Actions

Work Header

Ihahatid Kita

Summary:

"What if he's staying because of the familiarity? I just want him to be able to see the world more. Ayokong dumating ang araw na kamuhian niya ako dahil marami siyang hindi natupad dahil palaging ako ang inuuna niya, Mild. I don't want that. I just want him to choose himself this time; I want him to see the world beyond my existence."

Chapter Text

“Mahal, I’m home!” bati ni Mew mula sa pintuan ng apartment nila.

Bilang day-off ni Gulf, dali-dali niyang sinalubong ang boyfriend niya, sabay kuha sa bag nito at niyakap ito nang mahgpit.

“Kamusta work mo today, mahal?” tanong ni Gulf.

“Okay lang naman, ganon pa rin, daming paperworks dapat tapusin kasi end of the week na naman,” sagot ni Mew, sabay ng hingang malalim at umupo sa sala.

“Nga pala, pinapabigay ni Ate Abby,” iniabot naman ni Mew ang cookies na binigay ng kanilang landlady.

Kinuha ni Gulf ang cookies at kumuha ng isa. “Hala, ano’ng date na ba ngayon? Malapit na ba due date ng renta sa bahay?”

Napangiti naman si Mew, “Nag-advance na ako ng bayad, mahal,’wag ka mag-alala, settled na tayo for 2 months,”

“You’re the best, love you,” kiniss ni Gulf si Mew sa pisngi at tumayo na ito papuntang kusina.

“Maligo ka na, Mew, magluluto na ako ng adobo,”

“Yay, thank you, baby, sige ligo muna ako,” tumayo na rin si Mew sa sala at dumaan muna sa kusina upang yakapin ulit ang nobyo at tsaka dumiresto na sa kwarto nila.

Pagkadating ni Mew si kwarto nila, kumuha muna siya ng mga damit at tsaka umupo sa bedside table niya upang ayusin ang mga ito nang biglang nag-alert ang phone niya na meron siyang message.

From: Sir Tul

Mew, I hope pag-isipan mong mabuti ‘yung offer sa’yo, once in a lifetime rin ‘yon. Hope you agree to it!

See you tomorrow.

Huminga nang malalim si Mew at naglakad papunta sa shower.

Paano niya sasabihin kay Gulf?

Pagkatapos niyang maligo at magpalit ng damit, umupo muna siya sa kama nila, nag-iisip.

Binigyan siya ng offer ng kanilang kompanya para makapag-training para maging senior associate.

“Mew, ikaw lang ang bibigyan ko ng offer na ito, kasi nakikita ko ang pagpupursige mo,” sabi ni Tul.

Tumango naman si Mew, “Pag-iisipan ko pa po, sir, mauna na po ako,”

“Mew!” tawag ni Gulf mula sa baba, pero hindi siya narinig ni Mew na malalim pa rin ang iniisip. Nang hindi bumaba ang nobyo, pumunta si Gulf sa kwarto nila, nag-aakalang nakatulog ito.

“Mahal, kanina pa kita tinatawag,” tugon ni Gulf.

Natauhan naman si Mew, “Ay, sorry, mahal, hindi kita nairinig,” at bumuntong-hininga.

“Okay ka lang ba? Ang lalim naman ‘ata ng buntong-hininga mo,” nakangiting tanong ni Gulf sa kanya.

Napayuko naman si Mew at tinanong ang sarili: ngayon ko na ba sasabihin?

Tumango muna siya at tinignan si Gulf na nakangiti lang sa kanya.

Mamaya na, di ko pa kaya.

“Ah, wala lang, mahal. Stress lang ‘to sa trabaho, ‘lika na, kain na tayo,” sabay kuha sa kamay ni Gulf at hinila ito palabas ng kanilang kwarto.

Bilang 5 years na silang mag-jowa, alam ni Gulf na may tinatago si Mew, pero hindi niya muna ‘to pipilitin. Alam niyang sasabihin rin ‘to ni Mew sa kanya.

Kumain lang sila at nagkukuwentuhan tungkol sa mga trabaho nila.

“Gulf, ako na maghuhugas ng pinggan, dun kana sa sala. Friday ngayon, movie night natin, pili ka na ng movie, susunod ako,” sabi ni Mew habang nagliligpit ng pinagkainan.

“Mew, okay lang ba if Love, Rosie yung panoorin natin?” tanong ni Gulf mula sa sala.

“Sure, baby! Malapit na ‘ko matapos dito,” sagot ni Mew.

Tahimik lang silang nanonood ng pelikula, ine-enjoy ang gabing magkasama lang silang dalawa kasi madarang na itong mangyari dahil sa sobrang busy nila paareho.

Pagkatapos ng pelikula, ramdam pa rin ni Gulf na may dinadala si Mew. Hindi niya ito kinulit pa, pero siniksik niya lalo ang mukha nya sa leeg ni Mew at paulit-ulit na nag-peck sabay sabing, “I love you.”

Okay, sasabihin ko na.

Hinigpitan lalo ni Mew ang pagkakayakap niya kay Gulf bago siya bumaangon sa pagkakahiga nila habang si Gulf nanatili pa ring nakahiga.

Huminga ng malalim si Mew at sinabing, “G, inoffer sakin ni Sir Tul ang position for senior associate,”

Napabangon naman si Gulf at yumakap kay Mew, “Oh my god, love! Congratulations! Ba’t parang di ka masaya? Diba sabi mo na --”

Hindi na natuloy si Gulf nang nagsalita muli si Mew, “Inoffer niya sakin ang posisyon, pero kailangan kong mag-training sa Australia ng 3 years,”

Hindi agad naka-imik si Gulf.

