Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Collections:
Narito Kami 2021 Fic Fest
Stats:
Published:
2021-07-31
Words:
6,057
Chapters:
1/1
Comments:
3
Kudos:
43
Bookmarks:
2
Hits:
277

Ha? Hatdog.

Summary:

Sa bawat ha? may kasunod na hatdog.

Sundan ang istorya ni Chanyeol sa nakakastress niyang pag-hanga para sa kaniyang roommate na si Jongin.

Notes:

Hiii! I’m so glad that I was able to join my first fic fest and it's a tagalog fest! I remember way back 2016, I read a chankai tagalog fic from narito kami fest, that made me so kilig and it never left my memory. Isa ‘to sa mga gusto kong matry talaga, so here I am! Sa prompter, sana nareach ko yung expectation mo! Thank you to the mods and of course sa mga readers, sana mag-enjoy kayo! 💖💖💖

Work Text:

'Bolster Pillow - A bolster is a long narrow pillow or cushion filled with cotton, down or fibre.'

 

"Bolster pala tawag dun? Kala ko hotdog." Napatigil si Chanyeol magscroll sa facebook gamit ang kanyang basag-basag na phone nang makita niya ang trivia na iyon. 

 

Gusto pa sana niya magmuni-muni sa sofa kaso tinatawag na siya ni Jongin. Mukhang inaantok na siya ah, isip nya. 

 

"Chanyeol! Asan na yung tandayan ko! Tulog na tayo hatdog." Pasigaw na tawag ni Jongin mula sa kwarto nila. 

 

Dali-daling tumayo si Chanyeol ngunit siya ay napabulong muna bago pumasok sa kwarto.

 

"Paano naman yung hotdog ko?" Sabay buntong hininga. 

 

Pagpasok niya nang kwarto nila, nakita niya si Jongin na nakahilata na sa kama in matching teddy bear pajamas pa ha. 

 

May iniwan siyang space sa gilid ng kama, at alam na alam ni Chanyeol na iyon ay nakareserve lamang para sa kanya. Sana nga lang sa future, siya pa rin ang karapat-dapat sa space na yan. 

 

Tinap ni Jongin paulit-ulit ang space sa tabi nya. “Halika na Yeol, inaantok na ko. Alam mo naman di ako makatulog pag wala ang human tandayan ko eh.”

 

Pang-ilang buntong hininga na nya naman ata ‘yon. Pero wala eh, TL na TL talaga siya kay Jongin, kaya lahat ng gusto ng binata, gagawin niya sa abot ng kanyang makakaya. 

 

Pagkahiga, siya ay binalot agad ni Jongin ng bear hug, sabay palibot ng legs nya sa katawan nito. 

 

“Jongin, paano ko makakatulog nyan, para mo kong nilingkis eh, ahas ka ba?”

 

Inirapan lang siya ng mata ni Jonginl. “Walang ahas na kasing cute ko ‘noh! Maya-maya makakatulog na din ako.”

 

At tama nga ang kaniyang roommate. Makalipas lang ang ilang minuto, narinig na nya sa mahinang tunog ng paghinga galing kay Jongin.

 

Pikit mata na lang niyang inisip na sana darating ang panahon na aamin din siya sa nararamdaman niya sa bedmate–este sa malambing nyang roommate. 








“Pre! Dito, hoy!” Tila lahat ng tao sa canteen ay napatingin at hindi lang talaga si Chanyeol, sa lakas ng sigaw ng classmate nyang si Chen at Xiumin.

 

Ang ingay talaga nitong mga ‘to. Napakunot siya ng noo, habang naglalakad papunta sa lamesa ng mga tropa nya. 

 

Binati siya agad ni Xiumin. “Good Morning Yeol! Bakit ka nakasimangot agad, ang aga-aga. Kahit late ka, okay lang naman kasi di naman pumasok yung prof.” 

 

“Morning, jakolero.” Singasing na sinabi ni Sehun.

 

“Huy, gago ka talaga!” Sabay na tawa ng dalawang mag-kasintahan. 

 

Mga peste talaga ang aga-aga. 

 

Hinampas ni Chanyeol ang kanyang bag sa lamesa, ipinatong ng kanyang ulo sa lamesa at umiyak nang maarte. 

 

“Tignan mo pre, kahit si Sehun alam kung bakit ka na-late. Tahimik lang yan, palagi nakadikit yung mukha nyan sa phone nya.” 

 

“Pagod na talaga ako pre…” 

 

Tumayo si Chen at minasahe ang kanyang balikat. “Alam mo kasi Yeol, it’s either aamin ka kay Jongin o araw-araw ka na lang mag-ganyan.” 

 

“Tibayan mo lang loob mo pre, matangkad at gwapo ka naman, tas tignan mo-” Tinaas ni Chen ang kanyang kanang braso. “Ang macho na nang kanang braso mo kakaisip mo sa kanya tuwing gabi 24/7.” 

 

“Tangina mo talaga.” Bulalas niya, saka niya batok kay Chen. 

 

“Babe, halika na dito, wag mo na pagtripan si Chanyeol, naiiyak na yung tao oh.” Dagdag na pang-aasar ni Xiumin. Isa ka pa eh. 

 

Pinunasan ni Chanyeol ang luha sa kanyang mata pagkatapos humikab nang kahaba-haba. Grabe ubos talaga palagi energy nya dahil Jongin. 

 

Binaba ni Sehun yung phone nya at tinanong si Chanyeol ng tapatan. “Seryoso ba talagang walang nararamdaman si Jongin sayo? Kasi nga di siya makatulog pag di ka katabi. Partida, sayo pa yan umiiyak pag naalala niya yung aso niyang namatay nung bata sya tuwing inuman.” 

 

Frustrated na ginulo ni Chanyeol ang kanyang buhok. “Seryoso boy, as in talaga. Hindi ko na alam, gulong-gulo na ko, kaya ako nalalate talaga...uhm...aside doon, hindi niya ako pinapatayo agad sa kama, gusto niya may malalambing muna siya pagkagising niya.”

 

"Minsan, mahirap talaga paniwalaan na matalino yang si Jongin, dean's lister naman pero ba't sobrang dense nya." Iritableng sagot ni Sehun. 

