naman, kulang nalang maglabas na ng patalim ha. Hindi ready si Chanyeol ‘don.

 

“Talaga,” Isang lagok ng beer. “Pinakaayoko yung ginagago yung kapatid ko, kaya kung naghahanap ka lang ng i-gugood time eh, wag nalang ang kapatid ko.”

 

Okay, point taken. Kung siya rin naman siguro ang nasa posisyon ni Chanyeol, ganito rin ang sasabihin niya sa mga manliligaw ng ate niya. Okay, he’s certain he’ll do the same kahit kahit siya naman talaga ang bunso sa kanilang dalawa.

 

Lalong kinilabutan si Chanyeol nang akbayan siya ni Minseok. Medyo napapahigpit na ang hawak sa kanya ni Minseok nang magsalita ulit ito, “Nagkakaintindihan ba tayo?”

 

Ooooof, scary. Kaliit na tao ni Minseok pero at that moment, grabe. Katakot.

 

Napatango nalang si Chanyeol. Understood, boss. Makakaasa ka.

 

Ge, landi pa kasi, Chanyeol.

 

 

 

 

 

 

 

That was the last time Chanyeol saw him. Apparently, tuloy pa rin ang basketball games with his friends and Minseok’s, at kahit weekly sila nagkikita ay hindi matanong ni Chanyeol si Minseok about sa kapatid nito. Nahihiya kasi siya. Okay, medyo kinakabahan rin, dahil whew, totoo ba? May pagbabantang naganap?

 

Sobrang laki ng respeto niya kay Minseok, kaya parang isang malaking kasalanan na bigla nalang niyang tanungin at kumustahin ang kapatid nito.

 

Baka sabihin pa nito sobrang interesado naman siya. Well, he’s not wrong. Pero he’s not supposed to tell Minseok that.

 

At this point, he would be lying if he says na hindi niya naiisip si Kyungsoo. He would often think about Kyungsoo and their first (and only) meeting. Feeling nga niya sa sobrang daming beses niya pinapaulit-ulit sa utak niya ang itsura ni Kyungsoo ay parang biglang nalang itong mawawala na parang bula.

 

Pero siguro nga tama si Paulo Coelho by saying na, when you want something, all the universe conspires in helping you to achieve it. The universe is working secretly in your favor. You just have to believe in its power.

 

In his case, nabago ang lahat nang naatasan si Chanyeol na makipagmeeting sa Manila Hotel sa isang importanteng investor. Natapos ang meeting nang matiwasay at nung palabas na siya sa cafe ng hotel ay hindi niya inaasahang makikita niya ulit ang pinakamagandang mata nakita niya sa tanang buhay niya.

 

Noong una ay dumaan lamang ang binata sa harap niya pero syempre, hindi naman papayag si Chanyeol na ganon-ganon nalang. Tagal niyang hinintay ‘to. Papalampasin pa ba niya? Hindi yata ganon si Chanyeol.

 

Sunggab kagad. Baka wala ng isa pang chance. Ito na nga yung message ng universe, kailangan na niyang i-grab ‘to. Sabi nga ni St. Ruffa Mae, patron of lost souls, go go go!

 

Kahit pa may konting hiyang nararamdaman ay nilunok nalang ni Chanyeol iyon at inipon ang lahat ng kapal ng mukha na mayroon siya.

 

“Uhm, hi,” Chanyeol greets. Noong una ay parang wala itong narinig dahil dinaanan lang siya nito. He inwardly cringes, pero mas nilakasan pa niya ang boses niya. Maybe second time’s the charm, awit. “Hey, wait. Kyungsoo, right?”

 

Napahinto si Kyungsoo sa paghakbang. Kumunot ang noo nito at nag-squint ito sa kanya, trying to make out who he actually is.

 

Fuck, ganon ba ka-common ang mukha niya na hindi siya ma-recognize nito? Parang lahat naman ng nakikilala niya sinasabihan siya na hindi nila makakalimutan ang ganitong kapoging mukha ha? Ano ba ‘tong sinasabi ni Kyungsoo?

 

Pero tangina, bokya agad.

 

“I don’t mean to be rude, but do I know you?”

 

Tangina. Pano ba siya eexit dito. Nakakahiya. Hindi naman pala talaga siya naaalala, fuck.

 

“Ah.. Neverm—” Aktong tatalikod na siya when he hears Kyungsoo clear his throat.

 

“Oh wait, don’t get me wrong, I forgot my eyeglasses kasi sa kitchen,” His eyes widen, panic a bit evident on his face. He went on to explain how he has astigmatism at talagang madalas siyang nasasabihang masungit at snob, when in fact, he cannot just see them properly. Hustisya naman, di ba? Chanyeol coos at how his eyes look so round and expressive. 

 

“Oh,” Parang nabunutan ng tinik si Chanyeol sa dibdib, “Sorry. It’s.. uhm. Chanyeol. Park Chanyeol. Kaibigan ako ni Kuya Minseok.. We met at your house, uhm. Last time?” He supplies, eyes hopeful na maaalala siya nito. 

 

Oh, I remember you,” he replies amusedly. “Kinukwento ka madalas ni Kuya,” He chuckles, features softening na parang may naalala itong nakakatawa at cute na pangyayari. Ano kayang naalala nito? Medyo kinilig naman si Chanyeol.

 

Ah talaga?”

 

“Ka-basketball niya, di ba? Ikaw siguro yung kinukwento niyang nasubsob bago pa maagaw ni Kuya yung bola?”

 

Gago. Napakapangit ka-bonding netong si Kuya Minseok.

 

He almost didn’t expect this, but Kyungsoo fucking giggles. Right in front of his face. What the fuck. The audacity to make Chanyeol feel little butterflies on his stomach. Dagdag mo pa na ayan nanaman, ngumiti nanaman. Ayan nanaman yung mala-heart shaped na mga labi. Tangina, nabubuwisit na si Chanyeol ah.

 

Kyungsoo, mahina ang kalaban.

 

Nang mapansin na natahimik na ang kausap, tumawa uli si Kyungsoo, “Biro lang.”

 

Wow??? Ngayon ka pa ba magbibiro, Kyungsoo? Ngayong gusto na magpalamon sa lupa ni Chanyeol dahil sa sobrang kahihiyan? Akala mo ba Kyungsoo that Chanyeol’s a joke???

 

Chour. Eme lang ni Chanyeol.  Medyo natuwa naman siya dahil binibiro siya ni Kyungsoo, it means he feels comfortable enough with Chanyeol that he’s cracking a joke. Nice. More than nice, actually. Whew, is this road to jowahood? Awow? Jowahood, is that even a word?

 

“Ah.. Biro lang pala…” Chanyeol gives a forced smile, pero napapangiwi na siya. Hindi na niya alam kung anong sasabihin next.

 

“So, Chanyeol. What are you doing here?”

 

“Uh, meeting lang with an investor. Napag-utusan lang sa company eh as their official representative,” He replies, while caressing his nape. Nahihiya pa rin siya kay Kyungsoo. “Ikaw?”

 

Totoo bang nakikipag-usap na siya with Kyungsoo right now? It feels like a dream.

 

“Wow, big time ah. I work here as a chef.” He says a-matter-of-factly. “Actually, that’s a fancy term for someone na taga-luto ng mga miyembro ng alta siyudad na populasyon.”

 

Grabe naman yorn? Why does he sound so hot while talking about that? Mukhang aware ‘to sa mga socio-political issues ah, isang malaking tsek. Gago, dagdag pogi points, Kyungsoo. Isang malaking tsek ulit.

 

“Oh, that makes sense.” Naisip nanaman ni Chanyeol ang mga pagkain na nakahanda nung nagpunta sila for the first time sa bahay nila Kuya Minseok. Si Kyungsoo nga pala ang nagluto ng lahat ng iyon. “Kaya naman pala ganun kasarap ang hinanda mo nung birthday ni Kuya Minseok eh.”

 

“Naalala mo pa yun?” Kyungsoo looks really shocked at gustong-gustong sabihin ni Chanyeol na, as if naman makakalimutan niya ang araw na yun. Eh dun niya unang nakita ang binata. Tsaka masarap naman talaga siya at yung pagkain…  Char, ang kalat. Delete tweet.

