Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Collections:
Narito Kami 2021 Fic Fest
Stats:
Published:
2021-08-05
Completed:
2021-08-05
Words:
56,864
Chapters:
7/7
Comments:
46
Kudos:
194
Bookmarks:
18
Hits:
4,106

Full Circle

Summary:

Sabihin na lang natin na ang buhay ni Baekhyun ay tahimik, steady, at may sinusunod na routine. Iyon ang nakasanayan niya at mas gugustuhin niyang ganun na lang palagi ang agos ng buhay niya.

At si Chanyeol? Si Chanyeol ang taong sinusubukang makapasok sa buhay ni Baekhyun. Hindi para baguhin ang agos nito, kundi para makisabay dito.

Notes:

helloooo! gusto ko lang sabihin na there are plenty of things that i wish i managed to emphasize or establish, things that i wished i managed to add, pero ito na yun eh hahaha baka mafeel (or mahalata) niyo na rushed na yung iba dito (eyes chapter 6&7) hahaha im sorry about that! gusto ko lang talaga umabot ito at magawang maibahagi sa iba. this is also unedited, so baka may makita kayo na some result of kasabugan hahaha

anywaaaay, to my prompter, thank you for the prompt. this is probably far from what you expected, far from what you were thinking of when you sent the prompt, and feel ko lumayo ako sa prompt at ginawa kong magulo ang buhay nila haha still, i hope na nakita mo pa rin ang baekhyun at chanyeol na gusto mong makita! to the mods, maraming salamat po sa pagsagot ng mga katanungan ko at para na rin sa fest na ito. thank you, also, to my friend who answered some things i had no idea of despite not having any idea what it was for besides the fact that it's for a story. and to you, who's giving this story a chance, maraming maraming salamat. sana, kahit na baka hindi ito ang inaasahan mong daloy ng kwento nila, ay magustuhan mo pa rin ang kwento. :)

hopefully, tama ang intindi at ang nasearch ko sa kung ano ang isang wallflower haha this fic is heavy on narrations btw due to their character (or baka madaldal lang talaga ako) haha

Chapter Text

Unang beses mo siyang nakita, nasa library ka.

Its not anything special, kung tutuusin. That time, may hinahanap ka lang na libro dahil hindi ito available sa library sa high school. Gustong-gusto mo na kasi ito mabasa kaso wala ka rin pera pambili. Sinearch mo sa database niyo at nakita mong available, ang problema lang wala sa building niyo, kaya kinailangan mo pa manghingi ng slip para makahiram ka.

And syempre, ikaw, hindi ka na makapaghintay na mabasa ito. Plano mo nga sana mag-ipon mula sa baon mo para naman mabili mo na lang yung libro. Mas convenient yon. Kaso atat na atat ka na talaga mabasa at hindi naman ganun kalaki ang baon mo. High school ka pa lang at baka kung ano-ano pa masabi sayo kapag bumili ka naman ng hindi kailangan sa eskwelahan.

Kaya ito ka ngayon, hinahanap ang libro na iyon.

Nasa isang aisle ka, hinahanap ang reference number nung librong plano mong hiramin, pero napatigil ka nung may nakita kang lalaking nakaupo sa may stand na ginagamit para makuha yung mga libro sa may taas. Kailangan mo pa naman yun dahil hindi mo makita ang reference numbers nung mga nasa taas na libro, pero hindi mo magawa dahil sa lalaking yun.

Nakaupo siya sa stand na yun kahit bawal. Busy siyang nagbabasa ng libro at kumakain. Kahit bawal ang kumain sa loob ng library.

Yung isang kamay niya, hawak ang libro at ang isa naman ay may hawak na maliliit na chichirya. Yung parang tigpipiso. Sa tabi niya, may iilan pang ganung klaseng chichirya at may mga ubos na, nakaipit lang sa iba pang pagkain niya.

Naramdaman siguro nung lalaki na nakatingin ka kaya bigla siyang napatingin sa may direksyon mo. Parang napatigil pa siya at nanatiling malapit lang sa labi niya ang kinuhang chichirya. Agad din naman nawala ang pagkagulat niya at saka napalitan ng isang ngiti.

Bigla ka napaiwas ng tingin. Nakaramdam ka ng hiya dahil nahuli kang nakatitig sa kanya.

Sa gilid ng mata mo, nakita mo siyang binalik na lang ang tingin sa libro, parang walang pakialam na nakita mo siyang kumakain sa library, at saka pinagpatuloy ang ginagawa kanina.

Sinubukan mong ibalik ang tingin mo sa mga libro, hinahanap ang librong kailangan mo.

Pero hindi mo magawa.

One, dahil wala sa may pwesto mo ang hinahanap mong libro.

Two, hindi mo mapigilan na hindi mapasilip sa lalaking ngayon ay binubuksan ang panibagong plastic ng chichirya. Medyo malakas ang pagkabukas nito kaya hindi mo naiwasan ang hindi pagtingin.

Three, napansin mong pareho kayo ng uniform— ibigsabihin, high school din ito, katulad mo. Hindi mo makita kung anong year level na siya dahil natatakpan ito nung mga nakasabit na ballpen sa bulsa kung saan nakikita ang year level.

Four kailangan mo talagang hiramin yung stand na inuupuan nung lalaki.

Pero nahihiya ka dahil sa nangyari kanina. Hindi mo rin naman siya kilala kaya lalo kang nahiya.

(At siguro dahil na rin mukhang interesadong-interesado ito sa binabasa niya kaya hindi mo siya magawang maistorbo.)

Eh kung sa ibang araw na lang ako manghiram? naisip mo. Pero gusto ko talaga mabasa ang libro na ‘yon.

Napabuntong-hininga ka.

Hindi mo maiwasan na mapatingin sa hawak niyang libro at saka mo lang napansin na yun din pala yung hinahanap mong libro!

Ngayon, ang internal dilemma mo ay hindi na kung dapat bang hiramin ang stand na inuupuan niya. Naging kung dapat bang hiramin ang librong hawak niya o sa ibang araw na lang niya balikan, tutal, for sure naman, babalik naman ito sa shelf ulit. Hindi naman siguro mawawala o hindi ibabalik.

Pero bago pa man siya makapag-desisyon, bigla siyang nakarinig ng mahinang pagpalo at nakita mong may kasama nang iba ang lalaking kaninang nakaupo sa stand.

Nakapamewang itong nakatingin sa lalaki. Alam mong bawal kumain dito! Sumbong kita!

Natawa na lang ang lalaki at saka siya tumayo sa pwesto niya. Nag-cling pa ito sa may braso niya at narinig niya ang bulong nito. Ang tagal mo kasi.

“Ewan ko sa' yo. Ang ingay pa nyang kinakain mo.

Sorry na nga.

Bigla ka namang nataranta. ‘Yung libro!

Pero bago ka pa man makalapit sa kanya, nakita mong iniwan ng lalaki ang libro sa may table kung saan iniiwan ang mga libro para ang mga librarian ang magbalik sa shelves.

Kukunin mo na sana ang libro pero bigla kang napatigil.

Para ka namang natameme dahil hindi ka sigurado kung tama ba ang nakita mo o hindi.

Nakita mo kasing napatingin sa yo ang lalaki at bahagyang ngumiti sa yo, na para bang nahihiya, bago pa itong tuluyan na lumabas ng library kasama ang (who he assumes) kaibigan niya.

Tama ba ang nakita ko?

Napailing ka. Baka naman hindi.

Kinuha mo na lang ang librong kanina mo pa hinahanap at tinanggal na lang sa isip mo ang nangyari. It's not like magkikita pa kayo ulit ng lalaking yon. Hindi naman siya importante sa buhay mo. He's just some sudden person na bigla mo lang nakita sa aisle ng library.

Pero yun ang akala mo.

Dahil suddenly, sa mga susunod na araw, sa tuwing pupunta ka sa library ng building niyo (na halos araw-araw nangyayari), ng high school, lagi siyang nandun at palaging may pinagkakaabalahan. Nasa iisang pwesto lang palagi, as if iyon ang paborito niyang pwesto.

At ikaw, hindi mo maiwasan na mapatingin palagi sa direksyon niya, inaalala ang mukha niya, hanggang sa mas madalas mo na siyang napapansin sa tuwing nasa hallway siya, kasama ang kaibigan niya, at sa mga lugar na madalas mong pinupuntahan at nadadaanan.

Pero ni minsan, hindi siya napatingin sa gawi mo. Hindi mo alam kung naaalala ka ba niya at ang isang beses na nagkasalubong ang tingin niyo nung nasa main lib kayo. Wala namang nakakaalala sa ganung klaseng bagay.

But that s something to be expected anyway.

It's  always been like that.

 

 

“Hi! Happy Valentine’s Day!”

Napatingin si Baekhyun sa taong biglang sumulpot sa harap niya—isang napaka-pamilyar na lalaki, sobrang laki ng ngiti nito, at parang siya ang taong nagpapatunay na totoong may mga matang kumikinang sa sobrang saya. Para namang hindi makahinga si Baekhyun dahil dun at lalong hindi makapagsalita habang nakatingin lang sa taong biglang sumulpot sa harap niya— si Chanyeol.

Napansin ni Baekhyun na unti-unting lumiit ang ngiti ni Chanyeol. Parang namang may parte kay Baekhyun na gustong sumigaw para pigilan mangyari ‘yun. Hindi niya tuloy napigilan ang pagkunot ng noo niya dahil sa nakita.

Napakamot ng ulo si Chanyeol na para bang nahiya bigla.

“Ah, sorry… baka nabigla kita. Ano… binibigyan ko kasi lahat ng kaklase ko ng something kapag Valentine’s day…”

“Ah…”

Saka lang napatingin si Baekhyun sa hawak ni Chanyeol—dalawang Kit Kat na naka-ribbon pa para magkasama at may nakasabit na baby blue na papel. Probably ay note na nagsasabi na, Happy Valentines Day! Like the usual thing na binibigay sa iba.

Inaabot ni Chanyeol ang chocolate sa kanya kaya kahit nahihiya man ay kinuha niya ito.

Paborito niya rin naman kasi yung Kit Kat.

Nahihiyang ngumiti si Baekhyun. “Salamat.”

Bumalik naman ang malaking ngiti ni Chanyeol dahil dun at para pa siyang nakahinga nang maluwag nung tinanggap niya ang hawak na Kit Kat. “Wala ‘yun! Happy Valentine’s Day ulit!”

At ayaw niya rin namang mawala yung ngiti na yun dahil sa kanya.

Bago pa makasagot si Baekhyun ay tumalikod na si Chanyeol at bumalik sa pwesto niya. Sinundan niya ito ng tingin at nakita niya kung paanong umakbay ang kaibigan (slash kaklase) niya sa kanya, si Sehun, at may binulong ito sa kanya. Agad naman siyang tinulak ni Chanyeol papalayo, probably dahil sa binulong nito sa kanya, not that Baekhyun would know what it was. Tinawanan siya ng iba pa niyang mga kaibigan na nakapaligid sa kanya.

Ang dami talaga nakapaligid palagi kay Chanyeol.

Walang bago dyan.

Simula pa lang nung high school, ganyan na siya.

Napatingin siya ulit sa hawak na Kit Kat at napangiti, kasi sino ba naman ang hindi mapapangiti kung ang nagbigay sa’yo nito ay ‘yung taong hinahangaan mo, diba? Idagdag mo pa na never pa siyang nakatanggap ng kahit ano mula sa ibang tao (bukod na lang sa natatanging kaibigan niya). And it was given on Valentine’s Day.

Valentine s Day.

It means a lot.

Dahan-dahan niyang binuksan ang note na nakasabit kasama nung chocolate, as if natatakot siyang masira ito. Buong akala niya, simpleng Happy Valentine's Day! lang ang nakalagay pero nabigla pa siya dahil hindi iyon ang nakalagay. In a messy handwriting, it says:

 

May mga pagkakataon na maganda ang chocolate para sa atin. Pero may mga pagkakataon din na hindi. Eat the right amount and get the energy that you can from it. Wag masyadong marami, okay!

At dapat uminom ng tubig pagkatapos.

Happy Valentine s Day!

 

This… was most definitely not what he expected to see in this note.

It’s as if Chanyeol knows na may tendency siya to hoard chocolates.

As if naman malalaman niya ‘yon. Hindi naman sila close.

Pero

Naalala niya tuloy this one time na nakasabay niya si Chanyeol nung bago siya pumasok para sa unang klase niya. Nasa Ministop lang siya that time, ‘yung nasa may tapat lang ng gate ng university nila. Marami ang tao sa loob, karamihan ay bumibili ng breakfast doon.

But not Baekhyun though.

Pumunta siya sa Ministop para bumili ng candy na pwede niya makain habang nasa klase o kaya habang nagrereview. Mabilis kasi siyang antukin at ‘yun na lang ang paraan para magising siya at maiwasan ang makatulog sa klase.

At dahil may extra money siya, imbis na usual na mumurahing candy lang ang binili niya, napagpasyahan niya na rin bumili ng Kit Kat na nakalagay lang malapit sa may counter. Hindi na ito ganun karami. Mukhang hindi pa nagrerestock.

Kukunin niya na sana ang natitira (tatlo lang naman), pero napatigil siya nang may marinig siyang pamilyar na boses na sinabi (pasigaw pa ha), “Brad! Kuha mo nga ako Kit Kat! Nagpapabili ‘tong jowa ko!”

Si Sehun. Kaklase niya sa isang major subject niya.

At ang taong sumagot sa kanya ay mas lalong pamilyar sa kanya.

