Work Text:
“Welcome to the 'first love serye' dito sa Neo Channel!” Maligayang saad ng host ng video para sa kauna-unahang episode ng panibago nilang show sa telebisyon.
“Mayroon tayo ngayong special guest, kasing special ng pasobra sa rebisco, Yuta Nakamoto!” Malakas na hiyawan at palakpakan ang narinig sa buong studio, itinutok ng cameraman ang camera sa artista.
Labis na mapapansin ang awra nitong makakapagpanginig ng tuhod kahit wala kang rayuma. Ang ngiti nitong nakakalaglag panty ayon pa sa mga fans nito. Ngunit hindi nakilala si Yuta sa showbiz dahil sa tinatangi nitong kagwapohan, kundi dahil sa talento nito sa pag-arte, pagkanta, at pagsayaw.
Kumaway ang binata sa mga nanonood ng live at sa camera. Ngumiti muna ito bago magsalita. “Hello everyone, are you all having a good day?” At mas lumakas pa ang hiyawan ng mga audience. Napatawa nalang ng mahina si Yuta sa naging reaksyon ng mga fans niya.
“Kung mapapansin niyo, nandito ako ngayon bilang first ever guest ng show ni Taeil hyung . I also don't know why I'm here pero dahil may tiwala ako kay hyung , I know everything will turn out great.” Matalik na magkaibigan ang dalawa kahit sa likod ng camera. Lagi silang nahuhuli ng madla na gumagala ng magkasama..
“Masyado ka naman yatang naging komportable, Yuta. Paalala, isa itong palabas tungkol sa first love.” Tumango naman ang artista sa kaibigan kaya nagpatuloy na si Taeil sa pagsasalita.
“We have questions for you here to answer and a surprise later, are you ready?” Tanong ni Taeil kay Yuta habang nakangisi at excited na siyang matanong ang kaibigan.
“I was born ready.” Sagot naman ni Yuta, ngunit hindi ito mapakali. Alam niyang palabas lang ito, pwede siyang magsinungaling, ngunit hindi ito papatulugin ng konsensya. Kinakabahan man at nanginginig, ngumiti si Yuta sa camera at hinanda ang sarili upang sagutin ang mga tanong ng makatotohanan.
“Baliw, huwag kang kabahan, 'di naman kita isasalang sa isang mainit na fast talk.” Biro pa ng kaibigan nito na siya namang inasar pabalik ni Yuta. “Pasensya na, kamukha mo kasi si Tito Boy.”
Nang marinig iyon ni Taeil, agad niyang tiningnan ng masama ang kaibigan at tsaka inirapan. Hindi na siya nagsalita pa at baka mamura niya ito habang nasa shoot. Tumingin nalang ulit ito sa script na nasa kamay at tiningnan ng nakangiti si Yuta.
“When did you have your first love?”
“I had my first love back in my first year in junior high...”
“Hoy Yuta! Tangina mo, sabi mo pupunta tayo kina Kuys Heechul para maglaro ng LOL?” bungad ng kaibigan ni Yuta na si Jaehyun. Nasa harap nito ang bag at may hinahanap sa maliit na bulsa ng bag.
“Si Sir Siwon kasi, pinalinis pa ako ng classroom kasama 'yong masungit nating kaklaseng si Kim.” Nakasimangot na reklamo ni Yuta sa kaibigan. Nakaupo ito sa bench malapit sa soccer field at nakatingin sa mga naglalaro. Napansin naman ni Jaehyun at pagkatulala ng kaibigan sa mga naglalaro kaya agad nitong tinanong ang hapon.
“Ayaw mo ba talaga sumali?” Napaigtad naman si Jaehyun ng bigla siyang hinarap ng kaibigan na may malungkot na ngiti. Tumigin ito sa langit at sinagot ang tanong ng kaibigan kahit labag sa loob nito.
“Nangako ako kay Mama na mag seryoso na ako sa pag aaral.”
Malungkot namang tumango si Jaehyun at hinayaan ang kaibigan na mapag isa muna.
“Were you two close? Friends perhaps?” Nakatabingi na ngayon ang ulo ni Taeil at hinihintay ang sagot ni Yuta.
“No, we were mortal enemies.”
“I GOT STUCK IN TRAFFIC, ANO BANG HINDI MO MAINTINDIHAN DOON, MR. PERFECT SSG PRESIDENT?” Sigaw ni Yuta sa presidente ng council nila. Napataas naman ng kilay ang sinisigawan nito, mas lumapit ito kay Yuta at hinawakan ito sa kwelyo.
“I may look like calm and composed, but don't test my patience, Mr. Nakamoto, I bite.” Agad din nitong binitawan ang kwelyo ni Yuta at pinagpagan ang suot na uniporme, sumenyas ito sa VP niya at nagsalita.
