Actions

Work Header

paano kung tayo pala hanggang dulo?

Summary:

gusto lang naman kasi sumama ni renjun sa unexpected late night drive courtesy of his ex (read: mark lee) para mag unwind from acads, ang hindi niya lang inexpect ay bakit biglang may ungkatan ng past while anaheim by nicole zefanya ang background music?

Notes:

just a short/one shot au bc why not !! i highly advise you to play repeat aneheim by nicole zefanya para mas dama ang angst ;) just a little heads up !! if you're not into ambiguous endings then this isn't for you so i suggest you to find something more fitting for your liking <3 anw i hope you'll enjoy this one!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

iba talaga ang nagagawa kapag gising ka pa rin ng madaling araw, no? may mga pagkakataon na mapapaisip ka bakit nakakapagod na mabuhay pagtapak mo sa edad na bente, kung bakit ang hirap magpatuloy kahit ang daming rason para mabuhay, kung bakit kelan ka masaya saka naman babawiin sayo, kung bakit alam mong right person at right timing na pero nawala parin, kung bakit ang hirap makalimot kahit nagpatawad ka na.

 

ilan lang yan sa mga tanong ni mark ngayong tahimik syang nakahiga sa kama nya at nakatitig sa kisame. paulit-ulit na umiikot sa ulo nya ang mga salitang 'bakit?' at 'paano?' habang iniisip nya ang iisang taong dahilan ng lahat, ang dahilan kung bakit nagpupuyat sya kakaisip.

 

time check. 1:06 am .

 

"tangina road to anemia ka na gago," bulong nya sa sarili bago kinuha ang cellphone sa katabi nyang side table. bumungad sakanya ang sandamakmak na text messages at chats ng mga barkada nyang hanggang ngayon rin ay mga gising pa't naglalaro pa ng online games. gustong magback read ni mark pero alam nyang gaguhan nanaman nila jaemin at haechan ang mababasa nya.

 

nagcheck rin sya ng ibang messages; nanay nyang nangangamusta at nagtatanong kung kelan sya uuwi sa bahay nila, pinsan nyang nanghihingi ng pera sa gcash pangbili ng bagong skin sa ml, kuya taeyong nyang nagtatanong kung may stocks pa ba sya ng mga gamit sa dorm nya at nagyayaya ng grocery bonding nila kinabukasan, si haechan na nagsend ng song recommendation na anaheim by nicole zefanya— pero tumigil ang mga mata nya sa isang pangalan na automatikong nagpangiti sakanya,

 

renchin

loe, are you busy? magrrant ako huhu stressed na ko sa mga reading mats ko 😭

 

renchin

bibili ako mcdo, gusto mo ba? send ka lang money sa gcash ko lmao di kita ililibre wala rin ako money T_T



agad napangiti si mark sa nabasa, walang pagdadalawang isip nyang kinuha ang hoodie, wallet at susi ng kotse nya. bago makalabas ng kwarto ay nagsend sya ng maikling mensahe kay renjun,

 

'wait for me, i'll be there in a few. bring your reading mats with you, okay? see you.’

 

nakita nyang na-seen ni renjun ang mensahe nya kaya agad na syang sumakay sa kotse nya't pinaadar na ito.

 

mga desisyon mo sa buhay, mark lee. aniya sa isip.

 

hindi rin naman nagtagal ay nakarating na sya sa tapat ng bahay ni renjun, hindi na sya bumusina pa dahil nasa labas na ito't naghihintay habang yakap-yakap ang iPad at mga papel na wari nya'y reading mats ng binata.

 

nang makasakay si renjun ay isang matamis na ngiti ang ibinigay nito kay mark, "nagising ba kita?" tanong nito habang isino-suot ang seatbelt. malumanay ang boses nito at tunog pagod narin, siguro'y kanina pa ito nag-aaral.

 

"no naman, i'm still awake when you messaged me. sakto lang na you said you'll order mcdo kaya i immediately drive my way here," sagot nito, his right hand on the top of the steering wheel while his left hand on the gear shift.