“Hinaan mo nga boses mo, Sehun. Nakakahiya ka. Malapit lang naman ako sa’yo. Ang daming tao dito at ang sikip-sikip. Umaalingawgaw boses mo,” sagot ni Chanyeol. “At wala nang Kit Kat! Iba na lang bilhin mo!”

Nakaramdam tuloy siya ng hiya kaya agad niyang binalik ang kinuha niyang Kit Kat, thinking na sa iba na lang siya bibili kesa dito, pero nabigla siya nang biglang may tumapik sa may braso niya at nakitang ito ‘yung Kit Kat na kinuha niya kanina.

“Kunin mo na,” mahinang sabi sa kanya at napatingin si Baekhyun sa nag-aabot sa kanya. Si Chanyeol. Nasa likod niya lang pala ito at mukhang bibili lang din ng breakfast dahil wala itong kahit anong hawak. Nakangiti ito sa kanya habang inaabot ang tatlong Kit Kat na dapat niyang bibilhin. “Bibilhin mo dapat lahat, diba?”

Umiling-iling si Baekhyun.

Nakakahiya! Baka ano pa isipin! Binibili lahat!

At si Chanyeol pa ang nakakita!

“Kunin mo na,” pag-urge niya at sakto naman na si Baekhyun na sunod sa counter kaya nilagay ni Chanyeol ang Kit Kat sa may counter at sinabi sa kanya, “Sige na. Hayaan mo na ‘yun si Sehun. Sa iba na lang ‘yan bibili."

Wala nang ibang nagawa si Baekhyun kundi tanggapin.

Kahit hiyang-hiya siyang nagbayad at umalis sa Ministop, not even sparing Chanyeol a glance. Bumulong lang siya ng thank you at agad na umalis.

That was the time na nakasabay niya si Chanyeol.

But as if naman maaalala ‘yun ni Chanyeol. It’s not anything important for him. It’s just probably one of the many interactions na nagawa niya na with his classmates, nothing too special. Sino ba naman si Baekhyun para maalala ng isang Chanyeol Park, diba?

Most people would not remember things like that. Kaya lang naman naaalala ni Baekhyun ay dahil 1) interaction ‘yon with Chanyeol (ang taong hinahangaan niya) and 2) sadyang magaling lang siya makaaalala.

So all of this is probably just a coincidence.

Well, kahit ano pa naman ‘yan, Baekhyun appreciates this nonetheless.

Agad niyang itinago ang chocolate nang biglang pumasok na ang prof nila.

He' ll save that for later.

Habang nagdadasal sila (the usual thing na ginagawa bago magsimula ang klase), napayuko ulit si Baekhyun at nakita ang Kit Kat na binigay sa kanya kanina, pati ang nakabukas na note na kasama nito.

Hindi niya mapigilan ang mapangiti.

He rarely lets himself feel happy, but just this once, even for just a little bit, he lets himself feel it.

Sana lang ay walang kapalit.

 

 

 

 

Text from: Kyungsoo

HOY BAEKHYUN TRAYDOR KA

tinakasan mo na naman ako!!!

sabi ko samahan mo ako, gagala tayo eh!!

hoy baekhyun!!!

 

Binaba ni Baekhyun ang hawak na cellphone nang mabasa ang message sa kanya. Hindi niya ito sinagot at nagpatuloy na lamang sa pagbabantay sa niluluto niyang hapunan nila ng Lolo niya.

Mas okay nang hindi na lang ito pansinin.

Sigurado naman siyang hindi pa ito tapos mag-text.

Kyungsoo’s been like that ever since the day na naging self-proclaimed friend niya ito nung patapos na ang second year high school at kinuha ang number niya para makapag-usap sila sa text kapag hindi mareach ang isa’t isa sa Messenger. Ni hindi na nakatanggi pa si Baekhyun dahil hindi rin naman siya hinayaan ni Kyungsoo na umangal.

Sabi pa niya, Magkalapit lang naman ang bahay natin at pareho pa tayo ng school. Tapos naging mag-classmates pa tayo nung first year high school! Simula ngayon, friends na tayo. Sabihin na lang natin na thank you ko ‘to sa pagtuturo sa akin paano mag-commute at sinabayan mo ako papunta at pauwi!

Hatid-sundo daw kasi ito ever since, pero sinabihan siyang kailangan niyang masanay na mag-commute at nasaktuhan na nung papasok siya ay nakasabay niya itong naglalakad. Nakasunod pa si Kyungsoo sa kanya, medyo malayo, at nabother naman si Baekhyun dun, kaya tumigil siya sa paglalakad at hinintay na makasabay niya ito sa gilid niya, nakatingin lang sa kanya. Agad din naman nagets ni Kyungsoo kaya magkatabi silang tahimik na naglalakad papunta sa may sakayan ng jeep.

At first, he just wanted to help for a few times. Hanggang sa kayanin na nito mag-isa.

He just didn't expect for him to stick around.

Kaya ngayon, second year college (for Kyungsoo, pero si Baekhyun nag-shift kaya nagtetake ng first year courses), kinukulit pa rin siya nito kahit na Baekhyun’s trying his best not to be too close to him.

Ayaw niyang madamay pa siya sa kamalasan na dala niya sa buhay.

Napabuntong-hininga si Baekhyun nang makitang umilaw na naman ang cellphone niyang bihira lang naman umilaw dahil may bagong message.

 

Text from: Kyungsoo

HINDI MO PA AKO SINABAY SA PAG-UWI

hindi mo man lang din ako ininform!! hmp!!

alam ko naman ayaw mo sa gala-gala

pero b college na tayo!!!

KAILANGAN NAMAN NATIN MAEXPERIENCE ‘TO

we’re not in high school anymore need natin lumabas sa ating shell

come onnnnn

break the routine and go out some more!

sulitin ang college life!!

ang pagkakaroon ng maya’t mayang break!!

ano!!

 

Simula nung naging kaibigan niya si Kyungsoo, parang siya ang taong laging naghihikayat sa kanya to get out of his comfort zone and just try to live a little. Nung una naman, okay lang kay Kyungsoo, naiintindihan niyang ganito talaga si Baekhyun, pero nung tumagal na silang magkasama at mas madalas na siya nitong kinukulit at mukhang mas kumportable na siya sa kanya, saka niya na siya unti-unting ineencourage or sinasabihan na lumabas-labas naman.

Hindi kasi nito gustong may routine siyang sinusunod araw-araw. For him, hindi raw magandang nasasanay sa routines dahil hindi ka magiging flexible at ready for spontaneous things. Kapag nag-establish ng routine, posible na mabother ang isang tao kapag nasira ito at maapektuhan ang flow ng buhay ng isang tao.

But the thing about Baekhyun is that, okay lang naman siya with having a routine. It doesn’t necessarily mean that he’s not open to sudden changes in his schedule or his life. Kaya naman niya mag-adapt if he has to, but most of the time, he just likes having a routine because it’s easier that way.

Having a routine means less chances of encountering circumstances that can lead to numerous problems.

Mas gusto niya lang na steady ang buhay niya. Hindi niya kailangan ng buhay na napaka-exciting na puno ng sandamakmak na experiences at ups and downs.

It’s much better this way.

A steady and monotonous life means less pain, less worries, less disappointments, and such.

Tahimik lang ang buhay niya.

Hindi niya kailangan na maramdaman ang napakaraming emosyon sa iisang araw.

Every day, it’s just… the same. He doesn’t really feel that much every day. Just the same thing over and over again.

Others might think that that’s not a good thing, because it’s possible that it would lead to emptiness, but Baekhyun’s okay with it.

Sanay na siya sa pakiramdam na ‘yon— emptiness.

It sounds bad, he knows. Sadyang ganun lang talaga ka-monotonous ang buhay niya. Nakasanayan na lang niya.

Kung ipapadescribe mo sa kanya ang buhay niya, ang masasabi niya lang talaga ay tahimik ito at steady. Just the way he wants it.

That way, maiiwasan niya ang pakiramdam na parang ang saya-saya mo pagkatapos biglang may kapalit na matinding kalungkutan sa buhay na hindi mo makakalimtan at makakaapekto sa’yo habangbuhay.

He’s far too familiar with that feeling at ayaw niya na maramdaman ‘yun ulit, kaya mas gusto niya na lang na ganito ang takbo ng buhay niya.  

Nang umilaw ulit ang cellphone niya, he takes that as his cue para patayin na ang stove. Tinignan niya ang cellphone at binasa ang sunod na messages ni Kyungsoo sa kanya.

 

Text from: Kyungsoo

LIKE I GET IT

okay nga naman yung buhay mo

i mean . you wake up early to water your plants (the dream!)

cook for you and your lolo, make your cat eat, then get ready for uni, study, then go home

literal na school-bahay type of thing

and hindi naman masama na gawin yon

but maybe

as in just maybe

just live your life a little bit? have some fun from time to time?

 

Napayuko si Baekhyun nang may maramdaman siya sa may paanan niya at saka napangiti. Binaba niya ang cellphone niya sa may lamesa at binuhat ang pusang nasa paanan niya.

“Hello, Moby,” malambing na bulong niya at hinaplos ito. Medyo sumandal pa ito sa kanya, na parang gusto lang niya ipagpatuloy ni Baekhyun ang ginagawa niya. “Puro ka ata tulog ngayon eh. Gutom ka na?”

Bigla itong tumalon paalis ng hawak niya at pumunta sa may taas ng lamesa. Agad naman niyang kinuha si Moby at ibinaba malapit sa kainan nito. Kinuha niya ang cat food at nilagyan ang kainan nito.

Nakangiti lang siya habang pinapanood na kumain ang pusa. Moby’s been with them for 6 years. Medyo matagal na rin. Twelve years old pa lang si Baekhyun nung inuwi ng lolo niya ang kuting na binigay ng kapitbahay nila. Sabi pa ng lolo niya, sayang naman daw kung hindi tatanggapin. Ang ganda. Persian cat kasi.

Naalala pa ni Baekhyun na nung una, naiinis pa siya sa pag-alaga nito. Kung saan-saan kasi dumudumi. Nahihirapan siyang hanapin.

Pero nung nagtagal, he liked taking care of her. Naging parte na ng buhay niya, ng routine niya, ang pag-aalaga rito. Araw-araw niyang binabati ‘yan at walang araw na hindi niya ito hinahaplos.

He finds this nice. Tama naman si Kyungsoo, wala naman masama sa mga ginagawa niya araw-araw.

And he’d rather do this every day than trying out new things every day.

“Baekhyun,” biglang pagtawag sa kanya kaya napatayo siya at humarap sa tumawag sa kanya. “Tapos ka na ba magluto?”

“Opo, Lo,” sagot niya at ngumiti sa kanya. “Magsasandok na po ako. Kain na po tayo.”

Agad na kumuha ng dalawang plato si Baekhyun at inilagay ito sa lamesa para mahanda na ang hapunan nila. Naglagay lang siya ng sapat na kanin para sa kanilang dalawa pagkatapos ay umupo na si Baekhyun sa pwestong katapat lang ng Lolo niya.

Ngumiti siya. “Kain na po tayo.”

“Salamat, apo,” sagot nito sa kanya at bago pa siya magsimulang kumain, bigla ulit itong nagsalita. “Akala ko may lakad kayo nung kaibigan mo… ‘yung Kyungsoo? Sinabihan niya ako nung isang araw eh.”

Nakng.

Pinaalam pa pala.

“Hindi na lang po ako sumama,” sagot niya. “Hindi naman po importante…”

“Ganun ba?” sabi nito pabalik. Tinignan siya nito, na parang binabasa siya, kaya napaiwas ng tingin si Baekhyun. “Nak, pwede ka naman umalis-alis. Okay lang naman ako dito. ‘Wag ka masyado mag-alala.”

Umiling lang si Baekhyun at ngumiti sa kanya. “Hindi po sa ganun, Lo. Ayaw ko lang po talaga sumama."

“Sigurado ka ba? Okay lang naman eh.”

“Sigurado po ako,” sagot ni Baekhyun. “Kain na po tayo.”

Napabuntong-hininga ang Lolo ni Baekhyun at nagsimula nang kumain.

Alam naman niya, nag-aalala lang ang lolo niya sa kanya. 

Saglit na tinignan ni Baekhyun ang lolo niya bago siya yumuko at nagsimulang kumain.

Isa na rin siguro sa mga dahilan kung bakit mas gusto niya ang ganitong buhay ay dahil din sa lolo niya.

Baekhyun glances at his phone nang makita niyang umilaw na naman ito at nag-pop ang mga messages na natanggap niya.

 

Text From: Kyungsoo

tapos nyan sasabihin mo na naman, walang kasama lolo mo

eh daig ka pa nga ng lolo mo!! nakikipag-inuman pa yan minsan sa may tindahan

kahit siya, sinasabihan ka na lumabas-labas naman kahit minsan

 

Napabuntong-hininga si Baekhyun.

Ang lolo niya ang matagal niya nang kasama sa bahay.

Wala siyang ibang makakasama dahil wala na ang mama niya. Namatay siya nung pinanganak si Baekhyun. Ang papa naman niya ang nag-alaga sa kanya nung una, pero kinailangan nitong magtrabaho sa ibang bansa para makapag-provide sa kanila. Simula nun, kamag-anak na lang nila ang nagbabantay kay Baekhyun para may kasama siya sa bahay.

Nung umalis ang papa niya noong seven years old siya, ang tita niya ang nagbantay sa kanya nung panahong nakikitira muna ito sa kanila at walang choice kundi bantayan siya. Nung nag-ten years old siya, saka natapos ang tita niya sa pag-aaral niya sa Manila kaya napagpasyahan niya nang umuwi sa probinsya nila. Saka lang nagsimulang magbantay ang lolo niya sa kanya.

