Work Text:
With one last knot of thread in the suture, patapos na ang emergency operation ni Baekhyun. “Alright, Doc Kang, please finish Mr. Seo’s operation up.” At ipinalibot ang mga mata sa mga crew na nasa loob ng operating room. “And great job team!” With one last look, he pulled on a warm smile to everyone and left.
A soft sigh escaped his lips as he cleans himself. Buong araw siyang labas-masok sa OR. Lahat, emergency cases. Hindi maitatanggi ang pagod sa katawan but he feels fulfilled. He loves what he is doing. He loves saving people.
Saktong pagkalabas niya sa ensuite bathroom ng kanyang opisina nang tumunog ang kanyang cellphone. “Shit, si Patrick!” He opened the message and reads,
B, okay ka lang ba? Hindi ka na nagreply after nung 6PM text mo. Please call me immediately when you see this.
Baekhyun scanned the digital clock on top of his desk and cursed under his breath when he sees that it’s already half past 8. Halos tatlong oras nang naghihintay and kanyang fiancé. Mayroon silang cake tasting ng 6:30 at nakalimutan niya ito dahil sa isang emergency surgery sa isang pasyente.
Dali-dali niyang tinawagan ang kasintahan.
“Oh my god, B! I’m so sorry. Kakatapos lang ng emergency surgery ko— trauma, car accident. Nakalimutan ko yung appointment natin, sorry.”
Chanyeol chuckled on the other line. “Kalma, Baby. It’s okay, I have taken care of it. Ni-request ko na lang ‘yung favorite mong flavor ng cake. Na-finalize na rin yung menu ng meal, everything’s fine so don’t worry about it.”
Nakahinga naman ng maluwag ang Doctor, isa pa kasi sa worry niya ang pagkaabala ng kanilang coordinator. The wedding is in two months at medyo atrasado na sila sa preparations. As both doctors kasi— he’s a General Surgeon and Chanyeol’s an Anesthesiologist, they can hardly find the time to meet the people whose helping them for their wedding together. At yun nga, hindi pa siya naka-attend ngayon because of ‘call of duty’. Buti na lang, sobrang pasensyoso ng boyfriend niya.
“Thank you, B. Sorry ulit. Saan ka na niyan?”
“I’m at our usual place. And dinner’s ready, nakaorder na ako ng favorite mo. Halika na dito!”
Natuwa si Baekhyun sa sinabi ng fiancé, this is the treat that his body needs after a long day of work. “Ugh, you are the best talaga! Kanina pa ako gutom! Okay, I’m almost done here, be there in 20!”
Pagkababa ng linya ay nagmamadaling kinuha ng doktor ang kanyang satchel bag at umalis.
“B, here!” Kumakaway na bati ni Chanyeol pagkapasok ni Baekhyun sa restaurant na madalas nilang puntahang magkasintahan simula nang magtrabaho sila sa St. Luke’s Hospital. Agad siyang ngumiti at bumati din ng kaway habang naglalakad palapit sa kanilang pwesto.
Hindi maikakailang gwapo ang kanyang kasintahan. Usap-usapang walking heartbreak si Chanyeol simula freshie days nila sa college. Bilugan ang mata, maliit ang mukha, mapula-pula ang labi at may dimple sa kaliwang pisngi kapag nakangiti. Matangkad din ito na mas lalong nakadagdag sa appeal nito. Sobrang maporma din, ibang-iba ang kasuotan bilang si ‘Doc Pat’ at bilang si Mr. boy-next-door Chanyeol Patrick Park.
Pormadong pormado ito ngayong gabi sa kanyang suot na black cotton shirt na pinailaliman ng black ding bummer jacket at sombrerong nakasuot patalikod sa ulo. Hindi mo aakalaing 35 years old na ito. Samantalang si Baekhyun, ayun, pormadong pormal sa kanyang striped blue and white polo at slacks na puti.
“Ang gwapo mo naman dyan, I’m Baekhyun by the way.” Asar niyang bati pagkatapos maupo na ikinatawa naman ng kaharap.
“Loko ka talaga, B. Let’s eat before you talk. Lalamig na ‘yung soup mo.”
They ate the dinner in silence, magkakatinginan at magngingitian o kaya ay maglalagay ng pagkain sa plato ng isa at vice versa.
“Alam mo ba, there were new interns in the GS. Nakakatuwa na bibo at proactive sila, Ridge had a headache dealing with them.” Natatawa niyang umpisa habang ngumunguya pa ng carabeef meat. “And then during one of my emergency surgeries, nagkukumpulan sila sa may pinto, sumisilip sa loob ng OR. Tinanong ko sila kung sinong hinahanap nila, ang sagot ba naman sa akin, ‘yung gwapong Anesthesiologist po.” Baekhyun squints his eyes as he waits for his boyfriend’s reply.
“Sus, ako lang ‘to Baekhyun.” Chanyeol says as Baekhyun mouths it simultaneously. The two both broke into fits of laughter. “Loko ka talaga.”
“Sabi ko ulit, sinong gwapong Anesthesiologist? Wala akong kilalang gwapo diyan.” He paused as he chuckles. “‘Yung mukha ng mga bata, parang na-scam. Oh my god, muntik pa ako malate sa operation ko.”
Pinanliitan siya ni Chanyeol ng mata habang nakahalukipkip at sumandal sa pagkakaupo. “Sigurado ka, walang gwapo sa Anest? Sa pagkakaalam ko, patay na patay ka nga doon sa isa eh.” He slurs with a lopsided smirk on his lips.
And Baekhyun mirrored his fiancé’s stance. “You got it wrong, boy. ‘Yung Anesthesiologist ang may gusto sa akin, hello!?” He scoffs as he maintains a knowing smile. Akala mo’y ipinagyayabang ang sariling anak nito.
Chanyeol made a face as he contemplates. “Hm, fine. Magiging Park naman na ‘yung GS na ‘yun in two month’s time. It’s still a win for the Anesthesiologist.” He beamed in glee as he slides his arm towards Baekhyun. Chanyeol Patrick took the man’s hand and feels the ring on Baekhyun’s slender finger, the small cut of diamond on top blinding both of their eyes as it glistened on the restaurant’s chandelier.
“In two month’s time.” Baekhyun answered as he mimick his fiancé’s wide smile.
Labing dalawang taon na silang magkasintahan. It goes way back to their Med days, clerkship nila on their last year as Med students and Baekhyun just felt it. ‘Yung tamang timing for things. Oo, they have been classmates since undergrad sa UP Baguio, both BS Biology majors, buddies sa bloc at sa orgs. Never napaghiwalay, hanggang ngayon (and hopefully, for the rest of their lives in two months).
And since then, Baekhyun felt great. Chanyeol is a good friend, teammate and colleague through and through. He was just so lucky that Chanyeol Patrick has been his everything, the all-rounder constant sa kanyang buhay as a student Baekhyun, and as Baekhyun, himself, in general outside acads. Chanyeol has been and is still there after all this time, after all the important milestones Baekhyun had achieved. So it won’t hurt if they move forward with their lives still together, bonded by matrimony right?
“Bakit ba kasi andaming arte ng hiwalay muna bago kasal? We have been living in for 5 years, B.” Chanyeol whines as soon as he stopped the car in front of Baekhyun’s apartment. Eto kasing si Baekhyun, naisipang gumawa ng living apart set up three months ago. Kesyo, it is five months of living alone to think things through further about their marriage, to keep each other excited for the wedding day at kung anu-ano pang pauso ng isang Baekhyun Paolo. He’s that extra and random.
“Ssh, Chanyeol Patrick, two months na lang. Hindi makahintay?”
“Eh”
“Eh? Ay naku, this has been a long talk, pumayag ka na din. What is two months more, right?” Natatawa niyang saad and leaned towards his fiancé to kiss him goodnight on the lips. “You should go, you have an early operation tomorrow, right?”