 

tumango-tango si renjun na busy i-connect ang phone sa stereo ng kotse ni mark, he shuffled play his own chill playlist na sakto sa mood ngayon. renjun started reading his notes on his iPad silently which mark saw and made him quiet down, nagha-hum kasi ito't sinasabayan ang kantang nagpe-play. 

 

hindi na mabigat ang traffic kaya mabilis lang sila nakarating sa drive thru ng mcdo. mark was the one who ordered their meals for them, alam narin naman nya kung anong gusto ng kasama, plus busy itong magbasa kaya hindi na nya tinangka pang abalahin. they waited for a good 10 minutes bago makuha ang takeouts. as soon as mark started to drive, itinigil na ni renjun ang pagbabasa at napagdesisyunan nang kumain. sinusubuan naman nya si mark ng fries kahit papano which the latter gladly accepts because why not?

 

renjun started to talk about his day, kung gaano ito pagod na pagod dahil two days na syang naiipit sa mahabang discussion ng profs nya tapos wala pa syang naiintidihan kahit pinipilit nya. he also told mark kung gaano nya kagustong ibalibag ang kagrupo sa term paper dahil sobrang hindi man lang nag-effort sa pagresearch at pagbuo ng concept kaya basically nagpaka-hidilyn diaz sya at binuhat nya ang kagrupo dahil wala rin naman syang choice, plus he (tries to) understands naman his partner's situation so he let it slide kahit papano.

 

tahimik lang na nakikinig si mark sa bawat pagbigkas ni renjun ng bawat salita na lumalabas sa bibig nito, taimtim lang syang nakikinig at iniintindi ang bawat salita, tinatandaan rin ang mga maliliit na bagay tungkol sa kasama na parang dati lang,

 

bumuntong hininga si renjun na ngayon ay tahimik nang nakatingin sa bintana, ibinaba nya ang salamim at hinayaang haplusin ng hangin ang kanyang mukha. malugod na tinanggap ni renjun ang malamig na hampas ng hangin sa kanyang mukha, napapangiti sa simoy at lamig. tila ba niyayakap sya ng hangin at sinasabi na magpahinga ka.

 

he's been studying since yesterday, pakiramdam nya sasabog na ang utak nya sa kakabasa ng mga reading mats nya. hindi na sya magsisinungaling na wala talaga syang maintindihan, kahit nagpahinga na sya'y parang pagod na talaga ang utak nya't hindi na tumatanggap ng idlip lamang, kaya laking pasasalamat nya na nagyaya si mark ng late night drive ngayon.

 

kitang-kita nya ang liwanag ng mga ilaw sa iba't ibang establisyemento na nagpapangiti sakanya, idagdag mo pa ang mga bituin sa kalangitan na hindi nahiyang magpakita ngayong gabi. 

 

mark looked at renjun, mukhang masaya ito. pakiramdam nya'y may mga paru-paro sa loob ng tiyan nya ngayon, tila ba nagkakagulo silang lahat. hindi naman sya uminom ng kape pero sobrang bilis ng tibok ng puso nya, wari ba'y may karera at may hinahabol. gusto nyang itigil kung ano man itong nararamdaman nya, pero hindi nya kaya— hindi nya maitigil.

 

"what are you thinking?" renjun spoke, his eyes still focused on the city lights. hinahaplos parin sya ng hangin and mark just wants to tell him he's so pretty right now but he chose not to— because he's not allowed to.

 

mark hummed, "nothing. how about you?"

 

"wala, the moment i hop in your car iniwan ko mga iniisip ko sa bahay. this is my break eh, i deserve this." he said.

 

tumango si mark at saglit na tumingin sa kasama, “you really do.” he said shortly. renjun just smiled, inilabas nya ang kamay sa bintana na para bang nakikipag high five sa hangin. 

 

ganto ang palaging ginagawa ni renjun tuwing may night drives silang dalawa ni mark. renjun loves everything about their night drives, and mark loves everything they do— everything him and renjun do. hindi naman kasi madali bumitaw sa mga nakasanayan mo diba? kahit gusto mong tumigil at bumitaw, may parte parin sayo na mas pipiliin manatili at maging masaya nalang kasi yun yung isinisigaw ng puso mo… at yun ang mali ni mark. alam naman nya, aware sya actually, pero wala eh, mahirap kalimutan. mahirap bitawan.