Siya na ang guardian niya ever since. Ang papa niya, hindi pa rin umuuwi mula sa ibang bansa. Nakakausap niya lang ang papa niya paminsan-minsan kapag magvivideo call ito. Pero hindi rin iyon gaano kadalas. Naiintindihan naman ni Baekhyun dahil baka marami itong inaalala at pinagkakaabalahan sa ibang bansa.

Okay lang naman sa kanya dahil ang mahalaga ay may nakakasama siya sa bahay.

Sa kanya rin hinabilin ng tita niya ang lolo niya dahil kailangan daw na may nagbabantay sa lolo niya. Nung una, hindi niya maintindihan kung bakit dahil mukhang masigla at healthy pa naman ang lolo niya, pero nagbago ang lahat nung tumungtong siya ng high school.

Kaya mas gusto niya na lang din na umuwi pagkatapos ng klase niya.

Ayaw niya na maulit ‘yung nangyari noon nung isang beses siyang late na umuwi nung first year high school siya, nung sinusubukan niyang makipagkaibigan sa iba. Masaya siya nung araw na iyon dahil sinusubukan niya na magkaroon ng kaibigan kahit natatakot siya, pero agad din nawala ang saya na ‘yon.

Naabutan niya kasi itong nahihirapan na huminga nung pagkauwi niya at kinailangan niyang dalhin ito sa ospital. Grabe ang pag-aalala at takot niya. Mabuti na lang at naagapan agad.

Simula nung araw na ‘yon, mas gusto niya na lang na umuwi kaagad pagkatapos ng klase niya. Mas gusto na lang niya para mabantayan at maalagaan niya ang lolo niya kung kakailanganin. At para na rin hindi siya mag-isa sa malaking bahay na tinutuluyan nila.

“Nak, kanina pa umiilaw ‘yung cellphone mo,” sabi sa kanya. “May karelasyon ka na ba?”

Gulat na gulat siyang tumingin sa lolo niya. “Po?”

Ngumiti ito sa kanya. “Nabanggit kasi nung Kyungsoo na may natitipuhan ka raw…”

Ang daldal ni Kyungsoo!

Baekhyun laughs nervously. “’Wag po kayo maniwala sa lahat ng sinasabi niya… malabo po mangyari na magkaroon ako ng karelasyon.”

“Ganun ba? Sayang naman pala… ang pogi mong bata.”

Ngumiti lang si Baekhyun sa kanya pagkatapos ay saglit na tinignan ang screen ng cellphone niya.

 

Text from: Kyungsoo

ang tanging outlier lang yata sa buhay mo ay si Chanyeol eh

literally, like, the only exception type of thing

 

Tinaob ni Baekhyun ang cellphone niya para hindi niya na ito matignan ulit.

Chanyeol huh.

On this one, Baekhyun’s going to agree.

Totoong si Chanyeol lang siguro ang naiiba sa buhay niya.

Hindi niya lang mapigilan na macurious sa lalaki. Lagi nitong nakukuha ang atensyon niya, at sa bawat pagkakataon na makikita niya siya, ay nagkakaroon siya ng dahilan para hangaan siya.

Noong unang beses niya pa lang ito nakita sa library, nacurious na siya sa kanya.

Dagdag mo pang nakita niya kung paano siya nagbago for the past few years, dahil magkaschoolmate na sila since high school, at kung paano siya unti-unting sumikat sa kanila noong high school sila. Kahit na mas bata ito sa kanila ng isang taon, marami rin sa kabatch niya ang naging interesado sa kanya dahil kilala talaga ito, sa dami ba naman ng sinasalihan na clubs at sa sobrang active nito.

But that’s just about it.

Curious siya because Chanyeol’s the exact opposite of him.

Chanyeol’s outgoing, always surrounded by people, happy, free, and sobrang approachable nito. Para siyang center of attention palagi. He doesn’t know how he does it, because he feels like such a life is tiring, pero he manages. Lagi niya ito nakikitang napapaligiran ng mga kaibigan niya, na parang sobrang active ng social life niya, pero at the same time, he still excels in his study. Matalino ito. Simula pa lang, nakikita niya na na pinopost ang pubmat niya as part of the achievers of the semester.

Hindi nga lang sa pag-aaral nageexcel eh. Kahit sa ibang fields din, mapasports or music pa.

Baekhyun doesn’t know how he does it, really. Parang lahat na lang ata ng bagay gusto nitong magawa. And for Baekhyun, he thinks na nakakapagod ang ganon.

But he still can’t help being curious.

And while just observing him from afar, siguro, nasimulan niya itong magustuhan.

But not exactly in a deep level. Paghahanga lang. Sino ba namang hindi hahanga sa taong katulad niya, diba?

Kaso ‘yun lang ‘yun. Hanggang paghanga lang. Wala siyang ibang inaasahan na mangyari.

The closest thing they can be is probably be classmates. Or groupmates.

Hanggang dun lang.

Masyadong malabo na maging magkaibigan sila. Magkaiba sila ng mundong ginagalawan. Magkaiba ang agos ng buhay nila. Hindi niya makita ang sarili na makasama si Chanyeol.

Ang pagkakaibigan, malabo na, paano pa ‘yung higit pa dun, diba?

Nag-vibrate ang cellphone niya at napabuntong-hininga si Baekhyun. Kailangan niya na replyan ito para tigilan na siya sa kakamessage sa kanya pero nang makita niya ang sumunod na messages nito ay binulsa niya na lang ang cellphone niya at napagpasyahan na ‘wag na lang sumagot.

Ang daldal niya. Kung ano-ano sinasabi. Bahala siya dyan.

 

Text from: Kyungsoo

also ano pala ulam niyo

pwede penge? hehehehe

exchange tayo if want mo ahehe nagluto ako

 

 

 

“Nandito ka na naman sa gilid. Ano ba, wala bang ibang pwedeng pwesto? May nakikita ka ba rito?” reklamo ni Kyungsoo, pero umupo pa rin naman ito sa tabi niya at pagkatapos ay nag-abot sa kanya ng Slurpee. “Oh, inumin. Suhol ko. Baka umalis ka bigla eh.”

Hindi na nagsalita si Baekhyun at kinuha na lang ang inalok sa kanya. Napabuntong-hininga siya at ibinalik na lang ang tingin sa court.

May event kasi ang college nila ngayon kung saan maglalaban ‘yung iba’t ibang representative ng bawat major sa sports. This year, basketball and volleyball ang maaari nilang salihan.

Sa totoo lang, wala namang interest si Baekhyun sa event na ito. Mas gugustuhin niya pang i-spend ang break time niya sa ibang bagay. Kailangan niya mag-aral at maghabol ng mga babasahin, pero ito siya ngayon, nakaupo sa may pinakadulo ng bleachers, pinapanood ang mga ka-major niya—mga galing sa Behavioral Science—maglaro ng volleyball versus mga estudyante mula sa Asian Studies.

Nahatak na siya ni Kyungsoo this time, with matching maraming reklamo pa dahil hindi niya siya nireplyan nitong mga nakaraang araw. Wala na rin nagawa si Baekhyun dahil talagang hindi siya titigilan ni Kyungsoo at kahit pa gusto niyang sa library na lang tumambay, mabobother siya dahil tatadtarin siya ng text nito.

Oo, pwede namang patayin ang cellphone, pero hindi niya magawa ‘yon dahil may mga nagmemessage sa kanya na mga kagrupo niya sa ibang major nila na kailangan niyang i-check at hindi niya rin magawang patayin ito in case of emergency.

So here he was.

Sinasamahan niya si Kyungsoo dahil apparently, kailangan niya gumawa ng article tungkol sa event na ito at need daw niyang mag-interview ng ilang mga players bago ito ipublish sa website ng student publication ng college nila.

May hawak pa nga itong camera ngayon, na hindi niya maintindihan, dahil si Kyungsoo ang writer, pero hindi na lang din niya qinuestion at hinayaan ito.

“Uy, B, ikaw mag-edit ng article ko ah.”

Napatingin siya kay Kyungsoo, nakakunot ang noo. “Ba’t ako? Wala ba kayo editor?”

“Meron. Pero may tiwala ako sa’yo para hindi naman mukhang sabog article ko bago ko ipasa sa kanya. Hindi na ata ako marunong mag-English at magsulat eh. Tsaka may experience ka naman dito! Ikaw nga nag-eedit nung mga articles sa newspaper nung high school tayo, diba?” pagpilit ni Kyungsoo. “Gusto ko talagang magawa ang article na ‘to para naman magamit ko natutunan ko sa pagnood ng Haikyuu at ang napakaraming beses na sinuportahan ko volleyball team natin. Call me a volleyball expert now. Kaya sige na, please, edit mo? Parang naman first time! Ikaw din nag-edit ng article ko noon.”

Umiling lang si Baekhyun at humigop sa Slurpee niya, pero nalayo sa labi niya ang straw nang hawakan ni Kyungsoo ang braso niya at nag-cling sa kanya. “Dali na! Bayaran pa kita. Nag-iipon ka, diba?”

Umiling lang ulit si Baekhyun. “Bahala ka na.”

“I’ll just take that as a yes. Sobrang helpful ko na friend, yes,” sabi ni Kyungsoo at bumitaw na sa kanya tapos tinusok ang tagiliran niya, na wala naman naging epekto kay Baekhyun. Napatingin lang siya sa kanya at nakitang nakangiti ito sa kanya na parang nang-aasar. “Sa sobrang helpful ko, sinama kita rito. Kasi alam kong kahit sabihin mong ayaw mo, may part pa rin sa’yo na ginustong pumayag dahil alam mong dito kasama ngayon si Chanyeol.”

Napaiwas ng tingin si Baekhyun.

He can t deny that.

Totoo namang nacurious si Baekhyun.

Never pa naman niya kasi ito nakitang maglaro. Nababalitaan niya lang or nakikita niya sa mga articles na pinopost online sa website ng college nila.

At tama naman sila. Magaling si Chanyeol.

Parang siya ang pinakabumubuhat sa team nila. Simula unang set pa lang, siya na ang may pinakamaraming beses na nakakascore para sa team nila.

Hindi niya rin maiwasan ang makaramdam ng pagkaproud.

He wonders… if ganito rin siya nung sa basketball siya kasama.

Hindi niya kasi ito napanood noon.

Hinahatak kasi siya ni Kyungsoo sa pagnood ng volleyball match kasi mas trip talaga ni Kyungsoo ‘yon, kahit nung high school pa sila. May mga friends and classmates kasi siya na part ng volleyball team, kaya todo support pa siya. Dagdag pang may natitipuhan si Kyungsoo na part ng volleyball team that time kaya talagang ‘yun ang inaabangan niya. Nahahatak lang si Baekhyun paminsan-minsan, kahit naman ayaw niya.

Sa sobrang dalas ng paghahatak sa kanya ni Kyungsoo, pati ‘yung pinapaabot niyang regalo para dun sa natitipuhan niya, nanghingi pa siya ng tulong kay Baekhyun na ayusin ang regalo para sa kanya at samahan siya sa pagbigay nun, as if Baekhyun was comfortable in doing that. Eh obvious naman na hindi.

Oh, well. That’s all in the past.

“I’m kind of surprised na dito siya sa volleyball sumali. Diba, nung high school tayo, sa basketball siya lagi kapag intrams?” pag-comment ni Kyungsoo. “Ilang beses pa nga siya nun nagiging part ng year-end magazine natin. Dami na rin niya pics sa album ng SC na nagbabasketball siya. I wonder kung bakit dito siya sa volleyball this year…”

Napakibit-balikat si Baekhyun. Who knows?

Pinanood niya na lang ito na maglaro. Minsan niya lang ito makita, mas okay na na sulitin na lang.

Pinipigilan niya nga ang masyadong tumitig. Hindi niya kasi mapigilan dahil sinusundan niya talaga ito ng tingin. Masyado kasi siyang nakakakuha ng atensyon. Idagdag mo pang ang daming nagche-cheer para sa kanya.

Pero kapag napapatingin ito sa may gawi nila, agad siyang tumitingin sa iba. Alam naman niyang hindi siya ang tinitignan nito, pero parang reflex na lang sa kanya ang umiwas sa tingin ng mga tao kapag nakatingin sa kanya.

Kyungsoo clicks his tongue. “Baka meron siyang nagugustuhan tapos hilig non volleyba—“

“Let’s go, Chanyeol! Tapusin mo na ‘yung set!”

Napatigil sa pagsasalita si Kyungsoo dahil sa biglang pagsigaw ng taong kakapwesto lang sa harap nila. Kilala ni Baekhyun kung sino sila, of course. Mga kaibigan ni Chanyeol ‘yan eh. Blockmate niya sa iilang subject nila kung saan kaklase niya rin si Chanyeol.

Baekhyun’s pretty sure na kanina pa andito ang mga ‘to. Nakita niya sila kanina sa may gitna kung saan mas maganda ang view. He doesn’t have any idea kung bakit bigla na lang pumunta ito sa may harap nila.

Not that it’s any of his business.

“Grabe ang cheering squad ni Chanyeol,” bulong ni Kyungsoo sa tabi niya.

“Friends niya ‘yan.”

“Ay, ganun ba? Si Sehun lang nakilala ko. ‘Yan din ‘yung madalas na kasama ni Chanyeol nung high school, right?” pabulong na tanong sa kanya ni Kyungsoo and Baekhyun just nods. “Well, it doesn’t change anything. Grabe pa rin naman.”