 

“Oo naman noh,” he replies, enthusiastic. “By the way, pauwi ka na ba?”

 

“Actually, may 30 mins pa ako sa shift ko.” Kyungsoo says, “Bakit?” Kumunot naman ang noo nito, nagtataka.

 

“Gusto mo bang sumabay pauwi?”

 

Okay, hear him out. He wasn’t supposed to just drop that bomb on Kyungsoo. Pero this night is too fancy, and he doesn’t want it to end just yet.

 

“Ha?”

 

“I mean.. Kung gusto mo lang. I can drop you off naman sa bahay nyo.”

 

Mabilis na sumagot si Kyungsoo, “Uh.. No.”

 

Aray. Ang sakit naman non. Okay, hindi naman talaga siya dapat nag-expect in the first place… Technically, this is their second meeting. Maybe, he’s moving way too fast?

 

Chanyeol grimaces, feeling a bit dejected. “Ah ganun ba.. Pasensya na. Feeling close ata ako masya—”

 

Umiling si Kyungsoo, not wanting for misunderstandings to arise. Medyo mukhang nag-panic ito dahil sa bilis ng reaction ni Chanyeol. “I mean, wag na. Nakakahiya naman kasi. Baka malayo kami sa tinutuluyan mo, mapalayo ka pa sa byahe, imbes na makapagpahinga ka na agad. Well, it’s quite late.”

 

Huh? Mag-nine palang naman ng gabi.. Chanyeol goes home from the office nga ng madaling araw, so iba rin ang concept niya ng late.

 

“Hindi, okay lang talaga. Tutal ako naman nagprisinta eh. I insist. Gusto ko rin makauwi ka ng safe…”

 

Whew, as if naman hindi nakakauwi si Kyungsoo nang safe on a daily basis di ba? Hay nako, may pagkatanga naman, Park Chanyeol.

 

“So… what do you say?” He musters the best puppy eyes that he can give. “Sige na..”

 

“Hmm. Sige na nga, parang maiiyak ka na diyan eh.”

 

“Right, I’ll just wait for you at the lobby nalang.”

 

“Sure ka ba? 30 mins pa eh.”

 

“I don’t mind.”

 

 

 

 

 

 

 

Sabihin nyo muna, salamat universe. Kanina pa nakangiti si Chanyeol sa cellphone niya habang tinitignan ang bagong number na naka-save sa cellphone niya. Yes, you read that right. Nakuha lang naman niya ang number ni Kyungsoo. Hindi rin niya alam kung paanong nauwi sa ganon, pero sa totoo lang sobrang saya niya. Hiling lang naman niya makita ito muli, pero sobra-sobra pa yung binigay sa kanya. Pati number nito ay nakuha niya.

 

 

Actually, this might actually be the best night in Chanyeol’s entire life sa kadahilanang, una, inintay niya nga si Kyungsoo at sabay silang umuwi kanina. Pangalawa, syempre, hindi naman ganun-ganun nalang ang nangyari, hinding-hindi niya makakalimutan kung paanong nginitian siya ni Kyungsoo, habang papalakad papunta sa kanya.

 

Suot na nito ang salamin nito, a pair of rimless eyeglasses, at nakapagpalit na rin ng casual clothes. Tangina, isa lang ang tumatakbo sa utak ni Chanyeol. Ganito ba ang feeling maging jowa ni Kyungsoo? Ganito ang araw-araw niyang makikita? Dahil kung oo, Lord, please sign Chanyeol up. St. Ruffa Mae, grant our wishes.

 

He looks so good even in his eyeglasses and all black outfit. Alam mo yung tunay na gwapo na kahit simple lang ang suot at nagsastand out? Ganon ang tingin ni Chanyeol sa kanya ngayon. Ang ganda pa ng bagsak ng buhok ni Kyungsoo sa noo niya. Tapos, gusto niya rin kung paano hinawi ni Kyungsoo ang buhok niya.

 

Fuck. Kyungsoo looked so gorgeous that Chanyeol may have forgotten how to breathe properly. Hinga!

 

Pangatlo, to his surprise, the conversation kept going sa kotse. Nag-usap rin naman sila habang pauwi, and in fact, medyo marami rin silang napag-usapan. Katulad nalang ng basic information ng isa’t isa, tulad ng edad—ok, Chanyeol’s older by just a year but he refused to be called kuya!— trabaho, at kung ano-ano pa. Walang awkward moments at patuloy lang ang batuhan ng mga tanong sa isa’t isa. Ito ba yung tawag nilang, establishing rapport? Hnnng.

 

Dagdag nyo pa yung mga cute expressions ni Kyungsoo na nasulyapan niya while nagdadrive ang nagpafeel kay Chanyeol na he’s genuinely interested in the things Chanyeol has to say.

 

Shet, kilig.

 

Hindi naman rin mawawala sa usapan ang kuya ni Kyungsoo na si Minseok—ang tanging link nila sa isa’t isa. Baka naman isipin ni Kyungsoo, wala na siyang pakeelam sa kuya nito at inetsepwera nalang niya. Anyway, pansin niya kung paanong nagiging soft ang mga mata ni Kyungsoo sa tuwing nagkukwento siya tungkol sa kuya niya na naging kasangga niya sa halos lahat ng bagay dahil pareho silang malayo sa magulang nila na naninirahan sa abroad. Mukhang close na close ang dalawa. Iyun na rin marahil ang rason kung bakit may pagbabantang ganap si Kuya Minseok sa kanya.

 

Cute. Pero scary pa rin.

 

Ang masasabi lang ni Chanyeol, sobrang sarap kausap ni Kyungsoo. May sense itong kausap, tapos ang akala niyang tahimik ay nagiging medyo maingay (well, actually, mas tahimik pa rin, compared sa kanya) lalo na pag komportable na siya. Makulit din ito at mapang-asar. They actually share many things, including love for food, music, and even dogs.

 

Nung natraffic nga sila ay hindi napigilan ni Chanyeol na ipakita ang bagong anak na si Jjareu. When he cooed at how cute Jjareu is, Kyungsoo laughed and said that he understands Chanyeol’s sentiments because he also has two dogs named ink and pepper. Hihi, possible ba yun na pati ang pangalan ng aso niya ay cute?

 

Gosh, imagine, may mga anak na pala sila. Park family is now complete. Medyo ready na siya pakasalan ni Kyungsoo. Singsing nalang at oo ni Kyungsoo ang kulang.

 

Awow, agad-agad? Ayan nanaman si Chanyeol at ang kanyang advanced na pag-iisip.

 

Scratch that, syempre, save the best for last. This was unexpected on Chanyeol’s end, but it was actually Kyungsoo who gave his number to him. He told him to contact him next time na mabalik siya sa hotel, and he promised to serve him his best dish as a payback sa paghatid sa kanya.

 

Sa isip-isip ni Chanyeol, sus kahit pa magpaka-Grab driver siya kay Kyungsoo everyday basta ba masilayan niya ito araw-araw ay walang problema. Willing siya i-shoulder ang gas masilayan lang si Kyungsoo.

 

But of course, he stopped himself bago pa man may masabing nakakahiya, so he just promises to contact him and to expect a lot of Chanyeol’s messages. When he said that, Kyungsoo just laughs in reply and says, “I’ll be waiting, then.”

 

Another win for Park Chanyeol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Uy, 1 am na pala. Kanina pa tayo nagkukwentuhan dito.” Kyungsoo yawns, dahil pang-ilang araw na niya itong puyat. Kahapon kasi sabay silang nanood ni Chanyeol sa Netflix, it was only a Netflix watch party, pero sabay pa rin sila and can see each other’s faces on the screen.

 

Ang totoo niyan, they’ve been going at it for a few weeks, simula nang magkita sila sa hotel. The communication wasn’t really regular, like everyday, dahil may kanya-kanya rin silang work, and work can be pretty demanding. Pero it was constant, along with their playful banters. They would always pick up where the conversation was left. There’s obviously an indescribable chemistry, and both of them are enjoying it along the way. At nagiging lulan na rin ng tukso si Chanyeol sa tuwing kasama niya sina Sehun.

 

Sabi pa nga ni Sehun, para siyang high school sa pining nila ni Kyungsoo sa isa’t isa. Chanyeol doesn’t want to fully delude himself na Kyungsoo likes him back, because that would be too painful if proven wrong, but he understands what Sehun was saying.