Nakanguso pa rin ang matangkad niyang kasintahan na ikinangiti niya. “Chanyeol Patrick Park, I am getting impatient too, ngayon pa lang nami-miss na rin kita agad. And that anticipates me more! I honestly can’t wait to be your husband. But for now, good night. Bye!” Bumaba siya sa passenger seat nang tumatawa, akala mo walang confession na binitawan. Habang si Chanyeol, na-estatwa sa may driver seat, it took him a minute to recover, flushing.
“Humanda ka talaga sa akin sa wedding night, Byun, makikita mo.” Chanyeol has his glinting eyes towards Baekhyun, nanghahamon. The man had his spine tingle, napalunok din siya. Iba na kapag naghamon ang boyfriend niya.
“Mukha mo, sige na. Drive safely. Text me when you get back. Love you.” Kaway niya habang hinihintay umalis ang binata. He heard his boyfriend honk the horn of his Terra twice as he sped off. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ni Baekhyun.
Hinintay niyang magtext si Chanyeol bago siya magkandado ng front door. His unit is where they had decided to live together for five years bago nga lumipat muna si Chanyeol sa bachelor’s pad nito sa may Ortigas dahil nga sa five month weird set up (nila) ni Baekhyun.
Nakapaghilamos na rin siya at naglalagay na lang ng skincare products bilang nightly routine niya when his phone beeped twice for a message and an email. The text message and email was both from Dr. Jung, GS Department’s Center Chief. He was telling Baekhyun to check his email and to call him right after he reads it.
Isang invitation letter for a medical conference addressed to Baekhyun ang laman ng email. It was the same conference he is supposed to present his study thesis for next year! Bakit napaaga? Napalunok din siya ng makita ang petsa ng activity. It falls on the week of his wedding!
His night moisturizer forgotten, he called his Center Chief in anxiousness. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at halos hindi magfunction ang isip niya. Good thing Dr. Jung picked his call up immediately.
“Good evening Doc Byun, buti nabasa mo agad yung messages ko. I was about to call you for a good news when I received my kumpadre’s email regarding your conference in January na it wil be rescheduled to an earlier date. Ano, kaya mo ba matapos yung revisions ng study mo before the event? We need to finalize it before you can present it. And right, I talked to Director Kim this afternoon and he told me that you can be promoted as the head surgeon of the department after mo mai-present ang thesis mo sa conference. Congratulations!”
Baekhyun Paolo Byun stopped functioning after those words by his Senior. It was not just an information overload, it had also caused an emotional turmoil over his dead tired body. He never uttered a word until he heard his Chief said “Let’s talk about this in person. Drop by my office tomorrow. Congratulations again!”
It’s almost midnight at nakatulala pa rin si Baekhyun. He was delighted by the fact na one step na lang at makakamit niya na ang goal niya (for now) na maging Head Surgeon ng General Surgery Department. He took the long way to get to this part. And now, it’s here, hinihintay na lang siya. Yung pangarap niya na mismo ang naghihintay sa kanya, isang hakbang ang layo mula sa kanya. But a speck of memory crossed his mind.
Chanyeol.
His wedding with Chanyeol overlaps with his Conference schedule to present!
Hindi pinatulog si Baekhyun ng pag-iisip. If he is going to be really honest, hati ang kalooban niya. Sampung taon niyang trinabaho ang maging Head Surgeon ng Department nila. Hindi man ito ang pinakaunang goal niya pagkapasok pa lang sa St. Luke’s, hindi ibig-sabihin na bibitawan niya na agad ang ganitong opportunity.
Baekhyun is an over-achiever. Kung kayang pangarapin at abutin, gagawin niya ang lahat ng makakaya, kasi why not, diba?
Hindi biro ang mga pinagdaanan niya para makarating sa kung nasaan siya ngayon. Iginapang niya ang pre-Med at Med proper. Hindi ganun kaginhawa ang kinagisnang buhay ng lalaki pero sinikap niyang makapagtapos, at kumapit sa mga scholarships na pwedeng apply-an upang maipagpatuloy ang Medisina sa UP College of Medicine.
Oo, hindi lang talino ang naging puhunan ni Baekhyun. He got to where he is now with sole determination and perseverance. At natutuwa siyang after all this time, he’s now reaping what he had sowed.
Pero si Chanyeol.
Two months na lang, prepared na rin lahat ng kailangan para sa kasal nila. Kung tutuusin, petsa na lang ng kasal ang hinihintay nilang dalawa to formalize their union and be with each other for the rest of their lifetime.
Pero sumakto pa sa wedding day nila and schedule ng conference niya.
And he knows that he can’t choose both.
He can’t also give both up.
But he needs to choose. He has to do it.
Kaya’t pagod at puyat man, he has to push forward with his day. May dalawa lang naman siyang minor emergency surgery na natapos din bago maglunch. Just in time so he can attend his luncheon meeting with their Center Chief.
He had already decided. He spent his night weighing his options. At na-conclude niyang pwedeng ipagpaliban muna ang isa to give way for the other option. Wala siyang ginive up, wala rin siyang pinili.
“Doc Jung” bati niya sa matanda habang nakikipagkamay. Sa isang Japanese restaurant napiling magbook ng kanyang Senior colleague.
“I’m glad you’ve made up your mind, Doc Byun. I’m well-aware na magco-coinside siya with your wedding date but I can’t let you give this up. This is an important factor for you to achieve another milestone! Head Surgeon, Baekhyun! Congratulations!”
Nangingiting tumango lamang ang nakababatang doktor. Sa katunayan, hindi niya masyadong madama ang celebratory atmosphere. Nalulungkot din siya dahil maipagpapaliban muna ang kasal nila ni Chanyeol. Na kanilang hinintay ng ilang taon. Pero siguro, hindi naman masama ang maghintay ng kaunti pa? Doon din naman ang punta nila. He is sure his fiancé will understand his circumstances.
“It’s my pleasure, Doc Jung. But I have yet to talk to Doc Park regarding our wedding schedule. Thank you din po for giving me this opportunity to be able to represent the hospital in the International Forum.”
“Of course, ikaw lang naman ang karapat-dapat doon. Kaya I am expecting so higly that you will do excellently. Kumusta na ba ang study mo? Do you need any help? I can always help, you can always tell me.”
Nakakataba ng puso ang suportang natatanggap niya. Sobrang fulfilling na nare-recognize ang mga pagsisikap niya to render quality and efficient medical care not just as his profession but also as his mission in life.
“I’m actually done with it, Doc Jung. Konting revisions na lang at mafa-finalize na siya. There is nothing to worry about it. Mabuti nga po at na-ready ko na siya at umabot sa pagkakareschedule ng conference.”
Tumango-tango ang matandang doktor habang nginunguya ang noodles ng order na Yakisoba. Halatang nasiyahan sa report niya. “That’s good to hear. You can take your time finalizing the study and your presentation. I’ll be talking to your immediate supervisor at bawasan ang scheduled operations mo. You’ll just be attending to your current patients so you can focus on your work.”
Muntik na siyang mabulunan sa kinakain niyang gyoza, sobra-sobrang suporta ang ibinibigay sa kanya. “I can’t take that, Doc. It’s really okay even with my current workload. Kayang-kaya ko naman pong matapos bago ang conference. I can totally manage, Doc Jung.”
“No I insist. This is the least that St. Luke’s can give to support you. Goodluck ah, and ngayon pa lang, binabati na kita ng ‘Congratulations, Head Surgeon Byun’.” Asar ng Center Chief nila na ikinatuwa niya.
“Thank you, Doc.” Maliwanag at malaki ang ngiting isinukli niya. He can’t wait to share the news with his fiancé.
Dala-dala ang pinalutong bulalo sa kaibigang chef, magaan ang bawat hakbang ni Baekhyun papuntang office ng kasintahan. Mayroon itong scheduled operation kaninang umaga at kani-kanina lang ito nakapag-scrub out. Brain surgery, at ito ang umagapay sa kaibigang si Doc Zhang ng NS. Bukod pa bilang Anesthesiologist, nagpakadalubhasa din si Chanyeol sa Neuro Surgery. Sa edad na 35, masasabing accomplished na ang fiancé at sobra siyang proud para dito.