 

mark knows city lights isnt enough to appease renjun, alam nyang kahit masaya na ito makita ang mga ilaw ng siyudad ay may parte parin na hinahanap-hanap nito ang dagat. kaya napagdesisyunan ni mark na dalhin ang kasama sa paborito nilang tambayan, sa paborito nilang takbuhan kapag pakiramdam nila sumo-sobra na ang realidad at buhay sa siyudad, ang tagpuan nila mula noon hanggang ngayon, at ang kanlungan ng kanilang mga malulungkot na puso.

 

saksi ang dagat na iyon sa lahat ng nangyari sa kanilang dalawa, saksi ito sa pagluha at pagtawa nila, saksi rin ito sa bawat mapupuyos na halikan nilang dalawa sa dis oras ng gabi, saksi sa bawat ‘ayoko na mag-aral!’ at rants; ang dagat ang takbuhan nila.

 

napansin ni renjun na pamilyar ang dinadaanan nila kaya agad ito napangiti at humarap kay mark, “oh my god mark lee, dont tell me pupunta tayong dagat?” bakas ang kasiyahan sa boses pati ang liwanag sa kanyang mata. tumango ang binata na naka-focus mag drive, “you haven’t been on the beach for the past weeks right?” 

 

renjun melted and rest his back on his seat, “thank you, mark…” bulong nito pero rinig parin ng binata. he didnt answered, mark already knows it. alam na nila pagdating sa isa’t isa.

 

nilalakbay ang daan at mahabang kalsada ng bagasbas beach ay tahimik na nakatingin si renjun sa labas. tanaw na ang kalawakan ng dagat at ang mga nakahilerang street lights, kitang-kita rin ang mga ilaw ng iba’t ibang establisyemento na kumukislap. 

 

this is the kind of rest that renjun wont trade for anything in this world. seeing both city lights and the beach is just so breathtaking and marvelous. pakiramdam nya privilege ang makita ang kagandahan ng gabi na hindi magawa ng karamihan, and he’s thankful for having that chance to appreciate the beauty of night.

 

nasa bagasbas road parin sila, sobrang haba naman talaga ng kalsada na tila ba walang katapusan. maganda rito mag-aral ng pagda-drive, dito tinuruan ni mark si renjun noon kung paano magdrive na sinukuan rin naman ng nakakabata, dahilan nito’y bakit pa sya mag-aaral magdrive kung nandyan naman si mark para ipag-drive sya, diba?

 

paano nga ba naman kasi uusad kung patuloy ka paring naka-kapit sa nakaraan at sa taong gusto mo nang bitawan?

 

patuloy lang ang usad ng kotse, wala naman ibang sasakyan na dumadaan. naisip ni mark, buti pa ‘tong kotse nya umuusad, wala rin namang traffic sa kanya pero bakit hindi nya magawang umusad? bakit stuck parin sya?

 

nang makarating sila sa unahang bahagi ng bagasbas road ay agad nagtanong si mark, “gusto mo ba bumaba?” 

 

umiling si renjun, “no, i like watching the sea and city lights while sitting here comfortably.” he said in which he continued driving naman.

 

patuloy parin ang malumanay na takbo ng kotse, binabaybay parin ang kalsada katabi ng dagat. biglang nagplay sa stereo ang nirecommend na kanta ni haechan na anaheim by nicole zefanya. mukhang nirecommend rin ng loko kay renjun.

 

If I could, I'd freeze this moment

Make it my home

You're all I want to want to know

I can tell you mean it when you kiss me slow

But please don't ask me, the answer's no



unang linya palang, alam na ni mark ang magiging daloy ng kanta. tangina mo haechan nananadya kang animal ka.  

 

alam nyang sakto ang kanta sa mga palaisipan na bumabagabag sakanya magmula pa kaninang nakahiga sya’t nagiisip.



In a perfect world, I'd kill to love you the loudest

But all I do is live to hurt you soundless

Say you see I'm lying babe and let this go

I can never promise you tomorrow

 

napansin ni mark na mukhang narealize din ni renjun ang lyrics ng kanta, umayos kasi ito ng upo at kinagat ang ibabang labi, senyales na alam nyang may magiging ungkatan ng nakaraan sa kanilang dalawa.

