Chapter Text
It is one of the most awaited celebrations this year. No, hindi siya holidays or kahit ano pang special events na nakalagay sa kalendaryo, but for the industry of show business, it is something to be celebrated for. Halos lahat nang kilalang artista ay nasa isang resort para sa event na ‘to. Pati mga press and reporters ay nasa labas naghihintay para sa mga bisita. Sunod-sunod na sasakyan ang pumasok sa venue, including Chanyeol’s na tahimik lang pinagmamasdan ang bawat flash ng camera at nagsisiksikang reporters para makakuha lang nang maiinterview na artista. He just sighed. He expected it already. Nung nagkaroon na ng traffic jam sa may entrance, pinilit na lang ni Chanyeol na lumabas sa sasakyan because he wanted to get away from this place at kailangan na rin niyang magprepare for the event.
“Kuya, can I just go down? Baka need na ako sa taas eh.” sabi ni Chanyeol sa driver niya. Tumango na lang ito at sinabihan ni Chanyeol na itetext niya na lang ito kapag kailangan niya nang umuwi which he doubts dahil matagal pa bago mangyari iyon.
Dumaan siya sa may likod ng entrance which is for VIP guests only and kilala rin siya ng mga guards na nagbabantay doon. Mabilis niyang inakyat ang second floor at hinanap kung saan ang room na kailangan niyang puntuhan. Halos libutin niya na ang buong floor na yun dahil sa sobrang lawak, but finally, nakita niya na rin ang Room 214. He opened the door slowly and he saw who he was looking for. Inaayusan siya ng make-up sa harap ng salamin. Hindi niya iniistorbo ito at hinihintay lang na mapansin siyang nakatayo sa may pintuan. After ilang seconds, napansin na siya dahil sa reflection ng salamin na natatakpan kanina.
“Akala ko ‘di ka aabot eh.”
“Why would I miss your birthday?”
Pumunta si Chanyeol sa direksyon ni Yeri at yinakap niya ito. Yeri is his cousin and today is her 18th birthday. Kaya maraming artista ang dumalo ay dahil siya ang kilala bilang isang breakthrough actress ng generation ngayon, probably susunod sa yapak nila Kathryn at Liza. Their family is also famous in the showbiz industry, another reason bakit jam packed ang celebration ngayon.
“Anong regalo ko?” Tanong ni Yeri habang inaayusan for the last time bago magsimula ang program.
“Ang dami mo ng regalo diyan ah. Kailangan mo pa yung sa akin?” Pagbibiro ni Chanyeol pero ang totoo niyan nasa bulsa na niya talaga.
“Siyempre. You’re the best kuya, kuya na nakakasundo ko sa lahat ng bagay kaya importante yung sa’yo!”
“Sus, nambola pa.” Kinuha na ni Chanyeol yung box sa may bulsa niya at binigay ito sa pinsan niya. “Oh, eto. Isuot mo ‘yan ah.” Binuksan agad ni Yeri ang box at nakita ang bracelet na may pendant na clapperboard.
Kumatok na ang organizer at sinabing magsisimula na ang party in three minutes. Nag-ayos na rin si Chanyeol ng mukha niya dahil medyo nahaggard pala siya sa ginawa niyang stint kanina. Nung narinig na nilang nagsasalita na ang host sa stage, lumabas na sila ng kwarto at pumunta sa may hagdan para magready na sa grand entrance ng debutante with his escort. The lights almost blinded Chanyeol but he quickly recovered dahil siguro medyo sanay na rin siya dito. Their lives were almost connected to flashes of camera, people looking at their every move, in short, nasa spotlight.
The band started the song and they slowly walked down the staircase. Ang daming pamilyar na mukha na nakikita niya lang sa television na ngayon ay nasa harap na niya. Wow, this is how their family line is famous pala. He doesn’t realize it until kailangan niyang pumunta sa mga events na ganito at makaharap ang mga big shots sa industriya. Hinatid niya na si Yeri sa pwesto niya sa gitna then he proceeded sa table kasama ang pamilya at ibang kamag-anak niya.
“Chanyeol, anak. Did you already think about what we said to you? Ang laking offer na ng company yun.”
Tumikhim muna si Chanyeol bago sumagot.
“Mom, nasa party po tayo.” Chanyeol immediately said at uminom ng tubig. He knows what his mom is talking about and he thought about that a lot of times already pero marami namang araw para pag-usapan yun. He came here to enjoy and relax bago gawin yung desisyon na ginawa niya days ago.
Tinignan na lang siya ng mama niya for ilang seconds at binalik ang attention sa harap kung saan nagsasalita ang host. Nakikita naman niya sa peripheral vision niya na ang ibang kamag-anak nila ay nakatingin sa kaniya, as usual, pero ‘di niya na lang pinakialaman yun, instead, nagready na siya para sa 18 roses kahit siya pa ang last dance.
Nagsimula na ulit tumugtong ang banda at sinayaw si Yeri hanggang sa maging turn na ni Chanyeol. The music changed and Chanyeol smiled at Yeri knowingly. Kinuha niya yung kamay ni Yeri at pumunta sila sa gitna.
“Thank you Kuya Chanyeol for introducing this film to me. Doon ko narealize na gusto ko mag-artista like Julia Roberts’ character here.”
Tinuloy lang nila ang pagsayaw. Chanyeol kept his smile on his face kasi ang daming cameras na nagpipicture sa kanila. Few seconds before their dance ends, may bagong mukha among sa lahat nang nakita niyang photographers sa event ngayon. The one that he noticed the most is his coconut hair. Naiwan na siya ng ibang photographers sa pwesto but he still keeps on taking pictures. Unconsciously, Chanyeol looked and smiled at his camera.
The song ended. Dinala niya muna ulit si Yeri sa upuan niya and when he faced the position where that photographer was positioned a while ago, wala na siya doon. Imposible naman din niyang mahanap yun sa lawak ba naman ng hall.
The program continued mula 18 candles, 18 treasures at marami pang iba. Halos hindi na nakasunod si Chanyeol sa pangyayari nung pagkatapos ng turn niya. Before dinner, nagspeech muna yung parents ni Yeri at doon na yung iyakan portion. Sila Tita and Tito Kim kasi ang pinakaclose niya sa lahat ng kamag-anak niya, most likely the good ones, kaya habang nagsasalita sila ay parang naiiyak na si Chanyeol. Just when he felt na parang may tutulong luha na sa right eye niya, doon niyang napansin na may nakakuha sa kaniya ng picture. Nung tiningnan niya ito, it was the coconut-haired person na nakita niya kanina sa sayaw niya sa 18 roses. Bago umalis, narinig niya pa na bumulong ito ng, “Ayan, mas natural.” The photographer smiled for a second tapos dire-diretso na siyang pumunta sa ibang tables.
The dinner proceeded tapos may iba ring pakulo after kumain like may kumanta at sumayaw. Yung iba ay kaibigan niya in real life and showbiz, tapos yung isang portion naman ay puro titos and titas. The latter part is pure entertainment. Chanyeol didn’t expect na tatawa siya nang ganito habang pinapanood yung ibang kamag-anak niya na nagsasayaw sa harapan. He assumes na nakainom na ang mga ito.
He’s laughing while clapping his two hands. Buti na lang wala siyang katabi ngayon kundi mahahampas niya kahit relative niya pa iyon. Doon niya ulit napansin na yung same photographer mula kanina ay kinukuhanan ulit siya. He doesn’t know kung kanina pa niya ginagawa iyon dahil busy si Chanyeol panoorin yung nasa harap niya. Wala pang tatlong segundo, lumipat na ulit siya ng pwesto at doon kumuha ng photos.
The event is nearing its end. Nagbigay na ng pasasalamat yung parents ng celebrant and siyempre, the celebrant herself. After that ay group picture na starting with her friends in showbiz tapos pa-huli na ang angkan nila. Mabilis lang naman ang transition per group photo dahil nga rin sa dami ng photographers sa event na yun. Now, the cousins-line’s turn. Doon niya lang napansin yung iba niyang pinsan kasi nga layo-layo rin sila ng tables kanina. Nung nakapwesto na, hindi nila alam kung saang camera titingin.
“Kanino po titingin?” Tanong ni Chanyeol sa dami ng camera at phones na nasa harap nila.
“Sa akin po.” Nagtaas ng kamay yung photographer na nasa gitna at doon niya ulit nareallize na si coconut hair ulit ito.
Naghand signal na ito ng 3, 2, 1 at natawa silang lahat nung sinabi nitong “Say Yeri!”
Bumalik na si Chanyeol sa upuan at nakita niyang may kinakausap ang mama niya sa phone. He just sat there at hinintay kung anong sasabihin nito.
“Bunso is in the airport na. Sasama ka ba?” Tanong sa kaniya ng mama niya.
“No. Naghihintay naman si kuya sa text ko kung magpapauwi na ako.” Sabi ni Chanyeol at nagsalin ng red wine sa kaniyang glass.
“Okay if you say so. We’re going na, okay? And Chanyeol, yung—”
“Yes. Opo, ma. Napag-isipan ko na yun.”
Her mother smiled and tapped his cheek bago umalis sa table nila. Unti-unti na ring nagsisialisan yung tao sa hall. He felt like nadrain ang social battery niya kahit wala naman siyang ibang kinausap. He is about to text his driver pero naisip niya na baka marami pang media sa harap ng resort so maghihintay na lang muna siya nang ilang minutes bago magpasundo sa entrance.
“Pwede paupo? Sandali lang.”
Chanyeol was scrolling through his phone when he heard a voice. Nakita niya yung photographer na nakaupo na mismo sa upuan sa harap niya habang nagsestretch ng legs niya. Napansin siguro nito yung pagtitig ni Chanyeol kaya tumayo na siya.
“Sorry. Baka gusto mo pala mapag-isa.”
“No. It’s okay. Upo ka lang.” Ngumiti nang tipid si Chanyeol dito para maramdaman naman nung isa na okay lang sa kaniya.
“Sige. Salamat.”
Pinapanood lang nila na maglinis yung mga tao sa stage. Napansin naman ni Chanyeol na kanina pa nakatingin yung isa sa pitcher ng tubig na nasa table.
“‘Wag ka na mahiya. Kuha ka lang ng tubig.”
Hindi naman na ito nagpaligoy-ligoy pa at nagsalin na ng tubig sa unused na baso sa table. Pinanood ni Chanyeol kung paano nito inumin yung tubig nang isang bagsakan lang. He figured out na baka wala pa silang kain since isa nga sila sa mga in-charge ng documentation sa event na ito.
“Uh, do you want some food—” Pagsisimula ni Chanyeol ng usapan.
“Hindi, okay lang. Pero ano, uhm, pwede yung red wine na nasa harap mo? Promise isang lagok lang.”
Natawa naman si Chanyeol sa sinabi nito. “Sure. Kahit nga hindi isang lagok lang. Ako lang naman uubos niyan.”
“Weh? Edi sige, sabi mo eh. Hati na lang tayo sa isang bottle.” Sagot ng photographer sa kaniya.
“Hindi ka pa ba hahanapin ng ibang kasama mo niyan?”
“Babalikan nila ako dito. Kinausap sila nung naghire sa amin, actually sa kanila lang pala kasi sumabit lang talaga ako sa raket na ‘to. You know, isang sabi lang nila na kukuha ako ng photos dito, nag-agree agad ako— Ang dami ko bang sinasabi?”
“Tuloy mo lang kwento mo.” Naamuse naman si Chanyeol sa kadaldalan ng kausap niya.
“Ayun, sabi ko nga kahit walang hati kasi nageexplore talaga ako sa events photography but he insisted. Ang bait ng friend ko ‘di ba?” Sabi nito sabay lagok ng wine sa baso. Nagsalin ulit ito para sa isa pang round, samantalang si Chanyeol ay hindi na nagalaw ang baso nito kasi nakikinig lang siya sa sinasabi ng kausap niya.
“Speaking of…” Bulong nito at napatingin si Chanyeol kung saang direksyon nakatingin yung kasama niya.
“B! Tara na. Naghihintay na yung sasakyan sa harap. Tulungan mo na kami magbitbit dito.” Sigaw nung friend niya kaya binilisan na lang ng kasama niya yung pag-inom sa natitirang wine na nasa baso niya.