 

“Malay ko nalang talaga kung may gusto din siya sakin. Roommate lang naman kami.” Pahina na sabi niya, lalo na sa word na ‘Roommate’. 

 

“Bakit naman kami pre, roommate naman kami nung simula ah. Tignan mo, walang araw na hindi ako masaya basta kasama ko siya.” 

 

“Aww, babe.” Sagot ni Xiumin, sabay nakaw ng halik sa labi sa kanyang boyfriend. 

 

Parehong naglabas si Chanyeol at Sehun ng tunog na hindi mo iisipin na galing sa tao, sa pandidiri sa ka-sweetan nila Chen at Xiumin. 

 

“Arte nyo, che!” 








“Pre, mauuna na muna ako, i-save nyo nalang kami ni Jongin ng upuan, kung may pera ka dyan bilhan nyo nadin kami ng lunch, the usual ha.” 

 

Kumaway si Chanyeol sa mga kaibigan niya at kumaripas na naglakad papunta sa gate ng school nila. 

 

“Huh, san yun pupunta?”

 

Umiling na lang si Sehun. “Di naman yan nagmamadali kung hindi tungkol kay Jongin. ‘Lika na baka maunahan pa tayo sa upuan.” 

 

Iisa lang laman ng isip ng magtropa. 

 

SIMP ampota. 








"Boo!" Panggulat na sigaw ni Jongin sa walang kamuwang-muwang na Chanyeol. 

 

Nabigla lang naman si Chanyeol ng slight pero iba parin ang talon ng puso niya pag malapit si Jongin sa kanya. 

 

“Huy, ano ‘yang tinititigan mo, sabi ko hintayin mo ko sa entrance, nandito ka nanaman sa condom section ah." 

 

Dali-daling itinanggi na Chanyeol ang accusation ni Jongin. "H-hindi ah, ang inet kasi kaya ako pumasok. Nakatutok kasi yung aircon dito oh.” Tinuro nya ng paulit-ulit ang aircon sa aisle ng botika. “Dumi ng isip neto.”

 

Todo explain talaga ha. Kahit yung security guard, tinititigan na silang dalawa. 

 

Yumuko si Jongin at pilit sinubukang magpigil ng tawa, pero hindi niya maiwasang humagikgik ng mahina.

 

Pulang-pula ang tenga ni Chanyeol sa hiya pero mga pare... rinig na rinig niya ang malakas kabog ng puso niya habang nakikita niya ang matamis na ngiti ni Jongin.

 

Lakas talaga ng tama niya sa roommate nya. 

 

Nang maka-recover si Jongin sa pagtawa, hinawakan at pinisil nya ang magkabilang tenga ni Chanyeol. “Ang cute mo talaga!” sabi niya ng may halong gigil. 

 

Tila may sasabihin pa siyang susunod, kaso naputol iyon dahil tinawag na siya nung pharmacist.

 

Pagkaalis ni Jongin, dahan-dahang hinawakan ni Chanyeol ang kanyang isang tenga. Hanggang ngayon, nararamdaman padin niya ang init ng haplos ni Jongin doon. 

 

Hindi lang tenga niya ang putok sa pula ngayon, ngunit ang kanyang pisngi rin.

 

“Hala, cute daw ako.” Bulong niya sa sarili, nang may ngiting abot hanggang langit.








“Chanyeol!” Sigaw ni Xiumin.

 

Bumalik lang sa earth ang pag-iisip ni Chanyeol nang sikuhin siya ni Jongin sa bewang.

 

Nilingon niya si Jongin. “Oh, bakit?” 

 

“Anong bakit, kanina kapa tinatanong ni Xiu sa assignment nyo. Hindi ka naman nalipasan ng gutom ah, kakatapos palang natin kumain, lutang ka pa din.”

 

“Sabi ko sayo, wag mong tirahin yung mga gamot ni Jongin, sabog ka talaga dyan.” Dagdag ni Sehun.

 

Tumawa si Jongin sa pag-asar ni Sehun kay Chanyeol. “Grabe ka naman kay Chanyeol. allergy season ko kasi ngayon kaya marami-rami akong gamot na iniinom. Ayaw ko din talaga magkasakit kasi tabi kami matulog nito...”

 

Habang nag-eexplain si Jongin, ang binata ay tumitig kay Chanyeol nang maigi.

 

Napalunok na lang si Chanyeol nang inextend ni Jongin ang kanyang kamay papunta sa ulo niya.

 

“Kawawa naman ‘tong human tandayan ko kapag nahawa siya sakin.” Para silang nasa sarili nilang mundo, nang hinawi at sinuklay ni Jongin ang kanyang kamay sa magulong parte ng buhok ni Chanyeol. 

 

Buti na lang, tinalikuran na ni Chanyeol ang paglalagay ng ‘sari-sari store gel’ sa buhok niyang pang-emo na nung highschool pa siya, kundi malalagkitan si Jongin sa buhok niya ngayon. 

 

Hindi alam ni Chanyeol kung gaano katagal inayos ng kanyang roommate yung buhok niya. Segundo lang siguro? Pero ba’t parang oras? 

 

Isang pag-hinga. Ang buong paligid niya ay tila tumigil sa pagkilos. 

 

Isang lunok. Ang paghawi ng mga daliri ng binata ay ramdam na ramdam niya hanggang kaluluwa.

 

Isang kurap. Ang kanyang paningin ay napunta sa labing may kaunting ngiti na pinapangarap niyang maramdaman. 

 

Totoo pala talaga yung mga scene sa teleserye kung saan ang bida at ang kanyang pinakamamahal ay nagkita at ang buong mundo ay huminto sa pagkilos at…

 

“Ehem!” Pa-ubong sabi ni Sehun. “Halika na Jongin, mag-iistart na yung klase natin, malayo pa yung building.” Nakakunot ang noo niya nang sambitin niya iyon sa harap ng dalawa. 

 

“Ah, wait lang kasi–” 

 

“Bye! Alis na kami.” Hinablot ni Sehun si Jongin palayo sa kanilang kinauupuan sa canteen. 