“Chanyeol, bawal madistract!” sigaw ni Sehun.

Nakita niyang tumingin sa gawi nila si Chanyeol, probably kay Sehun nakatingin dahil sa pagsigaw nito bago ito ngumiti at inalis ang tingin sa kanila at saka nag-serve.

Hindi ito naibalik ng kalaban nila kaya nakakuha ulit sila ng punto. Hindi lang sila Sehun ang sumisigaw, kundi halos lahat naman. Maski si Kyungsoo na inaalog-alog pa siya sa sobrang kaba.

He understands what he feels, syempre. Two points na lang at matatapos na ang game. Intense nga naman ang laban. Hindi niya maialis ang tingin kay Chanyeol habang hihintay itong mag-serve.

Napatingin siya kay Kyungsoo nang bigla nitong iabot ang camera na hawak niya. “Nanginginig ako! Ikaw nga mag-picture. Baka pagalitan ako kapag sobrang shaky ng picture ko. Picture-an mo si Chanyeol, please! Mas kalma ka sa akin.”

Hindi na nakaangal si Baekhyun dahil mukhang hindi rin talaga mapakali si Kyungsoo at baka hindi pa ito makakuha ng picture dahil patapos na ang game. Itinaas ni Baekhyun ang camera at pinicture-an ang court. Hindi niya naabutan ang pag-serve ni Chanyeol, pero dahil hindi pa rin ito nababalik ng kalaban, mas lumala ang sigawan sa court.

One point na lang.

Finocus ni Baekhyun ang camera kay Chanyeol. Hindi siya magaling sa pagkuha ng picture, kaya umaasa na lang siya na kahit papaano ay maging matino ang pagkuha niya.

Mula sa camera niya pinanood si Chanyeol.

Kung paano ito tumingin saglit sa gawi nila, ngumiti ulit, pagkatapos ay bahagyang drinibble ang bola pagkatapos ay nag-jump serve.

Baekhyun keeps the camera focused on him. Mula dito, nakita niya kung paanong agad na tumakbo si Chanyeol nang naibalik ng kalaban ang bola, at saka kung paano ito sinet sa kanya, kaya agad siyang tumalon at spinike ang bola.

Nanalo ang major nila.

Nagyakapan ang mga magkakateam. ‘Yun ang huling pinicture-an ni Baekhyun bago niya ibinaba ang camera at hinayaan niyang yakapin at alugin siya ni Kyungsoo sa tuwa.

Kahit ang magkakaibigan na nasa harap nila ay todo sigaw.

Hindi napigilan ni Baekhyun ang mapangiti.

Kahit siya naman ay natuwa.

Hindi lang dahil nanalo sila, kundi siguro dahil na rin sa pagkakataon na mapanood si Chanyeol at makita ang side niya na ito.

“Baka inspired ‘yan!” rinig niya pang sigaw ni Sehun.

Nag-shake ng hands ang mga players bago sila pumunta sa may bleachers kung nasaan ang coach ng team nila.

Bigla namang bumaba si Kyungsoo sa may bleachers, hawak pa ang kamay niya at pumunta malapit sa may team.

Nakaramdam tuloy ng kaba si Baekhyun.

“Uy, t-teka—“

“Pipicture-an ko sila as a team! Samahan mo ako!” sabi ni Kyungsoo. “Tingin mo, papayag kaya si Chanyeol na mainterview kapag nanalo ulit sila? Kapag sila ang champion this year?”

Hindi sumagot si Baekhyun.

Hindi siya makasagot.

Paano, nakita niya kasing nakatingin sa kanila si Chanyeol, nakangiti, at parang kumaway pa, kaya napaiwas siya ng tingin, dahil lalong lumala ‘yung kabang naramdaman niya.

“Uy, kumakaway. Ikaw ba kinakawayan? Uy, close na ba kayo?” pangungulit ni Kyungsoo.

Hindi sumagot si Baekhyun at hinayaan na lang si Kyungsoo na hatakin siya papalapit sa kanila. Bumati pa ito sa coach ng team at saka nagpaalam na picture-an sila.

Pumwesto ang mga players at hinintay ni Kyungsoo na maging okay sila.

Si Baekhyun naman, nanatili lang sa gilid ni Kyungsoo, nakayuko at hinihintay siyang matapos.

He doesn’t dare to look up. Bukod sa uncomfortable siya kapag maraming tao ang nakatingin sa kanya o kaya kapag napaliligiran siya ng maraming tao, iniiwasan niya rin ang biglang mapatitig na naman kay Chanyeol.

That guy can make him feel weird things every single time na magtatama ang tingin nila. Things he doesn t want to entertain.

He just waits until matapos si Kyungsoo, all the while thinking, bakit niya ba hinayaan si Kyungsoo na hatakin siya papunta dito?

Kinausap pa ni Kyungsoo ang coach after mag-picture. Baekhyun looks at him at nagkataon na malapit si Chanyeol sa kanya kaya nagkasalubong sila ng tingin. Mukhang medyo nagulat pa si Chanyeol at humakbang ito papalapit sa may direksyon niya, na pinagtaka naman ni Baekhyun, thinking na pupunta siya sa kanya, but dismisses the thought when someone from behind him walks past him at  biglang umakbay kay Chanyeol at ginulo ang buhok niya—si Sehun, kasunod ang iba pang mga kaibigan ni Chanyeol.

Ah. Baka sila ang tinitignan ni Chanyeol.

Sabagay, as if nga naman na sa kanya siya nakatingin nun.

Sakto naman na natapos si Kyungsoo sa kausap niya at agad itong nag-cling sa kanya, at binulong, “Alam mo ba, ilang beses kong nakitang sumulyap-sulyap sa’yo si Chanyeol nung lumapit tayo para picture-an ko ‘yung team. May something na ba? May hindi ka ba sinasabi sa akin?”

Sasagot pa sana si Baekhyun sa kanya, pero biglang nag-vibrate ang cellphone niya kaya napatingin siya doon.

 

Text from: AA Lolo

nAk, uwI k n b ?

 

Nang makitang galing ito sa lolo niya, biglang bumilis ang tibok ng puso niya, kinakabahan. Bihira lang mag-text ang lolo niya sa kanya. Madalas, kapag may kailangan na kailangan lang gawin o emergency kaya hindi niya maiwasan ang biglang pag-overthink.

“Uy, Baekhyun, okay ka lang?” tanong ni Kyungsoo nang mapansin na napatigil si Baekhyun.

Umiling lang si Baekhyun at saka tinanggal ang pagkahawak sa kanya ni Kyungsoo. Mabilis siyang naglakad palabas ng court, hindi pinapansin si Kyungsoo na tinatawag siya at nakasunod lang sa kanya.

“Huy, ito naman! B! Kung magmadali kala mo hindi nag-enjoy! Huy!”

He did have fun. All the things that happened when they were in the gym was already enough for him to be happy.

But thats enough fun for today.

He can’t have anymore than that.

He glances at his phone, hinihintay na may sumagot sa tawag niya, pero wala.

Lalo lang siyang kinabahan.

 

 

 

 

“Bakit ang aga mo naman?” bungad na tanong kay Baekhyun nang makapasok siya sa bahay nila. “Wala ka nang klase?”

Nang makita ang lolo niya sa paborito niyang upuan at natutulog sa may hita niya si Moby, katulad ng madalas niyang naaabutan pagkauwi niya, para siyang nakahinga nang maluwag at agad na nawala sa utak niya ang lahat ng pag-aalala at lahat ng iniisip niya nung pauwi na siya.

Still, nandun pa rin ang naramdaman niyang takot.

Ang hirap naman ng ganito.

Ang hirap na kapag makakaramdam siya ng kaunting saya, ang sunod na mararamdaman niya ay takot na baka may masamang mangyari pagkatapos.

Ang hirap ng ganito ang takbo ng utak niya.

Sobra-sobra tuloy ang pag-aalala niya nang makita niya ang message ng lolo niya kanina. Iniisip niya, baka binawian na agad siya.

Buti na lang.

Agad siyang lumapit sa kanya at nag-mano, pinipilit ang sarili na ngumiti kahit ramdam pa rin ang kaba at takot. “Lo, bakit ka po napatext? Nag-alala po ako. Hindi ka rin po kasi sumagot sa tawag ko. Busy.”

“Tumawag kasi ‘yung tita mo sa akin. Napatagal, tapos nung tatawagan na kita, wala na pala ako load. Nakita kong sabi mo pauwi ka na, kaya hinintay na lang kita,” sagot sa kanya ng Lolo niya. “Bakit parang nagmadali ka pa ata? Okay ka lang? Hindi ba’t may klase ka pa?”

Umiling lang si Baekhyun. Hindi naman niya pwedeng sabihin na nagmadali siya dahil sa sobrang pag-aalala niya. Pagagalitan lang siya ng Lolo niya kapag nalaman niya ‘yon.

“Bakit po ba kayo napatext?” tanong ni Baekhyun habang binababa ang bag sa upuan. “Bihira po kasi kayo mag-text. Nagulat po ako.”

“Ah. ‘Yun nga. Tumawag nga kasi ‘yung tita mo, tinatanong kung pwede akong umuwi kaagad sa Bulacan kasi magbibirthday daw pinsan mo, tapos may tinatanong siya sa akin tungkol sa lupa…” pag-explain nito sa kanya at si Baekhyun naman, tumatango lang, nakikinig. “Gusto niya raw agad, eh sabi ko, hindi ka makakasama kung sakali kasi may klase ka pa ngayong linggo. Sabi niya, mauna na raw ako, eh—“

“Lo, okay lang naman po kung ikaw lang po imbitado,” agad na sabi ni Baekhyun, reassuring him. “Pwede ko naman po kayo hatid sa Bulacan tapos uwi na lang din po ako kaagad. Hindi naman po maaga klase ko sa mga susunod na araw.”

“Nak, sama ka. Birthday din naman. Matagal na rin nung huli kang nag-stay doon.”

Umiling si Baekhyun. “Hindi na po. May mga gagawin din naman po ako. Samahan ko na lang po kayo pauwi tapos kapag uuwi ka na po dito sa Manila, sunduin na lang po kita.”

“Mapapagod ka lang.”

“Hindi naman po.”

At alam din naman niya na hindi naman talaga siya invited dun.

Never naman siyang pinasama sa ganung family events.

Hindi niya rin naman gugustuhin na pumunta doon at makipag-usap sa mga kamag-anak niya.

“Anong araw daw po kayo kailangan doon?” tanong niya na lang.

Napabuntong-hininga ang Lolo niya. “Bukas daw sana. Hindi ko nga maintindihan kung bakit madaling-madali sila eh.”

Para siguro masiguradong hindi ako makakasama. Kaya tinapat na rin na weekday.

Tumango si Baekhyun at tumayo. “Nakapag-ayos na po ba kayo ng gamit? Tulungan ko nap o kayo. Pagkatapos po ng klase ko bukas, hatid na po kita. Maaga rin naman po last subject ko bukas.”

Binaba ng lolo niya si Moby at saka siya tumayo. “Pasensya na sa abala, nak.”

Umiling ulit si Baekhyun. “Hindi naman po abala.”

“Sigurado ka bang ayaw mo sumama?”

“Sigurado po ako,” sagot niya at ngumiti sa kanya. “Pasensya na po kung hindi po kita masasamahan.”

“Ako nga nanghihingi ng pasensya dahil mag-isa ka dito sa mga susunod na araw.”

“Okay lang po ‘yun,” Sanay naman na ako. “Ayusin ko na po gamit niyo.”

“Tulungan na kita.”

Ngumiti sa kanya si Baekhyun. “Sige po.”

 

 

 

Tahimik na lumapit si Baekhyun sa Tita niya at pagkatapos ay nag-mano. Binigyan lang siya ng isang maliit na ngiti ng Tita niya bago siya lumapit sa Lolo niya at kinumusta.

Samantalang si Baekhyun naman, nakayuko at tahimik na na dumiretso sa kwarto ng Lolo niya para iwan ang gamit na dala niya. Walang kahit sino sa mga pinsan niya ang pumansin sa kanya. May kanya-kanya silang buhay at ang iba sa kanila ay nakaharap lang sa cellphone niya. Kahit ang mga nag-iinuman sa may lamesa, hindi rin siya pinansin. Hindi siya sigurado kung dapat ba siyang lumapit para mag-mano dahil hindi siya pamilyar sa kanila. Tanging ang Tita at ang anak pati ang iba niyang pinsan ang nakikilala niya dahil nakikita niya ang mga post nila sa Facebook sa tuwing may family reunion na magaganap.

Family reunion na hindi rin siya nakakasama.

Napabuntong-hininga siya.

Dire-diretso lang si Baekhyun papunta ng kwarto. Walang lumingon para tignan siya. Walang kahit na sinong bumati sa kanya. Para lang siyang invisible na tao.

Sanay naman na siya.

Hindi lang naman ganito sa bahay na ito. Kahit saan siya pumunta, sa sobrang tahimik niya at hindi kapansin-pansin, wala masyadong taong nakakapansin at lumalapit sa kanya.

Pagkarating niya sa kwarto, agad niyang nilabas ang gamit ng lolo niya at nilagay ito sa cabinet na available. Wala itong masyadong laman bukod sa lumang mga gamit ng lolo niya, kaya madali niya lang nalagay ang iilan sa gamit ng lolo niya.

Mabilis niya lang ginawa ang lahat.

Gusto niya na kasi makaalis kaagad.

Hindi siya kumportable kapag nandito siya.

Bukod sa hindi lang talaga siya kumportable kapag napapaligiran ng maraming tao, hindi rin maganda ang alaala niya sa bahay na ito.