 

Kyungsoo hasn’t just been the receiving end of their friendship. He reciprocates, he gives back, and Chanyeol’s glad that it’s that way.

 

Soon enough, their playful banters turned into something else, katulad nalang ng pagsheshare ng memes, to pagsesend ng pics ng pets nila, until it became playlists, then, now, nagkakatawagan na. MU yarn? May tawagan portion?

 

“Ang daldal mo kasi eh,” Chanyeol teases, kahit alam naman niyang ang totoo niyan, siya nga talaga yung madaldal, luh. He just wants to get a reaction out of Kyungsoo. Ang cute cute kasi nitong asarin.

 

“Wow, sino kayang kung ano-ano sinasabi diyan? Talambuhay ng angkan niyo nakwento mo na ata.”

 

"Gusto mo naman,” There’s a teasing lilt again on Chanyeol’s voice which made Kyungsoo snort. “Alam mo, now that I think of it, siguro gustong-gusto mong naririnig boses ko ‘no, ni hindi ka umangal nung nagkukwento ko eh.”

 

“Kapal talaga. Medyo mahangin ka sa part na yun.”  Pumalatak si Kyungsoo. Pero Chanyeol’s teasing doesn’t end there.

 

“Sus, nag-deny pa. Aminin mo na.” Tumawa nang nakakabuwisit si Chanyeol para lalong i-provoke si Kyungsoo pero hindi naman niya ineexpect ang susunod na sagot ni Kyungsoo sa pang-aasar niya.

 

“Ede sige, fine. Ang hot ng speaking voice mo.” 

 

Chanyeol - 0; Kyungsoo - I

 

(Sus, tally tally pa, si Kyungsoo pa rin naman talaga ang panalo sa puso ni Chanyeol. Isa kang talunan, Park Chanyeol!)

 

Putangina. Chanyeol gasps and literally puts his hand on his chest, and he does this kahit hindi naman siya nakikita ni Kyungsoo. He felt his soul leave his body. Bakit ba ganito ka-unexpected si Kyungsoo? Mahina ang puso ni Chanyeol, please lang.

 

After a few seconds, ang patuloy lang na pagtawa ni Kyungsoo ang naririnig sa linya. Ini-speaker muna ni Chanyeol ang cellphone niya bago nagpagulong-gulong sa kama at impit na sumigaw sa unan niya.

 

Tawang-tawa pa rin si Kyungsoo, ‘kala mo nakakatawa na on the brink of death na si Chanyeol. Hehe, oa pero hay nako, Kyungsoo ka talaga!

 

Medyo nabalik na si Chanyeol sa katinuan pero kinikilig pa rin siya. Ano ba yan, iba talaga tama niya rito. “Gago ka, Kyungsoo.”

 

“Hello? May kausap pa ba ako?”

 

“Tangina mo. Kyungsoo naman eh. Hindi kita mapapatawad.” He whines, fake wails, dahil sa ginawang pagpapakilig ni Kyungsoo. “Panagutan mo yung kilig ko.”

 

“Ang drama naman. Sige na nga, babay na. Goodnight na. Matulog ka na agad. Ma-late ka nanaman. Lagot ka sa boss mo.”

 

Natawa rin naman si Chanyeol sa mga paalala ni Kyungsoo, bago isipang gumanti sa banat ni Kyungsoo, “Talagang it was a good night, nakausap kita eh.”

 

“Ganyan ba sinasabi mo sa mga nilalandi mo?”

 

“Hindi ah,” Chanyeol says, while shrugging his shoulders, “sa mga cute lang.” Natawa si Chanyeol, “Bakit, cute ka ba?”

 

Hindi lang cute, sobrang cute, gusto na niya isabit si Kyungsoo sa katawan niya para lagi niyang kasama ito. Whew.

 

“Alam mo, ikaw… Baba ko na kaya ‘tong tawag?”

 

“Biro lang, ‘to naman.” Chanyeol says. “Ikaw lang naman sinasabihan ko niyan. Kilig ka ‘no?”

 

“Asa.” He says it like that, but Chanyeol can imagine his face softening, at parang nagpipigil tumawa. The picture of Kyungsoo’s pinkish cheeks comes into his mind, gosh, he can’t wait to see him again.

 

“Goodnight, Soo.” 

 

“’Night, Yeol.” 

 

It might just be the sweetest thing he may have heard, and he’s ready to sleep with a smile on his face.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Nandito ka nanaman,” Parang tonong naiinis, pero  nakangiti ang binata habang sinasalubong siya. Tinext niya kasi si Kyungsoo na andun siya sa lobby ng hotel na pinagtatrabahuhan nito. Susungit sungit pa, tapos i-mimeet rin naman siya. “Binabantayan mo ba ako?”

 

“Hoy, ang kapal mo. Nag-dinner kami ni Ate.” Chanyeol says, habang nakapamewang pa sa kanya, “Pero actually pwede rin naman. Baka naman may umaaligid sayo dito.”

 

“Eh ano naman?” Kyungsoo shrugs, “Pwede ko naman i-entertain.”

 

This time, Chanyeol crosses his arms at nakanguso pa sa kanya, “Hoy, Kyungsoo, anong pinagsasasabi mo?”

 

Wow, lakas maka-guwardiya? Jowa ka? Jowa ka?

 

“Bakit, pwede naman ako lumandi… unless…”

 

Sasagot pa sana si Chanyeol ng, ‘Hoy? Bakit ka pa lalandi sa iba eh ito naman ako!’ pero na-interrupt sila ng pagdating ng isang babae.

 

“Yeol?” A woman who’s wearing a pink dress calls out, voice ever so gentle. She’s sporting a shoulder-length hairstyle, looking all elegant and beautiful. The way she carries herself was really something, and even the way she walks was very graceful. Ang ganda ganda naman.

 

Nagulat si Kyungsoo dahil hindi niya ineexpect na ganito kaganda ang ate ni Chanyeol. He somewhat figured that this woman might really be Chanyeol’s sister when he saw her round and shining eyes—parehas sila ni Chanyeol.

 

Wait??? Ang unfair? Ang ganda ng genes ng Park Family?

 

Chanyeol’s sister looks at them expectantly, not intimidating in any way, but rather, it was with so much fondness and patience. Sensing that his sister is waiting to be introduced, Chanyeol moves closer at inakbayan si Kyungsoo. Medyo nabigla naman si Kyungsoo at nanlaki ng bahagya ang mata, nakaramdam siya bigla ng hiya sa katawan.

 

Medyo touchy na sila sa isa’t isa ni Chanyeol pero medyo nahihiya pa rin siya na makita ng ibang tao ang pagiging malapit nila nang ganito, lalo pa at nasa harap sila ng ate ni Chanyeol.

 

“Ate, this is Kyungsoo nga pala,” Then, Chanyeol turns to Kyungsoo to introduce his sister. “Kyungsoo, this is my ate.”

 

Biglang nangiti si Yoora when she heard Kyungsoo’s name. She gives him a knowing smile, like she knows something that Kyungsoo doesn’t, “Oh, so you’re the Kyungsoo na laging bukambibig ng kapatid ko.”

 

Honestly, medyo over the moon si Chanyeol at this moment, kasi wow, na-meet na niya ang Kuya ni Kyungsoo, tapos ngayon na-meet na ni Kyungsoo ang ate niya. Shet?

 

Naririnig nyo ba yon? Ayun na ata ang wedding bells! Palakas nang palakas sa tenga ni Chanyeol, palapit nang palapit ang tunog sa tenga niya. Luh luh luh.

 

Shutengene, nauna pa yung meet the siblings kesa sa mismong relasyon, ustoh nyo yon?

 

Nakipagbeso pa si Yoora sa kanya and Kyungsoo quietly says, nice to meet you po, ate. Pero hindi siya prepared sa susunod nitong tanong, “So, Kyungsoo, kailan mo sasagutin si Yeol?”

 

 

Both of them froze, both are undeniably put on the spot. Teka nga, daig pa ng ate niya sa pagtatanong si Boy Abunda. Kulang nalang magtanong ito ng, lights on or lights off? Yung totoo? Pahamak naman ‘tong ate niya. Ni hindi pa nga nakakapagtanong si Chanyeol about sa panliligaw eh.