 

Bakit nga ba in-example ni Chanyeol ang experience niya ngayon sa teleserye. 

 

Pati pala sa potential love life niya may commercial din. 

 

Sinusumpa niya kung sakali mang sumikat si Sehun at magkaroon ng commercial sa TV, hinding-hindi niya ito papanoorin.

 

“Hoy! Ano yon!” Pahapyaw na may halong kilig na tanong ni Chen sa kanya. 

 

“Ha?” 

 

“Anong eksena ang ginawa niyo kanina! Parang wala yung mga kaibigan niyo sa harap niyong dalawa ni Jongin kanina ah!” 

 

“Ha?” Umiling si Chanyeol, dahil wala din siyang maintindihan. Panaginip lang ba yon? 

 

“Hotdog!” Sagot ng kanyang kaibigan na napipikon na sa kanya. “Ang ayos-ayos ng tanong ko eh.” 

 

Bago pa magdagdag si Chen, siya ay pinigilan ni Xiumin. “Shhh.” Nilagay niya ang kanyang daliri sa bibig ng kanyang kasintahan para matahimik na ito. “Tama na babe. Bayaan mo na si Chanyeol. Obvious naman na di din siya makapaniwala sa nangyari kanina.” 

 

Bumungisngis ang kanyang tropa sa nakakatawang mukha ni Chanyeol na nakatitig sa kawalan pero ang pisngi nito’y pulang-pula. 








“Aray!” 

 

“Ang sakit nun, bat mo naman ako kinurot, Hun.” Hinimas-himas nya ng dahan-dahan ang kanyang kanang braso kung saan siya kinurot. 

 

“Tsk. Umamin ka nga, may gusto ka ba kay Chanyeol?” 

 

“Luh, bakit naman ganyan tanong mo agad. May masama ba sa ginawa ko, inayos ko lang naman yung buhok niya kasi magulo.” Sabay irap sa kanyang kaibigan. 

 

Tumango si Sehun, pero may halo padin siyang pagdududa sa sagot ni Jongin. “Ang sweet niyo kasi tignan kanina. So… Anong nararamdaman mo ba kapag kasama mo siya?” 

 

Napatigil si Jongin sa paglalakad. Ano nga ba?

 

“Uhm… Basta komportable ako kapag kasama siya kasi nga roommate ko siya. Yun lang!” 

 

Yun lang ba? Sa isip niya, may mga katanungan padin na hindi niya masagot. 

 

Hindi na pinahaba ni Sehun ang usapan at nagpanggap na lang siya na sumasangayon siya sa sinabi ng kanyang kaibigan nang makita niya ang tila naguguluhan na ekspresyon sa mukha ni Jongin.

 

“Sige lang. Sabi mo eh.” 








Pang-ilang bukas na ni Chanyeol sa cellphone nya.

 

Hayop! 5AM na pala, ilang oras na lang need na niya tumayo at magaayos para sa first subject. 

 

Jongin, please lang wag mo na ko parusahan. Wala naman akong ginawang masama sayo. Gusto ni Chanyeol umiyak kasi kanina pa siya ilang beses na nagising kasi…

 

Umurong palayo si Chanyeol mula sa katabi. “Ano ba yan Jongin, umayos ka sa pwesto mo.” Bulong niya at tinulak nang dahan-dahan ang legs ng roommate niya. 

 

Nag-reply si Jongin sa bulong ni Chanyeol nang mga salitang hindi niya maintindihan bago itinanday muli ang kanyang legs palibot sa bewang ng kawawang niyang roommate. 

 

At ayan nanaman. Ang mahiwagang pagtusok ng junjun ni Jongin sa katawan niya. 

 

Siyempre, si Chanyeol, bilang isang simpleng tao na may matayog na pangarap sa buhay ay may simpleng pangangailangan din lalo na’t matayog at gising na gising na ang kanyang… Diwa. 

 

Balik nga tayo kanina. Kanina niya pa gusto maiyak hindi ba? pero sa iba ata lalabas yung mga luha niya. 

 

Masama ang loob niyang tumayo sa kama pero ginawa niya iyon ng marahan para di magising si Jongin, dahil need na niya maresolba ang kaniyang problema at err… maglabas din ng sama ng loob sa shower.

 

Bakit pa kasi napaka-clingy and lambing katabi ng roommate niya sa kama. Wala namang malisya kasi masaya nga si Chanyeol na ginagawa sa kanya ni Jongin yun, pero di niya masisi yung katawan niya at lalo na’t sa mismong katabi niya natibok ang puso niya. 

 

Kakatapos pa lang sa business niya nang marinig niya ang biglang pagbukas ng pinto at pumasok si Jongin nang wala man lang paalam. 

 

Pakshet! Baka nagising si Jongin kasi ang lakas ng tunog ng nakabukas na gripo for background song purposes. 

 

Sisigaw na sana siya at aamin, buti na lang, sa pagpasok ni Jongin sa cr, nakapikit pa ito the whole time. Si Chanyeol na parang criminal na caught in the act ay nakatayo lang sa gilid habang may pa-effort na takpan ang kaniyang ‘family jewels’. 

 

Iniwas niya ang titig kay Jongin nang umuhi ito. ‘Ha! Gentleman kaya ‘to!’ sa isip-isip niya. 

 

Sa tunog ng flush, nagsalita muna si Jongin ng gibberish bago lumabas. 

 

Ngunit, sa kamalas-malasang scenario nga naman, nadulas ito ng onti dahil sa tubig sa sahig at si Chanyeol, madali ding kumilos at nasuportahan niya ang mga bewang ni Jongin na maswerteng nakahawak din sa pader. 

 

Di natinag ang mabibigat na talukap ng mga mata ni Jongin mula sa maliit na pagkadulas nito. Tila, walang nangyari at dere-derecho lang ito sa paglabas sa kubeta upang bumalik sa kama. 

 

Si Chanyeol, hubo’t-hubad na nakatanga sa loob ng cr habang ang mga kamay niya ay nasa ere padin na parang nandidiri.  

 

Gago, ang dumi ng mga kamay niya nung sinalo niya ang roommate niya. 

 

Napahid na sa teddy bear top pajama ni Jongin yung mga future anak niya, huhu. 