Naririnig niya ang lagaslas ng tubig sa loob ng ensuite bathroom nito. Sakto lang ang pagdating niya, makakahigop pa ang lalaki ng mainit na sabaw. Paborito pa naman ni Chanyeol Patrick ang bulalo.
Naihain na ng doktor ang mga pagkain ng lumabas ang kasintahan. Nakasuot na ito ng casual black shirt at jeans habang may nakasukbit na twalya sa leeg na ipinampupunas sa buhok nitong basa pa.
“Sakto, let’s eat na B! Kakadeliver lang ito ni Soo.” Yaya niya sa fiancé, halata sa mukha nito ang pagod ng halos buong araw na surgery.
“Uy, bulalo! Just what I needed!” Excited na bulalas nito, medyo namamalat pa ang boses. Kinuha nito ang plato at kutsara sa kamay ni Baekhyun at nagsandok na ng kanin. “Grabe sobrang pagod at gutom ako. I had to talk to the patient para hindi makatulog. And I’m glad the operation was successful, pwede ko siyang masama sa study ko.” Dagdag nito nang makahigop ng sabaw and grunted contentedly afterwards.
Nakangiting pinapanuod ng GS Doctor ang kaharap. Magana itong sumusubo at lumalaki pa ng bahagya ang mga mata nito. “Careful B, masyado pang mainit ‘yan. Para sa’yo naman lahat ‘yan, hindi ka mauubusan.”
He was only replied with a contented sigh. “Ang sarap! Pakisabi kay Soo, siya na lang kaya ang mag-cater sa kasal natin?”
Baekhyun was then reminded of his slight dilemma. Although he really thought of buying Chanyeol a nice dinner, kailangan niya rin ng sabihin ang tungkol sa bago niyang plano.
“Actually B, I have something to tell you about that.” Panimula niya pero bago siya makapagpatuloy, isang tunog galing sa cellphone ng fiancé ang pumagitna sa kanila.
Agad na kinuha ito ni Chanyeol mouthing ‘wait lang’ at saka sinagot ang tawag. “Yeah, no nasa office pa ako. What? Ngayon na? Alright, I’ll go scrub in again.” Putol nito sa tawag saka dali-daling tumayo para magpalit. “B, emergency. There’s something wrong with the Brain surgery patient. We’ll talk later, okay?”
Pagkatapos makapagpalit, tumakbo na ito palabas bago pumihit muli at naglakad papunta sa kanya. He leaned in and kissed him in the forehead. “Thank you sa dinner, B. Later, okay?” Hindi na nito nahintay ang kanyang sagot at patakbo nang lumabas ng pinto.
An audible sigh escaped Baekhyun’s lips. Maybe his good news can wait.
Umabot pa ng tatlong oras ang operasyon ni Chanyeol at naghintay si Baekhyun sa loob ng opisina ng nauna. Tapos naman na siyang magturn over ng schedules ng operations niya, hindi na din siya pinagdu-duty sa ER para nga makapag-focus siya sa tinatapos niyang study. Pero priority niyang maipaalam sa kasintahan muna ang lahat para naman magaan ang dibdib niyang tapusin ang mga kailangan niyang gawin.
Hapong-hapo itong pumasok sa kwarto nito. Napansin ni Baekhyun ang namumulang mga mata nito, pati na rin ang maya’t mayang singhot nito. “Hey, are you okay?” Nag-aalala siya para rito.
Isang malungkot lang na ngiti ang isinukli nito saka yumakap ng mahigpit sa kanya. Nakasiksik pa ang mukha nito sa may leeg niya. “She didn’t make it.”
Baekhyun frowned and moved his head to look at the man’s eyes but he buried his face deeper into his neck. “Do you want to tell me about it?”
He heard the man sniff, the doctor started to caress his fiancé’s back up and down. Hinapit niya rin ito palapit sa kanya.
“Nagswell ‘yung brain niya, Baby. Hindi niya kinaya yung procedure. Baby, she’s just 10. There’s so much ahead of her life. Oo, rare ‘yung case niya pero kaya naman gamutin. But maybe, yeah, she’s just really 10.”
“Wherever she is now, we both know that she’s grateful na tinulungan niyo siya para lumaban. You did your best, Yixing did too and so does her, Baby. Stop feeling bad na, okay?”
He continued caressing Chanyeol’s back until the man calms down. Maya-maya’y tumuwid ito ng tayo at nagpunas ng mga luha gamit ang likod ng mga kamay nito. Baekhyun can’t help but feel his heart swelling. Napakatangkad na lalaki pero para pa ring bata ang kasintahan.
“Okay na ang Baby?” Natatawa niyang tanong at nangingiti nang sumagot ang kaharap. He tiptoed and pulled Chanyeol so he can kiss his cheek. “You’re doing great, B. I’m always so proud of you.”
Tumango ang lalaki at yumakap ulit sa kanya, umangat ang mga paa niya sa ere. “Hoy, put me down, crybaby!”
Natawa sila pareho. Nagkatinginan at nagngitian. “In love ka na naman sa akin.” Asar ng Anesthesiologist kay Baekhyun. Hindi na sinagot ng pabalang ng huli ang asar, totoo naman kasi ito.
“I remember you telling me something a while ago? What is it?” Malumanay na tanong ni Chanyeol kay Baekhyun sa gitna ng biyahe. Alas onse na nang tuluyang makalabas ng hospital ang dalawa. Nagpumilit pang kainin ng kasintahan ang dala niyang ulam, anito ay sayang naman daw at masarap pa naman.
“Right, it’s about the conference I once mentioned you a few months ago.”
“Yeah?”
“It was pushed at an earlier date.”
Chanyeol hummed nung di niya naantay ang susunod na sasabihin ni Baekhyun. Hinahanap pa kasi niya ang mga tamang salita. Huminga siya ng malalim at binasa ang kanyang ibabang labi bago nagpatuloy.
“Well, Doc Jung talked to me about it. After kong makapagpresent doon, then I can be the new Head Surgeon of the Department.”
“Oh, so magiging head—what?! Congratulations, B! Oh my god, teka, I have to stop this car at baka mabunggo tayo.” Chanyeol Patrick revved to stop at an empty sidelane then clicked the hazard button bago humarap sa kanya ng tuluyan. Hinila siya nito para yakapin nang mahigpit. “This is a good news! B, I am so happy for you!”
Pero domoble ang kaba sa dibdib ni Baekhyun. Bigla siyang nag-alinlangang sabihin ang mga susunod na detalye.
“Hey, are you okay? You don’t seem fine.”
Hindi nga siya makangiti pero kailangan niyang sabihin. “There’s a catch, though.”
“Oh?”
“The event is rescheduled the same day as our wedding.”
The atmosphere inside the car had completely gone down. Baekhyun felt like he’s standing on a thin string, nagbabalanse doon kahit magalaw-galaw ang pisi.
“Then, what did you tell the Center Chief?” Chanyeol asked breathlessly. Baekhyun knows that the man had already guessed his answer.
“I... have accepted the offer.”
Silence. It was the most unbearable and deafening silence they had shared for the past two decades. The heaviness is palpable and choking and terrifying. Gusto na lang bawiin ni Baekhyun ang mga binitiwang salita.
“Okay” sagot ni Chanyeol makaraan ng ilang sandali. Tumigil na ang tunog ng pagkakapark ng hazard ng kanyang kotse at pumalit ang malumanay na ugong ng makina ng sasakyan.
Baekhyun felt like he had rained on his own parade. Wala namang sinabing masama ang fiancé. At yun na nga ang problema. He is expecting that the man will be at least disappointed, o magtatampo man lang ito dahil nga mauunsyami na naman ang kasal nila.