 

“Uhm, ate.. We’re—” Kyungsoo’s cheeks redden, and he’s starting to fiddle with his nails, a tell-tale sign that he’s nervous. Chanyeol notices this that’s why he decided to interrupt.

 

“Ate, stop it. Stop embarrassing me. Nakakahiya rin kay Soo..” Chanyeol gives his sister a pleading look, as if pleading her to stop before Kyungsoo gets uncomfortable.

 

Nanlaki pa ang mata ni Yoora before she giggles, “Oops. My bad. Ay? Hindi pa ba kayo ng lagay na yan? Eh halos marindi na ang tenga namin ni Mama sa mga kwento ni Yeollie tungkol sayo..”

 

“Ate, isa.” Chanyeol warns, pulang-pula na ang tenga nito. Tawang-tawa naman si Yoora sa itsura nung dalawa. Napayuko nalang si Kyungsoo sa hiya. Hiyang-hiya yung dalawa, sus, if Yoora knows, kinikilig lang sila.

 

“Dalawa..”

 

“Yeollie, binibilangan mo ba ako ha?” Lumapit ito sa kanya at walang sabi-sabi ay piningot ang tenga ni Chanyeol.

 

“Aray! Aray.. Ate! Masakit!”

 

“Nakakalimutan mo kasi ata sino ang ate dito!”

 

“Sorry na, sorry na!” Noon din ay pinagdaiti ni Chanyeol ang dalawa niyang palad na animo’y humihingi ng tawad sa ate niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Apparently, they waited for Kyungsoo to finish his shift. Twenty minutes nalang kasi ay out na nito. Yoora insisted din na ihatid ni Chanyeol si Kyungsoo pauwi, she even whispers, dapat lang na hatid mo para sagutin ka na. Dagdag pa nito, galing-galingan mo kasi ang pagsuyo, huwag mong ipahiya ang pamilya natin! Chanyeol whines in reply and warns na baka marinig pa ni Kyungsoo ang ate niya. Yoora just sticks his tongue out, nang-aasar pa.

 

Needless to say, parang naging catalyst ang gabing yon (ng panghihimasok ng ate niya lol) sa kanilang relasyon. Ayon na nga rin sa Aespa, I’m on the next levuhl, Chanyeol decides that maybe it’s really the best time to confess, since they’ve been going around in circles for a very long time. Chanyeol supposes that he’d have to thank his Ate Yoora for giving Chanyeol a light nudge.

 

Actually, if he’s being honest here, for Chanyeol, it didn’t feel like a light nudge, parang sampal na nga ito eh na nagpagising sa natatago niyang lakas ng loob. Ge, ebas.

 

Going back, Chanyeol’s confession wasn’t anything overly romantic or grand, rather it was just a very sincere and an honest moment. It was very raw and vulnerable, just Chanyeol spilling his feelings out in the open.

 

Nakapag-thank you at goodnight na si Kyungsoo sa kanya, at lalabas na sana ang binata nang hawakan siya ni Chanyeol sa may pulsuhan para pigilan. Medyo kinakabahan na talaga si Chanyeol, pero it’s now or never and here goes... “Wait..”

 

“About earlier,” Chanyeol grazes him thumb over Kyungsoo’s pulse, “I hope you didn’t feel uncomfortable sa mga sinabi ni ate..”

When Kyungsoo sees Chanyeol’s worried expression, his face softens, lips curling up a bit. “Is that why you’re quiet? You’re thinking about that?”

 

Natawa naman nang mahina si Kyungsoo, “Yeol, you know I don’t mind. Okay lang.”

 

“About that.. I’m serious, Kyungsoo. I like you a lot and.. I want to court you and spoil you and do everything to make you like me back..” He pauses a bit and raises his hand to hold Kyungsoo’s jaw and make him look at him directly, “Would you let me?”

 

To say that they were lost in that moment was an understatement. They were drowning in that moment—drowning in the depths of indescribable emotions on their chests, drowning in the words waiting to be conveyed, drowning in each other’s presence.

Kyungsoo closes his eyes and just feels the warmth coming from Chanyeol’s hand. Hiniling pa nga niya ang kanyang ulo para tuluyang masalo ng kamay ni Chanyeol ang side ng mukha niya.

 

Tumango siya, “Of course, kailan ba kita tinanggihan?”

 

 

 

 

 

 

 

 

At that moment, biglang pumasok sa isip ni Chanyeol ang paborito niyang English poem, sobrang appropriate lang rin sa sitwasyon nila ngayon. He can hear the poem being recited, with Kyungsoo’s voice the one ringing in his ears and reading the said lines:

 

 

 

What sound was that?

 

What did we hear?

 

It was the breath we took when we first met.

Listen. It is here.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pansin ni Chanyeol na simula nang mag-confess siya sa isang binata ay naging mas… showy? flirty? na ito sa kanya. In other words, mas naging mapusok na rin ito sa mga salitang binibitawan sa kanya. Not that Chanyeol’s complaining, pero whenever Kyungsoo strikes like that, kulang nalang ay mapadasal si Chanyeol dahil aatakihin ata siya sa puso. Juskopo kapuso. Mahina ang kalaban (7242748247). Gusto ata siyang patayin ni Kyungsoo, katulad nalang ng nangyari ngayon…

 

“Ang pogi mo.”

 

Tangina? Who drops that kind of comment out of nowhere?

 

Parang nag-short-circuit naman ang utak ni Chanyeol at nanlaki ang mata nito. Teka????? Hindi siya prepared? Hindi niya alam kung pano magrereact sa sinabi ni Kyungsoo. That was a first? He wasn’t the type to just praise Chanyeol because whenever Chanyeol gloats about his looks, he would snort and would not feed his ego. Pero??? Ito??? Ngayon?????

 

Natawa si Kyungsoo sa expression ni Chanyeol dahil gulat na gulat ito. Kanina lang ay pinapanood niya si Chanyeol habang naglalaro sa cellphone. He looks at him fondly, “Oh, ano, natameme ka. Parang di mo araw-araw pinagyayabang na pogi ka ah. Tapos ngayong pinuri kita—”

 

Kasalukuyan silang magkatabi sa sofa at buong akala ni Chanyeol ay nanonood si Kyungsoo ng tv pero hindi nya lang alam ay matagal na itong huminto sa panonood, dahil si Chanyeol na ang napagdesisyunan niyang panoorin.

 

Anyway, sobrang gwapo rin kasi ng itsura ni Chanyeol ngayon. Focused Chanyeol with his eyebrows scrunched up in concentration has been a real turn on. Dagdag mo pa na his hair is quite disheveled dahil kanina pa niya ito pinupush back out of frustration.

 

Katulad nga ng naisip ni Kyungsoo kanina, gago ang hot.

 

Hindi na natapos ni Kyungsoo ang sinasabi niya dahil bigla nalang nilapit ni Chanyeol ang mukha niya sa isang binata at nilapat ang labi sa malambot na labi ni Kyungsoo.

 

Hindi naman nagtagal at nag-respond na rin si Kyungsoo sa halik na binibigay ni Chanyeol. Pinulupot na rin niya ang kaniyang braso sa may leeg ni Chanyeol.

 

Napaungol naman si Chanyeol nang simulan ni Kyungsoo na ipasok ang kamay niya sa hoodie ng binata at i-caress ang tagiliran ng binata. Napahawak naman si Chanyeol sa bewang ng binata.

 

“Huwag mo sabihing sa tuwing sasabihan kitang pogi eh, hahalikan mo ako.”

 

“Kala mo ayaw niya, eh halos hindi mo na nga ako pakawalan eh. Higpit ng pulupot mo sa leeg ko.”

 

“Kinilig ka naman.”

 

“Syempre.” Chanyeol chuckles, lagi naman siyang kinikilig kay Kyungsoo.

 

“Naisip ko lang, pag sinabihan kitang, ang pogi mo, ano naman kaya reaksyon mo.”

 

“Ewan. Wala.” Kyungsoo shrugs.

 

“Ang corny mo talaga. Kj. Walang pakisama naman.”

 

Kyungsoo just snorts in reply.

 

“Soo.”

 

No response.

 

“Kyungsoo.”