“Ilagay mo 'yan sa listahan, palagi nalang nakakaalis ng maaga 'yan dahil kaibigan niya 'yong pinapapabantay ko. Ako babantay mamaya sa kaniya sa detention room. ” Lumaki ang mga mata ni Yuta sa sinabi ng kaharap. Magsasalita na ulit ito nang biglang nagsalita ulit si Doyoung, ang presidente ng SSG.
“Don't try to answer back, baka magsisi ka lang.” As Doyoung walked away, nanlilisik ang mga matang sinuot ni Yuta ang bag na nasa sahig dahil tinapon niya ito sa sobrang galit. Napaisip nalang siya kung gaano kapanira sa buhay ang presidente.
“Then how did you guys realize that you were in love, oh wait let me ask you another question first, where did it all start?”
“Well... ”
‘Bakit kasi siya pa 'yong magbabantay? Kung si Taeyong sana edi mas maaga akong makakalabas tapos may makakausap pa ako. Tangina naman.’
Napamura nalang sa isip sa Yuta kasabay ng malalim nitong paghinga na agad namang napansin ng kasama.
“What's with the heavy sigh? You really hate me that much, huh?” Pag-iingles ni Doyoung kay Yuta.
“Ako pa tinanong mo niyan eh lagi ka ngang nakabusangot kapag napapadaan ako sa harap mo para lumabas at pumuntang cr?” Medyo naiinis na saad ni Yuta.
“Are you really that oblivious, Nakamoto Yuta? ” Napataas naman ang kilay ng hapon sa isinaad ng kaklase. Hindi ito makapaniwala sa salitang binintang ng kaharap sa kaniya.
“I know that I am not smart like you, pero ang sabihin mo ako ng oblivious? Medyo nakakaoffend ka na ha?” He was hurt. Alam niyang masakit magsalita ang binata pero hindi niya inakalang aabot sa puntong sasabihan siya ng ganoon.
“Be offended. You don't even know how hurt I am every time you ignore me, everytime you glance at me as if we don't know each other!” Galit na sigaw ni Doyoung. Ilang taon niya rin itong itinago sa sarili ngunit dahil nasa harap niya na ngayon si Yuta at sila lang dalawa ang nasa loob ng kwarto, tila hindi na nito napigilan ang sarili.
“Bakit? Sino ba ang naunang lumayo? Diba ikaw? Huwag mong isisi sa akin ang desisyon mo, Dons. Hindi ako ang nagsabing itigil ang pagkakaibigan natin, pinapaalala ko lang sa'yo na ikaw ang nagsabi no'n. Ikaw ang pumunit sa pahina na ilang taon na nating naumpisahan, at ang masakit pa, ganoon mo lang kadaling nagawa iyon.” Mahabang usal ni Yuta. Kung aalamin mo ang buong nangyari, makikita't makikita mo na sa away na nangyari, si Yuta ang lubos na naapektuhan.
Biglang nanghina ang tuhod ni Doyoung at napaluhod ito, may sinabi itong mga salita na mas nagpabigat sa dibdib ni Yuta.
“I love you, always and forever. Please forgive me for my decisions. I didn't intend to hurt you, I'm so sorry, Yuta. Please forgive me..”
Sa kadahilanang hindi nakayanan ni Yuta ang nararamdaman, iniwan niyang magisa si Doyoung at tumakbo palayo. Narating niya ang soccer field. Napatingin siya sa kalangitan habang tumutulo ang kaniyang mga luha.
‘Senyales na ba 'to na kailangan ko na siyang bitawan?’
“So inamin niya na may nararamdaman pa rin siya sa'yo at ganoon din ang nararamdaman mo?” Pag-uusisa ni Taeil kay Yuta. Tumango naman ang hapon tsaka sumagot.
“Yes, but everything was already too late. I was already broken into pieces and I might vanish if I continue to love him.” Yuta was in pain. He lost his mother, as well as the person who made him feel safe. Napatingin sa Taeil sa kaibigan at napayuko nalang. He knows that things might get awkward but they need to follow the script. Kaya kahit ayaw nitong sundin ay ginawa niya pa rin.
“You didn’t have a chance to clear it up, right? So let’s call on, Doyoung Kim. Nakamoto Yuta’s first love and rival in the showbiz industry.”
A tall, fit, and good-looking man came from the backstage with a beautiful smile.
Naupo ito sa tabi ni Yuta at napa sulyap sa katabi. Their eyes met and they both felt a random emotion, and they both know what it is.
“Are you guys okay now?” Tanong ni Taeil.
SI Doyoung ang sumagot, “We have a civil relationship.”
“What do you mean by that?” Tanong naman ulit ni Taeil.
Doyoung glanced at Yuta and a sad smile plastered on his face.
“He’s engaged to my cousin, Jung Jaehyun.”
Everyone inside the studio was shocked. Not only because of what they heard but also because they realized something.
“He’s going to be my cousin-in-law soon.”
Doyoung smiled and looked at Yuta. Both of them knew that things between them weren’t the best but at least it was a happy memory.
“Yeah, we’ll be a family soon.” Sagot naman ni Yuta at nginitian si Taeil.
Yeah, family. Doyoung thought.
