Work Text:
"Jongin!"
"Jongin!"
"Anak ng tokwa naman oh! Ba't ka ba sigaw ng sigaw Kuya Yeol!" biglang bangon naman ni Jongin habang nakabusangot. Habang papungas-pungas pa ay bigla namang binato ni Yeol ang phone niya sa kanya.
"Ano ba pinagpuyatan mo kagabi ha at ba't ngayon ka lang nagising? Past 9am na, kanina ka pa tinatawagan ng baby Yong mo. May urgent ata."
Ay put--- onga pala nasabi ng baby ko kagabi ng may urgent ngayong umaga. Potek nalimutan ko!
Agad-agad namang tumayo si Jongin at binuksan ang PC para magsimula na magtrabaho.
--
Si Jongin ay isang graphic artist sa isang advertising agency. Halos magdadalawang taon na din siya rito. Nang mag-pandemic ng nakaraang taon, buti ay naisipan ng boss nila na mag-WFH na lang. Kaya kahit ‘di mag-ayos bago mag-trabaho eh oks na oks lang. Ang kaso lang patayan naman sa oras. Kung minsan lalo kapag may urgent, tipong hating gabi na, nakikipagtitigan pa din siya sa photoshop. Pero atleast, ‘di na siya nabyahe. Mas nakakapagod yon eh.
--
"Kuya kaseeee ba't ngayon mo lang ako ginising! Baka magalit pa baby Yong ko niyan!"
"Aba ako pa sinisi mo, kanina pa kita sinisigawan, ikaw ‘tong ‘di magising."
"Kainis! Ay, ikaw walang urgent?"
"Wala naman, naayos ko na lahat eh. ‘Di ba aalis kami sa sabado ni Baek."
"Sanaol may jowa. Pasabi kay Kuya Baek pasalubungan niya akong strawberry."
"Kahit ‘di naman kami sa Baguio pupunta? Ay nako, jowain mo na ‘yang baby Yong mo. Araw-araw kayo magka-usap pero kahit man lang picture wala. Puro chat at boses lang."
"Busy ngaaa. Kawawa nga to eh, nagresign na pala si Kuya Kei eh so sa kanya ata napasa mga naiwang trabaho."
Habang busy makipagkwentuhan si Jongin ay bigla naman nag-ring ang phone niya. Namutla naman siya ng makita ang pangalang sa screen.
Ayan na nga tumatawag na si baby Yong!
--
"Yong!!! Sorry napasarap tulog ko huhu alam kong may urgent sorry talaga!"
"Haha okay lang. ‘Di mo ata nabasa chat ko base sa paghingi mo ng sorry. Kaya ako tumatawag kase sasabihin ko na na-move yung revision dahil magmeeting pa daw sila. Eh ‘di ka nagrereply so nag-aalala ako na baka nag-eedit ka na tapos ‘di pa naman natin need. Sayang effort mo noh."
"Ah ganun, woooh kinabahan ako haha. Sige salamat tumawag ka ulit!"
"Walang anuman haha. Onga pala, andyan ba si Kuya Yeol? Kausapin ko sana, may request kase yung isang client dun sa ginawa niyang mock-up kahapon."
"Oo andito, wait bigay ko lang phone."
"Kuya Yeol, kausapin ka daw ni Yong. May papacheck ata sa mock-up."
Pagkakuha ni Yeol ng phone ay inayos na din ni Jongin ang PC at nagcheck kung ano pa ang mga gagawin niya para sa araw na iyon.
--
Sa isang adver agency tulad kina Jongin, bukod sa kanilang graphic artists ay merong mga project coordinator. Sila ang nakikipag-usap sa mga kliyente para sa mga ipapagawang project at ‘yon ang trabaho ng kanyang baby Yong. Si Yeol naman ay isa ding graphic artist pero mas senior siya kaysa kay Jongin. Nagkaroon sila ng buddy system noong bago magpandemic at silang dalawa ni Jongin ang naging magkasama. Nang dahil doon ay naging close sila kaya naman nang magpandemic, napagdesisyunan nila ni Yeol na magrent ng apartment malapit sa office. Minsan kase pinapapunta din sila doon para magcheck ng mga dating files.
Nang dahil din sa pandemic, naging wfh sila kaya kahit na may tinatanggap na bagong katrabaho, di man lang nila ‘yon nakikita, purong chat at boses lang. Ganun ang sitwasyon nila ni Yong, kahit isang beses ‘di pa niya nakikita mukha nito, wala nga rin itong profile picture sa chat eh.
So paano naging close si Jongin at Yong? Nagkataon na ang unang project na hinandle ni Yong ay si Jongin ang artist. Higit isang buwan din ang itinagal non kaya lagi silang nakakapag-usap. Siyempre, bukod sa usapang trabaho, may iba din silang topic. May onting kwento sa pamamalakad ng may-ari, onting rant at onting harutan na din.