Being in a relationship for 12 years, apat na beses nagpropose si Chanyeol kay Baekhyun, tatlong beses itong hindi natuloy for certain reasons. At most probably, hindi ulit ito matutuloy for the fourth time, this year. Because of Baekhyun. Again.
Chanyeol first asked him for marriage on their 8th year. The moment was very private. Sila lang dalawa ang nakaalam pa. They were supposed to be wedded on June on the next year pero March nung taon na ‘yun namatay ang Lola ni Baekhyun. Ayaw naman nilang hindi muna magbabang luksa kung kaya’t pinagpaliban muna nila ito.
December the same year, on their 9th year, Chanyeol renewed his proposal. Gusto niya daw tanungin ulit si Baekhyun at sa ikalawang pagkakataon, the latter said yes. However, nagkaroon ng problema ang pamilya ng GS Doctor. Nagkasakit ang kanyang ina at kinailangan nila ng malaki-laking halaga para sa pagpapagamot nito. Making them postpone the wedding again to give way for the finances.
On their tenth, Chanyeol again, proposed. Birthday ni Baekhyun ‘yun. It was purely mundane. Chanyeol just suddenly took the ring from his finger and shot the question which took him by surprise. May subo subo pa siyang carrot cake ‘nun. However, he maybe super unprepared with vanilla icing on his face and side of lips, he gave his fiancé another yes.
But same conclusion, they had to postpone the wedding. Again. They both had to focus on their work, may kanya-kanya silang responsibilidad na kailangang gampanan. Nawawalan sila parati ng oras sa isa’t isa that almost caused them to split. But just Iike Baekhyun’s favorite song says, ‘we’re growing apart but we pull it together, together again’, like two people loving each other, they understood one another and accepted their shorthanded efforts and worked on it. Nagkaayos sila. Napagtibay pa nga ulit ng problemang iyon ang pagsasama nila.
To mark their 11th aniversarry, Chanyeol pulled the question out again. And Baekhyun Paolo said yes, endlessly. Swearing to the sky na kahit ilang beses pang itanong ng kasintahan ang tanong na iyon, he’ll always, always answer yes. Pero parati siyang umuurong kapag malapit na ito. Sa kanya ba ang problema o hindi pa talaga ito ang perfect time para sa kanila?
Chanyeol remained silent for the rest of the ride. With only a goodnight, he sped away hurriedly the moment Baekhyun step out of the car. Honestly, the latter is hurt with his fiancé’s reaction. Kung sana’y isinagaw na lang nito ang disappointment, baka mas madali pang dalhin ‘yun kaysa sa cold treatment. But maybe, Baekhyun chose the worst day to break the news. His boyfriend had a long and bad and tiring day. Damn him.
For the second night, hindi na naman siya nakatulog. He is thinking about where did it went wrong. Mali ba siya na unahin ang opportunity na iyon kung para naman sa kanilang dalawa ang dahilan niya? If he becomes the head of their department, mas magiging stable siya sa trabaho, mas magiging maganda ang magiging buhay nila kapag ikinasal sila. Their wedding can also be rescheduled at a later month, hindi naman necessary na another year ulit ang hintayin nila. Pwede namang gawan ng paraan. Pero bakit sobra-sobra naman ang reaksyon ng kasintahan niya?
Morning came and he tried to talk to Chanyeol again. Pero mailap ang binata. Nataon pang sunud-sunod ang operasyon nito bilang Neurosurgeon at Anesthesiologist. Naisaayos niya na talaga ang schedules niya para bigyang daan ang nalalapit nilang kasal.
And Baekhyun felt guilty over it. Chanyeol had been very vocal about their marriage. Excited na daw ito at hindi na siya makapaghintay na maging asawa ni Baekhyun. And he loves knowing that Chanyeol is really sure about him. Na pinapangakuan siya ng lalaki ng a lifetime of forever. At mahal na mahal rin naman niya ito.
Kaso, once lang din siya magiging head ng General Surgery Department. If he gives this opportunity up, he might never have it again. Kaya’t hirap na hirap siya ngayon.
He tried ringing his fiancé’s phone nung malamang bakante ito ng ilang oras pero mailap talaga ang lalaki. Chanyeol Patrick had always been like this. Ayaw niya ng confrontation, lalo na kapag nasa sukdulan ang emosyon nito. He’d rather take a breather and ponder on things than to make hasty decisions over emotional words.
Pero si Baekhyun ang nauubusan ng oras. Hindi rin niya magalaw-galaw ang write up niya dahil nawawala ang konsentrasyon niya. He badly wanted to make up with Chanyeol para mas magaan ang loob niyang maipagpapatuloy ang lahat. After so many attempts to call his fiancé but continuously fails, siya na mismo ang gagawa ng oras para rito.
He walked with hurried steps towards the Anest Doctor’s office, tahimik doon pero ramdam namang okupado iyon. He knocked thrice to announce his presence and after hearing his ‘come in’ he pushed the door open to enter.
“B” he called but Chanyeol made no move para angatin ang paningin nito mula sa mga papel na kasalukuyan nitong binabasa. “Have you been receiving my calls? Hindi ako makatawag sa’yo eh.”
“Oh, I left it at home kaya dito ako sa intercom tinatawagan ng hospital personnels. Bakit?” Chanyeol Patrick’s voice is too formal. Parang nakikipagusap lang siya sa mga Med Reps na pumapanay dito sa hospital. And that’s when Baekhyun realize that Chanyeol has a problem about them.
“May problema ba tayo?”
“Nothing that I know of.”
Isang tanong, isang sagot. Nakakatakot ang tensyong biglang bumalot sa kanilang dalawa sa loob ng kwarto nito. His skin is being prickled by thousands of invisible needles. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at namamawis ang kanyang mga kamay. Malambing si Chanyeol, pero nagiiba siya kapag galit na. At kapag galit na ito, ibig-sabihin, malalim ang pinanggagalingan niya.
“Chanyeol”
No response.
“Yeol”
Still nothing.
“B”
“What?”
“Did I do anything wrong? Why are you suddenly like this?” He braved himself and shot the question. Ayaw niya nang magpasakalye at baka mawalan pa siya ng chance makipagusap dito ng masinsinan.
He heard the man scoff bago umiling. Baekhyun can’t read his thoughts, blanko ang mukha nito maging ang expressive eyes nito ay halos walang emosyon. “Wala naman.”
“Then why?” He’s having a hard time swallowing the knot in his throat. Ang mabilis na tibok ng puso niya ay bumibingi sa kanya. Kailangan niyang huminga gamit ang bibig para lamang pakalmahin ang sarili.
The Anesthesiologist heaved an audible sigh. “Wala kang ginawa. Naalala ko lang yung sinabi ni Jongin at Sehun noong nakaraan at tangina, masakit pala.” The bitterness in his chuckle is so evident. Napapikit si Baekhyun.
“Anong sabi nila?”
Umiiling-iling ito habang tumatawa pero walang humor sa mga ito. “Ako na daw kasi ang halos sumipot sa preparations. Sa meetings sa coordinator, sa finalization ng invitations at souvenirs, cake testing at sa pagpili ng menu, pati sa suit fitting, hindi pa tayo sabay. So baka daw in the end, sarili ko lang din ‘yung sisipot sa kasal kasi hindi ka pwede.”
The truth struck him like a lightning. But he feels unfair. Valid naman yung mga dahilan niya at hindi naman siya nagkulang dahil ina-update naman siya nito sa mga napagusapan sa meetings at sa mga taong tumutulong sa kanila. Sa sobrang unfair, hindi niya na mapigilang maluha.
“I will be there. B, sisipot naman ako. Ire-reschedule lang natin ‘yung date.”
“Kasi?” Tanong ni Chanyeol na puno ng hinanakit. And it caused him to brim tears in his eyes abundantly again.
“Kasi I...have to...I have to go to that important conference for our future. B, you know me—“
“For our future or for your own? Kasi it doesn’t fit eh. I don’t fit anywhere in your plans, do I?”