 

Hay, ‘kay ganda naman ng simula ng araw ni Chanyeol. 








Nagising si Jongin na malinis na ang mga kalat na naiwan ni kagabi ni Chanyeol at may nakahanda pang almusal sa kanilang munting lamesa. 

 

“Wow! Chanyeol, ang aga mo siguro gumising at nakapaglinis ka na. Sana palagi.” Pag-asar niya sa binata na may halong tawa. 

 

Dumila lang si Chanyeol sa kanya na parang bata. 

 

“Ahh Jongin. Maliligo ka ba bago kumain?”

 

“Oo, bakit? Ganito naman yung routine ko palagi ah.” 

 

Kinamot ni Chanyeol ang kanyang batok. “K-kasi magpapa-laundry sana ako today, isabay ko na yang pajama mo.”

 

Napayuko si Jongin at tinitigan ang kanyang damit. “Ha? Okay pa naman ‘to ah, pwede ko pa tong ipang-tulog mamayang gabi.” Sagot niya kay Chanyeol. 

 

“Hindi na Jongin, madumi na yan, promise!” Tinulak siya ni Chanyeol patungo sa cr. “I-abot mo sakin yang damit mo agad pagkahubad mo para makapagpa-laundry na ako.” 

 

Isang malakas na kalabog ang pagsarado ng pinto ni Chanyeol sa mukha ni Jongin nang makapasok ito sa cr nila. 

 

Hinubad niya ang pajama set niya at binuksan ng maliit na hawi ang pinto upang mailabas ang kamay niya na may hawak na damit at sa gulat niya, agad-agad itong hinablot ni Jongin. 

 

“Salamat Jongin! Bye! Punta muna ako sa laundry shop.” 

 

“Huh, weird naman nun.” Sambit ni Jongin pagsarado niyang muli ng pinto upang makaligo na. 








“Chanyeol, dito!” Sinubukan ni Sehun sa kanyang makakaya na tawagin si Chanyeol mula sa kinauupuan nila sa bar. 

 

Di agad napansin ni Chanyeol kung saan ang kanyang mga kaibigan, pero napalingon agad siya nang marinig niya ang malakas na tawa ni Jongin.  

 

Paglapit niya, hinila agad ni Sehun ang collar ng kanyang damit para bumulong ng malakas, dahil medyo maingay sa loob ng bar.

 

“Uwi mo na si Jongin pre. Pasensya na di ko to kayang kaladkarin, di kasi ako uuwi sa dorm.” 

 

“Ha! Bakit?” 

 

Nginuso ni Sehun ang direksyon sa kanyang katabi. “Lingon ka.” Sabay tawa. 

 

Medyo madilim at masakit sa mata ang patay-bukas na ilaw. Nang makita niya kung sino ang katabi ni Sehun, pati siya natawa din, sabay apir kay Sehun. 

 

“Wag ka nang pabebe pre ah!”

 

Kumindat si Sehun. “Oo naman, ako pa! Kaya iuwi mo na ‘tong si Jongin. Kanina pa to nagsimula uminom.” 

 

Kahit nasa tabi na siya ni Jongin, hindi pa siya napapansin ng roommate niya na walang ginawa kundi tumawa sa kwento ng kanyang classmate. 

 

Hinawakan niya si Jongin sa likod, bago pa ito mahulog sa kinauupuan niya kakatawa.

 

“Uyy, C-chanyeol, anong ginagawa-gawa m-mo dito!” Tanong ni Jongin na nabubulol na sa sarili niyang salita. 

 

Hinawakan ni Chanyeol ang braso ni Jongin at hinila niya patayo ang binata. “Uwi na tayo, baka abutin pa sila ng madaling araw, di mo kayang umuwi ng magisa.” 

 

Inalis ni Jongin ang kamay ni Chanyeol sa kanya para umupo uli at uminom pa ng isang shot. 

 

“Mamaya na Yeol, simula pa lang yung gabi. Kung naiinggit ka, eto oh inom ka muna.” Sinalinan ni Jongin ang basong kanyang ininuman para kay Chanyeol, sabay alok nito sa kanya. 

 

Umiling lang si Chanyeol. 

 

Tuwang-tuwa ang mga classmates ni Jongin at binigyan pa siya nang isa pang baso para i-down ang inumin ng isang shot. 

 

Sigawan sila pagkatapos mainom ni Jongin ang alak nang wala pang chaser. 

 

“Guys, tigilan nyo na yan. Masusuka na yang si Jongin mamaya.” Nag-aalala na si Sehun at medyo hindi na natutuwa sa kinikilos ni Jongin. “At ikaw Jongin, nandito na sundo mo, umuwi ka na. Sayang naman effort ni Chanyeol, nagpapahinga na yan sa dorm niyo kanina pa.” 

 

“Oorder pa kami ng isa pang pitchel, dito ka muna Jongin, kahit di ka na mag-ambag dito.” Sambit ng kahina-hinalang classmate niya na kakaiba ang tingin kay Jongin. 

 

Tuwang-tuwa namang pumayag si Jongin nang may pahampas pa sa lamesa. 

 

Naka-ready na si Chanyeol na umuwi kasama si Jongin, kaso yung mga classmates niya mapilit talaga. 

 

Bakit pa kasi sumama ‘tong sila Sehun dito sa crowd na to, iilang subjects lang naman ang shina-share nila kasama ‘tong mga ulupong na ‘to. 

 

Inabot na ni Sehun ang bag ni Jongin kay Chanyeol. “Sige na pre, pagpasensyahan mo na lang sila.” 

 

Hindi pa dumadating ang isang order nung mga classmate nila, naabutan na agad nila si Jongin ng inumin na hindi alam ni Chanyeol kung saan nanggaling. 

 

Pakuha na si Jongin nang hilahin siya ni Chanyeol nang may halo ng pwersa. 

 

“Halika na Jongin, hindi ka naman ihahatid ng mga hinayupak na yan kapag na-wasted ka dito.” Sa point na yon, badtrip na talaga siya. 

 

“Anong sabi mong hayop ka!” Biglang tumayo yung isa nilang classmate na mukhang may masamang balak kay Jongin. 