 

“Kyungsoo Do. Dali na, tingin ka dito.”

 

Kyungsoo sighs first, tapos ay nagkatinginan sila nang ilang segundo bago nagsalitang muli si Chanyeol—

 

“Ang pogi mo rin.”

 

Sobrang bilis ng pangyayari. Mas mabilis pa sa pagbebreak ng dalawang kapitbahay nyong high school na naging magjowa ng isang araw. Chanyeol thought it almost didn’t happen. Kyungsoo lunges forward and captures his lips with his own, to give him a smack. Fresh pa sa utak ni Chanyeol ang sound ng paghalik ni Kyungsoo sa kanya at ang lambot ng labi nito na sandali lang ay nawala.

 

“Masyado kang maingay,” sambit ni Kyungsoo bago siya layasan at maglakad papalayo, papuntang kitchen.

 

Napahilamos si Chanyeol ng mukha niya gamit ang dalawang palad. Nararamdaman niya ang pag-init ng mga pisngi. Gago? That was???????

 

Dagdag mo pa na Kyungsoo’s voice sounded rough nung sinabi niyang ‘maingay’ si Chanyeol. Gago ka, Kyungsoo. Kahit kelan talaga naman oo.

 

“Hahalik din pala, ang arte pa.”

 

“Gago.” He shouts over the kitchen.

 

Natawa nalang si Chanyeol nang malakas at napapapalakpak pa na akala mo ito na ang pinakabentang joke na narinig niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Kyungsoo?” tanong ni Minseok sa lalaking kapapasok lang sa covered court.  “Bakit andito ka?”

 

Tamang-tama naman ang dating ni Kyungsoo dahil naka-break lang silang lahat ngayon at nagpaplanong maglaro pa ng isang game, para daw makapag-prepare sila sa friendly basketball game na sinalihan nila next week.

 

According to Minho, may sinimulan kasing activities dito sa subdivision nila ang mga home owners at kasama na rito ang parang pa-liga ng mga ito at fun run. At bilang lagi naman silang naglalaro sa covered court ng subdivision, naimbitahan sila na mag-laro. Kalaban daw nila yung mga tatay na gusto magpaka-healthy at magpapogi sa mga asawa nila, chour. Pumayag naman ang lahat, kaya eto sila ngayon. Sinama na rin nila ang pinsan ni Minho na si Lucas sa mga maglalaro at ang isa pa nilang kapitbahay n si Johnny.

 

Nakangiting inangat ni Kyungsoo ang dalang food bags, “Pinagdala ko lang kayo ng miryenda, Kuya.”

 

Nang matanaw si Kyungsoo, parang napuno naman ng saya at kilig ang dibdib ni Chanyeol. Natouch siya, pota. Napag-usapan lang nila ‘to kagabi ni Kyungsoo at nabanggit nga niya na may practice game sila ngayon. Nagpapa-baby pa si Chanyeol na hindi naman nanonood si Kyungsoo lagi sa mga laro nila at ito marahil ang rason kung bakit nanghihina siya paminsan. Luh, kala mo baby talaga eh, ka-laking tao eh. Baby damulag naman masyado.

 

Sa totoo lang, syempre tinitignan niya lang naman kung paano magrereact si Kyungsoo sa mga sinasabi niya. Madalas kasi, inaasar siya nito madalas and he doesn’t humor his requests, kaya nga ngayon na bigla siyang may pakulong ganito parang buong araw na mag-stay ang ngiti na ‘to sa mga labi niya.

 

Masaya namang nilapitan ni Minseok ang kapatid para kunin ang ibang food bags at nang masimulan na niyang maipamigay sa mga kasamahan. “Aba, anong nakain ng bunso ko? Ang bait naman niyan.”

 

Sinilip pa ni Minseok ang mga pagkain na dala ng kapatid at inamoy pa ito. “Uy, paborito ko ito ah, ang sarap naman ng dala mo para sa kuya!” Magsasalita pa si Minseok pero wala na pala siyang kausap. Napakamot nalang si Minseok at nagsimula nalang mamigay ng pagkain.

 

Hindi alam ni Minseok ay masayang pinapanood pala sila nila Sehun na tawang-tawa sa nangyari.

 

“Pahiya nang slight si Kuya Min,” natatawang komento ni Lucas.

 

“Parang hindi naman si Kuya Minseok talaga ang dinalhan ng miryenda,” mapanuksong bulong ni Sehun. Si Jongin naman na nakahandusay sa lapag ay halos mangisay sa kilig. Ngumuso pa si Sehun sa lugar kung saan kasalukuyang naroon si Kyungsoo and he wiggles his eyebrows mischievously.

 

Kasalukuyan itong nakaupo sa  malapit na bench at katabi ang isang higanteng abot tenga ang ngiti ngayon. Kala mo naman kanina parang di umuusok ang ilong sa inis sa court dahil naagaw ni Lucas yung bola ah? Bilis lang mag-iba ng mood ah?

 

“Tangina, babe. Bakit di ka ganyan sakin?” Jongin turns to Sehun with a pout. Oh, ayan. Nagkainggitan pa nga po. Sehun rolls his eyes bago sumagot sa jowa.

“Ang arte naman ng babe ko, iba naman ang pinakain ko sayo ah, mas masarap, mahaba, at napakamalinamnam.” Kumindat pa ‘to sa kanya.

 

Lucas throws them a scandalized look, “Mga kuya, may menor de edad po dito, baka nakakalimutan nyo.”

 

Natawa naman nang malakas si Jongin dahil parang maiiyak na si Lucas, “Huy, babe, behave. Baby pa ‘tong si Lucas.”

 

“Kayo naman, wala naman akong sinasabing masama ah. Sabihin nyo, madumi utak nyo.” Ngumisi si Sehun, pero tinaas parin ang kamay para mag-peace sign kay Lucas.

 

Natigil ang tatlo sa pag-uusap nang marinig na biglang nagsalita ulit si Minseok. “Teka, bat parang iba yung kinakain ni Chanyeol sa kinakain natin?” Napukaw naman ang atensyon nila sa dalawang naglalandian dun sa gedli.

 

Tumingin muna si Sehun sa kinakain niyang tinapay bago tignan nang mabuti ang hawak-hawak ni Chanyeol na sandwich, “Luh, bat parang mas masarap nung sandwich niya?”

 

“Kuya Sehun, parang andaming sahog nung kay Kuya Chanyeol,” komento naman ni Lucas.

 

“Oh? May nakalatag pang something sa bench. Wow?”

 

Actually, feeling ata ng dalawang ‘to nasa park sila at nagpipicnic. Whew. 

 

“Luh luh luh, napakapa-baby naman ni Kuya Yeol.”

 

“Gago, this is priceless. Di ko ‘to palalampasin.” Nilabas ni Sehun ang phone niya para picturean kung paano mag-ngitian ang dalawa na kala mo ay sila lang ang tao sa mundo. Wala pa yang label ha.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sandali lang silang nagminandal tapos ay nagtuloy ulit sila paglalaro. Anyway, hindi rin naman ganon kabigat sa tiyan yung dinala ni Kyungsoo na miryenda para sa kanila kaya sandali lang rin nilang inubos.

 

Tuloy ang pagpapraktis nila at si Kyungsoo naman ay nanonood lang sa kanila. Kung kanina ay wala itong suot na salamin, ngayon ay napilitan itong suotin ang salamin sa bulsa para masubaybayan nang maayos ang laro—or baka naman para masubaybayan yung isang naglalaro.

 

Syempre, dahil may nanonood, nagpapabibo nanaman yung isang tao, itago nalang natin siya sa pangalang Chanyeol Park. Sa bawat nakakashoot ang loko ay tumitingin lagi ito kay Kyungsoo para obserbahan kung ano ang reaksyon nito sa kanya(ng pagpapapogi). Luckily, for Chanyeol, Kyungsoo looks so proud at kapag nakakashoot siya ng three points, lumalabas ang heart-shaped lips nito, na siya namang kinasaya rin ng matangkad na binata. Yieee, pogi points.

 

 

 

 

Hindi naman nabigo si Chanyeol sa hangarin niyang makuha ang atensyon ni Kyungsoo ngayong araw na ‘to. And if he’s being honest, parang nakuha pa nga niya ang 200% attention nito dahil sa nangyari.