Nang makita niya pa lang ang dami ng tao sa lugar, ang mga taong nag-iinuman, pati ang iba pang mga taong nagkukumpulan on a normal day like this (partida, hindi pa birthday ngayon), ay para siyang binabalik sa nangyari noong bata siya.

Bigla siyang napayuko nang may maramdaman siya sa may paanan niya. Si Moby.

Baekhyun smiles, crouches, and rubs the cat affectionately. “Moby, dito ka muna ha. ‘Wag ka masyadong magulo. Hindi pa naman sila mahilig sa pusa…”

Si Baekhyun man ang nagpangalan sa pusa, lolo niya pa rin ang nagmamay-ari dito. Lolo niya naman talaga ang nag-aalaga sa pusa. Mas close sila, kung iisipin, dahil lolo niya ang madalas niyang nakakasama. Kaya nila sinama sa Bulacan dahil walang mag-aalaga kung sa kanya iiwan dahil may klase siya.

Habang inaayos ni Baekhyun ang para sa litter box ni Moby (na thankfully ay madali niyang maaayos dahil may box ang lolo niya dito), saka naman sumilip ang lolo niya sa kwarto. “Baekhyun? Tapos ka na?”

“Opo. Patapos na po ako. Alis na rin po ako agad pagkatapos ko.”

“Ha? Kumain ka muna. Bakit ba hindi ka na lang muna dito ngayong gabi? Anong oras na rin. Kahit umuwi ka na lang ng maaga.”

Napatingin si Baekhyun sa may orasan sa kwarto. 9:48 PM.

Medyo late na rin sila nakaalis ng Manila, kahit na sinubukan niyang agahan ang uwi niya. Nagkaroon kasi ng biglaang meeting sa isang groupwork nila at kinailangan niyang maghintay dahil iba ang oras ng uwian ng mga kaklase niya sa subject na ‘yon.

May bus pa kaya ng ganitong oras?

“Kumain ka ha. Hindi tayo nakakain sa bahay. Sigurado akong hindi ka nabusog dun sa pugo sa bus.”

Saglit ulit siyang napatingin sa orasan bago binaling ang tingin sa lolo niyang naghihintay sa may pintuan, at saka ngumiti sa kanya. “Sige po. Sunod na lang po ako. Ayusin ko lang po ito.”

Hindi niya matanggihan ang lolo niya dahil halatang umaasa siyang magsestay man lang siya para kumain. Alam niyang bukod sa nag-aalala ito, paraan niya rin ito para makasalamuha niya ang iba niyang mga kamag-anak.

Pero hindi niya kaya.

Pwede naman siguro siya magmadali?

Aabot naman siguro.

Agad siyang naglagay ng cat food sa lagayan ni Moby at pinagpag ang kamay bago tumayo at balak na sanang lumabas nang kwarto. Bahagya pa lang niyang nabubuksan ang pintuan nang mapatigil siya sa narinig niya mula sa labas ng kwarto.

“Magsestay ba si Baekhyun dito?” tanong ng Tita Yuji niya, ang taong nag-alaga sa kanya nung bata siya at ang ina ng batang magcecelebrate ng birthday niya. Pabulong niya itong sinabi, siguro dahil malapit lang siya sa kwarto na tinutuluyan ni Baekhyun ngayon.

“Bakit? Bawal ba?” rinig niyang tanong ng lolo niya.

Hawak lang ni Baekhyun ang doorknob at nakayukong nakatingin kay Moby na busy ngayon kumain habang pinapakinggan ang usapan nila.

“Pa, hindi sa ganun,” rinig niyang sagot sa lolo niya. “Pero alam mo naman, ang dami ditong hirap na hirap makipag-usap sa kanya kahit sinusubukan kausapin. Sobrang tahimik kasi, ayaw sumagot. Tapos alam mo naman ang daming may ayaw kay Hyejin dito, eh kamukhang-kamukha niya…”

Hyejin. Ang pangalan ng Mama niya.

Ayaw ng pamilya ng father’s side niya sa Mama niya. Nalaman niya ‘yun noon nung nag-bakasyon siya sa bahay na ito. Lasing ang tita niya tapos ‘yun ang pinag-uusapan nila ng mga kainuman nila. He was 12 when he found it out. Never niya na rin nakalimutan simula nun.

Paano niya makakalimutan kung mismong tita niya ang nagsabi rin sa kanya na dahil sa magaling niyang Mama kaya ang daming nagbago sa buhay nilang lahat. Kesyo kaya hindi pabor ang magulang nila noon sa kanya ay dahil hindi maganda ang impluwensya niya sa Papa niya. Na kaya dahil sa kanya, kahit kay Baekhyun, ay kinailangan ng Tita Yuji niya na mag-aral tungkol sa isang bagay na hindi naman niya gusto at pinapangarap.

He heard it loud and clear. He understands, too. Naiintindihan niyang sinabi iyon ng tita niya nung lasing siya, na hindi maayos ang takbo ng isip niya nung panahon na iyon. He understands. Wala siyang choice kundi i-absorb yon, intindihin, dalhin sa kanya, at magpanggap na hindi niya alam na yun ang hinanakit na dala ng tita niya.

“Pati si Kuya Soohyun, umalis dahil dun. Eh alam mo naman din kung ano dapat ‘yung inaasahan kay Kuya Soohyun kung hindi siya umalis o kung hindi niya tinuloy ‘yung kasal kay Hyejin… sinisi ‘yung bata at pinag-uusapan kapag wala siya. Kawawa naman.”

Soohyun. Ang papa niya.

Baekhyun smiles bitterly at what he heard.

Alam naman niya.

Alam naman niya na kaya hindi niya masyado nakikita ang papa niya nung bata siya ay dahil naaalala niya sa kanya ang mama niya dahil kamukhang-kamukha siya nito. Hindi niya maalala kung kailan niya mismo nalaman ‘yun, pero nung bata siya, mahilig siyang magsulat ng letter at ibibigay iyon sa papa niya, dahil sabi ng teacher niya, paraan raw ang pagbibigay ng letter para sabihin ang kung anong gusto mong sabihin.

Siguro ginawa ‘yun para iencourage ang bata na matutong magsulat, pero dahil bata siya, hindi naman niya alam na isa iyon sa paraan ng guro niya. Nahilig siya magsulat ng letter para sa papa niya dahil minsan niya lang ito makausap at nagsisilbing regalo na rin para sa kanya. Sa sobrang hilig niya magsulat, bata pa lang, nagtatago na siya ng notebook kung saan doon nakalagay ang lahat ng mga gusto niyang sabihin.

Sa isang letter na mismong siya ang nagsulat nung bata siya niya nalaman ang sinabi ng tita niya. Kasama nito ang iba pang mga letters na nakasulat sa iba-ibang kulay na papel at halatang hindi pa nabubuksan kahit isang beses. He was 11 when he saw it the first time.

 

Papa, sori kamukha Baekhyun mama

Dear Papa, sory wala mama dahil baekbaek. i love you papa

 

Hindi lang iisa o dalawang letter ang may ganyang message. Marami pa na may kaparehong mensahe. Hindi niya alam kung anong edad niya sinulat ang mga letra na ‘yon. Pero alam niya, na kahit nung umalis na ang papa niya noong seven years old siya, nagsulat pa rin siya ng letter para sa kanya dahil sabi ng tita niya, ibibigay niya ‘yon sa papa niya. Tumigil na lang siya at a certain age at nakita niya na lang ang box na puno ng letters nung 11 siya.

Nung una, hindi niya maintindihan kung ano ibigsabihin nun. Saktong itatanong niya pa lang sana ang tita niya tungkol dun (dala pa niya ang box galing Manila dahil nahanap niya ito nung nag-aayos siya ng gamit niya) nang marinig niyang magkausap ang tita niya at ang papa niya sa telepono (hindi pa uso ang Messenger noon) nung nasa Bulacan sila dahil sinama siya ng tita niya dahil bakasyon niya.

Umalis ka at iniwan mo ang anak mo dahil sa kaloob-looban mo, sinisisi mo siya dahil nawala yung pinakamamahal mong asawa. Kuya, ipapaalala ko lang, walang kasalanan ang anak mo. Hindi niya kasalanan na kamukha niya ang Mama niya.

He remembers. He remembers it dahil sinulat niya ito sa notebook niyang ginawa niyang journal/diary niya dahil nauso noon. Naaalala niya dahil paulit-ulit niyang inisip. Ilang beses niyang ginustong itanong sa tita niya o kaya sa papa niya, pero hindi niya magawang matanong.

Hanggang sa dinala niya na lang sa sarili niya sa paglaki niya. Paminsan-minsan, nakakalimutan niya, pero madalas, naaalala niya, sa tuwing maaalala niyang ni minsan hindi na umuwi muli ang papa niya mula sa ibang bansa.

Alam niya wala siyang kasalanan sa pagkawala ng mama niya. Alam niya ‘yon. Pero ang hindi niya maiwasan ay ang isisi sa sarili niya ay ang lumayo ang papa niya sa pamilya niya nang dahil sa kanya. He keeps telling himself na hindi naman niya kasalanan ‘yon, that none of this was his fault, pero minsan, kapag natatahimik ang utak niya, hindi niya mapigilan na isipin iyon.

Napabuntong-hininga siya.

Sinara niya ang pinto at umupo na lang muna sa tabi ni Moby. He can hear the muffled noises from outside the room, pero ayaw na lang din niya pakinggan.

Sa totoo lang, sa sobrang dalas niyang maiwan kasama ang utak niya, nasanay na lang siya sa lahat ng iniisip niya.

Wala na lang siyang maramdaman.

Or at least he tries not to.

He wonders if it’s a good thing na magaling siyang makaalala ng bagay-bagay or not.

Napatingin ulit si Baekhyun sa pintuan nang bumukas ito at sumilip ulit ang Lolo niya. “Hindi ka pa tapos? Kain na.”

Isang maliit na ngiti ang pinakita niya sa lolo niya, katulad ng ngiting madalas niyang ipinapakita sa kanya, at umakto na parang walang narinig. “Sige po. Sunod na lang po ako.”

 

 

 

Napatingin si Baekhyun sa relo niya. 5:48 AM.

Napabuntong-hininga siya at saka napasandal sa may bintana ng bus, nakatingin lang sa labas. Kaunti lang ang kotseng dumadaan dahil maaga at mabilis lang ang daloy ng byahe dahil wala pang traffic ng ganitong oras.

In the end, hindi siya pinauwi ng gabi. Wala na raw kasing bus na masasakyan. At hindi rin naman papayag ang lolo niya na umuwi siya ng madilim na.

So Baekhyun stayed there and ate quietly, away from most of the people. Paminsan-minsan, may napapatingin sa kanya, pero hindi rin ito nagtatagal at ipinagpapatuloy ang ginagawa nila. Hindi na lang din niya pinansin and he just minded his own business.

Wala siyang masyadong ginawa doon, pero hindi niya maitatanggi ang pagod na nararamdaman niya.

Siguro ay dahil sa hindi siya nakatulog habang nandun siya? Dahil sa ingay sa labas ng kwartong tinuluyan nila? Dahil kay Moby na natutulog sa tabi niya? Dahil sa dami ng iniisip niya? Dahil sa lahat ng alaala na naaalala niya sa tuwing nandun siya sa bahay na ‘yun?

Hindi siya sigurado. Basta ang alam niya, 3 AM na, gising na gising pa rin. Pagsapit ng 4 AM, nagsisimula na siyang mag-ayos ng gamit habang ang ibang mga nandun ay nagsisimula pa lang na matulog. Binilisan niya ang kilos niya para hindi na niya maabutan ang iba pa niyang mga kamag-anak. Hindi na rin siya nag-almusal. Basta nag-ayos na siya ng gamit at sinabihan ang lolo niyang madalas na maaga rin magising na aalis na siya at pinaalalahanan siya na 'wag masyadong kumain nang mamantikang pagkain dahil makakasama sa kanya 'yon, na tinanguan lang ng lolo niya at saka sinabihan na mag-ingat.

Bago siya umalis, nakasalubong niya pa ang isang tito niyang lasing at sinabi sa kanya, “Kamukhang-kamukha mo ang Mama mo. Pareho rin kayo ng ugali.”

Ngumiti na lang siya, nag-bow, at umalis.

Hindi niya alam ang ibigsabihin nun. Hindi naman siya kilalang-kilala nung tito niya na iyon. Bilang sa isang kamay kung ilang beses silang nagkausap, pero nung sinabi niya ito, parang kilalang-kilala siya. Hindi niya rin alam kung ano ang ugali ng Mama niya. Hindi niya siya nakilala dahil wala naman nagkukwento tungkol sa kanya. Hindi niya alam kung sa paanong paraan sila pareho. Pero sa takbo ng utak niya…

Napabuntong-hininga siya at napapikit.

Gusto niya na lang makauwi at makapagpahinga.

 

 

 

 

Hindi naman niya magawa ‘yon.

Wala man tulog, pumasok pa rin siya. He really can’t miss his classes or else masyado siyang maraming mamimiss, as if isang buong linggo siya nawala.

8:30 ang unang klase niya at 11:30 pa ang sunod. 10:30 AM pa lang at bakante siya ng oras na ‘to, kaya napagpasyahan niyang maghintay na lang muna sa labas ng classroom nung next class niya dahil wala siyang gana pumunta sa kahit saan pa. Ang alam niya, may klase pa ng ganitong oras ang mga nasa room na ito, kaya hindi na siya nag-abala pang i-check nang makarating siya sa tapat nito at nag-cellphone na lang.