 

Di niya namalayan na humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Jongin. 

 

Nagpumiglas si Jongin, pero di pa rin siya nakawala sa hawak ni Chanyeol. 

 

“Di ko naman sinabing sunduin mo ko ha, bakit ba ang kulit mo, boyfriend ba kita? Roommate lang naman kita diba!” Nang saglit na nasabi ang matalim na salitang yun, binitawan niya agad si Jongin na para bang nakuryente siya ng matindi.

 

Oo nga naman. Kahit kailan naman hindi naging ‘ sila’.

 

Eto na, ang sagot na inaantay niya. Matagal na niyang inaabangan ‘to. Yung feeling na maliwanagan siya pantasya niya. 

 

Ang sakit-sakit pala, kung alam niya lang na ganito pala kasakit mareject nang taong gusto mo, edi sana hindi na siya nangarap, nag-effort, at nagmahal nang labis. 

 

‘Masyado kang hibang! Uto-uto! Bulag!’ Sigaw ng utak niya sa puso niyang durog. 

 

‘Kung panaginip lang ito, sana magising na ko sa bangungot na ‘to’ . Pinilit niyang ipikit ang mga mata niya upang pigilan ang pagtulo ng luha habang naririnig ang masasamang salita na binabato sa kanya ng mga taong nakapaligid.

 

“Ohhh, grabe ka naman Jongin! Idol na kita talaga!” 

 

“Ibang klase naman talaga ‘tong classmate natin. Isang shot pa nga!” 

 

Para siyang tanga sa gitna ng maingay na bar. Hindi siya makagalaw, sa bigat ng dinadamdam niya. Sinubukan niyang huminga nang maayos, ngunit parang ang sikip-sikip ng dibdib niya. 

 

Gusto niyang umalis, tumakbo palayo, umiyak. 

 

Pero. 

 

Paano si Jongin? 

 

Pinagmasdan niya si Jongin. Dahan-dahan, inobserbahan niya ang binata, maiging tiningnan ang bawat detalye mula sa magulong buhok nito, sa mga matang tila nawawala sa kanyang pagtawa, ilong na hilig niyang pisilin kapag inaasar ito, mga labing kay tamis na isang ngiti lang mula dito, kuntento at masaya na siya sa buong araw. Parte lamang ito nang mga bagay maari niyang hindi na makita. 

 

Hinding-hindi niya na naisip na aabot ang panahon na mapapagtanto niya ang ganitong realization. 

 

Bumalik lang siya sa katotohanan nang hilahin siya at si Jongin ni Sehun palabas sa bar pagkatapos niya mag paalam ng sandali. 

 

May sinabi si Sehun pero di niya maintindihan ang kaibigan.

 

Wala siyang marinig kundi ang unti-unting pagkabasag ng kanyang puso. 

 

Nang isandal sa katawan niya ang lasing na si Jongin, mas lalo siyang hindi makahinga, dahil ramdan niya ang init ng katawan nito. 

 

Hindi niya alam kung paano sila nakauwi maayos.

 

Naglakad ba ako habang akay si Jongin nang walang direction? Tanong niya sa sarili.

 

Marami bagay sa isip niya, nanghiniga niya ang pinakamamahal niya sa kama at kinumutan, bumulong siya ng mahinang ‘paalam’.

 

Gusto niya lang matulog, at nawa’y paggising niya makalimutan niya ang pagsampal ng realidad sa kanya. 








‘Hun, may nangyari ba sa phone ni Yeol :(((((?’ 

 

‘Bkit d padin ba siya umuuwe?’

‘Wala pa rin eh :( Kala ko nandito na sya paggising ko.’  

 

‘Wew gagu k ksi’

 

‘Anoooo bang nangyari???’ 

 

‘Awit ka pre. Di mo pala maalala :P’

 

‘Huyyyy, anong meron??’

 

Napakamot nalang si Jongin ng ulo habang inaayos ang baon nya papasok ng uni. 

 

“Ayaw ko talaga sa lahat yung pa-suspense.” buntong hininga niyang pagsambit. 

 

Nung nakaraang araw pa siya nagtanong sa mga kaibigan nya kung nasaan nga ba si Chanyeol? Basta pag gising niya, parang nawala siya ng bula. Maayos naman ang estado nya at may almusal na nakahain sa kanya kahit medyo tanghali na iyon. 

 

Pagtingin nya sa cabinet ni Chanyeol, medyo nabawasan ng damit, so in-assume na niya na baka umuwi ang roommate niya sa bahay nila. Akala niya pa naman dito muna siya sa dorm kasi magaaral sila para sa nalalapit nilang exam. 

 

Medyo nalungkot si Jongin at plano ng magtampo kay Chanyeol pag sila ay nagkita kasi umalis ito ng walang paalam. 

 

Pero lunes na, at ni–anino ni Chanyeol, hindi niya pa nasisilayan. Alalang-alala na siya at pinakaba pa siya lalo ni Sehun, sa sasabihin nito mamaya. Nasusuka siya na parang tatalon ang puso niya palabas ng rib cage niya sa kaba. 

 

“Chanyeol, sana mahanap na kita.” 








Di uso ang heartbreak-heartbreak lalo na kung college student ka. Gustuhin man niyang umabsent at magstay buong araw sa kama, alam niya na onti nalang babagsak na siya sa mga subjects niya. Kaya sa araw ng Miyerkules, pinilit na niya ang sarili niya na pumasok, kahit mahirap dahil malayo ang commute at makikita niya uli si Jongin.

 

In fairness ha, natapos na ang morning classes niya, hindi pa niya nakikita ang roommate niya. 

 

Wala pa siya sa mood makipag kwentuhan kaya iniwasan niya muna ang pagpunta sa canteen. 

 

Palabas na siya ng Uni nang biglang may kumalabit sa likod niya. 

 

“Chanyeol?” 

 

Pagtalikod niya, nakita niya si Junmyeon, isa sa mga classmate nila Jongin at Sehun sa ibang subjects. 

 

“Okay ka lang? Ilang araw ka nang tinatanong sakin ni Sehun kung nakita kita dito sa school.”