“You do! You’re in it, Chanyeol Patrick. Can’t you see?” Para na siyang hihikain, he really feels wronged. That statement swept all of his rationality away at gusto niya na lang i-debunk ang naturan ng mga kaibigan ng fiancé.
“Yes, I don’t.”
“No, galit ka lang kaya mo ‘yan nasasabi. B, you are there, we are building our future together. Kasama ka doon, at ikaw ang main reason ng mga hakbang ko para makamit ang mga planong iyon.”
“Enough, Baekhyun Paolo. I’ve realized everything. I don’t belong in there and that’s okay. I can do it on my own naman.” Chanyeol suddenly stood up, organizing his things on top of the table and putting his personal valuables inside his satchel bag.
“Please listen to me. Just give me...a week! We only have to resched the date a week later! I’ll attend the conference just to present at uuwi na rin ako agad.”
He was met by the man’s cold eyes, nagtatagis din ang mga bagang nito. “I don’t wan’t it to be rescheduled! We have waited long for this! Kaya mo bang maibigay iyon?”
Hindi siya makasagot. His fiancé is being difficult. At hindi niya alam kung anong gagawin niya dito. Hindi niya kilala ang lalaking kaharap niya ngayon.
“You can’t? Ayoko din i-postpone. So maybe we rather should just call the whole thing off.” His words sounded final.
“Chanyeol” he called pero wala ng nakarinig sa kanya dahil nakalabas na ang lalaki pagkatapos bitawan ang mga salitang bumasag sa kanyang puso.
Ilang buntong-hininga na ang pinakawalan ni Baekhyun Paolo at hindi maubos-ubos ang bigat sa kanyang dibdib. Magtatatlong araw na nang huli silang makapag-usap ni Chanyeol, hindi pa din niya ito nakikita kahit nasa iisang hospital lang sila nagtatrabaho. Siguro nga’y kailangan muna nilang magpalamig ng ulo.
Pero hindi maialis sa kanya na hindi isipin ang fiancé. ‘Fiancé’ pa nga ba niya ito?
The thought broke his heart for the umpteenth time since their last talk. Chanyeol Patrick was never the bad one. Halos hindi na lang ito sumasagot sa mga ilang beses na nag-away sila. Ayaw niyang makasakit, lalo na kung si Baekhyun pa ang receiver ng masasakit na salita.
Kung isasama ang mga taong pinagsamahan nila bilang matalik na magkaibigan, halos dalawampung taon na rin sila. Chanyeol was Baekhyun’s blocmate during College years. Naging buddy din ng huli ang una sa mga bloc events. Maski sa acads—by pair seatworks, practical exams, name it, sila ang parating partner.
It was even a puzzle to him when the Anesthesiologist confessed to him one day during their graduation practice. Sa Camp John Hay ang venue ng commencement exercises nila at nagyaya si Chanyeol kumain somewhere near the place. Ang loko, more than four years na daw gusto ang GS Doctor na graduating pa lang that time.
Over a smoking platter of Seafood Pesto Pasta and Five-cheese Pizza, bigla na lang binasag ng matangkad na lalaki ang katahimikan with something along the lines, “I like you, Baek. Since medical exam days pa”. The surprise in Baekhyun’s face was ‘too funny’ according to the other man. At hanggang ngayon, asar pa rin ng Anesthesiologist ang moment na ‘yun.
He didn’t give an answer that time. Hindi niya mahanap ang mga tamang salita—hindi naman kasi rejected si Chanyeol noon, pero hindi pa din sinasagot. Although final na ang Med School nila, nakapasok silang dalawa sa UP College of Medicine, hindi niya pa rin kayang magcommit at pagsabayin ang love at study. Gusto niyang magfocus sa pag-aaral. But Chanyeol Patrick promised that he will wait.
And he did.
Medicine proper is harder than undergrad studies. Well, that’s already a fact. Pero malalaman mo lang kung gaano talaga kahirap kapag pinagdadaanan mo na siya. Idagdag pang mahirap makapasok sa UPCM at mas lalong mahirap makalabas. He only had his intelligence, diligence and Chanyeol Patrick Park. Yes, kasama ang lalaki, kasi Baekhyun would have given up if not for the former’s push for them to persevere more.
Kaya naman hindi na napigilan ni Baekhyun ang sarili. One humid afternoon a week after their clerkship started, hinila niya si Chanyeol nung pauwi na sila from St. Luke’s kung saan sila nagdu-duty. With wide expected eyes and brightest smile he said, “Chanyeol Patrick, pagod na akong maging kaibigan mo. Kaya sige na nga, i-level up na natin ito. Mahal kitang loko ka.”
He watched the taller man stop to process his words. Napatanga ito, napanganga pa. Natawa tuloy ang intern Baekhyun that time. Bigla na lang itong naiyak nang magsink in na ang pagsagot niya sa lalaki. That was the first time he actually saw the taller man shed tears. Kahit gaano pa kahirap ang Med, magrarant lang ito at magiging okay na, he never brokedown. Madalas na role ito ni Baekhyun, siguro mga once a week during their Med school days.
He once asked bakit hindi man lang ito naiyak kahit once, but the man only replied, “paano na lang tayong dalawa kung pati ako iiyak? Ikaw na lang, paki-hati na lang ako sa mga iyak mo. Tapos ako, ako na lang yayakap sa’yo to make you feel better.” Tangina, ang swerte niya sa part na iyon.
When they got together, everything became better for Baekhyun. Mas naging extra ang matangkad sa mga actions nito. Kaya kahit may sama ng loob siya sa kasintahan dahil sa naging reaksyon nito sa desisyon niya, hindi niya kayang magalit ng tuluyan dito. Chanyeol is all he has since med check up days, since the day he braved himself and went alone to Baguio to confirm his admission to UPB.
One time during their second year in undergrad, he broke down in the middle of the night as he finishes his plates. Hindi natatapos sa pag-observe sa mga kung anu-anong specie under a microscope ang masalimuot na buhay-Bio ng dalawa, kailangan pa nila itong iguhit, pagandahan pa nga minsan. Pero sa kamalas-malasan niya, kulang-kulang ang mga pictures niya. Napuno ang iCloud niya at mukhang nasama niya ang ibang mga kuha niya sa mga na-delete niya.
Buti na lang Patrick is to the rescue, pinuntahan siya nito sa Kisad all the way from Bakakeng at one o’clock in the morning para bigyan siya ng kopya pati na rin McDo takeout. Sinamahan siya nito sa lobby ng dorm niya hangga’t sa matapos siya.
Doon ata unang narealize ni Baekhyun na shet, crush ko na ata ang higanteng ito!
At mahirap kapag nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang taong matagal nang magkasama, more than half of their lives to be exact. Matatapos na ang araw pero nakaupo lang sa harap ng monitor si Baekhyun. Nakikipagtitigan lamang sa cursor na animo’y kumukurap-kurap pabalik sa kaniya. Walang ibang maisip kundi ang kasintahang halos isang linggo nang hindi nakikipagusap kanya. Kung hindi pa iniluwa ng pinto si Ridge ay hindi pa niya malalamang kanina pa pala ito kumakatok.
“Alam mo, kaninang umagang umalis ako, ganyan ka na. Ngayong tapos na ang pagkahaba-habang araw ko, nandito ka pa rin? You didn’t even move an inch! Isumbong kita kay Luke para mareprimand ka! Porket may ‘favorite ni Center Chief’ card kang pinanghahawakan, aabusuhin mo na ito.” Mahabang litanya ng bagong dating na ikinaikot lang ng mata niya. Kaibigan nila ni Chanyeol si Ridge Koo. Bloc 1 sila sa Bio at Bloc 2 naman si Ridge at ang ‘ex’ nitong si Luke Kim, anak ng may-ari ng hospital na pinagtatrabahuhan nila.