Hindi pa rin siya makatulog kahit gustong-gusto na niya.

“Wala ‘yung prof namin sa elective, kuya. Pasok ka na lang sa loob para hindi ka dyan sa labas ng faculty room ka naghihintay. Tsaka para na rin hindi ka maubusan ng upuan. Marami tayo sa klase kapag major eh.”

Baekhyun looks up from his phone, medyo nagulat pa, dahil biglang may tumayo sa may harap niya at kinausap siya. The fact na kinausap siya at nakikilala siya is already surprising for him. Mas sanay siyang walang pumapansin sa kanya o nakakaalala sa kanya.

Ah. Siya yung president ng klase.

Si Jihyo.

Friend din ni Chanyeol.

Nakangiti ito sa kanya at parang galing pa sa ibang lugar dahil may suot itong maliit na bag at may hawak na cheese sticks na nakalagay sa isang plastic na baso na madalas niyang nakikita (and admittedly, binibili) malapit sa university nila.

She looks pretty, hindi niya maiwasang isipin. Naka-tuck in ang puting blouse niya (kahit pinagbabawalan ‘yon madalas), naka-braid pa ang itim na buhok, may lip tint sa labi pero very subtle lang, at napaka-friendly ng mukha. She looks fresh, kahit na he guesses na pangatlong klase na nila ito at galing pa sa labas.

He remembers na ganyan naman na talaga ang impression niya sa kanya nung unang beses siyang lumapit sa kanya para hingiin ang number niya dahil ilalagay daw ito sa class directory at para makareceive siyang updates mula sa PRO ng klase nila.

Madalas niya siyang nakikitang active sa classroom, sa tuwing kaklase niya sila sa isang subject niya. Madalas na nagrerecite. Halatang matalino. Marami rin itong kaibigan at halos lahat ay kaclose sa classroom, hindi lang dahil sa president siya, kundi dahil siya halata ang pagiging palakaibigan niya.

Akala pa nga niya nung una, sila ni Chanyeol dahil close talaga sila.

Or baka sila talaga. Hindi niya alam. Wala naman siya madalas nakakausap.

“Mainit din dito eh,” dagdag pa niya, the kind smile still there on her face. “Pasok ka na.”

No wonder kilala siya nito. Ang mga presidents or officers lang naman ‘yung madalas na nakakaalala sa kanya dahil part din ng responsibility nila ‘yon.

Baekhyun smiles at her, stands up, and bows slightly bago siya nag-excuse para pumasok sa classroom. Free seating sa klase na ‘to kaya pinili ni Baekhyun ang nasa dulong upuan sa last row, malapit sa may bintana. Para sa kanya, ‘yung ang pinaka-okay na pwesto dahil bihira lang pumupunta ang mga tao sa area na ‘yon and he can simply mind his own business kapag nandun siya.

Mas okay na rin sa classroom siya dahil dito ang area na malamig, kaysa maghintay siya sa hallway.

Kaunti pa lang ang tao sa classroom, siguro dahil nga free cut. Puro may kanya-kanyang ginagawa lang at nagkukumpulan. Obviously, close ang iba sa kanila dahil sila ang magkakaklase at magkakasama sa lahat ng subjects, unlike Baekhyun na palipat-lipat ng room at building to go to his classes ever since nag-shift siya from his previous major.

May isa sa mga kaklase niya ang may hawak ng mic at may sinasabayan lang na kanta, habang ang mga kaibigan niya, tinatawanan at vinivideohan lang siya. Ang iba sa mga kaklase niya ay may nilalaro o ginagawa sa phone. Ang iba ay busy lang kumain o kaya humingi ng pagkain. May kaklase rin siyang sinusubukan na i-connect ang laptop sa TV para manood.

Just the usual.

Bigla siyang napatingin sa may pintuan nang bigla itong bumukas at sunod-sunod na pumasok ang mga taong pamilyar at madalas niyang nakikita (o natitignan).

Ang barkada ni Chanyeol.

Saktong pagkatingin niya, ang una niyang nakita ay si Chanyeol na nakatingin din sa kanya, nakangiti at kumaway pa.

Napaiwas ng tingin si Baekhyun, nabigla. Bakit ba panay ang ngiti at kaway nito sa kanya lately?

Baka dahil nakikilala lang siya?

He glances at their direction again pero agad siyang napaiwas nang makita niyang nakatingin si Chanyeol sa kanya habang may sinasabi sa katabi niya, si Jihyo.

Baka pinag-uusapan siya?

Napabuntong-hininga siya.

Probably not. Masyado lang niya pinag-iisipan. Baka nagkataon lang.

Hindi naman ata ganun si Chanyeol

He should probably just sleep.

Sinuot niya ang hood niya, ang earphones, at saka nag-heads down, ignoring all the noise that’s surrounding him.

Just like usual.

 

 

 

Text from: Kyungsoo

check mo Messenger mo!

sinend ko yung draft ko hehe

may pic yan kasama para ganahan ka ahe :>

 

Hindi pa nagtetext si Kyungsoo sa kanya, nakita niya na ang tinutukoy nitong message. Walang gana niyang dinownload ang file, buti na lang mabilis ang pag-download ng file kapag nasa library siya at nakikiconnect sa WiFi ng university nila.

Napagpasyahan niyang sa main library na lang muna siya kaysa na umuwi agad, tutal wala siyang kasama sa bahay pagkauwi. Bukod sa mas nakakafocus siya dito, mas okay na rin na sa library na lang siya kaysa pumunta siya sa isang napakalaking bahay nang walang kasama.

Pagkabukas niya ng file, ang unang bumungad sa kanya ay ang picture ni Chanyeol na siya mismo ang kumuha.

Nang makita niya ang litrato, parang kahit papaano, kahit kaunti, ay nawala ang bigat na nararamdaman niya mula nung nanggaling siya ng Bulacan.

Chanyeol looks different from what he looks like back when he was in high school.

Ilang taon din na paminsan-minsan, si Baekhyun ang nag-eedit for their school paper and magazine. At sa ilang taon at sa nabibilang na beses na ginagawa niya ‘yon, madalas niyang nakikita si Chanyeol.

Nung una niya siyang nakitang may some sort of recognition nung high school nila, ‘yun ay ‘yung nakasali siya sa isang quiz bee. Part si Baekhyun ng club na nag-organize ng event na ‘yun. Alam niyang kaya nakasama si Chanyeol sa quiz bee na iyon ay dahil matalino ito at isa sa highest sa klase nila kaya part siya ng representative.

That time, hindi pa gaano kapansin-pansin si Chanyeol. Wala pa masyadong nakakakilala sa kanya from other levels. Medyo iba pa ang itsura nito sa itsura niya ngayon.

Kung tama ang pagkakaalala niya sa inedit niyang article noon at sa mga picture na nakapost sa group ng club nila, may salamin pa si Chanyeol noon. Nakikita niya rin siya noon sa hallways, at hindi pa siya ‘yung Chanyeol na pinaliligiran ng maraming tao. Parang ang tahimik ng dating niya.

Pero sa mga sumunod na taon, nagbago ang itsura nito. Wala na ang salamin, mas tumangkad na rin, at mas pinalilibutan ng mga tao. Hindi lang siya sa mga quiz bee nakikita nung mga sumunod na taon, kundi pati na rin sa mga events nila sa intrams. Marami na siyang nakita online, mula sa iba’t ibang posts ng mga schoolmates niya na nakikita niya sa newsfeed niya, na mga kuha ni Chanyeol na naglalaro ng basketball, palaging kuha na nakakapuntos.

Kung dati, may pagkapayat ito, ngayon, siguro dahil bunga na rin ng pagiging sporty, ay mas fit na siyang tignan. O baka sadyang inaalagaan lang talaga nito ang katawan niya.

Marami itong pinagbago physically.

Isa siguro si Chanyeol sa mga taong masasabi mong tinamaan ng puberty nung high school at grabe ang pinagbago.

Lahat ng pagbabago na iyon, naobserbahan lang ni Baekhyun sa mga ineedit niyang article, sa mga posts ng random friends niya sa Facebook, o kaya mula sa malayo sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon na magkikita sila sa isang lugar.

Kapansin-pansin lang talaga siya because Baekhyun feels like Chanyeol’s everywhere, siguro dahil sa dami ng kaibigan nito at nakakasalamuha.

Kaya hindi niya maiwasan ang macurious sa kanya.

Ang humanga dahil sa naobserbahan niyang pagbabago sa kanya over the years.

He wonders, as he looks at Chanyeol, how a person can change so much in a few years. Kung ano baa ng nasa isip nila for them to suddenly have this change or baka dahil it’s just life and growth doing its way for a person to improve and be better.

Baekhyun wonders, if he somehow skipped something in his development, at nastuck na lang ang utak niya sa same way of thinking kaya walang nangyayaring pagbabago or improvement, unlike other people who learn from plenty of things that are happening in their lives.

But then again, he chose not to change anything in his monotonous life.

Kahit na alam niya naman na may kailangan magbago. Na may kailangan siyang gawin upang mag-improve. Na hindi dapat siya ganito. Hindi dapat ganto ang takbo ng utak niya.

And yet, even though he wants to and attempts to, life just finds a way for him to fear change and then he’s just back to hesitating again.

Kaya wala rin nangyayaring pagbabago sa kanya.

Pinipili niya na lang na ganito, sa takot na baka may mangyari kapag nagkaroon ng masyadong maraming pagbabago.

Pangyayaring sisihin na naman niya ang sarili niya.

He wishes that world would prove him wrong sometimes.

But that’s too much to ask.

Napabuntong-hininga siya at ibinalik ang tingin sa pinapaedit na article sa kanya.

Mas okay na lang na ituon ang pansin niya sa ibang bagay kaysa sa kung ano ang tumatakbo sa utak niya.

 

 

 

 

“Isang flavor shots po… water lang po drink…”

“Sorry, sir. Can you repeat that?” tanong ng babaeng nasa likod ng counter.

Masyado atang mahina ang boses niya. He meets her gaze and repeats what he said, bago yumuko ulit, hinihintay na i-punch ang order niya. Mabilis lang ito dahil agad na inabot sa kanya nung babae ‘yung resibo kaya agad din siyang pumunta sa gilid para hintayin ang order niya.

Nasa KFC siya ngayon, medyo marami ang tao dahil sa dinner na. Dahil mag-isa lang naman siya sa bahay    at wala siyang gana na magluto, napagpasyahan na lang niya na kumain sa labas. Ayaw niya masyadong gumastos kaya ‘yung mura at afford na lang ang pinili niya. Sa may Dapitan area na lang siya pumunta dahil ito ang mas malapit sa may main library. Iniwan niya muna kasi ang gamit niya doon para kumain nang mabilisan.

Nasa gilid lang siya, hinihintay na ibigay ang order niya, pero napatingin siya sa may likod niya nang may marinig siyang pamilyar na boses.

Si Sehun.

Kasama si Chanyeol.

Nakapila pa sila at nasa dulo pa, mukhang kapapasok pa lang. Seryoso silang nag-uusap about something, pero napatigil din dahil biglang nag-abot ng pera ang iba pa sa barkada nila.

Napaiwas siya ng tingin nang biglang napatingin sa gawi niya si Sehun, probably ay naramdaman na may nakatingin sa kanya at dahil na rin nasa unahan siya, at kumaway pa sa kanya. Nakita niya kung paanong napatingin din sa kanya si Chanyeol na halata ang gulat nang makita siya.

Halatang-halata talaga sa mukha ni Chanyeol kung ano ang emosyon na nararamdaman niya. Ang expressive.

Medyo nagtaka pa siya dahil ang alam niya, maaga ang uwian ng klase nila, pero anong oras na at andito pa rin sila sa area ng campus.

But naalala niyang sila-sila rin pala ‘yung madalas na lumalabas after classes, so it shouldn’t really be too surprising at this point. Possible din na may pinagagawa sa kanilang groupwork. Who knows.

Nabalik lang ang attention niya sa may counter nang may naglagay na ng order niya dito at nakita niya na ang number niya. Agad itong kinuha ni Baekhyun para makakain kaagad at makahanap ng pwesto. Kumuha muna siya ng kutsara at tinidor habang hinihintay na mapuno ang tubig niya na kinuha niya mula sa drinking fountain na katabi lang nung gravy at utensils. Pagkatapos ay dumiretso siya sa usual spot niya kapag kumakain siya rito, ‘yung area sa pinakadulo, malapit lang sa hugasan ng kamay, na thankfully ay hindi pa occupied.

Ganito ang usual niyang ginagawa kapag kumakain dito.

Pagkaupo niya sa pwesto niya, hindi niya maiwasan ang mapatingin sa paligid niya. Habit na rin siguro dahil nasanay na lang siyang inoobserbahan ang mga tao.

May ibang mga estudyanteng nakalabas ang libro at notebook habang lumakain, may ibang nakatambak lang ang bag sa gilid, ay meron ding iba na kumakain lang kasama ang mga kaibigan nila.

Just the usual things you see in a fast food chain.

From his seat, natatanaw niya rin ang pamilyar na mukha ng mga kaibigan ni Chanyeol, na mga kaklase niya rin. Nag-uusap lang ang mga ito habang naghihintay ng order nila. Of course, hindi naman niya naririnig kung ano man ang pinag-uusapan nila, so he just diverted his attention to his food.

Hindi naman niya kailabgan magtagal dito. Wala naman siyabg kasama at iba pang aatupagin para mag-stay pa dito, kaya diretso kain na lang siya para makabalik agad sa library at ituloy ang ginagawa niyang requirements. 