“Salamat sa tubig at wine. Babye!” Ngumiti ito kay Chanyeol tapos kumaripas na ng takbo papunta sa mga kasama niya.
That’s when he realized, he didn’t get his name—full name specifically. So, this coconut-haired photographer who caught his attention goes by the nickname “B.” Maraming pangalan na nagsisimula sa B. He took a deep breath at tinanggap na hindi niya na malalaman yun. Malay niya ba kung magkikita ulit sila.
He just texted his driver at nagpasundo na sa entrance.
Isa-isa nang linalagay ang tripod at iba pang equipment sa trunk ng sasakyan. Halos lahat ng tao ay nagsialisan na at sila na lang magkakaibigan ang nag-aayos sa may parking ng venue. It’s almost midnight kaya lahat sila ay pagod na. Pagkatapos ilagay ang last equipment, nagsiunahan na silang pumasok sa sasakyan and unfortunately, kung sino ang last na makakapasok ay yun ang magdadrive ng sasakyan. Hindi malas si Baekhyun ngayon. Nakuha niya na yung kamalasan kanina papunta sa event. Alam niya naman na big time ang celebration pero hindi niya inexpect ang stress na makukuha niya bago makapasok sa mismong venue. Akala pa nga nila ay malelate sila kaya pagkarating kanina ay nagset-up na agad sila at hinintay pa ang isang kaibigan nila na hiwalay na bumyahe sa kanila. Siya muna ang nagbantay sa pwesto nila kahit kating-kati na siya kumuha ng photos kaya pagkarating nung kaibigan niya ay pumwesto na agad siya sa gitna para magtrabaho. Binawi niya yung ilang minutes na nasayang kasi sa last dance na siya ng 18 roses nagsimula.
Sobrang bawi naman yata ang ginawa niya kasi tuloy-tuloy ang pagtrabaho niya kahit dinner time na. At the end, puro snacks lang ang nakain niya but that’s enough for him to get through the night. It’s his first time sa events photography and hindi niya inakala na maeenjoy niya pala somehow ito.
“Deserve. Pagkatapos mo malate, dapat ikaw lang magdrive pauwi.” Sabi ni Jongdae, pinakaclose na kaibigan ni Baekhyun sa team na ito.
“Magdrive thru na lang ba tayo? Nagugutom na ako eh.” Sabi ni Kyungsoo, isang kasama pa nila dito sa team.
“Sige. Baka may mahanap tayo.” Sabi naman ni Minseok, yung kaibigan nilang nalate na nagdadrive na ngayon palabas ng venue.
Tahimik na si Baekhyun kasi pagod na talaga siya. Pagkaupo niya ay doon niya lang naramdaman lahat ng kapaguran niya sa katawan. Buti nga ay namasahe niya pa ito kanina kahit sandali lang kasi kung hindi, cramps ang sasalubong sa kaniya pagkagising niya mamayang umaga.
Nagpatugtog na lang sila sa loob ng sasakyan. Si Kyungsoo ay unti-unti nang napipikit ang mata. Si Minseok ay naghahanap ng drive-thru na pwede nilang pagbilhan. Si Jongdae naman ay nararamdaman niyang chichikahin na siya kasi ayaw niya nang ganitong katahimikan.
“Hoy. Sino yung kausap mo kanina sa table?” Pagkalabit sa kaniya ni Jongdae. Nakatingin na siya sa labas ng bintana kasi nagpapaantok na siya pero walang nakakatulog hangga’t si Jongdae ang katabi mo sa sasakyan.
Nagkibit balikat si Baekhyun. “Hindi ko kilala pero isa siya sa mga guests.” Hindi niya inexpect na siya pala ang makakasama ni Baekhyun sa table. Gusto niya lang talaga maghanap ng mauupuan kasi nanginginig na legs niya nung time na yun.
But…he won’t forget that person. Sa buong gabi, isa siya sa may pinakanatural na expression sa harap ng camera. Yung ibang artista kasi na nandoon sa event, kada may makikitang camera, they need to present themselves in most beautiful way. Bibihira lang din ang may candid shots. Pero with that man, Baekhyun almost enjoyed taking pictures of him kasi nga natural lang siya sa camera. Kahit ano pang expression or action na gawin niya, he can carry himself. Baekhyun thinks that maybe this man is meant to be in front of the camera.
He didn’t regret yung mga sinabi niya doon sa stranger kasi who knows kung magkikita ulit sila ‘di ba?
At last, nakahanap si Minseok ng McDo drive-thru at nagsimula na silang mag-order ng usual meals nila. Mabilis lang ang process dahil nga madaling araw na and after ilang minutes lang ay halos lahat sila ay ngumunguya na ng fries at burgers na binili nila.
“Minessage ako ni Joohyuk.” Sabi ni Minseok na nagpatigil sa pagkain nila.
“Huy, gago. Read the room nga.” Sagot ni Jongdae.
“Okay lang ako. Actually, minessage niya rin ako eh.” Sabi ni Baekhyun para matanggal yung pagkatense sa atmosphere niya. Joohyuk’s name is not a taboo. Para kay Baekhyun, isa lang ‘tong pangalan ng ex niya na nakipagbreak sa kaniya after three-long-relationship, and to add, a toxic one. They just keep going on circles hanggang mapagod na si Baekhyun. Two months after their break up, he knew that Joohyuk was dating another woman.
“Ikakasal na sila ‘di ba? So, tinanong niya ako kung pwede ba raw akong maging photographer sa kasal nila.” Pagpapatuloy ni Baekhyun.
“Napakagago talaga ng lalaking yun. Malas nang pakakasalan niya.” Siyempre, hindi pwedeng walang side remarks si Jongdae.
“Of course, I said no. Kapal ng mukha niya. Matapos niyang hindi suportahan love ko sa photography?!” Nagagalit na si Baekhyun kasi bumabalik sa kaniya yung time na nabasa niya yung message, to the point na gusto niyang ihagis yung phone niya sa sobrang inis. Huminga na lang siya nang malalim tapos kumain ulit ng burger niya.
“Tama ‘yan. Baekhyun. Baka hingan ka pa ng discount nung taong yun kapag pumayag ka.” Dire-diretsong sabi ni Kyungsoo.
Tahimik na ulit ang sasakyan pagkatapos nang pag-uusap na yun. Nang malapit nang makaidlip si Baekhyun, kinalabit ulit siya ni Jongdae at may tinanong. Sana talaga sa pwesto na lang siya ni Kyungsoo sa harap edi sana tulog na rin siya katulad nito ngayon.
“Pwede ka next week?” Tanong ni Jongdae.
“Raket ba yan?” Sagot ni Baekhyun na nagising ulit ang diwa.
“Oo naman. So g ka?”
“Tungkol saan?”
“May show na gaganapin yung isang company tapos need pa ng photographers. Pwede mo isubmit yung portfolio mo sa kanila thru email then inonotify ka kung pasok ka sa work.”
“Permanent?”
“Hindi eh, pero eto ang good news. Maraming mga nagtatrabaho sa magazines doon so more usap sa kanila. Pwede mong chikahin tapos diretso apply ka na. Malay mo tanggapin ka nila ‘di ba? Kaclose ko din yung head doon so pwede akong makisuyo na iconnect ka sa kanila.”
This sounds like a big opportunity. Wala namang mawawala kay Baekhyun. Bukod sa maeexplore na naman niya ang ibang kind ng photography, pwede pa siyang makakuha ng permanent na trabaho mula sa field na gusto niya talagang mapuntahan.
“Okay, go na ako. Message mo sa akin yung email mamayang umaga para masend ko na portfolio ko.”
“Got it, bestie. Sa dinami-dami ba naman nang pinagdaanan for this passion, deserve mong matanggap as a photographer sa isang magazine.” Nagngitian silang dalawang magkaibigan tapos nagfocus na ulit si Jongdae sa phone niya. His friend has a photography team na flexible sa iba’t ibang events kaya ganun na lang ang connections niya sa mga taong nasa field nila.
Bumalik naman na si Baekhyun sa pagsight-seeing ng buildings sa labas pero after ilang minutes ay hindi na bumalik ang antok niya. Kinuha na lang niya yung camera bag na nasa tabi niya at binuksan ang camera para tingnan ang shots na kinuha niya kanina.
Siguro pwede niya nang ilagay sa portfolio niya na nakuhanan niya ng photo si Jodi Sta. Maria at iba pang artista na napapanood niya lang sa TV. Iniscroll up niya muna ang mga photos at tiningnan yung pinaka-unang shot niya.
Oh, yung lalaki nga pala na ito.
Ninext niya lang mga photos at nung sa last shot na sa portion na yun ay doon niya lang napansin na nakangiti sa harap ng camera yung lalaki. Not that smile na nakikita sa commercial ng Colgate, but that tight-lipped smile na sobrang warm sa harap ng camera.
Iniscan ni Baekhyun yung natitirang mga photos at nakita niya pa yung isang shot na konti na lang ay iiyak na yung lalaki. But what made him unconsciously smile ay nung nakita niya yung shot niya doon sa lalaki na tumatawa habang nakataas yung dalawang kamay mid-air na parang katatapos niya lang pumalakpak.
He reached the end of his shots then closed his camera. Bumalik na lang ulit si Baekhyun sa pagtingin sa mga buildings at kabahayan sa mga nadadaanan nila.
Nakatingin lang si Chanyeol sa salamin habang pinagmamasdan kung paano kumilos lahat ng tao sa likod niya. Ang kaniyang make-up artist naman ay nasa last touches tsaka lang siya magpoproceed sa pagpapalit ng wardrobe. Big events have been already a part of Chanyeol’s life, and kagaya nang nakagawian, nandito na naman siya sa isa sa mga inaanticipate ng mga tao. This time, for the fashion industry.
Ilang beses na rin itong binibring up ng nanay niya with every chance she gets. Well, hindi naman masisisi because his son’s future can depend on this. It’s a big opportunity lalo na sa linya ng career na tinatahak niya. Kilala ang Zhang Inc. for their clothing line, footwear, and bags. Ngayon, nagprepare sila ng contest para magkaroon ng bagong faces ang kanilang brand.
That’s why Chanyeol is here. He’s joining this contest. Since he’s a freelance model, this is his chance para maging permanent dahil na rin sa laki ng pangalan na meron ang kumpanyang ito. He has done some photoshoots for the last few years. Meron pang facial products but mostly ay sa clothing line din.
But with this Zhang Inc. contest, it’s different. He just knew it’s going to be different. Chanyeol thinks this is going to be the turning point of his career. At last, sa loob ng limang taon niyang pagtatrabaho, and now he’s turning 29, magkakaroon na rin ng direction ang career niya.
He needs to do his best.
Pagkatapos ng make-up ay binigay na sa kaniya ang susuotin niya for the first the first round which is for the casual wear. It’s not their own clothes, but the company’s. Isa sa mga magiging standard nila kung bakit nila pinili na sarili nilang products ang isuot ay dahil dito makikita kung paano dadalhin ng mga contestants ang mga ito.
Two rounds lang pero sila ay 40 na magkakalaban. Ang napunta kay Chanyeol ay yung previous summer collection nila. With that chino shorts, linen shirt na nagmamatch sa kaniyang loafers and shades, alam ni Chanyeol na kaya niyang dalhin ang sarili niya sa runway. His assistant also gave him the bag na kailangan niya para makumpleto na ang buong get-up niya.
In a few minutes, they will start. Umupo muna si Chanyeol at tiningnan ang phone niya. He checked his inbox at unang-una doon ang pangalan ng mama niya, tapos papa at kapatid niya. Meron din sa family gc sa messenger nila. Napapaisip tuloy siya kung kanino pa brinoadcast ng nanay niya ang pagsali niya rito.
Nagsimula na silang papilahin. Kinuha niya yung number niya na nakalagay sa table niya kanina pa at linagay sa wrist niya. Siya ay #4. Aside sa confidence na dala niya, naniniwala rin siya sa number na napunta na sa kaniya, na magdadala ito ng swerte sa contest ngayon.