“Kung matagal mo nang tinanggap ang posisyong ito, wala sana ako dito. Ikaw ang puno’t dulo ng lahat ng ito.” Maanghang niyang balik sabay bato ng naabot niyang lapis sa lalaki. Kung hindi niya lang ito matalik na kaibigan for the last two decades, baka napalayas niya na ito ora mismo.
“Oh bakit napunta sa akin? Hindi naman ako yung tatanga-tanga sa ating dalawa, Paolo.”
“Tangina mo, tantanan mo ako. Hindi porke’t may access ka about sa akin ay ganyan ka na. Ang sakit na ng ulo ko, huwag ka nang dumagdag pa.”
“Eh ang simple lang kasi ng issue mo, gusto mo pa ikomplikado.”
“Paano naman naging simple ‘yun, aber?”
“Pipili ka lang naman ng isa doon sa dalawa, kung panghabangbuhay na kasiyahan o pansamantalang fullfilment.”
“Ridge, tigilan mo ako. This is not as easy as you are perceiving it to be. I have weighed my options, and I have decided based on the best ideal results. Win-win situation, kumbaga.”
“Naalala mo noong tinanong kita habang pinapangalandakan mo engagement mo sa akin 5 months ago? This is what I have been talking about! Ano nga ‘yung sagot mo? ‘12 years na kami Ridge, magdududa ka pa ba?’ Well, to tell you the truth, sa iyo ako duda dahil sa ganyang tendency mo. Buti tumagal si Patrick sa’yo ng 12 years— wait 20 years kasama ‘yong gusto ka na niya. Ang ganda mo doon, Paolo ha. At ang kapal din ng mukha mo.”
“Stop” Ridge’s words are slowly cutting his heart, reaping its muscles open. They are too ruthless, and powerful, and painful. So, so painful for Baekhyun Paolo.
“No, I’ve had enough of you. Kaibigan kita, and so is Chanyeol. And I can’t let you break and hurt him further. Kung hindi ka pa sigurado sa buhay mo, pwes huwag mo siya idamay. Let him go. He had already spent so much time waiting for you at parang wala kang balak tumigil magpahintay. So tell me, gaano mo pa ba siya balak paghintayin?”
“I didn’t mean for it to happen that way,” he had to stop talking to swallow the tight knots in his throat. Even his eyes are starting to sting. “I know Chanyeol knows about my priorities. He had supported me all the way in between. And I am super grateful for him, for coming and staying in my life. Yeah, I know thrice napostpone ang kasal sana namin—“
“Correction, four this year.” Sarcastic na sabat nito while rolling his eyes.
“Pero ngayon lang ako humiling na i-postpone iyon! Ako pa nga dapat magtampo kasi hindi niya ako mapagbigyan.”
“Exactly, Paolo. Ngayon ka lang humihiling kasi alam mo, siya na ang nag-aadjust para sa’yo. He had always put you first, everyone can see it. Kaya kahit hindi mo sabihin, gagawin niya na. Para sa’yo at sa’yo lang.”
Napuno ang tahimik na kwarto ng mga hikbi mula sa doktor. He failed to see these important and selfless things his fiancé had done to him. Akala niya, okay lang.
Na okay pa.
Pero sobra na pala.
Sa sobrang lala ng pag-iyak niya, halos hindi na siya makahinga, naninikip ang dibdib niya at walang tigil ang pagdaloy ng masaganang luha mula sa mga mata niya.
How shallow of him to not realize all those things.
Muling nagflashback ang lahat sa kanya. Mga midnight trips ni Chanyeol papunta sa dorm niya para samahan siyang magpuyat magdamag at tapusin ang acads niya. Mga yakap sa gitna ng breakdowns niya. All the reassuring words when he’s insecure. Those quiet moments when all he ever wanted is a company on best days.
All of them, Chanyeol had given to him unconditionally.
Wholeheartedly.
Patiently.
And he realized that more than anything else, si Chanyeol pa rin.
Kay Chanyeol Patrick pa rin uuwi, at the end of the day.
Dali-dali siyang tumayo at nagpunas ng mga luha. “Maiwan muna kita dito.” Sambit niya bago tumakbo palabas ng kanyang opisina.
Sandali na lang, mahal ko. Papunta na ako.
Ilang scheduled at emergency operations ang inasistehan ni Chanyeol. Pagod na siya at gutom pa. Kaya’t tinapos niya na ang pagligo para makauwi at makakain na. Sampung taon na siyang doktor, pero halos araw-araw para pa rin siyang naninibago. He was and is still saving different people from different walks of life. Fulfilling oo, pero may mga araw na nararamdaman niyang having the power to save but not be able to do it is also a curse. Marami silang natutulungang gumaling pero meron at meron pa ring hindi kaya.
And Chanyeol Patrick should be used to it by now.
Pero hindi. He’s too soft-hearted that way. He can’t also stay mad for too long.
Lalo na kung ang person in question ay si Baekhyun Paolo Loresco Byun.
But he needs space— a time to breathe, rethink his actions and justify his mind. Magpapahinga lang, pero hindi siya sumusuko. Hindi siya bibitaw. Ganun lang naman kasi talaga dapat.
Matutulog lang naman muna siya. Pero agad siyang nanlumo nang marinig ulit ang tunog ng cellphone niya. Mukhang may kailangan pang tulungan gamutin ulit. Kumunot ang noo niya nang mabasang ang isa sa mga kasamahang Anesthesiologist ang tumatawag sa kanya.
“Pare, asan ka?” Walang ano-ano’y bungad ni Jongin sa kanya.
“Kakatapos ko lang magshower, ano na naman?” Wala siyang balak maginom o magliwaliw, hindi na kaya ng pagod niya at lalong hindi din pwede dahil baka tawagan siya sa kalagitnaan for emergency situations.
“Si Doc Byun, sinasabon ng Center Chief nila. Something about forgoing a conference or the head surgeonship? Basta just come here, walang piniling lugar naman si Doc Jung para kausapin siya. Sa Cafeteria pa naman na madaming makakakita at makakarinig—“
Hindi niya na nahintay matapos magsalita ang lalaki sa kabilang linya. “I’m on my way.” Putol niya sa tawag at dali-daling tumakbo papuntang ground floor.
Iisang building lang naman pero parang malayo ang tinakbo ng doktor. Punuan ang elevator at mabagal ang pagusad nito. Mukhang tapos na ang ganap nang makarating ang Anesthesiologist sa pinakaibabang palapag na gusali ng St Luke’s. People have already dispersed pero maugong pa rin ang usapan. Pawang mga empleyado at staff ng hospital ang nandoon, pero may kakaunti pang ring mga bisita.
He internally swore. Ayaw na ayaw pa naman ni Baekhyun ng atensyon at ang ipahiya siya sa harap ng marami ay nakakagalit. Humahanap siya ng kakilalang mukha para magtanong dahil wala na si Jongin. Sakto namang nakita niya sa bandang gilid si Yixing. Agad siyang naglakad papunta rito.
“Xing, asan si Paolo?”
“Pat, oh my god, buti nakita kita. Puntahan mo na si Doc Byun baka nasa opisina niya na siya. Pumagitna si Junmyeon sa kanila ni Doc Jung dahil nakaka-attract na sila ng atensyon dito. Do you have any idea bakit nagkaroon sila ng ganung eksena dito?”
“No nga eh. I have no idea na Baekhyun will do this. Thank you, puntahan ko lang.”
Kahit hindi sila magkaayos nito, ayaw pa rin niyang nalalagay sa isang sitwasyon si Baekhyun na ikakastress nito. Madali pa namang panghinaan ng loob ang kasintahan.
Patakbo niyang pinuntahan ang opisina ni Baekhyun sa may fifth floor, dumaan na lang siya sa may fire exit para makaiwas sa mataong elevator sa mga oras na ito. Labasan na kasi ng mga staff na day shift kaya’t parang rush hour sa loob ng hospital.