Napaangat lang ulit ang tingin niya nang may marinig siyang sumigaw na, surprisingly (or not?), ay galing sa table nung mga kaklase niya.

Nandun na pala sila Chanyeol at Sehun, inaayos na ang order nila sa table nila. May ilan ding iba pang mga customers ang napatingin sa kanila, siguro dahil nagtataka kung bakit ang dami nakatayo sa area nila o kaya sa lakas ng boses ni Sehun kahit na nag-aabot lang naman ito ng order nila.

"Huy, ang ingay mo! Babaan mo nga boses mo! Para kang papansin dyan!" rinig niyang pagsita ni Chanyeol sa kanya.

Ang lakas ng tawa ni Sehun. "Wow ha! Ako pa? Ako pa talaga ang papansin? Ayaw ko marinig 'yan galing sa'yo!"

Nagtawanan ang iba pa nilang kasama. Baekhyun stares at them for a few seconds bago ulit napayuko at medyo napangiti dahil sa pagkaclose nilang magkakaibigan.

It must be nice.

Sure, Baekhyun likes being alone. Totoo 'yon. Siya na siguro ang taong alam mong hindi mabobother kung sakaling makita mo mag-isa. He finds it a lot more peaceful and quiet.

Pero sometimes, kapag nakikita niya ang mga tao na napapaligiran ng mga kaibigan nila, napapaisip siya kung anong pakiramdam na ganun ang buhay.

But then again, he can't really handle those things. At pakiramdam niya, the more people he lets inside his life, the more problems na maaari niyang makuha.

At ayaw niya na dagdagan ang problema niya, ng pamilya niya, sa buhay.

He doesn't want to be the person who gives his family a headache.

Ayaw niyang masisi ulit dahil nagdala siya ng pagbabago at problema sa buhay.

So, okay na rin 'tong nasanay siyang mag-isa na hinaharap at inaaral ang lahat ng kailangan niyang malaman sa buhay.

Okay na rin 'to.




Walang masakyan na jeep.

Hindi naman nakakagulat 'yon, considering na rush hour pa rin naman. 

Napabuntong-hininga si Baekhyun habang pinaglalaruan ang keychain sa bag na nakasabit na sa harap niya.

Hassle talaga kapag ganitong oras. Parang hindi gumagalaw ang mga sasakyan sa España at wala na lang siya ibang magawa kundi mag-abang ng jeep at panoorin ang iba pang tao na subukan sumabit o makapara agad ng pwedeng masakyan.

Mag-isa siya ngayon. Hindi sumabay si Kyungsoo dahil tatambay muna raw ito sa ka-org niya after ng rehearsal. Hinayaan na lang siya ni Baekhyun dahil wala naman problema doon at hindi naman na niya kasing dalas na kasabay si Kyungsoo dahil sa mga other commitments nila sa buhay.

At mas sanay naman siya na mag-isa.

Napatingin siya sa gilid niya nang makarinig siya ng malakas na tawanan, nadistract lang siya, at ibabalik na sana niya ulit ang tingin sa kalsada nang mahagilap niyang pababa sa may overpass ang isang pamilyar na mukha.

Si Chanyeol.

Binulsa nito ang cellphone niya sa bag niyang nakasabit din sa harap niya at saktong pagkaangat ng ulo niya ay nagkasalubong ang tingin nila. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito, bago napalitan ng gulat ang nakapinta sa mukha niya.

Nung una, akala pa ni Baekhyun, hindi ito sa kanya nakatingin, pero saglit niyang tinignan ang mga nasa gilid niya at wala sa kanila ang nakatingin kay Chanyeol. Nang tinignan niya ulit ang lalaki, palapit na ito sa kanya at bago pa maprocess ni Baekhyun ang lahat ay nasa harap niya na ito at nakangiti sa kanya.

"Hello…" bati ni Chanyeol at mahina lang ito, parang nahihiya pa, pero rinig pa rin ni Baekhyun dahil malapit ito sa kanya. "Kanina ka pa nag-aabang?"

Akala ni Baekhyun ay babati lang ito. He didn't expect na mag-iinitiate pa ito ng small talk. Hindi niya tuloy maiwasan na mapatitig sa kanya, na parang hindi makapaniwala, bago siya sumagot.

"Hindi naman."

Kung kanina ay parang nahihiya o kinakabahan ito, biglang nagbago ang mukha nito at parang nagliwanag bigla sa tuwa, na hindi rin naman maintindihan ni Baekhyun. 

"Ganun ba? Pa-Welcome ka ba?" dagdag na tanong niya.

Tumango lang si Baekhyun at umiwas ng tingin. Ang dilim-dilim na, pero nakakasilaw naman ngiti nito.

"Ako, pa-Fairview ako. Pahirapan mag-abang ng fx. Hehe," sabi pa nito. Baekhyun glances at him and sees him scratch the back of his head, looking shy again as he looks away from him. "Ano… share ko lang naman."

Hindi alam ni Baekhyun kung paano niya sasagutin 'yun kaya tumango na lang siya at tinignan ang mga jeep na dumadaan, hindi pinapansin ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya. 

"Ang hirap pala talaga na ganitong oras umuuwi 'no… walang masakyan?" pag-comment ulit ni Chanyeol at saglit na napatingin si Baekhyun sa kanya bago ibinalik ang tingin sa daan. "Siguro… if ever matanggap ako sa play… late na ako makakauwi… but baka hindi ganun katraffic, if ever… late nga lang…”

Ah. Nag-audition pala siya. Nakita niya si Chanyeol na nasa venue for auditions nung time na hinatak siya ni Kyungsoo na sumama sa kanya sa venue para kumustahin iba niyang mga ka-org. Akala niya, napadaan lang si Chanyeol doon dahil parang busy lang sila mag-usap ni Sehun, pero apparently, maga-audition pala ito.

Ang hassle naman sa part ni Chanyeol. Ang alam niya, lights out na sa campus kung matapos ang rehearsal, tapos sa Fairview pa siya uuwi. Paano niya nagagawa lahat ng 'to? Parang ang dami niyang pinagkakaabalahan?

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Share ko lang ulit…"

Ngumiti lang si Baekhyun sa kanya at tumango, unsure of what he should say.

Tahimik na lang silang dalawa pagkatapos nun. Walang nagsasalita. Medyo nagiguilty pa nga si Baekhyun dahil hindi niya talaga alam kung paano mag-continue ng small talk. Awkward siya pagdating sa ganitong bagay. Gustuhin man niya makipag-usap, hindi niya rin naman alam kung ano pa pag-uusapan nila. And he's pretty sure that he'll sound awkward as well kung gagawin niya 'yon.

Buong akala pa nga ni Baekhyun ay magpapaalam na ito dahil madalas naman, ang mga sumasakay ng fx, sa may Morayta na nag-aabang, pero nanatili lang ito sa tabi niya at walang ibang sinasabi o ginagawa na makakakuha ng atensyon niya o ng iba pang tao.

Baekhyin tries his best not to look at him, not to stare, at tinignan na lang ang mga jeep na dumadaan. 

Para naman siyang nakahinga nang makakita siya ng maluwag na jeep.

"Ano—"

"Dito na ako," sabi ni Baekhyun at tinuro pa ang jeep na malapit na sa kanila. Kasabay niyang nagsalita si Chanyeol pero napatigil siya nung nagsalita si Baekhyun. "Sorry, may sasabihin ka pa ba dapat?"

"Ah, wala! Sige na. Sakay ka na. Baka umalis kaagad or mapuno," nagmamadaling sagot nito. 

Tumango si Baekhyun at pinara ang jeep, bago humarap ulit kay Chanyeol. "Una na ako. Ingat ka."

Mukhang nagulat pa si Chanyeol sa sinabi niya bago siya ngumiti sa kanya. "Okay. Ingat ka rin!"

Sumakay na si Baekhyun sa jeep na mabuti na lang ay hindi agad napuno at agad ding umandar dahil nagsimula na umandar ang iba pang mga kotse sa harap. 

Napatingin si Baekhyun sa labas ng bintana at nakita niyang nakatingin si Chanyeol sa jeep na sinakyan niya, napailing pagkatapos ay napayuko, at saka naglakad papunta sa direksyon ng Morayta, kung saan madalas na nag-aabang ang mga sumasakay ng fx.

Baekhyun wonders if Chanyeol stayed there just to talk to him when he saw him.

Pero napailing siya sa naisip.

Malabo. Bakit naman niya gagawin 'yun? 

Baka sadyang mabait lang talaga siya at kaya nakipag-usap siya ay dahil magkaklase sila sa iilang subjects.  

Probably that.

Baekhyun just sighs and waits for his heart to calm down.





"B, wala kang kasama sa bahay ngayon, diba? I mean, this weekend?" tanong ni Kyungsoo sa kanya nung palabas na sana siya ng classroom. Kaklase niya siya sa subject na ito. "Sama ka!"

Tinignan ni Baekhyun si Kyungsoo, nakataas ang isang kilay. Kyungsoo immediately understood what it meant kaya ngumiti siya sa kanya ng nakakaloko.

“Birthday ni Wendy. Hindi siya naka-celebrate ng 18th niya last year, kaya—"

Agad na tumalikod si Baekhyun at hindi na pinakinggan pa ang ibang sasabihin ni Kyungsoo. Agad naman humabol si Kyungsoo sa kanya, maingay pa dahil sa bag nitong matunog sa dami ng keychain na nakasabit. Humawak siya sa braso ni Baekhyun para mapigilan ito.

“Dali na, uy! Ito naman! Samahan mo lang ako! Invited mga part ng SC, kaya kasama ako!”

Umiling si Baekhyun at saka tinanggal ang hawak ni Kyungsoo sa kanya. “Ako, hindi ako invited. Sorry, excuse me.”

Never naman nainvite si Baekhyun sa mga party. Alam niyang marami noon nung high school sila, may mga naissue pa nga dahil sa mga party, pero ni minsan, hindi siya nainvite. Wala naman kasi siyang kaibigan. Madalas, pumapasok lang siya kasi kailangan niya pagkatapos ay uuwi, walang tambay na nangyayari o pakikipag-hang out sa mga kaibigan. 

Nakikita niya lang na may mga party ang mga kabatch nila through Facebook, Instagram, o Twitter. O kaya naman ay marami lang ang nag-uusap tungkol dun sa classroom nila and Baekhyun just sits quietly in a corner habang pinapakinggan ang mga sigawan at kwento nila.

Hindi siya naiinvite, pero wala rin naman siya planong sumama sa mga party, sa takot na baka magkaproblema pa at masama siya sa mga problema. Ayaw niya na dagdagan pa ang problema sa kanya.  

Obviously, kahit na umayaw na siya, hindi naman agad titigil si Kyungsoo. 

“Kaya nga kita iniinvite eh! Pwede raw magsama ng kaibigan!” pag-explain niya at binalik ulit ang hawak niya sa braso niya. “Dali na, para may kasama naman akong kakilala ko!”

Umiling ulit si Baekhyun. “Marami kang kaibigan, Kyungsoo. They can accompany you.”

“Ikaw nga gusto kong kasama! Para makaranas ka naman nito! Grabe, kahit birthday ko nga hindi ka pumupunta eh! Kapitbahay pa kita ah!” nagtatampong sabi nito. Hindi sumagot si Baekhyun, iniisip kung isa na naman ‘to sa paraan ni Kyungsoo for him to go out of his comfort zone. “Tsaka, promise, safe ‘to. Hindi ‘to yung tulad sa batch natin nung high school na may muntikan pang maexpel. DL si Wendy ‘no! Ayaw niya ng gulo. Sa bahay lang nila, simpleng handaan—Uy B!”

Tinanggal na ni Baekhyun ang hawak kay Kyungsoo, at kahit pa humahawak ito sa kanya, nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad niya. 

Ayaw niyang sumama. Bukod sa hindi naman siya invited, parang hindi maganda pumunta sa bahay ng taong hindi naman siya kilala o hindi niya kilala at ni minsan ay nakausap. Pakiramdam niya rin naman ay wala naman siyang gagawin doon. Alam naman niya na once na nandun na, marami rin ang makikipag-usap kay Kyungsoo, at siya, maiiwan lang sa gilid. 

Mas gugustuhin niyang maghanap na lang ng ibang gagawin sa bahay habang mag-isa siya para hindi siya maiwan kasama ang mga laman ng utak niya.





In the end, nahatak pa rin siya ni Kyungsoo na pumunta sa birthday.

Bukod sa malapit lang naman sa kanila, apparently, may number pala si Kyungsoo ng lolo niya at pinaalam pa siya. Tumawag ang lolo niya para sabihing okay lang na pumunta, para naman may gawin siya this weekend bukod pa sa mag-aral o kaya maglinis ng bahay. Para na rin daw may makasama siya habang hindi pa siya nakakauwi.

Napabuntong-hininga si Baekhyun at ininom ang juice na hawak.

Wala siyang kasama ngayon.

Tama ang hinala niya na pagkarating dito ay marami ang kakausap kay Kyungsoo. Paminsan-minsan, bumabalik siya sa tabi ni Baekhyun para samahan siya dahil syempre, siya ang nang-imbita (at kung ano-ano ang pinapatry sa kanya na kainin kahit na nakakahiya dahil hindi naman kilala si Baekhyun nung celebrant), pero magpapaalam din ito saglit kapag may biglang makikipag-usap sa kanya o may makita siyang kaibigan niya.

Ngayon, nasa may gilid lang siya, sa may garden kung saan kaunti lang ang tao.

May mga taong mararamdaman ang loneliness sa tuwing mag-isa sila at walang ibang kasama.

