Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2021-08-06
Words:
536
Chapters:
1/1
Comments:
1
Kudos:
10
Bookmarks:
1
Hits:
181

Bumalik ka na sa'kin

Summary:

Iniwanan ni y/n si Mitsuya dahil sa nagawa nito. Hours passed narinig niya na lang na may kumakanta sa labas ng balkonahe niya.

Notes:

Hindi ako magaling magsulat ng story kaya pagpasensyahan niyo na kung may makitang mali. Thank you.
This is only one shot.

Work Text:

"Sigurado ka bang dito ka matutulog, y/n?"

Tumango ako at bumuntong huminga. Kasalukuyan akong nakikituloy sa bahay ng aking kaibigan , si Amara.

"Nakinig ka ba sa'kanya? O baka iniwan mo lang siya doon," tanong niya. "Paano kayo magkakaintindihan kung hindi mo siya pinapakinggan, tsk."

Masyado akong nadala sa emosyon kanina kaya hindi ko magawang makinig. Na-disappoint kasi ako sa nangyari, nasangkot ang aking fiance sa gulo na pinakaaayaw ko. He even promised that it will never happen again but it happened. I guess promises are meant to be broken.

"Maiiwan muna kita. Magpa-cool off ka muna d'yan." Lumabas si Amara ng kwarto at isinarado ang pinto.

I sighed for the second time.

Tinignan ko ang orasan, mag-a-alas dyes na pala ng gabi.

Pumunta ako sa bathroom para magpunas. Ang lagkit ng katawan ko, siguro na rin dahil sa pagtakbo ko.

Pinapatuyo ko ang aking buhok ng lumabas. Umupo ako sa kama at inabot ang lotion.

May narinig akong mga ingay ng motor pero pinabayaan ko lang at baka mga tambay lang. Malapit lang kasi ang kama sa bintana, katabi rin nito ang balkonahe.

Mitsuya…

Pumasok sa isip ko ang pangalan na iyon, siya ang sinasabi kong fiance. Kahit na magalit ako sa kaniya hindi pa rin mawala sa isip ko na mag-alala para sa kanya. What if hindi pa siya kumakain? Baka sumama nanaman siya sa gang niya? Baka may sugat siya?

I shake my head. Nandito ako para lumamig ang aking ulo.

Magaan na ba ang 'yong paghinga?
Bumalik ka na sa'kin
Klaro na ba ang isip, sinta?
Bumalik ka na sa'kin.

I glance at the balcony. May kumakanta sa labas at kaboses pa nito si Mitsuya. I feel a little excitement in my heart.

Pero hindi naman siya kumakanta.

Hindi ka na nagparamdam
Buhat ng cool off, ako'y nahibang.

May kumakatok sa pinto ko kaya hindi ko na ito pinansin. I rush over and open the door. Mabilis ang pagkakakatok at malalakas baka may masamang nangyari.

"Buksan mo ang terrace at lumabas ka, y/n." Salubong sa akin ni Amara.

Sinunod ko ang kanyang utos. Maliwanag nang lumabas ako kaya'y nakakasilaw. May mga ilaw na nakatapat sa akin na para bang ako ang sentro ng lahat.

Tumingin ako sa baba at nakita si Mitsuya, may hawak na gitara.

Sige na, please, 'wag nang mainis
Bumalik ka na sa'kin
Sorry, mahal, ika'y nasaktan
Bumalik ka na sa'kin
Bumalik ka na sa akin.

Napasandal ako sa pader.

Kung pababayaan lang kita
Baka tuluyan ka nang mawala
Sana naman, pagbigyan mo na
Pangakong 'di na mauulit pa

Hinawakan ko ang aking mukha at naramdamang basa. Ha, umiiyak na pala ako.

Katulad mong tao lang ako
Napapasabak din sa gulo.

Lumabas ako ng bahay at sinalubong ng yakap si Mitsuya. "I hate you!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak.

He pat my back as we sway. "I love you," paulit-ulit niyang sinasabi.

"Please, huwag mo na ulit yon gagawin. Natakot ako."

"I am so sorry, love. Hindi ko alam na ganon ang mangyayari, sana hindi ko nalang sila pinansin."

" 'Wag mo sana akong ipagpalit. Ikaw at ako na lang ulit, ulit," pagsabay niya sa kanta.

I caressed his face. I'll always love this guy no matter what.