Pawisan at humihingal pa siya nang makarating sa tapat ng opisina ng GS Doctor. Pinihit niya pabukas ang knob para buksan ang pinto pero napatigil siya sa narinig. Nasilip niya sa maliit na siwang na kinakausap ng isang kasamahan ang lumuluhang si Baekhyun Paolo. Kilala niya ito bilang nakatatandang doctor din sa GS, at ang kasalukuyang Acting Head Surgeon na si Junmyeon Kim.
“Bakit mo kailangang i-give up ang opportunity na ito? I’m sure na makapaghihintay pa naman si Doc Park para sa kasal niyo. Alam mo, bukod sa hospital na ito, kayo na ang pinakamatatag na couple na nakita ko sa tanang-buhay ko. Hindi ka naman pine-pressure ni Doc Patrick diba?”
“Hindi nga, pero ako ‘yung hindi na makakapaghintay, Kuya Jun. Alam ko namang hindi naman naiinip si Chanyeol Patrick sa akin pero it’s about time that I take what we have as my top priority. And let our individual selves achieve more together, magkahawak-kamay na may singsing sa mga daliri namin. And if the position isn’t available anymore when I am ready to take it then so be it. I still can always be a doctor and save lives without being a Department Head Surgeon, myself.”
Napahinga ng malalim si Chanyeol sa mga narinig. He circled back to that night they had an argument. At pinapili niya si Baekhyun between him and his career, and he admits, masakit hindi mapili but he understands his fiancé. He had known him for 20 years now and he accepts everything about Baekhyun Paolo.
Chanyeol Patrick accepts Baekhyun in his entirety.
Every flaw.
Every unpolished nook.
Every shortcomings.
Kasi ang buong Baekhyun naman ang kumokompleto sa kanya. He’s the only puzzle piece that fits perfectly in his life.
Hindi siya pumasok at naghintay lang sa may labas ng opisina hangga’t hindi lumalabas si Doc Kim. He pondered about everything that’s Baekhyun and him for the last 20 years and he arrives at only one conclusion.
Na si Baekhyun pa rin. Si Baekhyun lagi’t lagi.
“Oh Doc Park, kanina ka pa ba dyan?” Nagulat na bati ni Doc Junmyeon nang makalabas ito at nakita siyang nakatayo sa may corridor.
“Ah no, it’s okay. How’s Paolo?” Sagot niyang hindi maitago ang pag-aalala sa boses niya.
Isang maliwanag at magaang ngiti ang ibinalik nito sa kanya. Hindi niya mawari kung para saan ‘yun. “I think he needs you kaya pumasok ka na.” He patted his shoulder and walk away, still smiling wildly.
Nakakunot siyang lumapit sa pinto at binuksan ito. Baekhyun has his eyes puffy and his nose red as he slouches on his swivel chair. Nakatingala ito at sumisinghot-singhot pa sa tissue na hawak nito. Napangiti siya sa hitsura nito.
Wala na talaga siyang kawala. Nayari na.
“Sa pagkakaalam ko, hindi ka naman ganyan ka-cute umiyak. Tulo uhog mo tsaka naghahalo luha at laway mo.” Asar niyang bati dito, hindi mapigilang hindi burahin ang ngiti sa mga labi niya.
Upon seeing him, the other instantly frown as tears start to brim well on his eyes again. Tumayo ito at tumakbo para yumakap sa kanya. “Yeol” was the only word Baekhyun managed to mumble bago yumapos nang napakahigpit sa kanya.
His heart swelled with so much love for the man between his arms. Mahal na mahal niya talaga ito. Higit pa sa lahat.
“Bakit?”
“Sorry”
It was only a word pero napakameaningful ng dating nito para kay Chanyeol. Baekhyun wasn’t really the most expressive lalo na kapag apologetic ito. Idadaan siya nito sa mga mas mahigpit na yakap, sa mas malalim na halik, sa masarap na pagkaing hindi niya niluto. But it’s already enough for Chanyeol to know how deeply sorry Baekhyun is to him.
All these emotions are suddenly too hard to bear. Chanyeol Patrick had no choice but to give in from all of these. “Please, don’t let me go, B.”
He feels the shorter man shaking his head against his neck. “I won’t. And I really am so sorry, B. I told myself I would never make you cry again but here you are.” Kumawala ito sa pagkakayap at tumingala sa kanya, pinawi ng mga daliri nito ang mga luha sa pisngi niya. Tear-stained eyes mirroring his own glistening ones.
“Naalala mo ‘yung naka-duty ako sa ER, doctor ako doon pero bigla na lang akong naging isa sa mga pasyente dahil sa sobrang pagod. Sobrang busy ng araw na iyon dahil sa karambola ng mga sasakyan, ikaw hindi ka na din nakalalabas sa OR dahil sa sunud-sunod na ipinapasok doon for surgery.
Pagkatapos kong mapakalma ang bleeding ng isang trauma patient, ako naman ang nagcollapse sa ER floor, head first. Na-admit ako for a possible concussion at nagstay ng 24 hours sa ER. Noong naging okay ako, may sinabi sa akin si Sehun tungkol sa’yo.”
Nagtatakang nakatitig lang si Chanyeol sa kwento ng fiancé. Hindi mahulaan kung ano ang ipinupunto nito.
“Tinawagan ka ng ER bilang ikaw ang nasa emergency contact at speed dial ko. Hindi ka makalabas sa OR dahil kulang ang staff sa Anesthesiology that time kaya umiiyak ka lang the whole time habang continuous ang operation niyo nina Sehun. You wanted to be with me but you can’t because your patients need you.
And I love that about you. And I am proud of you for always putting every important things first.
Noong gumising ako, nakahawak ako ng mahigpit sa kamay mo. Naririnig ko yung mga impit na hagulgol mo. I can also see how your shoulders shake from crying so hard. At ‘yun ang pangalawang beses kong nakitang umiyak ka aside from doon sa sinagot kita.
Sabi ko, ayoko nang makita kang ulit na ganun. My heart broke seeing you like that. Pero I’m really the type to break all my promises, no?” Natatawang sambit ni Baekhyun habang may luha pang kaunti sa mga mata nito.
“It’s okay.” Chanyeol sniffs in between, nagtawanan pa silang dalawa. “Bumabawi ka naman ng higit pa sa ipinangako mo.” He added as he embraces the man tightly for the second time.
Whatever barrier they had put up in a span of a week around each other shattered in just fits of laughter and a big, warm embrace. Words can’t encapsulate all they want to express. But their hearts beating rapidly against each other is making the work.
And that’s already enough for them to know that this is forever.
With one last look on his desk to check kung may nakalimutan siya—mukhang wala naman na, tuluyan nang lumabas si Chanyeol sa kanyang opisina para umuwi. Mabuti at maaga ang out niya ngayon, hindi naman masyadong kinailangan ang tulong niya dahil luckily, kakaunti ang ER patients at ang mga for emergency surgeries.
Uuwi na siya sa bahay nilang dalawa ni Baekhyun Paolo. Ang lalaki, nakapantulog at namumugto ang mga mata pang nag-Grab papuntang unit niya at five in the morning a day after nila magkaayos. Ayon dito, napanaginipan daw niyang nagkahiwalay sila at hindi na babalik si Chanyeol kaya napasugod sa unit niya para sunduin siya. Napa-sick leave tuloy silang dalawa para makapaghakot ng mga gamit ang binata.
Napapailing si Chanyeol nang maalala ang tagpong iyon. Naalala niyang inaantok pa siyang pinagbuksan ang mangiyak-ngiyak na lalaki at bigla na lang humagulhol pagkadamba sa kanya. Halos hindi nga siya bitawan hangga’t di sila nakakarating sa bahay nila. Pagkatapos ba namang magshower, tinulugan siya at hinayaang mag-ayos ng mga gamit niya mag-isa.