 

ayaw rin naman ni mark na pag-usapan pa, pero hindi naman nya itatanggi na may parte sakanya na baka pwede naman nilang pag-usapan, gusto lang nya malinawan ulit, hirap na hirap na rin naman syang mag-isip kung paano ba bibitaw at kung bakit pinili nyang manatili as friends with his ex despite the fact na parang walang nangyaring hiwalayan at hindi sila exes.

 

apat na taon. apat na taong minahal ni renjun si mark, apat na taon na wala syang ibang ginawa kundi mahalin lang sya at manatili sa tabi nito. pero habang tumatagal, pakiramdam nya umiikot nalang sya sa pagmamahal nya kay mark, pakiramdam nya hindi na nya mahanap ang daan para magpatuloy pa dahil nung huminto sya para hanapin kung saan ang daan ay pakiramdam nya naliligaw na sya sa pagtahak ng daan sa tirahan nya. 

 

pakiramdam nya naligaw na sya sa pagmamahal kay mark.

 

naligaw, napagod, nagpahinga at hindi na bumalik kelan man. hindi na nya sinubok pang tahakin ang daan papunta kay mark, hindi na nya sinubok magsayang ng oras pa— kasi alam nyang pagod na rin sya’t walang-wala na ang liwanag sa puso nyang magpatuloy; wala namang nangyaring iba, walang kaagaw, walang problema, sadyang napagod lang sya.

 

hindi naman nakakapagod mahalin si mark, alam yun ni renjun. hindi naman sila aabot ng apat na taon kung hindi. siguro, para lamang sakanya, hindi nya kayang pagsabayin ang pagmamahal sa kursong pinili nya, sa passion nyang pagpipinta, sa pamilya nyang on the brink of destruction na, at sa lalaking naging pahinga nya sa lahat ng problema sa mundo.

 

hindi mahirap mahalin si mark, pero mahirap ang magmahal ng sabay-sabay. nakakapagod, nakakaubos, nakakaligaw.



But I'd give anything to stop time

And drive around Anaheim at sun down

To teach my mind to put you first



sinubukan naman nya, sinubukan nyang unahin si mark. sinubukan nyang mahalin muna yung taong alam nyang hindi sya susukuan ano man ang mangyari, pero habang sinusubukan nyang gawin ay mas lalo lang syang napagod. napagod sa pagpilit na huwag mawala ang pagmamahal para sa lalaking mahal nya, para kay mark.

 

at yun ang mali ni renjun. pinilit nyang huwag mawala, desperadong hindi maubos at mawala ang pagmamahal kaya pinilit nyang mahalin lalo, pero hindi nya inakala na sa pagpilit nyang ‘yon ay sya rin palang magiging dahilan ng pagbitaw nya.



Here you are, a hero

You wanna be my new home

But baby let up

I won't ever recognize these roads



pinilit nyang hanapin ang daan pabalik, pinilit nyang hanapin pero habang tumatagal narealize nya na bakit parang sarili na nya yung hindi nya mahanap? bakit sya na yung nawawala?



'Cause I am lost, but not in you

Yes, I am lost, but not in you



una palang, mark already fell in love with renjun way back in junior high school. ang sabi ng mga barkada nya parang masyadong mabilis, baka infatuation lang, ganito-ganyan; but mark knows better. alam nyang totoo na ‘tong nararamdaman nya para kay renjun. 

 

naniniwala kasi sya na hindi mo naman kailangan ng rason para magmahal, minsan hindi mo kailangan ng rason para maging masaya at piliing magmahal, nasa saiyo yan kung gugustuhin mong magmahal at magpakalunod sa saya. and mark chose to be happy without any reasons to falling in love, sapat na yung rason na mahal nya si renjun, renjun himself is beyond enough reason. 

 

they were friends for years before becoming official, before renjun gave mark his answer way back in 11th grade.

 

mark was the happiest kasi sa wakas, renjun is finally his boyfriend. after years of hoping and pursuing him, finally sila na. hindi nagkulang si mark sa lahat, effort kung effort ba? mapapaisip ka kung pano nya nagagawang mag-effort sa acads at sa jowa nya given na sobrang busy nya as an engineering student. pero tulad nga ng sabi ni haechan, “mark lee patron saint of productivity, araw-araw may ambag sa lipunan, dds could never!” 