The show started at rinig ang masigabong palakpakan at kita ang pagflash ng mga camera sa stage. Nakatutok ang spotlight ngayon sa mga nagsasalita, wherein napalitan nun si Yixing Zhang, ang CEO ng kumpanya na nagbigay ng opening remarks. Famous models in the local fashion industry are here in this event as audience and judges. Sinubukan niyang sumilip mula sa backstage but of course, he can’t see his mom. Ang lines 1 and 2 ay puro VIP and media.
Different lights were turned on, isang sign na simula na ang contest. He took a deep breath nung naglalakad na ang unang contestant. He took a big one deep breath nung si #3 na ang naglalakad sa runway. He slowly fixed his comma hair and adjusted his top kahit wala namang lukot ito. He positioned his bag at nung sinabi ang pangalan niya ay lumabas na sila mula sa backstage.
“Contestant #4, Chanyeol Park.”
He stood tall while walking on the runway. His serious face matches with his oozing confidence. But what’s more important ay yung connection na binuild niya with his audience. He just didn’t look straight but also he faced the sides where the audience were located. Nung narating niya na yung dulong part kung saan puro camera naman ang titingnan niya, he used his signature pose. Linagay niya yung dalawang kamay niya sa kaniyang bulsa at pinakita ang kaniyang infamous “smirk” na kuhang kuha ng lahat. He made sure na halos lahat ng cameras ay nakuha yun.
Nakahinga siya nang maluwag nung natapos na ang turn niya. He went to his table tapos ay nagprepare na para sa formal attire round. Nagpahinga muna siya sa saglit habang inaayos na ng assistant and make-up artist niya ang mga kailangan for the next round. Habang umiinom ng tubig, nakita niyang sunod-sunod ang pag-appear ng messages sa phone niya. Nung chineck niya ito ay siyempre mula sa angkan niya lahat yun. Puro “you did great!!!!” “ginagalingan!! tama yan!!” at “LAH PAPOGI YARN??!!” Tapos puro photos niya na ang laman ng family gc nila.
Hindi naman niya mapigilan na mapangiti rito. At least he knows that so far, he’s doing a good job. Nagsimula nang iretouch ang make-up niya at baguhin ang hairstyle niya. From his comma hair for casual attire round, he changed it into hair-up for the formal attire round. Nagpalit na siya ng wardrobe and ngayon ang suot niya naman ay all black. His polo underneath is unbuttoned tapos ang coat and slacks niya ay from their last year’s prom collection. Pagkabalik sa table ay sinuot niya na ang kaniyang rolex at mga singsing for his both point and ring fingers.
After ng intermission number, nagproceed na agad sa round 2 ng competition. He just keeps on thinking na huli na ito for tonight. Kailangan niya nang ipakita ang kaniyang best shot. Nagsimula na ulit maglakad ang contestant #1 and ilang minutes lang ang nakalipas ay turn na naman ni Chanyeol para maglakad sa runway. Narealize niya after ng kaniyang turn nung unang round ay he needs to set his mind that he owns this runway. With that, parang feeling niya ay nageexist lang siya sa sarili niyang mundo. No pressure and expectations. Nothing else.
Kagaya nang ginawa niya sa round 1, ipinakita niya ulit ang pagtingin niya sa mga audience. But what is Chanyeol Park without pasabog with his last big shot ‘di ba? Their outfits were given one week before the show. Pagkatapos niyang makita yung susuotin niya, he asked his assistant kung pwede ba maglagay ng rose sa loob ng kaniyang coat for the final round. He ought to give it sa kung sinuman ang mapupunta sa unahan para sa kaniyang last pose. When he looked at it kanina, it must be someone from the photographers or press.
No one expected it. Akala nila ipapakita lang ulit nito ang kaniyang smirk tapos ay okay na siya para sa kaniyang turn. But no. The audience gasped nung biglang lumuhod ito at naglabas ng isang stemmed rose from his coat at magalang na binigay sa photographer na nasa harap niya.
Chanyeol is all smiles while waiting for this photographer to take the rose from him. He or She must be shocked sa pakulo na ganito ni Chanyeol.
But wrong. They are both surprised.
Binaba ng photographer ang camera na hawak niya at tinaggap ang rose na binigay ni Chanyeol. He’s familiar. He’s the coconut-haired photographer from last week, but ngayon ay hindi na dahil naka-black hair up na rin ito tulad niya.
Nung kinuha na ng photographer ang rose ay mabilis na tumayo na si Chanyeol at doon lang ipinakita ang smirk na matagal na nilang hinihintay. Nang nakabalik na siya sa table niya sa backstage ay pareho siyang hinahampas ng kaniyang assistant at make-up artist dahil kakaiba daw yung pasabog na dala niya.
Nginitian niya na lang ito at nagpahinga ulit para sa announcement ng winners mamaya. His phone is blaring up with messages at tuwang-tuwa siya dahil pati mga kamag-anak niya ay hindi rin makapaniwala sa ginawa niyang yun.
Hindi rin siya makapaniwala… na sa dami ng tao na nandun, yung certain na photographer pa ang nakakuha nun. While thinking about that spur of a moment, he can’t help but to smile habang nagbabasa sa family gc nila.
The moment they are all waiting for has come. Naka-line up na silang 40 contestants sa stage. The CEO also joined the host para magbigay ng awards sa winners. Aside sa contract na pagiging face of the brand ay mananalo rin sila ng cash.
Kinakabahan si Chanyeol kasi future niya ang nakasalalay dito pero kapag naiisip niya yung ginawa niya for this contest, isang assurance na he tried his best para manalo dito ang iniinstill niya sa isip niya.
There will be three winners. After ng computations and anything from the judges, inabot na sa hosts ang result for this competition.
He tried to find his mom sa audience pero hindi pa rin niya makita kung saan ito nakapwesto. Pampalakas loob lang sana. He just scanned the whole area nang napansin niyang nagpalit na ng pwesto itong photographer whom he remembered na ang nickname ay B, at napunta na sa right side ng stage which is malapit lang kung saan siya nakatayo.
The hosts called the first two winners. They are Jongin Kim and Sehun Oh.
Last na lang. Nag-iisip na ng Plan B si Chanyeol kung hindi man lang siya papalarin dito nang inannounce ng host na siya ang third winner.
“And the last person who will join as the new face of our brand, Zhang Inc.,Chanyeol Park.”
He is astounded habang naglalakad papunta sa harap. Naghintay siya na pumunta ang CEO sa tabi niya para ibigay ang award.
“Thank you, Sir.” Bulong ni Chanyeol kay Mr. Yixing Zhang.
“Congratulations. You deserve it.” Bati naman nito pabalik.
They smiled in front of the camera, and later on, sinamahan na rin siya nung dalawang winners.
They ended the event with the CEO’s closing remarks. Pagkatapos ay kaniya-kaniyang punta ang press sa mga sikat na dumalo sa event at sa mga nanalo sa competition. Nakatayo sila malapit sa stage para sa isang maiksing interview.
“So how is it being the new face of Zhang Inc.?”
“It’s an honor. I am deeply grateful for the judges and to our dear CEO who believed in me in this competition. I’ll do my best to bring out the elegance of this brand.” Sabi ni Jongin Kim.
“What are your thoughts the moment they called your name as the winner?”
“I still can’t believe it. Feeling ko nasa cloud 9 pa rin ako hanggang ngayon. It will take a few days bago magsink in siguro. Yung tipong kapag minemake-upan na ako for the new photoshoot.” Sabi ni Sehun Oh na nagpatawa naman sa mga press na nagiinterview sa kanila ngayon.
“Halos sa lahat ng ininterview namin sa audience, ikaw ang pick nila! How did you prepare for this competition to the point that you made the audience capture their “hearts?”
“I think that one thing I instilled in my mind, “own that runway.” I really didn’t prepare extravagantly, unless kung extravagant talaga yung rose.” Natawa si Chanyeol at yung mga kasama niya. “Dinala ko lang yung confidence ko sa stage, then I guess the rest is history.” Sabi ni Chanyeol.
Patapos na sila pero may isa pang reporter na sumingit at nagtanong kay Chanyeol. “‘Di ba you are Eugene Park’s son and Sooyoung Park’s older brother, do you think your family surname affected the result—-”
Tinabi na ng mga bodyguards ang mga reporters tapos ang iba naman ay dinala na sila sa backstage.
He expected it. Alam niyang may magtatanong sa kaniya niyan. His surname is well-known in the media industry. Bitbit niya lahat kahit saan siya magpunta.
He wants to feel something pero ayaw niyang sirain ang gabing ito. Now, he just wants to drink.
“Oh to be the new face of Zhang Inc. nga naman! Infairness, ang galing mamili ng mga judges!” Sabi ni Jongdae habang kumukuha ng pica-pica niya na nakahain sa table.
Nasa after-party na sila ng event. Nauna na sila kasi yung kakilala ni Jongdae dito na nagpasok sa kanila for this raket ay nandito na rin. Just like what his friend said, nagsend nga si Baekhyun ng portfolio thru email and after a day ay natanggap din siya bilang maging photographer sa competition na ito. Achieved na yung isa, ang isa na lang na hinihintay niya ay makakilala ng mga tao sa print media industry, specifically sa magazine na pwedeng magbigay sa kaniyang suggestions kung saan pwede mag-apply and anything about doon sa field na iyon.
“Pero familiar talaga yung last winner eh. Saan ko ba siya nakita?” Patuloy ni Jongdae.
Sa lahat ng chances na pwede silang magkita, dito pa talaga. I mean, hindi naman na inexpect ni Baekhyun na makikita niya ulit siya, well, si Chanyeol. Nakilala niya na kasi sinabi na yung pangalan niya kanina. Naramdaman niya ring nagkagulatan silang dalawa sa moment na iyon. What are the odds naman kasi? Wala naman silang similarity and malakas talaga paniniwala niya noon na hindi na ulit sila magkikita. At bakit iniisip ‘to ni Baekhyun ngayon?
“Baekhyun Byun, are you with me?” Kalabit sa kaniya ni Jongdae habang tinatawag ang pangalan niya.
“Oo. May iniisip lang.” Sagot nito sa kaibigan niya.
“‘Wag kang mapressure! Kawalan na lang talaga ng mga magazine companies kung hindi nila makikita potential mo!”
“Salamat. ‘Wag ka nang mambola.” Nangingiting sabi ni Baekhyun.
“Buti nafeel mo! Eme. Oh ayan na pala si Junmyeon!”
Tinawag ni Jongdae yung isa niyang kaibigan na marami raw kakilala sa gustong career na tahakin ni Baekhyun. Pinajoin niya ito sa standing table nila. Unti-unti na ring nagkakaroon ng tao sa lugar. Ang venue ay sa hotel malapit sa pinagganapan na competition. Kumuha na rin silang magkakaibigan ng drinks na sineserve ng waiter.
“So ikaw ba?” Pagturo ni Junmyeon kay Baekhyun.
“Ang alin—”
“Oo siya nga! Kaya introduce mo na sa lahat ng kakilala mo yung kaibigan ko. Hindi sila magsisisi kapag hinire nila ‘to.”
“May photos ka ba—”
“Oo nakasave sa phone ko. Isang linggo ko ‘tong pinaghandaan ano?” Sagot ni Baekhyun. Naaexcite na siya para dito. Kung papalarin, isa ‘tong malaking pag-angat sa career niya. He explored different kinds of photography for five years now. Sumali na rin siya sa ibang competitions like photo journalism but kahit saan pa siya dalhin, babalik at babalik pa rin talaga siya sa magazine photography. He tried applying sa iba’t ibang companies before pero dahil sa lack of experience, hindi siya natatanggap. Kaya yun ang naglead sa kaniya na mag-explore and with that, nalaman niya yung sariling style niya when it comes to photography.
“Okay. Punta tayo doon sa kabilang table. Nandun yung EIC and CEO ng Silver Magazine.”
“S-Silver? As in—”
“May iba pa bang Silver Magazine sa bansa? Kaya bigay mo na best mo ha?”
Naglakad na sila papunta sa table pero tumingin muna ulit si Baekhyun kay Jongdae na nakathumbs up at sinabi na “kaya mo ‘yan!” He took a deep breath first habang kinakausap ni Junmyeon yung mga higher-ups sa table na yun.