“Hindi ko naman tatanggapin eh, ang hirap kaya pagwala ka,” patawa niyang sabi at niyakap si Gulf.

“No. Tanggapin mo, Mew,” nilingon ni Gulf si Mew at matipid na ngumiti bago tumayo papunta sa kitchen.

“What? Gulf, ayoko. Ayokong malayo sa’yo,”

“Inaantok na ‘ko. Bukas na natin yan pag-usapan,” sagot ni Gulf.

Pagkatapos iligpit ni Mew ang mga gamit nila sa sala, dumiretso na siya sa kwarto nila at nakitang nakatalikod ang posisyon ni Gulf sa kanya.

Alam niyang ayaw ni Gulf sa offer na ibinigay ni Tul sa kanya. Ramdam niya, alam niya yun dahil naalala niya nung naikwento ni Gulf kung paano sila iniwan ng tatay niya para mag-abroad pero hindi na ito bumalik.

Naiintindihan ni Mew ang takot ni Gulf na baka maiwan na naman siya ng taong mahal niya.

Mahal na mahal niya si Gulf, kaya’t okay lang sa kanyang hindi tanggapin ang offer ni Tul, kasi siya na lang ang natitira kay Gulf at ayaw niyang saktan ito.

Humiga na rin siya at dahan-dahang niyakap si Gulf.

“I love you, baby, dito lang ako,” hinalikan niya muna ang balikat nito bago higpitan ang kanyang yakap.

 


 

Sa mga sumunod na araw, madalang na lang silang nagkakasalubong ni Gulf.

Pagkagising niya, wala na ito; pagkadating niya naman sa bahay, minsan tulog na si Gulf, minsan naman, late na umuwi. Alam niyang iniiwasan siya nito. Kaya’t naghintay siya ng Friday, araw ng day-off ni Gulf at nagset siya ng leave para magkausap na sila.

Unang nagising si Mew at bago siya naghanda ng almusal, kiniss niya muna ang natutulog na si Gulf sa noo.

Pagkatapos niyang maligo, nagluto na siya ng almusal at saktong-sakto pagkatapos niyang naihanda ang la mesa, nagising na rin si Gulf.

“Good morning, baby,” sabi ni Mew at sinalubong si Gulf ng backhug.

Hindi umimik ang binata at nagtanong, “Wala ka bang pasok?”

“No, mahal. Nag leave ako today. Gusto kasi kita makausap eh, nung tungkol sa napag-usapan natin nung nakaraan,”

“Okay,” tipid na sagot ni Gulf.

“Pero mamaya na. Kain muna tayo, pinaghanda kita ng breakfast,” sabi ni Mew sabay hila kay Gulf papuntang kitchen.

Tahimik lang silang kumakain, halata ang tension sa apartment nila.

Pagkatapos nilang magligpit ng kinainan, naligo muna si Gulf at naiwan si Mew sa sala, nagbabasa.

Nang matapos si Gulf, dumiretso na rin siya sa sala at binuksan ang tv kahit halata namang hindi siya nanonood sa kung anong palabas man ang meron. Habang si Mew naman ay pasulyap-sulyap rin sa kanya, halatang gusto na itong kausapin pero hindi niya alam kung anong sasabihin.

Maya-maya, nagsalita na rin si Gulf.

“Mew, maghiwalay na tayo,”

Hindi umimik agad si Mew.

“A-ano yun, mahal?”

“Maghiwalay na tayo,”

Hindi napigilan ni Mew na maluha, “Mahal naman eh, sabi ko naman sa’yo, ‘di ko na yun tatanggapin, dito lang ako sa tabi mo, promise,” sabi niya habang mahigpit na nakayakap kay Gulf.

Hindi nagpakita ng kahit na anong emosyon si Gulf at pilit na kumawala sa mga yakap ni Mew.

Gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya pero hindi niya kaya. Pangarap ni Mew ang pinag-uusapan dito at ayaw na ayaw niyang maging hadlang siya sa pagkamit ni Mew nito. Sa loob ng limang taon, palagi siyang inuuna ni Mew sa lahat ng bagay, kaya’t ngayon, kahit kailangan niyang bitawan ang kamay ng kanyang pinakamamahal, gagawin niya, kasi alam niyang marami pang makakamit si Mew.

“Ikaw, kung hindi mo yun tatanggapin, desisyon mo na yun. Pero makikipag-hiwalay pa rin ako. Aaayusin ko na yung mga gamit ko para makalipat na ako kay Mild sa Linggo,” sabi ni Gulf at tumayo na, akmang aalis.

Bigla siyang niyakap ni Mew sa likuran ng sobrang higpit.

Mew, wag mo na akong pahirapan, please.  

Humihikbi si Mew, “Mahal, ‘wag mo kong iwan, please. Please, G. Hindi naman ako nagrereklamo, eh. Kahit maghirap ako sa trabaho dito, okay lang basta dito ka lang sa tabi ko. Mahal, please?”

Hindi napigilan ni Gulf na maiyak.

“Mew, matagal mo na yang pangarap. Ito na yun eh! Hinding-hindi kita pwedeng pigilan, ang tagal mong naghintay, Mew tapos sasabihin mong ayaw mo? Dahil lang ayaw mo akong maiwan? Mew, ayokong dumating ang araw na kamuhian mo ako kasi pinigilan kitang abutin ang pangarap mo,”

Kumalas si Gulf sa pagkakayakap sa kanya ni Mew at dumiretso sa kwarto.

Naiwan namang nakaupo si Mew sa sahig nila, umiiyak.

Nakasandal lang si Gulf sa pintuan, pinakikinggan ang pag-iyak ni Mew.

Sorry, mahal ko. Sana maging mabait sa atin ang tadhana sa susunod na habang-buhay.