‘Di pa naman nakikita ni Jongin si Yong pero alam niyang cute ‘to base pa lang sa boses. Hihintay pa siya ng ilang linggo bago yayain ‘to lumabas, siyempre kailangan gwapo siya noh!
--
[Saturday]
'Gusto ko lang naman makatulog kahit 5 oras kada araw o kaya kahit weekend man lang makapagpahinga ako.' 'yan isip-isip ni Jongin habang patakbong pumasok sa isang coffee shop.
'Naayos na daw niya lahat, 'yon pala may isang artwork na nalimutan gawin.' bulong-bulong ni Jongin habang nagtitingin kung aling table ang may saksakan.
'Kuya Yeol naman eh, ‘di nagdouble-check bago umuwi sa bahay nina Kuya Baek sa Tagaytay. Okay lang naman sana kaso biglang nawalan ng kuryente sa apartment. Tapos lowbat pa ‘tong natatanging laptop na pwede gamitin! Tapos, ahhhhhhggghh!!!'
Kaysa magtuloy magreklamo ay nagpatuloy siyang maghanap ng ‘di okupadong mesa na may malapit na saksakan. Kaso dahil limitado lang ang pupwede sa isang mesa ay halos lahat may tao na. Biglang may nahagip ang mata niya na isang lalaki na nakaupo. Wala naman ‘tong order at wala rin ginagawa kaya sa tingin niya, okay lang naman samahan.
--
"Uhh hello. Pwede makiupo? Kailangan ko kase magcharge may gagawin lang akong trabaho." tinanguan lang siya ng lalaki na ngayon ay halos kaharap na niya. Pagkaupo ay agad na siyang nagsimulang magtrabaho.
Nasa kalagitnaan na siya ng pag-eedit nang biglang ngumawa yung lalaki sa harap niya. Oo, ngawa at hindi iyak. Kala mo batang inagawan ng candy.
"Ayoko naaaa pagod na pagod na ako sa demanding na client. Lalo na sa punong trabaho, kakasimula ko pa lang, higit sampu na agad pinahawak sa aking project???"
‘Di naman napigilan ni Jongin na kamustahin ang lalaki.
“Uy okay ka lang? (ugh bobo Jongin, may umiiyak ba na okay lang) Ano, hehe gusto mo tubig? O kaya ano, kape? Eto oh, tissue." umiling-iling lang ang kaharap at nagbigay ng thumbs-up habang kinuha naman ang iniabot na tissue sa kanya.
Haha cute.
Habang patuloy pa din ngumangawa yung lalaki ay nakikita ni Jongin na nagsisimula nang mamula ang dulo ng tainga nito.
Cute ulet.
Ay hinde, erase-erase. Loyal ako!
Pero...
Cute ka sana eh pero loyal pa din ako sa baby Yong ko so sorry kuya breakdown, ‘di kita pwede maging crush.
--
‘Di na sana siya ulit papansinin ni Jongin kase privacy na din naman sa tao, nakikiupo na nga lang din siya eh kaso pakiramdam niya tila may nakatitig sa kanya at may nagbubulung-bulungan pa. Pag-angat naman niya ng tingin ay di pa din naman tumitigil sa kakaiyak ang lalaking nasa harapan at nakayuko pa din.
‘Yon pala mga tao sa coffee shop ang nakatitig sa kanya. Ng masama.
Ha? Baket? Anong ginawa ko???
At tuloy pa din sa pag-ngawa ‘yong lalaki habang si Jongin kailangan na atang mag-antanda dahil konti na lang mapapatay na siya sa tingin ng mga tao.
--
"Ano naman ‘yon ma'am L!!! ‘Di porket may work experience ako sa same field ganun na, ano abuso tayo dyarn? At kahit na abutin kami ng hatinggabi, thank you lang yung OT!?"
"Gusto ko na tuloy lumipat kina Baekhyun, malaki sweldo pag BPO eh. Kaso baka unang linggo pa lang matanggal na ako kase ayoko ng paulit-ulit na tinatanong ako at matarayan ko pa mga nag-iinquire huhuhu. Tapos kapag stressed siya, may jowang borta pa na maglalambing."
"Kainis naman ehhhhh!"
--
Nalimutan na bigla ni Jongin mga nakatitig sa kanya dahil biglang ‘tong naawa sa lalaki.
Grabe naman trabaho nito, ganto kaya nararanasan ng proj coor namin? Lalo na si baby Yong?
Ay sandale.
Ma'am L? Baekhyun?
Bigla naman tuloy niya itong balak kalabitin nang may mag-alarm.
"AY GA*O!"
Sa gulat niya akala niya may countdown ng bombang sasabog. Sino ba nakaimbento nito, muntik na siyang atakihin sa puso. Nang medyo matauhan ay sinilip niya ulit ang lalaki. Nagulat siya nang makitang ‘di na ito umiiyak. Kinuha din nito ang phone para patayin ang alarm. Humarap sa kanya ang lalaki habang nagpupunas ng luha at onting uhog.