Kinakabahan siya pero it’s now or never. Gusto niyang may mapatunayan sa sarili niya.
“Ms. Sy, this is Baekhyun Byun! He’s a photographer and he’s really passionate about it. ‘Di ba naghahanap kayo ng bagong photographers for your magazine? He’s the real deal.” Pag-introduce ni Junmyeon sa kaniya.
“Good evening, Ms. Sy. I am Baekhyun Byun. I've been a fan of your magazine since my teenage years.” Nahihiyang sabi ni Baekhyun na nagpatawa naman sa kausap niya.
“Hmmm. Kapag si Junmyeon nagiintroduce, malaki na tiwala ko eh. I know this is not a formal interview pero do you have some photos that you took?”
And that’s how Baekhyun started his game. Mostly portraits ang pinakita niya since ito ang forte niya which is sakto rin sa mga magazine styles. Merong kuha kasama yung nature or kapag nag-experiment siya sa bahay niya.
“I think I can feel your style in the photos.”
Mostly emotional ang appeal ng style niya. Before kasi ng shoot, he always asks his models if what do they want na maging result sa shots na gagawin niya. Strong? Mundane? Happy? Vibrant? But that style applies kapag walang naka-set na theme na binigay ang models niya.
“I love it.” Nakangiti na sabi ni Ms. Sy sa kaniya. Nakikita niya ang hope sa mga ngiti nito.
“Thank you po.”
“Ganito, we’ll open kasi na hiring of photographers next week so go, give it a shot. I think may mas pasabog ka pa na photos diyan pero hindi mo pa napapakita. Ilagay mo yun sa pag-apply mo sa company. I hope I’ll work with you soon.”
Baekhyun wants to cry. He is fleeting with happiness. Finally, may patutunguhan na siya.
“Thank you so much po...Hindi ko na alam sasabihin ko. Ang saya ko po kasi.”
Nagtawanan ang mga nasa table tapos nagpatuloy sila sa pag-uusap. Mas may nalaman si Baekhyun about magazine styles dahil na rin sa iba pang kasamahan nila doon. He looks forward sa day ng job hiring. After ng ilang minutes, bumalik na sina Baekhyun at Junmyeon sa table nila.
“Sabi ko sa’yo ‘di ba?”
Tumango si Baekhyun tapos niyakap si Jongdae. Nagpasalamat rin siya kay Junmyeon for his service. Umalis muna yung dalawa para imeet yung ibang kakilala nila sa kabilang table. Dahil nga naisama lang si Baekhyun dito sa raket na ‘to, wala siyang kakilala kaya natira na lang siya mag-isa doon sa table nila.
Kumuha ulit siya ng drinks na sinerve ng waiter at pagkaalis nito ay may dumating naman sa harap niya. Si Chanyeol. Bakit siya nandito sa table? Paano siya nahanap nito?
“Hi.” Sabi ni Chanyeol tapos tumingin doon sa glass niya.
“Congrats pala.” Sabi ni Baekhyun.
“Yeah, thanks.”
“Bakit ka pala nandito? Not to be rude ah pero kasi ‘di ba—”
“Ah, nakita kasi kitang mag-isa dito sa table pero if uncomfortable ka—”
“No, it’s okay.”
Silence. Ano pa nga ba pag-uusapan nila eh second encounter lang naman nila ito? Pinagmasdan na lang nila yung mga tao sa paligid nila tapos ay ininom ng drinks nila.
“Ano, tanong ko lang kung nasa iyo pa yung rose?”
Baekhyun figured out na baka eto pala ang sadya ni Chanyeol kaya naalarma siya at kinapa ang coat niya. Buti na lang may naramdaman siya doon na nakatago.
“Eto pala!”
“No, tinanong ko lang. ‘Di ko naman kukunin.” Nangiti si Chanyeol sa kaniya.
“Sure ka?”
“Oo. Remembrance mo sa akin?”
Natawa naman si Baekhyun sa sinabi niya. “Ang yabang mo. Paano pala kung itatapon ko ‘to?”
Nagsmirk si Chanyeol. Yung smirk katulad ng pinakita niya sa show kanina. “I doubt.”
“Weh? Bakit?”
“Feel ko lang na hindi ka ganung tao.”
Sandaling natahimik si Baekhyun. “Well…”
“Do you mind ba na itanong ko kung anong pangalan mo?”
Sobrang straightforward naman ni Chanyeol na napataas ng kilay si Baekhyun. Well, to be fair, alam naman ni Baekhyun yung pangalan ng kausap niya. “Baekhyun. Baekhyun Byun.”
“Nice meeting you...for the second time.” At inabot ni Chanyeol ang mga kamay nito para makipagshake hands sa kaniya.
“May third time kaya?” Natatawang tanong ni Baekhyun tapos tinanggap ang kamay nito.
“Well, kung meron, looking forward na agad.” Sabi ni Chanyeol. Baekhyun rolled his eyes pero napangiti naman ito sa sinabi niya.
Biglang may kumalabit kay Chanyeol at namukhaan ni Baekhyun na isa ito sa mga winners na sinabi kanina.
“Pre, may naghahanap sa’yo doon.” Sabi ni Sehun yata sa kausap niya. Tumango si Chanyeol tapos binaling ulit ang atensyon kay Baekhyun.
“Uhm, tawag na ako doon. I hope you’ll enjoy the rest of the night.”
Tumango si Baekhyun. Hindi pa nakakalayo si Chanyeol ay nagsalita ulit si Baekhyun. “Thank you sa regalo.”
They parted ways with a smile on their lips.
It is a busy day for everyone, especially kay Baekhyun dahil ngayon na ang pinakahihintay niya na araw. Papunta na siya at mga kasama niyang nag-apply din para sa trabahong ito sa last part ng job hiring. Nasa second floor na sila at nakita ni Baekhyun kung gaano kabusy ang mga tao sa iba’t ibang studio rooms na nadadanan nila. Excited na si Baekhyun kung ganun ba ang magiging career life niya kung makakapasa siya sa stage na ito. Tapos na siya sa mismong interview and doon niya nakausap ulit si Ms. Sy who was grateful na tinuloy nga ni Baekhyun ang opportunity na ito. Ngayon naman ay diretso na sila sa practical application na part kung saan makikita ang skills nila sa photoshoot.
Pumasok sila sa isang spacious na studio room at pumila according to their number. Baekhyun is #61 at siya ang pangalawa na sasalang sa batch na ito. Anim silang nandito sa room at tatlo lamang ang matatanggap. Pumunta na ang model sa harapan. Nakadisplay na rin kung meron silang gustong ilagay na on-the-spot na production design sa set. Tinawag na ni Ms. Sy ang unang applicant tapos ay nagproceed na sila sa actual photoshoot. They just need one photo. Doon na nakasalalay ang career mo.
Mabilis lang natapos ang unang applicant kaya si Baekhyun na ang next. It was a great thing na cinondition niya na ang kaniyang mind na ienjoy lang ang part na ito para hindi na siya kabahan.
The model was wearing a vintage summer top tucked in her wide leg pants. Napansin ni Baekhyun na long-legged ang model so he made sure na maaacentuate ang kaniyang best feature. Habang nagpapahinga ito sa gilid, probably retouching her make-up, inayos na ni Baekhyun ang set kung saan nag-arrange siya nang dalawang boxes na magkaiba ang size sa gitna. Tinabi niya na rin yung mga kakailanganing props ng model kapag magpophotoshoot na.
His preparation ended at tinawag na yung model para pumunta sa gitna.
“Hello! Good afternoon, Ms.?” Tanong ni Baekhyun sa model at nag-alok na makipagshake hands dito.
“Ms. Yuna Shin.” Sagot ng model sa kaniya at tinanggap naman ang kamay niya.
“Ms. Yuna Shin, I’ll ask you to stand there sa dalawang boxes,” Pumunta si Baekhyun sa may lalagyanan ng props. “And please hold this silk bandana.”
Sinunod naman ng model ang instructions ni Baekhyun samantalang siya ay kinuha ang camera na nasa tripod at pumunta sa gitna. Dahil nga matangkad ang model, he decided to do a low angle shot kung saan ipapakita ang best feature nito. Good thing ay malayo niyang linagay ang dalawang boxes sa ceiling lights ng studio kaya hindi ito maaapektuhan sa camera.
“Now, Ms. Shin, dahil summer ang vibes natin, I’ll ask you to wear your best and prettiest smile habang winawagayway ang bandana. Isipin mo na you’re on a trip and you get to enjoy yourself.” Nakapwesto na si Baekhyun sa floor ng studio nang narinig niya ang “Got it!” mula sa model.
“In 1, 2, 3!”
And that’s it. Natapos na ni Baekhyun ang last part with the sense of fulfillment kasi nakuha ng model ang gusto niyang makita sa photo niya. Bago umalis ay pinuntahan muna ni Baekhyun ang model at ipinakita ang shot sa kaniya.
“Thank you, Ms. Shin.” Sabi ni Baekhyun.
“You did great! Navisualize ko agad yung instructions mo. Looking forward na makita kita dito.” Sabi ng model sa kaniya.
The other applicants clapped at him. Hindi niya inexpect na pati rin si Ms. Sy. Inayos na ni Baekhyun ang mga ginamit niya na props tapos ay bumalik na siya sa kaniyang upuan para panoorin naman ang iba pa niyang kasama.
It didn’t take long...or at least for Baekhyun kasi naenjoy niya panoorin yung iba’t ibang styles ng mga photographers na kasama niya. He is learning at gusto niya yun. Nakasettle down na silang lahat nung pumunta si Ms. Sy sa harap nila.
“The accepted applicants will receive a call two days from now. Anyway, all of you did a great job. Lahat kayo may future sa industry na ito. Congratulations!”
Habang pumapalakpak ay nagsitayuan na rin ang lahat kasi tapos na sila dito. Here comes the waiting game. Siguro manonood na lang si Baekhyun nang maraming series sa Netflix para hindi maisip yung tungkol dito.
Habang naglalakad palabas ng studio at building, inisip ni Baekhyun kung saan siya pwede munang tumambay. Ayaw naman niyang muna umuwi sa apartment niya kasi alam niyang deserve niya na gumala kahit ngayon lang.
Naghihintay na siya sa sakayan ng taxi nang naisip niya kung saan na siya lalarga. Bakit niya makakalimutan yun eh that is his safe haven? Pumara na siya ng sasakyan at sinabi kay kuya driver na pumunta sa destination niya.
Much to Baekhyun’s surprise, mabilis lang ang biyahe dahil hindi naman ito kalayuan sa main building ng Silver Magazine. Naisip niya tuloy na kung matatanggap siya doon ay pwede siyang dumiretso dito kapag pauwi galing work.
But that is his wishful thinking. ‘Di pa sure kung magkakatotoo.
Bumaba na siya sa taxi tapos naglakad papunta sa park. Ito yung tinuturing niyang “safe haven” kasi dito lang siya nakakapagrelax kapag marami siyang iniisip or stressed sa work. Walking distance lang din ito sa apartment niya. Well, a 30-minute walk. Pero okay lang din kay Baekhyun yun kasi pabor naman sa kaniyang maglakad.
Bago umupo sa bench, pumunta muna siya sa suki niyang dirty ice cream vendor at bumili ng ice cream na nakapalaman sa tinapay. It’s almost 5 PM kaya mas gusto ni Baekhyun ang ganitong scenery. Tanaw din kasi dito yung sunset. Umupo na siya sa bench tapos nagsimula nang kumain ng kaniyang favorite merienda. Hindi rin pinalampas ni Baekhyun ang pagkuha ng photos ng mga naglalarong bata, yung buong landscape na nasa harap niya at ang pinakahihintay niyang sunset.
After niyang gawin iyon ay binuksan naman niya ang kaniyang phone para i-update ang mga kaibigan niya sa ganap niya today. They already said their congratulations kung saan nagreply naman si Baekhyun ng, “‘Wag! Baka majinx!” Nag-haha react lang ang mga kaibigan niya sa message niya na yun. Pumunta naman siya sa Tiktok para magscroll at maghanap ng mga nakakatawang videos. Habang pinapanood niya yung mga videos ni Sassa Gurl sa fyp niya, nagulat siya nung may biglang tumahol na aso sa may paanan niya. Sa isip-isip niya ay baka tumakas ito sa amo niya. Kinuha na lang niya muna yung aso at pinatong sa may lap niya habang cinacaress ito.