 

Well, it really wasn’t anything bad, just that, nung medyo naging magkalapit na ang score ng dalawang team ay medyo nag-init na rin ang laro. Kung napaka-competitive ni Chanyeol, hindi rin naman papatalo si Minseok. Kahit mahaba ang biyas ni Chanyeol na siyang nagiging rason kung bakit mabilis siyang nakakapunta sa ibang pwesto, sinasabayan ito ni Minseok sa liksi. Napakagaling ng coordination ni Minseok, at syempre, dahil sa kagustuhang makapuntos agad, medyo nagkakapisikalan na.

 

That’s a fact in basketball games anyway, kapag nalalapit na yung end ng game, medyo andun na yung tension at gigil na rin siguro magkapuntos. After all, ang goal naman ng lahat sa larong ito ay mapanalo ang koponang kinabibilangan. Nakakatawa mang isipin pero ang nagkatapat ay sina Chanyeol at Minseok, si Minseok ang may hawak ng bola, habang si Chanyeol ang nagbabantay kay Minseok. Tumatakbo ang oras kaya andun din siguro ang adrenaline na nananalaytay sa mga ugat nila.

 

Sa kagustuhang malagpasan kaagad kay Chanyeol ay nagawa ni Minseok na harangan ang bola gamit ang katawan. Nang naging masyadong malapit si Chanyeol ay medyo napalakas ang pag-block ni Minseok. Kaya ayun, ang resulta ay na-out of balance si Chanyeol at napaupo ito habang si Minseok ay tinakbo ang bola upang maka-shoot. Nagtagumpay naman ito. Nakapuntos agad.

 

Nang makitang napaupo si Chanyeol ay napatayo si Kyungsoo mula sa bench na kinauupuan para makita kung ano na ang nangyari, kung nasaktan ba ito nang bongga. Medyo nag-alala siya, sa true lang. Pero nagtaas lang ng thumbs up sign si Chanyeol sa kanya at ngumiti, para sabihing ayos lang siya at wag mag-alala si Kyungsoo. Agad namang inabot ni Jongin ang kamay niya at tinulungang makatayo si Chanyeol.

Tuloy ang laro, naupo muli si Kyungsoo pero para siyang on high alert at pinapakiramdaman niya rin ang itsura ng matangkad na binata. Pero mula sa kinauupuan niya, parang okay naman si Chanyeol, at balik na rin sa normal ang laro nito. Okay, nakahinga siya don. Whew, ano ba naman. Parang tanga naman si Kyungsoo, kala mo hindi kaya ni Chanyeol yon. Kalaki niyang tao eh.

 

Two minutes nalang matatapos na ang laro. Nangunguna ang team nila Minseok nung una pero nakahabol sila Chanyeol ngunit kulang pa rin ito. Lamang pa rin ng isang puntos sila Minseok. Kaya itong huling dalawang minuto ng laban ang magdedecide kung sino ang mananalo.

 

Eto nanaman, na kay Minseok nanaman ang bola. Kakapasa lang sa kanya ni Minho ng bola at sumigaw pa ito ng, “Ipasok mo na yan, Kuya!”

 

“Park Chanyeol! Habulin mo!” Sinigaw naman ni Sehun para habulin si Minseok.

 

Dahil medyo malapit si Chanyeol kay Minseok ay tumakbo siya at tinry agawin ang bola. Pero sa kasamaang palad, sobrang bilis ni Minseok, pati sa paglilipat ng bola sa kabilang kamay niya. Malapit na si Minseok sa ring at maglelayup na, pero hinabol pa rin siya ni Chanyeol. Sabay tumalon ang dalawa—si Minseok para ipasok ang bola sa ring at si Chanyeol para pigilan ito. Pero nag-collide ang dalawa (Yes naman, you and I collide?!) at bumagsak pareho.

 

Ang ending—nakalkula ni Minseok ang pagbato ng bola at nakuha niya ang puntos, pero si Chanyeol na humahabol sa kanya ay pangit ang bagsak, kaya medyo nangiwi si Chanyeol sa sakit.

 

Panalo na sila Minseok. Pero ayun, nasaktan si Chanyeol.

 

Nang makita ang nangyari, agad napatakbo si Kyungsoo kay Chanyeol. Pinanood lang ng lahat kung paanong humahangos si Kyungsoo para lapitan ang binata. Aalalayan sana ni Minseok si Chanyeol para makatayo pero seeing that Kyungsoo already rushed to him ay pinili nalang niyang tumayo mag-isa. Wow, inuna pa si Chanyeol kesa sa kapatid? Ayos rin talaga. Medyo nagulat si Minseok sa ginawa ng kapatid. Well, a good kind of surprise.

 

“Yeol!” Kyungsoo calls, voice filled with worry. “Huy, okay ka lang?”

 

Naglalapitan na rin ang mga kalaro ni Chanyeol para tignan kung ano ang lagay ng matangkad na binata.

 

“Kuya Yeol, anyare?” Sabi ni Jongin.

 

“Napuruhan ka ba?” Tanong naman ni Sehun sa binatang nasa lapag pa rin.

 

“Huy, Chanyeol. May masakit ba sayo?” Ininspect pa ni Kyungsoo ang braso at mukha nito para makita kung may galos. Hinawi pa nito ang buhok na nakatakip sa noo nito. Nakahinga naman nang maluwag si Kyungsoo nang makitang wala itong sugat.

 

“Uy, guys, okay lang ako.” Binigyan ni Chanyeol ng ngiti ang mga kasamahan. Nang marinig na okay lang naman daw si Chanyeol ay nagsilayo na rin ang mga kalaro, tapos na rin naman ang laro kaya kanya-kanyang punta sa may bench.

 

 

“Kyungsoo,” Chanyeol replies, bumaling na rin siya kay Kyungsoo para ito naman ang ngitian, “Okay lang ako.” Tinaas naman ni Chanyeol ang kamay para hawakan ang kilay ni Kyungsoo at tanggalin ang pagkakasalubong ng kilay ng binata. “Wag mo nang ikunot ‘yang noo mo.” Chanyeol chuckles, eyes softening.

 

“Sure ka?” Tumango naman si Chanyeol. Tinulungan ni Kyungsoo na makabangon si Chanyeol at inalalayan palakad sa bench. Syempre, nanonood lang ang mga chismoso na kala mo ay isang pelikula ‘tong nangyayari na ‘to.

 

 

 

 

 

 

 

Mula sa kabilang bench, nagchichismisan sila Minseok sa dalawang taong nasa hiwalay na bench. “Ano ba naman yung kapatid ko, akala mo naman naaksidente si Chanyeol at nasagasaan ng ten-wheeler truck eh napahiga lang naman,” natatawang sabi ni Minseok. Napailing nalang siya sa kinalabasan. Well, deep inside, he thinks how cute Kyungsoo is as he worries about Chanyeol.

 

As his brother, he knows how Kyungsoo is as a person. Kyungsoo is very caring and he worries a lot about other people, mabait ito, and seeing that he’s worrying about Chanyeol—maybe as a potential special other, ay nakaramdam siya ng pride? amusement? Kyungsoo doesn’t like PDA, kaya isang malaking pagtataka kung bakit ganito siya makaasikaso sa isang binata. Hindi naman bulag si Minseok at pansin niya ang closeness ng dalawa.

 

“Eh kuya, tignan mo naman si Kuya Chanyeol, kung makaarte kala mo talagang napuruhan eh.”

 

“Nagpapababy pa nga. Kanina pa yan,” Sehun snorts, parang tanga lang yung best friend niya. Pinapanood nila ngayon kung paanong pagbuksan ni Kyungsoo ng tubig si Chanyeol at kung paanong pinunasan nito ang mga butil ng pawis sa noo ni Chanyeol.

 

Gago, enjoy na enjoy ni loko yung atensyon.

 

“Di ko ineexpect na biglang takbo si Kuya Kyungsoo kay Kuya Yeol.” Sabi ni Jongin sa nobyo.

 

“Tangina, inlababo, confirmed.”

 

“Lagot sakin ‘yang si Chanyeol, anong ginawa niya sa kapatid ko..” Paseryoso ‘kunong’ sabi ni Minseok pero nagtawanan rin sila pagkatapos.