 

“Ahh... May ginawa kasi ako kaya di ako nakapasok.”

 

Oo nga pala, etong kaibigan ni Sehun ang isa sa kasama nila nung sa inuman at isa din siya sa officer ng kanila student council so automatic na kayang siyan i-monitor nito. 

 

“Wait lang, ayun si Sehun sa likod mo oh!” Turo niya. “Sehun! Nandito si Chanyeol oh.” Pasigaw niyang tawag kay Sehun na nakakunot ang noo habang tinititigan kung si Chanyeol nga ba ang kaharap ni Junmyeon. 

 

Napatalon si Sehun at dinuro si Chanyeol. “Tangina Chanyeol?!” 

 

“Mr. Oh! Mind your language. Gusto mong ireport kita sa disciplinary office?” Sabi ng Prof. na napadaan sa direction ni Sehun. 

 

Lagot, mukhang galit si Sehun sa kanya.

 

Mission Abort. Magcutting na lang siya sa susunod na subjects. Uwi na lang siya sa bahay nila. 

 

Pagkatapos paulit-ulit na magbow ni Sehun sa harap ng Prof. siya ay kumapiras patakbo sa kanila ni Junmyeon.

 

Kumaway siya ng mabilis na ba-bye kay Junmyeon para magspeed walk papunta sa gate pero hinawakan ni Junmyeon ang bag niya. “Huy, wait lang daw sabi ni Sehun. Kawawa naman siya oh hingal na hingal na.” 

 

Epal naman nito. 

 

Sa kasamaang palad, mahaba ang legs ni Sehun at ilang segundo lang nasa harap na niya ang binata. 

 

Akala ni Chanyeol sasapakin siya ni Sehun pero pinatong niya ang kanyang mga kamay sa balikat niya at pilit na hinabol ang kanyang paghinga. 

 

“Chan… Si–Ano...ano... Sandale.” 

 

Hingal aso si Sehun. 

 

“Alam mo hayop ka, gusto ko na kamo halughugin ‘tong school para hanapin ka.” 

 

Dali-dali niyang hinila si Chanyeol. Bago siya makalayo, syempre di niya kakalimutan mag-thank you kay Junmyeon at sabay na nag send ng flying kiss sa direction nito. 

 

BLREGH. Ayaw na niya dito, isip ni Chanyeol. 

 

“Huy saan ba tayo papunta?” 

 

“Anong saan papunta? Bobo ka ba? Eh daan papunta ito sa dorm niyo.” 

 

Napalunok na lang si Chanyeol ng laway.

 

Nasa harap na sila ng pinto ng dorm niya–dorm nila…Bago siya bigyan ng maikling briefing ni Sehun. 

 

“Chanyeol? Nakikinig ka ba sakin?” Mahinang pagsampal sa kanya ni Sehun ang nagbalik sa kanyang diwa.

 

“Ha?” 

 

“Hotdog naman to!” Napakamot ng matindi si Sehun sa kanyang ulo. 

 

“Okay, ganto kasi yun. Di ako magsasalita about sa nangyari sa inuman, pero…” 

 

May narinig silang malakas na kalabog mula sa likod ng pinto at may sumigaw ng malakas. “Jollibee delivery ba yan, knock-knock?”

 

“Huh, sino yun?” Curious na tanong ni Chanyeol. 

 

Napa-facepalm na lang si Sehun bago niya buksan ang pinto. 

 

Napadapa sa paanan nila si Jongin na balot ng kumot at may maliit na ‘kool fever’ sa noo. 

 

“Kala ko si Jollibee, pero mas okay ata ‘to.” Nakatingalang ngumiti si Jongin kay Chanyeol. 

 

Hayop, ang cute! 

 

Hindi Chanyeol, walang ganon.

 

Sinampal-sampal ni Chanyeol ang sarili bago pagalitan ni Sehun na kasalukuyang kinakaladkad si Jongin papasok sa dorm. “Anong tinatayo-tayo mo dyan! Tulungan mo ko dito.”








“Ano ba naman ‘to Sehun?” Medyo na-stress si Chanyeol sa nasaksihan niya. Una, ang kalat ng dorm nila. Pangalawa, may flavored calpol at koolfever na pang bata sa lamesa niila. At ang pangatlo at matindi, may sakit si Jongin. 

 

“Di na ko magbibigay ng comment about sa gamot na binili mong pangbata.” Napa-iling nalang si Chanyeol. “Pero thank you, ako na sasalo sayo dito.” 

 

“Aba, talaga! Kahapon pa siya ganyan!” Reklamo ni Sehun. “Atsaka malay ko ba, wala naman kasing nagkakasakit sa bahay namin.” 

 

Napatawa nalang ng marahan ang binata kay Sehun.

 

Lumapit sa kanya si Sehun. “So… Pag-uusapan niyo kaya yung nangyari or nah?” 

 

Nginitian lang niya si Sehun pero ang kanyang mga mata ay malungkot. 

 

Na-gets na ni Sehun agad ang pahiwatig ni Chanyeol. “ Okay… Sunday ka pa nyan hinahanap sakin eh, kahit ata sa tulog niya, hinahanap ka pa rin niya.” 

 

“Kung plano mo naman mag-cutting ngayong araw, ikaw na mag-alaga muna kay Jongin ha! Alis na muna ako.” 

 

Ano pa bang magagawa ni Chanyeol, hindi talaga gagaling ‘tong si Jongin kung calpol na pambata ang ipainom para sa lagnat. 

 

Sa pagsarado ng pinto, nabalot ng katahimikan ang buong dorm nila ni Jongin. Mabuti pa na tulog ang roommate nya. Di pa ready si Chanyeol harapin siya. 








“Chanyeol?” Paos ang boses at nanunuyo ang lalamunan ni Jongin. Patayo pa lang siya pero bigla siyang inalalayan ni Chanyeol pa-upo at inabutan ng inuming tubig. 

 

“Gusto mo pa ba?” Mahinahon na tanong ni Chanyeol. 

 

Mukhang kanina pa siya binabantayan nito dahil nakapirme na siya sa upuan bago pa magising si Jongin.