“Cute mo naman, puppy. Nasaan na yung amo mo?”
“Yes, Ma. I get it.” Frustrated na sagot ni Chanyeol over the phone habang kausap ang mama niya.
“Yeah, yeah. See you soon.” Binaba na nito ang call at napabuntong hininga na naman. He loves his mom pero minsan paulit-ulit na lang sinasabi nito kahit natatandaan naman ni Chanyeol yung mga sinasabi niya. Isa pa, sabi ng mama niya ay sandali lang sila mag-uusap but it took 30 minutes for a single reminder. Nasa labas siya, papunta sa park particularly kaya he just wants to end the call as soon as possible. Ngayon na lang ulit siya nagkafree time dahil simula nung nagsign na siya ng contract for Zhang Inc. ay nagtuloy-tuloy na ang kaniyang busy schedule. It’s a weekday today pero himala na he doesn’t have any work-related to do kaya ang mga ganitong bagay ay hindi tinetake for granted. That’s why he decided to stroll in a park.
With his puppy.
Ngayon niya na lang nakasama si Zzar, ang puppy niya na nakatira sa bahay ng kapatid niyang si Sooyoung kapag nasa work siya. Hinabilin muna ni Chanyeol ito sa kapatid niya na nagbabakasyon ngayon kasi katatapos lang ng film niya. Kinuha ni Chanyeol si Zzar kanina tapos ngayon ay papunta na sila sa park para magkaroon ng bonding time sa isa’t isa. Naglakad—more like jogging kahit hapon na—sila papuntang park. Nagsimula nang maging malikot ang aso niya nung malapit na sila sa parte ng park na puro grass at benches. Sa isip-isip ni Chanyeol ay gusto nang makawala nito.
Umupo muna si Chanyeol sa bench tapos ay uminom ng tubig. Sunset na, tamang tama ang pagpunta nila ni Zzar dito. Tumayo ulit siya at nagsimula na silang mag-ikot sa park. Habang nagjojogging, may nakapansin sa kaniyang dalawang teenagers dahil na rin siguro ay nagstart na rin ilagay ang mukha ni Chanyeol sa billboards along EDSA at sa mga malls para sa kanilang bagong collection.
“Hello po, pwede po ba magpapicture?” Sabi nung isang babae.
Hindi inexpect ni Chanyeol ang mga ganitong instances kaya wala naman siyang magawa kundi pagbigyan yung dalawang tao na nasa harap niya. Tinali niya muna si Zzar sa may bench tapos ay sandaling nagpapicture sa kanila. Wala pang sampung segundo yun pero pagtingin ni Chanyeol sa bench ay wala ng Zzar doon.
Napahilamos na lang ng mukha si Chanyeol. No time para magreklamo kasi mas delikado kapag inabot pa siya ng gabi sa paghahanap. Nagsimula siyang magtanong doon sa iba pang nakaupo sa mga katabi nilang benches kung nakita nila yung maltipoo na asong may suot na white shirt. Halos lahat sila ay sinabing pumunta doon sa mga batang naglalaro. Pinuntahan agad ni Chanyeol yun tapos ay tinanong niya ulit doon sa mga bata kung nakita nila si Zzar. Ang tinuro naman nila ay dumiretso pa doon sa mas maraming benches. Tumakbo muli si Chanyeol sa side na yun. After ilang minutes, nakita niya na yung pasaway niyang aso na nakakandong sa isang stranger.
...or not.
Pamilyar yung kulay ng buhok tapos yung size ng katawan. Linapitan niya ulit ito kasi baka nagkakamali lang pala si Chanyeol...pero hindi.
Si Baekhyun nga.
“You gotta be kidding me.” Sabi ni Chanyeol na nakatingin kay Baekhyun na nakaupo sa bench. Tinaas naman nito ang ulo niya at parang nangingiti na hindi rin makapaniwala na si Chanyeol yung nasa harap niya.
“Sorry ka na lang. Hindi ako aparisyon.” Sagot ni Baekhyun. “Sa’yo ba ‘tong aso?”
Muntik nang makalimutan ni Chanyeol na si Zzar nga pala ang pinunta niya dito kaya sumagot agad siya ng, “Oo. Sorry. Nagulat na lang kasi ako nung wala na siya doon sa bench.”
“Bakit kasi iniwan mo sa bench?” Tanong ni Baekhyun sa kaniya. Napansin niya ring hindi pa rin nito binibigay sa kaniya yung aso niya at mukhang nageenjoy pa sa pagcaress nito.
Umupo na si Chanyeol sa tabi ni Baekhyun. “‘Wag kang tatawa.”
“Kapag sinasabi mo ‘yan mas lalo akong matatawa!”
“‘Wag na lang. Ano...careless na amo na lang ako. Ayun.”
“Dali na! Hindi nga ako tatawa.” Humarap si Baekhyun kay Chanyeol tapos pinakita nito ang seryoso niyang mukha. Tumingin din si Chanyeol sa kaniya habang kinekwento yung nangyari kanina.
“May nagpapicture sa akin…” Napansin na ni Chanyeol na nagpipigil na ng ngiti Baekhyun. “Hindi naman ako maka-hindi kasi nakakahiya rin doon sa kanila kaya ayun. Wala pa yung 10 seconds ha! Pero wala na agad si Zzar.”
Nangingiti na natatawa na lang si Baekhyun sa harap niya. “Sikat ka na pala. Wow! May kausap akong sikat.” Napansin ni Chanyeol na kinuha ni Baekhyun yung phone niya at binuksan ang camera na app. “Papicture!” Inaasar na siya ni Baekhyun at this point.
Pinakita ni Baekhyun ang kanilang picture. “Ayan. Yayabangan ko na mga kaibigan ko kasi may picture na ako kasama ang isang model.” Napangiti si Chanyeol nung nakita niyang ready si Baekhyun sa kaniyang peace sign samantalang siya ay hindi nakapagpose kasi kitang-kita sa photo kung paano siya nakatingin kay Baekhyun habang tumatawa sa mga antics niya.
“Pa-airdrop naman.” Sabi ni Chanyeol para rin may remembrance siya.
Kung hindi siya nagkakamali, this is their third encounter. Malay ba niya kung last na ito. Gusto niya lang may kahit iisang memory from Baekhyun. He doesn’t know why, it just feels the right thing na magkaroon ng remembrance mula sa kaniya.
“Ayaw mo bang itag kita sa IG story? Para nga ipagyabang ko pa sa friends ko.”
“Paano kung sabihin mo na nakapagcoffee ka kasama ako? Mas okay yun ‘di ba?”
Chanyeol knows na nagbibiro lang si Baekhyun sa mga sinasabi niya pero si Chanyeol ay seryoso sa sinabi niya.
“Hmm. Baka mamatay na sila sa inggit. Okay na ako dito sa picture.”
Chanyeol is about to say something nung biglang umalis si Zzar sa lap ni Baekhyun at tumakbo na naman papunta sa ibang direction ng park.
Tumayo na si Chanyeol tapos ay sumigaw na lang “Sorry!” na mukhang narinig naman ni Baekhyun dahil nagtaas siya ng thumbs up.
Luckily, nakita niya na ulit si Zzar kahit medyo madilim na. Pumunta ulit si Chanyeol sa pwesto ni Baekhyun sa bench, nagbabakasali lang na baka nandun pa siya, pero wala na. Baka umuwi na ito.
Hindi na rin nagpagabi pa sila Chanyeol kaya naglakad na sila palabas ng park at pauwi ng apartment niya. Pagkadating doon sa bahay ay umupo muna siya dahil pagod na pagod siya sa araw na ito dahil kay Zzar. Kailan pa kumulit nang ganito ang aso niya?
Nagscroll muna siya sa Instagram at nakita niyang nagreply si Sooyoung sa IG story niya kanina na nasa park sila ni Zzar.
im__your__Sooyoung: good luck na lang sa’yo kuya
Kung saan rineplyan ito ni Chanyeol.
real__cyp: bakit ang likot na niya?????
Nakita niya yung ibang reaction sa story niya pero nung nirefresh niya yung mga message requests ay may napansin siyang bago dito.
baekhyunee_jpg: *sent a photo*
baekhyunee_jpg: hindi na na-airdrop kanina eh ><
Clinick ni Chanyeol ang photo at lumabas dito ang picture nilang dalawa kanina sa park. Magrereply na sana si Chanyeol nung nakita niya naman yung message na, “*mentioned you in their story*”
Tumawa si Chanyeol nung ginawa ni Baekhyun na ipost sa IG story niya yung picture nilang dalawa na may caption pang, “chanyeol!! fan na fan mo ko!! @ real__cyp”
Sulit naman din pala yung naging pagod ni Chanyeol kay Zzar sa buong araw.
New day, same routine. ‘Yan ang nakagawian ni Baekhyun simula nung natanggap siya sa work niya. 2 days after that job hiring, may nareceive siyang call kung saan sinabi na pasok siya trabaho. He started doing his job as a magazine photographer and he already loved every bit of it. Pagkapasok niya sa work ay meron na agad nakaschedule na photoshoots sa kaniya. He had already done 5 photoshoots in a span of 3 weeks.Besides kasi sa pagiging photographer, kasama rin siya sa creative process kung paano ieexecute ang photoshoot.
Last last week, he was called by Ms. Sy at sinabing kasama siya sa creative team and siya ang magiging photographer nang isang big-time photoshoot. Baekhyun was surprised dahil bago pa lang siya sa trabahong ito pero pinagkatiwalaan na agad siya para dito. With that, he needs to do his best. Kaya mula week 2 hanggang ngayong week 4 ay kayod silang buong team para sa photoshoot na ito.
Ang napag-usapan nilang theme ay first time na gagawin sa kanilang magazine issues. It’s going to be a noir photoshoot, just like the ones na napapanood sa films way back before. Baekhyun’s team thought na they can still show the power and boldness ng mga models by using this type of photoshoot.
Their models? That is when Baekhyun almost choked on his food nung nagmimeeting sila one Sunday afternoon. It’s going to be Zhang Inc.’s new models which means nandoon si Chanyeol. Kaya pala big time kasi this will be their debut magazine photoshoot under the company.
They continued to work; preparing the set design and everything before the big day. Inalis na ni Baekhyun ang thought na magkikita ulit sila ni Chanyeol or kung kilala pa ba siya ni Chanyeol kasi ano ba sila? They are just mere strangers who end up meeting each other in a specific event in their lives.
Time went really fast. 3 hours before ang shoot, nasa loob na ng studio ang buong team at sineset-up ang mga kailangan sa photoshoot. Baekhyun is helping sa props then nag-ayos na rin siya ng camera, lens and lights. 2 hours before the shoot begins, dumating na ang mga models nila. Nauna sina Sehun Oh at Jongin Kim na agad naman binati nang buong team. They greeted back at dumiretso na sa dressing room para magprepare for the shoot. Just a few minutes later, dumating na si Chanyeol na medyo agaw-pansin pa kasi nakasuot siya ng sunglasses. Sinamahan niya rin yung team niya na bumati kay Chanyeol at doon na nga sila nagkatitigan.
“Good afternoon, Sir Chanyeol Park. I am Seulgi Kang, the creative director of this team and here are my members.”
“Nice to meet you all.” Sabi ni Chanyeol sa lahat tapos bago umalis ay nginitian si Baekhyun.
Pero hindi ulit inisip ni Baekhyun yun kasi baka yung nasa likod niya pala yung nginitian nun.
Anyway, balik-trabaho na ulit sila dahil magsisimula na ang photoshoot in 5 minutes. Naka-standby na rin yung models sa gilid, last retouch bago sumabak sa harap ng camera. Baekhyun is ready now. Nakaposisyon na siya kung saan siya kukuha nang unang set ng photos. The director called the models at pumunta na sila sa gitna kung saan ang kuha ng frame ng camera.
Starting with this, Baekhyun is in-charge. For the first set, puro group photos muna ang kinuhanan niya. Baekhyun didn’t need to instruct furthermore kasi alam naman nang tatlong models kung paano sila magpopose sa harap ng camera. They are models after all. He just said kung anong props ang kukunin at kung paano ang magiging anggulo nila sa camera. To sum it up, it was an easy photoshoot dahil nagcoordinate lahat.