Pero may mga taong katulad niya, na hindi maiwasan ang pakiramdam na ‘yon, sa tuwing marami ang taong nasa paligid at lahat sila ay nag-uusap, pero ikaw, nasa gilid lang, tahimik at nag-iisa.

He’s not sure if this is better than being alone at home, where he’s accompanied by deafening silence. 

Baekhyun knows that all he has to do is initiate a conversation. To be the one who does the approaching. Pero sa tuwing maiisip niya ito, agad niyang maiisip na mag-eend up lang na mananahimik siya at wala na sila mapag-uusapan ng ibang tao, at baka maweirduhan lang sila. Naoverthink niya na agad ang pwedeng mangyari at wala siyang lakas ng loob para sumubok pa, scared of what may happen or what he or they will say.

So he just stays here at the side, observing everything.

Malaki ang bahay nila Wendy, pero hindi ito ‘yung tipo ng mansyon na napakarami ng kwarto. May 2 floors lang ang bahay, pero spacious sa loob at marami ang kwarto. Malinis din tignan at halatang may nag-aalaga. May garden pa nga eh. 

Mula sa pwesto niya, tanaw niya ang iba pang mga bisita na nagkakaraoke. Halatang nagkakatuwaan sila at chinecheer ang taong ngayong nakahawak sa mic.

Si Chanyeol.

Kanina pa niya actually hawak ang mic. He’s like the life of the party. Parang tuwang-tuwa ang lahat na andyan siya.

Hindi niya nga inaasahan na nandito siya eh. Nagulat siya nung makita niya siya pagkapasok nila ng bahay. Tinusok pa nga ni Kyungsoo ang tagiliran niya, inaasar siya, pero hindi na lang kumibo si Baekhyun kahit na nakaramdam siya ng tuwa na nakita niya ito.

Hindi niya rin maiwasan na magtaka kung bakit ito nandito, pero narealize niyang marami nga pala kaibigan si Chanyeol mula sa iba’t ibang major at college dahil sa dami ng kaclose nito nung high school siya. Hindi na nakakagulat kung kahit si Wendy ay kaibigan nito.

“Para po ito sa birthday girl—Apparently, ilang araw na raw siya LSS dito. Palalain natin ‘yang LSS na ‘yan!” sabi ni Chanyeol sa mic, kasabay ng pagtugtog ng isang pamilyar na tono. “This is I Want It That Way by Backstreet boys.”

Baekhyun looks down, smiles, and just listens to Chanyeol sing the popular song.

He wonders if ganito rin ka-lively at ka-bida si Chanyeol sa mga party noong high school.

He knows he gets invited to parties. Usong-uso iyon nung high school sila, for some reason. He’s not part of those people na muntikan na maexpel (usap-usapan kasi talaga sa batch nila ‘yon at kung sino ang mga involved), but he just knows na madalas itong naiimbita dahil marami siyang kaibigan na active ang social life. Nakikita niya ang mga picture online at madalas sa mga kabatch nito ay nakakasama siya sa mga ganitong klaseng event. Kahit pa yata birthday ng magulang, nakapunta na siya eh.

The life he has sounds awfully tiring and yet, parang ang lively din. 

It’s a lot different from the life that he’s used to.

He sighs and listens to Chanyeol sing. Maganda ang boses nito, kahit na halatang natatawa rin ito habang kumakanta o kaya ay biglang nagsasalita. Halatang maganda ang mood ng lalaki at lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay naaapektuhan nito.

Kahit si Baekhyun na madalas na naaattract ang negative energy ay naaapektuhan nito.

He doesn’t realize that he’s been spacing out. Nagulat na lang siya nang nagbago na ang kanta at hindi na boses ni Chanyeol ang naririnig. 

Saktong may umupo sa tabi niya kaya agad siyang napatingin sa kung sino iyon at lalo lang siya nagulat at para pang hindi makapaniwala.

Si Chanyeol. Na naman. Nasa tabi niya at nakangiti sa kanya, may hawak pang pulang baso, which he assumes ay alcohol, even though he can’t really smell any faint traces of it on the person.

“Hi,” bati nito sa kanya.

For a second, hindi pa sigurado si Baekhyun kung totoo ba ito. Kasi kanina lang, nasa malayo siya, kumakanta, and then he’s suddenly here, beside Baekhyun.

“Okay ka lang ba?” tanong nito sa kanya.

Saka lang ngumiti si Baekhyun sa kanya at tumango. 

“Bakit ka mag-isa?” dagdag na tanong nito.

Baekhyun looks away from him. “Ah… may kausap si Kyungsoo.”

Chanyeol nods as an answer and doesn’t talk anymore. Hindi tuloy maiwasan ni Baekhyun ang mailang,kasi kahit na wala na sa kahit sino sa kanila ang nagsasalita, nandun pa rin si Chanyeol sa tabi niya.

Baka naaawa sa kanya dahil nakitang mag-isa siya?

But he’s okay being alone here, away from the crowd, though?

Akala pa nga niya, iiinvite siya ni Chanyeol na sumama sa kanila at makicelebrate, but he doesn’t. He just stays there beside Baekhyun. 

Hindi niya alam kung dapat ba siyang magsalita o magkwento. Hindi naman talaga siya palasalita in the first place. Boring siyang kasama dahil literal na wala naman magagawa kapag kasama siya because he just stays quiet all the time. 

Iniisip niya, baka aalis din si Chanyeol sa tabi niya when he realizes na wala naman sa kanila ang umiimik and that he has other better things to do. 

But he doesn’t.

Nandun pa rin ito, paminsan-minsan ay tumitingin sa phone, tapos biglang tumatawa. Nagulat pa nga si Baekhyun dahil bigla niya rin pinakita sa kanya ang tinatawanan niya. “Tignan mo, ang cute nung puppy.”

Ngumiti lang si Baekhyun.

No, really, why is he talking to him?

Hindi ba mas okay naman ang company ng mga kaibigan niya?

“Are you enjoying the party so far?” biglang tanong nito.

He knows he’s trying to initiate a small talk. 

Pero bakit?

He can just spend time with his friends, kung saan paniguradong mas masaya at mas lively.

Tumango si Baekhyun sa kanya and Chanyeol smiles. “That’s good. It’s great to see you here.”

Ngumiti lang si Baekhyun at umiwas ng tingin.

For a while, ganun lang sila. Mababalot sila ng katahimikan, pagkatapos ay may biglang ipapakita si Chanyeol sa phone niya, tapos tatry magtanong sa kanya ng mga bagay-bagay lang, may it be about uni or about the party.

At some point, nakita niya pa si Kyungsoo na nanlaki ang mata nang makita siya at hindi na lumapit sa kanya at winiggle pa ang eyebrows, pagkatapos ay tinuro ang cellphone niya, as if telling him na magmemessage sa kanya about something.

Nung tinawag si Chanyeol ng isa sa mga kaibigan niya, he kind of expected na pupunta na siya doon at magpapaalam sa kanya.

But he doesn’t.

Instead, tumango lang siya at sinabi, “Sunod ako mamaya!”

That night, Chanyeol just sat beside him quietly, accompanying him, and sometimes, nakikipag-usap sa kanya o kaya ay may pinapakita lang na something interesting.

But why?

Naaawa?

Gusto lang lumayo muna sa mga tao?

Gusto mag-cellphone?

Makipagkaibigan?

He’s not sure.

But one thing’s for sure… he just became a lot more curious of him. At kung bakit siya ganito. 

Because not a lot of people would be willing to just sit there in silence with a person that he's not close to.

Kahit si Kyungsoo ata, hindi kaya 'yun.

Si Chanyeol pa lang.





Hinahanda na ni Baekhyun ang payong niya habang nasa may hagdan pa lang ng main library. 

Pagkababa, agad siyang napatingin sa malakinh digital clock ng main library. 3:57 PM.

Kaya lang siya natagalan ngayon ay dahil pinapatila niya lang sana ang ulan, kaso hindi pa rin ito tumitila hanggang ngayon. Malakas pa rin ang ulan. 

Mas gugustuhin niyang umuwi na lang ngayon, kaysa maabutan ang ulan habang rush hour. Mahirap na, baka bumaha pa. Ang bilis pa naman bumaha sa campus, kaunting ulan lang. 

Tsaka kailangan niya na rin umuwi. Nakauwi na ang lolo niya at kailangan niya pang gumawa ng mga gawaing bahay.

Nang makalabas ng library, agad siyang sinalubong ng maraming estudyanteng nakatambay lang sa harap, hinihintay na humina ang ulan.

Didiretso na sana siya sa gilid, para makalakad na papunta ng España, pero napatigil siya nang may makitang pamilyar na mukha malapit sa area kung saan nakalagay ang mga payong.

Si Chanyeol, nasa harap ang bag niya, medyo basa ang buhok niya, siguro dahil sa ulan, at nakatingin sa mga payong, parang malalim ang iniisip.

Hinahanap niya ba ang payong niya?

O nanakaw siya ng payong?

Hindi naman na bago 'yung pangalawang dahilan. Hindi ginagawa ni Baekhyun 'yon, pero may mga narinig na siyang gumawa nun.

Parang naman naramdaman ni Chanyeol na may nakatingin sa kanya dahil bigla itong napatingin sa direksyon niya.

Parang nagulat pa ito (ilang beses na ba niya ito nakikitang nagugulat?), pero napalitan din ito ng isang ngiti, maliit lang ito at parang nahihiya pa.

Napaiwas ng tingin si Baekhyun.

Naiilang siya.

Simula nung araw ng birthday ni Wendy, mga ilang beses din sinubukan na makipag-usap ni Chanyeol sa kanya kapag magkaklase sila sa isang subject at nasasaktuhan na wala pa ang prof. Pero hindi rin ito nagtatagal dahil either kakausapin siya ng mga kaibigan niya o kaya ay dumadating na ang prof.

Hindi naman siya maitaboy ni Baekhyun dahil sa hiya. 

And maybe, he enjoys listening to Chanyeol talk. Or just be beside him.

Hindi sigurado si Baekhyun kung dapat ba niya siyang alukin ng payong. Baka naman masyado lang siyang nag-aassume na payong ang hinahanap nito. Baka nagpapatila lang din.

Pero bago pa siya makapag-decide, kinalabit na siya ng taong iniisip niya.

"Pwede bang sumabay?" medyo malakas nitong tanong kahit na malapit na siya sa kanya. Malakas kasi ang patak at tunog ng ulan sa bubong. "Pa-España ka rin naman, diba? Wala kasi akong payong. Hindi ako makauwi eh ayaw ko naman takbuhin kasi may printed readings ako sa bag ko."

Ah.

Napatingin si Baekhyun sa area kung nasaan ang mga payong, kung saan nakatayo kanina si Chanyeol.

Mukhang balak nga magnakaw kanina.

Mukhang napansin ni Chanyeol ang tinignan niya at nanlaki ang mata. "Hindi ako magnanakaw ng payong!"

Wala pa nga siyang sinasabi.

Tinignan niya si Chanyeol at hindi mapigilan ang bahagyang mapangiti dahil sa mukha niya. Mukha siyang nahuli at gustong depensahan ang sarili.

"Seryoso. Naisip ko lang 'yung payong na nanakaw sa akin noon nung iniwan ko dito."

Baekhyun just nods, kahit na sa isip niya, he's pretty sure na 'yun talaga ang balak niyang gawin.

"Um… so… okay lang ba sumabay?" nahihiya nitong tanong ulit.

Parang ang sama naman kung hihindi siya. 

And it's not like kakayanin niyang humindi. Bukod sa alam niya kung gaano kahassle ang umuwi nang walang payong at willing naman siya kahit sino pa ang makipayong sa kanya, si Chanyeol ang nagtatanong kung okay lang ba. 

Sabi nga ni Kyungsoo, parang si Chanyeol lang ang naiiba sa buhay niya. The only exception, kumbaga.  

"Okay," pagsang-ayon niya.

Agad naman na lumaki ang ngiti ni Chanyeol dahil dun. Sumunod ito kay Baekhyun nang magsimula na silang maglakad. Tahimik lang ito sa tabi niya, pero pagkabukas ni Baekhyun ng payong, bigla itong nagsalita.

"Ako na lang hahawak ng payong," sabi ni Chanyeol, kaya napatingin si Baekhyun sa kanya. Napansin niya ang pamumula ng tenga niya, na hindi niya malaman kung dahil saan. Chanyeol clears his throat. "Para hindi ka na lang din mangalay. Tsaka… nakikisabay lang ako… kaya ako na lang…"

Wordlessly, binigay na lang ni Baekhyun ang payong sa kanya. Hindi naman siya magrereklamo kung sakaling mangalay siya sa pagpayong sa kanilang dalawa. He doesn't really mind, but since Chanyeol looked hopeful while offering help, hindi na rin siya nakatanggi. Wala namang kaso sa kanya.

Hindi na lang niya pinansin ang bilis ng tibok ng puso niya habang sabay silang tahimik na naglalakad papunta sa España. 

Just this once, he lets himself feel this overwhelming feeling. He can't point out what exactly it is, but it's not anything bad. Just overwhelming.

Akala niya ngayon niya lang ito mararamdaman, so he lets himself feel it.

He just didn't expect that after this day ay mas madalas niya makakasama si Chanyeol at ang naramdaman niya ng araw na iyon ay mas madalas niyang mararamdaman.

Nakakatakot.

Dahil hindi niya macontrol o mapigilan, no matter how much he tries.

May matinding kapalit ba ang nararamdaman niya na ito?

He wishes that life would prove him wrong.