 

Tumanggi at umiling ang binata. “ Yeol… Saan ka ba nagpunta, nagkasakit ata ako kakakaantay sayo eh.” Sambit ni Jongin na medyo naluluha.

 

Hala shet! Bakit naiyak si Jongin, sigaw ng internal panic ni Chanyeol. 

 

Nilibot niya ang mata nya sa kwarto pero wala siyang makitang tissue, kaya inoffer niya na lang ang sleeves ng kanyang suot na sweater kasi kalat na ang sipon ni Jongin sa mukha. 

 

Awkward man kung awkward, di napigilan ni Chanyeol si Jongin dahil bigla itong kumandong sa kanya habang umiiyak. 

 

“Ikaw naman kasi eh, miss na miss na kita kaya!” Patuloy lang sa pagpunas ng kanyang mukha sa damit ni Chanyeol. 

 

Wala ng nagawa si Chanyeol, kundi yakapin si Jongin, kasi sa pagkakapwesto nya, palaglag na siya sa kinauupuan nya sa katawan ng roommate niya. 

 

Pero teka.

 

Anong sinabi niya?

 

Miss na miss?

 

Huh? 

 

Buti na lang busy pa sa pag-ngawa si Jongin kaya di nito nakita ang pagaaway ng ekspresyon ni Chanyeol dahil di nito alam kung malulungkot ba o matatawa. 

 

Kapansin-pansin padin ang init ng buong katawan ni Jongin. Kaya ang binata ay kinomfort lang niya hanggang ito ay tumahan. 

 

“Okay na, ubos na luha ko.” Pagod na sabi ni Jongin. 

 

“Sure ka ba?” Biro ni Chanyeol. Hanggang ngayon, nakahagkan padin silang dalawa habang nakakandong sa kanya si Jongin. 

 

Natawa na lang si Jongin. “Di ko lang sure, pero bago ako maiyak uli, eto muna dapat kong gawin…” Biglang humiwalay sa yakap si Jongin, hinawakan ang kanyang mukha at siya ay hinalikan sa labi nito. 

 

“Jongin, nagdedeliryo ka ata dahil sa lagnat mo.” Yun lang ang nakayanang sambitin ni Chanyeol. 

 

‘Pathetic naman ampota’ , tila narinig ni Chanyeol ang mga boses ni Chen at Xiumin. At sure siya na yun din ang exact words na sasabihin nila kung nandito lang sila ngayon.

 

Sa maikling sandali ‘ding yon, pinutol agad ni Jongin ang malalim nilang pagkatitigan at nagsalita. “Hindi Yeol, mali ka. Alam mo ba, ilang beses ko nang napanaginipan na ginawa ko yan sayo, pero ngayon po lang nakayanan na gawin ng totohanan.” 

 

Nagsimula siyang umiyak muli. “Ang tanga-tanga ko kasi sinaktan ko yung taong ayaw ko mawalay sakin at ang maikling panahon na wala ka, nagkaganito agad ako.” Di na siya nag abala na punasan yung luha nya kasi patuloy lang naman iyong aagos. 

 

“Sorry kasi nasabi ko yun sayo.” 

 

Naglaho agad yung bigat ng kalooban ni Chanyeol sa mga sinabi ni Jongin. Ibig sabihin ba nito ay may nararamdaman si Jongin sa kaniya, dahil hindi naman ito iiyak ng ganito sa harap niya kung wala lang hindi ba? Kinoconvince ni Chanyeol ang sarili niya at iniisip kung may pagasa ba talaga siya.

 

Napatindig na lang sa pagkakaupo si Chanyeol na parang bato habang sinisiksik niya sa utak niya ang sinasabi ni Jongin upang di niya makalimutan ito kahit kailan. 

 

“Sorry sa mga nasabi ko, sorry talaga. Matagal na kong naguguluhan. Gustong-gusto kong maliwanagan, pero natatakot ako...takot na takot kasi baka pag nalinawan na ko, baka mawala ka sakin. Di ko kaya yun.” 

 

Parang batang napagalitan ang itsura ni Jongin ngayon, gusto niya tumawa ng kaunti. Pero alam niya na ito na ang tamang panahon, di na siya magpaligoy-ligoy at kailangan na niyang magseryoso. 

 

Pinatong niya ang kanyang palad sa isang kamay ni Jongin na nakahawak sa kanyang mukha at siya ay pumikit. 

 

Pinakiramdaman niya si Jongin, ang init ng palad nito sa kanyang balat. 

 

Magka-ugnay. 

 

Kung ikaw ay nasasaktan mas lalo na ako. Kung ikaw ay masaya, ang bigay naman nito sa akin ay abot langit na galak. 

 

Dito niya napatunayan na sila ay tama ngang magkaugnay. 

 

Dasal niya na sa oras na pagsambit niya ng tatlong salita na iyon, ang ugnayan nila ay hindi magwawakas. 

 

Ngunit nawindang ang train of thoughts ni Chanyeol ng sinundan ni Jongin ang sinabi niya. 

 

“Pero totoo naman sinabi ko ah.” Napaiyak-tawa si Jongin. “Di naman talaga kita boyfriend eh.” 

 

Aguy! Gulong-gulo na si Chanyeol sa pinapahiwatig ng roommate nya. 

 

“Ha?” Napanga-nga na lang ang binata.

 

Ngumiti si Jongin sa kanya kahit sobrang basa na ng mukha nito, sa sobrang close ng kanilang mukha, nakikita na ni Chanyeol ang mga pilik-mata ni Jongin na magkakadikit na dahil sa mga luha. 

 

“Kung di pa ako kakausapin ni Sehun, di ko na maiisip na sobrang dense ko pala sayo, pero mas ganun ka ata sakin, kasi di mo ko magets.” 

 

“At sana, susmaryosep, wag mong ma-misunderstand ito.” Humagikgik si Jongin. “Kung inalok mo ko maging boyfriend ora mismo nung moment na iyon, oo agad ako at mag-celebrate, kahit ako pa magpa-inom sa buong bar.” 

 

“Ano daw?!” Parang sirang plaka si Chanyeol dahil gets nya onti ang sinasabi ni Jongin pero parang di siya makapaniwala. 