Nagbreak muna sila for 30 minutes then si Sehun naman ang sinalang sa harap ng camera. This time, puro solo shots naman. Meron kasi silang individual na page sa magazine dahil nga ito ang “debut” nila dito. While taking pictures, Baekhyun realized na magaling ang naging decision ng judges and Mr. Yixing Zhang sa pagkuha sa tatlo bilang models ng brand nila dahil napakanatural nilang lahat tingnan sa camera. Yung exact result ng photoshoot na inanticipate nang buong team nila ay posible dahil so far, so good lahat. After ng photoset kay Sehun, nagkaroon ulit sila ng 30-minute break tapos dumiretso naman sa photoset for Jongin. If Sehun’s best feature ay ang kaniyang stance, for Jongin, it’s his facial expression. Madali lang din natapos iyon dahil magaling nga rin si Jongin.
After 4 hours ng photoshoot, they are now down for the last photoset—Chanyeol’s photoset. Kinuha na ni Baekhyun ang camera dahil maghahandheld siya for the close-up shot. Chanyeol is already sitting sa isang box na prop nila then Baekhyun leaned in a little.
“So, Sir Chanyeol, just a fierce look is okay. I’m going to do a close-up shot muna.” Sabi ni Baekhyun tapos ay tumingin na sa viewfinder ng camera at inadjust ang lens.
“Ready?” Tanong ni Baekhyun.
“Yes.” Pinakita na ni Chanyeol ang kaniyang best look for this shot.
Tumakbo ang photoshoot nila for 30 minutes just like the others. Pagkatapos nito ay nakipagshake hands si Baekhyun kay Chanyeol at sinabi, “Thank you, Sir.” Chanyeol just nodded tapos dumiretso na sa dressing room.
Tulong-tulong din silang buong team na magpack-up nang mga ginamit nila ngayon. They finished around 9 pm kaya understood na pagod na ang lahat. Dahil dito, sinabi na lang ni Seulgi na sa Friday na lang ang kanilang dinner party. After that, nagsimula nang magsialisan ang mga tao. Natira si Baekhyun sa studio kasi nakalimutan niyang ayusin yung equipment niya dahil busy siya sa pagtulong sa pagligpit ng ibang props.
Nung natapos na siya at nalagay na lahat sa kaniyang bag, nagulat na lang siya nung may kumatok sa pinto ng studio.
“Oh, Baekhyun… you’re still here.” Sabi ni Chanyeol sa tapat ng pinto.
“Paalis na rin.” Sagot ni Baekhyun sa kaniya. Kinuha na nito ang bag niya at paalis na sana nung-
“Actually, may nakalimutan ako sa dressing room. Pwede ko ba makuha yun?” Tanong ni Chanyeol sa kaniya.
“Yes, okay lang naman. Just turn on the lights tapos bilisan mo na lang kasi pasarado na yung building.”
“Okay got it.” Pumasok na ulit si Chanyeol sa studio tapos dumiretso ng dressing room.
Si Baekhyun naman ay lumabas na dito pero napahinto siya sa paglalakad nung naisip niya na iiwan niya ba talaga si Chanyeol dito? Parang ang rude naman ‘di ba?
So kahit gutom na siya, naghintay ulit siya ng ilang minutes sa tapat ng pinto and finally, nakita na niya si Chanyeol na palabas ng dressing room.
“Found it. I might have dropped it habang nag-aayos kanina.” Sabi ni Chanyeol sabay pakita ng car keys sa kaniya.
“Muntikan ka nang magcommute.” Sagot ni Baekhyun dito.
They were walking silently towards the elevator when Baekhyun’s stomach started to growl. Napapikit na lang siya sa kahihiyan kasi sa dami ba naman ng oras na pwedeng tumunog yung tiyan niya ay ngayon pa talaga.
“Kumain ka ba kanina?” Tanong ni Chanyeol sa kaniya.
“Breakfast pa last kain ko then buong hapon puro tubig.”
“Uhm, do you wanna grab dinner?”
Tumunog ang elevator tapos pumasok na silang dalawa sa loob. Baekhyun didn’t even think about it. Mas concerned siya sa tiyan niya,
“Sure. Saan tayo?”
Habang pababa ng elevator, nag-uusap sila kung saan sila kakain. Baekhyun suggested na kahit fast food okay lang. Nag-agree naman si Chanyeol doon. Ang naging mahabang usapan lang ay kung saang fast food. Mula sa elevator papuntang parking ay yun pa rin ang iniisip nila.
“Sasakay talaga ako dito?” Nahinto muna ang usapan nila about sa fast food nung nagtanong si Baekhyun. May konting hiya pa rin naman si Baekhyun kasi hindi naman sila totally close friends.
“Oo? Para mas mapabilis na rin at makakain na tayo.”
“Okay lang sa’yo?”
“Yes. So hop on the car na.”
Sumunod na lang si Baekhyun kasi may-ari naman na ang nagsabi. With that, bumalik na ulit ang usapan nila sa kung saan kakain.
“Alam mo, magruleta na lang tayo.” Suggest ulit ni Baekhyun.
“Good idea.” Inistart na ni Chanyeol ang kotse habang linalagay ni Baekhyun ang choices nila kanina.
Palabas na sila ng building nung sinabi ni Baekhyun kung saan na sila kakain.
“At ang nanalo ay...Shakeys!” Sabi ni Baekhyun. “May malapit bang Shakeys dito na bukas pa rin hanggang ngayon?”
“Yup. A 30-minute drive from here.”
“Alam na alam. Gala ka ba?”
“Not really. Dahil nga sa work so ilang places na rin ang napupuntahan.”
Wala na silang ma-open ng topic after that kaya nagpatugtog na lang si Chanyeol. Baekhyun is fine with it. At least for the first time ngayong araw, nakapagrelax siya kahit papaano.
Maya-maya biglang tumunog ang phone ni Baekhyun. Nakita niya sa caller ID ang pangalan ng mama niya. Iniisip naman ni Baekhyun kung bakit siya tatawag nang ganitong oras.
“Hello, ma?” Sabi ni Baekhyun. Napansin naman ni Chanyeol iyon kaya binabaan niya ang volume ng music nila sa loob ng kotse.
“Anak, kumusta ka naman diyan?” Tanong ng mama ni Baekhyun sa kaniya.
“Okay naman po. Kakain pa lang po kasi halos katatapos lang ng work. Bakit po kayo napatawag?”
“‘Wag mong pinapabayaan ang sarili mo diyan ha? Gusto ko lang ipaalala yung party sa susunod na linggo…”
Baekhyun sighed. Of course, ipapaalala ‘to ng mama niya. “Yes, ma. Weekend naman yun kaya day off ko po.”
“Okay, anak. Galingan mo sa work pero ‘wag kalimutan magpahinga.”
“Opo. Matulog ka na, anong oras na oh.”
“Yes, anak. Bye na. See you next week.”
“Opo.”
The call ended. Tinabi na ulit ni Baekhyun ang phone niya sa kaniyang bag. Napatingin siya kay Chanyeol na busy magdrive papunta sa kakainan nila.
“Sorry about that. Nagulat din ako eh.” Sabi ni Baekhyun sa kasama niya.
“It’s fine. Ganiyan din kasi nanay ko eh.” Napatawa silang dalawa sa sinabi ni Chanyeol.
After a few minutes, they arrived at their destination. Sabay silang bumaba sa sasakyan at pumasok na sa loob ng Shakeys. Sila lang ang customers na lang doon dahil it’s around 10:30 in the evening. Naghanap muna sila ng upuan bago nagtingin sa menu.
“Mag-family meal na lang ba tayo?” Tanong ni Chanyeol sa kaniya.
“Good for 3 to 4 persons ‘yan.”
“But gutom tayo.”
“Hmmm...well, it makes sense. Pwede naman nating baunin kung ‘di naubos.”
“Alright.”
Maglalabas na sana ng pera si Baekhyun pero pinigilan na agad siya ni Chanyeol dito.
“It’s on me.”
“Sure ka?”
“Yes definitely.”
“Okay. ‘Di naman ako tumatanggi sa biyaya.”
Nakita ni Baekhyun ang pasimpleng ngiti ni Chanyeol bago siya pumunta sa counter. Habang naghihintay, kumuha na lang siya ng utensils tapos pinunasan niya na rin ito.
Mabilis lang dumating ang order kasi nga sila lang ang customers ngayon. Kumuha na agad si Baekhyun sa plate niya kasi ngayon niy lang naramdaman na gutom na gutom na nga siya.
Tahimik sila for a couple of minutes. Nung nakatapos sila nang isang plato, nagpahinga muna sila sa pagnguya.
“I was surprised nung nakita kanina sa shoot. So, you’re working as a photographer in Silver Magazine.”
“Yes, kakahire lang sa akin and turning one month ako this month. Kayo ang big break ko so far.”
“How was it? Okay lang ba ako sa camera?”
“Sobra. Iba aura mo sa harap ng camera compared ngayon na kaharap kita sa table.”
Natawa naman ang kasama niya sa sinabi niya. Totoo naman sinabi ni Baekhyun, iba talaga aura ni Chanyeol nung kinuhanan niya ito...pero hindi niya na sasabihin na napansin niyang may iilang nunal pala si Chanyeol sa mukha nito, especially sa ilong na kitang-kita sa close-up shot niya kanina.
“Nag-enjoy ka naman ba? Or nastress kita sa photoset ko?”
“I enjoyed it. Kuhang kuha mo ko.”
“Kuhang-kuha kita…?”
“Oo naman. Kasi you definitely nailed it in front of the camera. Isa ka sa mga tao na magaan kong nakatrabaho.”
“Ah, okay.” Mahinang sabi ni Chanyeol.
Nagpatuloy na ulit sila sa pagkain hanggang sa matira na lang ay iilang piraso ng mojos sa inorder nila. Kagaya nga nang napagdesisyunan nila kanina, ang matira, iuuwi na lang nila.
“Okay lang na kunin mo lahat.”
“Sure ka?” Tanong ni Baekhyun kay Chanyeol kasi hindi naman siya ulit tatanggi dito. Dahil pagod siya ngayong araw, for sure tatamarin siyang magluto kinabukasan. Ang solusyon, init-init na lang ng pagkain.
“Yup. Busog na rin ako eh.”
Inayos lang nila mga gamit nila tapos umalis na rin sila sa fast food restaurant. Nasa labas na sila sa tapat ng pinto nang sinabi ni Baekhyun na magcocommute na lang siya pero hindi pumayag si Chanyeol dito.
“Gabi na Baekhyun. Magte-12 am na nga eh. It’s really okay for me to drive you papunta sa apartment mo.
“Nakakahiya na kasi…”
“It’s fine. Isipin mo na lang na eto yung way ko to give thanks para sa isang successful debut photoshoot namin kanina. Okay?”
Wala nang nagawa si Baekhyun kundi tumango at sumakay na ulit sa kotse ni Chanyeol. The drive to his apartment was silent as well. Pinipigilan niya na lang maidlip kasi nagtuturo pa siya ng directions sa kasama niya.
They reached his apartment around 12:30 am. It’s been a long day tapos may pasok pa siya mamaya. Buti na lang half-day lang.
“Thank you and sorry Chanyeol ha? It’s really late, baka may work ka pa mamaya.”
“Free day ako mamaya so okay lang.”
“So...uhm...thank you ulit. Mag-ingat sa pagdrive, okay?”
“Yup. See you when I see you?”
Tumango si Baekhyun tapos pumunta na siya sa harap ng pinto ng apartment niya. He watched Chanyeol go inside his car. Nung narinig niyang iniistart na nito ang sasakyan, umalis siya sa pwesto niya at kinatok si Chanyeol mula sa window sa may driver’s seat. Chanyeol noticed it and rolled down the windows.
“Hindi ako patatahimikin ng konsensya ko kapag may nangyari sa’yo eh so...paano ba kita macocontact if nakauwi ka na safely?” Sabi ni Baekhyun dire-diretso kung saan nakita niya si Chanyeol na parang nagulat sa mga sinabi niya.