 

kung ambagan lang rin naman kasi ang hanap nyo, itabi nyo, you ask then mark lee will provide. walang palya, walang labis, walang kulang. and renjun never felt may kulang sa relasyon nila, hindi pinaramdam ni mark na may kulang sa kanila. kumbaga, buhos kung buhos talaga, balak pa yata lunurin ni mark si renjun ng pagmamahal which is dasurv.



I could spend my days studying your laugh's melody

And I can live with myself 'cause I know the composer's me

Babe, all I ask of you is please don't sleep

On the bed of promises I can't keep

 

walang araw na hindi masaya si renjun, mark always makes sure to make renjun laugh. alam nyang hindi enough ang pagpapakilig lang, dapat napapasaya mo rin sincerely. gustong-gusto ni mark kapag napapatawa nya si renjun in his own simple ways, he loves seeing happiness painted on his face. he promised to make renjun happy no matter what.. ang hindi nya lang inexpect, sasaya pala ito kung ititigil na nila ang relasyon na meron sila. 



pasimpleng tumingin si mark kay renjun, nakita nyang nilalaro nito ang mga daliri habang nakatingin sa labas. agad nyang ibinalik ang tingin sa daan at bahagyang kinagat ang ibabang labi nang marinig nya ang boses ng binata,

 

“hindi ko sinasadyang mapagod,” renjun whispered, almost breathless.

 

tumango si mark habang ang mga luha nya’y nagbabadya sa pagpatak, “i know…”

wala na yatang mas sasakit sa katotohanan na kaya hindi na bumalik sayo kasi pagod na sa kung anong meron kayo. hindi man napagod sayo pero napagod namang mahalin yung relasyon nyo. napagod nang salbahin yung sarili sa katotohanan na unti-unti na syang sumusuko.

 

and mark understands renjun. he do. at kahit kelan hindi sya nagtanim ng sama ng loob kay renjun— wala eh, mahal nya kasi. mahal parin hanggang ngayon.

 

mark cleared his throat before saying, “i understand, renjun…"

 

renjun smiled after hearing his words na sya naman ikinagalak ni mark, he doesn't want to ruin the moment, especially renjun's break from his acads. he doesn't want to be selfish.

 

mark pulled over to the side, rinig na rinig nila ang paghampas ng alon at ang malakas ng sibol ng hangin mula sa labas. diretsong nakatingin si renjun at mark sa daan,

 

"sometimes i still wonder, what if we didn't breakup?" mark said without looking at renjun, takot sa kung anong makikitang reaksyon ng kasama.

 

renjun heaved a deep sigh, "edi mas lalo lang tayong mapapagod ipilit ang hindi na dapat ipilit pa." he answered, "eto parin ba ang pag-uusapan natin mark? akala ko ba okay na?" dagdag nito, bakas pa ang frustration sa boses nya.

 

“we're okay. you know… i'm just having these thoughts again," he paused and heaved a sigh,

 

"what we had back then… sayang, sayang tayo."

 

i’m trying… pero ang hirap, ang hirap-hirap mong bitawan, hirap na hirap na kong bitawan ka because fuck it renjun, i still love you.

 

napapikit si renjun matapos marinig ang mga salitang binitawan ni mark, this is the prime reason kung bakit ayaw nyang makipagkaibigan kay mark after their breakup. ayaw na nyang pahirapan si mark dahil alam nya sa sarili nyang hindi sya nito bibitawan, pero wala syang choice— mark still wants him around, ganon rin naman sya pero unlike mark, he still wants the guy in a platonic way.

 

renjun reached for mark's left hand, he held it gently as if it's a vulnerable object that should be taken care of or else it'll break,

 

"mark, look at me." he said softly, whispering with hope that mark would oblige.

 

"if we're okay then bakit ganito parin tayo, mark? bakit hindi parin matapos 'tong nakaraan na 'to?"