 

Ano nga bang ginawa ni Chanyeol para mag-react si Kyungsoo nang ganito? Ginayuma na nga yatang tunay.. 

 

 

 

 

 

 

Nang naghahapunan ang magkapatid, biglang nagsalita naman si Kyungsoo na laking kinagulat ni Minseok. Sa wakas ay binasag na nito ang katahimikan na kanina pang naroon.

 

“Kuya, pwede ba next time maglaro ka naman nang maayos?” Kalmado ang boses nito, at kumakain pa rin, pero parang may pagkaseryoso rin sa pagkakasabi.

 

Parang alam na ni Minseok kung saan papunta ito, pero gusto pa rin niyang linawin kay Kyungsoo. “Ha? Anong maayos?”

 

“Grabe ka naman kasi mambalya, Kuya.”

 

“Bakit? Sino bang binalya ko? Si Chanyeol?”

 

Minseok gives him an incredulous laugh, totoo bang naririnig niya ‘to mula sa kapatid niya? Kailan pa ito nagkapakeelam sa paglalaro niya? Parang kahit kelan hindi ito nagkainteres sa ganitong aspeto. “Napaka-oa mo, sino ba kapatid mo saming dalawa ni Chanyeol ha? Tsaka ano ba akala mong nilalaro namin? Jackstone?”

 

“Pinagtataasan mo ba ako ng boses, Kuya?” Tinaasan niya ng kilay si Minseok.

 

“Basketball ‘yun. Alam mo namang pisikalan dun, Soo. Nagpapaliwanag lang ako—”

 

Tumigil si Kyungsoo sa pagkain para tignan si Minseok sa mata. “Basta, next time Kuya, please.” There’s something in his eyes and Minseok knows exactly what it is—worry.

 

“Asus, itong bunso ko,” Minseok stands up from his seat and moves closer to Kyungsoo. When he’s standing in front of him, he coos. “Ayieeee, in love ba yang bunso ko na yan ha?”

 

Ginulo ni Minseok ang buhok ng kapatid at tsaka pinaikot ang braso sa may ulo ni Kyungsoo para mayakap ito. “Binata na pala ang bunso ko..”

 

Kyungsoo grunts and tries to break free from his hold, “Minseok, tumigil ka. May hawak akong tinidor, kala mo.”

 

Nang dahil sa sinabi ni Kyungsoo, agad namang binitawan ni Minseok ang kapatid para tignan nang mariin.

 

“Anong Minseok? Kuya mo ko ah!” Nakakunot at tatawa-tawang tanong nito sa kapatid.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Lunch break nila Chanyeol nang maisipan niyang tawagan si Kyungsoo sandali. Friday kasi ngayon at may plano sila mamaya na mag-movie marathon sa condo ni Chanyeol. It’s finally Chanyeol’s turn to make Kyungsoo watch his favorite films kaya ayun, hinanda na niya yung personal favorites niya, Deadpool, Zootopia, Bohemian Rhapsody, at di alam ni Kyungsoo ‘to pero sinama niya yung most favorite film ni Kyungsoo na Never Let Me Go. Naaalala kasi ni Chanyeol na binanggit dati ito ni Kyungsoo noong mag-usap sila dati.

Kasalukuyan silang nagdidiskusyon ni Kyungsoo kung ano yung mga ingredients na bibilhin nila sa grocery, para sa iluluto daw ni Kyungsoo na dinner nila nang maputol ang usapan nila nang dahil sa tunog ng pagbukas ng pinto at isang boses na sumalubong kay Chanyeol.

“Chanyeollie!” Isang lalaki ang pumasok sa office ni Chanyeol na nakangisi at nakabukas ang mga braso, clearly inviting Chanyeol for an embrace. Chanyeol blinks thrice, parang ayaw pa maniwala sa nakikita niya. When it dawns on Chanyeol that this person is real and that he’s literally here, he literally gasps. Seriously?

“Fuck, wait lang, Soo..” Hindi na niya naintay ang sagot ni Kyungsoo at binaba na niya ang cellphone sa table para lapitan ang kaibigan at yakapin nang mahigpit.

“Hoy Ken! Kailan ka pa bumalik?” Chanyeol says excitedly. “Bakit naman hindi ka nagsasabi?”

“Yeol?” Kyungsoo asks on the line, pero walang sumasagot. He can vaguely hear people talking pero he can't make out what they're talking about.

“Ken, I really can’t believe you’re back!”

"Ako rin, Chan! I never thought we'll see each other again."

Sasagot pa sana si Chanyeol pero naalala niyang iniwan nalang pala niya nang bigla nalang ang phone niya sa table. Shit, nakalamutan niya. He rushes to his table.

“Ay teka lang, Ken. May kausap nga pala ako,” Chanyeol takes the phone on his hand and raises his hand to signal Mackenyu to wait for a bit.

“Hello? Soo? Andyan ka pa ba?”

Kyungsoo hums in response.

“Yeol? Sino yung—” Hindi na natapos ni Kyungsoo ang itatanong because Chanyeol interrupted him.

“Wait. Soo. I’m sorry. I’ll explain later. Tawagan ulit kita mamaya ah. I’ll end the call now. Bye.”

 

 

Immediately after he ends the call, he catches up with his friend. Actually, Mackenyu is a long-time friend of his. Sabay silang pumasok sa company pero just a few years back, he was transferred to their branch in Japan. Na-promote ang binata. Nagkikita lang sila ng kaibigan kapag nagbabakasyon si Chanyeol sa Japan o di kaya ay kung pinapadala siya on a business trip sa Japan.

That's why, now that he saw his friend again, Chanyeol felt so elated. Mukhang magtatagal si Mackenyu dito ngayon ah. Ayos, it’s nice to have his closest friend in the company back.

"Mr. Kim requested my return. He wanted me to be in charge of a big project. I guess, six months akong mag-stay dito."

“Wow, ang tagal ah,” Chanyeol smiles mischievously, “Ede pede ka na nyang maayang makipag-inuman?”

 “Gago ka pa rin, Park.” He laughs at his friend, “Alam mo namang g ako sa ganyan, pero not tonight. Dinner with college friends.”

“Yeah, of course,” Chanyeol nods, “Ako rin naman may lakad tonight. Set nalang natin. Matagal ka pa naman dito.”

“You have a date with ‘Soo’?” He emphasized the nickname by quoting it in the air. “Jowa mo ba si Soo?”

 

Natawa naman si Chanyeol dahil sa pagiging observant ng kaibigan. Observant nga ba? Parang more of chismoso ata. “Malapit na.” He confidently grins.

 

Napahalakhak naman si Mackenyu, walang pagbabago. The ever confident Chanyeol Park. He’s still the same. “Yun oh. Pakilala mo ko ah!”

 

He suddenly imagines Kyungsoo meeting Mackenyu, mukhang mag-eenjoy si Kyungsoo na kausap si Mackenyu dahil na rin for sure, maraming tanong si Kyungsoo about Japan.

 

“Sus, yun lang pala..” He winks. Well, it’s true. He intends to do that soon. “Pag napasagot ko na.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Medyo kinakabahan si Chanyeol ngayon. Kanina pa kasi simula nung sinundo niya si Kyungsoo sa hotel ay tahimik na ang binata. Nakapagdinner na sila at lahat ay sobrang minimal lang ng pagkibo at mga reaksyon nito sa kanya. Parang may nararamdaman siyang malamig sa banda rito. Gago, ito na ba ang una nilang LQ? Without the L dahil hindi (pa) naman sila lovers. Hehe.

 

Hanggang ngayon na nanonood na sila ng Deadpool ay wala masyadong kibo si Kyungsoo. Kahit yung mga nakakatawang scenes ay nakatingin lang ito sa screen na kala mo ay hindi niya katabi si Chanyeol. So, nasan na ba yung Kyungsoo na nanghalik sa kanya at sinabihan siyang gwapo? Nasan na siya?

 

Hindi na napigilan ni Chanyeol na i-pause ang pinapanood nila para komprontahin si Kyungsoo. He can’t stand the cold shoulder.

 

“Soo, teka nga muna. Ano bang problema? Bakit kanina ka pa tahimik? May masakit ba sayo?” Chanyeol nervously glances at the man beside him, “O… galit ka ba?”