“I’m sorry I sound so...weird...pero siguro sa IG na lang?” Tanong ulit ni Baekhyun.
“Let’s just exchange phone numbers, if it’s okay?” Sagot ni Chanyeol sa kaniya.
Tumango naman si Baekhyun kaya nag-exchange na sila ng phone numbers. He thinks na baka magamit na rin ito for future purposes since halos iisa lang naman ang industry na ginagalawan nila.
“Thank you, and uhm, ingat ka.” Sabi ni Baekhyun at nginitian si Chanyeol.
“I will.” Chanyeol answered it with a smile as well.
Umalis na ang sasakyan ni Chanyeol kaya pumasok na si Baekhyun sa apartment niya. Habang hinihintay ang text kung nakauwi na ba ito, ginawa muna niya ang kaniyang night routines tapos nagpahinga na sa kama.
Napipikit na siya dahil sa antok kasi halos mag-1:30 na nang umaga. Just when he is about to fall asleep, tumunog ang message notification sa phone ni Baekhyun.
“I’m home. Thanks for today, Baekhyun. - Chanyeol Park.”
Sa lahat nang kapaguran na naramdaman ni Baekhyun sa araw na ito, nakatulog pa rin siya nang may ngiti sa labi.
Kahit nasa kwarto ay rinig na rinig ni Chanyeol ang ingay sa baba. Nandito siya ngayon sa bahay ng pamilya niya. Halos buong buhay ni Chanyeol ay nasa spotlight, so getting used to have parties ay isa sa mga unang bagay na dapat matutunan niya bilang Park. His mother, Eugene Park, is a well-known actress sa teleserye at mga films. His sister, Sooyoung Park, decided to go in the same path just like their mother, at ngayon ay isa rin siya sa mga rising star of this generation. His father, Taeyoung Park, is a former celebrity, kaya nagkakilala sila ng nanay niya, pero ngayon ay isa ng lawyer. Now, Chanyeol is starting to gain fame in the modelling and fashion industry. The list goes on, sila Yeri at iba pa nilang relatives, kahit sa side ng mama niya ay kalat din sa iba’t ibang aspect ng media industry.
Pero kahit ganun ang nakasanayan ni Chanyeol, he still prefers being alone or with someone who is close to him. He needs a break. He loves his family but being in the spotlight since birth is a bit suffocating for him. Feeling niya dala niya na ito na ang nakadestined na path para sa kaniya. Dahil dito, minsan naiisip niya na lang na gusto niyang pumunta sa isla at mamuhay doon.
Tinuloy niya na ang pag-aayos sa sarili niya kasi ramdam niya nang nandun na ang relatives sa baba. May aabangan pa silang mga bisita kasi ngayon ang anniversary ng parents niya. Siyempre, pati mga kasamahan sa trabaho at kaibigan nila ay aasahan na dadating. Gaganapin ang party sa garden nila. Nakaset-up na ang lahat mula sa mga catering at ruby red na designs, tao na lang ang kulang doon.
Sinusuot niya na ang kaniyang rolex na binigay ng mama niya kanina nang narinig niya ang pagkatok sa pinto niya.
“Kuya, baba na raw.” Sigaw ni Sooyoung mula sa labas ng kwarto niya.
“Oo, eto na.”
Binuksan niya na ang pinto at nakita niya ang kapatid niya na nakasalubong ang kilay na naghihintay doon. Inakbayan niya ito tapos sabay na silang bumaba papuntang sala para bumati sa mga kamag-anak nila at kung sino pa ang madadatnan nila doon.
“Ang tagal mo. Ilang minutes na akong hinohotseat doon.” Sabi ni Sooyoung sa kaniya.
“Sanay ka naman na sa ganun ‘di ba?” Pag-aasar ni Chanyeol sa kapatid niya.
“Nope, not with our relatives.”
Ngumiti na lang si Chanyeol sabay buntong-hininga dahil papalapit na siya sa mga bisita sa party. Hinihiling niya na hindi maubos ang kaniyang social battery ngayon.
Kanina pa nasa tapat ng gate si Baekhyun pero hindi pa rin siya nagdodoorbell. He didn’t expect that this day would come faster. Ganun talaga siguro kapag masyado kang focused sa work at wala ka ng sense of time na kahit yung pinakaayaw mong araw ay dadating at dadating pa rin. Actually, late na siya. Naririnig niya na may nagkakaraoke na sa loob ibig-sabihin tapos na sila kumain at maya-maya ay magsisiuwian na rin. Wala pa rin siyang planong pumasok ng gate kaso biglang may nagbukas nito. Magtatapon yata ng basura yung katulong nila tapos bigla siyang nakita na nakatayo sa harap ng gate.
“Sir Baekhyun, kanina pa po ba kayo? Sira po ba yung doorbell?” Tanong sa kaniya ng katulong nila tapos itatry sana kung gumagana pa ang doorbell pero pinigilan na ni Baekhyun.
“Hindi po. Nag-iipon lang po ng lakas ng loob.” Sabi ni Baekhyun sa kausap niya. Their maid knows what he is talking about. Siyempre, siya ang naghahatid ng snacks kay Baekhyun kapag gusto niyang mapag-isa kada tapos ng reunion kasama ang pamilya at kamag-anak niya. Ganun palagi ang routine ni Baekhyun kaya nasanay na rin ang katulong nila. Nahinto lang ito nung nagmove out na siya sa bahay.
“Ganun po ba, Sir. Nandun na po yata silang lahat sa sala. Ikaw na lang ang hinihintay.”
Tumango si Baekhyun at pumasok na sa loob ng bahay. Wala naman siyang magagawa kundi pumunta dito dahil nakailang paalala na rin ang mama niya. He might just face his relatives tutal ilang taon niya rin namang ginawa iyon.
“Baekhyun, anak! Finally, you’re here.” Sigaw ng mama niya kaya napatingin lahat nang kausap niya sa taong nasa pinto. Sinalubong din siya ng yakap mula sa mama, papa at kapatid niya. Pagkatapos nun ay napatingin siya sa mga tao sa sala at kusina nila. Oo nga, siya na lang kulang doon. Nakatingin lang din ang mga kamag-anak niya, siguro naghihintay sa sasabihin niya.
“Hi! Long time no see po.” Sabi na lang ni Baekhyun at tumuloy na sa pagpunta sa sala. Umupo siya doon sa tabi ng kapatid niya kasi siya lang naman ang pinakaclose nito sa lahat nang nandun. Bumalik na ang usapan na nainterrupt kanina nung pumasok si Baekhyun. Binigyan na rin siya ng mama niya ng snacks dahil baka napagod ito sa pagpunta sa bahay nila.
“Kumusta ka na bunso? Inggit ako sa mga IG stories mo! Puro artista kasama!” Sabi ni Jinki, ang kuya niya.
Napangiti si Baekhyun sa sinabi ng kuya niya. Ngayon na lang kasi ulit sila nagkausap sa personal dahil busy sila sa kanilang mga trabaho. “Masaya, kuya. Parang ‘di ako nagtatrabaho kasi masaya ako sa work ko.”
“Good to hear, bunso. Alam kong mageexcel ka diyan kasi ‘yan ang pinakagusto mo talagang gawin talaga.”
Gustong umiyak ni Baekhyun right at that moment pero pinigilan niya kasi nasa gitna siya ng crowd. That’s why he loves his kuya, he didn’t feel out of place doon kasi nagsimula na itong magkwento ng mga stories sa hospital na namiss naman marinig ni Baekhyun.
“Baekhyun, how are you?”
Napatigil sa pag-uusap sina Baekhyun at Jinki nung narinig nila ang kanilang Tita Seojin na nakatingin sa pwesto nila habang umiinom ng kaniyang tsaa.
“I’m okay, Tita.” Sagot ni Baekhyun. Tinapik siya ni Jinki. Siguro alam na rin nito kung ano ang mga susunod na pangyayari. One of the reasons why Baekhyun dislikes family reunions.
“Eh yung work mo?” Tanong ulit ng tita niya.
Baekhyun braced himself for this. Ilang taon na rin siyang nasanay sa ganito kaya he’s fine with this. Alam niya na ang kaniyang isasagot. “I’m happy, Tita. Actually, since I started photography, I have been really happy.”
Tumahimik lahat ng tao sa sala at kusina. Alam nila na may mangyayari na namang ganito kada magkikita silang mga angkan.
“Good to know. Pero hindi mo ba minsan nacocontemplate na what if tumuloy ka sa law—”
“Ate—” Sumabat na ang mama ni Baekhyun. Napatingin si Baekhyun sa gawi niya pero nginitian niya lang ito.
“Thank God, I didn’t po. Because I’m at my happiest doing the things I really love.” Magalang na sagot ni Baekhyun. He still maintained his composure despite sa mga naririnig niya. He is more proud about himself kaya deserve niyang ipagmalaki ang sarili niya ngayon, finally .
Tumango na lang ang Tita Seojin niya tapos ay lumabas na sa bahay. Baekhyun bets na maninigarilyo ito because that’s her habit.
“Okay ka lang ba anak?” Tumango si Baekhyun sa mama niya. He also assured his kuya na ayos lang talaga siya. Iniwanan muna siya ng mga ito para makausap ang ibang kamag-anak sa bahay.
Baekhyun looked at his surroundings. Napapaligiran siya ng mga doctors at lawyers. Ang nanay niyang si Jiah Byun ay isang surgeon for 20 years and counting. Ang kaniyang tatay naman na si Kijoo Byun ay isang lawyer at may sarili na ring firm. Ang kuya niya na si Jinki Byun ay isang pediatrician sa hospital din na pinagwoworkan ng nanay nila. Ang Tita Seojin niya ay isa namang lawyer sa firm din nila. Medicine and law run in their family, then there’s Baekhyun.
Actually, Baekhyun is a political science graduate. Tuwang-tuwa ang angkan nila kasi mukhang may magiging lawyer na naman sa kanila. Pero, nagulat na lang ang lahat nung sinabi ni Baekhyun na hindi siya mag-aaral sa law school, instead he will pursue his dream which is photography. Baekhyun first said it sa kaniyang family at suportado naman sila. Nung nakarating na sa relatives, doon lang nagkaaberya, in the name of her Tita Seojin. Every reunion, ganiyan ang eksena. Parang rinereminisce ng tita niya ang isang bagay na nawala sa kaniya para sa kanila, but for Baekhyun, he gained something he always dreamed of. He’s happy now because he gets to do something he really loves and his family supports him. That’s his priority.
“Anak, may pupuntahan pala tayong party ng kaibigan ng papa mo.” Sabi sa kaniya ng mama niya.
“Lahat tayo kasama?” Tanong ni Baekhyun dito.
“No. Yung iba ang magtutuloy ng reunion dito then tayo sasaglit lang doon. Hindi rin kasi maka-hindi yung papa mo kasi close talaga sila nung friend niya.”
“Okay. Sa kotse niyo na lang ako ha? Ayoko ng bad omen.”
“Siyempre naman, anak. Dapat pala nagpalaspas ako dito sa bahay para mawala ang bad spirit.”
Natatawa na si Baekhyun sa pinagsasabi ng nanay niya. “Ikaw ah, binabackstab mo kapatid mo.”
“Kasi inaaway niya bunso ko.” Kinurot ng mama niya ang kaniyang pisngi kaya napangiti ito.
Inayos na ni Baekhyun ang bag niya tapos dumiretso na sa kotse nila. A party after a family reunion. Good luck na lang talaga kay Baekhyun at sa introvert side niya.
Parami nang parami ang dumadating na tao. Pagod na rin si Chanyeol makipagshake hands at kumausap sa mga ito. ‘Di pa nagsisimula ang event pero parang wala na siyang energy. Buti na lang talaga at wala na siyang gagawin sa mismong ceremony ng party. He can enjoy or pwede na rin siyang tumakas because he’s tired of parties. Bakit ba hindi nagsasawa ang pamilya niya dito?
“Marami pa bang dadating?” Tanong ni Chanyeol sa katabi niyang kapatid.
“Tapos na yata yung kay mama. Yung kay papa naman nagsisimula nang dumating. I think we can lie low.” Sagot ni Sooyoung sa kaniya.