 

mark plasttered a small smile, he already cried this the moment they call it off kaya walang luhang ilalabas pa pero masakit parin pala, masakit parin na yung taong mahal mo na mismo yung nagbabaka sakali na umusad ka na mula sa nakaraan kasi sya nakausad na, samantalang ikaw, kumakapit parin kahit wala ng dahilan para gawin pa iyon.

 

magi-isang taon na simula nung tinapos ni renjun ang relasyon nila, magi-isang taon na pero heto parin sya, nagbabaka sakali at kahit papano umaasa na baka bumalik pa si renjun. 

 

siguro nga tanga si mark tulad ng sabi ni jeno, sino ba naman kasi makikipag kaibigan sa ex kung hindi mutual ang breakup at higit sa lahat hindi pa nakakamove on? bakit mo naman kakaibiganin imbes na magmove on ka nalang?

 

ayaw nya mawala eh, ayaw nya bumitaw. alam naman ni mark na mali sya, binigyan sya ni renjun ng sapat na dahilan kung bakit ayaw na nya, sinabi nya na hindi muna sya magpapakita sakanya pero sadyang tanga sya para sabihin na 'huwag na, okay lang naman sakin.'

 

mark loves renjun with all his being. he gave him everything until he's left with nothing, and he never loved someone like him until now. 

 

bumuntong hininga si mark, "i'm sorry, i was having these thoughts of mine kanina, the prime reason kung bakit gising parin ako.'' he said.

 

renjun let go of mark's hand, marahan syang sumandal sa backrest ng shotgun seat while the side of his eyes sparkling because of his tears. he moved on, yes— but the pain is still there, it still lingers from within. hindi naman purke sya ang nakipag break ay matic na ayos na sya, na hindi na sya masasaktan pa kahit ungakatin pa ang nakaraan. of course he still gets hurt, minahal nya rin naman si mark; sobra pa sa sobra.

 

his heart clenches with the thought of how they ended up, of how things got ended all of a sudden knowing its his fault. hanggang ngayon, sinisisi nya parin sarili nya for breaking mark's heart, hanggang ngayon hindi nya parin pinapatawad ang sarili nya.

 

marahang tumikhim si mark bago magsalita, "i always see my future with you… there's no part of my plans na hindi ka kasama, i've always saw my future with you right from the start," pagkkwento nito. nakikinig lang si renjun habang tahimik na pumapatak ang mga luha, "i have always told myself to be the best for you for me to be able to give you nothing but the best because that's what you deserve. you gave me reasons to be the best version of myself when i couldn't find any when i needed it the most for me to hold on," 

 

looking back, renjun thought mark was the one who saved him from everything, the one who saved him when things were falling apart— but it turns out they saved each other from falling apart and giving up. they gave each other reasons to continue thats why they're still here.

 

mark smiled while looking straight at the road, "how can i let you go when you're the best thing that happened to me?" 

 

and that was renjun's last straw, he sobbed soundly while clenching his chest to stop the pang on his heart, his face completely drenched with tears.

 

despite renjun's cry, mark chose to continue, "we were beautiful back then… and it just hurts knowing we'd end unexpectedly, it still hurts me up to this day that i lost you." he chuckled slowly while wiping his own tears. 

 

"can't you hold me a little bit longer? you could've told me you can't breathe anymore from the things that holding you back, tutulungan naman kita…" he asked,

 

renjun answered in a low tone, "you know i'll never drag you in my own mess, right? i chose to fight all those silent battles on my own because i loved you and i dont want to hurt you more."

 

"but you still did." he answered slowly while shrugging his shoulders as if its a matter of fact.

 

"my family's falling apart, i can't paint that time, i keep on failing my units kasi hindi ko naman talaga gusto ang pharma as my program, and despite those i chose to save my love for you, i chose to love you harder kahit pa pagod na pagod na ko at wala nang patutunguhan 'tong pagtakbo ko papalapit sayo. pinilit kong mahalin ka kesa sa sarili ko kase mahal na mahal kita… hindi ko sinadyang mapagod para sating dalawa, alam mo yan."

 

mark already heard the truth, pero parang mas masakit this time knowing na he's on his senses and he clearly understands renjun's words, unlike the first time he heard those words dahil clouded sya ng thought na renjun's breaking up with him.

 

truth really hurts like a bitch.