 

Hinampas siya ni Jongin sa pisngi nang marahan. 

 

Aba, ilang beses na siyang nasasampal ah ngayong araw ah…

 

Sa moment na iyon, dumampi uli ang mga labi niya kay Jongin, pero this time, mas malalim na at mas nayakap niya ang binata nang mas mahigpit. 

 

Grabe, ramdam niya yung chapped lips ni Jongin pero marahil dahil ito ay sa sakit niya. Subalit, hindi ipagpapalit ni Chanyeol ang moment na ‘to sa kahit ano dahil matagal na niya itong pinapangarap, at katulad nga ni Jongin, madalas nadin ito dumadalaw sa panaginip niya. 

 

Sa pangalawang beses, nilayo muli ni Jongin ang kanilang mga labi. “Gets mo na? Kasi–” 

 

Naputol agad ang mga planong sabihin ng binata ng siningitan siya ni Chanyeol.

 

“Jongin, gusto kita.” Amin ni Chanyeol.

 

“Mali pala. Jongin, mahal kita… m-matagal na.” Gusto man niyang tumambling sa inis o tuwa dahil sa pagkakamali at pagkautal niya, di niya ito magawa sa harap ni Jongin. 

 

Chanyeol! ” Iyak ni Jongin, at this time, mas matindi.

 

“Tahan na Jongin. Sorry din, sana mapatawad mo ko sa pag-iwas ko sayo.” Umiyak lalo ng malakas ang binata sa kanyang paghingi ng tawad. 

 

“Kay tagal kong pinangarap na marinig yan.” 

 

Ano daw? 

 

“Akala ko di na darating ang araw na ito.” 

 

“Ha?” Tugon ni Chanyeol. Nag-lag na ang utak sa puntong ito. Tama ba ang pagkakaringi niya na matagal na itong pinangarap ni Jongin.” 

 

“Ang sabi ko...” Sabay punas ng kanyang kamay sa tumulong luha. “Gusto at mahal kita matagal na.” 

 

At tuluyan na ngang nag-hang si Chanyeol. Isa nanaman ba itong teleserye moment na mapuputol uli dahil sa commercial? Kahit kasing haba pa yan ng patalastas ng isang network tuwing sunday nang gabi, wala na siyang pakialam. 

 

Iniisip pa lang niya, di na niya namalayan na ginawa na ito ni Jongin. 

 

Naramdaman niya ang malambot na paghalik ng labi ni Jongin sa kanya. Katulad nga ito sa kanyang in-imagine, pero ang maranasan ito mismo ay walang katumbas. 

 

Nilapit niya ang kanyang sarili at niyakap si Jongin ng mahigpit. O’ kay saya at gaang sa pakiramdam na marinig ang maluwag na paghinga nito nang kanyang nilaliman ang kanilang halik.

 

“Ilang beses na kong nag-initiate ng kiss sayo, kanina ka pa din nakibo dyan.” Nagpanggap si Jongin na nagtatampo siya sa roommate nya. 

 

Natawa si Chanyeol sa sinabi ni Jongin. “Pwede ba kitang ligawan?” 

 

Hinampas siya ni Jongin sa dibdib. “Ang plastic mo.” 

 

“Ligawan mo ko habang tayo na ha.” 

 

“Oo ba ang sagot na yan ha?”

 

“Hotdog ka.” Inirapan siya ni Jongin. Ang buong mukha ay namumula sa pag iyak at sa kilig na nararamdaman niya ngayon. “Oo naman, kaka-amin ko lang sayo kanina.”

 

Sa tuwa ni Chanyeol, tumayo at binuhat niya si Jongin, sabay inikot ito na parang sa movies din na napapanuod niya. 

 

Na-out of balance siya ng kaunti dahil medyo madilim ang kwarto, buti na lang successful niyang nalanding ang kanilang katawan sa malambot na kama. 

 

Hindi magkamayaw sa pagtawa ang dalawang mag-roommate este magboyfriend. 

 

Kahit nakarecover na ang dalawa sa kanilang pagtawa, ramdam padin nila ang matinding kabog ng puso nila. 

 

Umusog si Jongin nang kaunti kay Chanyeol.

 

“Yeol… Alam mo, nabasa ko na nakakababa daw ng high temperature ang skin-to-skin contact.” 

 

Napalunok na lang si Chanyeol nang matindi.

 

OH.MY.GAD. Yung hotdog ko!








At naging normal na nga ang nakatatak na simangot ng kanilang kaibigan tuwing lunch sa lamesa nila. 

 

“Grabe sila oh, ang lapit ng mga mukha, di na natakot na baka may mga makakitang profs. natin.” Sabi ni Xiumin.

 

“Huy! Catholic school ‘to! I-save nyo yan sa dorm nyo, wag dito sa labas.” Dagdag ni Chen. 

 

Nag-unat ng katawan si Sehun. “Bayaan nyo na, ganyan din naman kayo. Ang tagal na nilang gusto yan gawin nang official na sila.” 

 

“Wushu Sehun, kelan mo ba kasi isasali si Junmyeon sa grupo natin.” 

 

Biglang namutla si Sehun. “E-ewan ko sa inyo.” 

 

“Going back to Mr. Jakolero, so… nagawa nyo na bang–” Di pa tapos si Chen nang nilapat ni Chanyeol ang kanyang hintuturo sa bibig ng kanyang kaibigan upang patahimikin ‘to.” 

 

“Shhhhh! May binubulong pa sakin si Jongin.” Sambit ni Chanyeol bago itunutok muli ang atensyon sa kanyang humahagikgik na kasintahan. 

 

Muling tinitigan ni Chanyeol ang kanyang mga kaibigan. “At FYI, di nyo need tawagin ako ng nickname na yan dahil di ko na yan kailangan gawin mag-isa, may tumutulong na sakin ‘noh.” Sabay kindat. 

 

Magkasabay na sumigaw ang kanyang kaibigan at nagpaulan ng mura sa dalawa. 

 

Di masyado narinig ni Chanyeol ang pinagsasabi nila dahil mas malakas sa kanyang pandinig ang ‘I love you talaga” na bulong Jongin para sa kanya.