 

Silence.

 

Yumuko lang si Kyungsoo at napakagat sa labi, na animo’y nagpipigil ng kanyang emosyon.

 

“Soo? Please answer me? Gusto kong maayos ‘to.”

 

Nag-stay ng ilang minuto ang katahimikan bago nakarinig si Chanyeol ng pagsinghot.

 

“Hoy, tangina, bakit ka umiiyak—” Chanyeol visibly panics, he immediately takes Kyungsoo’s face on his hands and he makes him look directly at him. Gamit ang kanyang hinlalaki ay pinunasan ni Chanyeol ang mga luhang kababagsak lang mula sa kanyang mga pisngi.

 

“Soo? Oh my god. I can’t believe it. Did I make you cry? Oh my god, nooo. Don’t cry, baby..” Pinalupot niya ang kanyang mga braso sa maliit na frame ni Kyungsoo at niyakap siya nang mahigpit. Maririnig pa rin ang pagsinghot ni Kyungsoo at para i-pacify ang binata ay hinagod niya ang likod nito.

 

Chanyeol patiently waits until Kyungsoo calms down, he just stayed in that position, with his arms around his. Nakasubsob pa rin si Kyungsoo sa dibdib ni Chanyeol, at ramdam na ni Chanyeol ang pagkabasa ng tshirt niya mula sa luha ng isang binata.

 

After a while, Kyungsoo speaks up, “Naiinis ako.”

 

Since nakasubsob pa rin si Kyungsoo sa dibdib ni Chanyeol, what he just said sounded a bit muffled, kaya hindi agad naintindihan ni Chanyeol ang sinabi ng binata.

 

“Ano yun, Soo? Hindi ko maintindihan.”

 

Hiniwalay naman ni Kyungsoo ang katawan sa yakap ni Chanyeol at medyo nilakasan nalang ang boses. Inulit nito, “Naiinis ako, Yeol.”

 

Nang makita nang mabuti ang itsura ni Kyungsoo, para naman kinurot si Chanyeol sa dibdib dahil namumula ang mga mata at ni Kyungsoo. It slowly dawns on him that he made Kyungsoo cry. God, he feels so awful. “Sakin? Sorry, Soo. Anong ginawa ko? Please tell me, I’m sorry. I’ll make it up to you—”

 

Umiling si Kyungsoo. “Naiinis ako sa sarili ko. Hindi sayo. Naiinis ako kasi… Nagseselos ako. Pero wala naman akong karapatan di ba?”

 

Nagulat naman si Chanyeol sa sinabi ni Kyungsoo. What? Kanino siya nagseselos? Hindi ba very clear naman siya at vocal sa nararamdaman niya? Sinabi pa niya kay Kyungsoo yon. Sobrang liwanag. Mas maliwanag pa sa future nyo. Pero, bakit??? siya??? nagseselos?

 

“Nagseselos ka? Ha? Kanino?”

 

Nahiya naman nang kaunti si Kyungsoo, kaya he answers in a soft voice, “Kanina. Sa kausap mo...”

 

“Kay Mackenyu?” Kumunot ang noo ni Chanyeol, “Bakit ka naman magseselos kay Ken? Eh kaibigan ko lang naman yun?” Oh my god, Kung alam lang ni Kyungsoo ang plano niyang ipakilala si Ken at Kyungsoo sa isa’t isa. Naku, hindi pa pala niya nabring up ‘to baka masungitan pa ni Kyungsoo si Ken.

 

 

“Soo, hindi ba sinabi ko na sayo na I like you? I mean it. Are you starting to doubt my feelings for you?”

 

Kyungsoo vehemently shakes his head in disagreement.

 

“No, you’ve always made your feelings known, Yeol. Pero.. kanina.. when you just ended the call, I got scared. What if that person was from your past and nainip ka na kakahintay sakin kaya you decided to.. you decided to,” Tears suddenly fell from his cheeks, “dump me nalang bigla… when I haven’t told you what I feel.”

 

Chanyeol suddenly remembered that one time na sinabi ni Kyungsoo na natatakot siyang maging mag-isa. Sobrang vulnerable ni Kyungsoo at that time na Chanyeol can’t help but be touched. He just bared himself open to Chanyeol. Tapos.. Tapos ganito pa ang gagawin niya. He feels guilty.

 

To think na siya pa ata ang nagpa-trigger ng fear na yun kay Kyungsoo makes him feel really bad.

 

“I’m so sorry, Soo.”

 

Chanyeol adds, “Hey, don’t worry. Hindi ako mawawala. I like you a lot, and hindi ako ready na iwanan ka, okay? Lalo na’t hindi pa kita napapasagot.”

 

After a while, he asks Kyungsoo again, “Do you believe me?”

 

Kyungsoo nods, “I like you too, Yeol,” Pinagdikit ni Kyungsoo ang mga noo nila ni Chanyeol, bago mag-tiptoe at magnakaw ng halik sa kanya. “...a lot.”

 

Uy, sarap naman.

 

Nang mahimasmasan ay biglang napasigaw si Chanyeol, “Kyungsoo, nakakarami ka na ha!”

 

Kyungsoo’s laughter sounded so good in his ears.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Epilogue

 

 

“So, Chanyeol,” biglang naglapag si Minseok ng isang basong alak sa harap ni Chanyeol. Napalulon naman si Chanyeol dahil ito na ba yon???? Ito na ba yung initiation ng tatay at jowa na nakikita niya sa mga movies? Except that in this case, hindi naman tatay ni Kyungsoo ang kaharap niya kundi ang kuya nito. “Kailan mo balak ayain magpakasal ang kapatid ko?”

 

Humalakhak naman si Sehun sa tabi ni Chanyeol, tumingin pa si Sehun sa jowa niya na si Jongin na malaki rin ang ngiti sa nagaganap ngayon. Alam nilang nagbibiro lang si Minseok, pero nakakatawa pa rin palang panoorin si Chanyeol na hanggang ngayon ay halos manginig ang tuhod sa kaba sa nakatatandang binata.

 

“Hindi kita papayagang pakasalan kapatid ko hangga’t hindi mo ‘to nauubos,” Ngumuso pa si Minseok sa baso ng alak na punong-puno. “One shot ah.”

 

Grabe naman kasi si Minseok, sobrang taas ng alcohol tolerance. Tao ba ‘to? Or more importantly, may atay pa ba si Kuya Minseok?

 

Luh, napakamot naman si Chanyeol sa ulo, sa totoo lang, medyo may amats na siya. Pero if this is what it takes for Minseok to give his approval eh, sige lang. Para kay Kyungsoo.

 

Three pairs of eyes are watching him, kaya napagdesisyunan na nyang sige, inumin nalang. Ge, nang matapos na.

 

Kukunin na sana ni Chanyeol ang baso, nang may naglapag ng isang plato ng pulutan sa table. “Kuya, tumigil ka nga. Tinatakot mo nanaman si Yeol.”

 

Inakbayan ni Kyungsoo si Chanyeol at hinilig ang ulo niya upang pinagdikit ang ulo nilang dalawa, “Maiiyak na ‘tong baby ko.”

 

Ang kaninang seryosong mukha ay nauwi sa gummy smile ni Minseok at ngayon ay tatawa-tawa na. Medyo nakahinga si Chanyeol dun. Nakangiti na rin si Kyungsoo sa Kuya niya like they share a secret.

 

Maya-maya ay nagsalita na si Minseok na labis na ikinatuwa ni Chanyeol,

 

“Ito namang si bayaw, masyadong kabado. Matagal ka nang approved sakin. Oo nalang ni Kyungsoo ang kulang.”

 

 

 

 

Teka, bayaw????????

 

 

 

 

 

Notes:

The poem that Chanyeol mentioned is entitled 'It is Here.' It's a poem by Harold Pinter. You can find the entire poem here.

 

SKL, I've been listening nonstop to Just as Usual while writing this fic, grabe. Gusto ko ata maiyak. Sobrang ganda huhUHUSDHSDU

If you've reached this part, thank you so much and congrats! Yay! Natapos nyo na yung fic. YAYAAYAYYAY.

Please let me know what you think about this fic! <3 Comments and feedback are appreciated! Also, if u wanna talk and spazz about chansoo, you can find me here on twt: @ chansooism!