“Hello, ako pala si Soo. Vanilla Sweet Cream Cold Brew tapos Venti size.” napatulala na lang si Jongin at napasigaw sa isip.
Sh*t ang gwapo naman nito tapos ang lalim ng boses pero may pagkamalambing din. Tapos ang cute pa ng pisngi, bilog na bilog. Pati labi cute din,hugis puso.
Loyal pa din ako. Promise.
“Ha ano yun?'” pagtanong ni Jongin. Nagtaka siya bakit sinasabihan siya ng order eh ‘di naman siya doon nagtatrabaho.
“Sabi mo kung gusto ko ng kape, ayun order ko sinabi ko na.” ay. nag-offer nga pala siyang bilhan ito ng kape kanina.
“Ah sige. Okay ka na ba? Nagulat kase ako nang bigla kang umiyak eh.”
“Okay na ako, kailangan ko lang talaga magbreakdown para gumaan pakiramdam ko. Tsaka healthy kaya umiyak noh!.”
“Oh tatanong lang eh. Grabe kase iyak mo, ngawa na ata tawag dun eh. Muntik pa ako maakusahan na nagpaiyak sayo.”
Kumunot naman ang noo nito kay Jongin.
Hala ang cute talaga. Baby Yong ko, sorry na agad kung may kahati ka na sa akin.
“Dami mo sinabi, order ka na nga.”
“Oy aba! May kapalit to!”
“Oo na bibigay ko number ko, bilis na nauuhaw na ako.”
“Haha ibang klase! Para sabihin ko sayo tulong bilang kaibigan lang to, loyal ako sa crush ko noh!”
Loyal sa dalawa. Char.
“Oo na sige na, pumila ka na.”
--
Nang makabalik si Jongin ay naalala naman niya biglang ang nabanggit nito kanina.
"Uhmm hi? Soo? Hehe medyo narinig ko rant mo kanina, nacurious lang ako. Saan ka nagwowork? Parang pamilyar kase nabanggit mo na name."
"AvB. Project coordinator ako." matipid na sagot nito at tsaka humigop ulit ng kape.
"Ay sandali! Doon din ako nagtatrabaho ah! Same agency lang pala tayo pero ‘di natin alam hahaha. Puro chat at tawag lang kase eh. Onga pala, graphic artist ako, Jongin Kim at your service."
Bigla namang nasamid si Soo at halos mapaiyak na kaka-ubo. Parang namumula din ata ang mukha?
"Hala ka anyare sayo, oh tissue. ‘Wag ka mahiya, ‘di ko naman pagsasabi kahit kanino. Kahit kay Kuya Yeol promise! Ano nga ulit buong pangalan mo? Sorry wala akong naaalalang Soo eh hehe” tuloy-tuloy na sabi ni Jongin habang chinecheck ang lalaki kung ayos na ito.
"Kyungsoo Doh.”
“Ha? Ulit ‘di ko narinig."
“Sabi ko, Kyungsoo Doh, pangalan ko!” halos impit na sigaw ng lalaki. At tila naman nag-lag ang utak ni Jongin.
Kyungsoo Doh? Yong? Baby Yong ko!!??
“Ha!!??? Baby Yong kooooooooo!” sigaw ni Jongin na napatingin naman sa kanya ang mga tao. Doon din niya napansin na tinawag niya itong baby.
“Ay hehe. Don’t mind, don’t mind. Yong! Ikaw pala ‘yan. Kase naman, ‘di ka man lang naglagay ng picture kahit sa chat, ‘di ko tuloy alam itsura mo hehe”
"Nagsalita ang may icon na selfie nga pero nakatakip ang phone sa mukha. Ganun din. Anyway, so baby Yong? Sanggol na pala ako ngayon ah.”
“Eto naman, lambing lang naman ‘yon.”
“Di mo nga ako kinikita tapos baby na tawag mo? Mali ‘yon.”
“Sor--” magsosorry pa lang ulit si Jongin ng tumunog ang notif ng chat niya.
“Oh ayan na ha. May number mo naman na ako. Chinat ko na sa’yo name ko sa fb, username ko sa IG at Twitter. Baka address ko gusto mo na din kuhanin? Pero dapat manligaw ka muna, maka-baby ka agad diyan eh. Di porket gwapo ka bibigay na ako. Pilitin mo muna ako ng mga 5 minutes.”
Napatawa naman si Jongin dahil sa ilang buwan nila magkachat at magkatawagan, ngayon lang ‘to nagsalita ng napakadami.
Grabe kahit simpleng crush lang kala niya ‘di pa siya magiging loyal. Buti na lang iisang tao lang si baby Yong at kuyang na-crush at first sight niya.
May nagawang tama din pala ‘yong pagsalo niya ng trabaho ni Kuya Yeol eh.
Trabaho?
Ay, oo nga pala may ipapasa pa siya!!!