 

"i didn't give up on you, i gave up on our love and chose to do whats right for the both of us. ayokong ipilit ang sarili ko sayo kase hindi mo 'yun deserve, at ayokong ipilit ang sarili mo sakin na nagsta-struggle hanapin ang sarili," renjun said and finally looked at mark na panay ang pagtulo ng luha. renjun gained up all his strength to talk without his voice shaking,

 

"i'm sorry for what happened to us…"

 

agad umiling si mark at marahan na hinaplos ang pisngi ni renjun na lumuluha parin. "it's not your fault, alright? it's okay, we're okay. please don't blame yourself for what happened to us, you know that blaming you is the least thing i could do, right? free yourself from all these self-blame you've been doing, okay?"

 

madaling sabihin pero mahirap gawin para kay renjun, aminado naman kasi syang mali talaga sya. he didn't communicate well with mark that time at kumilos lang sya out of fear. siguro, kung kinausap nya si mark baka hindi sila ganito ngayon, baka hindi sila nasasaktan ngayon.

 

mark wants to be selfish kahit ngayon lang, he wants to stop time and ask renjun to come back to him, he wants to take back the love of his life kahit ngayong pagkakataon lang— but he knows he can't and he shouldn't. hindi na kasi dapat, maling-mali na kasi ayaw na nya, ayaw na ni renjun.

 

siguro may mga tao lang talaga na dadaan at papasok sa buhay mo para turuan ka sa mga bagay na hindi mo kayang harapin at subukin mag-isa, siguro leksyon lang silang dalawa sa isa't isa, siguro nandyan sila para buuin ka sa panahon na hindi mo kayang mag-isa.

 

siguro, hanggang dito lang talaga.




tahimik na binaybay nila mark at renjun ang daan pabalik, alas tres y trenta na rin kaya kailangan na nila umuwi dahil may mga pasok pa sila mamaya at kailangan pang mag-aral ni renjun. wala nang nagtangkang magsalita pa pagkatapos ng pag-uusap nila, si renjun ay tahimik na lamang na nakatingin sa labas habang pinapakiramdaman ni mark ang kasama. 

 

matapos mag-usap ay inalok na ni mark iuwi si renjun, hindi nya inaasahan na mauuwi sa ganong sitwasyon ang usapan nila lalo pa't pahinga dapat 'yun ni renjun. pero wala na rin naman syang magagawa, sya rin naman ang nagsimula ng pag-uusap na 'yon kaya marapat lang na sya rin ang tumapos.

 

tanginang midnight thoughts 'to, pahamak sa buhay.



nang marating nila ang harap ng bahay ni renjun ay hindi muna sya bumaba. nanatili lang syang nakaupo habang nakatitig sa labas. mark took this opportunity to ask something,

 

"we could still be friends after this, right?"

 

kabado man ay hindi ipinahalata ni mark ang nerbyos sa maaaring makuhang sagot kay renjun. nagbaling ng tingin ang kasama nya sakanya at sinabing, "we can, kapag kaya mo na para sating dalawa." he answered as he opened the door to exit the car. 

 

renjun was about to take his step forward when he heard mark's voice. he stopped at his tracks making him back facing the older,

 

"have you ever thought… paano pala kung tayo hanggang dulo?"

 

paano nga kaya?

 

paano nga ba masasagot ang tanong na yan? sa totoo lang ay hindi nya rin naman kasi alam, hindi nya alam kung may dapat bang isagot o may maisasagot sya. ang hirap ng tanong para sa taong hindi tiyak sa isang bagay. 

 

pagak na ngumiti si renjun bago humarap kay mark na naghihintay sa sagot ng binata. nakita ni renjun sa mga mata ni mark na umaasa ito, he could tell it based on how mark looks at him while waiting for his answer. renjun wants to be honest about his feelings, he wants to be transparent for him and for mark, and so he answered,



"malabo… pero hindi imposible."

Notes:

hello! i enjoyed writing this short angst of mine, this was supposedly a fic to be posted on mark's birthday kaso hindi ko kinaya matapos bc im busy with my work and college reqs :< but here it is now !! anw i hope you enjoyed reading my first ever markren fic <3

read my carrd for other fics