Off ni Paolo ngayong araw kaya mag-isa lang siyang uuwi. Bagama’t pangatlong araw niya nang nakakabalik, hindi pa rin nila napaguusapan ang tungkol sa kasal nila. Hindi pa naman nila naca-cancel sa coordinator at sa venue still, hindi pa rin sigurado ang lahat. He has to sit Baekhyun down in a talk one of these days para ma-settle na nila ito.
Ang tungkol naman sa Head Surgeonship at sa Conference nito, tuluyan nang iginive up ni Baekhyun ang mga ito. Okay na daw ito bilang isa sa mga magagaling na ER/GS Doctor ng St. Luke’s. Nahampas pa siya nito ng magkomento siya ng ‘ang yabang naman’ pagkasabi ng Doktor sa plano nito sa Anesthesiologist. On a serious note, he’ll be focusing more on mentoring newly recruit residents para dumami pa ang magagaling na doktor sa hospital. Tuluyan nang umikot ang mata ng matangkad sa fiancé niya.
Malapit na siya sa Parking nang biglang tumunog ang telepono niya. Mula sa ER, na-jinx pa ata tuloy niya ang maaga niya sanang out. At dahil ipinagbabawal ang pagtanggi, kinailangan niyang sagutin ang tawag kahit labag sa loob niya.
“Doc Park, may for emergency po na operation. Blunt Trauma po, kailangan po kayo sa OR in five minutes.”
“Alright, I’m coming back.” Buti na lang at hindi pa siya nakakaalis. Bumuntong-hininga siya bago pumihit papasok ng main building. Tinext na rin si Baekhyun na hindi pa siya makakauwi at pinauna na ang kasintahan na kumain ng dinner. Baka maghintay pa ito.
Ibinaba niya ang mga gamit pagkabalik sa kwarto at nagpalit agad ng scrubsuit niya. Pumanhik na rin siya agad sa OR at dumiretso sa sink para maghugas ng mga kamay. Idinantay niya ang kanang paa sa may gilid ng pinto para bumukas ang pinto sa Room 2 pero wala namang pasyenteng kailangang operahan sa loob. Wala ding scrub nurses na aalalay at naghahanda ng mga kagamitan.
Ang tanging nandoon lang ay ang lalaking tinext niya kani-kanina lamang.
Nakaupo ito sa ibabaw ng operating table, nakatukod ang dalawang kamay. Nakascrubsuit din ito, gaya niya. Naguguluhan siyang tumingin dito pero nakangiti lamang si Baekhyun.
“What are you doing here?”
“May isasalba din ako.” Sagot ni Paolo ng makahulugan.
“Ano?” Natatanga niyang tanong pabalik. Wala siyang ideya kung bakit nandito ang fiancé.
Tumayo mula sa pagkakaupo si Baekhyun at dahan-dahang lumapit kay Chanyeol. “Yung kasal natin.”
Mas lalong kumunot ang noo niya sa tinuran ng kasintahan. Bakit sa OR niya kailangang isalba ang tungkol sa kasal nila. Papalapit pa rin ito sa kanya. Bigla siyang kinabahan. Wala siyang maisip—actually, nagsho-short circuit ata ang isipan niya. Tumigil si Baekhyun sa harap niya pero nangungusap na ang mga mata nito. His small smile long gone.
“B, what is this?” Hindi niya napigilang tanong.
Walang isinagot si Paolo pero nangingilid na ang mga luha nito. Kita din ni Chanyeol ang panginginig ng mga kamay nito, pati siya nahahawa na din. Halos salitan din lang silang magpalitan ng paghinga.
“For four years, you’ve constantly asked for my perfect time.” Panimula ni Baekhyun. Nakangiti pero halos bumagsak na ang mga luha sa mga mata nito.
“You have been ready for it for twelve years now. And I was always the one bringing something that gets in between.“ Tuluyang nang pumatak ang mga luha ni Baekhyun, habang siya ay napako sa kinatatayuan niya.
“Now, for the 5th time, swear, ako naman yung ready na ngayon. With no reservations. Making sure nothing will get in between again.” Natawa pa siya habang nagpupunas ng luha. Sa hindi malamang dahilan, maging siya ay lumuluha na din. Still with no idea what’s about to happen.
Lumuhod si Baekhyun sa harap niya, may nakahandang singsing sa mga kamay nito. Nakahanda para sa kanya, para tanggapin niya. “Dr. Chanyeol Patrick Ortega Park ng Anest, you’ve already endured 20 years of your life with me. Now, would you still mind spending the rest of your lifetime as my husband from this day forward?”
“Are you asking me to marry you?” Garalgal ang boses na tanong ni Chanyeol. Kailangan niya ng diretsong sagot dahil hindi ma-process ng utak niya ang nangyayari ngayon. Never did he expect this to happen. And he’s absolutely appalled but very, very happy.
“Okay, sige let’s put it this way.” Umpisa ni Baekhyun, natatawa na dahil sa paunang reaksyon niya. “Will you marry me?”
Napahikbi ang Anesthesiology sa blunt and straight question ng kasintahan.
“Ano B? Marry me. Kasi ako, hindi na ako makapaghintay. We can run to the nearest court or church in these scrubs kahit ngayong gabi din. Marry me today, Chanyeol Park. Marry me now and I’ll be the luckiest man ever alive. I prom—“
Hinigit niya ang katawan ng fiancé patayo para yakapin ito ng napakahigpit. “Yes!” He wrapped his arms around Baekhyun’s waist ang lifted the man. “Yes, Baekhyun Byun, I’ll marry you tonight, tomorrow, kahit kailan, kahit araw-araw.”
Napasigaw ang lalaki sa narinig mula kay Chanyeol. Baekhyun may be breaking his promises to Chanyeol as often as the sun rises and sets but one thing’s for sure, Baekhyun loves him kahit maubos man ang bukas. And so is Chanyeol, too.
Nandito lang ako, mahal ko. Hihintayin lang kita hanggang makarating ka.
EPILOGUE
“Excuse me, dito ba ang hulihan ng pila?” Tanong ni Chanyeol sa lalaking nakaupo sa may gilid ng pasilyo. Kagagaling niya lang sa Office of the University Registrar (OUR) para magconfirm ng admission. At pinadiretso siya sa clinic para sa medical exam o check up bilang ikalawang step para makapag-enroll.
Nahahati sa dalawang araw kasi ang enrollment sa UP Baguio. Ang admission at ang enrollment proper na magaganap ilang buwan matapos makapagconfirm ng admission. Dala-dala na din niya ang kanyang X-Ray at Lab results bilang isa sa mga requirements ng uinibersidad sa pagpapa-admit.
“Yes, dito. Upo ka na lang dito sa tabi ko. Mabilis naman ang usad ng pila.” The man’s answer was more than what he asked for. Feeling grateful, he smiled down the man which the man returned with a similar one as his.
Gwapo ito, feminine nga ang features mula sa medyo singkit na mga mata, button-like nose and thin rosy lips. Maaliwalas ang mukha nito dahil palangiti at higit sa lahat, palakausap din. Limang minuto palang siyang nakaupo ay nagtatawanan na sila. Baekhyun ang pangalan nito at blocmates sila.
It feels impossible but the moment their eyes locked, Chanyeol felt he’ll be with this man forever.
“Asus, kasal na tayo Chanyeol Patrick, pero ‘yang tinginan mo katulad pa rin ‘nung una tayong nagkita sa UPB.” Asar ni Baekhyun sa kanya habang magkasayaw sila for their first dance.
Ikinasal sila kanina. Sa harap ng lahat ng importanteng tao sa kanilang buhay. It felt surreal. Parang panaginip lang talaga para kay Chanyeol. But the sensation he can feel as he hugs his husband on his waist, Baekhyun’s hands around his nape, pinipilit siyang hilahin ng reyalidad at ipinagsisigawang, oo finally, he’s married with Baekhyun.
And Chanyeol can’t help but reminisce the first time they met.
And that exactly 21 years later from that moment, life had proved him that it was, indeed, forever.