“Finally.” Umupo na silang magkapatid sa table na designated sa kanila. Naglapag na rin ng drinks ang waiter at ininom na nila yun kahit hindi pa nagsisimula ang party.
“Mga anak!” Narinig nilang sumigaw ang papa nila from afar tapos pinapalapit sila doon sa pwesto. Sabay na bumuntong hininga ang dalawa tapos sinunod ang papa nila. Akala nila tapos nila sa introduction phase.
“Meet my children, Chanyeol and Sooyoung.” Pakilala ng papa nila sa mga kaibigan nito.
“Hi, Chanyeol and Sooyoung. I’m Kijoo and here’s my wife, Jiah.” Sabi nung kaibigan ng papa nila at bumalik na ulit sila sa pakikipagshake hands dito.
“Here are my sons, Jinki and…” Lumingon-lingon ito na parang may hinahanap pa. “Jinki, nasaan ang kapatid mo?” Biglang bulong nito sa isa niyang anak. “Nag-CR yata, Pa.”
“I’m sorry, nag-cr pala yung isa kong anak—”
“Baekhyun!”
Napatingin si Chanyeol sa direksyon kung saan nakatingin ang pamilya na nasa harap niya. Wow, kahit saan talaga pinagtatagpo sila ni Baekhyun ng landas.
“I’m sorry, Ma.” Rinig niyang sabi ni Baekhyun sa mama niya. “Hello po, I’m Baekhyun. Bunsong anak po ni Atty. Kijoo and Dra. Jiah Byun.” Sabi ni Baekhyun sa parents ni Chanyeol. Napatingin na si Baekhyun sa gawi nito at kita pa rin ang pagkagulat sa mukha niya kahit ilang beses na silang nagkikita.
Sino ba naman kasing mag-aakala na magkikita rin sila ni Baekhyun kahit sa ganitong okasyon?
“Chanyeol.” Sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa kaniya.
“Magkakilala kayo?” Tanong ng papa ni Chanyeol kay Baekhyun.
“We worked together for a magazine photoshoot na po.” Sagot ni Baekhyun.
“Wow, small world.” Sabi muli ng papa niya.
“Sobra.” Sagot ni Chanyeol sa isip niya.
Nagkausap lang sila saglit nang may nakita sila na papunta sa pwesto nang kinatatayuan nila.
“Seojin, buti nakapunta ka!” Sabi ng papa niya sa bagong dating na bisita.
“Siyempre, palalagpasin ko ba ‘to? Congrats for the 40th anniversary, Eugene and Taeyoung.” Sabi nung kadadating lang na bisita. Pinapanood lang ni Chanyeol kung paano sila magpalit ng conversation. Naghahanap siya ng tyempo kung kailan siya pwedeng umalis.
“Wow, so Chanyeol in the modelling industry tapos si Sooyoung naman sa film industry din like Eugene?” Tanong nung Seojin sa papa niya. Tumango na may kasamang malaking ngiti ang parents niya dito.
“How I wish tuloy-tuloy ang pagtahak sa industry na nakaincline na sa pamilya niyo, sa amin kasi—”
Napatingin si Chanyeol sa gawi ni Baekhyun at nakita niyang nagpakawala na lang ito ng buntong-hininga. Hindi na rin natuloy nung Seojin ang sasabihin niya dahil biglang tinawag na ng host ang kaniyang parents dahil magsisimula na ang party within 5 minutes.
Sumama na silang magkapatid sa parents niya at pumunta na rin naman sila Baekhyun sa table nila kaya hindi na ulit sila nagkausap. Tanaw niya si Baekhyun mula sa kinauupuan niya at iisa lang ang ekspresyon nito simula nung may sinabi yung Seojin kanina.
Nagsimula na ang party. Nagbigay na ng mga welcoming messages ang mga parents nila. Nagkaroon na rin sila ng games, at dahil wedding anniversary ito, siyempre may portion para sa mga couples. Gusto nang umalis ni Chanyeol dito. Hindi naman siguro magagalit ang parents niya kasi magkakaroon din naman sila ng family dinner kinabuksan na sila-sila lang.
Naglakad-lakad na lang siya sa may dulong part ng garden nila. Baka kasi mawala yung antok niya kapag ginawa niya ito. Konti lang ang lights dito kaya hindi niya maaninag gaano kung sino yung figure na nakatayo ilang meters mula sa kaniya. Nung lumapit si Chanyeol, nakita niyang si Baekhyun lang pala ito na nakatingin sa langit kahit walang bituin.
“Bored ka na ano?” Tanong ni Chanyeol na nagpatingin kay Baekhyun sa gawi niya.
“Oo eh. Ikaw din ba?” Tanong nito pabalik.
“Yup. You know, kahit palaging may party, I’m not really a fan of it.”
Sabay silang tumingin sa kalangitan. Pagkatapos nang sandaling katahimikan, Chanyeol asked something. Nagbabakasali lang naman siya.
“Wanna get away here?” Tanong ni Chanyeol sa kasama niya.
“Pwede ba?” With Baekhyun’s voice, parang gusto niya na rin umalis sa lugar na ito.
“Oo naman—”
“Pero hindi ba magagalit sa’yo parents mo?”
“No. May dinner din naman kami tomorrow so it’s okay. Eh ikaw, hindi ba magagalit parents mo?
“Hindi. Itetext ko na lang kuya ko. They’ll be fine with it.”
Buti na lang at nasa bulsa lang ni Chanyeol ang car keys niya. He expected that this will happen—ang pagtakas niya pero ang hindi niya inakala ay si Baekhyun ang makakasama niya dito.
“So saan mo ba gustong pumunta?” Tanong ulit ni Chanyeol habang iniistart na niya ang kotse niya.
“I don’t have anything in my mind. Basta gusto ko lang makaalis dito.” Natatawang sagot ni Baekhyun habang inaayos niya ang seatbelt niya.
“Okay ba sa’yo mag-Tagaytay?”
Nag-approve sign si Baekhyun tapos ay umalis na sila sa lugar na yun.
They don’t know what they’re going to do sa Tagaytay pero siguro ang unang makikita nila doon ay ang kanilang peace of mind.
Binuksan ni Baekhyun ang back seat ng kotse ni Chanyeol. Doon na rin niya linagay ang inorder nilang pagkain at drinks sa Starbucks dahil habang papunta sa Tagaytay, doon lang nila narealize na hindi pala sila kumain doon sa party. Dumiretso muna sila sa cafe tapos naghanap sila kung saan nila pwede ipark ang sasakyan at doon na lang magsettle down. They are finally away from the city and crowd. Nakikita na lang nila ngayon ay ang madilim na kalsada sa Tagaytay habang kinakain nila ang cinnamon buns na binili nila. Nang natapos nila yun, inubos naman nila ang kanilang drinks.
Then there’s silence.
But what’s different from the silence Chanyeol and Baekhyun are experiencing right now is that it’s comforting.
Nakatingin silang pareho sa kalangitan na wala namang bituin katulad lang sa tinitingnan nila kanina sa bahay nila Chanyeol.
“Are you okay?” Baekhyun started the conversation. Napatingin na si Chanyeol sa kaniya.
“Parang sa’yo ko yata dapat itanong yan.” Sagot ni Chanyeol kay Baekhyun.
“But I asked first.”
“Hmmm..I’m a bit drained. Ikaw ba naman kausapin mo halos lahat ng kaibigan ng nanay mo sa showbiz eh tapos tinatanong nila ako about my work.”
“Sanay ka na ba sa ganun?”
“I guess so. Since Park ang surname ko, parang nakakakabit na yung expectations ng tao sa akin kasi nga kilala halos lahat ng kamag-anak ko sa industry.”
“But…do you love what you are doing?”
Chanyeol looked Baekhyun in the eye. Hindi niya inexpect na dadating ang panahon na may magtatanong sa kaniya nang ganito.
“I’m sorry if it’s—” Biglang sabi ni Baekhyun.
“No, it’s just that… ikaw ang unang tao na nagtanong sa akin niyan.” Chanyeol paused. Napansin niya ring nakatingin na si Baekhyun sa kaniya, like he is willing to listen sa ikekwento niya. “Siguro, oo? Masaya naman ako sa pagmomodel. I love posing in front of the camera. Ang nagbobother lang sa akin ay yung pressure with the people around me. Being a Park carries a lot of expectations and it’s suffocating sometimes.”
Naramdaman ni Chanyeol na parang unti-unting gumagaan ang pakiramdam niya… na lahat ng bagay na kinikimkim niya all these years.
“You know that feeling that you wanna do something you really love but you’re scared of what people will feel kapag nakita nila yung result?”
“Yes.” Mahinang sagot ni Baekhyun.
“I felt that...but I also learned to get away with that. It’s a long process and I think na-overcome ko lang siya nung nagsimula na ako sa Zhang Inc. I said to myself na I will create my own name. Natupad ko na yung pagiging model for a big company and I still have other dreams for myself...” Chanyeol felt the lump in his throat but still continued anyway. “...and nagpromise ako sa sarili ko na I’m going to achieve all of that because of my own hardwork.”
Teary-eyed na si Chanyeol pero nagawa niya pa ring ngumiti sa harap ni Baekhyun, kung saan nakita niya rin nitong ngumiti ito sa kaniya.
“I’m proud of you.” Baekhyun said sincerely and Chanyeol couldn't help but to look straight into his face while he said those words.
“Ikaw, kumusta ka?” Balik na tanong ni Chanyeol kay Baekhyun.
“Tired? Kasi nagkaroon kami ng reunion bago pumunta sa party niyo and ayon, it’s good to see my family naman except lang sa isang tao doon.”
“I’m gonna guess. Yung Seojin ba?”
“Yes. She’s like that ever since nung nalaman niya na hindi ako magtutuloy sa law school kasi ipupursue ko yung photography.” Huminga nang malalim bago ituloy ang kwento niya. “I studied polsci as my undergrad course. Way back 2nd year college, naaya ako ng friend ko sa isang photo exhibit and I was really amazed. I became curious about the beauty behind the lens of the camera. I researched, I became fascinated, I tried capturing shots tapos narealize ko na lang na I was happy doing it. I thought at first na baka hobby ko lang ito, kasi when I entered college with my course, I already planned na I must graduate with flying colors. Tapos ‘di ba we came from a family of doctors and lawyers din. It’s really tough… getting lost in your teenage years… kung tama pa ba yung daan na tinatahak mo or ito palang bagong nadiscover mo sa sarili mo yung totoo. Ang ending, I still graduated sa course na yun but pinursue ko na ang photography after nun.”
Uminom muna si Baekhyun ng drink niya after that long talk. He paused for a while tapos nagtuloy na ulit sa pagkwento.
“Nung college, that was my family clan’s dream, ang makapasok ako as a polsci student. But along those years, I found photography, and doon ko narealize na, wow, may pangarap na ako para sa sarili ko. Kahit nagkagulo nung sinabi ko sa kanila na hindi ko na itutuloy ang pagiging lawyer, it’s worth it. Sometimes, it’s okay if things don't go according to what you have planned, kasi malay mo, you’re leaning towards something better.”
Baekhyun ended his story with a smile. Nakatingin siya kay Chanyeol all throughout pero ngayon niya lang ulit nakita na nakangiti ito.
“Ang tapang mo. I’m so proud of you.” Baekhyun can see the sincerity and amazement in Chanyeol’s eyes nung sinabi niya ito.
“Siyempre, Taurus kaya ‘to?”
Nagtawanan lang sila tapos nag-usap ulit pero tungkol na sa ibang bagay. Their stories were a little heavy and gusto nila na mas gumaan naman ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa.
Hindi na nila namalayan ang oras at nakita na lang nila na around 2 am na. Babalik pa sila sa Quezon City at ilang oras din ang aabutin nun. Napagdesisyunan na nilang sumakay na sa kotse at bumyahe pabalik ng siyudad.
“Thank you for tonight, Baekhyun. I’m just a little afraid na I’m getting too comfortable around you.”
“Same lang naman. So, I guess we are friends now?”
“Sa dami ba naman ng beses na nagkita tayo...I guess we are really friends now.”
Baekhyun and Chanyeol searched for peace of mind.
They left the place with comfort found with each other.
